Author’s note:
I wrote Arran’s
story way back 2008 with the title “The Trip to Make Memories”, but stopped
halfway of it. Now, I decided to finish
it and somehow add other details pa kaya sana magustuhan n’yo. A big shoutout
para sa mga 90s kids. Sana pare-pareho tayong makaalala ng panahon kung saan
magkalaban ang Stik-O at Champola, Yakult at Chamyto. At ang panahon kung saan
tila wala tayong problema – maliban sa pagkain ng gulay at pagtulog sa
tanghali. Enjoy!
-aparadorprince
DATI - Part 1
“Oh my god kuya, I
saw all your pictures! You’re so disgusting!” sigaw ni Ashley pagkatapos buksan
ang pinto ng nakatatandang kapatid na si Arran. Pinakaayaw pa naman ng binata
ang bigla-biglang pagpasok ng ibang tao sa kwarto nya. He feels that he’s being
robbed out of his privacy everytime someone knocks without his permission.
Napabuntong-hininga
na lang si Arran sa tinuran ng kapatid. Ugali na ni Ashley na makialam ng
gamit, lalong-lalo na kung may patungkol ito sa kanya. “Anong problema mo?
Umalis ka nga dito!” pabulyaw na sagot ni Arran sa kapatid. Kung hindi lang
talaga pinagpipilitan ng mommy huwag munang bumukod ng bahay, malamang ay
mabilis pa sa alas-kwatrong nag-empake si Arran at lumipat ng matitirahan.
“I
saw everything. Nakikipaghalikan ka sa lalaki, oh my god! Magkano’ng binayad mo
dun?” exaggerated na tuloy ni Ashley. Mukhang wala na siyang balak gawin sa
mundo kundi ang asarin ang kapatid.
“Tigilan
mo nga ako dyan sa pag-iinarte mo. Kung maka-oh my god ka, parang hindi ka pa
nakakakita ng dalawang lalaking naghahalikan. Panay naman ang tambay mo sa mga
bar sa Malate!” sagot ni Arran habang tila may hinahanap siya sa toolbox sa
ilalim ng kama nya. May hinala na siya sa susunod na sasabihin ng kapatid.
“I’m
telling mom.” Banta ni Ashley habang tinitingnan ang kapatid.
“I’m
telling mom.” Arran mimicked her sister in a sarcastic tone. “Go ahead, sabihin
mo kay mommy. Para malaman din nya kung anong ginagawa nyo ng ‘thesis mate’ mo
kapag nasa kwarto kayo.” ngisi ni Arran ng makita niya ang hinahanap. Jackpot.
“Shut
up. You’re telling lies. Mom won’t believe you. Alam mo namang ako ang
paboritong anak ni mommy.” Sagot ni Ashley at itinaas pa ang kilay. Totoong mas
pinapaboran ng mommy nilang si Rina ang bunsong anak. Sunod ang luho sa damit,
alahas, sapatos at lahat ng mahiligan ni Ashley. Kaya lumaking spoiled. Si
Arran naman ay pinabayaan lang ang ganitong set-up sa pamilya nya.
“I
know, dear sister. That’s why I’m not telling her without this.” Itinaas ni
Arran ang kamay niya, hawak ang gamit na pregnancy test kit na nasa loob ng
transparent na plastic. “Sino sa tingin mo ang gagamit nito? Don’t tell me, mom
is getting all Immaculate Concepcion on us.” Nakangising turan niya. Arran
knows that he’s bound to be the victor in this verbal catfight between him and
his sister.
Ashley’s
face turned white. “Saan – saan mo nakuha yan?” Namumuo na ang pawis sa kanyang
noo.
“Kung
hindi ka ba naman isa’t-kalahating engot na itatapon ito sa garbage can sa
banyo. Pasalamat ka nga ako ang nakakita, baka pakuluan ka ni mommy ng buhay
kapag siya ang nakakita to, nang maalis naman sa katawan mo yang kakatihan mo.”
Arran answered while waving the evidence on her ashen face. Akma namang aagawin
ni Ashley ang plastic ngunit mas mabilis na nailayo ni Arran ito mula sa kanya.
“Ngayon,
ano ulit yung sasabihin mo kay mommy?” tanong ni Arran na nang-aalaska.
“Screw
you!” Ashley shouted back and stormed out of Arran’s room. He sighed with
disbelief. Ewan niya kung kailan naging ganoon ang kapatid niya. He loved her
sister so much, but Ashley’s perpetual hate for him grew as they grew up.
Wala
namang naiisip na dahilan si Arran kung bakit, maliban na lang dahil sa
kanilang tatay. Nagtrabaho sa Japan ang nanay niya at nakapangasawa ng Hapon,
at silang dalawa ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Well, sort of.
Ilang
buwan pagkatapos isilang si Ashley ay nawala na lamang ang kanilang ama.
Nag-iwan ito ng sulat sa kanila at nagsasabing “I will find myself”. Tatlong
taon lamang si Arran noon at halos walang muwang sa mundo. Bumalik silang tatlo
sa Pilipinas at hindi na nila nakita pa ang kanilang ama mula noon.
Nakuha
ni Arran sa kanyang ama ang features nito, kaya mukha siyang Japanese at first glance. Chinito, maputi at
may taas na 5’6”. Agad mong mapapansin ang malamlam nitong mata na tila
inaantok.
Kapag tinatanong ng
magkapatid sa kanilang ina kung nasaan na ang tatay nila, ang isinasagot lamang
ni Rina ay tumalon daw ito sa isang bulkan sa Japan. Kakatwang isipin, ngunit
ito na lang ang pinaniwalaan ni Arran. They never saw even one picture of their
father.
But
Ashley’s mind spun a different direction. Sinisi niya si Arran kung bakit
umalis ang kanilang ama. It was a silly idea, but eventually her anger grew out
of proportions.
“Arran
– 1. Ashley – 0.” Ang natatawang banggit ni Arran habang isinasara ang pinto.
Hindi na rin niya kinalimutang i-lock ito, kung sakaling pumasok ulit ang
kapatid niya sa kuwarto.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Ran-ran.” Masayang
tawag ni Biboy sa kalaro, isang Sabado ng Abril. Nasa tapat ito ng bahay nila,
saktong alas otso ng umaga. Yayayain sana ni Biboy si Ran-ran na maglaro sa
bahay nila. Hilig kasi niya ang Shaider
action figure ni Ran-ran, at paborito naman ng huli ang collection ng Matchbox sa bahay ng huli. Madalas na nagpapalit
ang dalawa ng laruan dahil ayaw naman nilang magpabili pa sa kanilang mga
magulang.
Summer
vacation noon kaya walang pasok. Madalas na magkasamang nanunuod ang dalawa ng
BTX at Blue Blink sa umaga, Shaider
at Bioman naman sa gabi. Madalas silang
magtalo kung sino si Red 1 kaya
napagpasyahan ni Biboy na siya na lang si
Shaider, at si Ran-ran naman si Red 1.
Minsan din silang manuod ng Remi at
Sarah, Ang Munting Prinsesa, at sabay
ding umiiyak kapag ma-drama ang mga tagpo. Agad namang susugod ang nanay ni
Biboy na si Aling Fe mula sa kusina upang tingnan kung anong nangyari, ngunit
matatawa na lamang dahil makikitang ngumangawa ang dalawa sa harap ng
telebisyon.
Ilang
sandali pa ay bumukas na ang pinto ng bahay ng kalaro. Napangiti si Biboy nang
makita si Ran-ran na bitbit ang action figure na paborito niya. Naka-Fido Dido siya na sando at pambahay na
shorts. May towel pa sa likod. Lumabas din saglit ang nanay ni Ran-ran na si
Rina.
“Ingat
kayo Biboy. Anak, huwag kang masyadong malikot sa bahay nila at baka makabasag
ka ng kung ano.” Paalala niya sa dalawang paslit.
“Opo. Dun na lang
po pala ako kakain kina Biboy, mommy.” Sagot naman ni Arran. Nakita niya na
kumunot ang noo ng ina. Alam nito ang binabalak ng makulit na anak. Hindi naman
napigilan ni Arran ang ngumiti dahil alam niya ang susunod na mangyayari.
“Naku, nakakahiya
sa nanay ni Biboy. Ang takaw mo pa naman. Dito ka na kumain mamaya.” Pagpupumilit ni Rina, ngunit mukhang katulad
na naman ito ng mga dating tagpo kapag hiniritan na siya ni Arran ng ganitong
litanya.
“Tita Rina, ayos
lang po yun kay Mama. Madalas naman po akong mag-merienda sa inyo pag hapon.”
Sabad naman ni Biboy, nakangisi rin katulad ng kaibigan. “Aalis na po kami
Tita. Babay.”, sunod pa niyang sinabi at inakbayan si Ran-ran palayo sa bahay
nila.
“Babay mommy, I
love you!” sigaw naman ni Ran-ran sa kanyang ina habang kumakaway pa. Nang
nakita niyang isinara na ng kanyang mommy ang pinto ng bahay, agad silang
humagikgik ni Biboy. “Salamat ha.” Turan nito sa kalaro.
“Gulay na naman ang
ulam ninyo mamayang tanghali, ano?” tanong ni Biboy kay Ran-ran habang
naglalakad sila. Madalas niyang pagtakpan ang kalaro sa ganitong sitwasyon.
Una, dahil alam niyang hinding-hindi mapapakain ng gulay si Ran-ran. Pangalawa,
dahil masesermonan ito ng kanyang mommy kapag hindi siya kumain nito at hindi
papayagang lumabas para maglaro sa hapon. Hilig pa naman ng mga bata sa
compound nila na maglaro ng Patintero
o Agawan Base. Minsan nakikisali din
silang dalawa kapag nagsimula nang maglaro ng Piko o Chinese Garter
ang mga kalaro nilang babae. Tiyak, kapag hindi niya tinulungan si Ran-ran na
magpalusot sa kanyang mommy ay mag-isa lang siyang lalaking maglalaro sa labas
pag hapon. Ayaw naman niyang makihalubilo kapag ang ibang kalarong lalaki na
ang nagkayayaang maghabulan. Madalas siyang umuuwing may galos dahil nadapa
siya o itinulak ng mga kalaro.
“Oo eh. Nakita ko
yung pinamili ni mommy kanina sa palengke, puro gulay! Tapos sabi pa niya,
pinakbet ang tanghalian namin. Eh puro gulay yun.” Paliwanag ni Ran-ran sa
kalaro.
Kumunot ang noo ni
Biboy. “Bakit ba kasi ayaw mo kumain ng gulay, masarap naman yun ah?” tanong nito, ngunit mukhang alam na alam niya
ang isasagot ng kaibigan.
“Ayoko nun, kadiri
ang lasa. Mas masarap pa din kapag fried chicken ang ulam. O kaya kapag pork
chop.” Sagot naman ni Ran-ran, sabay ng pagtapik niya sa tiyan niya.
“Bahala ka nga.
Masarap din naman ang gulay, ayaw mo lang talagang subukang kumain.”
Napapailing na tugon ni Biboy, mukhang hindi na talaga matututong kumain ng
gulay ang kalaro niya.
Napasinghot si
Ran-ran. “Ah basta, mas masarap pa rin ang fried chicken kaysa pakbet. Yak!” saad nito.
Magkasabay na
naglakad ang magkaibigan patungo sa bahay nila Biboy. Tiyak na buong araw na
naman ang paglalaro ng dalawa.
Ang ganda ng simula! Wag mo akong bitinin! :)
ReplyDeletesalamat po :) will do my best para pakiligin kayo hehe
Deletesounds interesting. amoy n amoy n agad yung 2. hehe. thanks
ReplyDeleterhon
naaamoy ba agad rhon? mas maaamoy mo sila sa mga susunod na chapter. enjoy reading! :)
DeleteWow.. parang maganda to ah!
ReplyDeletesana mabilis lang ang update. hehehe.. ^^,
will do my best to update asap. medyo marami din ginagawa sa school, but I'll write updates - pampabawas ng stress. Salamat sa pagbabasa! :)
Deletemay aabangan na naman... salamat!
ReplyDelete-arejay kerisawa
salamat arejay. apir! :)
ReplyDeleteGanda ng cover photo ^^
ReplyDelete« bubwit »®
ay totoo. ask natin si Kuya Ponse kung sino ang nasa pics. Hehe :)
Deleteay teh gusto ko toh naeexcite na aku sa next update mo..
ReplyDeleteay ako din teh excited sa mga updates! haha :) salamat sa pagbasa...
DeleteMay aabangan na naman ako! Wag mambibitin!
ReplyDeleteyes Ken! Mahirap mabitin, masakit sa damdamin. Hehe
DeleteMukhang ka age ko si Arran ah...lahat ng binangit na palabas napanood ko nag memory lane down tuloy ako hahahaha.....napa isip ako kay blue blink bigla den naalala ko na sya yung pony na blue hehehe...
ReplyDeleteBtw this one of a kind...iba ang atake for sure may bago na nman akong aabangan dto sa MSOB...kudos 1
26 ka na Raffy? I'm a bit younger than Arran, pero karamihan ng isasama kong 90s icons ay naabutan ko naman din. Masaya nga balikan yung kabataan natin. Hehe
DeleteGoing 29 this nov hehehehe...agree ako sayo masarap balikan ang ating kabataan. ..more updates hehehe
Deletesix years older ka, pero ayos lang, magkabatch pa rin tayo. hahaha :)
DeleteUpdate na please! :)) ang ganda ng approach ng pag kwento. :)
ReplyDeletethe second part in 5..4..3..2..1.. :)
Deleteparang si kuya ponse lng hehe
ReplyDeleteay hindi po, manager ko po si kuya Ponse. Hahaha
Deletetawag dyan Mr.Meloh eh 3rd person na pagkukuwento katulad din ng style ni Ms.D :)))
Deleteaus EHEK!
Deleteoo nga. hindi ako sanay magsulat nang nagsswitch ng POV. Mahirap yun. Hahaha
DeleteGaling naman.
ReplyDeleteoo nga parang si kuya ponse nga :D ..
keep it up. ang ganda ng start. basahin ko lang yung kasunod muna. relate much din sa mga binanggit na palabas...haha
~JACK
Mga 90s kids ang nakakaalala nito, although yung younger readers can still search the internet if they do not know what I'm taking about. Hahaha.
DeleteManager ko po si Kuya Ponse, sya po nakadiscover sa akin na naglalakad sa kalye na madungis. (Taong grasa lang?)
Can you promise that you will finish this story at this time? Baka naman katulad ka ni daredevil nagpromise na matatapos ang story niya, ang nangyari inindian niya ang mga readers at nagdadrama. Remember ikaw ang gusto magsulat para namin babasahin; may responsibilidad ka sa mga readers mo. Huwag na yong pasumpong - sumpong, happy or sad ang buhay dapat tapusin.
ReplyDeletehala nasermonan pa ako. toinks. pero salamat po sa paalala, :)
Deletepromise ko po na magiging regular ang updates ko, let's say hindi matatapos ang linggo na walang dalawang updates ;) so stay tuned lang po palagi.
buti nlg batang 90's ako.. naalala ko tuloy.. hahaha
ReplyDelete