By Aparador Prince
Kakauwi lang ni
Arran mula sa trabaho nang mapansin niyang walang tao sa bahay nila. Madalas
namang nasa opisina din ang kanyang mommy bilang manager ng isang bangko, kaya
sanay na siyang wala sa bahay ito. Ang kapatid naman niya ay nasa isa sa
tatlong madalas na pinupuntahan nito, bahay ng barkada niya, sa mall, o nasa
salon.
TL si Arran sa
isang call center sa Makati. Madalas na maganda ang performance ng kanyang team
kaya palagi niyang nakukuha ang magagandang shift sa opisina. Kung hindi
morning shift ay mid-shift ang pasok kaya halos normal pa rin ang takbo ng
buhay niya kahit sa call center siya nagtratrabaho.
Hinubad ni Arran
ang sapatos at umakyat ng hagdan papunta sa kwarto niya. Nagulat na lamang siya
nang madatnan sa kwarto niya ang kanyang kapatid na pinapakialaman ang toolbox
sa ilalim ng kama niya. Napatingin din si Ashley sa kanya, at nagulat.
“HOY! UMALIS KA NGA
SA KWARTO KO!” sigaw nito sa nakababatang kapatid. Obvious naman na hinahanap
nito ang ebidensiya na pwedeng gamitin ni Arran na pang-blackmail sa kanya.
Agad na tumayo si Ashley nang akmang susugurin na siya ng kapatid.
“Nasaan na yun
kuya?!” pagdadabog ni Ashley sa kapatid.
“Syempre tinago ko
na. Gamitin mo nga ‘yang kukote mo minsan. Lumiliit na yata ang utak mo sa
kakakulay mo ng buhok.” Sagot naman ni Arran at kinaltukan ang kapatid. Agad
naman siyang tinulak ni Ashley palayo.
“Aray! Sasabihin ko
talaga kay mommy na bading ka. Lagot kang bakla ka.” Pagbabanta ng dalaga kay
Arran. Matalim ang tingin nito sa kapatid.
“Edi sabihin mo.
Tutal sooner or later, malalaman din ni mommy na buntis kang haliparot ka.
Layas!” sagot naman ni Arran, nakangiti pa. Bigla-bigla niyang itinulak niya ng
malakas ang pinto ng kwarto.
“PESTE KA!” narinig
pa niyang sigaw ng kapatid sa labas. Hinayaan na lang ito ni Arran, at agad na
nagpalit ng damit at nahiga sa kama upang makapagpahinga na. He’s been stressed
out at work lately, although he could not lay a finger on what he really feels.
Nagpapasalamat siyang rest day na niya ngunit heto at dinagdagan pa ng kapatid
niya ang stress pag-uwi sa bahay. All he needs is a place to rest, and right
now, his room is the only place that he can do that. Agad na nakatulog si Arran
sa pagod at sa kakulitan ng kapatid niya.
Nagising siya sa malalakas
na katok sa kanyang pinto kinabukasan. “Arran! Arran, gumising ka nga dyan!”
Agad siyang umupo sa gilid ng kama, at masama ang gising. Ayaw pa naman niyang
iniistorbo siya sa pagtulog niya. Ang kanyang mommy ang kumakatok, pinagbuksan
niya ito.
“Ano yung sinasabi
ni Ashley sa akin? May picture ka daw sa bar na nakikipaghalikan… sa lalaki?
Bumaba ka nga at mag-usap tayong tatlo.” Mahinahon ngunit seryosong sabi ni
Rina sa anak. Napakamot na lang ng ulo si Arran at sumunod sa kanyang ina sa
pagbaba. Nakita niya ang kanyang kapatid na nakaupo sa sofa at nakangiti.
“I told you, mom.
Kuya is kissing another guy. He’s definitely gay.” Agad na simula ni Ashley
nang makaupo ang dalawa sa katapat na sofa. Agad niyang kinuha ang tablet niya
at iniabot sa ina, laman nito ang ilang litrato na kuha sa isang bar dalawang
lingo na ang nakaraan. Kasama ni Arran ang kanyang date na si Uno – isang
freelance ramp model. The two have been dating for almost a month, and Arran is
on the verge of having a relationship with the latter.
Agad na tiningnan
ni Rina ang mga litrato, ngunit tila wala namang emosyon na rumehistro sa mukha
nito. “Arran…” panimula niya. Ngunit nakita niyang matalim na ang tingin ni
Arran sa kanyang kapatid.
Tumayo si Arran
mula sa kanyang pagkakaupo, “That’s it, woman! Talagang ginagalit mo ako, you
son of a bi – “
“Watch your
language, mister.” Sermon naman ni Rina sa panganay.
Arran grunted
loudly and stormed out of the living room, going upstairs. He couldn’t tolerate
his sister’s attitude. To think na siya pa ang nag-out sa kanya. Patakbo siyang
umakyat sa kwarto. Laglagan pala ha,
tingnan lang natin, ang nasa isip niya.
Agad niyang kinuha
ang travelling bag niya at nagsaksak ng mga damit at iba pang mga gamit niya. Tutuloy
muna siya sa condo ni Uno, tutal ilang beses na rin siyang inalok nito na doon
na tumira nang minsang ma-open up ni Arran ang sitwasyon sa bahay nila.
“Arran, bumaba ka
rito. We have to talk.” Naririnig pa niya ang kanyang mommy na nagsalita habang
nag-eempake siya. “Saglit lang, ‘my. May kukunin lang ako.” Sigaw naman niya
pabalik.
Hindi niya
nakalimutang kunin ang pregnancy test kit na itinago niya sa isa sa kanyang
lumang sapatos. Agad din siyang bumaba matapos i-lock ang kwarto niya.
“Where are you
going?” tanong agad ng kanyang ina, na hindi naman sinagot ni Arran.
“He’s probably
going to his boyfriend, mommy.” Inis na sabad naman ni Ashley habang
tinitingnan niya ang kapatid niya.
Tumigil si Arran sa
paglalakad, sa gitna ng kanyang ina at kapatid. “You’re right, dear sister. I
am going to my boyfriend’s condo. You should be doing the same.” Seryosong
sagot niya.
Lalo lamang
naguluhan si Rina sa nangyayari. Sanay na siyang nag-aasaran ang dalawa ngunit
iba na ang sitwasyon ngayon. “What do you mean, Arran?” tanong niya.
“Ashley is
pregnant, and here’s the evidence.” Tugon ni Arran, at inilapag sa mesa ang
ebidensiya niya – ang pregnancy test kit na positive. Nanlaki ang mata ni Rina
sa nakita.
“What is the
meaning of this, Ashley?! Sino ang ama ng dinadala mo?” Nagtaas ang boses ni
Rina sa anak.
“Relax ka lang
mommy, baka malaglag ang baby ni Ashley. Oh pa’no sis, sisibat na ako.”
Nakangiti niyang sabi sa dalawa. Dinampot niyang muli ang kanyang bag at
nagsimulang maglakad palabas ng pinto.
“Arran, saan ka pupunta?”
concerned na tanong ng kanyang ina.
“Somewhere far from
that woman.” Sagot niya, at tinuro si Ashley. “We’ll talk soon, mom.” Tugon pa
niya, at tuluyang isinara ang pinto.
Agad na sumakay si
Arran sa kanyang kotse, isang kulay asul na Civic. Si Brownie, ang kanyang
kotse, ang unang pinaghirapang bilhin ni Arran mula nang magtrabaho siya walong
taon na ang nakaraan. At age 26, Brownie is still the only expensive thing he
ever bought. Yung ibang tao, nakapagpagpundar na ng sariling bahay, ngunit ang kanyang
kotse pa rin lang ang napag-ipunan.
Humarurot ang kotse
ni Arran palabas ng bahay nila sa San Juan, patungo sa unit ni Uno sa Ortigas.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
“Buti na lang
talaga at adobo ang ulam nyo. Masarap talaga magluto si Tita Fe. Kaso mas
masarap sana kung fried chicken ang pagkain.” Komento ni Ran-ran matapos
makapananghalian kasama si Biboy at Aling Fe. Lunes noon, at nasa trabaho ang
mommy ni Ran-ran. Natatawa naman ang huli sa tinuran ng anim na taong bata.
Nalaman kasi ni
Ran-ran na nagluto ang kanyang mommy ng chopsuey noong araw na ‘yon kaya naman
agad siyang nagpalusot upang doon na kina Biboy kumain. Isang linggo na lang
ang natitira at magsisimula na ulit ang pasukan sa eskwela.
“Ikaw talaga
Ran-ran, humirit ka pa. O sige, magsabi ka kung kailan ka magtatanghalian dito
para makapagluto naman ako ng fried chicken.” Malumanay na sagot naman ni Aling
Fe, habang humahagikgik din si Biboy na katabi niya.
Tumayo na si Biboy
mula sa upuan, at sinimulang iligpit ang mga pinagkainan. Kahit na siyam na
taon pa lamang ito ay tinuruan na siya ng kanyang ina na maging masinop at
matuto sa gawaing-bahay. “Masarap talagang magluto si Mama. Gusto ko nga
paglaki ko masarap din ako magluto.” Tugon niya.
Akmang ililigpit na
rin ni Ran-ran ang kanyang pinagkainan ngunit hinawakan siya ni Biboy sa braso.
“Hep hep. Ako na ang magliligpit.” Sabi niya sa nakatingin na kalaro. Si Aling
Fe naman ay nagsalita na rin. “Hayaan mo na kasi si Ran-ran, turuan mo din siya
sa gawaing bahay. Malaki na rin naman siya.”
“Oo nga Biboy,
hanggang tenga mo na nga ako oh!” Tumayo si Ran-ran at sinukat ang tangkad nila
ni Biboy. Tumitingkayad pa siya upang mas maging malapit ang pagitan nilang
dalawa, ngunit ginawa din ito ni Biboy kaya bumalik hanggang tenga ang tangkad
niya sa kalaro.
Napasimangot naman
si Ran-ran sa ginawa ni Biboy. “Kapag ako tumangkad kaysa sa’yo, hindi na kita
kakausapin kahit kailan.” Banta nito sa kalaro. “Hindi na tayo bati.”
Tumawa naman si
Biboy sa narinig at agad na ginulo ang buhok ni Ran-ran. “Ibig sabihin n’un,
matagal pa tayong magiging magkaibigan. Kasi mas matangkad pa rin ako kaysa
sa’yo.” Saad nito, na lalong nagpagusot sa mukha ng kalaro.
“Tama na yan.
Biboy, turuan mo na si Ran-ran kung paano magligpit ng mga plato. Ako na ang
maghuhugas ng pinggan. Punasan niyo na lang ang mesa tapos magsiesta na kayo.”
Natatawang sabi ni Aling Fe, habang inaayos ang mga upuan.
Agad namang
tumalima ang dalawang bata. Nang makalayo ang ina ni Biboy, agad na bumulong si
Ran-ran sa kaibigan. “Ayokong matulog sa tanghali.”
“Narinig ko ‘yun,
Ran-ran. Paano ka tatangkad kung hindi ka matutulog sa tanghali?” sagot naman
ni Aling Fe mula sa kusina, at sumilip pa sa dalawa. “Sige, babantayan ko
kayong dalawa matulog mamaya.” Sabi nito, at agad na bumalik sa kusina.
Siniko naman ni
Biboy si Ran-ran. “Ikaw naman kasi eh, sinabi mo pa yun. Ayoko nga din matulog
eh, gusto ko manuod nung Valiente.
‘Yan tuloy…” nakamangot na sabi nito sa kalaro.
Biglang napatungo
si Ran-ran nang marinig ang kaibigan. “Ay, matutulog na lang ako. Ayoko nung Valiente. Nakakatakot yun eh.”
“Ha? Hindi naman
ah!”
“Nakakatakot. Yung
may sumisigaw sa simula. Basta, hindi mo bubuksan yung TV nyo ha?” nakangiting
turan ni Ran-ran, at lumabas ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi.
Napangiti na rin si Biboy. Itinuloy ng dalawa ang pagpupunas ng mesa.
Katulad ng
napag-usapan, naglatag na ng banig si Aling Fe at pinagsiesta ang dalawang
bata. Agad na nakatulog si Biboy ngunit si Ran-ran ay gising pa rin. Nakapikit
lamang ito at paminsan-minsan ay sumisilip sa kinauupuan ng ina ng kalaro.
Natatakpan ng binabasang Liwayway ang
mukha ni Aling Fe.
“Ran-ran, matulog
na.” maikling paalala nito sa bata.
“Pano naman po ako
matutulog, eh may araw pa. Di’ba po, sa gabi lang natutulog ang tao?” tanong ni
Ran-ran kahit nakapikit pa ito.
“Maiintindihan mo
rin ako paglaki mo Ran-ran. Maiisip mo na tama ang sinabi ko na kailangan
matulog sa tanghali. Kasi tatangkad ka.” Paliwanag naman ni Aling Fe.
Nagmulat ng mata habang
nag-isip ng palusot si Ran-ran. “Pinapainom naman po ako ni mommy ng Ceelin. Sabi niya, tatangkad daw ako dun
saka lulusog.”
“Tingnan mo nga si
Biboy, tulog na. Bakit di ka gumaya? Pag huli ka na natulog, mauunahan ka ni
Biboy magising. Ibig sabihin, mas marami siyang oras para maglaro sa labas.
Gusto mo ba yun?”
Umiling lang si
Ran-ran at pumikit ulit. Ilang sandali lamang ay nakatulog na rin ito. Nang
matiyak naman ni Aling Fe na nahihimbing na ang dalawang bata ay marahan siyang
naglakad papunta sa kusina at nagsimulang maghanda ng lulutuing turon.
Alas tres-y-media
nagising si Biboy, at dalawampung minuto naman sumunod si Ran-ran. Tahimik na
dumirecho ang dalawang bata sa kusina.
“Oh, gising na pala
kayo. May niluto akong merienda nyo, kain na!” ang masiglang bati ni Aling Fe
sa dalawa. Tiningnan lamang siya ni Ran-ran at halatang inaantok pa. Si Biboy
naman umupo na at nagsimulang kumain ng turon.
“Ran-ran, upo ka na
din.” Sabi ni Biboy habang hinihila ang upuan na kalapit niya. Kinukusot-kusot
pa ng kalaro ang mata ngunit umupo na rin ito at nagsimulang kumain.
Matapos nilang
magmerienda ay lumabas na sila upang makipaglaro pa sa ibang bata. Maya-maya ay
napatingin ang isang kalaro na si Tin-tin sa kanyang Baby-G na relo. Napangisi siya.
“4:30 na!”
Agad namang tumigil
sa paglalaro ang lahat ng bata at sumagot ng koro.
“Ang TV na!”
Matapos nito ay
kanya-kanya na silang takbo pauwi sa mga bahay. Si Ran-ran at Biboy naman ay
bumalik sa bahay ng huli. Nasa opisina pa kasi ang kanyang mommy at nasa day
care naman ang nakababatang kapatid na si Ashley, kaya di pa siya pwedeng
umuwi.
Malakas ang tawanan
ng dalawa habang pinapanuod ang programa. Matapos nito ay ini-off na ang TV at
nagpatuloy sa paglalaro sa labas. Maya-maya ay dumating na si Rina mula sa
trabaho, dumirecho siya sa bahay nila Fe. Agad naman siyang pinapasok ng huli
at pinaupo sa sala.
“Mare, salamat
talaga at binabantayan mo din si Ran-ran ha? Wala na kasi akong pambayad kung
maghahanap pa ako ng yaya. Wala pa akong isang taon sa trabaho.” Paumanhin ni
Rina sa kapitbahay na naging kaibigan na rin niya.
Natatawa si Fe sa
tinuturan ni Rina. “Naku, huwag mo nang isipin yun. Parang anak ko na rin ‘yang
si Ran-ran. Medyo makulit at matanong pero napagsasabihan naman.”
“Kaso, may sasabihin
ako…” malungkot na sabi ni Rina. “Kailangan na naming lumipat sa Maynila kasi
ako yung napili ng bangko na ipadala sa bago nilang branch. Assistant Manager
na ako, sayang naman ang chance kung hindi ko tatanggapin.”
“Naku congrats,
mare. Kaso, alam na ba ni Ran-ran?” nag-aalalang tanong ni Fe. Alam niyang
malulungkot ang bata dahil malalayo na siya sa kinasanayan niyang lugar.
“Hindi pa nga eh.
Kailangan na naming lumipat bago mag matapos ang June. Naayos na kasi yung
uupahan naming apartment doon. Kapag nakaluwag-luwag, baka makabili na ako ng
lote.”
“Basta huwag kang
makakalimot na dumalaw dito. Ipasyal mo si Ran-ran, at siguradong mamimiss siya
ng anak ko.” Nakangiting sabi ni Fe. Nag-iisip na siya kung paano niya
sasabihin sa anak na lilipat na ng bahay ang paborito nitong kalaro.
nakakabitin naman, hehe. w8 nlng uli ng nxt update.
ReplyDeleterhon
ganun talaga. salamat sa pagbabasa rhon :)
Deletebiboy and Uno..... laabang abang........
ReplyDeletesalamat sa pagbabasa patryck ;)
Deleteahay.. kaikli nga ng chapter na to. medyo wala ganong dating.
ReplyDeleteahehe..
pero salamat!
looking forward for d next chapter.
for sure nakakakilig ang susunod. ^^,
This comment has been removed by the author.
DeleteSorry naman ferds, mas okay kapag na-dedevelop ng maayos ang istorya. para hindi rush ;) pero salamat sa pagbabasa. weee~
DeleteWow.. Update na please :D...
ReplyDeleteIsa na naman to sa pinakamagandang story dito
~JACK
naku nakakaflatter naman Jack. salamat sa pagbabasa. weeee~
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNice nice nice... Isa na naman to sa aabangan ko lagi :-)
ReplyDeletesalamat pj! abangan ang sunod na update.
DeleteGanda ng story na ito at ayos bawat detalye ng kwento...thanks author
ReplyDeleteRandzmesia
Salamat Randz :)
Delete4:30 na ANG TV na ! Hahahaha
ReplyDeleteKainis ung kapatid sarap sabunutan...
More updates please :)))
Hi Raffy. Huwag mainis kay Ashley, ganyan talaga ang mga kapatid. Sakit sa ulo madalas.
Delete4:30 na! ANG TV na! hahahahaha...kapanahunan talaga.. my elementary days :))))
ReplyDeleteMaganda ang story sana po may updates hanggang matapos ang kwento
Haha panahon natin yan. Hahaha. Gio Alvarez!!!
DeleteI love the story...
ReplyDelete- gavi
Thanks gavi! I'll try to do my best para maging magnda yung story..
Deleteoh my... how i wish may kasunod agad...
ReplyDeletegive me enough time para mag-update kuya anon. hehe :) pero gagawin ko namang regular ang post. salamat sa pagbabasa!
DeleteMaganda yung story...so far. I just don't like the animosity between the Arran and Ashley and the way they talk to each other...i know it happens..just my thought I like the part when they were still kids, thas the best part....
ReplyDeleteganun siguro talaga, there are siblings who would fight constantly. at yung thinking ni ashley na si arran ang may kasalanan kung bakit wala silang tatay, and that hatred grew. so talagang ganun.
Deletekami nga ng kapatid ko, nagsusuntukan tapos hampasan ng hawakan ng walis tambo. hahaha