Followers

Monday, September 2, 2013

The Start

Author's note:

Unang-una, gusto ko ulit magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa series ko na Unexpected. The response I got was overwhelming. It was my first time na magsulat ng ganoong kwenro. At first, hindi ko sineryoso ang idea, but then na-inspire ako dahil sa mga nagbabasa kaya maraming salamat talaga sa inyo! :)

So I think it’s just proper for me to share my story. Matagal ko ng iniisip kung gagawin ko ito, pero I guess a part of me really wants to. It’s the first time when I sat down, and properly dealt with what went down during my High School days; to put it into words. Masyadong malaki ang naging impact ng buhay high school ko sa akin, at aaminin kong, hanggang ngayon, may malaking parte pa rin ng pagkatao ko ang nabubuhay sa aninong idinulot noon sa akin.

I basically wrote this para pagaanin ang pakiramdam ko, and at the same time, para ma-share na rin ito sa inyo. Sana ay may matutunan kayo or mapulot na insights. This is purely non-fiction.

Pagpasensyahan niyo na kung medyo malabo at inconsistent ang pagkakasulat nito. Sinadya kong hindi mag-edit, dahil gusto kong 100% na totoo ang mababasa niyo. Everything’s based from memory recall. Lines are not exactly verbatim, of course.

Happy Reading!

--

Junior Year

Prom practice noon. Doon kita nakilala. Hindi ko akalaing dahil sa pagiging magkasunod natin sa pila ay magkakaroon ako ng isang kaibigang babago sa akin—both for the better, and for the worse.

I was your typical student. Average lang in terms of popularity. More of an academic person ako. Not to brag, but consistent honor student ako and palaging pambato sa mga quiz bees, oratory, at debate competitions. Ikaw naman, more of the athletic type—champion badminton player. I had no idea that time na magiging close tayo, dahil since grade 1 ay magkaklase na tayo, ngunit ni kailan ay hindi naman kita naging ka-close. Ang ironic nga eh, kung kailan third year na tayo at tayo magiging malapit sa isa’t-isa in spite of the fact that we basically know each other all our lives.

Nang makilala kita, nalaman kong there’s more than what you show to people, na may sense ka pala, that you’re really something. Kasi to be honest akala ko ikaw ‘yung typical na estudyanteng puro bulakbol, puro laro sa buhay. Isang taong walang sineseryoso kundi ang paglalaro ng badminton at pambababae.

But you proved me wrong.

Nakita ko kung gaano mo gustong magbago, na burahin ang image na iyon na nakikita ng ibang tao. Hiningi mo ang tulong ko. Masaya ako dahil pinagkatiwalaan mo ako sa ganoong kaimportanteng bagay. Sabi mo ay ka-close mo na ako, at komportable kang kasama ako, na thankful ka dahil nakilala mo ako. Nagulat ako dahil hindi normal para sa isang lalaki na gaya mong maging expressive sa mga feelings niya para sa ibang tao, lalong-lalo na kung lalaki din ito.

Kaya naman tinulungan nga kita, at nakita ko na nagpu-pursige ka talaga na magbago, kaya natuwa ako. Dahil na nga rin doon ay naging mas close tayo, at isang araw, bigla mo na lamang akong tinawag na “bestfriend”. Tumaba ang puso ko dahil doon. Ni minsan ay hindi ko pa nakita ang sarili kong maging close sa ibang tao sa ganoong lebel. Kilala mo ako, I don’t do those things much. Alam mong kung gaano ako individualistic. Hindi naman ako loner, ayoko lang talagang masyadong na-iinvolve sa buhay ng ibang tao. Ngunit binuwag mo lahat ng mga pader na nakapaligid sa akin at tuluyan ka na ngang nakapasok sa buhay ko.

Hindi ko napapansin na tuwing wala ka, hinahanap-hanap na kita, na gusto kita palaging kasama, na kapag may sakit ka ay sobra akong nag-aalala. Ngunit sa puntong iyon ay hindi ko pa kinwestyon ang pagkatao ko, dahil unang beses ko lang naman naramdaman iyon. At isa pa, nagkakagusto pa naman ako sa babae, at wala akong nararamdamang sakit tuwing kasama mo ang girlfriend mo. At isa pa, may nililigawan ako noong babae.

Masaya ako, dahil ako rin naman, dahil sa presensya mo, ay nagkaroon ako ng taong maaari kong labasan ng mga hinaing ko sa buhay. Kung dati ay kinikimkim ko lamang ito ay ngayon ay may napagsasabihan na ako. Binuksan mo ang pagkatao ko...

But you opened it too much... and I became vulnerable.

--

Senior Year

Natapos ang 3rd year at naging mas matatag pa ang pagkakaibigan natin, ngunit nasubok din ito ng maraming pangyayari na... sumira nito.

--

Birthday (ito yung naging inspirasyon ko para doon sa birthday ni Matt sa Unexpected)

Unang-una, noong 16th birthday ko. For the first time, I decided to throw a party, but not everybody’s invited. Sinabihan kita, unang-una, dahil ikaw ang bestfriend ko. Nag-imbita din ako ng mangilan-ngilan nating classmates na maco-consider kong ka-close ko na rin. Sabay tayong pumunta noon sa SM para maglibot muna bago ako magpakain. Masaya ako, dahil kasama kita, at hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang nararamdaman ko para sa’yo. It’s obvious na pinapahalagahan mo talaga ako, something na hindi ko nakikitang ginagawa mo sa kahit kanino sa school. Hindi ko itatangging naramdaman kong espesyal ang turing mo sa akin, kaya naman sinuklian ko rin iyon at tinuring din kitang espesyal sa buhay ko.

Akala ko ay magiging masaya ang kaarawan ko.

Maraming nagtext sa akin na hindi sila makakapunta sa blowout ko. Nalungkot ako, ngunit inintindi ko na lamang iyon dahil valid reasons naman ang binigay nila for cancelling. You comforted me, at sinabing okay lang iyon dahil nandiyan ka naman at pupunta naman ang dalawa pa nating classmates. Medyo gumaan ang loob ko noon, salamat sa iyo. Ngunit hindi ko akalaing ikaw rin pala ang sisira sa kaarawan ko.

Habang naglalakad tayo ay nakasalubong mo ang is among kaibigan, si Nigel, ang palagi mong kinukwento sa akin. Nagulat naman ako, ngunit natuwa naman ako dahil finally, nakita ko na rin siya in person.

“Si Nigel, bestfriend ko.” pagpapakilala mo sa kanya sa akin.

Nasaktan ako. Hindi ko ikakaila iyon. Dahil akala ko ako ang bestfriend mo. Ngunit hindi ko na lamang binigyang-pansin iyon. Ayoko ng gawan iyon ng issue, kahit pa nasasaktan ako sa loob-loob ko. Napansin kong nagtaka si Chino at Jerica sa sinabi mo.

“Uy, halika samahan mo ako sa...” sabi ni Nigel. Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya sa’yo. Hinintay ko ang magiging sagot mo. Of course hindi siya sasama, kasi birthday ko eh. Kaya nga siya nandito, eh. Pinakalma ko ang sarili ko, dahil akala ko nago-overeact na naman ako. Confident akong hindi ka sasama sa kanya, na hindi mo iiwan ang bestfriend (ewan ko ba kung bestfriend mo talaga ako) mo sa espesyal na araw ng buhay niya.

“Sure!” walang patumpik-tumpik mong pagpayag. “Uy, sama muna ako kay Nigel. Bukas na lang.” baling mo sa akin. Tumango na lamang ako, hindi pinahalatang nabigla ako sa naging desisyon mo. Kung tatanungin mo ako, magaling akong magtago at mameke ng emosyon, kaya hindi na kataka-takang hindi ka nakahalata.

At umalis ka na nga.

Niyaya ko si Chino at si Jerica na parang walang nangyari. Naramdaman ko ang awa nila para sa akin, dahil alam kong alam nila ang nararamdaman ko dahil sa ginawa mo. Habang kumakain ay nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Chino.

“Jai (tawag nila sa akin sa school), ano ba? Bakit hindi mo siya pinigilan?” parang inis niyang tanong sa akin. “Wala naman akong magagawa, Chino.” walang gana kong pahayag. “Thanks nga pala dahil nakapunta kayo dito sa birthday ko. Kain pa kayo. Order pa kayo ng kahit ano kung bitin.” dagdag ko. “Alam kong nasasaktan ka. You can trust me.” pagcomfort sa akin ni Jerica. “I’m fine, guys. Hindi siya big deal, ok?” sabi ko.

Pero it was such a big deal... a fucking big deal.

--

Favors.

Dahil nga tinuring kitang espesyal, palagi kitang ginagawan ng mga pabor, na kahit hindi mo hinihingi ay kusa kong ginagawa. Halos lahat ng homeworks mo, mga lectures na hindi nakopya, kahit ang nasira mong dekorasyon sa classroom, na ikaw dapat ang gumawa at magpalit, ay ako ang nagpakahirap na gumawa.

Hindi naman sa nanunumbat ako, pero pakiramdam ko... after our friendship fell out... na ginamit mo lang ako. Come to think of it, wala akong nakuhang kahit ano mula sa iyo. Kapag hihingi ako ng simpleng pabor ay magagalit ka pa na parang napakalaking bagay ang hinihingi ko. Ngunit dahil nga espesyal ka para sa akin, ay hindi ako nagreklamo... siguro ay masyado akong nabulag dati.

Isang araw, pinatawag ako sa faculty room ng adviser natin. Naiwan mo daw ang test permit mo para sa entrance exam mo sa Ateneo. Bukas na ang exam, at alam kong kailangan mo iyon syempre. Alam kong nagttraining ka ng badminton sa isang court na malayo sa school natin. I tried to weigh my options, in the end... I decided na puntahan ka pa rin kahit napakalayo nito sa school at out of the way pauwi, dahil ayokong mag-alala ka at hindi mo madala ang exam permit mo para bukas.

After ng mga dalawang oras, at halos sunud-sunod na pagkakaligaw, ay narating ko na rin ang destinasyon ko. Pumasok ako sa court at hinanap kita. Nakita ko na kausap mo ang girlfriend mo habang nagpapahinga. Lumapit ako sa inyong dalawa. Binati ako ng girlfriend mo ng pagkatamis-tamis. Nahalata ko na medyo wala ka sa timpla ng mga oras na iyon.

“Nakalimutan mo.” sabi ko, sabay abot sa’yo ng test permit.

Hindi ka man lang nagpasalamat, at sa halip ay nagalit ka pa sa akin at tinanong kung bakit ako nagpunta doon ng walang paalam. Pinaalis mo ako, na siyang ginawa ko. Hindi ako sumagot, hindi ako nagreklamo, just like the usual.

Kahit lubusan akong nasaktan.

Hindi lamang iyan ang mga ginawa mong nakapagbigay sa akin ng mga sugat. Kung nababasa mo ito ngayon, ay alam kong alam mo kung anu-ano pa iyon. Hindi ko na kailangan pang ilahad dito lahat dahil baka hindi na ako matapos kung gagawin ko iyon. Oo, araw-araw mo na pinaparamdam sa akin na balewala lang ako sa buhay mo, na hindi mo ako kailangan. Come to think of it, ano nga bang nangyari sa iyo at bigla kang nagbago?

That was the start.

--

The following day, I decided to finally stop myself from doing favors for you, for being nice, at naisipan kong dumistansya na mula sa iyo. Alam kong nahalata mo ang pag-iwas ko sa iyo, at heto akong si tanga, umaasang hahabulin mo ako... pero syempre, mali ako.

Or so I thought.

One day, habang naglalakad ako pauwi ay nagulat na lamang ako nang bigla mo akong hilahin at isakay sa tricycle. Hindi ako nagsalita, dahil sadyang nalilito ako sa mga nangyayari. Bumaba tayong dalawa sa harap ng bahay mo. Sinabihan mo akong sundan ka papunta sa kwarto mo na siya kong sinunod.

“What? Kailangan ko ng umuwi. May gagawin pa ako.” walang emosyon kong sabi sa iyo.

At hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. Umiyak ka at bigla mo akong niyakap. Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero nang mga oras na iyon ay naramdaman kong bigla ang galit na nakalaan para sa iyo. “Ano ba!” nagpupumiglas na ako mula sa yakap mo, ngunit hindi ka nagpatinag at sa halip ay mas lalo mo pa itong hinigpitan.

“Bes, sorry.” at nagsimula ka ng humagulgol. Naalala kong tinitingnan lamang kita, wala akong nararamdamng awa para sa iyo, dahil masyado na akong nasaktan sa pagtrato mo sa akin nitong mga nakaraang buwan. “Sorry talaga dahil binabalewala kita. Hindi ko pala kaya na wala ka sa buhay ko, bes. Forgive me, please.” nagmamakaawa ka na noon.

“Bakit ba kasi ganyan ka? Wala naman akong ginawa sa’yo, eh.” tanong ko habang sunud-sunod na naglalabasan ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko. “Ewan ko sa’yo. Gaganunin mo ako ng walang dahilan, tapos hihingi ka ng tawad na parang walang nangyari? Tapos sasabihin mo sa akin na hindi mo ako kayang mawala sa buhay mo? TANGINA MO.” nanggagalaiti kong sabi sa’yo, bakas ang lahat ng pait mula sa boses ko.

“Gagawin ko lahat. Babawi ako.” pangako mo.

At dahil nga tanga ako, naniwala ako.

--

The next few weeks ay siguro ang pinakamagandang yugto ng pagkakaibigan natin...

Nakita ko ang effort mo na bumawi. Araw-araw ay tinetext mo ako ng good morning, tinatanong mo ako kung kumain na ako, at chine-check mo palagi kung nakauwi na ako ng bahay safely. Pati sa school ay para tayong kambal tuko na hindi mapaghiwalay. One time, naaalala ko na inakap mo pa ako habang nakapila ang mga tao bago magflag ceremony. Hindi ko inaasahang magagawa mo iyon. Sa una ay nabigla ako, ngunit tinanong ko rin ang sarili ko kung bakit hindi ako nagreklamo o kumalas, at sa halip ay hinayaan na lamang kita.

Napapansin ko rin na palagi mong hinahawakan ang kamay ko sa ilalim ng table tuwing lunch. Noong una ay pinipigilan kita, ngunit pinipilit mo ako hanggang sa nakasanayan ko na ang habit mong iyon. Napansin ko rin na mas lalo kang naging sweet. Nagulat pa nga ako nang bigyan mo ako ng stuffed toy noong Christmas party. What the fuck ‘di ba?

And then one night, I was chatting with my ex (oo, magkaibigan kami dahil hindi naman kami nagbreak on bad terms, but that’s another story) when I decided na ipakilala kita sa kanya. Natuwa naman ako, dahil nagkasundo kayong dalawa agad.

Nagpatuloy pa ang pagiging close natin dalawa hanggang sa hindi na ito nakaligtas sa mata ng mga classmates natin... at ng faculty, na siyang nagdulot sa atin ng isa sa pinakamalaking pagsubok sa pagkakaibigan natin na hindi natin nalampasan. Nagulat na lamang ako nang ipatawag ako sa guidance office isang araw. Alam ko ay wala naman akong offense na nagawa kaya sadyang nakapagtataka kung bakit ako pinatawag doon.

“May namamagitan ba sa inyo ni Chris?” tanong sa akin ni ma’am, na tila isang bomba ang pinasabog niya. “Wala po, ma’am. Bestfriends po kami.” hindi ko makapaniwalang tugon sa kanya. “Sigurado ka?” hindi pa rin siya naniniwala. “Wala po talaga ma’am.” at hindi na ako nag-effort para itago ang inis ko, na tila na-sense ni ma’am kaya naman pinalabas na niya ako ng guidance office.

Hindi pa iyon doon natigil, dahil maging ang mga kaklase natin ay tinanong ako kung ano ba talaga ang mayroon sa ating dalawa. Masyado daw tayong close. Wala daw dalawang magkaibigang lalaki na nagyayakapan, nagpapalitan ng cellphone, at may mga magkakapares na sapatos, bracelet... hindi raw iyon normal. Ngunit sa akin lang naman, wala naman talaga, eh. Alam ko na walang namamagitan sa atin, kaya bakit ako mabo-bother? Basta magkaibigan tayo, at dapat hindi natin hayaan na masira ito dahil sa mga walang kwentang issues.

Pero ako lang pala ang nakaisip noon.

Hanggang sa may malaman akong gumulantang sa akin, courtesy of my ex.

--

“Mag-usap nga tayo.” sabi mo sa akin, seryoso ang tono mo noon. Nasa bahay mo ako noon para mag-overnight. “Ako rin may sasabihin ako sa’yo.” seryoso ko ring tugon.

“Bakla ka ba?” tanong mo, at ako naman ay parang nabilaukan sa narinig ko mula sa iyo. “The fuck?! Tungkol ba ito sa mga chismis na kumakalat?!” naiinis kong sagot sa’yo. “Sagutin mo na lang ako!” pagtataas mo ng boses. “Hindi! Ano bang pumasok sa kokote mo at naisip mo ‘yan?” galit ko ng bulyaw sa’yo.

“Puta, Chris! Sa lahat ng tao ikaw ang nakakakilala sa akin! At alam mong hindi totoo ‘yan! Kaibigan kita at masakit sa akin na ikaw pa, of all people, ang magdududa sa akin!” paglalabas ko ng sama ng loob sa’yo. Nakita ko naman na medyo huminahon ka. “Sorry... akala ko lang—“ “Ano? Akala mo na ganoon ako? Tangina—“

“Ayokong ginaganon ka nila! Hindi mo ba alam na tuwing magkasama tayo lagi akong tinatanong ng mga kaibigan ko kung bakla ka ba? Nahihiya ako!” sabi niya. “Ano?! Kinahihiya mo akong maging kaibigan mo?!” hindi ko na maitago ng galit ko ang sakit na naramdaman ko mula sa narinig ko. “Bes, ayoko lang ng nakakarinig ng mga ganoong bagay tungkol sa’yo kasi hindi totoo—“

“Hindi totoo, pero tinatanong mo ako, sinisigurado mo sa akin, na hindi totoo?! Tangina, ang labo mo!” sigaw ko sa’yo. “Hoy huwag mo akong mamura-mura, matapos ng lahat ng ginawa ko sa’yo!” balik mo sa akin.

Doon na ako sumabog.

“TANGINA MO, CHRIS! Ano nga bang ginawa mo para sa akin? Yung mga sakit na binigay mo? Yung mga pagbabalewala mo sa akin? Well, sorry di pala ako nakapagpasalamat. THANK YOU!” sarkastiko kong balik sa kanya.

“Magpasalamat ka at nakakita ka ng kaibigang tulad ko! Kundi dahil sa akin wala ka ngayon!”
“Ahh, ganon pala. Oh sige. Salamat ha! Salamat dahil nagkaroon ako ng kaibigang nanliligaw ng ex ng bestfriend niya!” sigaw ko sa’yo.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha mo.

“Bes...” natameme ka.

“Ano? Akala mo hindi ko alam na sinabihan mo si Mica na mahal mo siya?! Anong akala mo sa akin? Puta, gago ka eh! Ex ng bespren mo tinatalo mo!”

“Magpapaliwanag ako...” at nahahalata ko noon na tila malapit ka ng mabasag.

I just gave you the middle finger before I left your house.

--

Graduation.

Hanggang sa matapos ang school year ay hindi kita pinapansin. Wala ka rin namang ginawang effort, eh so bakit ako magpapakatanga? Ngunit I still decided to write you a letter, a 3-page long letter, na naglalaman lahat ng pasasalamat, hinananakit, at habilin ko sa’yo.

You texted me after graduation. Sabi mo nabasa mo na ang letter ko. Sabi mo naiintindihan mo na rin ako sa wakas. Sabi mo nagsisisi ka na sa lahat ng nagawa mo sa akin. Sabi mo gusto mo ulit akong maging kaibigan. Sabi mo hindi mo kayang mawala ang bestfriend mo sa buhay mo. Sabi mo babawi ka. Sabi mo magsisimula ulit tayo.

Naghintay ako.

Pero nasaan ka na ngayon?



Wakas.
--

Whew.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung minahal ko ba talaga siya o kung ano. Pero isa lang ang sigurado ko, higit pa sa isang kaibigan ang naging pagtingin ko sa kanya. Hindi ko lang sigurado kung sapat na ba iyon para tawaging pagmamahal. Anyway, hindi naman siya ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito, pero in a sense, siguro ay siya ang nagbukas ng pinto haha.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sorry kung medyo magulo. Kung tatanungin niyo ako kung ano na ang status ng pagkakaibigan namin, I’d say wala pa ring nagbago. Hindi na kami nagparamdam sa isa’t-isa. Nakasalubong ko siya isang beses sa mall ng ‘di inaasahan. Nagpalitan na lamang kami ng ngiti, ngunit pinili kong magpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.

Oo, sobrang sakit ng mga nangyari sa aming dalawa. I don’t know kung napatawad ko na siya, dahil to be honest, ramdam ko pa rin ang mga sugat. Ngunit all I can say is that I’ve forgiven him enough for me not to care, but not enough for me to reconsider restarting our friendship.
Maraming Salamat ulit.


--

Abangan ang first chapter story ni Gab in two week’s time! ;) Hindi ko pa siya nabibigyan ng title, ngunit masasabi kong sobrang different niya sa Unexpected. Hindi siya light-hearted, na pang-PBB Teens (lol), medyo dark siya at mature. Sana ay magustuhan niyo iyon.

Nga pala, hindi ko siya tatawaging book two, dahil in a sense, separate siya sa setting ng unang series. At isa pa, very very minimal na lamang ang participation ni Josh, Matt, and Janine sa series—so new set of characters! :D Lastly, pwede itong basahin without reading Unexpected, standalone siya kaya hindi talaga siya book 2. :)

Hoping for the best. God Bless sa lahat! :D



6 comments:

  1. author, pwede malaman name mo? yung full name talaga hehehe

    btw, nice yung previous story mo na unexpected..
    looking forward sa story ni Gab.

    good luck XD

    ReplyDelete
  2. Wow! Hindi ko alam na may pinaghuhugutan ka pala, Mr. Author. Medyo malungkot but I hope naka-move-on ka na. C:

    Aabangan ko po yung next story niyo!

    ReplyDelete
  3. Wow! Hindi ko alam na may pinaghuhugutan ka pala, Mr. Author. Medyo malungkot but I hope naka-move-on ka na. C:

    Aabangan ko po yung next story niyo!

    ReplyDelete
  4. Wow! Hindi ko alam na may pinaghuhugutan ka pala, Mr. Author. Medyo malungkot but I hope naka-move-on ka na. C:

    Aabangan ko po yung next story niyo!

    ReplyDelete
  5. What if mabasa ito ni CHRIS, ano kaya ang masasabi nia? Nakarelate ako, I have a similar experience but not exactly the same. Salamat sa pagshare. Napakaganda ng pagkakasalaysay.

    ReplyDelete
  6. Whoa! I'd say this is one gorgeous narration. I haven't read Unexpected, but I can tell through this na magaling kang story teller. Haven't read in a while ng mga stories dito, but this one is really special.

    Ahrael

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails