Followers

Wednesday, September 4, 2013

MUMU Sa Library 5 & 6

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Chapter 5

Gero's Point of view:  

"Ma,Pa, I was thinking na tulungan natin si Kaiicen at ang naynay nya,grabe nakaka awa silang dalawa" sabi ko kina Mama at Papa,nandito kami lahat sa living room. 

"Bakit kuya? Panong nakaka awa?" ani Nichi. 

 "Diba sumama ako maghatid sa kanya kanina? Hindi muna ako umalis pinagmasdan ko muna sila,medyo may edad na naynay nya at yung bahay nila parang bibigay na" sagot ko naman at umayos ako ng upo sa couch. 

 "Ano namang tulong ang maibibigay natin?" tanong naman ni kuya Zander,sina Mama at Papa nakikinig lang sa amin. 

 "Pwede natin silang gawing kasambahay" sagot ko. 


 "Bakit gustong gusto mo sya tulungan? Tandaan mo high school ka pa lang" sabi ni kuya Zander. 

 "Kaya nga nandito din sina Mama at Papa eh!" sagot ko naman,napaka ano talaga nito ni kuya,lahat ng bagay dapat may dahilan at paliwanag. 

 "Kung sa kasambahay,pwede sila kina Tito Seiji mo o sa lolo't lola mo" ani Mama. 

 "Dito na lang sila sa atin!" pagpupumilit ko. 

"Bakit ganyan ka ka-eager anak? Kung yon ang gusto mo,sige kunin natin silang kasambahay,pero baka may iba ka pang rason?" pag singit ni Papa sa usapan. 

"Baka type nya yong Kaiicen" pag singit din ni Tito Khyron. 

 "Hindi Tito! Talagang naaawa lang ako" pagsagot ko ulit. Bakit ba ako pinagtutulungan ng mga to? 

 "Naku pinsan,ganyan talaga sa umpisa" naka ngising sabi ni kuya Kebin kaya tiningnan ko lang sya ng masama. 

 "Alright,ganito na lang,tawagan mo si Kaiicen at sabihin mong dito na sila titira" ani Papa at tumayo na kasunod si Mama at umakyat na sila. 

 "Salamat Ma! Pa!" pahabol kong sabi, pati sina Tito Khyron at Tita ay pumunta na rin sa silid nila kaya kami ng mga kapatid ko at si kuya Kebin ang naiwan dito sa living room. 

"Chichi tanda mo pa yung pinag usapan nyo ni Pauline tungkol sa nawawalang apo ng mga Ongpauco?" baling ko kay Nichi. 

 "Oo kuya bakit?" 

 "Malakas ang kutob kong si Kaiicen yon" sagot ko naman,hininaan ko talaga ang boses ko.  
"Pano mo nasabi? May katibayan ka?" parang interesado na ding tanong ni Kuya Zander. 

"Hindi ako sigurado pero malakas nga hinala ko, may kwintas sya na may pendant at tatak na letter "K" dito" muli kong sagot. 

 "Oh my Gawd kuya! Kaya gusto mo syang dito patirahin para makihati sa mana nya?" OA na sabi ni Nichi. 

 "Hindi no! Gusto ko lang talaga tulungan sila,nakaka awa kasi kahit sa school at saka para maiiwas din sya sa kapahamakan" 

 "Napansin ko nga yung kwintas nya,at panigurado marami ng interesado sa kanya once na ikalat sa public ng mga Ongpauco ang paghahanap sa kanya" ani kuya Kebin. 

 "Tama,saka para dagdag kapamilya na din,mabait naman si Kaiicen" pag sang ayon ko. 

"Ingat lang Gero baka sa kagustuhan mong maprotektahan yang kaibigan mo eh mapahamak ka" pagkuway sabi ni Kuya Zander. 

 Nandito na ako sa kwarto at paulit ulit na tinatawagan si Michael pero hindi sinasagot ng ungas! Kailangan ko makuha sa kanya ang mobile number ni Kaiicen para ipaalam dito ang balak ko. Inabot na lang ako ng alas onse pero hindi pa din sinasagot ni Michael,kaya nagpasya ako na bukas sa school ko na lang sasabihin ang balak ko,antok na din ako at hindi na kaya ng mata ko. 

 Kinabukasan,ako na mismo ang pumunta kay Kaiicen sa classroom nya nung recess,parang mga baliw na nagsisigaw at nagtitili ang mga classmates nyang mga babae. 

 "Si Kaiicen?" tanong ko sa isa sa mga kaklase nya,hindi ko kasi agad sya nakita. 

"Hoy Kaiicen tawag ka ni Gero Montenegro!" sigaw nung isang babae na parang kinikilig,nagtaka naman ako kung bakit alam ang pangalan ko. 

 "Pasensya na Gero,ayaw mamansin,ayun nasa dulo,busy sa pagbabasa dun sa libro ng AP pinarusahan kasi sya ni Maam Policarpio nung nakaraan" sabi naman ng isa pa. 

 "Ganun ba? Sige pasok na ako,lapitan ko na" ani ko. Ang lupet naman pala ni Maam Policarpio sa Middle section,pano na sa lower? 

Pero sa aming Pilot lagi syang masaya,ang unfair naman. Nilapitan ko na at tumabi ako kay Kaiicen pero hindi man lang ito natinag. Kaya ang ginawa ko kinalabit ko sa bewang at agad naman syang napaiktad. 

 "Ay! Ano ba? Busy ako oh?!" parang inis pa nyang sabi. Well hindi uubra sa akin yan,kaya kinalabit ko ulit sya sa tagiliran at napaigtad na naman sya. 

 "Ano ba? May kiliti ako dyan! Ano bang kailangan mong Mumu ka?" medyo nakangiti na nyang sabi kaya kinuha ko na ang pagkakataon para sabihin sa kanya ang pakay ko. 

 "Gusto mo makaipon at makatulong sa Naynay mo diba?" panimula ko,nagsalubong agad ang mga kilay nya kaya nagpatuloy ako. 

 "Kailangan namin ng dagdag na kasambahay,at kayo ang sinabi ko kina Mama at Papa,dont worry hindi mabigat ang magiging trabaho ng Naynay mo,alam ko kasing may edad na sya,at ikaw naman pwede kang maglinis linis sa mansyon,what do you think?" nakangiti kong paliwanag. Nanlaki ang mga singkit nyang mata at nagliwanag ang mukha nya.

  "Seryoso ba yan?!" hindi makapaniwalang sabi nya. 

 "Oo,at stay in yon,sa amin na kayo titira" masaya kong sagot,nagulat na lang ako ng bigla nya akong niyakap. 

 "Naku Gero! Maraming salamat! Panigurado matutuwa si Naynay nito! Napaka bait mo talagang Mumu!" galak na galak nyang sabi habang nakayakap sa akin. Panay naman panunukso mga classmates nya,napapangiti na lang ako. 

 "Wala yon,gusto ko lang makatulong" sagot ko. GGGGRRRAAAWWWL! O_o ? 

 Bigla naman syang kumalas sa pagkakayakap at tumingin sa ibang direksyon at namumula pa haha! 

 "Gutom ka na pala hindi mo sinabi" natatawa kong sabi. 

 "Hindi ako gutom" ang paiwas nyang sagot at muling hinarap ang binabasa nyang libro. 

"Weh? Eh ano yong tumunog?" 

 "Cellphone ko yon,nagvibrate" sagot nya na talagang ikinatawa ko,pakiwari ko sa akin na nakatingin lahat. 

 "Galak na galak? Sige text mo ako kung tapos ka ng magalak" naka ngisi nyang sabi. 

 "Ikaw kasi pinatawa mo ako,tara na kain na tayo,masamang magbasa ng gutom" sagot at yaya ko sa kanya at ako ay tumayo na. 

"Wala akong baong pagkain eh" nag aalangan nyang sabi sa mahinang boses,nakaramdam na naman tuloy ako ng awa sa kanya. 

 "Yon ba inaalala mo? Dont worry its my treat,tara!" at hinila ko na sya palabas ng classroom nila.

Chapter 6

Kaiicen's Point of view:  

"Naynay! Naynay!" masaya kong sigaw papasok sa bahay,kasunod ko si Gero at yung iba daw nilang Boy. 

 "Ano ba naman Kaii at nagsisigaw ka?" sabi ni Naynay na galing kusina at natahimik ng mapansing may kasama ako. 

"Sino sila?" 

 "Naynay naaalala nyo po yung nalock ako sa library? Sya po yung kinekwento ko,si Gero" pagpapakilala ko,lumapit si Gero kay Naynay at nagmano. 

 "Aba'y totoo nga ang sinabi mo,gwapo sya" 

"Hindi naman po" nahihiyang sabi ng mumu 

"Huwag nyo masyadong bolahin Naynay,baka maging kasing laki ni Weezing ang ulo nyan" pang iinis kong sabi. 

 "Ginawa mo naman akong Pokemon" reklamo nya at binelatan ko lang sya. 

 "Ano ba ang sadya mo ijo at may mga kasama ka pa?" ani Naynay sa kanya,at ako na ang sumagot. 

 "Kailangan nila ng dagdag kasambahay Naynay,eh dahil magkaibigan kami ni Gero,sinabi nya sa Parents nya na ikaw na lang ang kunin at ako tutulong tulong na lang" 

 "Ganun ba? Hindi ba nakakahiya? Pero salamat na din,mas gusto ko na ang ganun" baling ni Naynay kay Gero. 

 "Naku! Huwag po kayong mahiya at saka doon na po kayo ni Kaiicen titira sa amin kaya kasama ko mga boy namin para magbuhat ng mga gamit nyo" nakangiting sagot ni Gero,syempre napapangiti na din ako,ambait lang nya! 

Ang swerte ng girlfriend nitong mumu na to. 

 "Ganun ba? Salamat ulit! Sige at mag impake na ako" ani Naynay,pagkasabi nya nun sumenyas na si Gero sa mga boy nila at sinimulan na ng mga ito na maghakot sa kaunti naming gamit. 

Ako naman ay nagpaalam muna kay Gero na mag iimpake na din. At ng ganap na kaming makapag lipat,sinalubong kami ng mga Montenegro,nagpasalamat si Naynay pati ako tapos nun sinamahan na nila kami sa magiging bahay namin,sa likod sya,bunggalo style pero sapat na sa amin ni Naynay,sabi ni Tito Kreyd dati daw yung servant's quarter na pamilya din ang pinagamit nila. Ng maipasok na mga gamit namin,inayos na namin ito,ang cute nga kasi para na syang sarili naming bahay,may dalawang kwarto,may sala,kusina at isang banyo,astig diba? 

 Nasa kalagitnaan kami ni Naynay ng pag aayos ng mga gamit ng pumasok si Nichie. 

"Manang Naynay at kuya Kaiicen,dinner na po! Gusto kayong makasabay nina Mama at Papa" naka ngiti nitong sabi. 

 "Ay ganon ba? Sige Kaii tara na at nakakahiya sa mga bago nating amo pag tayo ay nahuli" ani Naynay. Sumunod na kami kay Nichi sa dining hall,nakakamangha talaga ang bahay na ito. 

 "Maupo po kayo" magiliw na sabi ni Tito Prue. 

 "Nako mga ijo at ija,salamat ulit sa pagtanggap" ani Naynay ng makaupo kami. 

 "Walang anu man po,ang anak naming si Gero ang nag suggest na gawin kayong kasambahay dahil nga po naaawa na sya sa sitwasyon nyong mag ina" sagot ni Tito Kreyd.

 " tara na at kumain" dagdag nito at nagsimula na ang lahat kumain. 

 "May karanasan na po ba kayo bilang kasambahay?" tanong ni Tito Prue sa gitna ng pagkain,kaming mga bata ay nakikinig lang. 

 "Meron,ang totoo nyan,pulubi ako noon at wala ng mga magulang,kinupkop ako ng mga Ongpauco,pinag aral,hanggang sa ginawa nila akong mayordoma,pero pagkatapos ng tatlumpung taong paninilbihan kinailangan kong umalis sa kanila ng walang kahit anong bitbit na pera,kahit ang ipon ko ay naiwanan ko" malungkot na sagot ni Naynay,napatingin ako kay Gero,nagkatinginan sila ng mga kapatid nya at pinsang si Kebin. 

Anong meron? 

 "Wow,galing pala kayo sa mga Ongpauco,so yun po ang rason kung bakit nanatili kayong mahirap? Huwag kayo mag alala Nay,dito sa mansyon hindi mabigat ang trabaho mo,tamang tama kaka resign lang ng cook namin,pwedeng ikaw ang pumalit" naka ngiting sabi ni Tito Prue. 

At yon nakapalagayang loob nila si Naynay,kwento dun kwento dito. 

 9pm nagpahinga na si Naynay,ako naman tinawag ni Gero,dun daw muna kami sa garden nila,bonding daw muna,nagpaunlak naman ako at gusto ka kasi magpasalamat uli. "Halika,makiupo ka dito sa tabi ko" aniya,sabay tapik sa upuang katabi nya. 

 "Asan sila?" tanong ko ng makaupo. 

 "Nagpapahinga na sa mga silid nila" nakangiti nyang sabi. 

Gwapo talaga ng mumu na to. 

 "Ganun ba? Salamat nga pala ulit,napaka laking bagay nitong ginawa mo,ang laki na ng utang na loob ko sayo" 

 "Wala yon,masarap lang pala talaga sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa,huwag mong isiping utang na loob yan" aniya na ipinagtaka ko. 

 "Ha?" "Bayad ka na kasi" naka ngiti nyang sabi. 

 "Ha? Pano nangyari yon? Adik ka talagang mumu ka!" sabi ko sa kanya. 

 "Oo nga,sa pag payag mong dito tumira bayad ka na" "Ganun ba yon? Ganyan ba ang mga pilot section?" biro ko sa kanya na ikinatawa nya.

"atleast dito ligtas ka at mababantayan kita" bulong nya pero hindi ko talaga maintindihan. 

"May sinasabi ka?" tanong ko. 

 "Wala,sige na,magpahinga na tayo,diba magbabasa ka pa?" aniyang nakangiti,tumayo at nag inat. 

 "Oo nga pala,salamat sa pagpapa alala nyan" tumayo na din ako at hinatid pa nya ako hanggang dun sa bahay. 

 "O pano! Goodnight mumu! Thanks sa lahat!" 

 "No worries! Basta ikaw!" sabay kindat. 

"Goodnight Kaii" at tumalikod na sya,pero ako napako sa kinatatayuan ko. 

Para akong namezmirize sa kindat nya. Hmp! Mumu na nga,may sa engkanto pa! Makapasok na nga. Sinilip ko muna si Naynay sa kwarto nya na mahimbing na natutulog bago ako tumuloy sa silid ko. 

 Kinuha ko yung librong nagpapahirap sa buhay ko at saka nagbasa ulit,hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan,alas singko palang ay ginising na ako ni Naynay,nangungulap pa ang diwa ko kaya ng maligo ako at pabiglang nagbuhos ng tubig napa birit talaga ako ng G#5 ala Regine Velasquez! Kinginam! Ang lamig ng tubig! 

"Kaii?! Anak? Anong nangyari?" katok ni Naynay mula sa labas ng banyo. 

 "Wala Naynay nabigla lang ako sa lamig ng tubig" sagot ko habang pinipigilan manginig ang katawan. 

 "Akala ko kung ano na,o sya magluto lang ako ng agahan sa Mansyon,puntahan mo na lang ako dun pagkatapos mo dyan para makapag almusal ka na din" 

 "Opo Naynay!" Agad ko ding tinapos ang pagligo,naghanda na ako,suot na ang uniform at sapatos,bitbit ang bag ay lumabas na ako at naglakad papunta sa mansyon,sa may likod na pintuan ako dumaan,sakto naghahain na ng breakfast si Naynay at ibang maids para sa pamilya. 

"Anak eto baon mo,saglit at mamaya kakain ka na din" ani Naynay nandito kasi kami sa kusina. 

"May pera pa po ako Nay,itago nyo na lang yan" Napalingon sa amin si Tito Kreyd na naka pwesto sa pinaka dulo,kumbaga leader ang datingan. 

 "Oh Nay,nandyan na pala si Kaiicen" anito. "M-magandang umaga po Sir!" nahihiya kong bati. 

 "Diba sabi ko Tito itawag mo sa akin? Halika na dito at sumabay mag almusal,pababa na din si Gero para sabay na din kayo pumasok sa school" Nahihiya man pero nagpaunlak na ako,binati ko lahat ng nasa hapag,maya maya bumaba na si Gero,at yun nag almusal na kami,mayamaya pa ay umalis na kami ni Gero papunta sa school,ofcourse isinabay nya ako sa kotse nila. 

At ng makarating sa school at bumaba kami sa kotse ay nagtinginan ang lahat,karamihan nagtaka,yung iba nagtaas ng kilay. Ano na naman to? Parang hindi ko gusto mga tingin ng mga to ah? 

 "Kaiicen!! Gero!!" tawag sa amin,paglingon namin ni Gero,si Mikoy papasok pa lang din sa gate. 

 "Oh Mikoy!" halos sabay naming sabi ni Gero. 

"Langya,lumipat na daw kayo ni Naynay? Kaya pala sarado bahay nyo? San kayo lumipat?" anito ng makalapit. 

 "Sa amin!" proud pang sagot ni Gero,napatingin ako sa paligid,nagbubulungan na ang mga bubuyog,baka iniisip ng mga to na inaakit ko si Gero ang prince charming nila,duh? Bako ako ang inaakit nya?! Haha! 

 "Kaya siguro tinadtad mo ako ng missed call kagabi? Naglalaro kasi ako ng CF eh naka silent phone ko" ani Mikoy at naglakad na ulit kami. 

"Oo,magpapatulong sana ako sayo pero wala ka palang silbi" buska ni Gero dito na ikinatawa lang namin. 

 "Lul!" 

 "Oh sya Mikoy at Gero,una na ako sa room ko" paalam ko sa kanila at nagmamadali ng naglakad. 

 "Kaii!!" sigaw ni Gero kaya tumigil ako at nilingon sila 

"Sunduin kita mayang lunch,sabay tayo!" naka ngiti nitong dagdag at kumindat. 

Agad na akong tumalikod at tinungo ang building,bigla kasi kumabog ang dibdib ko. 

Ano yon? 





To Be Continued

3 comments:

  1. Wew.. Nice nice.. Next.pleaaaaase.. Hahaha.
    1st.

    ReplyDelete
  2. Ang sarap talaga basahin nitong story na ito.. Nakakatuwa at nakakagaan ng pakiramdam.. After a day's work sa office, stress reliever itong story na ito.. Feel good and dating and hopefully eh hindi magbago.. Keep up the good work Tzekai...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails