Followers

Wednesday, September 18, 2013

Blue Chapter 14



Athors note

                              Mejo mahaba na to hehehe next week na uli ako makakapag update nagloloko si pc ko eh ehheh ingatz kayo salamat sa lahat ng nagbabasa.. love you all

                               " yun naman pala eh.." saad niya saka marahas akong hinalikan sa labi.. Pilnilit ko naman syang itulak pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.. Pagkatapos ng halik na yun ngumiti lang sya sakin. "Edi nakaganti na ako."

             " .gago ka ah!"

             " gumanti lang bakit ba tara na baba na tayo.. " saad niya hinawi naman niya ko sa pinto. " tara na baba na tayo."

             " bwisit ka talaga chris bakit mo ko hinalikan sana sinipa mo nalang ako o kaya sinuntok.. Gago ka."

             " edi ba nainis ka... Edi ok yung halik pero yung labi mo blue grabe heaven...."

             " baliw ka na asan na yung gunting...!!"

             " anong gagawin mo sa gunting..?" tinuro naman nito kung san niya pinatong yung gunting

             " papatayin kita.! Chris bwiset ka bwiset" tumawa lang si chris saka binuksan yung pinto nagtaka lang ako ng hindi sya gumalaw .. Dun ko naman nakita si aldred na nasa pinto.

             " kanina ka pa jan.?" tanong ni chris dito.

             " Hindi naman bubuksan ko pala sana anong ginagawa niyo sa loob?" kunot ang noong tanong ni aldred.

             " ah wala naman sige dude baba na ko." ngiti ni chris dito pumasok naman si aldred na iba ang tingin sakin umiwas naman ako ng tingin. " anong ginawa niyo dito.?"

             " ahh ehh nagfacebook kasi sya sandali.." turo ko sa computer..
Kita
             " ows hindi nga.?" lumapit naman sa computer si aldred saka pumindot nanlaki lang yung mata ko ng makita yung nakawallpaper.. Yung picture naming dlawa ni chris. " wow ang sweet naman.?"

             " aldred walang ibig sabihin yang nagpapicture lang si chris sakin.. Wag ka nga magisip ng kung ano ano.?"

             " wala naman akong iniisip defensive ka blue.?"
            " hey blue hindi ka pa ba bababa anong oras na oh.?" silip ni chris sa pinto ngumiti lang sya sakin ng mapansin yung computer kaya sinimangutan ko sya.

            " susunod na ko chris." saad ko lang.

            " ok antayin kita." sinara naman ni aldred yung pinto saka nilock.

            " aldred wala talaga yun makulit lang talaga sya."

            " blue naman wag mo na kasi sya itutor.." nakatungong saad ni alldred sakin.

            " ok.. Tomorow kakausapin ko si sir.. Aldred sorry huh"

            " hindi ko mapigilang magselos may tiwala naman ako sayo blue.. Kaso ewan hindi ko alam nagseselos talaga ko eh.." napangiti naman ako sa sinabi niya.

            " aldred mahal kita hindi kita ipagpapalit.."

            " nakita ko si kuya bryan mo sa tapat ng bahay niyo.. Pumunta sya dito.?"

            " pumunta sya..?"

            " oo hindi ba sya pumasok mukha naman kasing busy kayo ni chris dito sa kwarto mo eh.?"

            " aldred naman eh.?"

            " joke lang alam ko naman na wala kayong ginawa di ba..?"

            " wala nga...?" iwas ko ng tingin.

            " wala o meron.?"

            " wala nga... Nakausap mo si kuya bryan anong sabi sayo..?"

            " iniiba mo ang usapan blue huh hindi ko nakausap kaso ang sama ng tingin sakin para akong papatayin.?"

             " wag mo nalang pansinin.."

             " kausapin mo si sir mo na itigil na yung pagtutor sa chris na yun huh."
            " opo sige sasabihin ko." ngiti ko sa kanya..

            Kinabukasan ay kinausap ko agad si sir na itigil na yung pagtututor ko kay chris nung una ayaw pumayag ni sir pero sa pagkukumbinsi ko sa kanya napapayag na rin sya .. Para ang hirap na kasing harapin si chris pagkatapo niya kong halikan kahapon..

            " bakit>?" saad ni chris pagbaba ng pagkain niya sa mesa.. Nasa canteen kami ng mga oras na yun.

            " anong bakit.?" simangot ko sa kanya.

            " bakit sabi ni sir ayaw mo na daw ako itutor..? Please naman blue hindi na kita ulit hahalikan.."

            " ano..?yung boses mo mamaya may makarinig sayo chris eh.?"

            " I don't care.. Please naman blue itutor mo parin ako.. Promise hindi na talaga kita hahalikan uli.. Please naman oh.?"

            " chris tingin ko naman kaya mo na.. Matalino ka nga chris nakita ko yun hindi mo na ko kailangan."

            " pero blue."

            " chris kaya mo yan ikaw pa.. Matalino ka.."

            " blue please.." nagulat lang ako ng tumayo sya saka lumuhod sa hara ko.

            " chris? Ano bang ginagawa mo?"

            " please naman blue oh.."

            " tumayo ka nga jan pinagtitinginan ka na oh."

            " tatayo lang ako dito pag sinabi mo ng itututor mo na uli ako.?"

            " chris ayoko na kaya tumayo ka na jan.. "

            " hindi ako tatayo dito." nakatungong saad ni chris napabuntong hininga naman ako saka sya sinimangutan.

            " ok fine chris... Panalo ka na.?" kita kolang yung tuwa sa mata nito.

            " talaga.?"

            " pag hindi ka pa tumayo jan.. Babawiin ko sinabi ko.?" agad naman syang tumayo nagulat lang ako ng bigla niyang kong yakapin pinilit ko naman tangalin yung kamay niya. " ano ba mukha ka ng tanga huh."

            " salamat blue kala ko hindi ka na talaga papayag eh."

            " oo na pero."

            " pero..?"

            " every Saturday nalang kita tuturuan tingin ko naman sapat na yun."

            " one day nalang..?"

            " oo ok na yun ayaw mo pa..?" sandali naman syang natigilan saka ako mariing tiningnan. " ayaw mo.?"

            " uhm sige na nga kahit one day nalang.." simangot niya.. Natigilan lang ako ng tumunog yung cellphone ko kumnunot lang ung noo ko ng makitang si angela yung tumatawag. " bakit parang nagulat ka sino yan.?" tanong lang ni chris.

            " ah wala lang.. Una na ko chris sagutin ko lang to." saad ko saka tumayo.

             Naging masaya kami sa bawat araw na naging kami ni aldred  Hindi ko alam kung hanggang kailan to pero ito yung nararamdaman ko hanggang sa natanngap ko yung tawag na yun

             "Kanina ka pa jan?" saad ko lang kay aldred pag bukas ko ng gate alas onse na nun ng gabi usapan lang namin tumambay sa harap ng gate.

             " hindi naman tapos na yung project mo?" tanong nito.

             " yeah..?" dapat ko na nga bang sabihin sa kanya.

             " Friday na bukas anong plano mo sa weekend.??"

             " itutor ko si chris?"

             " oo nga pala noh kamusta kayo sa school nung lokong yun.?"

             " ok naman..?"

             " inamin niya ng may gusto sya sayo..?" well halatang halata naman sya kahit hindi niya aminin eh."

             " wala naman syang sinabi.."  Tumingala lang ako sa mga star saka pilit na ngumiti

             " bakit parang malungkot ka..

             " malungkot? " hinawakan naman ni aldred yung kamay ko pag upo ko sa tabi niya. " baka may makakita satin.. Anjan si daddy sa loob eh?"

             " hindi pa ba natin aaminin sa daddy mo?"

             " uhm sabi ni mommy wag muna eh..? Si mommy unti unti na ring nasasanay satin" ngiti ko lang

             " ang komplikado kasi noh.. Di ko alam bakit sa lalake tumibok ang puso ko.. Pero im happy..?" ngiti ni aldred kaya napangiti ako.

             " si kupido ang sisihin natin.. Papana lang mali pa.."

             " nalulungkot ako blue.?"

             " why.?"

             " kasi sinabi ko na yung tungkol satin kay mommy saka kay daddy.. Tutol din sila..?"

             " sinabi mo na..?"

             " yeah.. ?"

             " anong sabi nila..?"

             " uhmmm gusto nila kong dalhin kala tita.. Para mailayo sayo..?" tumungo naman ako.. " pero blue hindi naman ako aalis eh.. Hindiako papayag na umalis ako.?"

             " wla ka namang maggawa kung sila magdedesisyon sa buhay mo.. Bata pa tayo for this.. They all have the rights para kontrolin pa tayo..?"

             " hindi ako papayag na malayo sayo..?"

             " aldred.. Di ba parang masyadong mabilis yung nangyare satin? Hindi pa naman tayo ganung katagal magkakilala tapos nagig tayo agad.?"

             "I know blue pero.. Mahal kita eh.. Mahal na kita?"

             " tumawag si angela.. Babalik na daw sila dito" nakatungo kong saad.

             " si angela..?" tumango lang ako saka tumungo narinig ko naman yung buntong hininga niya. " nakamove on ka nanaman sa kanya di ba.. Di ba ako na..?" hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. " mahal kita blue.. Ipaglalaban kita if you want me to?"

             " aldred.. I love you.. Pero si angela.. Andito pa sya sa puso ko.?"

             " pano tayo..pano ako?" kita ko lang yung pagpatak ng luha niya.

             " i dont know aldred..?"

             " di ba mahal mo naman ako..? Pwedeng kalimutan mo nalang si angela. Sabi mo mahal mo ko.."

             " aldred hindi ganun kadali yun..?"

             " Sana hindi ka nalang pumayag sa relationship na to.. Sana hindi mo nalang sinabi na may gusto ka din sakin.. Sana hindi mo ko hinalikan ng gabing yun? Tuwing sinasabi mo ba sakin na mahal mo ko kasinungalingan lang ba yun."

             " aldred I'm sorry..?"

             " sorry..kalokohan?"

              " aldred.. Di ba ok na rin to para hindi maging kumplikado yung sitwasyon natin.. Maging magkaibigan nalang tayo.? "

              " blue ipaglalaban naman kita eh.. Gagawin ko lahat..?"

              " aldred lets just be friends..?"

              " fuck!! Ganun moba ko kadaling bibitiwan huh?"

              " aldred i love you pero si angela mahal ko pa sya eh. Kahit anong pilit ko di ko paring matatanging mahal ko pa sya..?"

              " panakip butas yun ako sayo di ba? Ayun lang ako sayo,.?"

              "mahal kita aldred..?"

              " pero mas mahal mo si angela.. Sana hindi ka nalang pumayag na maging tayo..? Blue i love you.. Wag naman ganito oh.. Si nagela matagal na syang wala. Di ba nakalimutan mo na sya sabi mo  mahal mo na ko.."

              " aldred..?"

             " ang sakit alam mo ba.. Ipaglalaban kita.. Gagawin ko lahat.. Handa kong isakripisyo lahat tapos ganun mo lang ako bibitawan..?"

             " im sorry alred.. mahal pa daw ako ni angela.. Itataya ko lahat bumalik lang sya sakin.. Alam mo kung gaano ko sya minahal. "

             " minahal.? Minahal mo.. Di ba ako na yung mahal mo"

             " mahal ko pa din sya.?"

             " nakapagdesisyun ka na pala. Pinipili mo yung taong nangiwan sayo.. "

             " babalik sya aldred dahil mahal niya ko.?"

             " sana lang sumaya ka.." saad niya saka nagmamadaling tumayo at naglakad  palayo.. Nanatili lang akong nakatingin sa dereksyon na pinuntahan niya im really sorry aldred hinayaan kko lang pumtak yung mga luha ko. Tama ba tong desiyon ko..
 
             " bakit tulala ka blue.?" saad ni chris sakin habang pinasasgutan ko sa kanya yung pinagaralan namin.

             " ah wala lang.."

             " bakit wala si aldred.. ?" umiwas naman ako ng tingin sa kanya. " may problema ka ba blue.?"

               " sagutan mo nalang yan pwede.?"

              " ok basta blue I'm here kung kailangan mo ng kausap."

              " ok."

             Pagkalipas ng isang linggo bumalik na si angela from states hindi ako siguro kung totoo nga ba yung sinabi niyang mahal pa daw niya ko.. Iniwan ko si aldred for her gagawin ko lahat bumalik lang yung dating mahal ko.. Oo mahal ko si aldred pero iba si angela.. Halos gumuho yung mundo ko ng mawala sya.. Ngunit babalik sya para buuin uli ito at hindi ko palalampasin yun..

             " Anak tama ba yung desisyun mo na si angela yung pinipili mo... Si aldred mahal ka niya at nakita ko yun..?" saad ni mommy ng gabing yun habang tulala akong nagkakape sa kusina.

             " mom mahal ko si aldred, mahal na mahal.. Pero alam mo kung gaano ko kamahal si angela.."

             " anak hindi sa ayaw ko si angela.. At hindi din sa gusto ko si aldred.. Pero yung angelang yun yung sumira sayo.. Sya yung taong dumurog jan sa puso mo.. Ano yun pagkatapos niyang makipaglandian sa ibang bansa marerealize niyang mahal ka niya..kapal naman niya."

             " mommy willing akong patawarin sya.. Ganun naman di ba mom.. Kahit anong mali ang nagawa ng mahal mo papatawarin niyo parin kasi mahal niyo.."

             " masakit yung ginawa mo kay aldred..?"

             " I know mommy pero i dont have a choice ayoko syang paasahin.. Mas lalo lang syang masasaktan.."

             " minahal mo ba talaga si aldred anak..?"

             " mahal ko po siya mommy.. Alam mo yun kaya ko syang ipaglaban kahit kanino.. Pero babalik si angela.. Mommy babalik si angela eh.. " tumulo naman yung luha ko.

             " anak sana hindi mo nalang sinabi na mahal mo si aldred.. Umasa yung taong hindi sya panakip butas na mahal mo talaga sya..?"

             " hindi ko naman sya ginawang panakip butas.."

             "ano lang vulcaseal..?"

             " mommy sya yung nagpasaya sakin nung panahong down ako.. Nakalimutan ko nun na heart broken ako kay angela.. Minahal ko sya nung panahon na yun.. "

             " Anak sana tama yung pinili mo...  Naawa ako kay aldred.."

             "mahal ko po si angela.."

              Nang mabalitaan kong nasa bahay na nila si angela Agad naman akong pumunta sa bahay nila naabutan ko lang dun si angela saka yung kuya niya.

              " blue." saad lang ni angela pero wala man lang akong nakitang excitement sa mukha nito. Agad naman akong lumapit sa kanya para yumakap pero wala akong sagot na natanggap mula dito.

              " I miss you angela.."

              " I miss you too.." malamig na saad nito.

              " hi blue?" saad ni kuya bryan binigyan ko lang sya ng pilit na ngiti hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa niya sakin.

              " uhm blue wait lang huh.. May pupuntahan pa kasi ako eh..?" saad ni angela.

              " saan..?"

             " uhm kala tita.. Iwan ko muna kayo ni kuya huh..?"

             " huh pero hindi pa tayo nakakapagusap..?"

             " may paguusapan ba tayo,,?"

             " angela..?" saad ko lang na nakakunot ang noo..

             " ah yeah maguusap tayo pagbalik ko pasensya na blue huh i have to go.." saad nito saka kinuha yung bag.." kuya kausapin mo muna sya huh.."

             " angela..?"

             " blue sandali lang ako.. Babalik ako agad.. I just want you to talk to kuya muna huh.. And gusto ko pag balik ko andito ka pa.."

             " pero..?"

             " walang pero pero.. Alis na ko." naiwan naman akong tulala saka napaupo sa sofa..

             " blue..?" saad ni kuya bryan nilingon ko naman sya. " blue I'm sorry sa nagawa ko sayo before.. Pwede naman tayong magsimula uli..?"

             " magsimula..?"

             " yeah i really like you.?"

             " kuya bryan..? Syota ko yung kapatid mo..?"

             " syota..?"

             " yeah..?" kita ko naman yung mahina niyang pagtawa..

             " mali ka siguro ng intindi.. May boyfriend yung kapatid ko"

             " sinabi niyang mahal niya ko.. Nag i love you sya sakin.. After niyang magsorry sa nagawa niya.. ?"

             " uhmmmm assuming ka rin pala noh.. She loveD you..? Sa private ka nagaaral hindi mo alam ang past tense..? Loved? minahal

           " Sabi niya mahal niya ko..?"

           " so mali ka.. Hanggang ngayon yang kapatid ko tanga pa rin.. Alam mo ba bakit sya umuwi..?"

           " why..?"

           " hindi para sayo.. Umuwi sya para asikasuhin yung mga papers na naiwan niya dito.. Babalik din sya as soon as makuha niya yun.."

           " i dont believe you kuya bryan. Mahal pa niya ko kaya sya bumalik.." kita ko naman na tumayo si kuya bryan saka lumapit sakin.." dont you dare touch me kuya bryan.."  banta ko sa kanya pero isang ngiti lang ang sagot niya.

           " nahalikan na kita blue.. Ilang beses nga ba yun..  Tingin ko naman nagustuhan mo yun..?"

           " who told you...hindi ka ba nangdidire."

           " uhm why should I?"

           " kuya bryan isang hakbang pa... Sisiguraduhin kong basag yang mukha mo.." sarkastikong ngiti  ko sa kanya.

           " talaga.. ? Im sure bad shot yun sa kapatid ko pag nakita niyang may pasa yung pinakmamahal niyang kapatid tapos gawa pa ng assuming niyang ex?"

           " kuya I have a question?" ngiti ko sa kanya..

           " yes cutie..?"

           " do you really know the meaning of assuming..?"

           " of corse i do..?"

           " no you dont...ikaw kasi pinaka assuming na nakilala ko Asa ka naman na magugustuhan kita at feeling mo matatakot ako sayo at by the way hindi ako naniniwala sayo hanggang hindi ko nakakausap yung kapatid mo.."

           " alam mo blue napakagwapo mo para magmukhang tanga sa kapatid ko.. Well kung ako lang sana edi happy di ba.?"

             " happy..? Joke?" sabay naman kaming napalingon ni kuya bryan sa pinto ng bumukas ito at iluwa si angela..

             " sister.. Ang bilis mo ata..?"

             " tumawag si tita tomorow nalang daw.. " nakasimangot na saad nito "blue wow you're still here.. Hows your school pala..?" ngiti nito sakin.

             " wala ata syang natutunan dun..?" ngiti ni kuya bryan..

             " why..?" nakakunot ang noong tanong ni angela saka umupo sa tapat ng kinauupuan ko.

             " nevermind.. "  irap nikuya bryan.

             " angela can we talk now..?" saad ko lang.. Tumango naman si angela.. " yung tayong dalawa lang.." lingon ko kay kuya bryan..

             " uhm kuya.." saad ni angela ngumiti naman si kuya bryan saka tumayo at lumabas ng bahay.

             " angela sinabi mo sa phone na you love me..?"

             " uhmm minahal naman talaga kita..?"

             " you mean..?"

             " oh my? Namisinterpret mo ata.. What i mean is sorry sa lahat ng nagawa ko sayo hindi ko naman gustong saktan ka.. "

             " angela I still love you.. ?"

             " uhm blue.. May boyfriend ako.." ilang sandaling walang nagsasalita saming dalawa.. " blue may gusto akong aminin sayo..?"

             " ano yun..?"

             " uhm.. Remeber before.. Di ba ayaw naman talaga kitang sagutin..?"

             " yeah ilang beses mo nga akong nabusted di ba..?" nakatungo kong saad.

             " uhm sinagot lang kita dahil kay kuya..?" tinitigan ko naman sya.." pero blue minahal kita promise..?"

             " dahil sa kuya mo..?"

             " yeah. Mahal ka niya mga bata palang tayo.. Kaya kita sinagot nuon para lage ka niyang makasama.. ?"

             " Angela ano ba sinasabi mo huh..?"

             " blue mahal ka ni kuya.. Ikaw nga yng reason bakit ayaw niya sumama samin sa states eh.. Praning yan si kuya ginamit pa ko para makasama ka before.?"

             " angela.. Minahal mo ba talaga ko before..?"

             " minahal kita promise hindi ka naman ganun kahirap mahalin.. Ang gwapo mo nga eh. Kaso hindi talaga kta tyoe. Pero para kay kuya..?"

             " angela is this a kind of joke..?" kita ko naman yung pag ngiti niya.

             " totoo yun mahal ka ni kuya...?"

             " angela ano ba.. ?"

             "blue hindi na kita mahal.. Siguro love kita as a childhood friend pero hindi sa poraan na gusto mo.. Alam mo wish ko magustuhan mo si kuya,.. Ang tagal na namin sa states hindi parin sya gumagawa ng move..?"

             " muntikan niya na kong marape..?"

             " really muntikan lang?"

             " angela.. Mahal pa kita..?"

             " Im sorry talaga.. How about try mong iopen yung heart mo kay kuya..?"

             " angela Im not gay  bakit mo ba ko tinutulak sa kuya mo.. Kaya pala lagi mo kaming iniiwan before...."

             " I'm serious..?"

             " Its not funny.. Aalis na ko.." saad ko saka tumayo.. Kita ko lang yung ngiti sa mukha ni angela..

            " blue you're such a jerk..?"

            " what..?"

            " well yes gwapo ka.. pero you're so good to be true.. Masyadong kang perfect.. Dream of every girl and gays.. You know whats wrong with you..?"

            " what..?"

            " You're stupid.. Ang tanga mo.. "

            " kung wala ka naman magandang sasabihin angela wag ka ng magsalita.. Hindi parin nagbabago yang dila mo.. Puro insulto naman natanggap ko sayo before di ba.. Pero i dont know bakit nga ba mahal na mahal kita..?"

            " kasi nga you're stupid.. Manhid ka pa.. Di molang naramdaman nuon na im just using you para maging popular sa school..? And of corse para narin kay kuya." nagbigay lang ako ng sarcastikong ngiti.

            " I love users..?"

            " stupid.."

            " but still kahit anong sabihin mo.. I still love you.." ngiti ko sa kanya.

            " stupid"

            " yes i am.."

            " blue wag ka ng umasang mamahalin pa kita ok.. I have boyfriend.. And if i were you.. Why dont you try kuya.. Well kuya is a goodlooking guy naman..?"

            " really...  Goodlooking and a big asshole..!"

            " ang stupid din niyang kapatid ko eh.. Nagpapakatanga sayo tapos ikaw nagpapakatanga sakin.. Parehas kayong tanga.."

            " aalis na ko.. Pero i just want to say.. I still love you angela hindi basta basta mawawala yun if ever na marealize mong yung tanga na to eh mahal mo pa pala.. Tatangapin parin kita..?" saad ko saka lumabas ng pinto..

                 Ilang sandali akong nasa harap ng gate namin iniantay tumigil yung pagpatak ng luha sa mata ko.. Bakit ba ko nagpapakatanga kay angela.. I hate her.

                 "blue?" saad ng tao sa likod ko sa boses palang alam ko na si aldred yun kaya hindi ako lumingon nanatili akong nakaharap sa gate habang nakatungo ayokong makita niya kong umiiyak, " blue.." ulit niya.

                 " leave me alone..!" gigil na saad ko.

                 " are you crying..?"

                 " I said leave me alone.. !" humarap naman ako sa kanya kasabay ng mga patak ng luha.. " umalis ka!!" sigaw ko. Kita ko naman yung pagpatak ng luha ni aldred..

                 " bibigay ko lang sana to." abot niya sa isang pael.." gusto ko naman may pormal na break up tayo.. Blue i love you ayoko naman maging hadlang sa kasiyahan mo.. Pero blue sabihin mo lang andito parin ako.. Ipaglalaban kita ayokong nakikita kang umiiyak."

                 " please aldred iwan mo na ko.." saad ko ngumiti naman sya saka nilagay sa kamay ko yung papel.

                 " blue isang tawag lang.. Nasa tabi mona ko.. Isang tawag lang.. Wag ka ng umiyak malukungkot si red ranger..please" ngiti niya saka abot ng isang panyo.. " alis na ko.." tumalikod naman sya kita ko lang yung pagpupunas niya ng luha habang naglalakad. Gusto ko syang habulin ng mga oras na yu pero parang hindi kayang humakbang ng mga paa ko..

                 " aldred.." saad ko lang pero hindi na sapat yung boses ko para marinig niya yung pagtawag ko..

                 Lumipas ang ilang linggo ng muling bumalik ng states  si angela.. Di ko na mabilang kung ilang beses ako nagmakaawang balikan niya ko.. Na mahalin niya ko uli.. Kahit hindi naman pala niya ko minahal before.. Ang sakit malaman na dun sa taong pinahalagahan mo ng sobra ay wala ka palang halaga.. Hinayaang ko namang tumulo yung luha ko.

                 alas tres na nun ng madaling araw pero nakaupo parin ako sa harap ng gate namin. Nagiisip.. Nagmumuni muni.. Bigla naman sumagi sa isip ko si aldred..kung pano sya ngumiti.. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ko.

                 " So you're crying again..?" alam ko si aldred yun pero nanatili akong nakatungo.. Ayoko syang tingnan.. Wala akong karapatang tingnan sya.. Sa sakit ng nagawa ko sa kanya wala na kong karapatan.

                " aldred iwan mo nalang ako..?" mahina kong saad.

                " hindi ka ba nagsasawa sa kasasabi sakin niyan.?" kita ko lang syang tumabi sa tabi ko. " hindi ako lalayo sayo.. Hindi kita iiwan. Kahit ayaw mo pa sakin..?"

                " iwan mo sabi ako eh!!" gigil na saad ko ng tingnan ko naman yung mukha niya kita ko lang yung ngiti sa labi niya pero may luha sa mga mata.

                " you know what.. Kung hindi ka talaga importante sakin.. Hindi na ko pupunta or lalapit sayo kaso blue mahal kita eh.. Mahal na mahal..?"

                " please aldred.?"

                " balita ko umalis na si Angela..?"

                " Aldred ano bang gusto mo.?"

                " ikaw..?"

                " aldred.. Ayoko na.. Pagod na ko.."

                " No.. You have to continue your life.. Sasamahan kita.. " ngiti lang ni aldred " angela is now a part of your past.. Kakalimutan mo na sya.."

                " hindi ganun kadali yun."

                " I know..pero kaya mo yan."

                " bakit andito ka parin sa tabi ko.. I know kung gaano kasakit yung ginawa ko sayo.. Tinalikuran kita para sa taong hindi naman alam yung worth ko."

                " kasi mahal kita.. "

                " Nagkamali ako nuon ng sinabi kong mahal kita.. Kasi hindi lang ikaw yung niloko ko.. Pati sarili ko.."

                " So you mean hindimo talaga ko minahal..?" ngiti niya sakin.

                " uhm atracted ako sayo.. Di ko alam kung bakit.. Ewan kung love ba yun.. Sana kasi hindi nalang bumalik si angela.."

                " para nasigurado mo kung love talaga yung naramdaman mo sakin..?"

              " uhm yeah..?"

              " I think its better kung maging friends nga muna tayo.. Di ba hindi naman naging magsyota si blue ranger at red ranger sa tv..?" ngiti niya.." partner lang sila..?"

              " aldred.. ?"

              " ok lang sakin maging friend.. Tama ka naman eh masyadong mabilis yung nangyare.. Mas maganda kung kilalanin natin yung isat isa.. Pag nakamove ka na rin..?"

              " Im sorry aldred huh..?"

              " I Understand.. Pero just always remember na mahal na kita... Pero siguro hindi pa ito yung time natin.."

              " Yeah.. Ayoko munamg ibigay yung puso ko knowing na hindi pa naman talaga to ready.."

              " friends.." ngiti ni aldred. " ngumiti ka naman.. Gusto kona makita yang ngiti mo..?"

              " uhm.." iwas ko ng tingin.

              " sige na..?" pinilit konaman ngumiti. " ano ba yan pilit..?"

              " uhm kasi wala namang reason para ngumiti ako..?"

              " yan ang problema sa mga emo eh.. Puro yung negatives ang nakikita kaya nawawalan ng reason para ngumiti.. Uhm ok hindi pa ba reason yung may katabi kang super gwapo ngayon..?" ngiti niya sakin.. Ndi ko naman mapigilan mangiti.

             " yabang..?"

             " oh diba.. Ganda kaya ng smile mo.. ?"

             " mas maganda yung smile mo.." Ngiti ko sa kanya.

             " wala namang duda dun killer smile ata to.. From now on i hope hindi na kita makikitang umiiyak dito sa harap ng gate niyo."

              " bakit ?"

              " kasi pag nakikita kitang umiiyak napapangitan ako sayo..?" kumunot naman ako ng noo.

              " huh ako panget..?"

              " oo eh.. "

              " ang kapal huh.. Baka malabo yung mata mo..?" ngiti ko.

              " hindi ang panget mo talaga pag umiiyak.."

              " baliw mo. " nahawakan ko naman yung mukha ko ng tingnan ko naman sya nakatingin lang sya sa malayo..
             
              " blue masakit pero kakayanin ko aantayin kong makamove on ka.. Aantayin ko yung panahon na kaya mo ng magmahal muli.." napatungo naman ako sa sinabi niya.

              " aldred masakit yung nagawa ko sayo.. Masakit pero andito ka prin sa tabi ko."

              " kasi minahal naman kita hindi para maging ex gusto ko yung ikaw lang at wala ng next.. Wala ng susunod handa ko ibigay lahat for you.. Kahit masakit.. Mahal kita eh.. Pero gusto ko magsimula uli tayo.."

              " salamat huh."

              " wala yun.. Wala kang baong zesto jan.?" ngiti lang ni aldred hindi ko naman mapigilang tumulo ang luha. " bakit ka umiiyak sabi ko ayoko na makita kang umiiyak di ba.?".

              " Aldred thank you.."

              " Ang kailangan mo kasi ngayon ay kaibigan.. Shempre andito ako for you.. Wag muna natin isipin yung satin.. ?"

              " hindi ko alam kung anong meron ako to deserve someone like you..."

              " oo na sige tama na ang drama.. Zesto wala ba.?"

             " wala eh.. Uhm can i hug you aldred.?"

             " huh.? baka may makakita satin.?"

             " I don't care.?" pagkatapos kong sabihin yun si aldred na yung lumapit saka ako niyakap... " aldred thank you kasi i have you.."

             Pagkatapos ng ilang linggo eto nanaman ako pinipilit kalimutan yung muling pagbalik ni angela.. Si aldred. I know mahal ko talaga sya pero ayokong maging panakip butas sya. Masyado pang masakit yung nangyare. Sariwa pa yung sugat.

             " blue tulala ka nanaman.." ngiti sakin ni aldred nasa kwarto kami nun at nanunuod ng movie. " ako lang nanunuod eh ang duga."

             " uhm may iniisip lang ako.?"  saad ko lang.

             " ano naman.?"

             " bakit hindi ako gusto ni angela..?"

             " angela nanaman.. Pano ka makakamove on kung sya lage ang iniisip mo.?"

             " aldred nagtataka lang ako.. Di ba gwapo naman ako.. Sikat nga ako sa school eh.. Dami naghahabol sakin.?"

             "kaya nga nagkagusto sayo si chris eh.. "

             " baliw  mo aldred.. Gwapo naman talaga ko ah"

             " kahit ang hangin niyang sinabi mo.. Sasang ayon nalang ako.."

             " eh totoo naman di ba.?"

             " uhm siguro wala syang taste saka di ba sabi mo mas atracted sya sa ibang lahi kahit nung kayo pa.?"

             " oo. Pero kala ko joke niya lang yun. Mabait naman ako, mayaman., gwapo. I have everything pero mas nagtataka ako kung bakit mahal ko parin sya."

             "siguro dahil maganda kasi sya. Nung nakita ko sya para syang angel na may sungay.?" ngiti lang ni aldred.

             " baliw.."

           " mas iisipin ko pa ngang yung kuya niya ang may type sayo eh.. Lage kasi nakatingin sayo.?"

           " si kuya bryan.?"

           " yeah.?"

           " uhm wierd yung magkapatid na yun eh."

           " eh di ba nakainuman mo yun."

           " yeah. Ikaw bakit mahal mo ko.?"

           " kasi ano..?"  saad niyang nagiisip. " Di ko alam eh. Nagtataka din ako eh mas gwapo naman ako sayo."

           " Aldred ang hangin mo pa nga." ngiti ko lang sa kanya.

           " parehas lang naman tayo."

           " aldred yung feelings mo sakin ganun parin ba katulad ng dati.?"

           " yeah.."

           " Sorry aldred huh.. Di ba mas ok na maging friends na muna tayo.?"

           " yeah mas ok nga." saad ni aldred nagulat lang ako nung tumabi sya sakin kumunot lang yung noo ko pero nginitian niya lang ako. " why.?"

           " blue ano yung pwede mong ikagalit sakin.?"

           " uhm ikagalit sayo.?"

           " yeah. Yung tipong magagalit ka talaga.. ?'

           " hindi naman ako mabilis magalit.?" ngiti ko nagulat lang ako hilahin niya ko pahiga sa kama saka pinatungan. " why.?"

           " hindi ka maggalit kahit gawin ko sayo to.?"

           " uhm hindi.?" nagulat naman ako ng bigla niya kong halikan sa labi agad ko naman syang tinulak. " bakit mo ko hinalikan."
           " wala lang.?"

           " Ewan ko sayo alis jan ang bigat mo kaya. "

           " magagalit ka ba kapag sinabi kong ayoko.?"

           " Aldred kolokohan mo huh. Alis na nga jan." saad ko pero hinalikan niya lang uli ako mas mapusok nadala naman ako sa halik na yun kaya sinagot ko maya maya humiwalay sya ngumiti lang sya iniwas ko naman yung tingin ko.

           " bakit hindi ka nagalit..? I know ginagawa na natin to before.. Pero hindi naman tayo ngayon eh"

           "huh.?"

           " bakit hindi ka man lang nagalit nung hinalikan kita.?"

           " uhm hindi ka pa ba uuwi.. May pasok bukas ah.?"

           " blue I know anjan pa rin ako sa puso mo.. Pero aantayin kong tuluyan ng maghilom yang sugat sa puso handa akong maging panakip butas sabihin mo lang."

           " aldred ayoko namang gawin sayo yun.. Magiging ok din tayo." ngiti ko.

           " Maghihintay nalang ako.. "

           " salamat aldred huh."

           " di mo matangihan yung kiss ko noh.. Good kisser ata to." ngiti niya.

           " yabang.."

           " uwi na nga ako baka hindi ako makapagpigil marape pa kita dito." ngiti ni aldred binato ko naman sya ng unan.

           " baliw.. "

           " Uwi na ko blue ranger." ngiti niya saka lumabas ng pinto napangiti naman ako ang swerte ko kay aldred hindi parin niya ko iniwan kahit sinaktan ko na sya.. Sana dumating yung time na handa ko na ulit buksan yung puso ko para sa kanya..

           Kinabukasan pauwi na ko galing school ng madaanan ko si aldred na naglalakad pauwi sa kanila napagmasdan ko naman sya habang naglalakd ang gwapo talaga ni aldred. Nangiti lang ako.

              " red ranger bakit ka naglalakad.?" saad ko ng itigil yung motor sa tapat niya.

              " Sira yung motor ko eh.?" nguso niya.

              " bakit naaksidente ka nanaman.?" napakamot naman sya ng ulo saka tinaaas yung pantalon niya dun ko naman nakita yung benda sa paa nia" kailan naman.?"

              " kagabi. Minor injury lang naman."

              " hindi ka naman nagiingat tara sakay ka na sakin.?"

              " sasakay talaga ko sayo kahit hindi mo sabihin noh." ngiti niya saka sumakay sa likod sinimulan ko naman paandarin yung motor. " madulas kasi yung kalsada kagabi kaya di ko nacontrol yung manibela."

              " hindi kalang talaga nagiingat."

              " kamusta school mo.?"

              " ok lang naman ikaw malapit na yung stage play niyo di ba.?"

              ' yeah malapit na.. "

              " di ba ikaw yung prinsipe dun.. Parang hindi bagay sayo  " ngiti ko sa kanya.

             " asus kunware ka pa.. Bagay na bagay sa kagwapuhan ko yun." bulong niya sa tenga ko.

             " ang hangin huh." ngiti ko.

             " baba mo nalang ako sa bahay huh papagalitan ako ni mommy eh."

             " sige."

             Binaba ko naman sya sa tapat ng bahay nila naabutan lang namin dun yung mommy nito na hindi man lang tumingin sakin pinilit ko naman ngumiti.

             " goodafternoon po." bati ko dito pero tinanguhan lang ako nito saka pumasok ng gate.

             " wag mong pansinin." ngiti ni aldred. " pasok na ko salamat huh i love you."

             " weh.. Sige uwi na ko bye na red ranger." saad ko saka pinaandar yung motor pauwi. Sinalubong naman ako ni mommy ng ngiti pag dating ko sa bahay.

             " mom " bati ko dito sabay halik sa pisnge

             " hows your school anak.?"

             ' ok lang mom."

             " galing si bryan dito hinahanap ka.. Anak hindi parin ba kayo nagkakabalikan ni aldred eh parang kayo na uli eh.?"

             ' magkaibigan na muna kami ni aldred mommy.. Di ba mas ok yun."

             " ok lang kay aldred."

             " ok lang naman daw.."

             ' maniwala ka dun.. Mahal ka nung tao pinahihirapan mo pa tingin ko naman mahal mo rin yun i think inlove ka nalang naman sa idea na may gusto ka parin kay angela."

             " mommy naman eh ano palang sabi ni kuya bryan..?'

             " na may gusto daw sya sayo.?" natawa naman ako sa sinabi ni mommy.

             " sinabi niya sayo mommy lakas ng loob baliw na ata yun.?"

             ' eh sabi ko kayo na ni aldred eh.?"

             " mommy ang daldal bakit mo sinabi."

             " naku para tigilan ka nun.. Kung lalake din lang naman pala mamahalin mo dun na ko kay aldred.."

             " mommy naaksidente si aldred kagabi."

             " si aldred..? How is he.?"

             "minor injury lang naman, hindi ako pinansin ng mommy niya, nakita ko kasi syang naglalakad kaya hinatid ko."

            " eh di ba nga tutol sa inyo ni aldred yun nagtaka ka pa."

            " mommy kung magiging kami ba uli ni aldred ok lang sa inyo. Pano si daddy.. Kasi mommy sa oras na magkabalikan kami ni aldred ipaglalaban ko na talaga sya kahit kay daddy."

            " basta kung saan ka masaya susuportahan kita.. May maggawa ba ko ayoko naman maging hadlang sa kasayahan mo anak.. Si daddy mo akong bahala dun basta sasamahan kita ipaglaban yung kasiyahan mo." ngiti ni mommy niyakap ko naman sya.

            " Mommy bakit ang bait bait mo. The best mom in the whole world." ngiti ko.

            " nangbola ka pa." sabay lang kami natigilan ng tumunog yung doorbell. " i think si bryan yan.. Babalik daw sya pag uwi mo eh.?"

            " naman eh."

            " derutsihin mo kasi para tigilan ka."

            " dineretso ko na mommy kaso wala eh mahal daw talaga niya ko.. Ang gwapo talaga ng anak niyo mom.?" ngiti ko nalang.

            " ang kapal labasin mo na yun. Ngitian mo naman para kiligin naman.?"

            " mommy parang ano.. Kaw nalang kumausap mom sabihin mo may bulutong ako bawal lapitan."

            " ehh ayoko kausap yun kaw na anak."

            " ayoko din makipagusap dun eh kaw na lang mommy."

            " kaw nalang."

            " bahala ka mommy aakyat na ko kaw na kumausap sa kanya huh." saad ko saka nagmamadaling umakyat sa hagdan.

            " anak naman eh.?" narinig ko pang habol ni mommy agad naman akong pumasok sa kwarto saka nagsimulang magbihis.. Maya maya lang narinig ko na yung katok ni mommy.

              " anak ang kulit kausapin mo na." nagkamot naman ako ng ulo.

              ' sinabi niyo bang may bulutong ako.?"

              " sinabi ko na sabi ko may nakakahawa kang sakit.. Hindi daw ako magaling magsinungaling sasapatusin ko yun eh."

              " naman eh sige mommy baba na ko." sabay naman kaming bumaba ng hagdan kita ko lang yung pagkakangiti ni kuya bryan sinimangutan ko naman sya.

              " hi blue." ngiti nito sakin.

              " bakit kuya bryan.?" simangot ko lang sa kanya.

              " gusto lang kitang makausap.."

              " tungkol naman saan.. May gagawin pa kasi ako eh kaya kung hindi naman importante makakauwi ka na.." binigyan ko lang sya ng sarkastikong ngiti pero isang matamis lang na ngiti ang binigay niya sakin ..

              " I love you blue." natawa lang ako sa sinabi niya.

              " kala ko ba matalino ka.. Hindi ka naman ata marunong umintindi eh.. Kuya bryan hindi kita gusto.. Lalong hindi kita mahal." tumawa lang sya ng payak.

              " di ba sabi mo hindi ka bakla.." ngiti niya sakin titigan ko naman sya sa mata. " eh balita ko kayo na ni aldred.. Bakit sya i think naman mas may itsura ako dun."

              " umalis ka na kuya bryan panira ka kasi ng araw pasalamat ka mabait ako."

              " aagagawin kita kay aldred na yun.. Mark my word."

              " wag ka ng umasa at pwede ayoko na kasi kitang makita eh.. Nababadtrip ako pag nakikita kita."

              " kahit anong sabihin mo di parin ako titigil.. I know makukuha rin kita.."

            " in your dreams.. Bukas ang pinto pwede ka ng umalis.." kita ko naman na lumapit sya sakin sinimaan ko lang sya ng tingin.

            " hindi ako marunong sumuko blue.. Kapag ginusto ko makukuha ko remember.. Makukuha kita kahit ayaw mo pa.."

            " nakakasuka yang mukha mo pwede lumayo ko baka masuntok kita." ngumiti lang sya saka humakbang pa papalapit sakin. " lumayo ka.. Susuntukin talaga kita."

            " hindi mo kaya."

            " talaga.?" ngiti ko sa kanya inambahan ko naman sya ng suntok kita ko lang yung gulat niya kaya napourong sya pabalik.. " kaya kong basagin yang mukha mo kung gugustuhin ko kaya kung hindi ka pa aalis sinisigurado ko sa ospital ka pupulutin.."

            " blue.." napalingon naman kami sa pinto.. Si aldred.

            " aldred tagal mo naman babe.." ngiti ko saka lumapit kay aldred saka sya hinalikan sa labi kita ko lang yung gulat sa mata niya, pinisil ko lang yung kamay niya kaya sumagot sya sa halik na yun... Maya maya lang humiwalay na ko saka tiningnan si kuya bryan.

            " hindi ka marunong humalik." ngiti ni kuya bryan.

            " talaga..?"

            " what's happening blue.?" bulong sakin ni aldred.

            " kuya bryan kami na kaya pwede layuan mo ko.. Masaya na kami wag kang mangulo."  

            " Hindi parin ako susuko... Blue love conquers all.. Kahit sya pa ang haharang." turo nito kay aldred.

            " Ows hindi nga.. Kuya bryan gusto mo ba kaladkarin kita palabas ng bahay.. Umalis ka na kung ayaw mong masaktan.."

            " ok aalis na ko.. Magsasawa din si aldred sayo. Punta ka lang sa bahay kapag nangyare yun huh." ngiti pa ni kuya bryan.

            " bakit naman ako magsasawa sa kanya.. Mamatay ka kakahintay na mangyare yun." ngiti ni aldred napatingin naman ako sa kanya.

            " Wow marunong ka pala sumagot.. Kala ko kasi hindi ka nagsasalita.?"

            " kuya bryan umalis ka na..!" saad ko lang.

            " nakakaawa ka... " ngiti lang ni aldred kita ko naman na sinamaan lang ng tingin ito ni kuya bryan.

            " nakakaawa.? Ako.?well mas nakakaawa ka I know hindi ka naman talaga mahal ni blue eh.. Ang mahal niya ay yung sister ko di ba blue.?" baling sakin ni kuya bryan.

            " yeah mahal ko si angela.. Pero mas mahal ko na si aldred ngayon.. Mahal na mahal na mahal.. Kaya kuya bryan mas nakakaawa ka kasi walang nagmamahal sayo.. " ngiti ko lang.

            " do you hear that.?" saad lang ni aldred.

            " hindi ko bingi narinig ko.. Pero sinisigurado ko na hindi kayo magtatagal.. Maybe tommorow, next week , or maybe next month akin ka na blue.."

            " belib ako sayo kuya bryan..lakas ng fighting spirit kahit pa ikaw ang huling tao sa mundo hindi kita magugustuhan.. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kesa makasama ka."

            " wag kang magsalita ng tapos baka kainin mo lahat ng sinabi mo magiging akin ka."

            " blue pasapak naman sa gagong yan." bulong lang ni aldred sakin.

            " kanina ko pa gustong gawin yun eh.. Kaso baka magasgasan yung kamay ko sayang." ngiti ko lang kay aldred kita ko lang yung pagtawa niya.

            " pathetic." saad lang ni kuya bryan.

            " Umalis ka na kuya bryan baka kasi hindi na kami makapagpigil im sure sa ospital ka matutulog ngayong gabi wala ka pa naman kasama di ba.. So maawa ka sa sarili mo."

              " baka kamo sa furenaria agad..?" ngiti ni aldred.

              " ok aalis na ko.. Hihintayin ko yung time na magkahiwalay kayo.. Sasaluhin kita blue.."

              " no thanks hindi ko kailangan ng sasalo sakin...hindi naman ako hahayaang mahulog ni aldred eh"

              " oo naman." ngiti lang ni aldred saka muli akong hinalikan sa labi kita ko naman yung pagammadaling paglabas ni kuya bryan..

              " hep hep tama na yan." sabay naman kaming napalingon kay mommy saka natawa. " wag niyo pakita sakin yang paghahalikan niyo." ngiti lang ni mommy.

             " mommy naman eh.?" ngiti ko lang.

             " akala ko kailangan niyo na ng tulong ko pupukpukin ko na sana ng sandok yung bryan na yun eh."

             " sana po pinukpok niyo na para masaya." saad lang ni aldred na natatawa.

             " oh so kayo na uli.?" napatingin lang ako kay aldred na may ngiti sa labi napalunok lang ako. " ano kayo na nga ba uli.?" ulit lang ni mommy.

             " ah mommy kasi.."

             " ok lang sakin blue kung hindi ka pa talaga ready." ngiti lang ni aldred.

             " plastik mo aldred.. Ok ka jan alam ko hindi.. Anak gusto mo batukan na kita.. Malabo ka pa sa tubig kanal eh alam ko naman may gusto ka pa kay aldred.. So bakit ayaw mo pa.?" kita ko lang yung pagkakamot ni aldred ng ulo.

             " mommy naman eh.. "

             " anong mommy mommy ka jan.. Wag niyo na ngang pahirapan yung mga sarili niyo alam ko naman na nagmamahalan kayo.. "

             " tita naiinitindihan ko naman po kung hindi pa talaga ready si blue.. Willing naman akong maghintay eh."

              " hindi pwede sakin yan aldred.. So anak magdesisyun ka na ngayon kung ayaw mong hindi nan kayo magkita nitong si aldred."

              " huh.. Mommy?"

              " seryoso ako anak.."

              " tita ok lang po talaga sakin."

              "shut up aldred para sayo tong ginagawa ko.."

              " pero po tita.?"

              " Oo na mommy.." kita ko lang yung pagtitig ni aldred sakin.

              "  blue ok lang talaga sakin kung hindi ka pa talaga ready.. Ayoko namang pilitin ka."

              " aldred i love you.."

              " pero napipipilitan ka lang." tungo ni aldred.

              " aldred i love you nga.. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo para sabihin sayo to.. Mommy naman kasi eh " simangot ko lang kay mommy.

              " ang bagal mo kasi anak nagiging unfair ka na kay aldred at hindi ko hahayaan yun.. Mahal ko na tong syota mo eh." ngiti lang ni mommy.

              " salamat tita."

              " ayoko ng thank you.. Ang gusto ko mahalin mo yung anak ko at please wag na wag mong hahayaang makalapit sa kanya si bryan huh.. Sasakalin kita."

              " opo tita dadaan muna sya sakin bago mahawakan yung mahgl ko." pisil lang ni aldred sa kamay ko.

              Kinagabihan tumambay lang kami sa labas ni aldred parehas lang kaming nakatingin sa mga star.

              " alam mo aldred bago kita nakita nung gabing yun may nakita akong falling star.."

             " falling star."

             " yeah nagwish ako nun." lingon ko sa kanya pero nakatingala lang sya sa langit.. Ngayon sigurado na ko si aldred na nga yung mahal ko..

             " anong naman winish mo.?"

             " to love and be loved.?" ngiti ko kita ko naman yung pagtitig niya sa mukha ko. " di ko naman akalain na matutupad pala yun..dati kasi hindi ako naniniwala sa falling stars kahit sa wishes pero nung binigay ka sakin simula nun naniwala na uli ako..."

            " sana matanggap na rin tayo ni mommy saka ni daddy noh.. Blue ipaglalaban kita kahit anong mangyare."          

            " ilalayo ka parin ba nila sakin.?"

            " hindi ko alam nung nalaman nilang naghiwalay tayo hindi na uli sila nagsalita."

            " pano kung malaman nilang nagkabalikan tayo.. ?"

            " hindi ako papayag na lumayo sayo.. Yun lang.. "

            " eh ano kung ipilit nila walang ka rin naman magaggawa."

            " madami akong magagawa.. Buti ka pa nga ang astig ng mommy mo.. Kahit kakaiba yung relasyon natin tanggap parin niya tayo sana ganyan din si mommy marunong umintindi ng narraamdaman."

            " ang gusto lang naman ng mommy mo eh yung para ikabubuti mo."

            " hindi ka naman nakakasama sakin blue.. Actually binago mo ko hindi na ako yung dating aldred na matigas ang ulo.. Pasaway.. Hindi marunong makinig.?" natawa lang ako sa sinabi niya. " bakit ka natawa.?"

            " kasi ganun ka parin naman.?"

            " anong ganun parin ako.?"

            " kasi matigas parin ng ang ulo mo.. Pasaway.. Hindi ka marunong makinig..? Ayaw nga nila sakin para sayo pero hindi mo sila pinakikinggan so anong tawag mo dun"

                 " iba naman yun eh syempre ayaw kong mahiwalay sayo."

                 " edi matigas nga ulo mo."

                 " basta pag dating sayo.. Kaya kong kalabanin ang mundo maipaglaban ka lang.. "

                 " talaga.?"

                 " oo naman. Blue i love you.. Hindi ko nga maintinmdihan yung sarili ko bakit mahal na mahal kita..parang mamatay ako pag lumayo sayo."

                 " I love you too aldred.. I love you i love you." ngiti ko.

                 " seryoso na ba yan blue. Hindi na ko panakip butas?"

                 " oo naman tama si mommy inlove nalang ako sa idea na mahal ko pa si angela.. Masyado lang akong nasanay sa kanya.."

                 " eh si bryan anong plano mo sa kanya >?"

                 " wala.?"

                 " eh pano kung bumalik uli sya.. Pag nakita kong hinawakan ka niya basag ang mukha nun.?"

                 " ewan ko ba dun ang kulit.. "

                 "  baka nga mahal ka talaga niya."

                 " eh si chris?"

                 " ano meron kay chris.?"

                 " itututor mo nanaman sya bukas.. Pwede ko ba kayong bantayan.?"

                 " bantayan.?"

                 " eh kasi.."

                 " bahala ka.. Aldred.. Sigurado na mahal na talaga kita.. Hindi na kita ipagpapalit."

                 " talaga.?"               

                 " Ang gwapo ko noh.?" saad ko lang habang seryoso kita ko lang yung pag tawa niya.

                 " siningit mo pa talaga yun.."

                 " kasi hindi naman ako magugustuhan ni kuya bryan o kaya ni chris kung hindi ako gwapo di ba.?"

                 " oo nalang."

                 " aldred gusto mo pumunta sa school namin.. Papakilala din kita sa mga friends ko dun."

               " ok lang ba yun.? Saka may friend ka ba dun"

              " oo naman mababait naman mga classmate ko hindi tulad ng classmates mo.?" ngiti ko.

              " hoy mababait naman yung mga yun may topak lang talaga si lester."

              " oo na.. Basta papakilala kita huh.."

              " sure sige.?"

              " alam mo yung adviser ko nasa same sex relationship din sya.?"

              " talaga.?"

              " oo kaya nga naisip ko posible naman pala talaga yung ganito.. Sabi niya nga sakin.. Its a choice lang talaga.. Magiging masaya ka kung pipiliin mong maging masaya..."

              " tama naman sya." ngiti lang ni aldred.

              " papakilala kita sa kanya.. I know sya yung makakaintindi satin."

              " sure.." ngumiti lang ako saka sumandal sa balikat niya.. " blue I love you."

              " i love you too red." sabay lang kaming napalingon ng marinig namin yung pagbukas ng gate. " dad.?" 

7 comments:

  1. BOOOMMM... huli ng dad.. ^__^ bilib na tlaga ako kay red ranger..

    ReplyDelete
  2. patay kang bata ka! huli kayo ni Daddy. Kilig n kilig nako s 2 biglang pasok nmn si Daddy. haha. Perfect! Kahit yung mga halong rekado, angkop n angkop s kwento. tnx sa update.

    0309

    ReplyDelete
  3. nice.. next chapter na ulit author.. hehe

    ReplyDelete
  4. Yan na ang magandang part...eeksena na c daddy hahahaha....dto na mag uumpisa ang gulo sa pag mamahalan ng mga rangers...exciting na!

    ReplyDelete
  5. Huil ka balbon,hehehe
    Nice one.

    yhajz

    ReplyDelete
  6. Nakaka turn off lang yung love ni Blue kay Angela, di lang sobrang katangahan, unrealistic na yung katangahan nya dun!

    ReplyDelete
  7. nana viviualize ko na ang ending.. si labi ..si prince hahaha
    -dino

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails