Followers

Wednesday, September 18, 2013

Tough Love Chapter 17

Tough Love Chapter 17

By: Yoseph D.

FB: https://www.facebook.com/yoseph.doms


Author's Note:

Hi Guys!

Sorry kung after 10 years ako nagUD ng TL. Sobrang busy lang kasi sa school and ayun, midterms period nga tapos malapit na ang finals. Super sorry talaga guys kung sobrang tagal. Don't worry, babawi talaga ako promise. I hope na magustuhan niyo. Feel Free To Comment.

-Sephyyy :3

__________________________________________________________________




Sa isang magandang gabi na napakakinang ng mga bituin sa langit, napagisipan ni Neilsen na wag muna silang kumain dahil gusto neto sumakay sa love boat.

Neilsen: Anthon, gusto mo pasok muna tayo sa haunted mansion?

Anthon: Uhhmm.. Sige ba pero natatakot ako eh.

Neilsen: Nandito naman ako eh.

Anthon: Eh takot pa naman ako sa mumu.

Neilsen: Hayy.. Sige na don’t worry, pwede mo kong yakapin.

Anthon: Hala? Nakakahiya naman sayo.

Neilsen: Pogi naman ako para yakapin mo eh.

Anthon: Sus, feeler.

Neilsen: Joke lang naman. Di ka mabiro.

Anthon: Ewan ko sayo.

Neilsen: Tara na?

Anthon: Basta wag mo kong iwan  ah?

Neilsen: Oo naman, I will be your knight and shining armor sa Haunted Mansion.

Anthon: Pa-knight and shining armor ka pang nalalaman diyan ah? Di na uso yan sa panahon na ito.

Neilsen: Ako magpapauso niyan sa panahon natin.

Anthon: Ows maniwala ako sayo?

Neilsen: Magtiwala ka lang sa akin Anthon and you will be my princess.

Anthon: Di ako babae para maging prinsesa mo.

Neilsen: Hahaha. Alam ko naman yun syempre.

Anthon: Alam mo naman pala eh.  

Neilsen: Gusto lang naman kitang patawanin.

Anthon: LOL. O tara na ba?

Neilsen: Geh.

Naglakad na sila Anthon at Neilsen doon sa may Haunted Mansion . Hindi naman ganoon kahaba ang pila sa Haunted Mansion kaya pumila na din sila. Hindi pa din mapakali si Anthon dahil sa hindi pa siya nakakapasok sa haunted mansion kahit nung nagfieldtrip sila dito sa Neilsen’s.

Anthon: Wag na kaya natin ito ituloy…

Neilsen: Conquer your fear Thonny. Kaya mo yan! Nandito naman ako eh.

Anthon: Salamat ah. Pero talagang kinakabahan na ako eh.

Neilsen: Halata nga eh. Pawis na pawis ka dahil sa takot.

Anthon: O diba?

Neilsen: Basta kaya mo yan! Suportado ako sayo.

20 minutes later

Sila na ang ang papasok sa haunted mansion,  halatang kabado si Anthon pero inisip na lang niya na kaya niya ito. Sa pagpasok nila sa haunted mansion ay mapapansin mo ang yung mga agiw sa paligid at yung sobrang eerie na talaga. Habang nasa loob na sila, biglang nangulat ang isang white lady sa harapan at napasigaw si Anthon. Pagkatapos nun ay tumuloy pa din sila pero naka akap na si Anthon kay Neilsen. Sa mga sumunod na station ay nakaya naman ni Anthon pero sa last station kung saan nandun si Kamatayan ay biglang siyang hinimatay. Ibinuhat naman ni Neilsen itong si Anthon papunta sa labas ng Haunted Mansion at idinala na ito sa clinic.

Makalipas ng 20 minuto ay nakarating na sila doon. Nag GM si Neilsen kela Mic at sa ibang kasama na nasa clinic si Anthon. Biglang tumawag si Mic nung nalaman niya ang balita na napunta sa clinic si Anthon.

Mic: Sen! Anyare kay Anthon?

Neilsen: Ayun nahimatay siya.

Mic: Geh punta na ako diyan sa clinic.

Neilsen: Sige.

After 5 minutes, nakaratig na si Mic sa clinic at nakita niya si Neilsen at Anthon na nakahiga sa may higaan sa may clinic. Napansin ni Neilsen ang mukha ni Mic at kinausap niya ito.

Neilsen: Dude, mukhang alalang-alala ka kay Anthon ah?

Mic: Sinong hindi mag-aalala dun eh nahimatay nung dinala mo sa haunted mansion.

Neilsen: I guess parang sinisisi mo ko diyan ah?

Mic: Wala akong sinasabi Neilsen.

Neilsen: Di ko naman din alam na mahihimatay siya dun eh. Akala ko masusurvive niya.

Mic: Ahh ganun ba?

Neilsen: Oo. Nakayakap naman sa akin si Anthon.

Mic: Buti naman kundi baka masapak na kita diyan.

Neilsen: Sige try mo nga!

Mic: Sige ba. Kahit kaibigan kita talagang masasapak kita!

Neilsen: Let’s get it on!


Nanggagalaiti na si Mic sa inis dahil sa nangyari. Hinanda na ni Mic ang kanyang kanang kamay para masuntok niya si Neilsen. Dahan-dahan ding bumuwelo si Mic at sinapak na nga ni Mic ng tuluyan si Neilsen. Gumanti din si Neilsen sa pananapak hanggang sa nagkaroon na ng rambulan sa clinic. Biglang nagising si Anthon at nakita niya na nagsasapakan si Mic at Neilsen at sumigaw siya para pigilan ang dalawa.

Anthon: OY! MAGSITIGIL NGA KAYO DIYAN!

Napatigil ang dalawa sa pagsasapakan  at kinumusta nila si Anthon.

Neilsen: Yun. Buti gising ka na Thonny!

Anthon: Oo nga eh.

Neilsen: Sorry nga pala kanina kung pinilit pa kita sa haunted mansion.

Anthon: Wala yun. Oo nga pala, bakit kayo nagsasapakan diyan ah?

Neilsen: Ahh kasi..

Biglang sumabat si Mic

Mic: Naglalaro lang kami ni Mic.

Neilsen: Oo naglalaro nga lang kami.

Anthon: Mukhang di laro eh. Pero ang cute niyong mag-away  ni Neilsen ah.

Mic: The heck?!

Anthon: Pa the heck the heck ka pang nalalaman diyan?!

Mic: Syempre.

Anthon: Neilsen, pwedeng iwan mo muna kami ni Mic saglit?

Neilsen: Sige sige.

Lumabas na si Neilsen sa Clinic. Nagusap si Anthon at si Mic tungkol sa nangyari kay Anthon doon sa may haunted mansion.

Mic: Papasok-pasok ka pa diyan sa haunted mansion eh hihimatayin ka din naman pala!

Anthon: Eh pinilit naman kasi ako ni Neilsen.

Mic: Nagpapilit ka naman.

Anthon: Syempre! Gusto ko lang uli matry and kasama ko naman si Neilsen eh.

Mic: Aba purket kasama mo lang si Neilsen eh sasama ka na? Eh kung magpapakamatay si 

Neilsen sasama ka din?

Anthon: Hell no!

Mic: Sasama ako sayo pauwi mamaya.

Anthon: Huh? Seryoso ka?

Mic: Oo. Seryoso ako!

Anthon: Parang galit ka ata ngayon?

Mic: Wala lang.

Napansin ni Anthon na may pasa si Mic sa kaliwang pisngi.

Anthon: Oh, may blush on ka sa kaliwang pisngi.

Mic: Wala lang ito.

Anthon: Mamaya paguwi natin, gagamutin ko nay an.

Mic: Ayoko. Sanay naman ako eh!

Anthon: Ay ganon?! Baka gusto mo pati kanan mong pisngi lagyan ko din ng blush on?

Mic: Ayoko nga. Kung ginawa mo yun baka ma-rape na kita ng tuluyan diyan!

Anthon: Nililigawan mo pa lang ako eh re-rapin mo na agad ako?

Mic: Joke lang. So ibig sabihin niyan sasagutin mo na ako?

Anthon: Oops! Wag kang assuming diyan. Tanggap ko pa lang ang panliligaw mo pero yung matamis mong oo, uhhmm.. I guess after 10 years bago mo makuha or kaya pag pumuti na ang uwak dun lang kita sasagutin.

Mic: What’s Uwak?

Anthon: That’s the tagalog word for crow.

Mic: Hindi naman pumuputi ang uwak ah!

Anthon: Nako nako nako. Basta yun na yun.

Biglang dumating ang nurse at kinumusta ang lagay ni Anthon.

Nurse: Mr. Safrence, are you okay na ba?

Anthon: Okay na din naman po.

Nurse: Buti naman. Kaya mo naman siguro makatayo as of now?

Anthon: I will try.

Tumayo na nga si Anthon sa kanyang kinahihigahan. Napansin na din naman ng nurse na kaya na rin niyang tumayo kaya pinayagan na rin siyang umalis kahit anong oras niyang gusto. Nagpasalamat na din si Anthon sa nurse at umalis na din dahil gusto na niya rin lumabas ng clinic. Habang naglalakad sila palabas sa clinic, pinagsabihan ni Mic si Anthon about sa pagpasok sa haunted mansion.

Mic: Oh wag ka nang pumasok sa Haunted Mansion ah.

Anthon: Opo tatay Mic.

Mic: Tatay naman ang tawag mo sa akin!

Anthon: Hahah. Ganun talaga!

Mic: Nag-aalala lang ako sayo kaya sinasabi ko sayo ito.

Anthon: Weh?! Nakain mo Mic?

Mic: Wala. Sadyang nag-aalala lang ako sayo. Masama ba?

Anthon: Hindi naman.

Mic: Ayun naman pala eh. Basta matutulog ako sa inyo ah!

Anthon: Oo na! Ano pa ba magagawa ko diba?

Mic: Well, nasa usapan natin yan eh! Basta tabi tayo mamaya sa kama mo.

Anthon: DUN KA SA SAHIG MATULOG.

Mic: Aba!

Anthon: Namumula ka ata sa galit ah?!

Mic: Patutulugin mo ko sa sahig eh.

Anthon: Hahaha. Nagbibiro lang naman ako Mic.

Mic: Akala ko totoo eh. Kung hindi baka gusto mo may mangyari sa atin mamaya. Yung hindi mo makakalimutan at yung masasarapan ako.

Binatukan ni Anthon si Mic nung sinabi niya iyon. Nung pagkalabas nila ng clinic, sinalubong nila Janelle si Anthon at nagsabi naman si Anthon na nasa mabuti siyang kalagayan. Napagisipan na din nilang umuwi pero sila Anthon at Mic ay hihiwalay na sa kanila dahil pinapunta na ni Mic ang driver niya sa Neilsen’s Playworld. Nauna nang umalis sila Janelle habang naghihintay naman sila Mic at Anthon sa labas ng Neilsen’s. Bago’t na bagot na ang dalawa dahil sa ang tagal ng driver nila Anthon.

Mic: I’m bored. Paligayahin mo nga ako!

Hindi maipinta ang mukha ni Anthon nung sinabi iyon ni Mic.

Anthon: WHAT?!

Mic: I guess iba yung iniisip mo, do you?

Anthon: No.

Mic: Paligayahin mo na kasi ako.

Sa sobrang inis ni Anthon, sinipa niya ng sobrang lakas sa kanang hita si Mic at natumba ito. Tumayo naman kaagad-agad itong si Mic kahit masakit ang kanang hita niya.

Mic: Bakit mo naman ako sinipa ah?

Anthon: Ang bastos mo kasi!

Mic: Ikaw ang dumi ng isip mo ah! Gusto mo siguro may mangyari mamaya sa bahay kaya iniisip mo yan?

Anthon: P*******! Gusto mo sipain ko yang bayag mo ng mabaog ka?

Mic: Oy chill! Joke lang naman.

Anthon: Hindi yun joke. Nakakabastos ka na eh.

Mic: Ikaw lang naman kasi yung nagiisip niyan eh.

Anthon:Ano ba kasi gusto mong iparating sa sinabi mo?

Mic: Gusto ko lang naman na pasiyahin mo ko dahil nakakabadtrip kasi kanina.

Anthon: Ahhh…

Mic: Sa susunod, wag ka nang pumasok sa haunted mansion uli ah?

Anthon: Bakit naman?

Mic: Baka hindi ka lang mahimatay ulit dahil baka mamatay ka pa!

Anthon: Grabe ka ah! Masaya nga siguro pag namatay ako eh. At least, wala nang mangugulo sa akin nun at wala na din mangeetsapwera ng araw ko.

Mic: Aww… Sakit naman nun.

Anthon: Hahaha. Mic, namamaga pa din yung nasuntok sa’yo ni Neilsen.

Mic: Oo nga eh.

Anthon: Gamutin natin yan mamaya sa bahay.

Mic: Okay.

Anthon: Nako Mic.Honestly, nagenjoy ako kanina.

Mic: Weh? Baka nagenjoy ka sa kakayakap kay Neilsen sa Haunted Mansion.

Anthon: F.U.!  Grabe, maka-Neilsen ka naman diyan. Pero mas mabait naman din si Neilsen kaysa sayo.

Mic: Oo na. Siya na mabait hindi ako.

Anthon: Hindi ka naman talaga mabait eh.

Mic: Mabait kaya ako.

Anthon: San banda?

Mic: Sa buong katawan ko mabait ako.

Anthon: Urur! Lagi mo nga ako inaaway at inaalila eh.

Mic: Hahaah.

Anthon: Natawa ka diyan?

Mic: Honestly, nagenjoy din naman ako kanina eh.

Anthon: Kasi nandun ang barkada mo?

Mic: Hindi.

Anthon: Eh ano?

Napatahimik si Mic saglit.

5 minutes later.

Mic: Eh…. Nevermind.

Anthon: Daya mo ah.

Mic: Oo nga pala, may ibibigay pala ako sa’yo later.

Anthon: Ano naman yun? Baka suhol yun ah.

Mic: Di ako nanunuhol. Gusto ko lang na bigyan ka ng something dahil  nga sa nililigawan kita diba?

Anthon: Ahh.. Tignan natin kung mapapasagot mo ko…

Mic: Mapapasagot din kita Anthon tandaan mo yan. Ako mananalo sa pustahan natin!

Anthon: Talaga lang ah?!

Mic: Oo naman. Hindi ko hahayaan na matalo mo ako!

Anthon:Sige, papaligaw na din ako kay Neilsen hahaha.

Mic: Paligaw ka.  Iwan na nga kita dito.

Anthon: Oy wag!

Mic: Hahaha.

Biglang dumating na ang kotse ni Mic. Sumakay na kaagad sila dito at pinaandar na kaagad ito.



Mic’s POV:

Sarap sapakin ni Neilsen! Kahit kaibigan koi yon baka mabaril ko ng hindi oras eh. Nagalala ako dun nung nahimatay siya ah! Siguro, si Neilsen ang gusto ni Anthon.  Naalala ko yung usapan namin tungkol dun sa Clinic.

“Dude, mukhang alalang-alala ka kay Anthon ah?”

Aba’y oo! Mag-aalala talaga ako,

“Sinong hindi mag-aalala dun eh nahimatay nung dinala mo sa haunted mansion.”

“I guess parang sinisisi mo ko diyan ah?”

Oo! SINISISI KITANG UGUK KA. Eto na lang ang sinabi ko:

“ Wala akong sinasabi Neilsen.”

“Di ko naman din alam na mahihimatay siya dun eh. Akala ko masusurvive niya.”

Okay fine. Pasalamat ka kaibigan kita kung hindi baka hindi suntok ang ginawa ko sa iyo kundi pinasalvage na kita ng tuluyan eh!

Sumagot na lang ako ng: “Ahh ganun ba?”

“ Oo. Nakayakap naman sa akin si Anthon.”

Nayakap mo lang? Eh ako nga hinalikan ko na si Anthon eh! Bwisit. Sana ako na lang ang kasama niya sa Haunted Mansion.  Napasagot na lang ako ng:

“Buti naman kundi baka masapak na kita diyan.”

“ Sige try mo nga!”

“Sige ba. Kahit kaibigan kita talagang masasapak kita!”

“Let’s get it on!”

Nagkasapakan nga kami nun! Ako unang sumapak sa kanya at gumanti din siya. 1st time lang namin magsapakan ni Neilsen nun.Buti na lang talaga nagising kaagad si Anthon kung hindi baka nagkapatayan na kami ni Neilsen doon sa clinic. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit nag-aalala na din ako kay Anthon ng sobra. Siguro nga mahal ko na talaga yung alimangong yun! Pero syempre yung pustahan na mapasagot ko siya.Baka nga siguro seryosohin ko na dahil sa may gusto rin naman ako sa kanya and talagang gusto ko na maging kami talaga.Kung magiging kami nun, baka puro sapak,sipa at batok ang abot ko dun lagi pero titiisin ko na lang yun dahil siguro mahal ko na talaga yata si Anthon.  Natawa lang ako sa kanya dahil nagegets ko yung iniisip niya. Masyado nga lang malaswa yung iniisip niya. I guess mali lang talaga yung term na ginamit ko kaya ganun. I will give him something na talagang ikakasaya niya and BTW, HINDI TALAGA AKO MAGPAPATALO SA KANYA! It’s either if you get win or win. HINDI PWEDENG LOSE SYEMPRE. Pero hanggang dito na lang muna.

Mabilis lang nakarating sila Mic at Anthon sa bahay nila Anthon dahil sa wala nang trapik. Ibinigay na nga ni Mic ang regalo niya kay Anthon at natuwa naman ito kahit papaano. Nagusap muna sila sa kotse saglit bago sila bumaba tungkol doon sa may regalo.

Mic: Nagustuhan mo ba?

Anthon: Okay lang.

Mic: Buti naman. Wag mong wawalain yan!

Anthon: Tapon ko kaya ito!

Mic: Gusto mo gawin kitang personal alalay ng tuluyan sa bahay?

Anthon: Joke lang naman! Gusto ko naman itong teddy bear na ito eh.

Mic: Alam ko naman na gusto mo ng teddy bear eh kaya binigay ko sayo yan.

Anthon: Haha salamat! Buti kahit papaano may kasama na si Step.

Mic: Ano ipapangalan mo diyan?

Anthon: Micon.

Mic: Bantot!

Anthon: Eh di Michael na lang.

Mic: Mas mabantot!

Anthon: At least in loving memory of Michael Ogawa.

Mic: Grabe ah! Pinatay mo naman ako ng sobra dahil sa in loving memory na yan.

Anthon: Joke lang. Mic Jr. na lang dahil ikaw naman tatay nito eh.

Mic: Hahaha. Pwede! Sige game na ako sa Mic Jr.

Anthon: Adik. Oo Mic Jr. na pangalan nito.

Mic: Tara! Pumunta na tayo sa bahay niyo.

Anthon: Dala mo ba yung uniform mo para bukas at damit mo pantulog?

Mic: Uniform lang at underwear.

Anthon: Penyete ka! 

Mic: Okay na yun! Pahiramin mo na ako ng damit.

Anthon: Sigii..

Bumaba na nga silang dalawa at dumeretso na sila patungo doon sa bahay ni Anthon. Nung pagkabukas ng pinto ay may hindi inaakalang bisita si Anthon at biglang nagulat si Anthon na naghihintay pa din ang bisita na ito ng gabing-gabi na.

Abangan..

4 comments:

  1. bat po hanggang d2 lng ..... paki update nman po author plssssss

    ReplyDelete
  2. Tagal na wla update ah... bkt ang daming story ata d2 ngaun na d na nadudugtungan? Tsk tsk.. anyways, thanks for the experience.. in fairness magaganda mga kwento d2..

    ReplyDelete
  3. Nakakabitin nmn. Asan na 18 19 at 20

    ReplyDelete
  4. Nakakabitin nmn. Asan na 18 19 at 20

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails