By Aparador Prince
Alas otso pa lang
ng umaga ay nagising na si Arran mula sa pagkakahimbing. Maaga din siyang
natulog dahil na rin sa pagod sa biyahe at sa lahat ng nangyari sa kanya
kahapon. Pinagmasdan niya ang paligid, dahil nga kakagising lang niya ay
inakala niyang nasa bahay sa San Juan pa rin siya. Napangiti lang siya nang
naalala niyang nasa Laguna nga pala siya at nagbabakasyon.
Naligo na rin siya
dahil may banyo naman sa taas ng bahay. Hindi pa halos tuyo ang buhok niya ng
bumaba siya ng bahay. Nakagreen na boxer shorts, puting sando at tsinelas siya
pagbaba, may dalang maliit na towel na ginagamit pangtuyo ng buhok. Napansin ni
Arran na may isang lalaking nakahiga sa sofa, at naglalaro ng PSP. Napatigil
siya sa pagkuskos ng buhok.
Pinagmasdan niyang
mabuti ang lalaking nakahiga. Lagpas na ang hita niya sa sofa kaya halos 6
footer ito. Lean ngunit well-defined ang muscles. Moreno, bilugan ang mata at
may mapupulang labi. Halata din na hindi pa siya nagshashave dahil sa stubbles
nito. Nakahawi sa kaliwa ang buhok niyang lagpas sa kilay. Seryosong seryoso
siya sa paglalaro ng PSP.
Nanatili si Arran
sa puwesto niya nang dumating si Nanay Luisa mula sa pamimili sa palengke. “Oh
Arran, gising ka na pala. Gutom ka na?” Napansin din ng nakahigang lalaki si
Nanay Luisa kaya agad itong bumangon at nagmano sa matanda. “Kaawaan ka ng
Diyos, hijo.”
Lalo lang napako si
Arran sa pwesto nang tumayo ang lalaki, hanggang tenga ang tangkad ng lalaki sa
kanya, at lalo lang gumwapo sa paningin niya.
Napansin ni Nanay Luisa
ang pagtitig ni Arran kaya siya na ang nagpakilala. “Robert, naaalala mo si
Arran? Siya yung kalaro mo nung bata pa kayo.”
Lumingon si Robert
at nagkasalubong ang kanilang tingin. Arran saw his auburn eyes, intently
looking at him. Nakita ni Arran sa expression ng mukha ni Robert na tila
iniisip kung sino nga ba siya. Ngunit kahit siya ay naguguluhan din.
Inilahad niya ang
palad niya. “I’m Arran, nice to meet you.” Nakipagkamay naman si Robert sa
kanya. “Rob.” Maikling tugon nito. Agad bumitaw si Robert sa kamay niya.
“Robert, hindi mo
ba siya naaalala?” tanong ulit ni Nanay Luisa sa matangkad na binatang kaharap
niya.
“I see. Ikaw pala
‘yun.” Tila hindi interesadong sagot naman ni Robert. Medyo nainis si Arran sa
inasal ni Robert. Kahit na hindi pa rin siya sigurado kung sino ba si Robert sa
mga kababata niya ay nairita siya dito dahil sa kawalan ng interes na malaman
kung sino siya. Muling bumalik si Robert sa sofa at ipinagpatuloy ang paglalaro
ng PSP. Naisipan naman ni Arran na umupo sa katapat na single seater at
inilabas ang cellphone. Tinext siya ng kanyang ina at nangungumusta. Nagrereply
na siya nang marinig niya ulit ang malagong na boses ni Robert.
“Nanay, pakiiwan na
lang po yung mga pinamili ninyo, ako na
po ang magluluto niyan.” Utos ni Robert, at iniwanan na nga ni Nanay Luisa ang
mga bayong at nagsimulang magwalis ng bakuran. Tiningnan nito si Arran at
nagsalita, “I hope you’re eating Pinakbet.”
Ngumiti lamang si
Arran sa kanya. Hindi siguro alam ni Robert na ayaw niyang kumain ng gulay,
mula pa noong bata siya. May naisip siyang plano, bibili na lang siya ng
tinapay sa malapit na bakery at iyon ang tanghalian niya. Mas maswerte kung
mayroong malapit na carinderia, at doon na siya kakain kung sakali.
Magkamatayan man, hindi siya kakain ng gulay.
Tumayo na si Arran
at nagsimulang magtimpla ng kape. Hindi kasi nagsisimula ang araw niya hangga’t
hindi siya nakakainom nito. Umupo siya sa mesa at naramdamang tumayo na rin si
Robert mula sa sofa at papunta sa kusina. Hindi niya alam ngunit parang
na-conscious siya sa presence ng binata. Madalas naman siyang maghandle ng tao
sa office nila kaya nagtataka siya sa inaasal niyang ganoon.
Kinuha ni Robert
ang bayong at hinugasan ang mga gulay, hiniwa at nagsimula nang magluto. Ang bango naman… naisip ni Arran habang
nagluluto si Robert sa malapit na kusina. Ngunit bigla niyang naisip na pakbet
ang niluluto ng binata kaya napailing siya. Ayaw niya ng gulay, period.
Ilang minuto pang
nanatili si Arran sa kanyang puwesto at nang maramdaman niyang tapos nang
magluto ang binata, ay agad siyang tumayo upang isagawa na ang kanyang plano.
Papalapit na si Robert dala ang mangkok na may laman na pakbet nang mapansin
niyang naglalakad si Arran palayo ng dining area.
“Where are you
going? Let’s eat.” Yakag nito sa kanya. Tiningnan ni Arran ang mangkok at halos
bumaliktad ang sikmura niya sa nakitang pinaghalo-halong gulay. Isang gulay
nga, ayaw na niyang kainin, paano pa ang ganitong sandamukal na gulay ang
nakikita niya.
Ngumiti lang siya
ng bahagya. “I’m fine. Bibili lang ako ng tinapay, mas sanay ako sa ganung
breakfast.” Paliwanag niya at dali-dali siyang umakyat ng kwarto upang kumuha
ng pera.
Naglakad-lakad si
Arran sa kalsada habang naghahanap ng makakainan. May nakita siyang bakery
ilang bahay mula sa tinutuluyan niya. Napangiti siya at nagmadaling maglakad,
“Ayos!”
Dalawang Spanish
Bread at Dalawang Pan de Asado ang binili niya mula sa bakery nang mapansin
niya na may maliit na carinderia malapit doon. “Mukhang maswerte yata talaga
ako.” Natatawang sambit niya.
Matapos bumili ng
tinapay ay dumirecho siya sa carinderia. Puro agahan ang tinda nila. Itlog,
maling, hotdog, embutido. Meron ding lugaw, sopas at spaghetti. Umorder siya ng
spaghetti at dali-daling kinain ito. Ayaw niyang makahalata si Robert at Nanay Luisa
sa kanyang modus operandi.
Bumalik na rin si
Arran sa tinutuluyang bahay matapos ang limang minuto. Nagpunas pa siya ng labi
dahil baka may naiwanang sauce ng spaghetti sa bibig niya at mabuking pa siya.
Kumakain na si Robert ng niluto niya habang nasa harap ng TV at nanunuod ng
Discovery Channel. Nasa mangkok ang kanin at ulam niya. Tiningnan nito si Arran
nang maramdaman ang presensiya ng ibang tao. Ngumiti lang si Arran at itinaas ang
papel na pinaglalagyan ng tinapay.
“Hindi ka kumakain
ng gulay?” ang seryosong tanong ni Robert. “You’re old enough to know its
nutritional value.” Dugtong pa nito bago sumubo ng kanin at pakbet.
Lagot, naisip ni
Arran. Nag-isip ulit siya ng magandang palusot. “I told you, I only eat bread
during breakfast. Pumili pa ako ng mukhang masarap sa bakery.”
Tumango lang si
Robert bago nilunok ang nginunguyang pagkain. Ibinaba niya ang mangkok sa sofa
at lumapit sa kanya. Ilang pulgada lang ang layo nito kay Arran na lalong ikinalakas
ng kaba ng huli. Napalunok ng laway si Arran. Parte ng plano niya ang bumili ng
mentholated candy bago umuwi para hindi siya maamoy na kumain na sa labas dahil
ayaw niya ng ulam.
Tiningnan lamang
siya ni Robert, seryosong seryoso ang mukha nito. Nagulat si Arran nang hinila
nito ang suot niyang sando. “Kaya pala may mantsa ka pa ng sauce ng spaghetti
sa sando mo.” Pinamulahan ng mukha si Arran at agad na hinila ang sando niya
mula sa pagkakahawak ni Robert.
“Nanay Luisa, hindi
pala kumakain ng gulay ang tenant mo. Maarte.” Ang sunod na sigaw ni Robert sa
matanda. Lumabas naman si Nanay Luisa mula sa kusina. “Aba, hindi ko alam
Arran. Pasensiya na, sa susunod magluluto na din ako ng karneng ulam.” Nakangiting
tugon ng matanda. Ngumiti din si Arran ngunit agad na pinutol ni Robert ang
tila na-solve na problema niya sa ulam.
“If he doesn’t eat
vegetables, then so be it. That childish attitude doesn’t need to be
tolerated.” Ang seryosong tugon ni Robert na ikinasimangot naman ni Arran. Gwapo ka nga, kaso napakasungit mo. Talo mo
pa ang nagmemenopause, Naisip niya habang kaharap pa rin si Robert. Gusto
niya sanang kaltukan ang mokong kung hindi lang ito matangkad. Lalo na kung
hindi siya ang may-ari ng tinutuluyan niyang bahay.
Tiningnan lang siya
ni Robert matapos umalis ulit ang matanda. “At least you’re not spoiled enough
to request for meat.” Ngumiti ito at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang
maputi at pantay-pantay nitong ngipin. Ginulo ni Robert ang buhok ni Arran bago
bumalik sa harap ng TV at ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain.
Nagtitimpi lang talaga si Arran, dahil
wala naman siyang choice. Siya ang nagnais na magbakasyon, pero ang pinagtataka
lang niya ay kung bakit hanggang sa probinsya ay may nakabuntot na asungot.
-----------------------------------------------------------------
Nakatambay
ang dalawa sa tindahan ni Aling Nat. Bumili si Ran-ran ng Sunshine, Pompoms at Pritos Ring at kinakain ito habang si
Biboy naman ay nakaupo kalapit niya. Hindi maipinta ang mukha ni Ran-ran habang
ngumunguya ng junk food.
“Sorry
talaga Ran-ran. Hindi ko naman alam na ginisang patola ang ulam sa bahay
namin.” Ang malungkot na saad ng kaibigan habang inilalagay ang Pritos Ring sa mga daliri at isa-isang
kinain. Gulay kasi ang lulutuin ng mommy ni Ran-ran kaya ang madalas na palusot
na naman nila na makikikain sa bahay nila Biboy ang ginawa nila. Nagtagumpay
naman sila sa plano, ngunit gulay din pala ang inihanda ng mama ni Biboy para
sa tanghalian. Kumain na si Biboy habang nagdahilan naman si Ran-ran na uuwi sa
kanila dahil fried chicken ang ulam nila, at napagpasyahan ni Biboy na samahan
ang kalaro.
Nakasimangot
pa rin si Ran-ran habang binubuksan ang isang pakete ng Sunshine. “Ayos lang Biboy. Hindi mo din naman alam na gulay ang
ulam ninyo.” Ang matamlay na sagot niya. Alam niya na hindi nakakabusog ang
kinakain niya ngunit napagpasyahan na lang niya na matulog sa tanghali para
hindi niya maisip ang gutom. Sigurado naman siyang magluluto ng merienda ang
kanyang mommy mamaya, kaya maiibsan ang gutom niya.
“Sorry
talaga…” ang patuloy na paumanhin ni Biboy sa kaibigan. “Bakit kasi hindi mo na
lang subukan kumain ng gulay? Konti lang muna ang ulam tapos maraming kanin. Eh
di busog ka nun!” dugtong pa nito.
“Biboy,
ang kulit mo. Ayoko ngang kumain ng lupa.”
Kumunot
ang noo ni Biboy. “Lupa? Ang sabi ko gulay. Atchoy
ka na nga sa Tumba Lata kanina,
bingengot ka pa.” tugon nito at binatukan ng mahina ang kalaro.
Tiningnan
lang ni Ran-ran ang kaibigan. “Saan ba galing ang gulay?” tanong nito habang
kumakain ng green peas.
Napaisip
ng sandali si Biboy bago siya nagpaliwanag. Mukhang nakukutuban na niya ang
susunod na sasabihin ni Ran-ran. “Sa… sa lupa. Pero hindi naman madu-“, hindi
na nito naituloy ang sasabihin dahil agad na sumabat ang kalaro.
“Eh
‘di may lupa ang gulay. Kadiri kaya ‘yun! Tinatapakan ng tao, tapos kakainin
mo? Yak!” ang malakas na pagbibida ni Ran-ran, tila nagwagi sa isa na namang
munting paligsahan ng dalawa.
Sumilip
naman si Aling Nat sa tindahan. “Ireng batang to, oo. Hoy Mojacko, alam mo bang gulay din yang green peas na kinakain mo,
kaya kumakain ka din ng lupa.” Natatawang sambit nito sa batang may kakaibang
pananaw tungkol sa pagkain. Mojacko
ang madalas na tawag nila kay Ran-ran dahil medyo chubby ito, ngunit tila
natutuwa pa ang bata dahil paborito naman niya si Mojacko.
Dumighay si Ran-ran
bago nagsalita. “Alam n’yo po Aling Nat, masarap ang Sunshine. Hindi katulad ng gulay, kadiri ang lasa. Nakakasuka!” ang
paliwanag naman niya sa tindera. Napatawa lalo ang tindera maging si Biboy sa
pinagsasabi ng kaibigan. Mukhang hindi na talaga yata nila mapipilit na kumain
ng gulay si Ran-ran.
Maya-maya ay dumaan
ang kanilang kalaro na si Tin-tin at pumwesto sa harap ng tindahan. “Aling Nat,
pabili nga po ng isang Coke 500.”
Agad din niyang binati ang dalawang nakaupo sa gilid habang kinukuha ng tindera
ang binibili niya.
“Hi Ran-ran, hi
Biboy.” Ang nakangiting bati ni Tin-tin. Ngumiti din si Ran-ran sa kanya,
ngunit nanatiling nakayuko si Biboy at hindi nakatingin sa batang babae.
“Tin-tin, laro tayo
mamaya ng Snakes and Ladders sa bahay namin.” Ang yakag ni Ran-ran. Tumango
naman ang kanyang kausap. “Sige ba, mamayang alas tres na lang. Baka patulugin
pa ako ni nanay eh.” Dugtong pa nito.
“Ayos lang ‘yun,
matutulog din naman kami ni Biboy sa amin. Di’ba?” sagot naman ni Ran-ran at
siniko ang kanyang kalapit ngunit nanatili pa rin itong nakayuko. Tinapik ni
Tin-tin ang balikat nito. “Biboy, sasali ka sa amin mamaya ha.”
“Syempre sasali
‘yan. Dapat palaging kasama ni Mojacko
si Sorao.” Ang pagtitiyak ni Ran-ran
sa kalaro. Dahil Mojacko nga ang
tawag sa kanya ng mga tao sa compound nila, ay Sorao naman ang nakasanayang tawag naman kay Biboy dahil mas
matangkad ito kaysa kay Ran-ran. Isa pa ay palagi silang magkasama, katulad ng
magkaibigan sa cartoons.
Tumango lamang si
Biboy ngunit hindi pa rin niya tiningnan ang kaharap. Bumalik naman si Aling
Nat sa tindahan dala ang Coke 500 na
binili ni Tin-tin. “O sige, mamaya na lang Ran-ran. Babay!” ang sabi niya bago
tumakbo pabalik sa bahay nila.
Nang makaalis na si
Tin-tin ay saka lamang nag-angat ulit ng ulo si Biboy at tiningnan si Ran-ran.
“Dapat hindi mo na lang siya niyaya. Dapat si Iman o si Junior na lang. Si
Beng-beng nga ayos na din kahit iyakin.” Ang seryosong sabi nito sa kaibigan na
siya namang ikinagulo ng isip ni Ran-ran.
Dahil nga mayroon
nang Mojacko at Sorao sa magkakalarong bata, ay hindi mawawalan ng katambal na si Miki at si Tin-tin ang tinutukso sa
ganoong tawag. Nagsimula ang panunukso kay Biboy at Tin-tin nang minsang
maglaro sila ng kasal-kasalan. Matapos ng larong iyon ay hindi na masyadong
pinansin ni Biboy si Tin-tin. Kahit nga ang singsing na nakuha nila sa Bahay Kubo na junk food ay itinapon na
ni ng batang lalaki.
Kiniliti naman ni
Ran-ran ang tagiliran ni Biboy dahil mukhang hindi pa niya naiintindihan ang
nararamdaman ng kalaro. “Uuy, crush mo si Tin-tin ‘no?” ang tanong niya ngunit
pilit na inaalis ni Biboy ang kamay niya.
“Hindi ‘no. Ayoko
nga sa kanya eh.” Ang seryosong sagot ni Biboy. Napansin na ni Ran-ran na tila
ayaw makipagbiruan ni Biboy kung tungkol sa kanila ni Tin-tin, ngunit lalo
siyang naguluhan. “Pero di’ba, kinasal nga kayo nung isang linggo? Si Iman nga
ang pari eh.” Sunod na tanong ni Ran-ran.
“Basta hindi ko
bati si Tin-tin. Sa susunod, huwag mo na siyang yayayaing makipaglaro.” Ang
huling sinabi ni Biboy bago siya tumayo sa kinauupuan. Agad naman siyang
hinabol ni Ran-ran habang inuubos ang huling pakete ng Pompoms.
“Oo na, Biboy.” Ang tanging naisagot ni Ran-ran sa kalaro habang
sinisimot ang junk food.
“Sige
ka, kapag niyaya mo pa si Tin-tin, hindi na rin kita bati. Hindi na ko
makikipaglaro sa’yo. Gusto mo ba yun?” ang dagdag na tanong ni Biboy sa mas
maliit na bata.
Ngumiti
si Ran-ran sa kalaro. “Syempre ayoko. Ikaw nga ang hero ko, tapos hindi ka
makikipaglaro sa akin? Ayoko nga nun! Basta sasabihin mo kay mommy na kumain na
tayo sa bahay ninyo kanina ha?” dugtong pa nito.
Tinanggal
naman ni Biboy ang mga naiwang mumo ng chicheria sa gilid ng labi ng kaibigan,
at umakbay na kay Ran-ran. “Oo naman. ”
Sabay
na naglakad ang magkalaro papunta sa bahay nila Ran-ran.
galing mo tlaga boss,super nakakarelate talaga aku nung dekadang toh....
ReplyDeletesugarangitawagmosaakin
salamat sugar. enjoy reading po :)
Deletenice
ReplyDeletesalamat boy chinito:)
Deletethanks s update. wait nlang uli ng nxt chapter.
ReplyDelete0309
hehe welcome 0309.
Deleteevery 4 days ako nag uupdate madalas.
Pritos ring na nilalagay sa daliri gawain ko yun nung bata ako hahahaha...batang 90's ata to :))
ReplyDeleteGaling mu talaga prince lagi mu akong binabalik sa chilhood memories ko...thanks sa updates sana araw araw meron
naku pag nagsusulat naman ako nito e madalas binabalik din ako sa childhood memories. haha.
Deletehindi na kasya yung pritos ring sa daliri natin! haha
Matatagalan po ba bago mag update ulit? Nakakasabik na eh! :)
ReplyDeleteevery four days madalas ang update ko kuya anon. weee :) salamat sa pagbabasa
Deleteayos na ayos talaga to!
ReplyDeletenakakakilig na nakakaexcite na nakakapagpabalik sa panahon ko. ^^,
parang biglang nagkakaron ng time machine at nakakabalik ako sa mga binabanggit mo sa kwento.
salamat!
:*
buti naman at natutuwa kayo kapag nagbabasa nito. haha :)
Deletesalamat din sa continuous na pagbabasa ferds!
Hi Author!! Please update na! I really like your story!!
ReplyDeletehello kuya anon. yup tuloy-tuloy ang update ko ng story, basta lagi lang din kayo magchecheck, hehe
Delete