Followers

Wednesday, September 11, 2013

MUMU Sa Library 7 & 8

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
Part 7
Kaiicen's Point of view:
Recess time,dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng soda at biscuit,diba nga mayang lunch pa daw ako ililibre ni Gero?
Haay grabe ang isang yon,kahit tumanggi ka ipipilit pa din ang gusto,ayaw ko pa naman ng ganun,baka isipin ng mga tao gold digger pa ako,lalo pa ngayon na sigurado akong alam na ng lahat na kina Gero ako nakatira.
Ewan ko ba at dito ako sa school na to napunta,iginapang lang ni Naynay pagpasok ko dito. Pang mayaman talaga dito,diba sabi ko nga kahit lower section mayayaman? Kaya hindi talaga maiwasang maapi ako,pero tulad ng sabi ko kina Mikoy at Gero sanay na ako,konting tiis na lang din naman makaka alis na ako dito once na maka graduate na ako.

Ng makabili na ako ay pumunta ako sa botanical garden,dun ko kakainin itong biscuit habang binabasa yung lintik na Araling Panlipunan Book!
Pagdating sa garden naupo na ako sa isang sementadong bench,nilibas ang libro at binuksan sa pahina kung saan ako natapos magbasa kagabi,at nagsimula na din akong kumain.
"Tingnan mo nga naman! Dito na kumakain ang baklang hampaslupa na ngayon ay inuuto na si Montenegro" sabi ng isang boses ng lalaki.
"Sigurado ako tol,kinulam ng baklang iyan si Montenegro" sabi ng isa pang boses.
"Malamang! Ang mga baklang hampaslupa daw ay may mga itim na salamangka" sabi ng ikatlong boses.
Nagpanting ang tenga ko,ibinalik ko ang libro sa bag,inubos ang softdrink saka sila hinarap.
"Excuse me?! Sino kayo para pagsalitaan ako ng kung anu-ano?!" galit kong sabi,kung umuusok lang ang ilong at tenga panigurado umuusok na ang akin sa galit.
"Aba! Matapang!!" sabi nung isa at lumapit sakin,medyo nakaramdam ako ng takot kaya napa atras ako.
"Kaya mo na sarili mo? Kaya na ba ng buto at bao mo ang kamao ko?" anito at kinwelyuhan ako. Matangkad sya sa akin kaya pakiramdam ko ay umangat ako sa ere.
"B-bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya,bigla syang ngumisi at naramdaman ko na lang ang kamao nya sa sikmura ko. Bumagsak ako sa lapag,kinapos ako ng hangin,nanigas ang sikmura ko.
"Kala mo uubra ka?" "Matututo na yan tol!" dinig kong sabi nung isa.
"Hoy! Nakita namin yung ginawa nyo! Gusto nyong maguidance?" sabi ng isang boses.
"O pwede din namang kami na lang labanan nyo,huwag kayong pumapatol sa hindi kayo kaya" sabi naman ng isa pang boses,kaya nag angat ako ng tingin,dalawang gwapong lalaki at isang magandang babae,kilala ko sila sa mukha,section B sila,semi-pilot.
"Tara na tol baka isumbong nga tayo ng mga sipsip na yan!" sabi nung kasamahan nung sumuntok sa akin at dali daling umalis.
"Okay ka lang ba?" ani ng babae ng makalapit sa akin at inalalayan akong makaupo si bench.
"O-oo,salamat" pilit ang ngiting sabi ko at tiningnan silang tatlo. "Sa susunod na apihin ka ng tatlong pangit na yon sabihin mo lang samin" sabi ng isang lalaki,gwapo sya, mala boy next door ang datingan.
"At pagtutulungan natin silang bugbugin!"segunda nung isang lalaki na gwapo din,mala heartrob naman ang datingan,at yung babae pang beauty queen.
Napangiti naman ako sa sinabi nila,bukod kina Mikoy at Gero may mga mababait pa pala dito sa school na ito.
"Salamat ulit,ako nga pala si Kaiicen Andrada,pero Kaii ang tawag sakin" pagpapakilala ko,umupo sa tabi ko yung babae,at yung dalawang lalaki naupo sa kaharap na bench.
"We know you,youre quite famous,Mumu sa library hihi! Oh boy akala ko nag iimbento lang si Manong Janitor" sabi nung babae na ikinagulat ko.
O_O
"Oh nice meeting you,Im Francisca Baylon you can call me--"
"Kikay! Yan ang palayaw nya mula nung bata pa kami,Im Ian Concepcion,just call me--" ani nung heartrob pero pinutol nung Kikay.
"Butchoy! That's his nickname haha!" Ang weird ng pangalan ng mga to?
May mga mayaman palang kakaiba ang palayaw? O_o
"At ako si Cooper Roise Gatchalian,just call me--" sabi nung boy next door pero pinutol nina Kikay at Butchoy.
"Kokoy!" At dun tumawa na ako,ang kulit lang ng tatlong to,parang wala lang nangyari kanina. At yun nga kinwento nila kung bakit yun mga palayaw nila,bata palang daw sila ay magkakaibigan na sila pati mga magulang nila na hindi pa mayaman noon,nag invest daw at nagsosyo sa negosyo mga magulang nila kaya sila yumaman.
Sinabi din nila ni kaibigan nila sina Gero at Mikoy dahil yung dalawang yun lang daw ata ang palakaibigan sa pilot. Medyo madami din kaming napag usapan ng mapansin kong malapit ng matapos ang recess,kaya sabay sabay na naming tinungo ang building namin.
Masaya ako na nadagdagan ang circle of friends ko,napatunayan ko din na hindi lahat ay may pangit na ugali at aapihin ka dahil sa estado mo sa buhay,parang ginanahan ako na hindi ko maintindihan,kaya sumapit ang lunch na hindi ko man lang naramdaman,at hindi ko man lang malalaman na sinusundo na pala ako ni Gero kung hindi pa nagkakandirit at nagtitili mga kaklase ko na parang mga manok.
Lumabas na ako at nilapitan si Gero.
"Masama ka sa kalusugan ng mga kaklase kong babae,mga biglang nawawala sa sarili pag nakikita ka" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa hagdan.
"Ganun talaga,gwapo eh,ikaw ba hindi nawawala sa sarili pag nakikita ako?" nakangisi nyang sabi. Ang tindi ng fighting spirit diba?
"Bakit parang lumakas ang hangin at lumamig?" kunway sabi ko at niyakap ang sarili habang pababa kami sa hagdan,tumawa lang naman ang mumu =__=
"Haha! Ikaw talaga Kaii! O kamusta ang pag aaral?" aniya.
"Okay naman, hoy! Nga pala,pinagkakalat na ni Manong janitor na mumu daw tayo sa library" sagot ko sa kanya.
"Pano mo nasabi?" taka nyang tanong,nasa labas na kami ngayon ng building.
"Nakilala ko mga kaibigan mo sina Kikay,Butchoy at Kokoy na pinagkwentuhan ni Manong janitor" sagot ko,at tumawa lang ulit sya.
"Mabait mga yun,papakilala nga dapat kita sa kanila,kaso nagkakilala na pala kayo,tara dito" sabi nya sabay hila sa akin palabas ng campus.
"T-teka?! Kala ko ba kakain tayo? Hindi dyan ang daan papuntang cafeteria!" taka kong sabi at sumabay sa paglakad dahil kung hindi,panigurado masusubsob ako.
"Oo nga,sa labas tayo mag lunch" lingon nya sa akin at kumindat.
Tingnan mo tong mumu na to,nagiging mannerism na nya ang pagkindat! Akala naman nya, hindi ako kinikilig? XD
Lumingon ako,at tama nga ang hinala ko,sinusundan ako ng tingin ng mga estudyante. Ganun talaga kababa ang tingin nila sa akin?
"Huwag mo silang intindihin,ngayon lang yan,pero dadating ang araw titingalain ka ng mga yan" aniya at nagpara ng taxi.
Anong sinasabi nya?
Nagkibit balikat na lang ako,at pumasok na kami sa back seat ng taxi. May sinabing lugar si Gero pero hindi ko alam kung saan iyon.
"Pwede mo ng bitawan ang kamay ko" pagpansin ko kasi hindi ko din naramdamang magkahawak pa din pala kami ng kamay.
"Ay! Sorry! Nakalimutan ko"
"Tse!"
Part 8
Kaiicen's Point of view:
Napanganga ako ng bumaba kami sa tapat ng isang magarang restaurant na ang pangalan ay P2 RESTAURANT.
Napalunok ako ng ilang ulit at saka bumaling kay Gero.
"D-dyan tayo kakain?"
"yup! Tara na sa loob para hindi tayo ma-late pagbalik sa school" masaya nyang sabi at hinawakan ulit ako sa kamay at pumasok na kami sa loob.
"Good afternoon Sir,Maam?" salubong ng waiter sa amin na hindi naman mukhang waiter! Mukha pa nga syang model!
"May bakante pa po ba?" tanong dito ni Gero.
"This way Sir" at iginiya kami ng gwapong waiter sa isang magandang pwesto,tabi ng glass wall,kitang kita mo yung labas eh.
"May I take your order's Sir,Maam" anito at ibinigay ang menu.
Tiningnan ko ang menu at parang gusto ko na maiyak sa presyo ng pagkain,nakakapanglambot para sa isang tulad ko. Iniabot ko sa waiter ang menu.
"Ahm.. Gero ikaw na lang pumili para sa akin,hindi ako makapili eh" sabi ko.
"Ganun ba? Okay" sagot nya at sinabi na sa waiter ang order namin at umalis na ito.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng restaurant,napaka ganda,napaka cozy,ngayon lang ako nakapasok ng ganito,kadalasan sa mga turo-turo at karenderya lang kami kumakain ni Naynay eh.
"Nagustuhan mo ba ang lugar?" naka ngiting sabi ni Gero.
"Oo,Ang ganda dito,kaya lang pamatay ang presyo ng pagkain,sana nag Mcdo o Jollibee na lang tayo" sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman at nagustuhan mo,at masarap din ang mga pagkain dito"
"Mukha nga,naku matutuwa si Naynay pag kinwento ko to sa kanya"
"Next time isama na natin si Naynay para masaya" aniya.
"Talaga? Wow! Masaya nga iyon" sabi ko
"ayan na order natin" dagdag ko ng mapansing palapit na ang waiter.
Ano kayang nakain nito ni Gero? Grabe lang ang pagiging mabait nya sa akin,hindi ko tuloy malaman kung paano ko sya masusuklian sa kabaitan nya at ng pamilya nya. Pagkatapos mailapag ng waiter ang mga order namin ay nagpaalam na din ito at umalis.
Muli tiningnan ko ang paligid,marami rami din ang kumakain,halatang mabenta ang restaurant na ito,pati mga waiter at waitress magaganda,panghatak din siguro sa mga tao. Nagsimula na kaming kumain. Una kong tinikman ang chopseuy.
"Wow! Ang sarap nga! Kakaiba!" maligalig kong sabi,humagikgik naman si Gero kaya tiningnan ko sya.
"I told you,sige kain na" aniya at ibinalik ko ang atensyon sa pagkain.
First time ko sa ganito kaya dapat ay sinusulit diba?
Dalawang minuto na akong kumakain ng mapansin kong parang ang tahimik ni Gero kaya nag angat ako ng tingin para makita sya. Nakatitig lang sya sa akin.
"Bakit? Kakain ka ba o tititigan mo lang ako? Hindi ka mabubusog nyan boy" tanong at biro ko sa kanya.
"Yang kwintas mo na may pendant,san galing yan?" bagkus ay sabi nya kaya tumigil ako sa pagkain.
"Ito?"
hinawakan ko yung pendant
"Sabi ni Naynay ng ibigay daw ako sa kanya nung baby pa lang ako ay naka kwintas na daw ito sa akin,may letter 'K' daw kaya Kaiicen ang ipinangalan nya sa akin" dagdag ko pa.
Hindi naman kasi inilihim sa akin ni Naynay na ampon lang nya ako,kaya lang hindi na ako naging mausisa habang lumalaki ako dahil kuntento na ako kay Naynay,at ang kwintas na ito na lang din daw ang tanging meron ako mula sa mga magulang ko.
"Ah.. I see..Hindi mo ba sinubukang alamin kung sino mga tunay mong magulang?" umiling ako bilang sagot,muli kong ibinalik ang atensyon sa pagkain para hindi na sya magtanong,kasi wala na din naman akong isasagot.
Muli syang nagsalita at nadivert na ang usapan namin,naging light na,puro biruan,at aaminin ko,habang tumatagal eh nag e-enjoy na ako talagang kausap at kasama si Gero,hindi ko na din maintindihan kung anong nararamdaman ko,basta ang mahalaga,masaya ako. Sakto 1pm ay naka balik kami sa school,may 15minutes pa bago magsimula ang sunod na klase, three subjects na lang at uwian na.
As usual pinupukol na naman ako ng masasamang tingin na may kasamang bulungan. Hinatid ako ni Gero hanggang sa room at sinabing hintayin ko sya mamaya,syempre sabay kaming pauwi,sa iisang bahay kami nakatira eh! Ay hindi pala,magkahiwalay ng labin limang hakbang ang mga bahay namin haha!
Pagkapasok sa room ay sinalubong agad ako ng mga Usi,panay tanong ng kung anu-ano na sinagot ko din ng kung anu-ano,patas lang diba? Para kwits! ^o^
Sumapit nga ang uwian,nagulat pa ako na nasa tapat ng room namin si Gero kasama sina Mikoy,Kikay,Butchoy at Kokoy mga nagtatawanan.
Nakatingin lang ako sa kanila dito sa bintana habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag. Lumabas na ako at lumapit na sa kanila at binati sila,pinag uusapan pala nila na tumambay daw ngayon kina Gero,natuwa naman ako dahil makakasama ko sila,mas makakapag bonding kami.
Kumindat at ngumiti pa si Gero sa akin bago kami sabay sabay na bumaba. Nagiging habbit na nya ang pagkindat sa akin huh?
At ako naman nakakaramdam ng kakaibang kiliti,ang weird lang.
Pagkadating sa bahay ay dumiretso sina Gero sa kwarto nya,ako naman ay sa quarters namin,wala si Naynay,nasa mansyon siguro,pumasok na ako sa kwarto ko,nagpalit ng pambahay at naghulog sa alkansya,pinag iipunan ko kasi ang birthday ni Naynay,sa isang linggo na yon,balak kong regaluhan sya ng damit.
Kinuha ko ang libro na lagi kong binabasa at lumabas na,nakita ako ni kuya Zander at sinabing pinapasunod daw ako ni Gero sa kwarto nya kaya tumalima na ako.
 ----- Kinabukasan,syempre,sabay ulit kami ni Gero,medyo sanay na ako. Ng makababa kami sa tapat ng gate ng school ay nagkakagulo ang mga estudyante. "Anong meron?" taka kong sabi.
"Tara magtanong tayo" sabi ni Gero at hinila ako palapit sa kumpulan ng mga babaeng estudyante na nagkakagulo.
"Excuse me Miss,anong meron?" kalabit ko sa isang babae,hinarap ako nito at tinaasan ng kilay, ba? Baka bunutin ko kilay mong bruha ka!
"Nag transfer dito ang isa sa mga apo ng mga Ongpauco! Gosh ang gwapo nya!" anito na kinikilig at tumalikod ulit.
Tss! Yun lang? Ano ba tong mga babaeng to? Napalingon ako kay Gero,parang bigla syang naging malalim ang iniisip.
"Gero?" pukaw ko sa kanya.
Nilingon nya ako at ngumiti,wow! Ang bilis magpalit ng ekspresyon.
"Tara na" hawak pa din nya ang kamay ko at walang imik na nakipag siksikan kami sa mga babaeng ito na parang nilagyan ng asin!
Parang mga kiti kiti, pag nakikita naman nilang si Gero ang dumadaan ay nagbibigay daan sila, para ano pa at isa si Gero sa Campus Heartrob,nalilipat sa kanya ang atensyon ng mga babae.
Malapit na kaming makalampas sa kumpol nila ng may humablot sakin at mapabitaw ako sa pagkakahawak ni Gero. Shit! Biglang may tumulak at sumipa sa akin na ikinagulat ko,pag angat ko ng tingin sa akin na sila nakatingin lahat.
"Ambisyosang bakla!"
"Nakikisiksik ka din dito para makita si Kheem Paul ano?"
"Hampaslupa!" at muli may tumadyak sa akin,napasadsad ako.
Wala ako balak lumaban,ngayon pa nga lang kinukuyog na ako eh. Sinubukan kong tumayo pero masakit mga tuhod ko,mukhang napuruhan at nagasgasan,nalasahan ko din ang dugo sa labi ko,hindi ko siguro sinasadyang makagat.
Pinilit ko pa ding tumayo, pag tayo ko ay nabunggo naman ako kaya na out of balance ako at napa upo.
Shootengene! Pag minamalas ka nga naman!
Napatingin ako sa naka bunggo sa akin,matangkad,mga kasing tangkad ni Gero,gwapo din talaga,hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba. Napansin kong may kwintas sya, at may pendant na gaya ng sa akin!
Nakatingin sya sa akin at wala atang balak na tulungan ako kaya sinubukan ko uling tumayo habang nagtatawanan ang mga mangkukulam at mambabarang na naka paligid sa akin.
"Paraan ako! Tumabi kayo! Alis!" boses yon ni Gero!
Humawak ang mga impakta at lumabas si Gero,mukhang nagulat ito ng makita ako at agad lumapit at inalalayan akong tumayo. Ng mga oras na yon gusto ko na lang umiyak eh.
"Ano bang ginawa nyo kay Kaii?!? Magsi alis nga kayo sa paningin ko! Layas!!" sigaw ni Gero habang halos yakap na nya ako.
Napatingin ako dun sa naka bunggo ko,nakatingin pa din sya sa akin. "Tara,dadalhin kita sa clinic,nag alala ako ng hindi na pala kita hawak" ani Gero habang inaalalayan akong maglakad paalis sa lugar na iyon.



To Be Continued

4 comments:

  1. salamat po sa update.....


    next chapter pls.......

    joe.....

    ReplyDelete
  2. ganda lng talaga asset ng bida...... di na nga magaling di pa lumalaban....... haissssttttt... a total weakling.... hope youll survive the cruel world.....

    ReplyDelete
  3. Thank you po sa mga comment nyo.there's more to come :3

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails