Followers

Thursday, September 12, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 9.




318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Niel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel


Authors Note:


Hello guys! Chapter 9 na oh? Uy, sorry talaga guys kung late posting to. Marami lang po talagang ginagawa ko. Pero, bilang pambawi po sa inyo medyo hinabaan ko na rin po ang chapter na to.


Muli, gusto ko po sana magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa akin at sa mga akda ko. Sa bawat comments, feedbacks (negative man or positive) ay nakakatulong sa page-enhance ko sa pagsusulat. Kaya muli, maraming salamat sa inyong lahat.


Hindi ko na po patatagalin pa. Heto na pala ang chapter 9 ng aking akda. Sana po ay magustuhan nyo


Again, maraming maraming salamat po! =))


-nieL



PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats! XD




Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)




Chapter 9



Colby’s Point of View:



Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula ng maging kami ni Xander. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo noong mga oras na umamin siya sa akin ng kanyang nararamdaman. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? Ang akala ko dati ay imposible nang mangyari to, ngunit heto na. Nangyari na ang gusto ko, ay mali ang kaligayahan ko. Kaya naman sobrang saya ko sa mga panahon ngayon, hinihiling ko na sana’y di na matapos to.


Isang napakagandang umaga ang sumalubong sa akin sa araw na ito. Bagaman, madilim pa sa labas dahil alas-kwatro pa lamang ng umaga ay ramdam ko na ang saya. Ang sabi kasi sa akin ni Xander ay susunduin nya daw ako ng after lunch dito sa bahay dahil may pupuntahan daw kami. Kaya naman kahit matagal pa ang oras ay maaga akong nagising. Ewan ko ba, masyado akong excited! Ganito ba talaga kapag inlove? Haha!


Tinignan ko ang cellphone ko. Pagbungad na pagbungad pa lang sa akin sa screen ng cellphone ko ay nakita ko na ang picture naming dalawa ni Xander. Ginawa ko talagang background image to ng cp ko upang sa bawat sandali na titignan ko ang cp ko ay mapapangiti ako dahil nandoon ang litrato namin ng inspirasyon ko. Oooopppss! Ang hirap ipuslit nito kay mommy ah? Hirap na hirap kasi akong buksan ang cp ko kapag nandyan si mommy dahil baka mag-doubt sya kung bakit picture namin ni Xander ang background image ko. Hindi niya pa naman alam ang tunay na pagkatao ko. Kaya naman tuwing magkasama kami sa bahay ay iniiba ko ito kahit labag sa kalooban ko. Except kay Ate Grace na na-kwento ko na ang lahat ng tungkol sa amin ni Xander. Kilig na kilig naman ang bruha dahil bagay na bagay daw kami.


Until, may naamoy akong pamilyar na amoy. Pabango ni Xander? E wala naman sya dito sa kwarto ko ah? Bakit naman kaya sya pupunta? Saka, kung pupunta man sya? Madaling araw pa lang ah?


Sa sobrang curious ko kung bakit ko naamoy ang pabango ni Xander sa mga oras na yun ay agad kong binuksan ang lampshade ng aking kwarto.


Ngunit bigo ako. Ayan! Excited kasi masyado. Siguro nga ay masyado lang akong napa-familiarize sa pabango nya kaya naman kahit sa ganitong kaaga ay naamoy ko ito! Haysss! Xander, nakakaadik ka kasi e! Haha!


Hanggang sa..


[Pa-click na lang po ng video :) Salamat :) Credits to the owner of this video)




“You and I, cannot hide the love we feel inside the words we need to say..” Pagkanta ng isang pamilyar na boses. Nang lumingon ako nanlaki ang mata ko sa gulat si Xander nga na dala-dala pa ang kanyang gitara.


“I feel that I have always walked alone. But now that your here with me, there’ll always be a place that I can go..”


“Suddenly our destiny has started to unfold. When youre next to me. I can see the greatest story love has ever told.” Namangha ako. Hinaharana nya ako ng ganitong kaaga. Hindi naman sa ayaw ko. Pero ibang klase tong si Xander. Pinapakilig ako sa kahit anong oras. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.


“Now my life is blessed with the love of an angel. How can it be true? Somebody to keep the dream alive. The dream I found in you..”


“I always though that love would be the strangest thing to me. But when we touch, I realize that i found my place in heaven by your side..”


Grabe! Ano ba to?! Pulang pula na ako sa sobrang kilig! Anong ginagawa dito ni bes? I mean, sa ganitong kaaga? Hindi ko naman mapigilang mapaluha, mapatawa at halos mamula sa sobrang kilig sa ginawa nyang surprise.


“Be-bes? Ano bang ginagawa mo dito?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Hinaharana ang mahal ko. Obvious ba? Hindi mo ba nagustuhan?” Medyo malungkot nyang sagot.


“No its not that, sa totoo lang? Sobrang na-appreciate ko.  What I mean is. Bakit sa ganitong kaaga?”


“Syempre, gusto ko po na ako po ang una mo pong makita pagising mo po bes ko po..” Malambing nyang sabi sabay yakap sa akin. That hug! Shit! Naninindig balahibo ko! Kinikilig ako and at the same time ramdam na ramdam ko yung yakap nya.


Sa ginawa niyang iyon ay hindi ko naman maiwasang kiligin at ma-touched ng sobra sobra. Sa umagang to ay saksi ang apat na sulok ng aking kwarto sa paghaharutan at paglalambingan namin ni bes. Pero hindi kami nag-ano ah? Alam nyo na kung ano yun! Haha! Sa isang linggo kasing naging kami ay hindi pa talaga kami nagtatalik ni bes. Puro halikan lang at lambingan lang talaga. Doon kasi ay mas dama ko ang pagmamahal nya at alam kong siya rin.


“Bes? Paano ka pala nakapasok ng gantong kaaga dito sa bahay?” Pagtatanong ko sa kanya habang parehas kaming nakahiga sa aking kama at naglalambingan.


“Ang sabi mo di ba alam na ni Ate Grace mo na tayo na?”


“Oo nga bes..”


“Ayun kinausap ko siya. Ayaw nga pumayag kasi maiistorbo daw yung tulog nya e. Pero pinlease ko talaga sya. Kaya ayun napapayag ko rin. Hehe..” Sabi ni Xander sa akin. Syempre, na-touched talaga ako sa ginawang effort ng boyfriend ko. Kung wala nga lang sya dun ay baka naglulumpasay na ako sa kilig e, kaso nandun sya e kailangan magpaka-demure. Hihi!


“I love you bes..” Sambit ko sa kanya sabay halik sa kanyang mga labi.


“Mahal na mahal din kita bes..” Sabi nya sabay titig sa akin. Nakow! Buti hindi ako natunaw sa sobrang pagtitig niya.


Alas-11 ng tanghali noong umalis kami sa bahay ni bes. Balak sana naming pumunta sa mall noong upang magpalamig muna ngunit bigla nya naman akong dinala sa playground kung saan madalas kaming magharutan at magkwentuhan noon.


“Ang ganda pa rin dito noh?” Sabi ko habang tinititigan ang playground at parang inosenteng bata na ngayon lang nakapunta dito. Ewan ko, mas maganda ang tingin ko ngayon sa lugar na to kaysa noon. Siguro dala to ng sayang nadarama ng puso ko.


“Oo nga e. Ang ganda. Sobra..” Banat nya sabay tingin sa akin. At heto na naman ako na halos sumabog na sa sobrang pula. Ganito pala kapag nagpipigil ka ng nararamdaman noh? Naiipon lahat ng pressure sa loob-
loob mo. Kinurot ko na lang siya sa tagiliran bilang tugon.


Habang nasa ganun kaming paglalambingan ay bigla niya namang nilagay ang kanyang mga daliri sa pagitan ang aking mga daliri. Kahit may iilang tao sa playground ay mistula siyang hindi nahihiya. Nakikita ko tuloy sa kanya na handa nyang ipaglaban ang pagmamahalan namin. Na hindi siya mahihiya kahit na pagisapan sya ng masama ng ibang tao. Na kahit na lalaki ako ay wala siyang pakielam, dahil handa nya akong ipaglaban.


“Bes? Can I ask something?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Ask me then my one and only love..” Pagbanat nya sabay smack sa aking pisngi. Nakakailang points na to simula kaninang umaga ha?! Haha!


“Ano bang nagustuhan mo sa akin? I mean, hindi naman ako gwapo. Hindi naman ako pinagkalooban ng magandang hubog ng mukha..” Sincere kong pagtatanong.


“Itigil mo nga yung pagtatanong ng mga ganyang tanong bes..” Medyo nagtatampo nyang sabi.


“Bakit naman? Gusto ko lang malaman?”


“Wala namang kasing basis ang love bes. Basta kapag tumibok ang puso yun na yun! No more questions! No more how’s no more why’s! Kasi puso ang nagmamahal bes. Hindi mata. Saka kahit ano ka pa, hindi yan ang makakapagpa-turnoff sa akin. Dahil walang makakapagpa-turnoff sa akin sayo. Ganyang kita kamahal..” Sincere nyang sabi. Napayakap na lang ako sa kanya. “Saka, please. Do not insult yourself. It hurts me more. Parang sinasabi mo kasi na yung taong minamahal ko which is ikaw ay hindi karapat-dapat mahalin? It’s a big no bes.. Cuz, you are everything.. You are my everything..” Sincere nyang sabi. Na-amazed naman ako. His voiced was very soft kung saan damang dama ko ang sincerity sa mga sinasabi nya. Nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.


“Ang swerte ko naman..” Maluluha kong sabi sabay pisil sa kamay nyang hawak hawak ko.


Nagulat naman ako ng bigla niyang hinalikan ang aking kamay at sabay sabing.. “I’m luckier than you.. Because I have you..”




Xander’s POV:


If you would ask me what happiness is, I would shout the name “Colby.” Oo, dahil kami na. Sa ilang taon ding hinintay ko na makapagtapat ng nararamdaman ko ay at last napagtapat ko na rin sa kanya. Ang hirap din kasi, araw araw nagpe-pretend ako na mahal ko siya ng higit sa kaibigan sa sarili ko, at pilit kong nilababanan ang nararamdaman ko, ngunit sa tuwing nilalabanan ko lalo siyang lumalakas. Kaya wala akong nagawa kundi sundin ang nararamdaman ko. And, luckily, tama naman ang hinala ko at nagbunga naman ang lahat ng itinaya ko.


Grabe, noong mga oras pa lamang na sinabi ko kay Colby na si Trina ang gusto ko makapartner sa cotillion ng acquaintance party ay nakaramdam na ako ng iba sa bestfriend ko. Actually, normal lang naman sa aming magbestfriend ang mag-selosan, ngunit ewan ko ba. Siguro dala na rin ng nararamdaman ko kaya ng nagawa kong magkaruon ng confidence sa sarili ko na baka gusto nya nga ako. Nagbabakasakali lang ako noong una. Sumugal. Nanalo sa ngayon at pinapangako kong ipapanalo ko hanggang dulo.


Hiniling ko kila Nerrisse at kay Rizza na supresahin namin si Colby sa Acquaintance party na iyon. Grabe! Hirap na hirap akong i-confess sa kanila ang nararamdaman ko dahil ang alam nila ay lalaki talaga akong tunay. Ngunit, lahat ay gagawin ko para kay bes. Hindi ako matatakot. Kaya naman kahit mahirap ay talagang inamin ko kila Nerrisse ang nararamdaman ko. Di ba nga walang bagay na mahirap para sa taong mahal mo?


Noong una, na-shocked din sila pero dahil bestfriend naman din nila si Colby ay masaya sila. Inamin ko sa kanila na natatakot din ako dahil baka nga hindi naman mutual ang nararamdaman namin. Salamat naman sa kanila at pinalakas nila ang loob ko. Sinabi pa nga ni Nerrisse na bakit daw hindi ko subukan muna, at sinabi naman ni Rizza na subukan ko daw talaga dahil medyo may na-sesense daw syang iba kay Colby kapag kasama ako.


At nag-plano na nga ako ng pwedeng gawing surprise para kay Colby. Limang araw na lang noon at acquaintance na. Hindi na rin ako makapaghintay na umamin dahil sobrang excited na nga ako and at the same time kabado. Pero, sa limang araw na iyon kailangan ko maghanda ng surprise, kahit sana hindi ganoong kagarbo. Ang mahalaga tumagos at tumatak sa puso’t isip ni bes. Wala naman kasi akong sapat na pera para maghanda pa ng mas magandang surprise e, ngunit, may naisip akong paraan sa tingin ko ay magugustuhan nya at hindi nya malilimutan.


At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw noong umamin ako kay Colby, Grabe, sobrang kabado ako. Hindi ko alam ang magiging outcome nito, basta ang nasa puso’t isip ko lang ay kaya ko to. Para sa nararamdaman ko at para kay bes, deserve nyang malaman na mahal ko sya.


Fortunately, my confession was successful. No, very far from my expectation na successful lang dahil para sa akin very successful ito. Knowing that he also loves me, ang sarap sa feeling. At ngayon? Heto, ako masayang masaya sa piling nya.


Christmas vacation, heto kami ngayon sa park. Balak sana naming mag-sine ni Colby at bumili na rin ng mga pang-regalo sa mga batang pinupuntahan nya sa bahay ampunan e.  Christmas gift nya raw. May iniisponsoran kasing bahay ampunan ang mommy ni Colby. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit daw iniisponsoran ng mommy nya ang bahay ampunan na iyon e. Ang sabi nya lang ay mahalaga daw kasi sa mommy nya at kaibigan daw kasi ng mommy nya ang isang madre doon. Iyon lang ang alam ko. Basta, ang mas lalong nakakapagpa-inlove sa akin sa kanya ay ang kabutihan ng puso nya. Ang pagiging malapit nya sa mga bata at pagtulong nya rito.


Alas-2 na rin ng hapon noong marating namin ang mall. Bago kami manuod ng sine ay kumain muna kami. Pagkatapos naman ay nagyaya siyang dumaan muna sa isang book store dahil titignan daw nya kung available na yung psychology book na pinapabili sa kanila ng professor nila.


Habang tumitingin din ako ng mga libro doon ay nakita ko namang mistulang nakangiti si Colby dahil nahanap nya na ata yung librong hinahanap nya. Ang sabi nya sa akin ay ang hirap daw kasing hanapin nun.


“Oh bes? Ngiting tagumpay ka dyan?” Pagtatanong ko sa kanya noong lumapit ako sa kinaruruonan nya.


“Ahh! Nakahanap kasi ako nito! Grabe bes! Ang hirap kayang humanap nito. Buti na lang talaga at nagpunta tayo dito at nakahanap ako. Limited stocks na lang kasi to..” Pagpapaliwanag nya.


“Syempre, nasa tabi mo ata ang poging lucky charm mo..” Pagpapasikat ko sa kanya.


“Pwe! Ang yabang ha?!” Pagbibiro nya.


“Mayabang na kung mayabang! Isa lang naman ang pinagyayabang ko e..”


“Ano namang pinagyayabang mo?!”


“Anong ‘ano’ ? ‘Sino’ dapat! At ikaw yun!” Pagsabing-pagkasabi ko nun ay bigla naman syang ngumiti at namula. Haha! Ang cute nyang tignan kapag kinikilig. Kinurot pa ako sa tagiliran. Nako! Kung di lang to bookstore at kung nasa kwarto lang kami ay baka nagharutan na kami.


“Haha! Kaw talaga! Tara na nga!” Pagyaya niya.


“Bakit ka pa kasi bumili ng librong yan?” Pagtatanong ko sa kanya! Isa lang please? Babanat lang. Hehe!


“Syempre, kailangan ko to?! Para makapagaral! Para pumasa!” Sagot nya.


“Hindi mo naman kailangang pumasa e..” Sabi ko sa kanya.


“Bakit naman?!” Tanong nya na may medyo pagtataas ng boses. Haha! Ang cute nya mayamot!


“Kasi kapag bumagsak ka, sasaluhin ka naman ng puso ko eh!” Boom! Haha! Kitang kita ko yung pamumula nya. Grabe!


“Bwisit ka! Kala ko seryoso ka na!” Matawa-tawa nyang sabi. Lumapit naman ako sa tabi nya at sabay sabing..


“I love you..” Malambing kong sabi sabay halik sa pisngi nya.


“I love you too bes..”


After namin bumili ng libro ay pumunta naman kami sa toy store upang bumili ng mga pangregalo ni Colby sa mga bata sa ampunan. Grabe! Ang bait talaga ng boyfriend ko. Imagine, halos kasya na sa tatlong dosesang bata ang mga laruan ang binili niya bilang Christmas gifts sa mga ito. Ang swerte swerte ko talaga na magkaruon ng boyfriend na sobrang matulungin at sobrang mapagmahal sa mga bata.


After naming mamili ay pumunta agad kami sa bahay ampunan upang ipamahagi pa ang mga regalong binili niya sa mall kanina. Wala na daw kasi siyang time pumunta dito bukas at sa mismong araw ng pasko. Kaya naman habang maaga ay pumunta na daw sya. Gusto nya din daw kasing ma-meet ko yung mga batang pinupuntahan nya dito.


Pagpasok na pagpasok namin sa bahay ampunan ay sinalubong na agad sya ng mga bata. Lahat ito ay yumakap sa kanya at mistulang sabik na sabik silang makita si Colby.


 “Buti naman dumalaw ka na Kuya Colby, miss na miss ka na po namin..”  Sambit ng isang batang lalaking sa tingin ko ay nasa edad anim na taon pa lamang. Grabe! Ang cute ng bata.


“Na-miss ko rin kayo Lester. Pasensya na kayo kung ngayon lang ako nakadalaw ah? Busy din kasi e..” Sabi ni Colby. “At saka nga pala, may pasalubong ako sa inyo, nandun sa may pinto oh? Regalo namin sa inyo ni Mommy yun..” Masaya nyang sabi.


Agad-agad namang nagsitakbuhan ang mga bata papunta sa box ng mga laruan na binili namin. Halos hindi naman magkandamayaw sa saya ang bata dahil sa nakita nilang surpresa sa kanila. Tinignan ko si bes, ang saya saya ng mukha nya. “Wow! Kuya Colby! Ang ganda nito! Salamat po..” Maligalig na pagpapasalamat ng mga bata kay Colby.


“Nako Colby, buti na lang at dumalaw kayo dito. Lagi kayong tinatanong ng mga bata kung kalian nga daw kayo pupuntang magkakapatid at si Mommy mo..” Narinig kong sabi sa kanya ni mother.


“Oo nga mother, busy po kasi si Ate, si mommy naman po sa trabaho..  Kaya po ako na lang ang pinapunta ni Mommy dito since bakante naman po ako.. “ Pagpapaliwanag ni Colby kay mother.


At sa buong maghapong iyon ay nanatili kami ni Colby at sa bahay ampunan at nakipaglaro kami sa mga bata. Haha! Para kaming mga isip bata na nakikipagharutan at habulan pa sa mga bata. Dapat nga yayayain ko syang maglibot pa e, yun naman kasi ang plano ko ngunit dahil alam kong mas mag-eenjoy si Colby dito, dito na lang kami nanatili. Pero, isa lang ang ikinakatuwa ko, ang kasama ko sya kahit saan. At mas magiging masaya pa ako kahit saan ko siya makasama – kahit pa sa dulo ng walang hanggan, basta’s kasama ko siya.





Colby’s Point of View:


Dalawang araw bago ang pasukan, nandito ako ngayon sa kwarto nagmumukmok. Hindi pa kasi nagtetext yung mokong e. Ang sabi nya maglalaba lang daw sya ng uniform nya for tomorrow. Maglalaba? For 3 hours?! Ayos ah?!


Sobrang saya ko noong nagdaang pasko dito sa amin. Paano ba naman kasi, dito sumalubong ng bagong taon si Xander sa bahay dahil nga dumating naman daw ang ama nya. Ayaw ko man syang payagan dahil kailangan nga sya sa bahay nila ay nagpumilit ito at sinabing nagpaalam naman daw sya sa mama at papa nya. Kaya naman sumangayon na rin ako. Iba rin kasi ang pakiramdam kapag kasama ko si Xander. Pakiramdam ko ay kumpleto ako kapag kasama ko sya.


Noong araw ng pasko naman ay namasyal muli kami ni Xander. Binalikan din namin yung likod ng venue ng Acquaintance party namin kung saan nagkaaminan kami ng nararamdaman namin. Napakasaya ko noong araw na iyon, I think it was the happiest Christmas na naranasana ko sa buong buhay ko.  Knowing na may taong nandyan para sayo, tanggap ka , mahal ka, kaya kang ipaglaban – ang sarap sa pakiramdam. It was the best Christmas gift that I receive.


Noong bagong taon namin. Nagpaputok kami ni Xander sa backyard namin (XD), oo nagpaputok kami. Muntikan pa nga kaming mapagalitan ni mommy e, dahil nagpaputok ng piccolo itong si Xander. Ang tindi lang!


Isa pang ikinakaligaya ko ay ang pagiging close nila mommy at ni Xander? Actually, close naman talaga sila e. Kaso, paano ako aaminin nito kay mommy? Na ang bestfriend ko ang boyfriend ko na. Alam ko namang hindi ko to panghambuhay matatago e. Kaya nga natatakot ako. Wala pang idea si mommy kung ano talaga ako. Kaya pinapanalangin ko na kapag nalaman niya ay hindi magiba ang tingin nya kay Xander at sana ay matanggap nya ang aming pagmamahalan. I know, hindi galit si mommy sa mga gays, ang kaso lang kasi sa akin ay ako lang ang kaisa-isang lalaki sa pamilya kaya ayaw siguro ako ni mommy maging ganun. Pero, heto na e. Wala na akong magagawa. Sana lang ay matangap nya talaga ako.


Basta, I have only one word to describe in this short vacation – masaya.. masaya talaga. Salamat talaga sa diyos at binigyan nya ako ng mapagmahal na pamilya, maaalahaning mga kaibigan at isang napakabait, napakasweet at napakagwapong asawa ay este boyfriend pala.


So, back to story. Actually, kabado ako. Alam ko noong acquaintance party ay hindi lang ako, si Xander at ang mga kaibigan ko ang nakakita ng pagamin nya. Alam kong may iba pang mga estudyante noong naki-usyoso kung ano ba ang nangyayari noon. Ang kinakatakot ko lang naman ay si Trina, that girl is so obsessed to Xander, baka kung ano na naman ang gawin nyan sa akin or kay Xander.


Moving on, ayoko na syang pagusapan. Basta ang sa akin lang, ang akin ay akin at handa akong ipaglaban si Xander. Wala na akong pakielam o sa masasabi ng ibang tao.


After 3 and a half hour nagtext na nga ang mokong.


Xander : Bes ko, sorry kung ngayon lang nakareply. Nakatulog ako after ko maglaba.


Ako: E, ganyan ka naman e!


Xander: Uy, wag ka na magalit mahal ko. :’(


Ako: K


Xander: Galit nga, teka tawag ako..


At tumawag nga sya. Agad ko naman itong sinagot.


“Hello bes ko?” Pagbungad nya sa phone. Hindi ako sumagot.


“Uy? Sorry na po..” Dagdag nya pa. Hindi pa rin ako sumagot.


“E, ang dami ko kasing nilabhan e. Napagod ako bes. Sorry po..” Paghihingi nya pa ng tawad. Sa isip isip ko, hindi naman ganung kahirap magpaalam sa text dahil papayag naman ako. Pero, ayoko ng isumbat pa yun, napaka-unreasonable ko naman kung ganun. Kaya sinarili ko lang ito.


Tahimik. May ilang segundo ring hindi nagsalita si Xander.. Hanggang sa..

[Pa-click na lang po ng video :) Salamat :) Credits to the owner of this video)





“Sorry na, kung nagalit ka di naman sinasadya.. Kung may nasabi man ako init lang ng ulot.. Pipilitin kong magbago pangako sa iyo..”


“Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na. Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo. At parang sirang tambutso na hindi humihinto..”


“Sorry na, talaga kung ako’y medyo tanga. Hindi ako nagiisip nauuna ang galit.. Sorry na talaga sa aking nagawa tangap ko na mali ako, wag sanang magtampo. Sorry na..”


Nako! Kung makikita mo lang ako ngayon, grabe! Pulang-pula na ako sa sobrang kilig! Grabe tong si Xander. Alam nya talaga ang isa sa mga kahinaan ko. Ang boses nya.  Mistula tuloy akong na-mesmerize sa ginawa ng mokong na to! Kung nandito lang to, malamang nakutusan ko na to sa sobrang kilig ko.


“Okay na, sorry din kung ang babaw ko magtampo..” Mapagkumbaba kong sabi kay Xander.


“Haysss. Kala ko, magagalit ka na sa akin e..” Sabi nya.


“Malapit na actually, kaso wala e. Panis ako sa boses mo e..” Pamumuri ko pa.


“I know..” Pagmamayabang nya.


“Psssh! Yabang!” Pangaasar ko pa.


At sa gabing iyon, halos babad din kaming magkausap sa phone. Isa na namang napakasayang araw ang dumaan. Kausap ang taong mahal ko. Gusto ko nga sana syang papuntahin sa bahay o puntahan sya sa bahay  nila ngunit para napakaabusado ko naman kung pati araw ng linggo ay papaalisin ko pa sya sa kanila. Tama na ang magkasama kami sa school at minsan sa bahay nya or sa bahay namin. Ayokong isipin ni Xander na sinasakal ko sya. Gusto ko na kahit kami ay malaya syang gawin ang gusto nya except flirting with other girls particularly kay Trina.


Napakasarap pala sa feeling kapag nagtatampo ka at walang sawang susuyuin ka ng taong mahal mo. Yung tipong minsan kahit nasayo na ang mali ay hindi nya makukuhang magalit sayo dahil mahal na mahal ka nya. Hayyysss! Ang sarap talaga magmahal. Ngayon, nakikita ko na ang bunga ng itinaya ko. Itinaya ko ang friendship namin para sa mas malalim na relasyon. At least ngayon alam ko sa sarili kong I have a bestfriend and at the same time a lover.


Gusto ko na sanang tuldukan ang love story namin ni Xander. Kung ako nga lang ang masusunod ay malamang nilagyan ko na to ng “The End” ngayon. Ngunit, sadya talagang walang relasyong walang pagsubok. Tulad ng sinabi ko noon, kapag sinusubok ang isang relasyon its either lumaban kayong dalawa or lumaban ka o sya ng magisa. Ngunit, kung ano man ang maging outcome, you must accept it. Ako? Ewan ko kung matatangap ko ba ang magiging outcome kapag dumating ang panahon na kailangan namin humarap sa isang problema – kaya nangangamba ako. Ngunit, sa kabilang banda naman ay masaya ako. Sa nakikita ko sa ngayon, ipaglalaban ako ni Xander. Sa kahit anong problema na dumaan sa amin. Alam kong hahawakan ako ni Xander ng mahigpit.


Dumating ang muli ang araw ng pasukan. At ang lahat ng agam-agam sa isip ko ay mistulang nagkakatotoo.
Hindi naman lumalayo sa akin si Xander, ngunit napapansin kong unti unti na namang umuusbong ang kakatihan ni Trina. Bagay na lalong kinaiinis ko. Napapansin ko kasing kahit umiiwas na itong si Xander ay lapit pa rin ng lapit itong si Trina. Minsan nga habang nakapila si Xander sa canteen upang bumili ng pagkain namin ay bigla ba namang sumunod sa likod nya ang barkada nila Trina. At ang mas masama dun ay nasa unahan pa ang impakta.


Maya-maya ay parang may naamoy na akong kakaiba. Tawa ng tawa itong mga kabarkada ni Trina. Maski sya ay nakikitawa rin.


Laking gulat ko ng biglang sadyang itinulak ng mga kaibigan ni Trina si Trina kay Xander. Dahilan upang muntik nang matumba si Xander. Grabe! Ang kati talaga! Dikit ng dikit! Alam nya ba yung salitang “taken” na?  Buti na lang talaga ay matibay ang pagkakatayo ni Xander. Kung hindi, magiging chaotic ang pila sa counter ng canteen.


Another thing, nakakatangap na naman ang ng mga deadly notes. Yes, deadly notes! I don’t know kung prank lang ba yun pero parang napakatotoo. Ngunit, hindi naman nangyayari. Siguro panakot lang para layuan ko ang boyfriend ko. But, sorry as a said handa akong lumaban at wala akong pakielam sa gagawin o iisipin ng iba sa akin.


Ngunit, mayroon isang insidenteng hinding-hindi ko inaasahan ang nakita ko.  Umaga sa school. Kakatapos ng ng psyche namin kaya naman naisipan namin muna ni Nerrisse na bumaba ng campus upang bumili ng makakain sana.


Sarado ang hagdanan ng left wing ng campus namin dahil sa nililinis daw ang fourth floor. Kaya naman no choice na rin kami ni Nerrisse kung hindi tumawid sa fifth floor at doon na lang bumaba sa right wing.
Habang naglalakad kami ay masaya kaming nagke-kwentuhan ni Nerrisse ng bigla syang napatigil at napako ang mata sa loob ng isang classroom.


Tinignan ko naman kung ano nga ba ang dahilan ng pagkatameme nya.


Laking gulat ko ng bigla kong nakita sa labas ng bintana si Xander na kinokorner si Trina at mistula silang maghahalikan. At ang mas masakit pa ay ang saya saya pa ng mga classmates nya at ang iba ay halos hindi magkandamayaw sa kilig. Si Xander hindi alintana ang pangbibiso at ang kagustuhan ni Trina na gawin ito ni Xander sa kanya. Pakiramdam ko naman ay parang nagsipigtalan lahat ng ugat ko sa katawan sa nakita.


Natagpuan ko na lang ang sarili ko. Tumatakbo. Hinahabol ako ni Nerrisse dahil naririnig ko ang boses nya, ngunit parang wala ako sa sarili at dumaloy na lang ang iilang patak ng luha sa aking mga mata.




-         -  I  T U T U L O Y


1 comment:

  1. Author nakakabitin nman...wag sana manyari ung tulad kay tristan....next chapter na please....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails