Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 15]
By: Crayon
****Aki****
11:25 pm, Thursday
July 03
Umiiyak akong naglalakad palayo kay Kyle. I know i look pathetic sa ayos ko pero i deserve this. Matapos ang mga ginawa ko sa kanya, i know i dont derve him as a friend. Nagpabulag ako sa galit at inis ko sa mga nangyari sa amin noon. Nakalimutan ko kung paano ang magmahal. Nakalimutan ko na tao lang din siyang nasasaktan. Nakalimutan ko kung paano maging ako.
Nang makarating ako sa kwarto namin ay napasalampak na lamang ako sa aking kama at napaiyak. Alam kong kahit ilang balde ng luha ang ilabas ng aking mata ay wala iyong magagawa para alisin o baguhin ang mga pagkakamali ko.
Ramdam ko kung gaano ang sakit na nararamdaman niya habang nagkekwento siya kanina. Alam ko at ramdam ko na noong una pa lamang kami na magkita ay gusto na niyang magkabati kami pero naging matigas ako. Itinaboy ko siya tulad ng ginawa niya sa akin noon. Pinili ko ang maghiganti sa kanya. Sobrang nanaig sa akin ang galit na hindi ko na nakitang ang taong sinasaktan ko ay ang taong mahal ko. Love was never about revenge, to love is to forgive.
Shit! What have i done!?!
Hindi ko maipigilang itanong sa aking sarili. Katulad ng lagi nilang sinasabi, nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko alam kung paano ko pa itatama ang mga nagawa ko o kung paano ako magagawang patawarin ni Kyle. Napakalaki kong gago, ako mismo ang gumagawa ng sarili kong problema.
Naalala ko nang minsan kong sinabi kay Kyle na "you'll never be truly happy if you're always afraid to do what makes you happy." Nakakatawang na sa sarili ko mismo ay hindi ko nagawang i-apply ang prinsipyo na iyon. Kay tagal kong pinigilan na mahalin si Kyle sa takot ko na masaktan muli and it ended up na si Kyle pa ang nasaktan ko.
Gusto kong balikan si Kyle at kausapin muli pero hindi ko alam ang tamang sabihin sa kanya. Kahit ako ay nahihiya sa mga nagawa ko. Kanina nga ay hindi ko nagawang magpaliwanag at ang tanging nasabi ko lamang ay sorry. 'Sorry' na wala ng magagawa dahil nasaktan ko na siya.
Napailing na lamang ako sa aking sarili.
****Renz****
11:35 pm, Thursday
June 03
Magha-hatinggabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Tanging si Kyle lamang ang tumatakbo sa aking isip, at ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa kanya.
Nagpaalam siya sa akin na may outing ang kumpanya nila sa Zambales ng dalawang araw. Nagpresenta ako na sumama pero hindi siya pumayag dahil nahihiya daw siya na magsama ng hindi naman empleyado ng kumpanya. Nangako siya sa akin na magtetext sa akin kapag nakarating na sila sa resort pero hanggang sa mga oras na ito ay wala pa akong natatanggap na text mula sa kanya.
Sinubukan ko siyang i-text at tawagan kanina bago ako mahiga sa kama pero wala ako nakuhang reply mula sa kanya. Inisip ko na lang na baka busy siya sa pagsisiya kaya hindi siya agad nakasagot pero hindi mawala ang kaba sa aking dibdib.
Masaya ako dahil sa mabilis na pagbalik ng closeness namin ni Kyle. Halos ginagawa na namin ang lahat ng bagay na ginagawa namin noon maliban sa pagtatalik. Hindi ko naman mapigilang mapangiti ng maalala ko ang eksena naming dalawa noong muli siyang matulog sa bahay makalipas ang dalawang taon ng hindi namin pagkikita.
Balak ko na pormal nang manligaw sa kanya kapag bumalik na siya mula sa Zambales. Ipinangako ko na lahat ng bagay na hindi ko nagawa para sa kanya noon ay pagsusumikapan kong gawin ngayon. Halos hilahin ko ang bawat sandali para magkita na kaming muli ni Kyle.
Hindi na ako nakapagpigil at kinuha ko na ang aking cellphone at tinext siya.
Renz: Jellyfish! Mukhang super busy ka ah, di ka man lang nagtetext... :(
Ipinatong ko ang aking cellphone sa ibabaw ng aking dibdib at hinintay na magreply si Kyle. Lumipas ang limang minuto pero hindi pa rin siya nagtetext kaya nagtype ako ng panibagong mensahe.
Renz: hinay-hinay ka po sa pag-inom ah? Hindi kita maaalalayan kapag lasing ka na. Tsaka behave ka po ah? Lagot ka sakin!!!! :P
Alam ko naman na hindi siya gagawa ng mga bagay na ginagawa niya dati dahil kitang-kita ko naman ang pagbabago hindi lamang sa kanyang pisikal na anyo kundi pati sa kanyang ugali. Muli ko siyang tinext bago ako pumikit.
Renz: Jellyfish! Matutulog na ako ha? Text mo ko bukas paggising mo. Tsaka wag mo na ako masyado isipin hindi ako makatulog eh. I miss you Kyle! C u soon!
Kahit mag-isa lang ako sa kwarto ay hindi ko mapigilang mapangiti.
****Kyle****
11:48 pm, Thursday
June 03
Nakakagaan sa loob na masabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa taong iniiyakan mo. Malungkot pa rin ako sa mga nangyari pero hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko na parang sasabog ang aking dibdib.
Mataman lang akong nakatingin sa dagat. Nakaka-engganyo ang lumangoy dahil sa ganda nito. Alam kong hindi na ako maaari pang mag-swimming dahil gabi na at delikado kung ngayon pa ako lulusong sa dagat, may kalakasan na kasi ang alon.
Pinasya kong umalis na sa batuhan at pumunta sa swimming pool na malapit sa cottages. Doon na lang muna ako magbababad para mawala ang tama ng alak sa akin.
Nang marating ko ang lugar ay nasiyahan naman ako dahil walang tao sa parteng iyon kung kaya makakapaligo ako ng tahimik. Inilapag ko ang aking wallet at cellphone sa isang sulok bago tinungo ang shower para makapag-kanlaw.
Dahan-dahan akong bumaba sa pool, masarap sa pakiramdam ang malamig na tubig ng pool. Naiibsan ang init na dala ng alak sa aking katawan. Tahimik akong naupo sa may hagdan pababa ng pool. Pinanatili kong nakalubog ang aking katawan sa tubig para mapreskuhan ako. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan ang sarili na ma-relax.
Buo na ang aking pasya na mag-resign. Alam ko sa sarili kong di ko na kaya pang ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko kela Aki. Saka ko na poproblemahin ang paghahanap ng trabaho.
Umaasa pa din ako na isang araw ay matututong magpatawad si Aki para sa muli naming pagkikita ay maging magkaibigan muli kami.
Noon ko lamang naalala si Renz. Nakalimutan ko siyang itext sa dami ng nangyari kanina. Lowbat na ang aking cellphone ng mga sandaling ito kaya hindi na ako umahon sa pool. Pagbalik ko na lamang sa kwarto siya itetext.
Nang masawa ako sa aking pag-upo sa hagdanan ng pool ay nagsimula akong lumangoy. Matagal na din simula ng huli akong makapag-swimming, idagdag pa na marami akong outing na namiss noong nakaraang dalawang taon dahil sa mga pinagdaanan ko. Kaya ngayon ay sinulit ko na ang pagkakataon at hinayaan ko ang aking sarili na lumangoy ng pabalik-balik sa magkabilang side ng pool.
Nasiyahan naman ako sa aking ginagawa dahil may kalaliman din ang pool na palalim ng palalim habang lumalayo. Nang sukatin ko ang dulong parte ay lubog na ako sa lalim. Nakailang laps na ako at medyo hingal na din ako pero gusto ko pang lumangoy.
Sinubukan ko muli ang isa pang lap pero kinapos agad ako ng hangin sa kalagitnaan ng aking paglangoy. Sinubukan kong tumayo pero nasa malalim na pala akong parte ng pool at hindi ko agad nakapa ang sahig. Napalubog ako at may tubig na pumasok sa aking bibig. Nang makapa ng mga paa ko ang sahig ay pumadyak ako paitaas para makakuha ng hangin. Uubo-ubo akong umangat ng tubig. Lalangoy na sana akong muli papunta sa gilid ng pool ng makaramdam ako ng matinding kirot sa aking mga binti. Parang pinipilipit ang laman ko sa binti, hindi ko inaasahan na pupulikatin ako sa aking mga ginagawa. Sinubukan kong hindi igalaw ang paa ko para mabawasan ang sakit pero lumulubog naman ako sa tubig sa tuwing titigil ako sa pagkawag. Maya-maya ay naramdaman ko ang parehong sakit sa kabila ko pang binti.
Nagsimula na akong mag-panic. Nahihirapan kasi ako na palutangin ang aking sarili at indahin ang sakit ng pulikat. Sinubukan kong humingi ng tulong pero kahit ako ay hindi ko maintindihan ang salitang lumalabas sa aking bibig dahil sa pagpasok ng tubig sa tuwing ibubuka ko ito.
Nararamdaman ko ang pagkahilo ko dahil sa kakulangan ng oxygen. Pilit kong pinapalutang ang aking sarili pero lalo lamang tumitindi ang pulikat sa magkabila kong binti. Para akong nauupos na kandila. Hindi ko naman mapigilan mapaluha sa aking kinalalagyan. Naawa ako sa kinahinatnan ng aking sarili. Ngayon ko narealize na napakaraming panahon ang sinayang ko sa nakalipas na dalawang taon.
Bago ako tuluyang lumubog ay sinubukan ko muli humingi ng tulong.
"Ak..... Aki tulungan mo ko... Aki...", iyon ang huli kong nasabi bago ako tuluyang lumubog sa tubig...
****Aki*****
12:34 am, Friday
June 04
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak. Nagising lamang ako dahil sa malalakas na katok mula sa pinto. Agad akong bumangon sa pag-aakalang si Kyle ang kumakatok.
Nang buksan ko ang pinto ay ibang tao ang nabungaran ko. Medyo nainis ako sa barumbadong pagkatok nito.
"Anong problema mo?", masungit kong sabi sa lalaki na empleyado ng kumpanya namin.
"Ahh, sir kasi yung assistant niyo pong lalaki nalunod.", nangangatog na sabi nung lalaki.
Hindi naman agad na-proseso ng utak ko yung sinabi ng lalaki, kaya pinagpaliwanag ko siya.
"Yung assistant niyo po na kinagalitan niyo kanina. Nakita po kasi nung kasamahan namin na walang malay na nakalutang sa pool. Andon na po sila Sam sa may pool area, hinahantay lang po yung ambulansya.", medyo kalmado ng sabi nung lalaki.
Pagkarinig noon ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa pool area na hindi naman kalayuan sa mga cottages. Hindi makapagisip ng diretso ang aking isip. Ang tanging tumatakbo sa utak ko ng mga oras na iyon ay napahamak si Kyle.
Nang marating ko ang pool area ay agad kong nabungaran ang kumpol ng mga tao sa gilid ng pool. Dinig ko ang boses ni Sam na nagpa-panic.
"Kyle, gumising ka naman please...", tarantang sabi ni Sam habang mahinang tinatapik ang pisngi ng walang malay na si Kyle.
Hinawi ko ang mga tao sa aking dinaraanan. Nang makita ko ang maputlang mukha ni Kyle habang nakahiga sa sahig ay agad akong naalarma. Hindi maaaring mawala si Kyle. Hindi ako makapapayag.
"Huwag kayong magkumpulan, spread out kelangan namin ng hangin!", matigas kong utos sa mga nakikiusyoso. Agad naman akong lumapit sa walang malay na si Kyle.
"Aki, you have to do something!", nang-aakusang sabi ni Sam. Alam kong kasalanan ko kung bakit nagkaganito si Kyle kaya tumango na lamang ako sa hysterical na si Sam.
Sinubukan kong pulsuhan si Aki sa leeg at sa kamay pero wala akong maramdaman. Para naman akong maiiyak sa mga nangyayari. Inilapit ko ang aking tenga sa hubad na dibdib ni Kyle at parang mawawalan ako ng bait ng wala akong marinig na tibok ng puso.
Agad kong inayos ang pagkakahiga ni Kyle, inipit ko sa aking mga daliri ang kanyang ilong at bahagyang ibinuka ang kanyang bibig. Naglapat ang aming mga bibig at pilit kong binugahan ng hangin ang walang malay na si Kyle. Matapos iyon ay pinump ko ng tatlong beses ang puso nito at nagmamakaawa na tumibok uli ito. Inulit ko ang prosesong iyon ng limang beses pero wala kaming nakukuhang response mula kay Kyle.
"Damn it Kyle! You can't leave me like this!", naiinis kong wika habang walang tigil ako sa pag-pump sa kanyang dibdib. Muli kong idinikit ang aking bibig sa kanya para bugahan siya ng hangin.
"Kyle, please....", naluluha na ako dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Dinig ko rin ang malakas na pag-iyak ni Sam sa kabilang gilid ni Kyle.
Hindi ko matanggap na mamatay si Kyle ng galit sa akin at dahil sa aking mga pagkakamali. Sa puntong iyon ay hindi ko na nagawang pigilan ang mga luha na tumulo sa aking mga mata.
Ito na yata ang kapalit ng lahat ng kasalanan na nagawa ko, ang mawala ng tuluyan ang taong mahal ko. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko at hindi ko nagawa para kay Kyle. May sampung minuto ko na ring pilit na nire-revive si Kyle pero parang walang nangyayare. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ng aking mga kaopisina sa aking balikat na parang nagsasabing wala na akong magagawa.
"Sir Aki, tama na po. Let's just pray for him.", wika ng kung sinumang humawak sa akin.
"No! Kilala ko si Kyle, alam kong hindi siya basta susuko.", umiiyak kong sabi habang nire-revive si Kyle. "Di ba Kyle? Sabi mo sa akin you're much stronger now, prove that. Please wake up now. Please Kyle, don't leave me again. Don't leave me this time, hindi ko kaya...."
Kahit ako ay nawawalan na ng pag-asa pero hindi ko magawang bumitaw. Hindi ko kayang panuorin na lang na mawala si Kyle. Lumapit na sa akin si Sam at niyakap ako para tumigil na ako sa aking ginagawa. Marahan ko lang siyang inilayo sa akin at bumalik ako sa pag-pump ng dibdib ni Kyle.
Nang wala akong makuhang response ay napayakap na lamang ako sa walang buhay ng katawan ni Kyle. Napahagulgol ako sa pagkawala ng taong mahal ko.
"I'm sorry Kyle. I'm so sorry... Please give me another chance, wag mo naman akong iwan ng ganito...", nanatili akong nakayakap kay Kyle habang tahimik akong umuusal ng panalangin.
"I love you Kyle, i always will.", wika ko ng pamamaalam kay Kyle. Wala na akong pakialam sa mga nakakarinig. Nakakalungkot lang na kahit gaano ko pa kalakas na sabihin ang mga katagang iyon ay alam kong hindi na ako maririnig pa ni Kyle.
Narinig ko ang kadarating lang na ambulansya, bahagya kong niluwagan ang yakap kay Kyle para sana dalhin siya sa ambulansya. Nagulat ako ng marinig kong umubo si Kyle. Akala ko ay pinaglalaruan lamang ako ng aking imahinasyon pero muli siyang umubo at naglabas ng tubig mula sa kanyang bibig.
Naghiyawan naman ang mga taong nakapaligid sa amin. Hinagod ko ang likod ni Kyle pero agad naman akong inawat ng mga paramedics na kadarating lang. Nakita kong nagmulat ng mata si Kyle, nakatingin siya sa akin pero hindi siya nagsasalita. Bago siya dalhin sa ambulansya ay muli siyang pumikit.
****Kyle****
7:34 am, Friday
June 04
Mabigat ang aking pakiramdam at medyo makirot ang aking ulo. Medyo disoriented pa ako. Minulat ko ang aking mata at ang una kong nasilayan ay ang puting kisame, nakasisilaw ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwartong iyon. Sinubukan kong bumangon pero parang latang-lata pa ako kaya pinili ko na lang na mahiga.
Nilibot ko ang aking mata at natanaw ko ang isang basket ng prutas sa lamesa sa gilid ng aking kama. Noon ako nakaramdam ng gutom. Tumingin ako sa paanan ng aking kama at noon ko lang napansin ang lalaking natutulog sa magkasalikop na kamay nito sa ibaba ng aking kama.
Anong ginagawa rito ni Aki? ,tanong ko sa aking sarili. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari bago ko makarating sa lugar na ito. Nag-outing ang kumpanya. Naiwala ko yung usb. Nakagalitan ako ni Aki sa harap ng madaming tao. Naglasing ako. Nag-usap kami ni Aki. Nag-swimming ako. Pinulikat ako. Nalunod ako. Iyon na ang huli kong natatandaan bago ko nawalan ng malay.
Muli kong pinagmasdan si Aki. Gwapo pa rin ito, maamo pa din ang mukha basta hindi ito nagagalit. Parang pagod na pagod ito. Gusto ko sana siya gisingin para patabihin siya sa akin ng makatulog siya ng maayos pero nagpigil ako. Baka galit pa din ito dahil sa katangahan kong ginawa kahapon.
Habang mataman akong nakatingin sa kanya ay bigla siyang napakislot na parang nagulat. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanyang naging itsura. Pupungas-pungas siyang napatingin sa akin.
"Gising ka na pala. Pasensya na nakatulog ako, may masakit ba sayo?", wika ni Aki sa akin. Tama ba ang naririnig ko? Nag-aalala ba siya? O baka masyadong madaming tubig lang ang pumasok sa baga ko at nililinlang lang ako ng aking isip.
"Wait lang tatawag ako ng doktor.", agad nitong sabi at lumabas na ng kwarto. Hindi na ako nakapagprotesta pa. Wala naman kasi akong masakit na nararamdaman maliban sa panlalata.
Maya-maya lang ay bumalik si Aki na may kasamang doktor. Matapos akong suriin ng doktor ay sinabi nitong okay naman ako at kailangan ko lang magpahinga at magpalakas.
"Oh pwede ka na pa lang makalabas eh, kelangan mo na lang magpalakas.", masayang sabi ni Aki. Hindi ko naman mapigilang manibago sa kanyang inaasal.
"Nagugutom ka na ba?", tanong nito sa akin. Bago pa man ako makasagot ay biglang umungol ang aking sikmura. Nakakahiya dahil alam kong narinig iyon ni Aki.
"Hehehe mukha ngang gutom ka na. Saglit lang magpapakuha lang ako ng pagkain sa nurse.", natatawang sabi ni Aki. Napako ang tingin ko sa mukha ng aking kaharap, parang kay tagal na simula ng makita ko siyang nakangiti. Halos hindi ko na nga maalala ang itsura niya kapag nakangiti. Ayaw ko sana siyang umalis sa aking tabi pero lumabas na siya para humingi ng pagkain sa nurse.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit biglang ang bait ni Aki? Anung meron? Hindi naman niya siguro sinisisi ang kanyang sarili sa nangyari sa akin.
Natigil ako sa aking pag-iisip ng bumalik na si Aki na may dalang tray ng pagkain. Nilapag niya ang tray sa lamesa sa tabi ng aking kama, lumapit siya sa akin at tinulungan ako na makaupo.
"Humigop ka muna ng soup para hindi mabigla ang tiyan mo.", malambing nitong sabi na nakapagpataas ng balahibo ko. Nasanay na ako sa masungit na Aki kaya parang napakalaking issue sa akin na mabait ang acting niya ngayon.
Akma niya akong susubuan ng kuhanin ko ang kutsara mula sa kanya. Hindi naman ako paralitiko at kaya kong kumain na mag-isa. Ayaw ko na lumaki ang utang na loob ko sa kanya, baka isumbat niya pa iyon kapag nakalabas na ako sa ospital.
"Hindi na, ako na ang magsusubo sa iyo. Mahina ka pa. Ibuka mo na lang yang bibig mo.", saway sa akin ni Aki. Wala na akong nagawa kundi ang ngumanga. Tahimik akong kumain. Hindi rin gaano nagsasalita si Aki habang pinapakain ako.
Matapos kumain ay dumating naman si Sam. Napangiti naman ako sa pagkakita sa kanya.
"Oh my God! Bebe ko! Buti naman gising ka na!", nagtititili nitong sabi habang lumalapit sa akin. Binigyan ako nito ng isang mahigpit na yakap.
"Kumain ka na ba beh? Gusto mo ng fruits?", nag-aalalang tanong ni Sam.
"Oo, pinakain na ako ni Mr. Del Valle.", pinili kong panatilihin ang kapormalan sa pagitan namin ni Aki para hindi ako madisappoint kung sakaling pinagtitripan na naman ako nito.
"Very good! Sir bakit hindi ka muna umuwe ako ng bahala dito kay Kyle.", wika ni Sam kay Aki
"Hindi ok lang ako, babantayan ko lang si Kyle dito.", pagtanggi ni Aki.
"Alam mo sir kelangan mo ng umuwi. Kagabi pa yang suot mo, puno na yan ng bacteria at hindi iyon makakabuti kay Kyle. Tska ambaho mo na sir.", nangiinis na sabi ni Sam.
Hindi ko naman mapigilang mapahagikgik sa kakulitan ni Samantha. Bahagyang pinamulahan ng mukha si Aki sa sinabi ni Sam. Lalo lamang siya gumwapo sa kanyang ayos.
"Kyle, maliligo lang ako saglit pero babalik din ako.", paalam ni Aki sa akin. Namumula pa din ang kanyang pisngi dahil sa biro ni Sam.
Tumango lang ako at pinanood ang paglabas ni Aki sa kwartong iyon.
"Ok ka na ba? Wala na ba talagang masakit sayo?", tanong ni Sam pagkalabas ni Aki.
"Wala naman, bakit?"
"Mabuti naman, grabe ka! Pinakaba mo ko kagabe kala ko talaga matetegi ka na!!! Bakit naman kasi hindi mo sinabing suicidal ka pala!", dire-diretsong litanya ni Sam.
"Sobra ka! Hindi ako suicidal no! Naisipan ko lang naman magswimming tas bigla na lang pinulikat yung dalawa kong binti nung nasa malalim na akong parte ng pool. Ayun hindi na ako nakalangoy.", pagkukwento ko sa kanya.
"Bakit kasi nagpaka-emo ka? Maghapon kaya kita hinahanap, hindi kita makita."
"Lumabas lang naman ako ng resort para makaiwas kay boss. Anu bang nangyare kahapon? I mean nung wala ako tas nung nag-pass out ako."
"Ayun, na-guilty ata yung amo nating anak ng bulkan at hinahanap ka sa akin, eh wala naman akong masabi sa kanya dahil di rin kita makita. Alam ko hinalughog din niya ang buong resort pero wala siyang napala. Tsaka kung alam ko man kung nasaan ka hindi ko sasabihin sa kanya, hahayaan ko siyang mapagod sa paghahanap."
"Ganun ba? Sino nakakita sa akin sa pool?"
"Yung isa nating kasamahan, si Leonard. Hindi ko alam kung kilala mo yun basta nung nakita ka niya nagsisisigaw na sya. Inahon ka niya sa pool tapos pinatawag niya na si boss. Sila John at Lyka naman ang makukupad na tumawag ng ambulansya. Nag-quickie pa ata ang dalawa, pambihira ang tagal dumating nung ambulansya samantalang tatlong split lang yung ospital mula sa resort.", hindi ko mapigilang matawa habang nagkukwento si Sam nanatili lamang akong tahimik at hinayaang magpatuloy si Sam.
"Grabe talaga beh! First time ko maka-experience ng ganito eh, nung iahon ka sa pool pinulsuhan ka nila kaso waley na! Wala naman marunong mag-mouth to mouth sa aming mga nag-iinuman. Kaya ang lola mo, umiyak na lang! Hahahaha", natawa na lang din ako sa kakengkoyan at kainosentihan ni Sam.
"Beh ang iyak ng mama mo pang-best actress!!! Kakabugin ng ngawa ko ang iyak ni Nora at Vilma! Hahaha grabe naman kasi ang itsura mo parang may isang oras ka nang nalunod! Tas wala kaming magawa."
"Pasensya na, pinag-alala ko pa kayo.", paghingi ko ng paumanhin.
"Keri lang yun beh, lesson nga sa amin yun eh. Balak ko nga pagbalik ko sa Maynila, mag-aaral ako ng mga first aid kyeme. Lalo na yung mouth-to-mouth panu kung sa boyfriend ko yun mangyare, ayaw ko naman na panuorin na lang siya ma-dedz.", wika ni Sam habang nagbabalat ng orange. Inalok niya ako at masaya ko naman itong tinanggap.
"Teka, medyo natatandaan ko kagabi nung nagkamalay ako, nandoon din si boss tama ba?", pagkukumpirma ko dahil hindi rin ako sigurado sa aking nakita.
"Trueeeee! Andun nga siya! At magpasalamat na rin tayo at nandon siya. Siya lang ang marunong mag-first aid."
"Ganun ba?", yun lang ang nasabi ko.
"Ganun nga beh! Take note walang atubili siyang minouth to mouth ka sabay push sa iyong dibdib. Taray mo! Kahit na sabihing may tama sa utak ang boss natin marami pa djn sa opisina ang nangangarap na mahalikan siya. At ikaw ang binayayaang madama ang labi niya ng gabing iyon.", hindi naman ako nakasagot kay Sam dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"Pero hindi yun ang bumabagabag sa aking kalooban, kundi yung acting ni boss. Nung hinahanap ka niya nawi-weirduhan na ako noon pero nung nag ala-little mermaid ka na nalunod teh! Iba! Parang romeo and juliet ang eksena!", exaggerated na pagkekwento sa akin ni Sam.
"Alam mo ang imahinasyon mo parang kiti-kiti, masyadong malikot.", komento ko.
"Wit! Hindi ako gumagawa ng kwento. I quote, I love you Kyle, i always will , end qoute! Iyan ang sabi ni Aki! Parang tumigil ang mundo beh! Lahat napatunganga, hindi kami makapaniwala sa aming narinig!", patuloy na litanya ni Sam.
"Baka mali ka lang ng rinig.", sabi ko kay Sam. Parang hindi naman kasi posibleng mangyari na sabihin iyon sa akin ni Aki lalo na sa harap ng mga empleyado niya.
"Nooooooo! Dahil hindi lang ako nakarinig. Pagbalik ko sa resort matapos kang dalhin sa ospital, dinumog ako ng mga kasamahan natin at ako ang pilit na ini-interrogate! Wala naman akong masabi kasi clueless din ako, so its your time to share kung anu ang nangyari. Kahit naman noon napapansin kong may mali hindi lang ako nagtatanong kasi hindi ako sigurado. Pero ngayon may ebidensya na at sigurado akong may hindi ka pa nakekwento. Anu ba talagang nangyari sa inyo ni Aki?", seryosong tanong ni Sam habang nakatingin sa akin.
Huminga naman ako ng malalim. Since paalis naman na dinako ng kumpanya at hindi na rin naman iba sa akin si Sam kaya napagdesisyunan kong ikwento sa kanya ang nakaraan.
....to be cont'd....
Hay salamat naman mr crayon at nag update kana :)))
ReplyDeleteThank you Mr Author!! Tagal kong hinintay to!
ReplyDelete-dufei-
Sobrang excited lang na may update na... comment muna bago basa... Thank U soooo much Mr. Author
ReplyDeleteSalamat sa update! Sulit ang paghihintay...
ReplyDelete-arejay kerisawa
Iloveyou and i always will...
ReplyDelete-arejay kerisawa
salamat po, sana magregular na ung update
ReplyDeletekylie.bog2
Thank you po sa pag-update. Hehe God Bless po Author. :D
ReplyDeletecool
ReplyDeletemarc
MARAMING SALAMAT!!!
ReplyDelete-black.skull