Followers

Saturday, September 14, 2013

Less Than Three- Part 25

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 25

(Chances)





[RD’s POV]


Nakahiga ako kaharap si Alex at kitang-kita ko naman ang maamo niyang mukha. 


Kanina pa siya himbing na himbing na natutulog, marahil ay dahil na rin sa pagpupuyat niya kagabi.


I'm just wondering kung right time ba talaga ako.


Pero paulit-ulit ko lang talagang masasabi na ang amo niyang matulog. 


Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture. 


Itatag ko siya sa fb kapag naupload ko to. Haha


“Baka naman matunaw na ang best friend ko niyan.” Sabi ni Charlene.


“Hindi naman. Di ko siya tutunawin.”


“Sus. Kulang na lang halikan mo siya eh.”


“Pwede ba?”


“Tumigil ka. Di ko ibinebenta ang best friend ko.”


“Ang swerte niya na magkaroon siya ng best friend na tulad mo.”


“Ako ang maswerte jan kay Alex. Alam mo ba, nang dahil sa kanya, nandito ako ngayon. Marami-rami na kaming napag daanang dalawa. Pero higit na mas marami siyang masasakit na napagdaanan.”


“Sabagay, marami-rami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Nalaman ko yung about sa ex niya.”


“Nakapunta ka na ba sa puntod niya?”


“Di na kailangan. Alam ko si Kieth na nakapunta na doon.”


“Yung totoo… mahal mo best friend ko?”


“Oo.” tahasan kong sagot sa kanya.


“Ang landi talaga niyang lalaking yan. Akalain mo pati ikaw. Naiinggit na ako jan ha.” At nagtawanan kaming dalawa.


“Sana lang…”


“Ako na ang nagsasabi sayo na medyo dumistansya ka kay Alex…” seryoso ang tinig ni Charlene.


“Alam ko sila ni Kieth. Hindi naman ako nangingialam eh.”


“Siguro ngayon hindi... pero kapag napamahal ka na ng sobra sa kanya eh baka agawin mo na siya. Kapag di mo na kaya na pigilan yang nararamdaman mo, baka umeksena ka na at hindi naman ako papayag na gawin mo iyon.”


“Di ako ganun. Sana lang...”


“Pero nakikinita ko na darating yung panahong iyon.”


“Ano ang gagawin mo kung dumating yun?”


“ako na mismo ang maglalayo sayo sa best friend ko.”


“Ang protective mo pala.”


“Ayoko lang mamroblema ang best friend ko.”


“Di ko susulutin siya kay Kieth promise.”


“Remember that promise are meant to be broken.”


“Wala na ba akong lusot?”


“Wala na…”


“Mamaya eh ipa-patay mo na ako.”


“Grabe ka... ganyan ka ba katakot sa akin.”


“Nakakatakot ka pala.”


“Nangangain ako ng tao…”


“Halata nga… daig mo pa ang manlalapa ng tao eh.”


“Pero seryoso ako doon ah. Wag mo na lang sasabihin sa kanya.”


“Yup. Friends?”


“Pag isipan ko muna.”


“Mabait ako. Matulungin. Masipag. Gwapo... ano pa ba.”


“Ang hangin grabe.”


“Nasa park ka eh.”


“Ah ganun barahan?”


“Joke lang.”


Napansin nalang namin na nagising na si Alex. 


Malma tong si Yats, akalin mo tinulugan lang kami ng 4 hours. 


Kitang kita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata.


“Sunoooog!” sigaw ni Charlene.


At napabalikwas si Alex. 


Tawanan naman kaming dalawa. 


Pinagbabato kami ng mga dala naming gamit. 


Tawanan pa rin pero etong si Alex ay naiinis.


Nag walk out naman siya kaya pareho kaming natahimik. 


Hinabol naming dalawa siya. agad naman kaming kinavbahan kasi di talaga siya naimik.


“Yats…” tawag ko.


“Che. Umalis kayo jan.”


“Best sorry na.”


“Lokohin ninyo na ang lasing.. wag lang yung bagong gising.”


“ui sorry na.”


“ewan sa inyo.”


“Yats may tagos ka oh.”


“Umalis nga kayo.”


“Pag umalis kami eh maiiwan ka.”


“Edi iwan ninyo ako. Lagot kayo kay mama.”


“Sorry na kasi…”


Pero natigilan agad siya.


 “Pinapatawad mo na ba kami?”


Nakita namin na parang yumayanig ang balikat niya. 


Siguro pinagloloko lang niya kami. 


Pero noong lumapit ako, nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha.


“Yats sorry.” Agad niya akong niyakap.


Iyak lang siya ng iyak. 


“Sorry na po oh. Di na po namin uulitin…”


“Hindi yun yun... tignan mo.” Sabat ni Charlene.


Tinignan ko yung dakong itinuturo ni Charlene. 


May mag couple doon at magkaholding hands. 


Naka couple shirt din silang dalawa.


“Tahan na yats…”


“Namimiss ko na si Kieth…”


“Sadyang ganayan ang buhay…”


“Uwi na tayo…” sabi niya


“Tahan na.”


“Salamat.”


“Galit ka sa amin best?”


“Joke lang yun.”


“Ang arte kasi eh.”


“Ah ganun bigla kang mangganyan.”


“Joke lang namern. Mamaya singilin mo pa ako sa mga utang ko eh.”


Ngumiti na lang ako. 


Agad naman kaming nag impake ng mga gamit at saka umalis doon. 


Mag ga-gabi na rin naman nang maihatid ko silang dalawa sa bahay nila.


“Dito na lang ako.” Sabi ni Charlene.


“Matutulog ka ba dito?”


“Oo naman. Tabi kami ni Alex.”


“Okay good night.” Sabi ni Alex.


“Oi kayong dalawa maghiwalay kayong dalawa sa pagtulog. Sa tabi kita matutulog Charlene.” Sabi ni tita.


“Ayos lang po yun. Wala naman pong mabubuo sa amin dahil parehas kaming babae.”


“Loka ka talaga.”


“Sige mauna na ako.” Sabi ko.


“Sure. Ingat ka ha.” Si Charlene.


“Salamat.” Tapos ngumiti si Alex.


“Tita una na po ako.” Ngumiti si tita at agad naman akong lumabas.


Binuksan ko na ang makina at nagdrive papuntang bahay. 


Medyo naging maayos naman ang araw ko ngayon. 


Haixt. 


Masaya naman ako at napapasaya ko si Alex kahit papaano. 


At least nakakalimutan niya ang mga problema niya.


Naalala ko bigla yung pag-uusap naming ni Kieth. 


Seryoso ang tinig niya at para bang walang halong biro. 


Di ko alam ang dapat kong  gawin noon dahil natatakot man ako na baka sa bandang huli ay umasa lang ako, masaktan.


(Flashback)


Isang lingo bago ang finals, tinawagan ako ni Kieth dahil nais daw niya akong makausap. 


Di ko naman alam kung bakit ba niya ako gusting makausap. 


Hinarap ko naman siya dahil mukhang importante naman ito.


“Pre…” bungad ko nang dumating ako sa aming tagpuan.


Tumango lang siya.


 “Si Alex?” tanong ko.


“Di ko kasabay eh. May inaasikaso pa eh.” Sabi niya


“Ano ang atin?” tanong ko.


“May gusto lang sana akong sabihin… ipakausap.”

“Ano yun?”


“Tungkol kay Alex…”


“Anong meron?”


“Aalis ako… pupunta ako ng ibang bansa. Maiiwan ko siya. Kailangan kong samahan sila papa sa pagpapagamot,  hindi ko naman kailngan ito pero nangangamba ako na baka malungkot lang siya kaya lumalapit ako sayo para humingi ng tulong.”


“Ano ba ang gusto mong gawin ko?” tanong ko.


“Pasayahin mo sana siya, aliwin mo siya. Subukan mong mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay.”


“Matatagalan ka ba?”


“Baka… siguro… oo…”


“Sigurado ka bang sa akin mo siya ipagkakatiwala? Bakit hindi kay Jake?”


“Alam kong mahal mo si Alex… alam kong maalagaan mo siya.”


“May tiwala ka ba  sa akin?


“Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala pero you are my best option.”


“Napaka straight forward mo naman pre.”


“Nagmamadali ako eh.”


“Paano kung…”


“Hindi mangyayari yun. Inihabilin ko lang siya sayo pero hindi ko siya ibinibigay sayo.”


“Pwedeng mahulog si Alex sa gagawin ko.”


“Di naman ako papayag nan. Alam ko hindi ako ipagpapalit ni Alex.”


“Paano kung mahulog siya sa akin at ako ang mahalin niya? Ibibigay mo ba siya?”


“Kung ikaw ang mahal niya… wala akong magagawa… kasalanan ko kung bakit kami maghihiwalay… Kaya naman ibibigay ko siya.”


“Agad-agad.”


“Oo.”


“talagang kampante ka na hindi siya mapupunta sa akin.”


“Oo.. dahil may tiwala ako sa kanya. Dahil mahal niya ako at mahal ko siya.”


“Pasensyahan tayo kapag ako ang pinili niya.”


“Good luck na lang sayo pre…”


“Ang swerte mo sa kanya.”


“Kaya nga hindi ko siya papakawalan eh.”


“Sige ako na ang bahala.. gagawin ko naman lahat para di siya mahulog sa akin... kahit masakit sige pipilitin ko.”


“Si Arjay kamusta?” tanong niya


“Okay naman siya. Medyo nakakausap na naman din ng ayos.”


“Okay. I hope he will be okay.”


“Dumistansya ka lang sa kanya.”


“Alam ko.”


“Kailan ang alis mo?”


“After finals.”


“Ingat…”


“Iniwan kong virgin si Alex… dapat virgin siya sa pagbalik ko.”


“Paano kung hindi na?”


“Magkakaubusan tayo ng lahi.”


“Well tignan natin… hahabaan ko na lang ang self control ko.”


“Umayos ka pre…”


“Salamat sa tiwala…”


“Di ganun kabuo ang tiwala ko sayo.”


“Alam ko.. matapos yung nangyari sa atin nila Arjay.”


“Sige na… aalis na ako.”


“Sige…”


At umalis na siya at tinitigan ko ang paglayo niya. 


Doon ako napaisip kung ano ba ang dapat kong gagawin. 


Humihingi ng pabor ang best friend ko dati.


(End of Flashback)


Nakarating ako ng bahay at inihiga ko ang aking katawan. 


Ramdam ko ang pagod sa aking mga ugat. 


Agad naman akong nakatulog sa aking paghiga at tuluyan ng nahimbing sa pagpapahinga.


[Alex’s POV]


“Good night mahal ko…”


“Good night din…” at nag offline na siya.


Araw-araw, ganito ang set up namen. 


Gising ako sa gabi at tulog sa umaga. 


Di naman ako nagrereklamo, mas okay nga sa akin yun kasi nakikita at nakakusap ko siya. 


Ang gusto ko nga lang ay yung makasama siya.


Namimiss ko na ang kanyang presensya. 


Unti-unti nawawalan ako ng lakas ng loob. 


Gusto ko siyang puntahan pero anong magagawa ko, wala akong pera. 


Nahihiya naman akong humingi ng pera  para lang pumunta doon.


December na ngayon at next next month ay birthday ko na. Haixt. 


I hope nandito na siya before ag birthday ako. 


I wish nga before Christmas nandito na siya. 


ilang araw na lang at magpapasko na pero ako, nganga pa rin hanggang nagyon.


Natulog din ako matapos ang mahaba kong pag-iisip ng kung anu-ano. 


Nagising din ako nang tanghalian. 


Di rin naman nagtagal ay may dumating na bisita na labis kong ikinagulat.


Nakita ko na nakatayo si Tito Ralph sa may pintuan ng bahay namin at may mga dala-dalang regalo. 


Di naman umimik si mama at hinayaan na lang si tito Ralph,.


“Ano pong ginagawa ninyo dito?” tanong ko.


“Magandang tanghali anak… gusto lang sana kitang bisitahin. Kamusta ka na? May mga dala pala ako sa iyo.”


“Ano po iyan?”


“Mga regalo. Pambawi ko sa mga taong nawala ako.”


“Hindi naman ako nasusuhulan.”


“Di kita sinusuhulan.. sinusubukan ko lang bumawi.”


“Kung babawi po kayo sa akin.. unahin ninyong bumawi sa nanay ko. Matapos yon, sa pamilya mo at saka po kayo bumalik sa akin.”


“Anak… hayaan mo naman akong bumawi…”


“Sa totoo lang, dapat hindi ako nagiging mabait sa inyo… dapat hindi ko kaya pinapatunguhan ng maganda. Lahat ng bagay sinira ninyo sa buhay ko. Ginulo ninyo kung ano ang mayroon ako. Pero hindi ko magawa…. Hindi ko magawa dahil…”


“Dahil ama mo ako… hindi na natin maiaalis ang katotohanan anak.. ang gusto ko lang naman ay ituring mo akong ama.”


“Mahirap yun sa ngayon…”


“Pero hayaan mo akong patunayan iyon…”


“Di ko alam…”


“Pero bigyan mo ako ng panahon…”


“Naniniwala naman ako na magiging ayos din ang lahat… wag lang po ninyo ako biglain… wag lang po ninyo sana ako pilitin… gusto ko pong mapag-isip isip.”


“Salamat.”


Umakyat na din ako sa taas at naligo. 


Pagkababa ko naman ay wala na siya. 


Tanging kami lang ni mama ang natira sa may bahay. 


Ang awkward ng atmosphere kaya lumabas ako sa may terrace.


Tinitigan ko lang ang mga sasakyan na dumaraan sa amin. 


Kakaunti lang ito dahil nasa subdivision kami at wala namang gaanong nadaang sasakyan.


“Anak…” nagulat ako sa tawag ni mama.


“Bakit po?” sagot ko na hindi naman.


“Gusto ko lang sana na mag-usap tayo.”


“Okay lang naman po.”


“Gusto ko lang kasing maayos ang lahat. Hindi ako sanay na umiiwas ka sa akin. Nasaskatan ako bilang isang ina mo.” Sabi ni mama habang paupo siya sa may upuan.


“Sorry anak.. sorry kung nasaktan kita. Sorry kung inilihim ko ang lahat. Ang alam ko sa sarili ko ay tama ang pinag gagawa ko. Sabi ko magiging okay ang lahat dahil dumating ang papa mo at tutulungan niya akong palakihin ka. Ginawa ko lang naman ang lahat ng sa alam kong tama. Kung mali man iyon sa iyong tingin, pasesnya na.” dagdag ni mama.


“Ma… tama na… wag po kayong mag sorry.. di naman ako galit.. naiinis lang ako.. pero hindi po kayo dapat mag sorry sa akin. Wala akong karapatang tumanggap ng sorry mula sa inyo. Ako ang may mali, masyado lang akong naging self-centered. Nabigla lang po ako sa lahat ng nangyari.”


“Pero kasalanan ko pa rin sa parte ko. Kung sinabi ko lang sana ng mas maaga ay hindi tayo aabot sa ganito.”


“Alam kong ginawa lang po ninyo yung tama at mali. Iyon naman ang paraan ninyo bilang isang ina. Prinotektahan lang po ninyo ako. Di ko lang po talaga naintindihan ang lahat. Sorry po.”


Tumayo ako at lumapit kay mama. 


Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. 


“sorry ma kung iniiwasan kita… nahihiya lang ako sa mga ginawa ko.”


Umiiyak si mama sa puntong iyon. 


“Masaya ako anak na okay na tayo. Masaya ako na pinapansin mo na ako.. salamat.. salamat ng marami.”


“Wag kang umiyak ma… papanget ka sige ka…”


“Salamat talaga anak.”


“Okay na tayo ma ha?”


“Oo naman. Pero may tanong ako…”


“Ano po yon?”


“Ano ang balak mo kay Ralph?”


“Di ko po alam. Naguguluhan ako sa dapat kong gawin. Di ko alam ma. Ano ba ang dapat kong gawin? Ang tanggapin siya o hayaan na lang na maging parte lang ng buhay ko? Di ko alam kung kaya pa ba eh.”


“Alam ko anak nag hahanap ka ng father figure. Hindi kita binabawalan anak pero mag ingat ka lang. Ayokong humadlang sa kung ano ang gusto mo.”


“Gusto ko siyang makilala ma. Gusto kong malaman ang pagkatao ng tatay ko. Gusto kong malaman kung ano ba talaga siyang klaseng tao. Gusto kong maramdaman na may tatay ako.. di ko alam kung paano ba ma… limot ko na…”


“Hindi naman kita pipigilan anak. Nandito lang ako para umalalay.”


“pero natatakot pa rin akong harapin ang katotohanan.”


“Pero kailangan mong harapin ang kinakatakutan mo.”


“Ma… bakit ba kayo nainlove kay Tito Ralph?”


Nakita ko na nag-iisip siya. 


di ko alam pero gusto kong malaman. 


Walang dahilan pero payak ang desisyon kong malaman. 


Nakakaintriga lang.


“Mahabang kwento anak eh.”


“Nahiya pa si mama mag kwento…”


“Mabait si Ralph… lahat ng magugustuhan mo sa lalaki ay nasa kanya. Mapagmahal siya. di ko naman maexplain pa eh, basta naramdaman ko yung nararamdaman mo ngayon kay Kieth.”


“Pero ma sino ang mas mahal mo?”


“Ang papa mo. Noong una ang tagal ko bago makamove on kay Ralph pero habang nagtatagal, minamahal ko na ang papa mo.”


“Masamang tao ba si tito Ralph?”


“Hindi siya masamang tao. Sa palagay ko ay natatakluban lang ang pagkatao niya. Siguro ikaw ang makaktuklas noon kapag nakilala mo siya.”


“Sana nga po makilala ko siya. sana lang po. Sana yung totoo.. at sana mabago ko kung anuman ang hindi dapat siya.”


“Tanggapin mo lang siya anak…”


“Opo…”


Yung pag-uusap namin ni mama ang nagbukas sa akin ng mga possibilities sa kung anuman ang dapat gawin.


 Ilang araw din ang lumipas at lalong tumindi ang pasanin sa akin. 


Haixt.


“Mukhang marami kang iniisip ah?” tanong ni Kieth sa akin.


“Pagod lang.”


“Sus.. parang di kita kilala ano.. oh anong problema mo?”


“Gusto kong bigyan ng chance si tito Ralph.”


“Saan?” tanong nioya


“Na makilala ko siya… na makilala niya ako.”


“Ah ganun ba?”


“Di ka ba sang-ayon?”


“Ayos lang…”


“Wag kang mag-alala… hindi mangyayari yang nasa siip mo.”


“Di rin natin maiiwasan yun.”


“Promise ko sayo…”


“Haixt. Ikaw bahala.”


“Pero sa tingin mo?”


“It’s your choice… I respect kung anuman yan… siguro its time to change things.”


“Gusto ko din namang klaruhin ang mga bagay-bagay. haixt. Di ko alam kung anong klaseng tao siya.”


“Mabait naman si tito.”


“Wag kang matatakot ha.”


“Oo naman. Hindi ako natatakot.”


“Sus. Pero di ako papaya na paghiwalayin nila tayo.”


“Kailan kayo mag-uusap?”


“Din ko pa alam eh. Pero bahala na si batman.”


“Yan tayo eh. Hahaha lagi na lang kawawa si batman.. laging inaaasa sa kanya.”


“Porket paborito mo si batman eh pinagtatanggol mo.”


“Hindi naman. To talaga.”


“I miss you.”


“Mas miss kita.”


“I want to be with you.. I want to hug you.. I want to kiss you.. I want to lick you.. I want to…”

“Hep hep hep. Daming alam.”

“Let’s do ito on cam.”


“Hoy lalaki. Mamaya nakikipag ganyanan ka dito ha?”


“Just kidding.”


“Kamusta naman ang mahal ko diyan?”


“Eto pinagkakaguluhan lagi…”


“Ay siya wag na wag kang lalabas ng bahay.”


“Nga pala aalis kami nila mama mamaya.”


“Oy damihan mo pasalubong ko ha…”


Nakita ko yung pagkalungkot niya. 


Alam ko na ang kasunod niyan. 


Nawala na naman ang pag-asa ko sa mga bagay-bagay.


“Sorry…”


“No it’s okay”


“Di ako makakauwi sa Christmas. Sorry.”


“Ayos lang… naiintindihan ko. How’s tito?” sinubukan kong ibahin ang usapan.


“He’s okay naman. Need lang talaga mag tagal yung operation kasi.” Sabi niya


“Inaantok na ako…” asbi ko bigla.


“Tulog ka na lang muna..” sabi niya pero alam kong nag-aalala siya.


“I will be okay. Ingat kayo.”


“I miss you.”


“same… I love you..”


“I love you too.” Then nag offline ako.


Inihiga ko ang aking sarili sa aking kama at itinama ang paningin sa kisame. 


Ilang araw na lang at pasko na at nag-iisa na naman ako. Wala anmang nabago doon eh. 


Nag-iisa din naman ako noong pasko ko eh.


Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan iyon. 


Nagtype ako ng message at balak ko sanang isend sa isang tao. 


Binura ko ito at nagsulat ng panibago. 


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isulat, hindi ko alam kung ano nga ba ang isusulat ko.


“Kita tayo bukas…” erase


“Gud pm. Gusto sana kitang makausap…” erase…


“Pwede ka po ba bukas? Usap tayo…” erase then.



Nag-isip muna ako at ipinikit ang aking mga mata. 


Matapos ang ilang Segundo ay nagawa ko ng magtype ng text at pinadala ko ito sa isang tao. 


Magkikita kami bukas at sana maayos na ang lahat-lahat sa amin.


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails