Followers

Thursday, September 19, 2013

MUMU Sa Library 9 & 10

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Part 9

"Gasgas sa tuhod at siko lang naman ang natamo nya,pwede na syang bumalik sa class nya" sabi ng school nurse namin matapos malapatan ng first aid ang mga gasgas ni Kaiicen.

"Salamat po" sabay naming sabi ni Kaiicen at lumabas na ng clinic.

Inaalalayan ko syang maglakad dahil hindi pa sya makalakad ng maayos,naiinis pa din ako sa mga nangyari sa kanya,bakit ba ganun na lang ang galit nila kay Kaiicen? I know those girls,yung iba dun mga kaklase ko,yung iba semi pilot at lower section,hindi lang ako sure kung may kaklase si Kaiicen sa mga yon.


Napaka unfair talaga sa school na to,pag mahirap inaapi? Palibhasa mga pinanganak na mayaman,mga masyadong mapag mataas at mapang husga.

"Hatid na kita sa room mo,and please hintayin mo ako mamayang recess" sabi ko kay Kaiicen habang akay ko sya,paakyat na kami sa second floor.

"Salamat Gero ah? Lagi mo akong inililigtas" nahihiya nyang sabi at nag blush pa,napangiti tuloy ako.

"That was nothing,kaibigan kita kaya ginagawa ko ang dapat gawin ng isang kaibigan,at saka mula ngayon,ako na magpoprotekta sayo okay?" sabi ko naman. Nangako ako na hangga't nasa pangangalaga ko sya ay ako ang poprotekta sa kanya.

"S-salamat ulit" aniya at tumahimik na sya hanggang makarating kami sa tapat ng room nila. May teacher na sila kaya ako na ang nag excuse sa kanya for being late.

Bago ko sya iwan ay kinindatan ko muna sya,ewan nasasanay na akong ginagawa yun sa kanya, ng makapasok na sya sa room nila ay saka ako umalis at tinungo ang room ng section namin sa third floor.

May teacher na din kami,si Mrs.Buenviaje ng Science,nakita kong may nakatayo na lalaki sa harap pero hindi ko binigyang pansin.

"Mr.Montenegro,why are you late?" ani Maam at nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko.

"Im so sorry Maam,dinala ko pa kasi sa clinic ang kaibigan ko at inihatid sa room nila" sagot ko at binigyan ko ng masamang tingin mga kaklase ko,mga guilty nagsi iwas ng tingin. Ganyan nga! Masindak kayo! Kita ko naman kay Mikoy ang pagtataka. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya.

"Ganun ba? Sige,take your seat"

At naupo na ako sa upuan ko,tiningnan ko yung lalaking nas harapan,ngayon ko lang napagtanto na sya yung lalaki na tinitingnan kanina si Kaiicen,nanlaki ang mata ko ng mapansin ko ang kwintas nya na may pendant katulad ng kay Kaiicen! Hindi kaya?

"Ijo pwede mo ng simulan ang pagpapakilala"

"Good morning everyone,Im Kheem Paul Ongpauco, 17 years old,and I hope magkasundo tayong lahat,thats all!" anito at ngumiti. Nagbungisngisan mga kaklase kong babae,ganyan sila pag may gwapo.

Hmmn Ongpauco.. Ano kaya sya ni Kaiicen kung sakaling si Kaiicen nga ang nawawalang apo? Should I tell him?

"Welcome to Wellington High Academy Mr.Ongpauco,enjoy your last year in high school here,you may take your seat" ani Maam.

Dahil absent ang katabi ko sa akin sya tumabi. Ewan nakaka intimidate ang isang to,ang lakas ng dating,pero hindi naman ako papatalo,kahit gwapo sya,mas gwapo naman ako haha!

"Iniisip mo ba ang syota mong bading kaya ka napapangiti?" monotonous ang boses nya kaya nagulat ako.

Ano daw? Syotang bading? Gago to ah!

"Hindi ka ba nandidiri? Pareho lang kayo na may lawit? But Im sure,hindi nya nagagamit ang kanya" anito at ngumisi.

Nag init ako! Nagpanting ang tenga ko! Hindi nya pwedeng insultuhin ng ganun-ganon na lang si Kaiicen! Pero kailangan ko magtimpi. Kung ito gusto nya makikipag gaguhan ako sa kanya! At kung totoong isang Ongpauco si Kaiicen,hindi ako papayag na madikit sya sa kulugo na to!

"Ganun talaga ang nagmamahalan dre,atleast kami tao ang mahal namin,hindi gaya nyo, pera mahal nyo,Im sure nakikipag talik pa kayo sa mga pera nyo kaya dumadami" naka ngisi kong sabi na pabulong,nagdi-discuss na kasi si Maam sa harapan. Ha! Akala nya matatalo nya ako sa pang iinis? Tingnan natin.

Hindi na sya umimik,mabuti naman dahil pag sumabat pa sya bibigwasan ko na pagmumukha nya. Kaya ang ginawa ko na lang ay tahimik na kinuha ang notebook ko sa science at ang ballpen saka sinimulang kopyahin ang mga sinusulat ni Maam sa board.

Ng sumapit ang recess ay sabay na kaming lumabas ng room ni Mikoy,dadaanan pa namin yung tatlong baliw saka namin sunduin si Kaiicen sa room nya.

Naabutan namin syang nagliligpit ng gamit nya,kaya pumasok na ako sa room nila at inalalayan sya para lumabas.

"Wow ang sweet! Baka kayo ang magkatuluyan nyan?" agad na pang iinis ni Kikay.
"Baliw ka!" natatawang sagot ni Kaiicen.

"Sa labas na lang tayo kumain,sigurado ako magulo sa cafeteria dahil dun sa Kheem Ongpauco" pagkuway sabi ni Kokoy.

"I agree! May alam akong kainan na mura na masarap pa" pag sang ayon ni Mikoy. Kaya ayun napagkasunduan nga namin na doon na lang kumain.

Nagulat pa ako na karendirya pala ang tinutukoy ni Mikoy.

"Magandang umaga po Aleng Emy! Anong masarap na luto nyo ngayon?" ani Mikoy dun sa isang babae na abala sa pag aayos ng mga pagkain.

"Oh Mikoy! Ngayon ka lang napunta dito? Nasan si Kaii?" masayang sabi nito.

"Nandito po ako Aleng Emy!" pag singit ni Kaiicen sa usapan,habang kami nina Kikay,Butchoy at Kokoy pumipili ng ulam,mukhang lahat nga masarap,parang ngayon lang ako natakam sa mga pagkaing ganito.

"Nasan na ba kayo nakatira ng Naynay mo? Bigla na lang kayong naglaho ng walang pasabi" sabi pa nung Aleng Emy habang nagsasandok ng mga ulam na napili namin.

"Sa amin po!/sa mga montenegro po!" halos sabay naming sagot kaya sa akin napatingin si Aleng Emy.

"Aba'y totoo ngang gwapo ang mga Montenegro!"

"Salamat po!" naka ngiti kong sabi at napahawak pa ako sa batok ko.

"Kikay may karayom ka ba dyan?" biglang sabi ni Kaiicen na pinagtaka namin.

"Wala bakla,anong gagawin mo sa karayom?" inosenteng sagot naman ni Kikay.

"Lumubo na namang parang hot air balloon ang ulo ni Gero napuri lang,puputukin ko sana" sagot nya na ikinatawa namin. Ayos din talaga tong si Kaiicen eh. Matapos makipag palitan ng kuro-kuro kay Aleng Emy ay humanap na kami ng pwesto at masayang kumain. Tama nga si Mikoy,masarap ang pagkain dito,mukhang babalik balikan ko ang lugar na ito.

Dissmissal na,ng sunduin ko si Kaiicen sa room nila eh nakaready na sya.

"Gero,uhm pwede mo ba akong samahan sa Mall?" aniya ng makalapit sa akin.

"Sure! Ano ba gagawin natin dun?"

"Dala ko kasi yung inipon kong pera mula last month,bibili sana ako ng damit pang regalo kay Naynay,birthday nya kasi sa Lunes"

"Ganun ba? Tara ng makabili na rin ako ng regalo"

Nagtaxi na kami papunta sa Mall,tulad nga ng iniisip ko,madami ang nagkalat na estudyante,mga hindi pa din nag sisi uwi sa kani-kanilang bahay.

Agad kaming pumunta ni Kaiicen sa botique ng mga damit. Bawat tingnan nyang damit ay bibitawan din nya agad pag nakikita nya ang presyo. Muli nakaramdam na naman ako ng awa.

"Alin ba dyan ang gusto mo sanang iregalo kay Naynay?" lumapit na ako sa kanya.

"Ito sanang dress na ito na teternuhan na lang ni Naynay ng Jeans nya,panigurado ako ang ganda ni Naynay nun kaya lang mahal" aniya na bakas ang lungkot sa mga mata,para tuloy akong na de-demonyong haplusin ang maganda at makinis nyang mukha.

The Fuck?! Ano bang nangyayari sa akin?!

"Di bale,sa ukay na lang ako bibili sa Divisoria, pwede mo ba ulit ako samahan?" sabay baling nya sa akin at ngumiti,napaka inosente ng mukha nya. Bakit ganun? Parang wala na ako naririnig maliban sa malakas kong heartbeat?

"Gero okay ka lang?"

"Ah,uhm oo sure! Sasamahan kita" sabi ko ng bumalik ako sa katinuan. Pagtingin ko sa paligid sa amin na nakatingin ang mga saleslady at ibang costumer na parang mga kinikilig pa.

"Ayan! Tara na! Para hindi tayo gabihin,masyado pa namang maraming tao sa Divisoria" aniya at mabilis na lumabas.

"Miss I'll take this dress,babalikan ko bukas,thanks" sabi ko sa isang saleslady at itinuro yung dress na gusto ni Kaiicen para kay Naynay.

Ng sundan ko sa labas si Kaiicen ay nakita ko syang naka upo sa lapag kaya agad ko syang nilapitan at itinayo.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Ipinanganak ba talagang lampa yang syota mong bakla?" sabi ng isang pamilyar na boses,kaya nilingon ko.

Si Kheem Paul Ongpauco.

Part 10

Gero's POV

Ano daw? Sobra natong gagong to ah? Napatingin ako kay Kaiicen at parang sobra syang napahiya,yung pagtitimpi ko kanina eh nawala na,napuno na ako.

Agad kong sinugod ang gagong si Kheem at kinwelyuhan,magkasingtangkad lang pala kami ng ungas na to. Pero parang hindi man lang sya nasindak.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Kanina pa ako nagtitimpi sayo sa school! Sino ka para pagsalitaan ang kaibigan ko ng ganyan?!" gigil kong sabi. Ngumisi sya at lumingon sa paligid kaya napalingon na din ako.

Oh good god! Sa amin na nakatingin ang mga tao sa mall na to. Shit lang!

"Sino ako? Ako si Kheem Ongpauco,apo ng may ari ng mall kung saan naka apak ang mga paa mo Montenegro" naka ngisi nyang sagot.

"Gero tama na yan! Tara na sa Divisoria" pag awat ni Kaiicen sa akin. Binitawan ko na si Kheem,kailangan ko huminga ng malalim para makontrol ko ang sarili ko.

"Oh c'mon,ang mga Montenegro ay mayayaman,bakit kayo sa Divisoria pupunta? Naghirap na ba ang Montenegro Clan?" pang uuyam pa nito na lalo kong ikinainis,kung naririnig ito ni Great GrandFather baka nainis na din yon

"Huwag mo ng patulan Gero,tara na"

"Mabuti pa ngang umalis na tayo sa Mall na to Kaiicen,maganda nga,bulok naman ugali ng may ari, wala ding silbi,tara na" at hinila ko na si Kaiicen,kung isa sa kapatid o pinsan ni Kaiicen si Kheem,hindi ko sya ibibigay,napaka panget ng ugali ng gagong yon.

"Wait! What did you call him? Hey! Kinakausap pa kita Montenegro!" pagtawag sa amin ni Kheem habang hinahabol kami,mas binilisan ko nga ang lakad. Mapagod ka Ongpauco!

Ng makalabas kami ng Mall ay nagpalinga linga ako at naghanap ng Taxi.

"San tayo pupunta?" takang tanong ni Kaiicen.

"Pupuntahan natin yung mga kolokoy,baka nakatambay ang mga yon" nakangiti kong sagot. Ng may dumaang Taxi ay pinara ko na at sumakay kami ni Kaiicen. Siguro naman hindi na kami masusundan ni Kheem, bukas ko na lang babalikan yung dress,at sisiguraduhin ko ding hindi magkakaroon ng pagkakataon si Kheem na maka usap ako o si Kaiicen, that dick! Lakas makainis ng gago.

"Hindi na tayo pupuntang Divisoria? Sayang naman" ani Kaiicen sa akin.

"Huwag mo muna isipin yon Kaii,may ilang araw pa bago ang birthday ni Naynay kaya huwag ka masyadong mag-alala okay?" sagot ko sa kanya at nginitian sya.

Ng makarating kami sa bahay ni Butchoy ay nakyutan ako kay Kaiicen,bakas sa mukha nya ang pagkamangha sa bahay.

Nagdoor bell na ako at may lumabas na maid.

"Ay! Kaw pala yan sir Gero! Nasa may pool area po sina Sir Ian" anito at pumasok na kami,tama nga hinala ko,dito nakatambay ang mga ungas.

"Oh Gero at Kaii? Pano kayo napadpad dito?" salubong ni Butchoy/Ian sa amin.

"Ganyan ba ang tamang pagbati sa mga kaibigan? Ayaw mo ata kami dito eh" banat ni Kaiicen kaya napakamot ulo si Butchoy at ako naman napahagikgik.

"Oy! Hindi sa ganun,akala kasi namin may lakad kayo" ani Butchoy.

"Meron nga,wala naman kami napala" sagot ni Kaiicen,tumabi kay Kikay at nagbeso pa ang dalawa. Wow ha?!

Kinwento nga namin ang nangyari sa mall at hindi nila maiwasang magbigay ng kanya kanyang kumento patungkol dito.

"May attitude pala sya kung ganun? Bagay sya sa mga classmates nating mga matapobre" ani Mikoy habang nilalantakan yung pan cake na kakadala lang ng maid nina Butchoy.

"Ewan ko ba sa school natin,mas mahalaga ang pera kesa sa ugali ng magiging estudyante" sabi naman ni Kokoy at nakikain na din.

"Huwag ipahalatang patay gutom,hindi pa nakaka kuha sina Kikay at Kaii" awat ni Mikoy sa dalawa kaya natawa ako.

"Lets not judge him muna,besides,first day palang nya sa school and to tell you guys frankly,he is freaking hot! What do you say Kaii?" pagkuway sabi ni Kikay, at ayon busy na naman sya sa pagbabasa dun sa libro ng Araling Panlipunan at nagte-take down ng notes.

"Sa ngayon,ayaw ko muna isipin ang isang iyon,mas mahalaga sa akin itong ginagawa ko" sagot nya at kumuha din ng pancake.

"Ano ba yan? Tagal ko ng napapansin ang librong yan,kahit saan binabasa mo" curious na ding tanong ni Kokoy.

"Ito ang magliligtas sa akin sa buong second grading" sagot nya.

"HA?" sabi nung tatlo na ikinatawa ko kaya sa akin nabaling ang atensyon nila.

"Kasi pinarusahan sya ni Maam Policarpio,yan ang pinaka project nya,ang gawan ng review at report lahat ng nabasa nya sa librong yan" naka ngiti kong sagot.

"Napaka mean talaga ng super pig na yon sa middle section at lower section" inis na sabi ni Kikay.

"I agree,napaka unfair pa ng school na yon" pag sang ayon ni Butchoy.

"Buti na lang,last year na natin" dagdag pa ni Kokoy. Hay nako,kung maririnig kami ng Principal at ibang faculty member malamang na kick out na kami.

Bago mag 6PM ay umuwi na kami ni Kaiicen. Malamang kasi hinahanap na din sya ng Naynay nya. Dumiretso na sya sa Quarter nila at ako naman sa room ko.

6:30PM kinatok ako ng maid,handa na daw ang dinner kaya bumaba na ako,nasa dining hall na lahat.

Medyo naninibago ako kasi parang hindi ko napapansin si Naynay,usually kasi mula ng dumating sila ni Kaiicen dito,panay asikaso na sa amin iyon pag oras na ng pagkain.

"Ma,Pa, si Naynay po?" tanong ko habang nakuha ng ulam.

"Hindi pa namin nakakausap mula kaninang tanghali anak hanggang ngayong pagdating namin" sagot ni Mama.

"Ay! Mga mam at sir nagpapahinga po sya kasi naninikip at sumasakit daw dibdib nya,nahihirapan daw sya huminga" pagsingit ng maid namin sa usapan.

"Baka kailangan natin sya ipacheck up" ani Tito Khyron.

"Mabuti pa nga kuya, Uhm Tina tawagin mo nga sila" ani Papa.

Hindi pa man nakaka alis si Tina ay nagimbal na kami sa malakas na sigaw,si Kaiicen yon! Kaya agad akong napatayo sa kaba.


"NAYNAAAAAYYYY!!!" sigaw pa ulit na ikinataranta naming lahat at ikinalambot ng tuhod ko.




To Be Continued

4 comments:

  1. wawa naman si kaii,sana di mamatay naynay nya:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello kuya Anonymous,thanks po sa comment! =) abangan mo po ang mga susunod na chapter :D

      Delete
  2. ang daya nmn nd koh mbasa ung chapter 11 & 12 sana i post nio nah poe d2 plzzz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails