by aparadorprince
Author’s Note:
Gusto
kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng “Dati”, nakakaflatter at
nakaka-overwhelm kasi ngayon lang ulit ako nagsulat matapos ang mahabang
panahon. Haha. Anyway, this will be the last chapter na may flashback sa dulo.
You’ll understand why I chose to do this, soon enough ;) Enjoy reading, moja!
P.S. Defense na ng thesis ko mamayang 2PM, wish me luck!
P.S. Defense na ng thesis ko mamayang 2PM, wish me luck!
**aparadorprince
Dati – Part 9
Alas sais ng umaga nagising si
Robert kinaumagahan, at napangiti agad nang makitang nakayakap sa kanya si
Arran. The kiss last night was a bold move, yet he did not regret it. Nag
isip-isip pa si Robert kung anong mangyayari mamaya, habang ineenjoy niya ang
pagyakap ng kalapit sa kanya. “Mantika talaga matulog, no wonder hindi niya
namalayan na nabasa pala yung higaan kahapon.” Mahinang usal niya sa sarili.
Arran didn’t seem to object when he
kissed him, so he knows he’s not at all straight. Even Robert had issues with
his own orientation but he’s over it. All he knows that he might be actually
falling for the man beside him. Dahan-dahang inalis ni Robert ang braso ni
Arran sa kanya, at pinagmasdan ang kalapit. He was sleeping soundly, with his
lips slightly parted. He could not resist kissing them again, and god knows
what he could do if he lost control of himself.
Hindi din siya sigurado kung bakit
medyo arogante siya noong mga unang araw na kasama niya si Arran, ngunit
iniisip na lamang niya na baka defense mechanism niya lang ito. O baka nais
lang niya na mapansin siya nito. But from the first time he saw him a few days
ago, he was undoubtedly attracted to this man. But will he continue with his
‘I-act-like-a-jerk-so-you-wont-notice-that-I-like-you’ scheme? Things will be
difficult for him now that he already kissed the guy.
Ang problema lang, he would have to
go back to Manila and soon get back on his life. Where would that leave him if
that happens? His parents' printing press is doing well, even better than expected under his
management. They were once discussing of expanding the business, ngunit hindi
pa siya nagdedesisyon.
Robert dismissed all his thoughts,
he was thinking about the future already. Hindi pa nga sya sigurado kung ano na
ang magiging estado nila ni Arran matapos ang pag-amin niya kagabi. Bumalik
siya sa pagkakahiga, malamig pa rin ang paligid at patuloy ang mahinang
pag-ulan. Bumaling ng higa si Arran, his face away from Robert. It was a cue
for him to hug Arran from behind and savor this cuddle, for he’s still unsure
with what’s going to happen once Arran wakes up.
Nagmulat ng mata si Arran at
tumingin sa relo. 8 AM. Nagtaka na naman siya kung nasaan siya ngayon, at biglang
napabalikwas nang maalala niyang nasa kwarto siya ni Robert. Ginising nga pala
siya upang lumipat ng mahihigaan bandang alas dos. Matapos ‘non… matapos ‘non… He kissed me! Ang naalala ni Arran.
Pinamulahan agad siya ng mukha. Hinalikan siya ng masungit na mokong! Tumingin
siya sa kama, at napansing wala na doon si Robert. Hindi niya alam ang gagawin
kung dapat na ba siyang bumaba upang harapin ito, o manatili sa kwarto at
hintaying lamunin siya ng lupa. Sure, he was attracted to him, but for Robert to
reciprocate his feelings? He knew it was close to impossible.
But it happened last night, he
kissed him. In this room, in this house. And the worst part is, he kissed back.
Arran was too caught up in the moment, and allowed the kiss to happen.
Napabuntong-hininga siya habang inaayos ang pinaghigaan. He would have to deal
with it as soon as possible. Lalo na at dalawang araw na lang ay kailangan na
niyang bumalik sa trabaho.
Bumaba siya at nakitang umiinom ng
hot chocolate si Robert. Napansin siya agad nito at niyayang kumain. Ham, eggs
at sinangag ang inihanda nito para sa agahan.
“Eat.” Robert commanded, without looking at him. He grimaced, is he back
to his old jerk self?
Umupo na rin si Arran at nagsimulang
kumain, unsure about what to say. He couldn’t even look at Robert, the mere
thought of his kiss made him blush.
Bigla niyang naalala na naman ang
nangyari kagabi, like a broken record. Nakatitig siya sa mukha nito ngunit
biglang nagmulat ng mata si Robert. He pretended to be asleep then took a peek
afterwards, and Robert was still looking at him intently. He closed the
distance, called his name softly, and their lips met. Oh my.
Ngunit sa gitna ng pagrereminisce ni
Arran, ay bigla niyang naalala ang tawag ni Robert sa kanya. Did he just call
him by his pet name, Ran-ran? Robert seems to be cold and distant most of the time, if
not arrogant. Napaisip siya, pilit na inaalala kung ano ang pangalang binanggit
ni Robert.
He suddenly felt weird, what if
Robert is his childhood friend? What if Robert is Biboy? He recalled Biboy’s
real name – Roberto Hernandez Jr. This could be some freak coincidence, but he
might be who he thinks he is.
Patuloy ang pagkain ni Arran habang
nag-iisip, habang si Robert naman ay tahimik na pinagmamasdan ang katapat.
Hindi niya rin alam kung ano ang dapat sabihin dito.
“Arran…” tawag nito. Tiningnan siya
ni Arran and their eyes met once again. Bigla tuloy siyang na-conscious dahil
napatitig agad siya sa tila inaantok na mata nito. Arran looks innocent at
first glance, not until you’ll learn about his sharp tongue and sarcastic
comments.
“Bakit?” tanong ni Arran sa kanya.
Robert could not find the right
words to say. “Uhm… About last night…”, pagsisimula niya.
Bigla na namang kinabahan si Arran,
afraid of what Robert is going to say. Hindi ba nito ginusto ang ginawang
paghalik nito? Naguluhan ba siya? Na-possess? More importantly, will he talk about the kiss? He
remained silent and waited for the guy to finish his sentence.
Robert was supposed to say something, but decided not to. “Forget it.”
Lalo lang nagtaka si Arran sa kinikilos ng kaharap. “Ano nga yun?” he
asked. Napabuntong-hininga lang si Robert.
“I - I thought I would never get it off my chest. I’m sorry if I was
rude to you these past few days, and I did not mean it. I was hoping that you…would
forgive me.” Ang nahihiyang pag-amin ni Robert sa kanya. Arran chuckled,
this tall man suddenly looked like a kid. Like… Biboy?
Naghiwa
si Arran ng ham at ipinagpatuloy ang pagkain. “Apology accepted.” He answered back while
chewing. To be honest, hindi niya alam kung paano iha-handle ang sitwasyon na
ito, yet he wanted to say it to Robert as well. He tried to say it coolly, but
somehow it sounded like an unsolicited comment. All the while, he assumed that Robert will say that he
likes him.
Tiningnan
siya ni Robert, “Really?” he asked.
Arran
finally managed a smile. “Yeah. I mean, I wouldn’t really talk to you if I
didn’t like you.” Sagot niya. Alam niyang mahirap i-explain ang nararamdaman
niya, what about that kiss? What if Robert is actually Biboy? Arran looked at his brown eyes, trying to recall
Biboy’s eyes. Hindi niya maalala kung kulay brown din ba ang mata ng kababata.
Robert
smiled back, “I’m so relieved. Akala ko, you’d say stupid stuff again.” He
said. Napasimangot si Arran sa narinig. “Idiot, I do not say stupid stuff.” Ipinagpatuloy nila ang pagkain ng
almusal, nag-uusap minsan ngunit biglang tatahimik ang dalawa. Arran felt
awkward about the situation, may hindi ba sinasabi si Robert sa kanya?
Si
Robert ang naghugas ng pinggan habang dumirecho si Arran sa sala, at nanuod ng
TV. Hindi niya alam na pinapalabas ulit ng Channel 7 ang Mojacko. Naalala tuloy niya ang pagtukso ng mga kalaro niya, he used to be the chubby kid. Although he lost all his baby fats, he is still not as
well-defined as Robert. Tiningnan niya ito mula sa kusina.
Robert
was tall, and no sign of fat whatsoever. He looked at his behind, and gulped.
It was a delight to look at. Napailing siya sa naisip, at itinuon ang panunuod
ng TV. Naalala niyang si Biboy ay si Sorao,
at si Tin-tin ay si Miki. He never
realized “Mojacko” could actually end
up with “Sorao”. Inisip din niya ang
nangyari nang minsang bumisita si Tin-tin o Kristine sa bahay nila Robert, tila
naaasiwa pa rin ang lalaki, katulad pa rin ng dati -- kung siya nga talaga si Biboy.
Natapos
na si Robert maghugas ng pinggan at naglakad patungo sa inuupuan ni Arran.
Umupo ito kalapit niya at ngumiti. Arran blushed at his gesture. “What are you
watching?” tanong ni Robert sa kanya, bago tiningnan ang palabas. Hindi na nito
nahintay ang sagot ni Arran at agad na nagkomento. “Wow, pinapanuod ko yan
‘nung bata pa ako.”
Robert watched the TV program, his
eyes fixed at the television screen.
Hindi naman makapagconcentrate si Arran sa dami ng naiisip niya. Sabay nilang
pinapanuod ang Mojacko ni Biboy noon,
ngunit tila hindi naman na-open up ito ni Robert sa kanya. Nakalimutan ba niya
ito?
“Kailan
ka pala babalik sa Manila?” narinig niyang tanong ni Robert, kahit nakatutok
ang mata sa telebisyon. “Sa isang araw.” Sagot naman niya.
Robert
looked at him, making him conscious. This man is driving him mad. “I’ll visit
you there sometime.” Saad nito, at ngumiti.
Napangiti
na rin si Arran at kinilig sa narinig. Wow,
manliligaw ba si mokong? This is too good to be true. Nagpatuloy si Robert
sa pagsasalita. “What do you want for lunch? I still have frozen chicken in the
fridge.”
“You
know what my favorite chicken dish is.” Ang nakangiting sagot niya. Bahagyang
tumaas ang kilay ni Robert, at nag-isip. Nagtaka naman si Arran sa nakitang
reaksiyon nito. Hindi ba niya talaga naaalala?
Robert
scratched his chin. “Let’s see…” simula ni Robert. “You don’t eat vegetables,
so that could mean that you like… fried chicken?” tanong nito kay Arran. Tumango lamang ang kaharap niya, at napatawa siya. “I knew it! For someone as childish as you, your favorite food is most
likely to be like those of children too.” Pagtutuloy nito.
Bahagyang
kinaltukan ni Arran si Robert, nakasimangot. “Baliw ka.” Sagot niya.
“I know. I wanna make up for
continuously cooking vegetables the past few days. Consider this as a peace
offering.” Robert said as he smiled.
Tumayo
na si Robert patungong kusina. “Titimplahan ko na yung manok.” He started
walking, then looked at Arran and smiled.
Naiwanan muli si Arran sa sala,
puzzled. Robert is definitely acting weird right now, plus the fact that he
never opened up about the kiss last night. Baka naman naguguluhan lang si
mokong? Kasi naguguluhan na rin siya rito, lalo na sa sariling nararamdaman. He
might be betrayed by his own emotions before even realizing it.
They
ate lunch around one in the afternoon, and Arran could not complain about the
fried chicken. It was absolutely delicious. Robert would just smile whenever
he’d make compliments about the dish, then remained quiet afterwards. Lalo
tuloy siyang nagtataka sa kinikilos nito.
Si
Arran na ang nagprisintang maghugas ng pinggan pagkatapos kumain. He felt
sleepy, probably because he didn’t really doze off that much while he slept on
the sofa. “Rob, pwede ba akong magsiesta sa kwarto mo.” Tanong niya rito habang
tinatapos ang paghuhugas ng pinagkainan. Nakaupo lang ito sa sofa, at naglalaro
ng PSP. “Bahala ka.” He said, not even looking at him.
Napasimangot
siya, Robert is back to his jerk mode. Ngunit mayroon na naman siyang naalala,
hindi ba mahilig din si Biboy sa paglalaro noon? Ang pagkakaiba lang, Family Computer at Brick Game pa ang uso noong kabataan nila. Lalo siyang naguguluhan, ngunit hindi na niya masyadong inintindi. Nasosobrahan na naman siya sa pag-iisip, samantalang dapat ay ipinapahinga niya ang utak. Tinapos niya ang paghuhugas at dumirecho sa kwarto upang magsiesta.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Alas-kuwatro ng hapon. Magkalapit
si Biboy at Ran-ran sa ilalim ng puno ng mangga noong Sabadong iyon. Nasa gitna
nila ang dalawang Basta’t Pinoy junk
food. Sinabi na ng kanilang mga ina na lilipat sila Ran-ran ng bahay sa
Maynila, at nalungkot sila sa balitang ito. Luluwas na sila Ran-ran madaling
araw kinabukasan.
“Malayo
ba ang Maynila?” tanong ni Biboy sa kalaro. Nakatitig ito sa kawalan, hindi
alam ang sasabihin. Hindi niya gusto na mahiwalay siya sa kalarong si Ran-ran.
“Siguro,
pero hindi naman sobrang malayo. Ikaw nga, pupunta ka sa ibang planeta kapag
naging astronaut ka na ‘diba?” sagot naman ni Ran-ran. Mabigat ang loob niya na
kailangan nilang lumipat ng bahay, ngunit kailangan din ng kanyang mommy na
gawin ito para sa kanyang trabaho at naiintindihan naman ito ng bata.
Nagbuntong-hininga
si Biboy. “Pero baka naman hindi magkatotoo na maging astronaut ako. Baka nga
dito lang ako sa compound tumira habangbuhay.” Tugon nito. Pumulot siya ng
nalaglag na dahon mula sa puno at sinimulang pilasin ito. “Hayaan mo Ran-ran,
sasabihin ko kay mama na pumunta din kami sa Maynila para bisitahin kayo.”
Pinilit niyang ngumiti kahit alam niyang naiiyak na siya. Maaari kasing hindi naman
talaga sila makapunta doon, kahit anong pilit niya.
Tiningnan
ni Arran ang kalaro. “Talaga, gagawin mo ‘yun?” tanong niya. Tumango lang si
Biboy at ngumisi, dahilan upang ngumiti na rin siya. “Peksman.”
Nagbukas
si Biboy ng isang pakete ng junk food at nagsimulang kumain. “Mamimiss ko si
Brownie.” Sabi niya habang ngumunguya. “Mawawalan na siya ng isang daddy kapag
umalis ka.” Ang Tamagochi ni Ran-ran
ang tinutukoy niya. Madalas na kasing ipinapahiram ni Ran-ran sa kanya si
Brownie upang alagaan. Pareho nilang pinalaki ang alagang si Brownie, at
gumagawa ng kwento tungkol dito. Minsan ay nagpunta daw ito sa bakanteng lote
upang maghukay ng lupa, minsan naman ay bumibili ng Bazooka bubble gum sa tindahan ni Aling Nat.
“Mamimiss
ka din ‘nun. Pero mas mamimiss kita.” Ang malungkot na sagot ni Ran-ran.
Tiningnan ni Biboy ang kalaro at nakitang tumutulo na ang luha nito.
Tuloy-tuloy ang pagsinghot ni Ran-ran habang pinapahid ang luha. Pinipigilan
lamang niya ito mula kanina ngunit hindi na niya magawa ngayon. Itinigil ni
Biboy ang pagkain ng chichirya at inalo ang kaibigan. “Tama na, Ran-ran. ‘Wag
ka nang umiyak.” Mahinahong sabi nito, kahit namumuo na rin ang luha sa mata
niya. Ayaw niyang ipakitang nalulungkot siya sa harap ng kaibigan dahil baka
lalong umiyak ito.
“Hindi
– hindi na ako sasama kay mommy sa - sa Maynila. Dito na lang ako, sa bahay nyo
- ako titira.” Ang paputol-putol na sabi ni Ran-ran, pilit na pinipigilan ang
pag-iyak. Patuloy naman na inaalo ni Biboy ang kaibigan upang hindi na ito umiyak.
“Naku
magagalit ang mommy mo Ran-ran. Hindi naman yata pwede yung gusto mo. Basta
pupunta talaga ako sa bahay n’yo. Syempre hindi ka pwedeng mawalan ng hero.”
Ang patuloy na saad ni Biboy. Nakita niyang tumitigil na rin ang kalaro sa
pagluha. “Oh, ngingiti na ‘yan…”
Tumingin
lamang si Ran-ran sa kalaro at ngumiti, kahit namumula na ang mata sa pag-iyak.
Pinagpatuloy ni Biboy ang pagkain ng chichirya niya, at binuksan na rin ni
Ran-ran ang sa kanya. Tahimik ang dalawa habang inuubos ang kanilang junk food.
“Ran-ran,
tingnan mo oh! May singsing!” bulalas ni Biboy nang maubos ang Basta’t Pinoy niya. Madalas kasi ay may
kasamang laruan sa loob ng chichirya, minsan naman ay piso ang makukuha mo. Natatawa
si Biboy dahil ang madalas na nakukuha ni Ran-ran ay laruang palaka, dahil ayaw
nito ng mga palaka. Siya naman ay madalas na nakakakuha ng tau-tauhan na
ginagamit nila na taya kpag naglalaro ng Pog
at Teks.
Itinaas
ni Biboy ang kamay, hawak ang laruang nakuha. Tiningnan ni Arran ang nasa kamay
ng kalaro. Isang plastic na singsing, kulay berde ito at hugis star.
Nababalutan pa ito ng mumo ng Basta’t Pinoy. “Ang ganda…” sabi nito. Inubos
niya ang sa laman ng chichirya niya at napangiti.
“Biboy,
hindi na palaka ang nakuha ko!” saad niya at inilahad ang kamay sa kalaro.
Singsing din ang nakuha niya. Kulay orange ito at may parehong disenyo katulad
ng nakuha ng kalaro. Tumawa ng malakas si Biboy at ginulo ang buhok ni Ran-ran.
“Ang galing, pareho tayo ng nakuha!” masayang pahayag naman nito. Pinaglapit nila
ang dalawang laruan at tiningnan. May naisip si Biboy habang tangan ang berdeng
singsing.
“Ran-ran,
sa’yo na lang ‘to. Diba paborito mong kulay ang green?” sabi niya habang
isinusuot sa daliri ng kalaro ang singsing. Nakangisi lang si Ran-ran, at tumango.
Natuwa siya sa binigay ni Biboy. Kinuha naman niya ang kaliwang kamay ni Biboy
at isinuot ang nakuha niyang singsing.
“Tapos
sa’yo na rin to, kaso blue ang gusto mong kulay. Eh orange to.” Ang tugon naman
ni Ran-ran, ngunit umiling ang kalaro. “Ayos lang ‘yan. Kahit anong kulay,
basta ikaw ang nagbigay.” Sagot ni Biboy. “Basta huwag mo ‘tong iwawala ha,
para lagi mo akong maaalala.” Nakangiting turan nito.
Napatingin
si Biboy sa langit, kakulay na ito ng singsing na ibinigay sa kanya ni Ran-ran.
Malapit nang magtakip-silim, malapit na silang pauwiin ng mga nanay nila. At
malapit na ring umalis sila Biboy papuntang Maynila. Tumayo siya at hinila ang
kalaro. “Punta tayo sa bahay namin, may ibibigay ako.” Sabi niya habang
nagsisimulang maglakad. Pinagpag ni Ran-ran ang shorts bago tahimik na sumabay
sa paglalakad ng kaibigan.
Dumirecho
sila sa kwarto ni Biboy, at nagsimulang tumingin sa kanyang collection ng Matchbox.
Dumampot siya ng isa at humarap kay Ran-ran, kinuha ang isang kamay nito.
Iniabot ni Biboy ang isang asul na kotseng Matchbox. “Paborito ko ‘yan sa lahat
ng kotse dito. Lagi mong iingatan ‘yan ha?” sabi nito.
Tiningnan
ni Ran-ran ang laruan. “Ang ganda naman nito. Syempre iingatan ko, bigay to ng
hero ko eh!” masayang sambit naman niya. Narinig ng dalawa ang pagtawag ng ina
ni Biboy.
“Ran-ran,
tumawag na ang mommy mo. Uwi ka na daw.”
Napatingin
sila sa isa’t-isa. Nagsimula na namang mabuo ang luha sa mata ni Ran-ran ngunit
agad na nagsalita si Biboy. “Mula ngayon, huwag ka nang iiyak ha? Kasi ang tunay na Jetman ay hindi basta-basta umiiyak. Basta kapag
nalulungkot ka, tingnan mo lang ‘yung Matchbox saka yung singsing. Tapos hindi
ka na malulungkot, kasi maaalala mo ang hero mo.” Ang nakangiting sabi niya sa
kaibigan.
“Mamimiss kita, Ran-ran.”
Tumango
lang si Ran-ran at nagpahid ng luha. Sandali siyang nag-isip at maya-maya ay
may dinukot mula sa bulsa ng kanyang shorts – ang kanyang Tamagochi. “Sa’yo na lang ‘to, Biboy. Mamimiss ka kasi ni Brownie
eh. Basta titingnan mo din ‘yan kapag nalulungkot ka, para hindi mo ako
makalimutan.” Ang tugon naman niya, nakangiti.
Nag-dalawang
isip si Biboy ngunit mapilit si Ran-ran na tanggapin ang Tamagochi kaya kinuha na rin niya ito. “Aalagaan kong mabuti si
Brownie.” Sabi niya sa kaibigan, may nabubuong luha na rin sa kanyang mata.
Niyakap niya si Ran-ran ng mahigpit, at yumakap naman ang kaibigan pabalik sa
kanya.
“Mamimiss
din kita, Biboy.”
Akala ko last chapter na to... yun pala last chapter na may flashback. Hahaha
ReplyDeleteAng cute ng story. Keep it up Mr. Author. :))
-BrownTemptation
Yup last chapter na may flashback. Salamat BrownTemptation sa pagbabasa :) Wee
DeleteSimple but nice. Just one comment though........the name of God is always in capital G , Tagalog or English. Thank you
ReplyDeleteThanls salamisim, I must have overlooked it.
Deletenice.. akala ko last na din..
ReplyDeletemarc
Haha hindi pa last.. ano ba :) salamat marc sa pagbabasa
DeleteNice one! Mukhang nga nakalimutan ni biboy si ran ran, looking forward na malaman kung bakit,
ReplyDeleteHello kuya anon. Hmm mukha nga, pero malalaman nyo din sa susunod na update :)
DeleteLast chapter nb ito? Bitin ang ending kung magkaganun. Ang ganda p nman ng story. Tnx prince.
ReplyDeleteRandzmesia
Hi randz, eto lang yung huling chapter na may flashback. Meaning sa susunod na chapter e present time nalang ang nakasulat
DeleteHehe
Ang sarap kasabay sa almusal... salamat sa update! Goodluck sa defense...
ReplyDelete-arejay kerisawa
Ano ba yan, yung una nakakagamot ng sakit tapos ngaun kaulam na sa agahan. Haha salamat ;)
DeleteI have been a silent reader since you started posting Dati here. Can't help myself from finally commenting!
ReplyDeleteI like the way you write, Aparador Prince! Really entertaining and of course, kilig-inducing. Plus, sobrang nakaka-relate ako sa '90s element ng story. Batang '90s here, yo!:))
Can't wait for the next chapter.
All the best,
Rico
Batang 90s! Haha parang enjoy na enjoy kasi ang kabataan natin. Lol :)
DeleteWow kakaflatter naman na nagcomment ka after being a silent reader. Salamat rico ;)
......ito na talaga ang pinaka sad na part ng flashback,,,, huhuhu,,,, hayyyy,,, i wish i had a childhood friend like ranran and biboy.... kuya prince when will be the next part? hehehehe cant wait.... uyyyy gudluck nga pala sa padidefence ng thesis mo (baka late na ung gudluck ko)... hehehehe... yakang yaka mo yan,,, God bless... :D
ReplyDelete-hyun jae lian
Sa 28 ang next update. Kakalungkot nga nung sinusulat ko yan kaso may reason din naman kung bakit tinapos ko na yung flashback. Hehe
DeleteGood luck sa thesis kuya aparadorprinece! Thank you sa update. Suppression lang ba nangyari kay biboy?hehe
ReplyDelete--->Just
Hello just. Tapos na defense ko, ayos naman. Haha
DeleteHmmm suppression nga ba ng memories? Di ko masabi eh. Masspoil ang kwento. Haha abangan ang susunod na kabanata...
One of the best stories here :) simple yet auper ganda. And i love kung pano mo kinukwento yung past and present..
ReplyDeleteDahil jan, i love you na sir. :)
- gavi
Hi cris, salamat talaga sa comment. Kaso wala nang ikkwentong past kasi naghiwalay na si biboy at ran-ran.. haha
DeleteKuya aparador prince!!!
ReplyDeleteKudos!!! Lalong gumaganda ang story :) I think tama lang yung timing ng pag_end ng flashback's lalo pa naglelevel up na yung kilig factor sa current timeline! Isa ka na talaga sa fave author ko! Ang galing! Ang linis ng pagkakagawa! Ayos yung length ng paragraph di ka mabobored! At ang linis ng plot ng story at yung grammar! Galing wala ako masabi! Keep it up!
-cj ^_____________^
Since na-mention mong nagsusulat ka na noon pa! Can you give us a link kung saan makikita yung iba or list na lang! I tried clicking on the fb link you have but I'm unable to be routed to the right page, laging error 404 hahaha
Wow nakakaflatter naman ang comment cj. Nagsusulat lang ako ng kung anong maisip ko.
DeleteAy nako wala din naman akong mga sinulat sa fb. Haha madalas yung sinusulat ko e hindi ko tinatapos. Etong kwento ni Arran e dati ko nang isinulat, kaso di rin natapos. Kaya ngayon naisipan ko lang na isulat ulit. Haha
nalate ako dito ah. dami ng comment. 2am pa nmn ako natulog. diko napansin na meron na palang update. kakalungkot naman ng hiwalayan nila ranran at biboy. mga bata palang nag eemote na. ang alam pag may aalis ng pangmatagalan, ang laging umiiyak o nagpipigil lumuha ay yung naiiwan. yan ang lagi kong nakikita nung kabataan ko at hanggang ngayon. kasi bumabalik din nmn yung umaalis.
ReplyDeleteayan, nagkaalaman na silang dalawa. nagpapakiramdaman nalang kung sino unang uungkat ng nakaraan nila. si arran nangangapa at nanunubok para malaman nya kung ito nga ba ang kababata nya. samantalang si robert, sigurado akong alam na nya sa simula palang. 10yo na sya nun, kaya dina nya makakalimutan yung mga nakaraan nya. thanks sa update. simple pero super nagandahan ako sa chapter na ito. bumalik lahat ng nakaraan ko, kasi lagi kaming umaalis, simula nuong bata, hanggang ngayon. nakakamis talaga sila. i mis u mahal ko, see you next year hehe.
0309
Hi 0309. Mas bata naman kasi si ran-ran kaya mas iyakin. Haha ang haba ng comment nyo wooh. Anyway every four days ako nag uupdate. 12 midnight eksakto. Wahaha aswang lng.
DeleteAnyway magkakaalaman na next chapter. Yun lang masasabi ko, pero syempre exciting yung sunod na chapter
Finally, nakapagcomment na naman ako! Sobrang kilig! Looking forward to the next chapters!
ReplyDeleteHello ken. Uuuuy kinikilig :) mas kikiligin ka next update. Weeee
Delete^_______^
ReplyDeleteSmile na lang muna...nasabi na nila lahat ng gusto kong I comments eh
Ganun ba raffy, ayos lang yan
DeleteSalamat :) palagi ko naman nakikita name mo sa comments kaya okay lang. Haha
kakakilig ang present :)))))....nakakaiyak naman ang flashback :(((
ReplyDeletenakakilig ang present :)))...nakakaiyak ang flashback :(((((
ReplyDeleteHaha ganun ba pj, ayos lang yan at least may nahuhugot na emosyon sa mga readers. Hehe
DeleteTeam RobRan, go! Hahaha ang tagal ko ding hindi nakapag-comment! Kaya susulitin ko na! Medyo kakaiyak nga lang yung flashback. Mamimiss ko sila, yung mga bats! Pero at least ngayon, mas marami ng kilig?
ReplyDeleteHi Ken. Team Robert-Arran ba? Yehey. Hahaha
DeleteActually mamimiss ko din magsulat ng tungkol kay RanRan at Biboy, kahit ako daming memories na bumabalik pag 90s sinusulat ko. Haha
Nahuli sa byahe... Hehehe
ReplyDeleteGanda ng chapter nato kinikilig ako sa present ngpakiramdaman ang dalawa.
Sigurado mas maganda na mga mangyayari next chapter...
Hi Richie, salamat sa comment. Syempre pinaganda ko ung sunod
DeleteHaha
Kakakilig nga. Gusto ko yang sungit sungitan pero ang totoo eh gusto naman.
ReplyDelete-hardname-
Haha umaarte pa ata si robert
DeleteSamantalang obvious na sya. Haha
ang ganda aman ng flow ng story, keep up the good work mr author!
ReplyDelete