Followers

Friday, September 27, 2013

bliss 2 Chapter 9


Authors note

               Salamat posa lahat ng bumabasa ng story ko.. nakakaoverwhelm talaga.. thanks sa mga nagmemessage sa fb .. sa mga nagcocomment.. my one favor lang ako inspire me more.. J pagnababasa ko kasi yung mga comments and suggestions niyo sinisipag talaga ko magsulat ng story kahit super pagod at stress.. mabasa  ko lang yung mga reactions niyo enough na para ganahan ako sa pagtatype.. have a goodlife J 

            " lumayo ka sakin jerome." saad ko pero hinarap niya lang ako sa kanya saka mapusok na hinalikan sa labi agad ko naman syang tinulak saka binigyan ng isang malakas na sampal. " jerome kung gusto mong maging magkaibigan parin tayo.. Ayusin mo yung kilos mo." sinamaan ko lang sya ng tingin.

            " sorry kuya hindi ko lang napigilan."

            " magisip ka nga jerome.. Hindi ka na bata"

            " sorry na kuya."

            " jerome hindi mahirap intindihin na mahal ko si raymond... At ayokong niloloko ko sya.. Sa oras na halikan mo pa uli ako sinisigurado ko sayo ako na magdadagdag ng pasa dyan sa mukha mo."

            " I understand kuya.. Im sorry." nakatungong saad ni jerome.

            " jerome nakikiusap na ko sayo huh... Kung gusto mong maging magkaibigan parin tayo wag mo ko bigyan ng rason para layuan ka.. Importante ka sakin kasi kaibigan kita.. Wag mo naman basta itapon yun."

            " kuya ang hirap kasi eh."

            " walang mahirap kung gugustuhin mo."

            " nasasabi mo yan kasi wala ka naman sa pusisyun ko kuya eh.. Hindi mo naman alam kung gaano kasakit at kahirap yung nararamdaman ko eh.. Mahal kita pero  pero hindi mo naman kayang suklian yun.. Hindi mo alam kung gaano kasakit yun."

            " I know wala ako sa pusisyon mo.. Hindi ko alam kung ano nararamdaman mo.. Pero sana jerome igalang mo naman sana na may nagmamay-ari na ng puso ko at si raymond yun.. Ayokong lokohin sya."

            " pero kuya.. Ganun ba ko kahirap mahalin.. Kahit si joana hindi ako nakuhang mahalin.. "

            " hindi ka mahirap mahalin jerome... Masyado mo lang kinukulong yung sarili mo sa taong hindi ka naman pwede at kayang mahalin.."

            " pero kuya kahit kailan mo ba hindi mo ko mamahalin.. Hindi bilang kaibigan kundi bilang ako.?"

            " mahal ko si raymond.. Mahal na mahal.."

            " sana kuya yung nararamdaman ko sayo pwede nalang basta mawala.. Kaso ang sakit sakit pag naririnig kong mahal mo si raymond.. Na sya lang yung pwede mong mahalin.. Na kahit kailan hindi ako magkakapuwang jan sa puso mo.."

            " jerome bukasan mo lang yung puso mo.. Im sure may taong darating para ibigay yung pagmamahal na deserve mo." ilang sandali syang natahimik kita ko lang yung pagtungo niya kaya napabuntong hininga lang ako. " jerome please... May taong magmamahal sayo.. Higit pa sa kaya mong ibigay."

            " sana kuya." ngumiti naman ako saka sya niyakap ramdam ko lang yung pag hikbi niya..

            " wag ka ng umiyak jerome.." hinagod ko lang yung likod niya.

            " kuya salamat.. " humiwalay lang ako saka sya nginitian.

            " wala yun.. Magluluto na ko nagugutom na talaga ko eh." saad ko lang saka humarap sa ref.

            " ano ba lulutuin mo kuya nagugutom na rin ako eh." napakamot naman ako sa ulo na lumingon sa kanya umurong lang ako para makita niya yung laman ng ref. " kailan ka pa huling nag grocery kuya.?"

            " hindi ko matandaan,.?" pilit na ngiti ko.

            " wala naman laman yang ref mo eh ano tubig lang iluluto mo..?"

            " wala kasing akong time mag grocery eh." saad ko lang saka naupo sa mesa at nangalumbaba binuksan naman ni jerome yung mga aparador.

            " puro instant noodles naman ang nandito.. Siguro kuya nauubos yung sahod mo sa mga estudyante mo.."

            " hindi naman.. Lagi kasi akong nagmamadali kaya puro instant yung binibili ko.. Saka pag naging teacher ka maiintindihan mo."

            " eh anong kakainin natin kuya nagugutom na ko... Labas nalang tayo.?"

            " lalabas...?"

            " Oo treat kita.."

            " may pera kaya ako.. Order nalang tayo.."

            " matagal pa yun eh tara na labas tayo.."

            " natatamad ako eh.." hinila naman ako ni jerome.. " wag mo ko hilahin teka magbibihis lang ako." simangot ko sa kanya.

            " ok na yan kuya.. Gwapo ka parin naman kahit nakapang bahay.."

            " ows teka magbibihis nga ako bitiwan mo muna ako."

            " tara na wag na."

            " oo na .. Bitiwan mo na ko.." simangot ko sa kanya.

            " alam mo kuya nag cute mo talaga.. Nakakainis sana hindi nalang pinanganak si raymond." ngiti niya sakin.

            " baliw ka.. Paalala ko lang jerome.. Friends tayo.."

            " oo na kuya.. Hindi ko pa tanggap pero pipilitin ko kuya.. Promise.. Ang importante ngayon yung tiyan natin kasi super gutom na talaga ko kuya." ngiti niya sakin.
           
            " oo na.." lumabas naman kami ng bahay nagtaka lang ako ng hindi sya sumakay ng kotse niya. " teka hindi tayo sasakay.?"

            " maglakad nalang tayo kuya.. May resto sa labas ng subdivision niyo eh.?" tiningnan ko lang sya.. " seryoso ako kuya lakad lang tayo.?" tingnan ko naman yung damit ko nakabasketball short lang ako at nakatshirt.

            " sa resto tayo kakain tapos ganito suot ko.. Gusto mo masaktan jerome.?"

            " ano naman kuya.. Ayos nga yung suot mo eh parang bibili ka lang ng suka.?" ngiti niya sakin.

            " jerome naman eh. Alam ko na kung san tayo kakain.."

            " saan.?"

            " sa kerinderia nalang.. May alam ko tara sakay na tayo sa kotse mo.?"

            " ayoko gusto ko maglakad kuya.."

            " malayo yun tara na sakay na tayo.?"

            " ok ganito nalang kuya.. Pag sumakay tayo sa resto tayo kakain pero pag naglakad tayo sa karinderia lang." ngiti pa niya.

            " ang duga naman eh.."

            " ano kuya san mo gusto.?"

            " sakay na tayo gutom na kaya ako tapos paglalakarin mo pa ko." simangot ko pero ngumiti lang sya saka hinala yung kamay ko.. " teka hindi dyan dun oh.." turo ko sa kabilang kalsada.

            " so maglalakad tayo.?"

            " oo na gutom na ko.."

            " yes salamat kuya.. Exercise na rin to.." nagsimula naman kaming maglakad alam ko mayat maya tumitingin sakin si jerome pero hindi ko nalang pinapansin.

            " hindi ka man lang daw nakatama kay raymond." asar ko sa kanya.

            " pinagbigyan ko lang kuya syempre baka kasi magalit ka sakin pag nakita mong bugbug sarado yung mahal mo."

            " sus talo kalang talaga."

            " hindi kaya kuya.. Mejo malakas lang naman sya sumuntok pero kung sinuntok ko yun im sure tulog sya...iniisip lang talaga kita kuya."

            " hindi mo ba talaga minahal si joana kahit konti lang.?"

            " sinubukan ko naman kuya pero walang nangyare.. Para lang kaming magkaibigan.."

            " bagay pa naman kayo.?"

            " sabi nga nila.."

            " malay mo naman.."

            " ewan ko kuya.. Sobrang mahal nun si alvin.. Minsan umiiyak sya sakin"

            " talaga.. Pero sana makahanap na rin sya ng totoong magmamahal sa kanya.. Teka alam mo ba na may kapatid si alvin.?"

            " kapatid? Di ba nag-iisang anak sya.?"

               " may kapatid sya.. Earl ang name anak ni tito ron sa ibang babae."

               " anong itsura kuya..?"

               " kamukha ni alvin.. Baliw nga lang."

               " baliw bakit naman.?"
           
               " nakakatawa kasi mahal niya daw ako.. At guess what hindi tutol dun si tita jade.. "

               " ano ba yan kala kopa naman si raymond lang ang kaagaw ko sayo meron pa pala.?"

               " baliw.. Friends di ba..?" ngiti ko sa kanya.. Napakamot naman sya ng ulo.

               " yeah oo nga pala friends itatak ko na yan sa ulo ko kuya.. Friends lang tayo.. Pero"

               " bakit may pero nanaman.?"

               " pero mahal pa rin kita.."

               " ewan sayo jerome.. Ang gwapo gwapo mo kaya jerome im sure madaming nagkakagusto sayo sa trabaho mo."

               " alam sa work ko kasal na ko eh.. Para wala ng umaligid.."

               " kasal.. Kay joana.?"

               " sayo.." ngiti niya.. " joke lang kuya.. Malayo pa ba tayo nagugutom na ko nagwawala na yung mga bulate ko sa tyan.?"

               ' eh kasi sabi sayo sumakay na tayo.. Kulit mo kasi eh. Mejo malayo pa."

               " ok lang kasama naman kita kuya.."

               " wushu.. Bakit mo ba ko nagustuhan.?"

               " ewan ko... Basta naramdaman ko nalang.. "

               " ang labo kaya nun... "

               " yung smile mo kuya the best.. Ang ganda kasi ng lips mo."

              " hindi naman masyado.."

              " oo nga promise kuya.. Kaya  nga ang hirap magpigil para hindi ka halikan swerte swerte ni raymond kasi unlimited kiss sya sayo.. Ako laging pagkatapos laging sampal ang kasunod..?" ngiti niya.

              ' baliw ka kasi..yun natatanaw ko na konti nalang mangangain na ko ng tao.." ngiti ko lang.

              " kuya kahit friends lang masaya na rin ako kasi kasama kita..""

              " ikaw lang naman nagpapagulo ng sitwasyon natin eh.. Ok naman tayo dati di ba.. Basta jerome i can always be your friend kung kailangan mo ng tulong im always here.. "

              " salamat kuya... I love you."

              ' i love you ka jan.. Grabe gutom na ko.. Finally were here." ngiti ko saka naupo sa pangdalawahang mesa. " makakain na din sa wakas," ngumiti lang sya sakin...namili naman ako ng pwede naming kainin.. Maya maya lang dinala samin yung pagkain.

              " kuya natatandaan mo nung high school tayo lagi kitang nakikitang umiiyak..?"

              " wag mo na ngang ipaalala yun... Tapos na yun eh "

              " masaya lang ako kasi ngayon lage ka ng nakangiti.. Masaya ka na kung ano meron ka ngayon.. Masaya ka na kay raymond.."

              " masaya na ko jerome.. Hindi mo naman siguro hahayaang makita uli akong umiiyak di ba.. Jerome ayoko na maranasan uli yung sakit na naranasan ko before.. Ito na yung time para sumaya naman ako di ba.."

              " sana kuya maramdaman ko rin yung saya na nararamdaman mo.. Hindi pa siguro ngayon pero sana dumating na.."

              " darating yan jerome.. Ngumiti ka kasi alam mo jerome ang gwapo mo kaya.. Honestly hindi ka lang basta gwapo super gwapo.. Taob nga si raymond sayo eh.?" ngiti ko sa kanya.

              " taob nga, sya naman ang mahal mo.. Saklap nun kuya." hindi ko naman mapigilang matawa.

              " pero atleast mas gwapo ka di ba.. Kaso sayang talaga kayo ni joana.. Bakit hindi mo subukan ligawan uli sya.?"

              " malabo na nga kami kuya.."

              " malay mo naman...?"

              " bahala na kuya.." ngiti niya.

              " jerome you're here.?" parehas naman kaming napalingon sa babaeng kapapasok lang sa karinderia.. Kumunot naman yung noo ko.. Saka pinagmasdan yung babae.. Well maganda parang super model ang dating kaso parang...kenkoy.

              " kilala mo.?" tanong ko lang kay jerome..

              " katrabaho ko." saad ni jerome saka umiba ng tingin.

              " hey jerome ikaw ba talaga yan.?dito sa karinderia..ikaw.?" saad ng babae kay jerome.

              " kuya lipat nalang tayo.?" pilit ang ngiti ni jerome sakin kaya napangiti ako.

              " hi I'm Carlos.." tumayo lang ako saka nilahad yung kamay.

              " kuya." siumangot lang ni jerome pero nginitian ko lang sya.

              " diane here.." matamis na ngiti nito. " kapatid mo si jerome.?"

              " nope.. Friends.."

              " Oh i see.. Kasi ang alam ko dito sa kaibigan mo.. Ayaw na ayaw nitong kumakain sa ganito eh.?" ngiti lang ni diane sakin.

              " Oo nga.. Kaso gutom na kami eh.. Gusto mo jumoin samin.?" ngiti ko.

              " kuya naman.?"

              " ok lang ba.?"

              " Oo naman.. Wait iorder kita..?" saad ko saka tinawag yung tindera.. Kita ko naman yung pagsimangot ni jerome.. " so magkatrabaho kayo... Taga saan ka.?" tanong ko lang kay diane.

              " sa kabilang kanto.."

              " hey jerome bakit ka naman nakasimangot di ba magkatrabaho kayo..?"

              " sanay na ko jan.. Carlos.? Carlos right...?" tumango naman ako.. " sa office napakasungit niyan.."

             " masungit si jerome sa opisana.?" napatingin lang ako kay jerome na nakasimangot.

             " super.. " irap lang nito.

             " eh pano ka nga naman magkakalovelife jerome kung masungit ka pala.."

             " kuya uwi na tayo..?"

             " carlos ang pagkakaalam ko kasal na sya.. Totoo ba yun kasi nung chineck ko yung profile niya sa facebook nakalagay single sya.?"

             " yeah single sya..." ngiti ko.

             " talaga.. Chance na ito." ngiti lang ni diane. " jerome single ka pala huh.." baling nito kay jerome.

             " tapos na ko kumain kuya uwi na tayo di ba maaga pa pasok mo bukas.. Tara na kuya.?"

             " ang sungit talaga nito.."

             " hindi masungit yan kunware lang yan diane.. Ano tingin mo kay jerome di ba ang gwapo niya.?" ngiti ko lang.

             " huh..?" kumunot lang yung noo nito saka tumingin kay jerome. " gwapo sana kaso masungit."

             " kuya naman uwi na tayo.?"

             " ako lang naman ang may pasok bukas ng maaga ikaw hapon pa pasok mo di ba..?"

             ' guston ko na umuwi kuya."

             " sige carlos ok lang sakin kung uuwi na kayo.. Sungit talaga nyan type ko pa naman sana yan kaibigan mo.." ngiti lang ni diane.

             " type mo si jerome.?"

             " kuya uwi na tayo.." simangot lang ni jerome saka tumayo..

             " uhm diane uwi na kami huh.."

             " sige.. Ingat kayo.. Jerome kita tayo tomorrow mr sungit." naglakad naman si jerome palabas ng karinderia.. Tumango naman ako kay diane.

             " hay naku jerome napakasungit mo.?" saad ko lang kay jeromne habang naglalakad na kami pauwi

             " kuya naman eh.?"

             " bakit.? Pano ka nga naman magkakalovelife kung napakasungit mo naman pala sa iba.?"

             " hindi ko lang trip yung babaeng yun.. Hindi mo ba nakita kung pano kumilos at manamit..?"

             " ok naman ah.? Mejo maiksi nga lang yung short niya."

             " mejo ka jan kuya eh halos hanggang singit niya na yun."

             " maganda naman yung legs niya kaya ok lang.." ngiti ko.. " type ka daw niya ah.?"

             " type..? Kuya naman hindi ako pumapatol sa ganong babae noh saka ilevel mo naman sya kay joana.."

             " hoy ganun din kumilos si joana ah.. maayos nga lang manamit si joana."

             " oh di ba kuya.. Hindi ko nga alam bakit natanggap yun sa company namin eh.?"

             " ilan taon na ba yun.?"

             " 22 na ata.?"

             " hindi na masama.?" ngiti ko.

             " kuya hindi ko yun type.. Saka yung ganitong mukha papatol sa ganun.?"

             " yabang huh.. Anong papatol sa ganun..?"

             " I heard kasi kuya kaya sya nakapasok sa company namin dahil inakit niya lang yung boss namin.."

             " talaga.?"

             " oo kuya kaya wag mo ngang idikit pangalan ko sa kanya.. Hindi kaaya aya." simangot lang ni jerome.

             " malay mo di ba.?"

             " ayoko kuya.. Sayo lang ako." ngiti ni jerome kaya natawa ako.

             " balikan natin si diane gusto mo.?"

             " kuya ehhh.."

              Kinabukasan pagkatapos ng klase ko naabutan ko lang si raymond sa harap ng gate ng school.. Napangiti lang ng makitang may hawak syang bulaklak.

              " para sakin yan mond.?" ngiti ko lang.

              " hindi ah may inaantay pa ko iba.. Tabi ka baka hindi ko makita.." hawi niya sakin sinimangutan ko naman sya saka pumasok sa kotse. " joke lang for you mahal ko." saad niya pagkapasok sa sasakyan.

              " ewan sayo may inaantay ka pa pala sakin dito bukod sakin.."

              " hindi ka na mabiro grabe hows your day.?"

              " ok sana kanina kaso sinira mo eh."

              " to naman joke lang naman yun sorry na." ngiti niya saka ako hinalikan sa pisngi.

              " amoy pawis ako mond tigilan mo ko.."

              " ang bango mo parin eh.."

              " wehh.. Eh bakit nga pala may flowers flowers ka pa ngayon.?"

              " eh syempre di ba binigyan ka nung earl na yun ng roses dapat ako rin..." ngiti niya sakin.

              " ah ganun kung hindi pala ko binigyan ni earl ng flowers hindi mo din ako bibigyan.?"

              " hindi..?" ngiti niya sinimangutan ko lang sya.

              " nakakainis ka talaga mond."

              " eh di ba hindi ka naman mahilig sa flowers.. Fried chicken lang haping happy ka na eh kaya here oh." saad niya saka nilabas yung paper bag. " friend chicken.!"

              " wow ikaw nagluto.?"

              " kfc oh hindi mo nababasa.? Mk talaga oh."

              " ah kala ko pa naman luto mo malay ko ba kung jan mo lang nilagay.?"

              " oo na next time ako magluluto.. " ngiti niya.

              " si jerome galing sa bahay kagabi." 

              " kagabi.?"

              " yeah pinagbigyan ka lang pala niya kaya hindi na sya sumuntok sayo.." ngiti ko lang kita ko naman na sarkastiko syang tumawa.

              " anong ginawa niya sa inyo.?"

              " wala naman nagusap lang kami.. "

              " nagusap..? Siguro ka nagusap lang kayo.. O may ginawa pa kayong iba.?"

              '"wag mo ko simulan mond huh.. "

              ' simulan ng alin... Anong ginawa niyo.. Nagtitigan.?"

              " para ka pa ngang sira.. Nagusap lang kami.."

              " imposible."

              " fine hinalikan niya ko ng isang beses pero binigla niya lang ako after nun sinampal ko sya.."

              " hindi pa talaga nadala yung hayop na yun.?"

              " ok na wag mo ng bugbugin yun huh."

              " buti nakilala mo pa yun.."

              " mejo magaling na yung mga pasa niya wag mo na ulitin pag gulpi sa kanya huh kinausap ko na sya i think ok na sa kanya."

              " kinausap mo na tigilan ka na niya.?"

              " oo.. Naiistress ako sa kanya kaya sana nainitindihan niya yung sinabi ko... Deretso na tayo sa house niyo.?" saad ko lang saka pinaandar yung sasakyan..

              " sana tigilan ka na niya kundi ililibing ko sya ng buhay... Eh si earl .?"

              " haixt isa pa yun.."

              " hindi ko pa sya nakikita.. Ipapadala ko agad sya sa ospital pag nagkita kami."

              " tigilan mo mond ikaw bubugbugin ko sige."

              ' concern..?"

              " pag binugbug mo yun nakakahiya kay tita jade.. Syempre ako dahilan kaya wag na mond huh.. "

              " yung pulang kotse sa likod natin kilala mo yun.?" napatingin naman ako sa salamin ng sasakyan.. "nakita ko yan nakapark malapit sa kotse mo tapos nakasunod ngayon satin.. Kilala mo .?"

              " si earl yan."

              " stalker..? Parang matagal ko ng nakikita yang sasakyan na yan.."

              " talaga ang sabi niya sinusundan niya raw ako lage.?'

              " ah may topak.." natawa lang ako sa sinabi ni raymond. " itigil mo yung sasakyan." kumunot lang yung noo ko sa sinabi niya.

              " hayaan mo nalang sya mond."

              " itigil mo gusto ko lang makita kung anong itsura ng hayop na yan."

              " tigilan mo nga mond.."

              ' itigil mo."

              " mond naman eh."

              " itigil mo sabi.." sinimangutan ko naman sya saka iginilid yung sasakyan tumigil din naman yung pulang kotse sa  likod namin.

              " mond umayos ka huh."

              " don't worry kaya ko naman siguro sa sapakan yang earl na yan eh."

              ' baliw ka tara na nga."

              " wait lang.." saad ni raymond saka lumabas ng sasakyan sumunod naman ako sa kanya.. Kita ko lang na bumukas din yung sasakyan ni earl saka to lumabas na nakangiti samin ni raymond             

              " hi raymond.." bati ni earl dito.
                          

5 comments:

  1. ayan nakakita ng multo c mond. super selos na sya haha. thanks s update.

    0309

    ReplyDelete
  2. Nice.. Palaban na si raymond... Go mond, wag ka pasindak kay earl.. ^__^

    ReplyDelete
  3. Taena kaka inis tong c carlos...dameng may gusto napaka selfish ayaw mamigay !! Hahaha....suntukan na yan Raymond vs Earl

    ReplyDelete
  4. cool.. sana mabilis po update.. ganda talaga.. ^^

    ReplyDelete
  5. Kairita c jerome! Ang kulit! Pwedeng pakitanggal n sya sa kwento? Nakakainis n kasi sya.

    -hardname-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails