Followers

Wednesday, September 4, 2013

Secret Feelings 2(Start of Something New)

Secret Feelings 2(Start of Something New)


__________________________________________________________________

Author's Note:

Hi Guys!

Ayun, sorry kung late UD. Ayun, Midterms week na kasi and maraming ginagawa sa school. I hope na maintindihan niyo ako. Super sorry talaga. BTW, Sana magustuhan niyo po ito and feel free to comment ;).

-Sephyy :D!

___________________________________________________________________


Ayun, pinagtanggol ako ni Baste kay Karlo.  Habang kumakain kami sa canteen nung oras na iyun, di ko maiwasan tanungin kung sino ba si Karlo dahil syempre alam niyo naman na bago lang ako dito sa school na ito.

“Hey Baste! Sino ba yung lalaking sobrang asungot na yun?”

“Si Karlo Somera yun Beda.” Ang seryosong pagsagot ni Baste.

“Ang bully naman niya. Kala mo kung sinong Poncho Pilato kung makautos na wag umupo sa upuan na iyon. Kotongan ko kaya siya diyan!”

“Chill lang Beda Boy. Ganun talaga yun si Karlo ever since, bully.” Ang mainahong pagsabi ni Baste.

“Eh? Litsi lang kasi parang tengeks siya eh. Para kasi siyang hari ng school eh at gusto ko na sana awayin pero hindi pwede dahil baka ma-principal’s office ako ng di oras.”

“Speaking of Principal, alam mo ba na anak ng principal yan si Karlo?”

“ANO?! Are you serious about that Baste? Di halata sa image niya dahil mukha siyang anak ng barumbado at drug lord sa ugali niyang iyan ah.” Ang nakakagulat na reaksyon ko.

Di naman kasi ganoon kahalata kay Karlo na anak siya ng principal dahil sa asal niya dahil sa sobrang bait naman kasi ng principal namin kaya ganoon.

“Ang sama mo naman Beda haha, samahan mo ako mamaya?” Ang paanyaya ni Baste sa akin.

“Ahh.. mukhang di yata ako pwede eh. Eh saan naman tayo pupunta?” Ang sagot ko na may halong tanong kay Baste.

“Samahan mo lang naman ako sa mall. Bibili na kasi ako ng mga gamit natin sa school.”

“Ahh..” Yun lang ang nasabi ko dahil talagang pinipilit na talaga ako ni Baste na samahan siya.

“Sige na Beda please? Wala lang talaga kasi akong kasama eh.” Sabay nag-puppy eyes siya sa akin.

5 minuto ang nakalilipas, halos nakapuppy eyes pa din siya sa harap ko. Ayun, para hindi na siya mangulit at magpapapuppy eyes diyan, pumayag na ako na sumama sa kanya.

“Sige, sasama na ako sayo. 1st day pa lang talagang niyayaya mo na ako ah.”

“Yehey! Sabay na tayo lumabas ah?” Ang masayang pagsabi niya sa akin.

“Sige sige.”

Nagtataka ako na masaya dahil parang niyayaya niya akong lumabas kasama siya. Nakakapagtaka dahil parang di pa naman kami close eh niyaya na niya ako. 

He’s nice naman eh kaya siguro pumayag na din ako. Si Baste yung kaibigan na napakakulit at napakasayang kasama kahit 1st day of school pa lang.

Present day:

Habang nakahiga ako sa aking kama,  biglang tumunog ang aking cellphone ko at kaagad agad ko ito sinagot.

“Hello.”


“Hello, is this Mr. Benedict Santos?”

“Yes. Ako po ito? Bakit po?” Ang nagtatakang sagot ko sa tumatawag sa akin.”

“Oh.. Si Flynn Chua ito!”

“Oy Flynn. Napatawag ka?”

“Eto, mangangamusta lang naman ako . Tagal na din nating hindi naguusap eh.”

“Oo nga eh, 6 years na since nung magkahiwalay-hiwalay yung batch natin noh?”

“Oo nga eh.. Namiss ko lang talaga yung school natin.”

“Alam ko, balita ko eh isa ka na daw writer ah?”

“Yep. Writer nga ako.”

“Ahh.. Saan naman?”

“Eto, isa akong writer sa isang magazine.”

“Ang cool naman! Nababasa nga ng ate mo yung ibang sinusulat mo sa Magazine eh.”

“Salamat naman. Ikaw daw sabi nila isa sa mga best new chef sa isang hotel.”

“Ahh.. Oo, chef na nga ako.”

“Baka mataba ka pa din ah.” Ang pagsabi ko na may halong tawa.

“Tignan mo na lang sa reunion.”

“Reunion?”

“Oo nga pala, May gagawin ka ba this Saturday?”

“Bakit mo natanong?”

“Eh magkakaroon kasi tayo ng reunion sa batch natin and kailangan kasama ka na dun”

“Seryoso ka diyan Flynn?”

“Yep. I’m serious.”

“Sige, kasado na ako dun!”

“Yuun. O sige, may gagawin pa ako dito sa hotel.”

“Sige sige.”

Binaba na ni Flynn ang telepono. Tumayo muna ako saglit para hanapin ang class picture namin nung 1st year high school. Mabilis ko naman itong nahanap at bumalik ako sa higaan para magremenisce ng nangyari sa akin nung 1st year. Naalala ko tuloy nung kumakain kami ni Baste ay dun kami din nagkakilala ni Flynn.

Flash Back:

Habang kumakain kami ni Baste, may napansin kaming isang matabang lalaki na naghahanap ng upuan. Biglang sinenyasan ko ito at pinaupo ko na din siya dito sa may table kung saan kami nakaupo ni Baste.  Ayun, umupo naman siya at kinausap namin ito ni Baste.

“Hello. Salamat pala sa  pagpapaupo sa akin kuya.” Ang kanyang sincere na pagpapasalamat niya sa akin.

“Wala yun. By the way, ako nga pala si Benedict Santos. Beda na lang for short and siya naman si Baste Sto. Domingo”

“Ako nga pala si Flynn Chua! Kilala ko na si Baste. Magaling na soccer player yan nung elementary kami.”

“Nice to meet you nga pala Flynn.” Ang tuwang –tuwang pagsabi ko sa kanya.

“Wala yun.” Ang sagot ni Flynn.

“Dude, I guess sa kabilang section ka dati noh?”

“Yep Sto. Domingo, sa kabilang section nga ako.”

“Classmate mo diba si Karlo Somera right?”

“Yep. Ang King of the bully sa batch natin!”

“Hahahah. Napapansin ko nga na lagi ka nun binubully eh.”

“Oo. Hindi na lang ako lumalaban dahil syempre anak siya ng principal.”

“Oo nga eh, pero minsan lumaban ka din para di ka kawawain.”

“Oo nga Flynn, dapat lumaban ka. SARAP TULOY HAMPASIN NI KARLO NG TUBO EH!” Ang pasigaw kong sabi.

“Chill ka lang Beda boy. Oo nga pala Flynn, anung section mo?”

“Kaklase niyo kaya ako!”

“Weh?  Hahah sorry natulog lang din ako nung intro to yourself.”

“Hahahaa. Onga pala, sabay-sabay na ba tayong aakyat papuntang room?”

“Sige!” Ang sagot naming dalawa ni Baste.

Biglang nag-bell na. Dumeretso na kami sa room at tinakbo na namin ang room. After 10 minutes, nakarating na kami kaagad at nagsabi bigla ang teacher na suspended na ang class dahil may general meeting kasi sila. Nagpaalam na si Flynn sa amin dahil nandyan na ang kanyang sundo at kami naman ay lumabas na papuntang mall. Nandyan na din ang driver ni Baste at sumakay na kami dun sa kotse nila para mabilis na din yung aming biyahe at para hindi na din kami gumastos ng pamasahe papuntang mall.

“Ang ganda naman ng kotse mo!” Ang pagkasabi ko sa kanya dahil namangha ako sa kanyang kotse.

“Haha salamat Beda. Gusto mo laro tayo ng arcade after kong mamili ng gamit sa school?”

“Oh sige pero di ako masyado naglalaro ng mga arcades eh.” Ang aking sagot.

“Ahh.. Bakit naman?” Ang tanong ni Baste  sa akin.

“Mahilig kasi akong maglaro ng larong pinoy katulad ng tumbang preso, patintero at marami pang iba. Never pa ako nakakalaro ng arcade na iyan.”

“Ahh.. Tuturuan kita mag-arcade you want?”

“Sige ba!” Ang masayang sagot ko.

1 hour later.

“Sir Baste, nandito na po tayo sa mall.”

“Sige Kuya Bart, hintayin mo na lang kami dito.”

“Sige, ingat kayo ah.”

“Opo Kuya Bart.”

Dumeretso na kami ni Baste doon sa may mall. 2nd time ko lang pumunta ng mall nung mga panahon na iyon dahil siguro laging busy si Mama at Papa sa kanilang work at ang laging kasama ko nun ay yung kapatid kong si Aldrige na nasa Grade 3 pa lang noon at yung pinsan kong si Ate Sol ang nagbabantay sa amin since 1st year college na siya nung oras na iyon at kailangan talagang may magbantay  kay Aldrige habang wala ako sa school. Ayun, back to the topic na. Habang nasa mall kami ay kinausap niya ako dahil ang tahimik ko naman masyado.

“Beda! Parang ang tahimik mo naman masyado diyan. Di ka ba kumportable?”

“Uhhm.. wala ito. Wala naman akong sasabihin.” Ang sagot ko sa kanya.

“Siguro, nahihiya ka lang naman sa akin.”

“Anong nahihiya? Hindi ah! Sadyang hindi lang ako talaga sanay magshare ng buhay ko sa mga tao.” Ang defensive kong sagot kay Baste.

“Weh? Gusto mo siguro ako magsimula ng kwento noh?”

“Okay lang”

“Geh, ako na lang para mamaya ikaw naman."


Ayun, siya na ang nagsimula ng kwento. Hanggang sa makarating kami sa bookstore ay siya pa din ang nagkekwento. Kinekwento niya yung kanyang mga pastime pag wala siyang magawa sa bahay nila at marami pang iba hanggang sa mabili na niya yung mga kailangan niya sa bookstore eh siya pa din Siguro, talagang nahihiya pa din akong mag-share about sa buhay ko kay Baste nung mga oras na iyo dahil sadyang hindi lang ako sanay. Pagkatapos namin sa bookstore ay dinala na lang niya ako sa ice cream parlor dahil hindi na niya trip mag-arcade nung mga oras na iyon. Bale bumili na siya ng banana split para sa aming dalawa na. Nung nakapagorder at nakaupo na kami sa upuan ay pinilit naman niya ako magkwento.

“Oy Beda! Ikaw naman yung kwento. Kanina pa ako nagkekwento dito eh.”

“Ano pa ba yung ikekwento ko?”

“Kahit ano.“

“Eh baka maboringan ka lang sa akin.”

“Bakit naman?”

“Eh di naman ako masyadong pala-gala nung elementary at taong bahay lang naman ako sa bahay noh.”

“Oh? Halata nga eh. I guess matalino ka?”

“Di naman noh!”

“Weh? Eh narinig ko eh Salutatorian ka nung elementary ka eh.”

“Oo pero di naman ako yung sobrang talino eh.”

“Wow! Ang humble mo ah. Buti ka pa eh ako nga sadyang nag-eexcel lang ako sa sports tapos ang baba pa ng acads ko kaya masasabi ko sa iyo na hindi ako matalino.”

“Matalino ka din noh! Wag mo ngang idown yang sarili mo.”

“Naks naman! Paano mo nasabi?”

“Lahat ng tao ay matalino, sadyang yung iba ay tamad lang.”

“Sa bagay may point ka diyan. Oh ayan, nakapagshare ka na din ah?”

“Oo nga eh.Alam mo Baste, ang kulit mo din eh noh?”

“Masanay ka na.” Sabi ni Baste na may halong tawa pa.

Nung mga oras na iyon, 1st time ko lang sa buhay ko na magkaroon ng kaibigan na kalog at makulit na katulad ni Baste. Halos gabihin na kami doon sa mall dahil sa usapan namin doon sa ice cream parlor sa may mall at yung pagsama sa kanya na din as well. Yung 1st hang out namin ni Baste ang never kong kinalimutan dahil sa sobrang memorable nito.

Nasa higaan lang ako ngayon at tumitingin ng class pic namin nung 1st year at sadyang pinagmamasdan ko lang ang mga mukha namin noon. Sadyang lahat kami sa picture ay ang tototoy namin nun.

Naalala ko nung 2 months na ako dun sa school, sadyang close na kami ni Baste at Flynn. Sadyang super friends na kaming tatlo. Kasi lahat kasi ng mga kaibigan ni Baste nung elementary ay lumipat na ng ibang school at yung iba naman ay nag migrate na sa ibang bansa. Lagi kaming tatlong magkakasama. Ayun, syempre di pa rin maiiwasan na always kaming binibwisit ni Karlo pero hindi na lang namin pinapansin yun. Oo nga pala, kasama na din pala si Karlo sa soccer team. Oo nga pala, always kaming magkasabay ni Baste lumabas ng school dahil gusto niya na manood ako sa practice nila. Kahit hindi naman ako big fanatic ng soccer eh okay lang dahil syempre kaibigan ko kasi naglalaro eh kaya ganun.
One time, pagkatapos ng soccer practice nila ay niyaya niya ako na tumambay muna kami sa school saglit dahil tinatamad pa siyang umuwi sa kanila.

“Tambay muna tayo dito Bedaboy. Tinatamad pa akong umuwi eh…”

“Di naman halata sayo diba? Pagod ka na nga sa training mo tapos pinili mo pang tumabay dito sa school?” Ang sermon ko sa kanya.

“Lakas mo namang makasermon Beda ah! Pwede na kitang maging tatay niyan” Ang sabi ni Baste.

“Grabe ka naman. Nag-aalala lang din naman ako sa iyo Baste.”

“Naks naman.. Concerned siya oh!”

“Syempre kaibigan kita eh.”

“Nako nako. Paakbay nga!”

“Geh go lang.”

Biglang umakbay sa akin si Baste.

“Alam mo Beda, pwedeng ikaw na lang ang best friend ko?”

“Okay lang naman sa akin na bestfriend kita.” Ang sagot ko kay Baste na walang pagaalinlangan.

“Naks naman. Kasi, sa sobrang bait mo and napakaconcerned mo sa mga ibang tao eh talagang pwede ka nilang maging bestfriend eh! Plus matalino pa at laging perfect sa English, Social Studies at marami pang iba. Parang sabihin na nating pang-all in one ka na.” Ang seryosong pagsabi ni Baste.

“Parang ginawa mo namang akong kape niyan ah! Ikaw nga sa sobrang kulit at mabait mo tapos kwela pa kaya masarap ka din maging bestfriend.”

“Wow naman. Ang sweet mo naman Beda. Pa-kiss nga!” Ang mapagbirong sabi ni Beda.

“Kotongan kita you want?”

“Joke lang naman. Hahaha  alam mo, sana hindi ka magbago sa akin ah?”

“Ikaw din. Pag ikaw sumikat ka sa pagiging soccer player mo ah! Wag mo kong iisnabin kundi lagot ka sa akin.”

“Syempre naman. Ikaw pa!”

“Naks naman Baste! Oo nga pala, kailan ba yung laban niyo ah?”

“Next week na.Dapat nandun ka ah? Ayoko ng wala ka.”

“Eh kung ayaw ko?”

“Magtatampo ako sayo syempre”

Biglang naging sad face ang kanyang mukha.

“Ayos mukha naman diyan Baste!”

“Ayaw.”

“Bakit ayaw mo?”

“Eh ayaw mo akong panoorin maglaro eh.”

“Joke lang din yun syempre. Papanoodin kita noh! Ikaw pa.”

“Talaga?”

“Oo naman. Supportive bestfriend mo ko eh!”

“Yehey!”

Bigla niya akong niyakap nung sinabi ko na panonoorin ko siyang maglaro. Sadyang siguro, tinadhana talaga kaming maging  mag bestfriends. Kahit sa sobrang kulit ni Baste eh talagang natitiis ko dahil masarap naman siyang kasama eh kahit ganun siya.
Dito habang nakahiga pa din ako sa kama, maraming alaala pa din ang bumabalik sa isipan ko dahil sa namimiss ko na sila at talagang masarap lang talagang balikan.

Biglang may kumatok sa pintuan ko at pinapasok ko na kaagad dahil di naman ito naka-lock. At nung pagkabukas ng pinto na iyon ay walang iba kundi si Aldrige.


“Kuya Beda! Nakahiga ka nanaman. Wala ka bang trabaho ngayon?”

“Alangan namang meron bunso! Kaya nga nakahiga lang ako diba?”

“Tapos may tinitignan ka pang picture diyan! Patingin nga.”

“Okay.”

Pinatingin ko naman yung class picture namin. Nung nakita ni Aldrige ang picture ay biglang nang-asar ito.

“Kuya Beda, parang ang totoy mo dito sa pic haha tapos si Kuya Baste sobrang saya sa pic.”

Sabay binatukan ko yung kapatid ko.

“Totoy ka diyan? Pogi ang kuya mo.”

“Pogi ka diyan? Ang sakit nun ah. Mas pogi ako. Sabi nga nila kahawig ko si Wu Chun eh.”

“Pa Wu Chun Wu Chun ka pa diyan. Ako naman si Jiro Wang hahaha.”

“Kuya talaga. Para walang away pareho tayong chinito!”

“Ayan ang gusto ko sayo eh! Pa-hug nga bunso?”

“Ayaw. Di na ako baby para yakapin!”

“Pwes, humanda ka sa akin..”

“Kuya huwag!!!”

Binitawan ko muna at nilagay ko muna saglit yung class picture sa kama ko at naghabulan kami ni Aldrige sa buong bahay.

Itutuloy..





5 comments:

  1. ewan! boring basahin. nawalan ako ng gana. zori po.

    ReplyDelete
  2. You had me at "Litsi!" ADORBS!

    ReplyDelete
  3. next chapter plsssss

    ReplyDelete
  4. The story was good hoping for new updates. Pero suggestion lng author pki clarify kung start na ng flashback yung scene kse medyo nkakalito sya sa una , binasa kopa sya ulit from the start para magets ko, and one thing author lagyan mo na dn po agad ng twist yung story especially before ka mag end ng chapter para sure na catchy ang next chapter , yun bang may pabitin effect hahaha :) :) . Your a good author konting twist at timing pasok sa scene and booooomm ! Ikw na .. :)) :))

    ReplyDelete
  5. hayz angtagal ng next chapter....sa management wag na lang payagan ung mga walang tym na magsulat d2... nagtyatyaga na lang nga kami sa story nila na pulpul ...dapat i delete na yan cla....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails