Followers

Wednesday, September 11, 2013

Bliss 2 chapter 6



              Author's note

                              haixxxtttt malalim na buntong hininga talaga hehehe.. iayo sakin yung computer pag malungkot ako pati story nadadamay ahahha joke lang.. saamat sa patuloy na suporta hindi naman ako professional writer pero nageenjoy na ko sa pagsusulat.. kahit super busy at puyat..hehe computer parin ang hinahanap ko ehehe dahil sa inyo yun kaya thank you sa inspiration..chapter 6

              Linggo na nun ng umaga ng umuwi ako sa bahay galing sa bahay nila raymond.. Madami pa kong kailangan tapusin pag dating ko palang sa computer na agad ako humarap halos maghahapon ng matapos ko yung ginagawa ko.. Pumunta lang ako sa kusina saka nagtimpla ng kape hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko para sumilip sa bintana.. Kumunot lang yung noo ko ng matanaw ko yung pulang sasakyan sa harap ng bahay ko.. Agad naman akong lumabas ng bahay.

               Lumapit lang ako sasakyan na yun saka inaninag kong may tao sa loob nagulat lang ako ng bumukas yung bintana nito saka nanglaki ang mata ko sa nakita..

               " hi carlos." bungad lang ng tao sa loob ng sasakyan.. Ilang sandali akong hindi nakagalaw..Sa unang tingin para syang si alvin kahit yung boses niya hawig ng kay alvin pero habang tinitigan ko yung mukha niya unti unti kong nakita yung pagkakaiba nila. " hey carlos titigan mo lang ba ko.?." saad pa nito.

               " ikaw si earl..?"

               " yeah I'm earl..." ngiti nito dun ko naman nakita yung dimple nito sa magkabilang pisnge..mas lalo kong nasigurado na hindi sya si alvin dahil wala ganun yung alvin na kilala ko yung alvin na minahal ko. " mas gwapo ka nga sa malapitan.." ngiti pa nito kaya umiwas lang ako ng tingin.

               " sino ka.." bigla naman tumunog yung cellphone nito ngumiti lang to saka sinagot yung tawag.

               " ok mom pauwi na ko.." saad nito habang nakatitig sa mukha ko. " I'm sorry darling but i have to go." ngiti nito saka binuksan yung engine ng sasakyan.

               " wait sino ka." habol ko sa kanya pero ngumiti lang to sakin... Naiwan naman ako sa harap ng bahay na tulala.. Sino ba sya.. Bakit kamukha niya si alvin.. Anong kailangan niya sakin.
             
            Parang wala naman ako sa sarili ng pumasok sa loob ng bahay saka naupo sa sofa... Alvin ano to.. Sino sya..saad ko lang sa sarili ko nagsimula namang pumatak yung luha ko.. Unti unti lang bumalik yung sakit nung oras na nawala sya parang bumalik yung sugat ng kahapon....

            " alvin sino sya.." saad ko lang kinuha ko lang yung picture frame ng kasal namin ni alvin saka niyakap.. Hinayaang ko lang pumatak yung luha ko hanggang makatulog ako habang may luha sa mata.

            Naalimpungatan lang ako sa tunog ng cellphone ko agad ko naman tong kinuha saka sinagot.

            " sir asan na po kayo." saad ng tao sa kabilang linya tiningnan ko naman kung sino yun.

            " ah chris.." saad ko lang.

            " sir may usapan tayo di ba.. Sunday ngayon." tiningnan ko naman yung orasan nakita kolang na malapit na palang mag alas onse .

            " chris late na eh." saad ko saka tumayo para ibalik yung picture frame na hawak ko sa lalagyan nito.

            " sir naman eh please..?"

            " chris anong oras na kasi."

            " sir naman oh please.. Promise po hindi ko na kayo yayain uli pumunta dito.. Gusto ko lang makita niyo kung ano yung talagang ginagawa ko.. Na hindi talaga ko nagsisinungaling sa inyo." napabuntong hininga naman ako.

            " ok chris pupunta ko.. Maliligo lang ako."

            " talaga sir..?"

            " ayaw mo..?"

            " gustong gusto sir.. Isasama niyo po ba si sir raymond..?"

            " hindi.. Sige chris maliligo na muna ako." napabuntong hininga lang ako ng makita ko yung frame sa table sa gilid ng sofa.. Malamang kay earl yung nakita namin ni raymond na bulaklak sa puntod ni alvin pero ang alam ko walang kapatid si alvin.. Haixt.

            Sinalubong lang ako ni chris sa labas ng tinutugatugan niya.. Mukhang sosyal at maayos pala tong bar na to.

             " thank you sir dumating kayo." bungad sakin ni chris.

             " ah wala yun.."

             " bakit parang malungkot kayo sir may problema ba.. Ang gwapo niyo pa naman ngayon sir ngiti naman po kayo." pinilit ko naman ngumiti.

             " salamat chris.. Magsisimula na kayo tumugtug..."

             " after pa nung tumutugtug sir.. Tara pasok muna po tayo."

             " pwede ka ba talaga dito chris..minor ka pa ah."

             " ah sir hindi naman po bastusin tong bar na to.. Kita naman sir di ba.. Saka tumutugtug lang ako dito sir."

             " ah ganun.." pumasok naman kami sa loob ng bar na yun... Pero isang familiar na mukha ang nahagip ng mata ko.. Namamalikmata lang ba ko.. Oh talagang andito rin si earl..

             " sir.." saad ni chris saka tiningnan kung saan ako nakatingin. " ah oo nga pala sir di ba earl yung nagpadala sayo ng flowers.. Earl yung pangalan niya.." saad ni chris sakin.

             " yeah sya nga yun chris...kilala mo sya."

             " hindi po sir.. Pero remember sir nung nasa mall tayo nilapitan niya ko tinanong ka niya sakin.. Nakita niya na rin pala kong tumugtug dito tapos tinanong niya ko sir kung pumupunta kayo dito.. Sabi ko hindi pero baka pumunta kayo ngayon.. Kaya malamang kaya sya andito dahil sa inyo sir. Kaya nga po tinanong ko po kayo kung kasama niyo si sir raymond baka lapitan po kasi kayo sir eh."

             " ok lang chris gusto ko din malaman kung sino sya talaga."

             " ok sir tinatawag na ko sir.. Order lang po kayo sagot ko sir.."

             " no thanks kaya magbayad chris.."

             " I know naman sir pwede treat ko na po sa inyo to dahil naistorbo ko po kayo ngayon.?"

             " pero chris.."

             " please sir.. ?"

             " bahala ka nga.." ngiti ko lang sa kanya.. " tawag ka na oh."

             " ok sir enjoy kayo huh.. Wait senyasan niyo po ako sir in case na lumapit sa inyo yung earl na yun tapos kailangan niyo ng tulong."

             " kaya ko naman sarili ko chris.. Galingan mo im watching you.." ngiti ko nalang.

             " naman sir para sa inyo.." ngiti lang ni chris saka nagsimulang maglakad naiwan naman ako mag isa sa table na yun saka umorder ng beer.. Napangiti lang ako ng makitang nasa stage na si chris nginitian niya lang ako.

             " Gusto ko lang po ededicate tong first song namin ngayong gabi sa napakagwapo kong teacher.." ngiti ni chris...nagsimula naman silang tumugtug.. Nagenjoy lang ako sa pakikinig kay chris.. Maganda nga boses niya ang sarap lang sa tenga pagkatapos ng kantang yun natigilan naman ako ng simulan tugtugin yung sumunod nilang kanta.

When I see your smile
Tears run down my face
I cant replace

          " I guess wala kang kasama.." lumingon lang ako sa likod dun ko naman nakita si earl " pwede maupo.?"

          " sure.." maikling saad ko.
             " favorite song ni kuya right."

             " so kapatid ka ni alvin..?"

             " hindi naman halata di ba.." kibit ng balikat nito.. Nakita ko naman na tumingin sakin si chris kaya nginitian ko lang to para sabihing ok lang ako.

             " so anong kailangan mo sakin.?"

             " I like you.." deretsang saad nito mariing ko naman syang tinitigan..
     
             " really?"

             " I'm serious..  Ang sarap mo pala titigan noh "

             " Earl right..?"

             " yeah.."

             " kapatid mo si alvin di ba.?"

             " yeah.."

             " pwede kung ano man yung plano mo tigilan mo kasi im not interested.. Bakit mo ba ginagawa to..?"

             " kasi i like you..maybe i love you.?"

             " hindi mo nga ako kilala eh."

             " sa mahigit isang buwan kong pagsunod sunod sayo.. I think mejo kilala na kita.."

             " sinusundan mo pala  ko siguro naman alam mo na may nagmamayari na sakin." sarkastiko kong ngiti sa kanya.

             " raymond right.?" ngiti niya sakin.

             " yeah."

             " well kaya kong gawin lahat para makuha kita.. I love you at ilalaban ko to.." bigla namang tumunog yung cellphone ko nakita ko naman na tumatawag si jerome kaya kumunot lang yung noo ko.

             " si raymond.?"

               " no.. Excuse me sasagutin ko lang to." saad ko saka tumayo para pumunta ng cr gusto ko din iwasan yung mga tingin ni earl sakin dahil ganun ako tingnan ni alvin dati di ko alam pero bigla nalang may tumulong luha sa mata ko.. " jerome why.?"

               " Pwede ka bang makausap kuya.?"

               " Uhm jerome sorry huh not now.."

               " pero kuya.." pinatay ko naman yung cellphone ko saka sinapo ng dalawang palad yung mukha ko..maya maya lang inayos ko yung sarili ko saka lumabas ng cr naabutan ko naman si chris saka si earl na nnasa mesa.

               " tapos na yung tugtug mo chris..?" bungad ko dito.
           
               " may dalawang set pa ko sir eh ok lang kayo sir?."

               " oo naman.." saad ko saka umupo sa upuan.. Nakita ko naman yung ngiti sa labi ni earl kaya umiwas ako ng tingin.

               " earl po di ba.. Like ng sabi ko po sa inyo kanina may karelationship na po si sir.." saad lang ni chris kay earl.

               " I dont care." ngiti lang ni earl dito.

               " sir ok lang ba na iwan ko kayo dito..?" bulong sakin ni chris.

               " chris pwede na ba kong umuwi.?"

               " sure kayo sir..?"

               " oo chris.."

               " uuwi ka na carlos.." saad ni earl.

               " oo may pasok pa ko bukas."

               " hindi ba masyado pang maaga.. Inom muna tayo."

               " no thanks.."

               " hatid ko na kayo sir.." saad ni chris sakin ngumiti naman ako sa kanya aktoong tatayo na ko ng hawakan ni earl yung kamay ko. " uhm bitiwan niyo po si sir pwede.?"

               " pano kung ayoko..?"
               " let me go." saad ko lang dito nakita ko naman na lalapitan ni chris si earl ng pigilan ko.. " wag na chris.."

               " bitiwan niyo po sya kung ayaw niyo ng gulo."

               " bitiwan mo ko earl.." sinmaan ko lang sya ng tingin.

               " fine sabi mo eh.." ngiti lang ni earl saka binitawan yung braso ko nagmmaadali naman akong lumabas ng lugar na yun nakasunod lang sakin si chris.

               " sir sino ba yun.?"

               " brother ng asawa ko."

               " eh anong kailangan niya sa inyo sir.?"

               "I dont know.. Pasok ka na chris uuwi na ko..salamat huh" sumakay naman ako sa kotse saka binuksan yung binatana.

               " wala yun sir ingat po kayo.."

               " pumasok ka bukas huh."

               " oo naman sir.. Ingats kayo." pinaandar ko naman yung kotse ko saka nagdrive pauwi pagdayting ko sa bahay pabagsak lang akong nahiga sa kama.. Saka pumikit.. Alvin help me. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ko sa pagiisip naalimpungatan lang ako sa tunog ng cellphone ko . Si jerome.. Agad ko naman tong sinagot.

         "kuya carlos nasa labas ako ng house mo.?"

         " why.?"

         " Kuya please naman oh.?" isang buntong hininga naman yung pinakawalan ko saka lumabas ng bahay nakita ko naman yung sasakyan niyang nasa tapat ng gate. Binuksan ko lang yung sasakyan saka pumasok sa loob.

         " Jerome ano ba kasi yun.?"

         " Nakipaghiwalay  na sakin si joana."

         " Why.?"

         " hindi niya na daw ako mahal.." nakatungo niyang saad.

         " wala naman syang nabanggit sakin kailan sya nakipaghiwalay.?"

            " kagabi lang."

            " So bakit ka nandito di ba dapat sya yung puntahan mo.?"

            " kuya."

            " jerome ano ba.?"

            " kuya I like you." napamaang naman ako sa sinabi niya saka sya mariing tinitigan. " kuya nangako ako sa sarili ko na once makipaghiwalay sakin si joana ipaglalaban ko yung taong totoong mahal ko."

            " Joke ba to jerome hindi ka nakakatawa huh.?"

            " kuya matagal na kitang gusto. Ayoko lang makagulo."

            " jerome pwede tigilan mo to kung nakipaghiwalay sayo si joana sya yung suyuin mo hindi yung nandito ka para lang aningin ako."

            " kuya I'm serious.. Kilala mo na ko since high school nung una kita ko sayo sa cr nuon alam ko mahal na kita nagkataon lang na may mahal ka ng iba, natakot din ako nun sa nararamdaman ko sayo dahil masyado pa kong bata non. Kuya mahal kita." sarkastiko naman akong ngumiti.

            " Jerome hindi ka nakakatawa.. Papasok na ko kailangan ko pang maligo.. Kakalimutan ko lahat ng sinabi mo iisipin ko nalang nanaginip ako wala akong panahon sa ganito."

            " kuya mahal kita."

            " eh kung hindi ka naman baliw eh best friend ko si joana.. Tingin mo ba ganun ako kasamang kaibigan at one more thing kami na ulit ni raymond.. Remember him.?"

            " Si raymond.?"

            " yeah.. Di ba ayaw mo mangulo.. Kaya titigilan mo na tong kabaliwan mo.. Magisip ka nga jerome matanda ka na alam mo na kung ano yung tama at mali."

            " kuya matanda na nga ko kaya alam ko na kung pano lumaban."

            " jerome are you out of your mind! Suyuin mo si joana mahal ka nun kaya tigilan mo ko."

            " hindi niya ko mahal kuya kahit kailan hindi niya ko0 minahal.. Alam mo kung sino yung mahal niya talaga.? Si alvin.!" kita ko naman yung pagtulo ng luha niya.

               " jerome mahal ka niya.. Alam ko yun mahal ka ni joana."

               " kahit kailan hindi niya ko minahal kasi si alvin yung mahal niya.. Manhid ka ba hindi mo man lang naramdaman yun.. Ilang beses syang lumapit at nagmakaawa kay alvin pero tinangihan sya nito at alam kong lahat yun at lalong alam ni alvin yun.."

               " sinungaling ka.. Tigilan mo nga to.. Kaibigan ko si joana at wag mong idamay si alvin dito.."

               " kuya ginawa niya lang akong panakip butas. At ginamit ko lang sya para makalapit sayo."

               " Jerome praning ka na.. Maliligo na ko." saad ko saka binuksan yung pinto ng kotse niya pero nahawakan niya lang yung kamay ko. " let me go." sinamaan ko lang sya ng tingin pero hinila niya ko papasok saka nilock yung pinto ng kotse. " Jerome buksan mo to."

               " kuya just listen to me.?"

               " Ano pa ba papakinggan ko huh yang kabaliwan mo."

               " OO itong kabaliwan ko sayo.. Kuya I love you.. Mahal kita matagal akong nanahimik para hindi makagulo. Pero ngayon handa ko ng ipaglaban to."

               " Jerome please stop this nonsense."

               " Kuya gusto ko ng ipaglaban to please.. Bigyan mo ko ng chance please kuya." kita ko lang yung pagiyak niya pinilit naman niyang hawakan yung kamay ko ngunit hinila ko lang to..

               " jerome hindi ko ibibigay yung chance na sinasabi mo mahal ko si raymond.. Babasagin ko tong bintana ng kotse mo kapag hindi mo to binuksan."

               " kuya please naman oh."

               " Jerome mahal kita bilang kaibigan.. Basta mo nalang ba itatapon yung pagkakaibigan na yun.. At yung relasyon niyo joana gawan mo ng paraan kasi mahal ka niya.."

               " handa ko syang pakasalan handa kong kalimutan yung nararamdaman ko sayo pero tinangihan niya yun.. Pero ngayon sinisigurado ko kuya ipaglalaban na kita.."

               " Jerome.. Kaibigan lang kita hindi ko kayang suklian yang nararamdaman mo para sakin kaya habang maaga pa itigil mo na to."

               " ipaglalaban kita kuya tandaan mo yan.. Nung nakita kong natutunan mong mahalin si alvin nagkaroon ako ng konting pagasa na pwede mo ring matutunan mahalin ako.. Na may chance ako..." saad niya saka tinanggal yung lock ng pinto ng kotse.

               " Jerome please. Wag mo na kami guluhin . Please naman oh.."

               " Kuya  I'm sorry kung simula ngayon guguluhin na kita.. Matagal na kong nagtiis matagal na kong nasasaktan tuwing makikita kayo ni alvin.. Hindi pa ba sapat yung sakit na yun para lumaban naman ako."

               " hindi kita mahal jerome."

               " matutunan mo kong mahalin.. Alam ko yun gagawin ko lahat ."

               " Jerome please. Magugulo lahat. Si joana bestfriend ko yun intindihin mo naman oh.. Nagmamakaawa na ko sayo."

               " kuya please.. Gagawin ko to kasi mahal kita wala na kong pakialam sa sasabihin ng iba."

               " Jerome please."

               " Sige na kuya baba ka na malelate ka sa school. Expect me sa lunch later."

               " Jerome ano ba.!"

               " baba na."

               " Jerome please.. Please tigilan mo na to.. " nagulat naman ako ng kabigin niya yung ulo ko saka hinalikan sa labi agad ko naman syang tinulak saka binigyan ng isang malakas na sampal.


               " Finally nahalikan din kita." ngiti niya habang hawak yung pisnging nasampal ko nakita ko naman yung pagtulo ng luha niya sinamaan ko lang sya ng tingin saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan saka pumasok sa loob ng bahay ilang sandali akong nakatulala habang nakasandal sa likod ng pinto. Jerome hindi mo ko magugulo at lalong lalo ka na earl..

5 comments:

  1. Penge nga gunting...sarap kalbuhin ni carlos...haba ng hair sayo na ang korona....

    ReplyDelete
  2. gumulo na buhay ni carlos. ireto mo nlng c jerome kay earl para tapos ang problema. o kaya ireto mo si earl s besfirend mo, gusto pla nya si alvin eh. tutal kamukha pla nya yun.

    0309

    ReplyDelete
  3. ganda tlga nito.. hayzzzz

    ReplyDelete
  4. Grabe! Sobrang haba ng hair ni carlos! Lahat na lng ng lalake nababading sa kanya. Lahat na lng sya ng gusto. Ene be nemen yen?!

    ReplyDelete
  5. SI earl kay joana, si chris bigay mo kay jerome hahahaha xD haba ng hair xD

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails