Ikalawa, ay gusto kong magpasalamat ulit kay Kuya Mike for giving me the opportunity to publish this on his site. :)
Sobrang layo nito mula sa una kong series, dahil mas mature ang naging take ko sa story. Sana ay magustuhan niyo.
Ito na ang storya ni Gab, as promised.
Note: Maaring basahin ito kahit hindi nabasa ang Unexpected. :)
Happy Reading!
--
Chapter 1: What happened, Gab?
“What happened, Gab?” nag-aalalang bungad sa akin ni Trisha matapos
niya akong pagbuksan ng pintuan ng unit niya. “Can I explain later? Sorry if
biglaan ‘to.” nahihiya kong pahayag sa kanya. Tiningnan niya ako ng mabuti at
napa-hinga ng malalim. “Kundi lang kita kaibigan. Nako, fine. Come in.”
pag-anyaya niya sa akin sa loob. Agad-agad din naman akong tumalima, bitbit ang
maletang naglalaman lahat ng gamit at ng mga damit ko.
“Can I get you anything?” simpleng tanong niya sa akin. “No. Thanks, Trish.”
tugon ko. Pinaupo niya ako sa couch niya at tinabihan niya ako. Ipinatong niya
ang palad niya sa balikat ko at masuyong nakipagtitigan sa akin. “Gab, ano ba
talagang nangyari?” pagbabalik niya sa naudlot naming usapan. Napailing ako at
yumuko. Ayoko kasing ikwento ang nangyari sa akin kani-kanina lamang sa bahay.
Masyado kasing masakit, lalo na kapag iniisip ko kung sino ang taong nagbigay
sa akin ng sakit na iyon.
Ngunit naging mapilit si Trisha at binantaan akong papaalisin niya ako
kapag hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako napalayas sa amin.
“It’s my mom,” nanghihina kong pagsisimula. Nakatingin pa rin siya sa
akin, hinihintay akong magpatuloy sa aking kwento. “She found out that I fell
in love with a guy.” pagpapatuloy ko. Ang inaasahan ko ay magrereact siya,
mabibigla. Alam kong alam naman niya ang tungkol sa pagkatao ko, ngunit alam
din niya kung gaano ko iyon itinatago mula sa nanay ko. Ngunit imbes na iyon
ang maging reaksyon niya ay nanatili siyang tahimik. Tumango lamang siya na
parang hinihintay akong magpatuloy sa kwento ko, na parang hindi nakakabigla
ang sinabi ko sa kanya. Ito ang gusto ko kay Trish. Napaka-understanding, at
walang bahid ng panghuhusga ang pagkatao niya. Kaya siguro siya ang itinuturing
kong pinakamatalik kong kaibigan ngayong college. Malamang ito rin ang dahilan
kung bakit sa kanya ko napiling tumakbo ngayong oras ng pangangailangan ko.
“Naglilinis siya ng kwarto, then nabasa niya ‘yung journal ko. Doon ko
lahat isinulat ‘yung mga gusto kong sabihin kay Josh na hindi ko nasabi sa
kanya way back in high school. She threw a fit, told me that she has no son
that’s gay…” napabuntong-hininga ako, dahil sa galit ko sa kanya. “Puta, Trish!
In the first place wala naman ata talaga siyang anak bukod sa business namin. She
was never a mother to me.” paglalabas ko ng sama ng loob. It’s true. I love
her, because she’s my mother… but that’s it. Hanggang doon na lamang iyon. “I
tried to explain to her na once lang naman nangyari iyon… kay Josh lamang, and
that I still had attraction to girls, pero hindi siya nakinig. She never
listened to me, Trish.” nanghihina kong pagtatapos.
Katahimikan.
It’s true. Eversince I admitted to myself that I was in love with
Josh, new doors opened. Ngayon, I appreciate the beauty of loving both sexes,
pero sad to say, I never entered into a relationship, neither planned to be in
one. The last girlfriend I had was Therese, which went way back in high school.
Tumagal kami ng tatlong lingo, pero matagal ko siyang niligawan. Anyway, but I
had to admit that niligawan ko si Trisha, pero sinabi niyang we’re better off
as friends, at mukhang tama nga siya.
“Sorry I had to crash your place, but don’t worry gagawa ako ng
paraan. I just need to settle some things first and get everything back
together.” pagpapaliwanag ko. “Hay nako, Gabby. It’s okay. You’re like a
brother to me na rin naman. Don’t worry, you’ll get through this. Tutulungan
kita.” pagpapalakas niya ng loob ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya, sa pagiging
mabuting kaibigan niya sa akin.
Nakilala ko si Trisha two years ago sa isang club. Bakasyon noon bago
ako magcollege, at nagkayayaan kami ng mga pinsan ko na magparty. I saw her
alone drinking in a corner, basically avoiding everyone. She was the girl in a
black dress, with brown flowing hair and the longest legs in the world. I saw
her beauty, but the most striking part of her was the sadness in her eyes.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin noong gabing iyon at naglakas-loob
akong lapitan siya. Hindi ko alam nang dahil sa gabing iyon, na dahil sa ginawa
ko, ay makakakita ako ng isang panibagong kaibigan. It was funny, because
during my first day in college, nagkagulatan na lamang kaming dalawa na
magkaklase pala kami. What are the odds, right?
Niyaya akong kumain ni Trisha sa labas, ngunit tumanggi ako dahil
tinitipid ko ang pera ko. Knowing mom, she’ll have my credit card and all my
other sources of money frozen. Oo, ganoon siyang klaseng ina. Mabuti na lamang
at naisipan kong i-widthraw lahat ng laman ng mga account ko sa bangko bago
magpunta sa condo ni Trisha.
Nagalit naman si Trisha, at sinabihang huwag na akong mahiya dahil
libre naman daw niya at gusto daw niya akong i-cheer up kahit papaano. Sa huli
ay napapayag na rin ako, ngunit sinabihan ko na lamang siya na isang fast food
chain na lamang kami kumain para hindi ako masyadong makunsensya at manliit sa
sarili ko. Pumayag naman siya and before I knew it, nakita ko ang mga sarili
naming nagsasalo sa fried chicken at napakaraming French fries.
“Ano ng balak mo?” seryosong tanong niya bago humigop ng softdrinks
mula sa straw niya. “Uhm, I think I need to get a job. ‘Yung gastusin ko sa
school, I think hindi naman siya problema, dahil may sponsor naman ako. Thank
God. Basta iyon pa lamang…” ngunit pinutol niya ang pagpapaliwanag ko. “No, I
mean. With your mom? I mean, c’mon Gabby, she’s still your mom.” pagputol niya
sa akin. “Yeah, pero call me a jerk, but… in some way, I’m actually relieved,
because for once in my life I don’t have to deal with her. I mean, yes she’s
there all right, pero hindi niya kasi ako tanggap, eh… which means she doesn’t
love me enough.” pagrarason ko.
Again, wala akong nakitang bakas ng panghuhusga mula kay Trisha.
“Okay. I understand. Next question. Alam na ba ‘to ng bestfriend mo?”
tanong niya. Natigilan ako sa tanong niya, dahil truth to be told, hindi ko pa
ito nasasabi kay Josh. Nakilala ni Trisha si Josh nang isama ko siya sa
surprise birthday party na inorganize ni Matt last year para kay Josh. Since
then, naging magkaibigan na rin ang dalawa na siyang ikinatuwa ko. Masaya ako,
dahil despite of everything that happened between us, parang ganoon pa rin ang
estado ng pagkakaibigan naming dalawa. “I see.” tumatangong reaksyon ni Trisha
na malamang nakuha na ang ibig sabihin ng pananahimik ko. Napabuntong-hininga
ako. “I don’t want to trouble Josh with this. And isa pa, ayoko ng magka-issue
pa with Matt.” pagpapaliwanag ko.
Maging ang buong istorya ng buhay ko noong high school ay alam ni Trisha
kaya naman nagagawa kong ikwento sa kanya ang mga bagay na ito ng walang takot.
“I don’t see the problem there. Alam kong in good terms ka rin naman
with Matt.” pahayag niya. “You don’t understand. If I tell Josh, he will be
bothered, and Matt doesn’t want that. You know how protective he is of him. At
isa pa, baka i-offer ni Josh na sa kanila ako tumira. Baka magkagulo lang.”
pagpapaliwanag ko. Natigilan naman siya at sinabing may point ako.
Natahimik kaming pareho at nagpatuloy sa pagkain nang biglang…
“Oh my God! I think I have an answer to your problem!” biglaang
bulalas ni Trisha. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko siya. “What?”
“Give me two days. Trust me.” makahulugan niyang pahayag.
To my surprise, I did.
--
Lumipas ang dalawang araw at naging normal naman ang takbo ng buhay
ko. Malaki ang naging pagkakaiba ng buhay high school ko, at ng buhay ko ngayon
sa college. Kahit second year na ako ay relatively unknown pa rin ako sa buong
student body. I chose to keep a low profile, ‘di gaya noong high school ako kung
saan ako pa ang President ng student council. I just thought that from all the
things that happened to me in the past na parang deserve ko ng katahimikan, ng
break. Bale ang nangyayari lang ay sabay kaming papasok ni Trisha, at sabay
uuwi sa unit niya.
Umuwi kami ni Trisha na pagod mula sa pilahan para sa enrollment. Nang
tahakin namin ang daan sakay ang kotse niya ay tila nagtaka naman ako, dahil
hindi sa direksyon papuntang condo niya ang tinatahak naming dalawa. “Save it.”
pagpigil niya sa akin habang nagmamaneho bago pa ako makapagtanong, o
makapagreact. Mukhang alam naman niya ang ginagawa niya, so I decided to go
with the flow. Naisip ko na lamang na baka may kailangan siyang bilhin, o baka
gusto niyang magdinner kaming dalawa sa labas.
And surprisingly, tama nga ako dahil tumigil kami sa labas ng isang…
fine dining restaurant? Napaisip naman ako kung may okasyon bang dapat kaming i-celebrate,
at dinala ako dito ni Trisha ngayong gabi. Mas lalo ko pang ikinagulat na may
reservation ng naka-set si Trisha, which meant na pinaghandaan niya ang gabing
ito. Lubos ko talagang ikinatataka ang mga kinikilos niya nitong nakaraang
dalawang araw.
For instance, palagi siyang may kausap sa kanyang cellphone. At laging
sinasabing huwag ko siyang istorbohin. Palagi siyang bigla na lamang nawawala,
maging sa school ay hindi ko siya makausap ng maayos. I know something’s up,
and she doesn’t want to tell me what it is. Nang makaupo na kami ay agad-agad
ko siyang tinanong.
“Trish, spill it.” seryoso kong panimula. “Ano bang meron? You’ve been
acting strange lately, and now this? Ano ba talagang meron?” pagpilit ko sa
kanya. Ngunit parang walang naging silbi ang pangi-intimidate ko sa kanya,
which is odd, because I get that a lot. “Napansin mo pala. Ok, basta dinala
kita dito for an important reason. Pero bago ako magkwento, umorder at kumain
muna tayo. I’m famished.” pahayag niya.
Pinagbigyan ko si Trisha, ngunit hindi ko inalis sa isip ko na dapat
sabihin niya sa akin ang dahilan ng lahat ng ito.
Habang kumakain ay lalong tumitindi ang pagtataka ko dahil sa
sunud-sunod na mga tanong ni Trisha. Hindi ako nabibigla with the fact na
nagtatanong siya, ngunit dahil ito sa mga uri ng tanong niya. “Gabby, if
magkakaroon ka ng mga kapatid, say… one brother, and one sister, would that be
okay with you?” unang tanong niya. Just to save myself from arguments, sinagot
ko na lang ang tanong niya ng deretsahan. Tumango na lamang ako at sinabi kong
magiging masaya ako, dahil I’ve been dreaming to have siblings simula pa noong
bata pa ako. “Oh, nice. Hmm, next question. Are you over him? Josh?” tanong
niya. Hindi ko itatangging may kaunting kirot sa puso akong naramdaman dahil sa
tanong niya, pero napapansin ko naman na nababawasan na ito sa paglipas ng mga
araw.
“To be honest, yes, meron pa ring pain, because we’re still friends.
Kapag nakikita ko siya kasama si Matt, hindi ko ikakailang nasasaktan ako, pero
you know what, Trish? Mas masakit kapag kaming dalawa lang ang magkasama, kapag
wala si Matt… because I want to hold him the way Matt does, but hindi ko kaya,
at hindi pwede, dahil hindi siya akin.” pagtugon ko sa tanong niya.
Naki-simpatya naman siya sa akin, but I cut her off. I’m flattered, dahil she
shares my sentiments, pero ayokong kinaaawaan ako. “But Trish, it’s been two
years since then. I have moved on na rin naman kahit papaano. And I’m more than
grateful dahil in good terms kami ni Matt, at hindi siya hadlang sa friendship namin
ni Josh.” pagredeem ko sa sarili ko.
Pero ang pinakatumatak sa aking sinabi ni Trisha ay nang tinanong niya
ako kung anong mararamdaman ko kung magkaroon ako ng mga magulang na tanggap
kung ano ako. “Dream on.” ang tangi ko na lang nasabi. Tila nagitla naman siya
sa naging pahayag ko. “Don’t dare me, Gabby. I have my ways.” makahulugan niyang
pahayag. Bago pa ako makasagot sa naging pahayag niya ay biglang tumunog ang
cellphone niya. Nagtaka naman ako kung bakit biglang nagliwanag ang mukha niya.
Bagong boyfriend siguro,
sabi ng isip ko.
“Hello po. Opo, nandito na po kami… Yes, yes I’m with him… and yes, he
doesn’t know… nakikita ko na po kotse niyo… sige po.” and just like that, their
conversation was over.
“Trisha, what is this all about? Tell me.” kinakabahan kong tanong sa
kanya. Sa narinig ko sa phone conversation nila ay involved ako sa kung anumang
kasunduan ang namagitan sa kanila.
“Dear, ‘di ba I told you the other day to give me two days to solve
your problems? Well… I kind of managed to do it. Sana hindi ka magalit sa akin
after ng gagawin kong ito.” kinakabahang pahayag sa akin ni Trisha na siyang
lubusang ikinataka ko. Magre-react na sana ako nang makita ko ang isang
pamilyar na mukha ang papalapit sa table namin—isang mukhang matagal ko ng
hindi nakikita, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwaglit mula sa aking
diwa.
Agad-agad ay naramdaman ko ang galit sa aking sistema. Bumilis ang
tibok ng puso ko, gulung-gulo ang utak ko dahil sa mga ala-alang sunud-sunod na
nagsusulputan, mga ala-alang kasama ang taong ito na nagdulot ng sakit. Galit
kong ibinaling ang atensyon ko kay Trisha na mukhang hindi na mapakali ngayon.
“Sorry, Gabby. I was just concerned.” paghingi niya ng paumanhin.
Naramdaman ko ang presensya ng taong kakarating lamang sa tabi ko.
Hindi ko iniangat ang ulo ko. Pilit itinatanggi ng utak ko na kaharap ko ang
taong iyon ngayon. Aaaminin kong kinakabahan ako, nagri-rigodon ang puso ko,
nararamdaman ko ang mga butil ng pawis na unti-unting namumuo sa noo ko, kahit
pa sobrang lamig sa loob ng restaurant.
“Ikaw si Trisha, hindi ba?” sabi ng malalim na boses. “Yes po. Thank
you po at pinagbigyan niyo po ako, sir.” magalang na bati ni Trisha. “Don’t
mention it. I’m glad na ako ang naisipan mong sabihan. Of course pupunta ako
para sa kanya. Thank you.” pagpapatuloy ng boses. Naramdaman ko ang pagkagitla
ng katawan ko, dahil sa narinig ko mula sa kanya. Mula sa paningin ko ay
naramdaman ko ang pagbaling ng atensyon ng taong iyon sa direksyon ko.
“Gabriel,” masuyo niyang banggit ng pangalan ko. Hindi ko ikakailang
may pananabik akong naramdaman para sa kanya, ngunit nang maalala ko ang ginawa
ng taong ito, kung paano niya sinira ang buhay ko, ay agad-agad ulit akong
binalot ng galit.
“Hi, dad.” mapait kong bati sa kanya.
--
Well, mukang interesting abangan to ah.
ReplyDeleterhon
hmmm..
ReplyDeletemukang interesting sya.
medyo kulang lang sa emosyon. ^^,
looking forward sa next chapter.
TC!
nice story po. binalikan ko pa yung unexpected para maalala ko yung character ni Gab. hehe.
ReplyDeletebharu
Hi. San ko po makikita yung buong series ng unexpected? I want to read din kasi per di ko mahanap yung buong kwento. Thanks. =)
Delete