Followers

Wednesday, October 9, 2013

MUMU Sa Library 15 & 16

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Part 15
Gero's Point of view
"Oh Kheem! Napadalaw ka?" bati ko dito at nakipag manly hug bago naupo sa tabi nya. Mukhang importante ang sadya na dahil napaka aga pa para sa tamang oras ng pagbisita sa ibang bahay.
"Nag away kami ng kapatid ko kagabi pagkauwi galing sa bar " simple nyang sagot at tiningnan ako.
"Huh? Bakit?" taka kong tanong sa kanya. Kung nag away sila pwede naman sigurong silang dalawang magkapatid ang lumutas dito,bakit kailangan maisali pa ako?

"Nagalit sya na ipinakilala ko sya sa inyo,nasabi ko na din sayo kagabi kung anong kalagayan nya." aniya pa.
Bumuntong hininga ako,parang may kung anong biglang tumusok sa puso ko,ganun ba katindi ang kagustuhan ni Kaiicen na kalimutan kami? Ako? Na para bang napakalaki ng galit nya sa amin? Wala akong matandaang pinakitaan namin sya ng masama noon kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit?
"Hindi ko na sya maintindihan,gumaling nga sya mula sa dati nyang trauma pero para syang biglang nagbago,pakiramdam ko ay naaalala talaga nya kayo pero pilit syang nagpapanggap na hindi,nagagalit sya pag tinatanong,pakiramdam ko ibang tao na ang kapatid ko" pagpapatuloy ni Kheem.
Naiintindihan ko sya,kahit sinong kapatid ay malulungkot kung may kakaibang mangyayari sa kapatid nya,kung kina kuya Zander at Nichi siguro may mangyari baka mabaliw din ako kakaisip. Napadaan ang isa sa mga maid namin kaya inutusan kong dalhan kami ng juice,tumanggi kasi si Kheem na kumain.
"Sa totoo lang tol,yan lagi ko iniisip,anong pwede nyang rason? Alam mo namang wala kaming pinakitang masama sa kanya,minahal namin sya... At...Minahal ko sya.. Hindi,mahal ko pa din sya hanggang ngayon" nasabi ko na lang. Naguluhan naman ako sa naging ekspresyon ni Kheem,parang gulat na gulat at nanlalaki pa ang mga mata.
"Oh bakit?" taka kong tanong.
"Mahal mo ang kapatid ko kahit noon pa?" hindi makapaniwalang tanong nya. Hindi ba nya alam? Maghahabol ba ako dati kung hindi? Tumango ako bilang sagot
"Kaya ganun ka na lang sa kanya dati? Hmmn,now I understand" sabi pa nito at hinawakan ang baba na para bang may malalim na iniisip. Dumating ang maid at inilapag ang dalawang basong may juice,agad akong uminom,pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.
"Kung ganun,magtulungan tayong maibalik sya sa dati bro,yung dating Kaiicen,alam kong malaki ang maitutulong mo at ng tropa,lalo na ang pagmamahal mo" aniya at uminom din.
"Seryoso ka ba? Paano? Eh parang bato na ngayon ang kapatid mo" nag aalangan kong sabi.
"Gero! Sa kwarto lang kami!" dinig kong sigaw ni kuya Kebin,paakyat sila ni Myk kaya nginisihan at tinanguan ko sila.
"Matagal na ba sila?" biglang tanong ni Kheem na parang na amaze pa talaga kaya napangiti ako.
"Oo,mag seven years na"
"Wow! Talaga palang uso na ang ganyan. Anyway,ayon nga,magtulungan tayo,unti untiin natin ang kapatid ko,alam kong parang may pumipigil lang sa kanya,alam kong may mabigat syang rason" ani Kheem at parang nag isip ulit ng malalim.
"Pano? Baka magalit yon?" alangan ko pa ding sabi. Ewan ko,parang kakaiba at nakakatakot na si Kaiicen ngayon.
"Malamang,pero mahal mo sya diba? Kaya hindi tayo titigil,basta gagawa ako ng paraan para makasama nyo sya ng hindi nya napapansing planado yon,and the rest,diskarte nyo na,diskarte mo na" aniya.
Magdadalawang oras na mula ng makaalis si Kheem pero iniisip ko pa din ang pinag usapan namin. Kaya ko bang maibalik sa dati si Kaiicen? Ang Kaiicen na nagpapabilis at nagpapalakas ng kabog ng puso ko?
Ang Kaiicen na hindi nawala sa aking isipan sa loob ng anim na taon. Ang Kaiicen na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko. Oo kaya ko ito,natiis kong wala sya sa piling ko ng anim na taon and I dont think na kaya ko pang magtiis ng isa pang anim na taon.
Kailangan maibalik ko sya,and this time,ipaparamdam ko na sa kanya ang pagmamahal ko ng walang pag aalinlangan. Napangiti ako at bumangon,may kakilala ako na makakatulong sa akin kahit papano,pwede nya akong bigyan ng payo. Kailangan ko syang puntahan. Agad na akong tumayo at tinungo ang banyo para maligo.
Ng matapos ay nagbihis na at nagmadali na akong tinungo ang aking kotse. Hindi ko alam,pero hindi ko maiwasang mapangiti,parang nabubuhayan ako ng loob,nagkakaroon ako ng mumunting pag asa. Ng makarating sa pakay kong lugar ay agad ako bumusina,pinagbuksan ako ng gate at nagpark ako sa garahe,pagbaba ko ay sinalubong ako ng isang katulong.
"Magandang araw po senyorito Gero" bati nito sa akin.
"Magandang araw din,si Tito Ian?" agad kong tanong at naglakad na kami papuntang front door ng mansyon.
"Nasa may court sa likod,naglalaro po sila ni senyorito Brylle ng basketball" sagot nito at pumasok kami sa loob.
"Si Tito Page?" tanong ko naman habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng mansyon,halos kasing laki lang ng sa amin.
"Umalis po sila ni senyorita Pauline,pupunta lang po ako sa court para sabihing nandito ka" anito at tatalikod na sana pero pinigilan ko.
"Huwag na,ako na lang pupunta sa kanila,maraming salamat" sabi ko sabay ngiti at naglakad papunta sa dirty kitchen,nandun kasi ang pinto papunta sa likod kung saan nandun ang court nina Tito Ian.
 Malapit na ako sa court ng mapansin ako ng magtatay,agad na ibinato sakin ni Brylle ang bola na nasalo ko naman,napangiti ako,nag dribol,at mula sa pwesto ko ay pumorma na ako at inihagis ang bola. Shoot! Three points! Agad silang lumapit na nakangiti sa akin,nag manly hug kami ni Brylle at nag mano ako kay Tito Ian.
"Oh pinsan anong atin? Hindi ka din pumasok?" ani Brylle habang nagpupunas ng pawis,naupo kami sa may bench na hindi gaanong nasisikatan ng araw.
"Oo eh,may kailangan kasi akong asikasuhin at kailangan ko tulong ni Tito Ian" sagot ko.
"Tulong saan pamangkin?" ani Tito Ian na nagpupunas din ng pawis. Kahit may edad na makisig pa din,manang mana sa kanya si Brylle.
 "Ah Tito,confidential kasi eh" sagot ko na nag aalangan habang nakatingin sa kanya bago ko binaling ang tingin ko kay Brylle na parang na gets naman ang gusto ko ipahiwatig.
"Saglit lang Pa at insan,kukuha lang ako ng maiinom at pagkain" ani Brylle at tumayo,sinundan namin sya ng tingin hanggang makapasok sa bahay.
"Tungkol saan ba ito Gero?" seryosong tanong ni Tito Ian,huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Gusto ko pong malaman kung paano nyo naibalik sa dati si Tito Page?" seryoso kong tanong. Halatang nagulat si Tito Ian bago nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Patay!
Part 16
Gero's Point of view
"Tungkol saan ba ito Gero?" seryosong tanong ni Tito Ian,huminga ako ng malalim bago sumagot. "Gusto ko pong malaman kung paano nyo naibalik sa dati si Tito Page?" seryoso kong tanong.
Halatang nagulat si Tito Ian bago nagsalubong ang kanyang mga kilay. Patay! Tinitigan ako ni Tito Ian,medyo kinabahan ako,alam kong sensetibong bagay ang aking tinanong pero hindi din naman iyon naging sekreto sa aming pamilya.
"Bakit gusto mong malaman?" pagkuway sabi ni Tito Ian. Ito na,dapat ko ng sabihin,alam kong malaki ang maitutulong nya sa akin.
"Kase po tito,yung mahal kong tao eh parang natulad kay Tito Page,the only difference is,ramdam namin na nagkukunwari lang syang hindi nya kami naaalala,kaya gusto ko sanang malaman kung ano ang mga ginawa mo at ng mga kaibigan mo noon para maibalik si Tito Page sa dati,sinuyo mo ba sya? Kinulit? O ano ba?" mahaba kong sagot.
Sakto dumating si Brylle dala ang isang tray na may lamang isang pitsel ng juice,tatlong baso at anim na sandwhiches,umupo sya sa tabi ko.
"Nung mga panahon na nagkaroon ng split personality ang Tito Page mo ay halos mabaliw ako,hindi ko alam kung anong gagawin ko,hindi ko matanggap na kilala nga nya ako pero wala naman syang maalala tungkol sa aming dalawa" panimula ni Tito Ian,nagsalin ng juice sa baso nya at uminom.
"Mukhang sensitive ang pinag uusapan nyo Pa at insan ah?" pagsingit ni Brylle,tumango ako bilang sagot then tiningnan ko si Tito Ian na parang may binabalikang alaala sa nakaraan.
"Makinig ka din Brylle,may matutunan ka dito" ani Tito Ian.
"That time,panay kami plano ng tropa kung paano namin maibabalik sa dati ang Tito Page nyo,kung paano ko sya maibabalik sa akin,hindi ko kayang mawala sya sa akin,mahal na mahal ko sya, at sa palagay ko,malaki ang naitulong ng pagmamahal ko sa kanya at ang pagmamahal ng tropa dahil isang araw,papunta kami sa isang resort,bigla na lang syang bumalik sa dati, hindi namin alam kung paano iyon nangyari,pero ako,alam kong ang pggmamahal ko ang isa sa dahilan,ang hindi ko pagsuko" mahabang dugtong ni Tito Ian, napanganga kami ni Brylle. Ganun pala katindi ang kapangyarihan ng pag-ibig? Ganun pala ito kalakas? Ngayon,lalo lumakas ang loob ko na magpatuloy,lalong gusto ko iparamdam ang pagmamahal ko kay Kaiicen. Kung ang mga magulang ko at mga tito ay nagawa ito,siguro naman ako kaya ko din? Kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Kaiicen.
"Oh,natahimik kayong dalawa?" "Ganun mo kamahal Pa si Papa?" manghang tanong ni Brylle kay Tito Ian.
"Oo anak sobra,hindi kami tatagal ng ganito kung hindi,gusto kong sa kahuli hulihan kong hininga ay nasa tabi ko sya at maiparamdam ko pa din ang pagmamahal ko kahit sa huling sandali" seryosong sagot ni Tito Ian,lalo akong hindi nakapag salita. Kaya ko ba? Kaya ko ba talagang gawin ang lahat para sa pagmamahal ko kay Kaiicen?
"Idol talaga kita Pa!" ani Brylle na biglang niyakap si Tito Ian,napangiti na lang ako. Napaka swerte namin sa mga magulang namin,kasi kahit si Mama at Papa ganyan din samin,wala na kaming mahihiling pa.
"Ikaw talaga!"ani Tito Ian kay Brylle na ginulo ang buhok,natawa ako,parang bumalik sa pagkabata ang pinsan ko.
"Oh natatawa ka na dyan Gero,naliwanagan ka na ba? Sino ba itong babaeng to pamangkin? Baka kilala namin ng pinsan mo"
"Uhm tito,insan..Actually hindi sya babae,tulad sya ni Mama,tito Prue at tito Eiko, ang pangalan nya ay Kaiicen Ongpauco" sabi ko agad.
 "Huh?" sabay nilang sabi.
"Hmmmn.. Mas kumplikado kasi ijo ang ganitong uri ng pag ibig,alam kong alam mo yan diba? Pero kung talagang mahal mo,ipaglaban mo,huwag ka bumitaw,huwag kang susuko,dahil sa huli,sinasabi ko sayo,walang patid na kaligayahan ang matatamo mo pag nagtagumpay ka"
 "Good luck pinsan!" nakangising dagdag ni Brylle. "Maraming salamat po Tito Ian,madami akong natutunan,salamat po talaga!" buong pusong pagpapasalamat ko.
Ngayon ramdam ko na ang pagkabuo ng aking pag asa. -----
"Hello Kheem nasan si Kaii?" agad kong sabi pagkasagot ni Kheem sa tawag ko,mahaba pa ang araw kaya sa tingin ko ay pwede akong magsimula ngayon.
 "Nasa isa sa mall namin,sa south, hmmm paborito nyang tambayan dun ang tabi ng fountain" sagot nito,nagpasalamat ako at tinapos na ang tawag,agad ko ng pinaharurot ang kotse ko papunta sa Mall,may 30 minutes na byahe kung matrapik,pero nasa 15 minutes lang siguro pag hindi.
Ng marating ko ang Mall ay agad ako nagpark,agad akong nagmadaling pumasok,lakad takbo na ginagawa ko at napapatingin na sa akin ang mga tao pero wala akong pakialam.
Narating ko ang ground floor kung saan naroon ang fountain at ang kids zone. Agad kong nakita ang nakatalikod na bulto ni Kaiicen,pinapanood nya ang mga batang masayang nag ba-bump car. Huminga ako ng malalim,nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Sa ganito palang ito na nararamdaman ko,pano pa kaya pag malapitan na? Pinag masdan ko ang nakatalikod na Kaiicen,medyo may kahabaan na ang buhok nya,hanggang batok,maganda ang damit nya. Ang laki talaga ng pinagbago nya,hindi na sya yung simpleng Kaiicen,pero masaya ako para sa kanya,at kahit ano pa mang mangyari hindi magbabago ang katotohanang mahal ko sya. Parang gusto ko tuloy sya yakapin,biglang nagflashback sakin ang mga alaala namin six years ago.
Pero hindi ito ang panahon para mag drama. Huminga ako ulit ng malalim bago naglakad,kunwari patingin tingin ako sa paligid hanggang mapatingin ako sa kanya at parang sinasadya naman na napatingin sya sa akin.
"Hi! Fancy seeing you here!" nakangiti kong bati. Ang ngiti nya habang pinagmamasdan kanina ang mga bata ay nawala ng makita ako,para bang nataranta sya.
"I-ikaw pala,anong ginagawa mo dito?" aniya,ako na ang lumapit at tumabi sa kanya,para naman syang nakuryenteng umusog,pero pinabayaan ko sya.
"Nabored ako sa bahay,then nag decide akong mag Mall,eh isa to sa bagong mall diba? Kaya I decided roaming this place" nakangiti kong sabi at tiningnan sya,agad naman syang nag iwas ng tingin.
"Ah.. Uhm yes,bago lang ito,actually sa amin din ito,nandito din ako para maglibot at tingnan ito" aniya na parang naiilang. Bakit kaya? Parang nandidiri sya sa akin at nahihiya na ako ang kasama nya,pero hindi ako susuko kaya nagsalita ulit ako.
"Wow! That's good to know,so pwede mo ba akong samahan mag ikot ikot? Since yun din naman ang pakay mo diba?" sabi ko pa para hindi na sya makalusot pa. Parang nag alangan sya at matagal na nag isip. Nakaramdam tuloy ulit ako ng pagkalungkot,para bang talagang inaayawan na nya ako.
"Ah eh...Ahmm sige pero ano,hanggang 5PM lang ako dahil may kakausapin pa akong mga tao ng Ongpauco Group of Company" ang parang napilitan nyang sabi. Mabuti na to kesa sa wala.
This is STEP 1.
 "Sure! Thank you sa pagpayag!" masaya kong sabi at hinawakan ang kamay nya at tumayo,magsisimula na sana akong maglakad ng magsalita sya.
"Uhm.. Yung kamay ko" Shit! Nahalata agad! Ang ilap na nya talaga!
"Ay! Hehe pasensya na" pahiya kong sabi at napahawak pa ako sa batok.
"So tara na?" dagdag ko pa.

 "Sige" simple nyang sagot at nagsimula ng maglakad,sinundan ko naman agad sya para magkasabay kami. Mukhang matagal na proseso ang mangyayari. Pero hindi ako susuko hanggang sa bumalik sya sa dati at maalala nya ako

6 comments:

  1. bakit ganun?
    bakit parang nawawala sa lugar ang mga "points of view"?
    bakit parang di nakafocus sa tao na nagpiPOV?

    tsaka parang medyo nawawala sa diskarte ang mga pasaklye at pandagdag eksena.
    hehe..

    pero atos parin nmn.

    looking forward da next chapter.

    go! go! go!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po ng marami :) pasensya na po kung nawawala ang Pov sa ayos at magulo,ganyan po cguro pag baguhan hehe! Again,marami pong salamat! Sana po ipagpatuloy mo pagbasa kahit magulo xD

      Delete
  2. Thank you po ng marami kuya Ponse! Ensya na sa abahala. Hirap na talaga ako mag net xD THANK YOU po ulit =)

    ReplyDelete
  3. paulit ulit at pare-pareho lng po mga kwento nyo kya nwalan aq ng ganang mgbasa kahit s wattpad, sna maiba nman.. Sana wg nyo masamain pero yun ang totoo

    ReplyDelete
  4. i agree, nagbabasa din po aq sa wattpad. Medyo nakakaumay na nga mga story mo dun, sana medyo makatotohanan naman ang mga kwentn.ang gagaling ng mga idol mo sna maging inspirasyon mo sila s pagsusulat.

    ReplyDelete
  5. ayan! salamat ng marami!

    tonix

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails