" yung pulang kotse sa likod natin kilala mo yun.?" napatingin naman ako sa salamin ng sasakyan.. "nakita ko yan nakapark malapit sa kotse mo tapos nakasunod ngayon satin.. Kilala mo .?"
" si earl yan."
" stalker..? Parang matagal ko ng nakikita yang sasakyan na yan.."
" talaga ang sabi niya sinusundan niya raw ako lage.?'
" ah may topak.." natawa lang ako sa sinabi ni raymond. " itigil mo yung sasakyan." kumunot lang yung noo ko sa sinabi niya.
" hayaan mo nalang sya mond."
" itigil mo gusto ko lang makita kung anong itsura ng hayop na yan."
" tigilan mo nga mond.."
' itigil mo."
" mond naman eh."
" itigil mo sabi.." sinimangutan ko naman sya saka iginilid yung sasakyan tumigil din naman yung pulang kotse sa likod namin.
" mond umayos ka huh."
" don't worry kaya ko naman siguro sa sapakan yang earl na yan eh."
' baliw ka tara na nga."
" wait lang.." saad ni raymond saka lumabas ng sasakyan sumunod naman ako sa kanya.. Kita ko lang na bumukas din yung sasakyan ni earl saka to lumabas na nakangiti samin ni raymond
" hi raymond.." salubong ni earl pag lapit namin ni raymond dito.. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko ng mga oras na yun.. Kita ko lang yung ngiti ni earl samin na lalong nagpakaba sakin.
"so ikaw si earl.?" kita ko lang yung titig niya dito. " kamukha ka nga ni alvin pero kahit kamukha mo pa sya di mo maagaw sakin si carlos." sarkastikong ngiti lang ang binigay dito ni raymond.
" really.?"
" earl di ba sinabi ko na sayo na tigilan mo na to.. Nagsasayang ka lang ng oras please naiintindihan mo naman yun di ba.?" saad ko lang dito.
" at carlos natatandaan ko kasi sinabi ko din sayo na hindi ako susuko.. Mahal kita so bakit ako susuko.?" ngiti lang ni earl sakin kita ko naman yung pag ngalit ng ngipin ni raymond.
" mond relax." saad ko lang kay raymond saka humawak sa braso niya. " earl mahal ko si raymond."
" at mahal din kita." saad ni earl habang nakatingin kay raymond tinanggal naman nito yung kamay ko sa braso niya saka lumapit kay earl.
" pakiulit nga yung sinabi.?" gigil na saad ni raymond tumabi lang ako sa kanya saka muling humawak sa braso nito.
" ulitin ko ang alin..? Na mahal ko si carlos? Yun ba.. Mahal na mahal ko sya ng higit pa sa pagmamahal mo sa kanya... Higit pa sa kaya mong ibigay." ngiti ni earl hinawakan naman ni raymond yung kwelyo nito.
" mond tama na please.. Tara na" awat ko lang dito.
"bitiwan mo ko." ngiti ni earl dito.. " raymond sa pagkakaalam ko may pinagaralan ka kaya bibitawan mo ko."
" oo may pinagaralan ako pero kaya kong basagin yang mukha mo kaya layuan mo kami kung ayaw mong gawin ko sayo yun.!"
" tama na mond pwede.?" saad ko pero sinamaan lang ako ng tingin nito.
" really." sarkastikong ngiti ni earl saka hinawi yung kamay ni raymond at inundayan ng isang malakas ng suntok dahilan para mabitawan nito si earl. Kita ko naman yung gigil sa mukha ni raymond pero humarang ako. " bakit kita hahayaang basagin yung mukha ko.. Sinisigurado kong yung mukha mo muna..!"
"gago ka!" sigaw ni raymond dito.
" earl umalis ka na polease.. Parang awa mo na.. Tama na.." aktong susugurin naman ni raymond si earl ng muli lang akong humarang. " mond tama na please."
" i love you carlos." ngiti ni earlk sakin kita ko lang yung galit sa mukha ni raymond habang pinupunasan yung dugo sa labi nito.
" asa kang magugustuhanka niya."
" bakit hindi."
" earl tama na nanaman oh.. Itigil mo na to.. "
" hindi ako titigil.. Kasi ayokong mapunta ka sa kanya.. Hinding hindi kasi hindi ako papayag."
" iba ka rin noh... Hindi ka niya magugustuhan kasi ako ang mahal ni carlos.. Ako lang.. Kaya kung ayaw mong mabasag yang mukha mo.. Umalis ka na.."
" alam mo raymond lumaki ako na pinagtatangol yung sarili ko.. Kaya i doubt it kung kaya mo yung sinasabi mo.."
" tama na earl umalis ka na.." nagulat lang ako ng hawiin ako ni raymond saka hinarap si earl. " mond tama na please."
" hindi mo ko kaya mond.. Hindi." ngiti lang ni earl.
"talaga.?" saad ni raymond saka isang malakas na suntok ang pinakawalan nito kay earl kita ko lang yung pag twa ni earl pag katapos ng suntok na yun.
" napakahina... Napakahina raymond.. Yun na ba yun.?"
"mahina ba.?"
" carlos bakit hindi mo kami hayaan ni raymond ng malaman natin kung kakayanin ba niya ko.. "
" tama na earl please."
" mk hayaan mo na kami.. Babasagin ko lang yung mukha niya."
" tigilan mo mond.. Umuwi na tayo.. Earl umuwi ka na please." hinawakan ko lang yung kamay ni raymond saka hinila si raymond pabalik sa sasakyan.
" bitiwan mo ko mk." malapit na kami sa sasakyan ng tangalin ni raymond yung kamay ko.
"mond enough.. Tama na pwede.. Please lang."
" bakit ba parang concern na concern ka dun.. "
" i know your secret raymond." sabay lang kaming napalingon kay earl ng marinig yung sinabi nito. "alam ko lahat raymond.. Lahat lahat."
" anong sinasabi mong gago ka huh."
" alam ko yung sekreto mo.. Gusto mo bang sabihin ko kay carlos.. Im sure pag nalaman niya to..katapusan mo na." ngiti ni earl napatingin lang ako kay raymond pero umiwas lang sya ng tingin.
" gago ka wala akong sekreto.."
" oh talaga. Eh bakit parang nataranta ka.?"
" mond ano yung sinasabi niya.?"
" wala... Wala akong secrekto mk.. Walang wala.."
" wala..? It wasn't an accident di ba raymond.. "
" accident..? Anong sinasabi mo earl." saad ko lang dito kita ko naman yung pag ngiti niya sakin.
" carlos sweetheart gusto mo bang malaman.?"
" tara na mk.." hila sakin ni raymond pero tinagal ko lang yung kamay niya sa braso ko.
" natatakot na yung mahal mo carlos... Mahalin mo pa kaya sya kapag nalaman mo to."
" gago ka tigilan mo kami." sigaw ni raymond dito.
" eh pano kung ayoko.. "
" earl ano bang sinasabi mo huh." kunot ang noong tanong ko dito.
" sigurado ka ba sweetheart gusto mong malaman..?"
" tara na mk please.." hila sakin ni raymond.
" bitiwan mo ko mond.." sinamaan ko lang sya ng tingin saka tumitig kay earl.. Bakit ba gusto kong marinig yung sasabihin ni earl kahit nararamdaman ko masasaktan ako pag narinig ko yun..
" tara na sabi eh!" sigaw sakin ni raymond tumulo naman yung luha ko saka sya tinitigan maya maya lumapit samin si earl.
"lets go carlos.. Sakin ka sasama." saad ni earl saka hinawakan yung kamay ko.
" gago ka bitawan mo sya..!" gigil na saad ni raymond dito.
" takot ka..?" natatawang saad ni earl.. " akala ko ba wala kang sekreto.. O akala mo lang yun.?"
" earl sabihin mo ano yun!"
" shut up na mk.. ! Tara na!" hila sakin ni raymond pero hindipinakawalan ni earl yung kamay ko. " bitawan mo sya."
" mond sabihin mo sakin ano yung sinasabi ni earl huh."
" raymond pano ba yan gusto niyang malaman.. Gusto niyang malaman yung ikasisira ng relasyon niyo."
" tang ina mo.!" binitawan ako ni raymond saka nito sinuntok si earl kita ko lang yung pagtumba nito.. Agad naman akong jhinila ni raymond papunta sa sasakyan ko.
" carlos alam mo ba.." sigaw lang ni earl parehas naman kaming natigilan ni raymond.
" pumasok ka na mk."
" alam mo bang yung gagong yan.. May kinalaman sya sa pagkamatay ni kuya!!" sigaw ni earl.. Automatiko naman akong napatitig kay raymond.. Kita ko lang yung sama ng tingin ni raymond kay earl. " ano nga ba yung nangyare 2 years ago raymond..?"
" mond."
" no mk.. Wala wala carlos wag kang maniwala sa kanya.." gigil na saad ni raymond." hindi ko naman mapigilan na tumulo yung luha ko.
" mond totoo ba yun."
" mk kilala mo ko hindi ko magagawa yun.. Hindi wag kang maniwala sa kanya."
" hindi mo kayang gawin.. Talaga.?" naluluhang saad ni earl dito.
" mk wag ka maniwala please.. Mk hindi ko kayang gawin yun.. Mk maniwala ka naman sakin oh."
" mond bakit.?"
" carlos.. May kinalaman sya sa pagkawala ni kuya."
" hayop ka..!!" sigaw ni raymond skaa sinugod si earl kita ko naman na nagpambuno yung dalawa para akong nanghina ng mga oras na yun.. Wala sa sariling pumasok ako ng kotse saka to pinaandar... May kinalaman sya..? Hindi ko na mapigilan yung mga luha ko ng oras na yun.. Mond bakit.. " alvin !!" sigaw ko lang.
maya maya kita ko na yung pagsunod ng sasakyan sakin ni earl binilisamn ko naman yung takbo ng kotse ko.. Tumunog naman yung cellphone ko kita ko lang yung pangalan ni raymond sa screen.. Hinayaan ko lang pumatak yung luha ko.. " alvin.. Bumalik ka please." iyak ko lang saka itinigil yung kotse sa gilid ng kalsada saka tumungo sa manibela.." alvinn.!" hampas ko pa sa manibela.. Maya maya narinig ko lang yung pagkatok sa bintana ng sasakyan ko... Tinggal konaman yung lock nito saka pumasok si earl.
"are you ok."
"earl hindi totoo yung sinabi mo di ba..!"
" pano kung totoo.?"
" singaling ka!!" sigaw ko sa kanya kasabay ng mga luha sa mata.. " earl sabihin mo hindi totoo.. Please!"
"tama na."
" please earl.." niyakap naman niya ko pinilit ko lang syang tinulak pero hinigpitan niya lang yung pagyakap sakin.
Si Raymond.
" hayop ka!" sigaw ko kay earl saka sya sinugod.. Hindi ko hahayaang sirain ng kasinungalingan niya yung relasyon namin. Nagpambuno lang kaming dalawa ngunit napuruhan niya lang ako saka ako tinulak.
" sabi ko sayo raymond hindi mo ko kaya.." sarkastikong ngiti lang sakin ni earl.
" bakit mo sinabi yun."
" alin.?"
" wala akong kinalaman sa pagkamatay ni alvin.. Wala!" gigil na saad ko kita ko naman yung pag tawa niya.
" alam mo si carlos pagdating kay kuya lahat papaniwalaan niya.. Ganun niya kamahal si kuya."
" di mo kami masisira sa kasinungalingan mo!"
" well it's your words against mine.. Sa pagkakaalam ko kasi nasira mo na dati yung tiwala niya sayo.. So tingin mo sino papaniwalaan niya sating dalawa.?"
" wala kang pruweba na may kinalaman ako."
" gagawa ako.. " ngiti niya lang sakin.
" hayok ka.. Wala akong ginawa sayo.. Tigilan mo kami."
" wala nga pero sorry ka.. Kasi mahal ko sya."
" ako ang mahal niya naririnig mo? Ako lang."
" kayakong burahin ka sa puso niya.. Napakadali nun.. Lalo na ngayon na tanging galit ang nararamdaman niya sayo.."
" matalino sya kaya hindi mo sya maloloko sa kasinungalingan mo.. Sakin sya maniniwala."
" tingnan natin.. One more thing para talagang may sekreto ka.. Yun ang aalamin ko tandaan mo yan.!"
" wala akong tinatago.. Wala!"
" lets see... Bye.. hahabulin ko pa yung mahal ko." ngiti ni earl sakin napalingon naman ako saka nakita na wala na yung sasakyan ni carlos.. " akin na sya.!" sigaw pa ni earl saka sumakay sa kotse niya at pinaharurot ito.
" shit!" bulong ko lang hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha sa mata ko.. Hindi ako papatalo sayo earl!
medyo gumulo mundo ah. bakit nmn kasi naniwla agad c carlos, dapat pinaguusapan muna yun. e wala nmn sya s site nung namatay c alvin. gawa-2 lang ito ni earl. mukang may topak sya ah. hehe.
ReplyDelete0309
??????
ReplyDeletehello po kelan yung next update ng bliss 2, naeexcite na aku
ReplyDeletesugarspun214
Hala. Bat wala na pong update ito?
ReplyDeletebkit po wala na mga update dito? :'(
ReplyDeleteauthor p update nman plssssssss
ReplyDelete... tnx
update pls................
ReplyDeleteAla pa po bang update? :(
ReplyDelete..mr. author asan na po ung update? Kaloka! Haha...namangha ako sa story..wag nu po kming bitiwan sa iri..hopefully me nxt chapter na po khit hanggang sa end..haha..thanks po!
ReplyDelete-peter68
Pambihira nmn oh update nmn po
ReplyDeleteNag book 2 pa kc tapos di i-a-update
Binibitin nyu nmn aq ehh dapat kc di nlng ginawan ng book 2 para wala ma bitin ka inis nmn ohhhh............
wala pading update... huhuhu
ReplyDeleteDalawa lang yan. Its either earl or mond. Pero hav u ask bakit b d p napatawad ni mond si bea? D kaya pinatay din niya si bea after niyang manganak? Dba sa end chapter ng part one nasabi duon lagi siyang nag stastalk kay carlos after nun mamatay
ReplyDeleteD kaya tama si earl? Hmmmmm. Kayang pumatay ng tao si mond bimugbog nga niya si jerome dba?
Uy anu na? Anyare? 5 months na aqng naghihintay sa update nito. Ala pa rin?
ReplyDelete