Followers

Showing posts with label Multi. Show all posts
Showing posts with label Multi. Show all posts

Sunday, September 2, 2012

Multi [Chapter 3]

Author's note: Hi guys! Salamat sa patuloy na pagbasa nitong akda ko. Haha. Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nag-update nito, naging abala na kasi nitong mga nakaraang araw eh. Sa mga nagcocomment sa mga nakaraang posts ko, salamat po. Kahit "mhmm" lang yun, masaya na ko. Haha.

Muli, sana po ay patuloy niyo pang abangan ang mga susunod na kabanata nitong kwentong 'to. Enjoy reading~


Multi [Chapter 3]

Nagising ako sa isang malaking kama. Malamig sa loob ng kwarto. Nakakasilaw ang sinag ng araw sa aking kanan gawa nang may malaking terrace doon at nakabukas ang mga kurtina. Iniikot-ikot ko ang mga mata ko, nakita kong naka-hubad ako, at sa ayos ng kama, mukhang may isa pang taong nahiga sa kaparehong kama kung nasaan ako.

"FUCCCKKKKK!" ang sigaw ko sa gulat at pagkagalit nang makitang ganoon ang aking ayos. Narinig kong may parang nabitawang stainless steel na kung ano sa kusina sa kaliwa ko. At narinig ko nalang ang mga yapak ng isang nagtatatakbong nilalang.

"Q-que? (W-what?)" si Tavu! Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Naka-boxer shorts lang ito at naka-sando na hapit na hapit kung kaya't maaaninag mo ang ganda ng katawan niya. Napahawak naman ako sa aking ulo. Bigla itong sumakit.

Nakita ko namang dali-daling lumapit sa Tavu sa kama at hinilot-hilot ang ulo ko. Ewan ko, kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. Mokong na 'to, kahapon pa lang kami nagkakilala.

"Are you ok now?" ang tanong niya. Nakangiti na siya. Ang aliwalas ng mukha niya. Kumpleto ang ngipin. Napakaputi. May mga mapupulang labi. Dimples. Haaay.

"Si, (Yes)" ang sagot ko sabay ngiti. Bigla namang nawala ang ngiting iyon nang maaalala ko ang kalagayan ko na nakahubad.

"What the hell happened last night?" ang tanong ko nang may galit. Nakita kong napangiti siya. Siguro natumbok niya kung ano ang ikinapuputok ng butchi ko.

"You were so drunk last night that you even threw up on me while you were asleep. Crazy cute kid," sabi niya nang tumatawa-tawa pa, "So then I took off your clothing, and mine, it stinked. Next time, control it, baby boy, ok?" ang pagpapatuloy niya sabay tapik sa baba ko. Pagtapos nun, bumalik na siya ng kusina. Na-curious naman ako kung anong ginagawa niya dun kung kaya't sinundan ko siya.

"Desayuno? (Breakfast?)" ang tanong ko nang may pagkabigla. Ang bango ng amoy eh! Grabe. Parang professional chef lang 'tong kasama ko sa hotel.

"Si! (Yes!)" ang sagot niya nang may pagkabigla. Hindi niya siguro napansing nasundan ko pala siya. Agad-agad naman siyang naghanda na ng mga plato sa lamesa, kutsara, at mga tinidor.

"Gatas?" ang tanong niya nang tumatawa. Siguro napansin niyang mali pa ang pagkabigkas niya ng salitang iyon dahil ang narinig ko ay "gotas." Filipina ang nanay niya, Hispanic naman ang tatay niya. Dito na sila nanirahan sa Mexico gawa na din nang kagustuhan ng tatay niya. Galing siya ng Pilipinas din kahapon, doon nag-aaral at bumisita lang dito sa Mexico para sa Lolo niyang may sakit. Yun nga ang pupuntahan niya mamaya eh.

"Of course," ang sagot ko nalang. Hindi naman kasi ako sanay na kape o orange juice ang iniinom sa umaga. Gatas lang. Ewan ko ba, nasanay na kasi ako eh. Mula pagkabata palang gatas lang talaga. Sumasakit ang tiyan ko kapag iba ang naiinom ko tuwing umaga. Parang nasanay na ba ang sikmura ko sa set-up na ganoon.

Naupo na ako sa lamesa. Bigla nanamang sumakit ang ulo ko at napa-"awts" nalang ako sabay hawak dito gamit ang kaliwang kamay. Naalala kong nag-inom nga pala kami kagabi. Nasabi ko sa kanya ang mga problema ko, na ampon lang ako, ang problema ko kay Jen.. Nakinig lang naman siya, binibigyan ako ng tissue sa tuwing tutulo ang luha ko. Minsan, siya na ang magpapahid. Masyadong mabait si Tavu. He is a good listener. Magaling din siyang magbigay ng advice.

"You know what, baby boy, you should still consider yourself lucky. I mean, there are people in this world who doesn't have a mother, nor a father, nor even someone who will take care of them. Unlike you, eventhough you're not their own child, they treated you as one. They cared for you, loved you, and cherished you in their hearts. Don't jump-into-conclusion that you're the most unlucky child in the universe. There are some people who experiences more pain than you do, but they still manage to overcome it. You should, too. You're old enough to know that, baby boy," ang matalinhaga niyang payo sa akin. Napakamakahulugan. Hindi ko din akalain na ganun siya ka-fluent sa pagi-Ingles.

Bigla naman akong naluha sa sinabi niya. Tama kasi lahat eh. May mga tao diyan na walang magulang, walang tahanan, walang makain, walang damit at kung anu-ano pang meron ako. Napaka-swerte ko pa din pala na kahit ganito ako, may mga taong nag-aruga sa akin di tulad ng mga tunay kong magulang na inabandona lang ako.
Dito na nabuo ang desisyon ko na pagka-balik ko sa Pilipinas, imbes na magkimkim ng galit sa mga magulan ko, ay magpapasalamat na lang ako dahil sa pag-aaruga nila sa akin.
Mabait sila. Inalagaan nila ako. Binigay nila ang mga pangangailangan ko kahit di nila kaanu-ano. Itinuring nila akong isang tunay na bahagi ng pamilya nila.

"Anyways, cual es tu nombre completo? (What's your full name?)" ang tanong niya nang kumakain na kami sa lamesa. Ang lakas kumain ng mokong, pero wala naman masyadong taba sa katawan. Alaga kasi siguro ng pagwo-work out.

"Tee Champoonak, porque? (Why?)" ang tanong ko sa kanya.

"R-reaaally?!" ang tanong niyang gulat. Yung gulat na naka-nganga tapos biglang hulog ng kutsara sa kamay. Yun 'yun.

"Yes, why?" ang sagot ko, nakangiti. Hindi ko ba alam kung bakit gulat na gulat siya. Para bang pamilyar sa kanya yung pangalan. Ewan.

"Uhhh... b-because.. uhh, wait, does that mean you're the soon-to-be-heir of the company I'm currently working on for part-time?" sagot naman niya nang naka-kunot ang noo.

"HUH?! So you're working on TC Corporation?" Tee Champoonak Corporation ang pangalan ng kumpanya namin. Ewan ko ba, sabi ng mga magulang ko, para daw talaga sa akin ang kumpanya na yun kaya nila isinunod sa pangalan ko.

"Si, (Yes)" sagot niya nang nakangiti, "As a part-time secretary of your Dad when his full-time sec is not around, often on Thursdays and Fridays. Good thing though, so I can have extra income for my studies. And it means I have to take care of you more. I knew you're too familiar, have seen you somewhere, I know."

Tumango na lang ako. Ang liit nga naman ng mundo. Part-time secretary pa pala ng Dad ko ang nag-aalaga sakin dito sa bansang hindi ako pamilyar. Mabait naman talaga si Tavu eh, matalino, at higit sa lahat, gwapo. Naaalala ko pa nga kagabi, tinanong ko siya kung may girlfriend siya, tapos ang bilis niyang sumagot ng "No." Natatawa akong tinanong siya kung bakit, tapos eto ang sagot niya: "Well, girls are confusing. Besides, I wanna focus on my studies first. I can't slack now. Haha, it's crazy, I know."

Tapos sabi pa niya madami daw nagpaparamdam sa kanyang mga babae o kahit lalaki na nagpapakita ng motibo. Lalo na daw sa school niya.

At natapos kaming mag-agahan ng nagku-kwentuhan. Napagkwentuhan namin kung ano bang pakiramdam ng katrabaho si Dad. Sa totoo lang kasi, hindi ko pa nakakatrabaho ang daddy ko kahit palagi akong nasa opisina para na din mag-advise sa mga baguhan. Tinuruan na kasi ako ni Wendy, ang secretary ni Dad, kung paano gumawa ng paperworks, financial reports, at kung ano-ano pa. Ang sabi naman ni Tavu, mabait daw na boss ang Daddy ko. Mapagbigay, maunawain. Perfect boss, kung baga. Epitome.

"Do you wanna come with me?" ang tanong niya sa akin habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin.

"Huh? Uhhh..." ang pag-aalinlangan ko. Hindi ko naman kasi kilala pa masyado si Tavu, mga kamag-anak pa kaya niya? Ang awkward.

"Come on, you don't know this country that much. You'll get shot if you're all by yourself. So it's better to have a Mexican-Filipino cutie with you," sabi niya sabay lingon sa kinaroroonan ko at kumindat.

"You are by far the most conceited person I have ever encountered, Mr...."

"Sanchez"

"Mr. Tavu Sanchez. But ok, I'll go with you." ang sagot ko naman sabay kindat sa kanya. Tawanan na lang kami.

Lumipas nga ang isang oras at handa na kami. Magi-stay daw kasi siya dun hanggang sa magflight-back siya papuntang Manila. Ako naman, ganun din, mananatili na muna ako doon ng dalawang araw hanggang dumating na ang pagbalik ko. 4-day ticket lang kasi ang binili ko.

Sa Coatzacoalcos pala naninirahan ang mga magulang niya. Anim na oras mula sa Mexico City. Namili na siya ng ticket para sa dalawa. Sabi ko ako na ang magbabayad, pero ayaw niya. Siya nalang daw. Ayaw niya daw na ang future boss niya ang manlibre sa kanya. Tumawa na lang ako.

Sumakay na kami ng bus. Wala naman masyadong katao-tao sa loob ng bus, kaya sa medyo likod na kami umupo. Yung pangdalawahan. Ako ang nasa may malapit sa bintana. Hindi kasi ako sanay na bumabiyahe sa mga pang-Public Transpos, palagi akong nasa sasakyan ko. Kaya kung sakaling mahilo ako at masuka, eh malapit lang ako sa bintana.

Hindi nga ako nagkamali. Wala pang isang oras ng biyahe namin, nahilo na ako. Umiikot-ikot na ang paningin ko, tapos nararamdaman ko na ang pag-ikot ng kalamnan ko. Napansin yata iyon ni Tavu kaya sabi niya ay magpahinga na muna daw ako at matulog dahil baka magkasakit pa ako.

Isinandal ko na ang ulo ko sa may headrest ng upuan ng bus, pinipilit na wag umakyat ang pag-ikot ng laman ko papunta sa lalamunan ko kundi lagot na. Limang minuto, sampung minuto, labinlimang minuto, at naramdaman ko ang kamay ni Tavu sa mukha ko at pinilit binuhat ang ulo papunta sa balikat niya para gawing unan. Nagpaubaya nalang ako. Nakatulog na lang ako nang hindi ko namamalayan.

Nagising ako sa tapik ni Tavu sa mukha ko. Nagsisibabaan na ang mga tao mula sa bus. Inikut-ikot ko ang mata ko sa paligid. Madilim na! Tiningnan ko ang relo ko: 7:24 PM. Late na pala.

"Are you hungry?" tanong niya nang nakangiti. Dun ko na lalo napansin ang dimples niyang pagkalalim-lalim at ang kagwapuhan niya.

"No, we can just dinner at your house. How long will we take it to get there?" ang sagot ko naman nang halatang kagigising lang.

Napangiti lang siya. Ginulo ang buhok ko. "Baby boy... I already called my brother to pick us up from here. All we have to do is wait and we'll be there in no time. 10 minutes to be exact."

At yun na nga, bumaba na kami ng bus. Hindi din katagalan at dumating na nga ang kapatid niyang lalaki. Matipuno, moreno, at halata ding Filipino-Mexican. Sa tantya ko, mga 21 years old na siya. Gwapo din ang kuya niya. Magagandang lahi. Sumakay na kami sa sasakyan ng kuya niya. Naupo si Tavu sa tabi ng kuya niya at ako naman ay nasa passenger's seat.

"Oh, eso es Tee, (Oh, that's Tee)" ang pagpapakilala sa akin ni Tavu sa kanyang kapatid. Nakita ko namang tumingin ang kuya niya sa may salamin sa gitna ng sasakyan sa taas, ngumiti, sabay sabing, "Hi, how are you?"

"Bien. Muy Bien. Tu? (Good. Very good. You?)" ang sagot ko naman. Kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng kuya niya. Nakwento kasi sa akin ni Tavu na wala daw siyang kaibigan dito sa Mexico. Sa Pilipinas, madami. Kaya siguro ganun ang naging reaksyon ng kuya niya pilipino ako, at marunong magsalita ng Spanish.

"Si, yo hablo Espanol, (Yes, I speak Spanish)" ang pagfollow-up ko sabay ngiti.

"Muy bien, muy bien. (Very good, very good)"

Nakarating kami sa isang mala-mansyong bahay. Malaki ang bakuran. Malalaki ang rehas sa harap ng bahay na akala mo isang palasyo. May malaki ding isang fountain na puno ng anghel at mga bulaklak. Makulay ang bukaran nila gawa na din ng mga makukulay na bulaklak. Pumarada ang sasakyan sa malaking pintuan ng bahay. Naka-abang mga maid nila sa pintuan.

"Recibe las bolsas, (Get the bags)" ang utos ni Tavu sa mga maid nila na agad naman nilang sinunod. Nahiya naman ako at kinuha ko nalang ang bag ko.

"Baby boy, let them do it," ang sabi ni Tavu na hindi ko naman sinunod.

"I insist," ang palagi kong sagot sa kanya kapag pinipilit niya akong bitawan ang bag para ipaghawak nalang sa mga maid nila.

Nakapasok na kami sa bahay nila. Malaki. Malawak ang loob. Napakaganda. Napakaraming pigurin na halatang mamahalin at imported. Noon ko lang napagtanto na napaka-simple at independent pala ni Tavu. Kahit hindi pa man siya nagpapaliwanag sa akin kung bakit ganoon siya mamuhay nang sarili lamang niya, alam ko na agad na isa lang siyang simpleng tao.

Inihatid niya ako sa isang silid. Malaki ito. May malaking plasma TV, sariling banyo, King-sized bed, sariling desktop, at punung-puno ng dekorasyon. Yun daw ang room niya.

"Can we just share rooms?" ang tanong niya. Hindi ko ba alam kung seryoso siya o hindi.

"Hahaha! You're crazy," ang sagot ko nang humahagalpak sa tawa dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Para siyang isang batang nagmamaka-awa para sa isang kendi.

"I-I'm serious, baby boy," sabi niya naman sa akin. Parang naawa naman ako. Kaya um-oo nalang ako. Napa-Yay! naman siya at naglululundag sa kama nang parang bata. Tawa lang ako nang tawa. Nang mahimasmasan na siya, nagsalita na siya, "Let's go downstairs, dinner's served."

Bumaba na nga kami papuntang kusina. Parang piyesta sa bahay nila. Ang daming naka-handang pagkain. Napansin kong ang kuya niya, isang babae sa tabi ng kuya niya, na napag-alaman ko palang asawa niya at nagdadalang-tao, si Tavu, at ako lang ang nasa hapag-kainan. Nang tanungin ko sila kung nasaan ang kanilang mga magulang, nasa ospital daw at binabantayan ang Lolo nilang may sakit. Dahil nga malakia ng mesa, madaming pagkain sa hapag-kainan, ay niyaya na ni Tavu ang kanilang apat na kasambahay para saluhan kami sa pagkain. Nung una ayaw nila dahil nahihiya sila, pero kalaunan ay napapayag sila ni Tavu dahil nga nagpupumilit ito.

Naging maganda ang kainan naming iyon. Puro lang tawanan, kwentuhan. Agad ko naman nang naging close ang kuya niya at asawa nito, at ang mga kasambahay nila. Masasayahin silang tao.

Natapos ang hapunan namin at umakyat na kami ni Tavu sa taas. Pinauna na niya akong mag-shower at manonood na muna daw siya ng TV. Nang matapos ako, agad-agad naman siyang naligo na. Paglabas niya ng banyo, naka-boxer's shorts lang ito at fit na tank top. Napaka-ganda ng hubog ng katawan niya. Iniiwas ko naman agad ang paningin ko sa kanya dahil baka maghinala pa siya nang kung ano gawa na din nang dalawa lang kami sa kwarto.

"Tomorrow we would wake up early to visit my abuelo (grandfather), and then we'll do something fun after," ang naka-ngising sabi ni Tavu.

Itutuloy.

P.S - Sana po ay mas naunawaan niyo na ang mga dialogues gawa nang isinaling-wika ko na sila. :')

Saturday, August 18, 2012

Multi [Chapter 2]

Multi [Chapter 2]: Get to know me.


Ako nga pala si Tee. Tee Champoonak. Yes, I know, unusual ang apelyido ko para sa isang pinoy. Filipino-Hispanic-Thai kasi ako. Nanay ko, Filipino-Spanish, ang tatay ko naman, Filipino-Thai. Pinanganak ako sa Chiangmai, Thailand, pero lumaki na dito sa pilipinas. Kahit na ganun ka-kumplikado ang lahi ko, pinoy ako. Sa lahat-lahat.

Labing-walong taong gulang na ako, kasulukuyang nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad dito sa pilipinas. May kaya naman kasi ang pamilya ko. Nakapag-aral kasi ng maayos ang mga magulang ko sa isa ding sikat na unibersidad sa Thailand kung saan sila nagkakilala at nag-ibigan.
May-ari ng isang construction company ang aking tatay, at ang nanay ko naman ay may isang agency ng mga cosmetics.

Ang sabi nila, gwapo daw ako. Nakakatawa mang aminin, pero totoo. Magagandang lahi ba naman ang nasa dugo ko, hindi pa ba ganun ang kalalabasan? Medium-built lang ang pangangatawan, hindi masyadong payat, hindi naman masyadong buff, katamtaman lang para sa edad ko. Ang pinaka-asset ko daw sa mukha ko ay ang mga mapupungay kong mga mata, chinito eh.

Hazel-eyed, makakapal ang kilay, medyo matangos ang ilong, makinis ang mukha, at mga labing katamtaman lang ang kapal; kissable ba. Hindi naman sa pagmamayabang, pero habulin ako ng mga babae, isama mo na din ang mga bakla. Minsan, lalaki din. Yan si Tee, yan ang mga katangian ko.

Kung nagtataka kayo kung paano ko nasagot ang tanong ni Tavu, isa akong Multilingual. Ewan ko ba, pero simula nung bata ako, naging hobby ko na ang pag-aaral ng ibang wika. Para kapag kailangan ko, magagamit ko siya; yan ang ideyolohiya ko sa pag-aaral ng ibang wika. Sa ngayon, nakakapagsalita ako ng 8 wika; Filipino, Spanish, Thai, Catalan, English, Chinese, French, at Russian.

At kasalukuyan akong nag-aaral ng Swedish. JAG ALSKAR DIG. Yung iba, self-taught, yung iba, school-taught, yung ibang wika naman, tinuro sakin ng mga lola't lola ko.
Weird, pero pamilya kami ng mga multilingual. Multiracial ang pamilya ko, kaya di malayong multilingual kami.

Well, masaya ang maging isang Multilingual. Maganda sa loob kapag nakakakilala ka ng isang taong marunong din magsalita ng wikang alam mo. Nagiging interesante ang pag-uusap. Paano ko alam? Madami na akong na-encounter na ganito.

Yung iba, na-meet ko sa airport. Itinerant ako, ibig sabihin, madalas akong bumiyahe sa mga malalayong lugar, o bansa. Yung iba naman, tourist dito sa Pilipinas. Nagtatanong kung saan ang ganito, saan ang ganyan, paano ang ganito, paano ang ganyan. At since foreigners nga at yung iba hirap mag-Ingles, nakakausap ko sila sa wika nila kung alam ko.

Yung iba naman, sadyang citizens ng mga bansang napupuntahan ko. Ako ang nagtatanong sa kanila ng mga ganito-ganyan sa wikang alam naming dalawa. Masarap sa pakiramdam, masaya, magaan sa loob.

Naaalala ko pa, ganun kami nagkakilala ni Jenny, ang girlfriend ko. Filipino-French si Jen, pinanganak siya sa France, at dun na din siya lumaki. Pinay ang nanay niya, ang tatay niya naman, French. Lumipat sila dito sa Pilipinas sa kagustuhan din ng mga magulang niya. Gusto nila siyang ma-experience ang buhay sa pilipinas, ang kultura, ang makisalamuha sa mga pinoy, at makilala ang kaniyang mga kamag-anak dito.

15 years old palang siya noong una silang nakarating dito sa Pilipinas. Dahil maganda at almost-perfect, pinagkakaguluhan siya sa school. Silent-type si Jen, mabait, medyo anti-social, pero siguro dahil lang yun sa bago siya sa school at wala pang masyadong kaibigan.

Isang araw, lunch time sa school, nakita ko siyang papalapit sa table naming magbabarkada, nagtataka ako kung bakit. Kasi kadalasan, mag-isa siya, o magkasama sila ng bago niyang mga kaibigan.

"Hi!" ang masigasig na bati ni Jen sa akin nang makarating na siya at mapapansin mo ang French accent niya. Nakangiti siya. Lutang ang kagandahan. Sa pagbating iyon ni Jen, napuno ng kantsawan ang umpukan ng grupo namin. Puro "Swerte mo boy!" o kaya naman "Wow Tee hah, pati ba naman siya? Ibalato mo nalang sakin yan!" Alam ko kasing may gusto silang lahat kay Jen, sino ba naman ang hindi? Napapangiti nalang ako.

"You're French, right?" ang naitanong ko din matapos tumawa sa mga kantsaw ng mga barkada ko. Tumango lang si Jen, tapos ngumiti.

"Comment allez-vous?" ang sabi ko nang nakangiting magiliw. Kitang-kita naman sa mukha niya ang pagkagulat at saya. Yun bang, nakanganga ka tapos nanlalaki ang mata. Hindi niya pa siguro alam na Multilingual ako.

Halos lahat kasi sa school namin noon, alam na multilingual ako. Sino ba namang hindi, palaging ako ang inaassign ng mga lokong teachers ko kapag may mga foreigners na dadating sa school namin para maging speaker at translator. Kadalasan mga Chinese at French ang dumadalaw sa school namin, kaya ayun, laging ako ang toka.

"Oui, je parle francais," at sa pagkakarinig niyan 'yun, dali-dali siyang naupo sa tabi ko. Ang saya niya pala kausap. Napag-usapan namin ang buhay niya sa France, ang pag-aaral niya, ang politika, yung mga ganung bagay, kahit walang kakwenta-kwenta. French ang usapan namin, kaya kita mo sa mukha ng mga barkada ko ang pagkalito at pilit na iniintindi ang pinag-uusapan namin kahit wala naman silang kaide-ideya sa mga pinagsasabi namin. Kung magtatawanan kami ni Jen, makiki-tawa na lang sila nang hindi man lang alam ang dahilan ng pagtawa namin, at kapag ganun sila, nagtitinginan nalang kami ni Jen at tatawa lalo sa inaasta ng mga kaibigan namin.

Yun din naman kasi ang kagandahan sa mga kaibigan ko, kahit alam mong may mga kaya sa buhay at may marangyang kalagayan, normal na tao pa din sila. Hindi mayabang, hindi isnab, kalog lang. Hindi nila ipinapakita sa tao kung gaano sila kayaman, simple lang.

Minsan magugulat nalang ang mga ibang tao kapag nalalamang mga anak pala kami ng mga may-ari ng mga kumpanya. Kung manamit kasi kami, simple lang, walang alahas, pwera sa relo namin, minsan kapag gumigimik kami, gusut-gusot pa ang damit namin.

Natatawa nalang kami sa mga reaksyon ng mga tao kapag nakikita nila kaming bumababa sa mga magagara naming sasakyan nang ganoon ang postura.

Simula nung araw na 'yun, hindi na kami mapaghiwalay ni Jen. Ang dami ko nang nalaman tungkol sa kanya. Model pala siya sa France, kahit 15 pa lamang daw, sikat na siya sa mga ads doon. Hindi naman na kataka-taka yun, sa ganda kaya ni Jen. At nun ko din nalaman ang buo niyang pangalan. Nakakatawa, kasi kahit alam ko nang mag-French, nabubulol pa din ako. Wala naman kasi akong French accent tulad niya na kahit mag-rap, tuluy-tuloy lang. Buo niyang pangalan? Jennylyn Franceser Valois-zeque. [Je•neh•lyn Fhran•zes' Vah•lwah•zeh•kah']

Nalaman ko din na hindi pa pala siya nagkakaroon ng boyfriend. Madami daw nanliligaw sa kanya, pero wala pa daw siyang sinasagot. Hindi naman daw niya kasi tipo ang mga nanliligaw sa kanya. Ang gusto daw niya sa isang lalaki, ay yung nakakausap niya nang walang katapusan, kahit pa walang kakwenta-kwenta ang topic, gusto niya sa lalaking simple, hindi hambog, matalino, at bonus nalang ang itsura.

Kung may sasagutin man daw siyang lalaki, sisiguraduhin niyang magtatagal ang relasyon nila at mahal nila ang isa't isa para kapag dumating ang araw na maghiwalay sila, na huwag naman daw sana, at wala silang pagsisisihan sa huli at na-enjoy ang mga oras na magkasama.

Sa set-up naming ganun ni Jen, madaming haka-haka na kami na daw. Hindi po. Hindi...... pa.

Lumipas ang mga araw, at napagtanto ko nalang na in-love na ako kay Jen. Nandito yung masaya ako kapag kausap ko siya, kinakabahan kapag nagtitigan kami, mga ganun. And I knew I was in love. Perhaps, deeply in love.

Kaya isang araw, nag-lakas loob akong sabihin kay Jen ang nararamdaman ko. "Bahala na, kung gusto niya din ako, tatanungin ko siya kung pwede bang maging kami, pero kung hindi naman, kahit masakit, tatanggapin ko nalang," sabi ko sa isip ko.

Dumating na din kasi ako sa punto na hindi ko na kayang sarilihin pa 'tong nararamdaman ko. Kaya ayun, nagtapat ako, at tinanong ko siya kung gusto niya din ba ako. Sagot niya? OO DAW! Napakasaya ko nung nalaman ko yun, sobrang saya.

"So, will you go out with me?" ang tanong ko nang nanginginig pa dahil sa kaba.

"Ang bilis ah?" sabi niya sabay tawa, "Aren't you even gonna court me?" Ah, oo nga pala, tinuturuan ko na siyang magtagalog. Dalawa kami ng mama niya na nagsisilbing tutor niya sa tagalog. Magandang bonding din yun sa amin kasi palagi akong natatawa kapag bumabanggit siya ng mga salitang tagalog sa french accent niya. Ang cute lang.

"What for?" tanong ko, puzzled. Tapos bigla kong naalala na ayaw niya ng mga lalaking easy-to-go, yung mga tipong padalos-dalos, gusto niya yung mga lalaking masikap at pinagtiya-tiayagaan ang mga bagay-bagay. Dali-dali ko ding binawi ang tanong ko sabay sabing, "Just playing, cutie."

At simula nang manligaw ako sa kanya, naging masaya ako. Naging mas inspired akong mag-aral, mabuhay. Parang siya yung nagsilbing puso ko, na taga-pump ng dugo para mabuhay ako.

Di din nagtagal, sinagot ako ni Jen. Yun na yata ang pinaka-masayang araw ng buhay ko.

Sa mga araw na pagiging mag-syota namin ni Jen, mas nakilala pa namin ang isa't isa. Alam na namin ang kahinaan ng isa't isa, mga lakas, mga turn-offs at turn-ons, pangarap sa buhay, kahit yata nunal ng isa't isa alam na namin kung saan ang eksaktong lokasyon. Ganun kami magpahalaga ni Jen sa relasyon namin, palaging nagku-kwentuhan kahit walang kakwenta-kwenta ang topic, kung kamusta ang araw namin sa school, palagi ko na din siyang tinuturuang mag-tagalog at unti-unti na siyang nagiging fluent dito, at kilala na din naman ang mga pamilya ng isa't isa.

Botong-boto ang pamilya namin sa relasyon namin, sa side ko, gustung-gusto ng pamilya ko si Jen. Bukod kasi sa maganda siya and whatnot, multiracial din siya, tulad ng pamilya ko.

Halos maga-apat na buwan na din simula nung maging kami ni Jen, masaya kami sa set-up namin, sobra. Palagi kaming nakangiti, walang masyadong away. May selosan, kasi sa gwapo ko at sa ganda ni Jen, di kataka-katakang madaming umaaligid sa amin.

Merong mga talagang nagbibigay kay Jen ng flowers, chocolates, and such na kapag kami nalang ang magkasama, tatawanan niya at itatapon niya o kaya ibibigay niya sa simbahan at mga pulubi, tapos biglang magsasabi, "Do they not have any idea how much I love Mr. Champoonak? I love him so much to accept all these fancy stuffs." At syempre, yayakapin ko nalang siya at magsasabing, "I love you, baba." Oo nga pala, "Baba" in Hindi, means the endearment "Baby," may konti akong nalalamang Hindi.

Sa akin naman, may mga babaeng humihingi ng numbers ko. Ang nakakatawa pa, kahit nakikita na nila kaming magka-holding hands ni Jen, may lakas ng loob pa silang lumapit sa akin para itanong ang number ko. At kapag ganun, tinitingnan ko muna si Jen at tumatango lang ito, at ibibigay ko na ang number ko sa kanila.

Dahil na din gentleman ako at pinalaki ng mga magulang kong wag bastusin ang mga babae, kaya ko naibigay ang hiling nilang makuha ang number ko. Hindi naman big deal yun kay Jen, kasi kapag bored yan at may topak, kukunin niya ang cellphone ko at rereply-an nalang ang mga babaeng yun. Random things pa. Baliw yun eh. Yung mga tipong "Wassup nigga?" ang mga reply niya. Tatawa nalang ako.

Pero sadya yata talagang mapaglaro ang tadhana, ika nga nila, "Tides always have to turn, or perhaps, ebb." 6th Monthsary namin ni Jen yun, niyaya ko siyang mag-dinner kami pagtapos ng school namin sa isang restaurant sa SM. Dahil wala naman kaming masyadong homework at hindi naman nakapag-celebrate ng last monthsary namin, pumayag siya.

Nagpa-reserve talaga ako ng seat para sa aming dalawa. Maganda ang ambiance ng restaurant na 'yun, magaganda ang ilaw, may mga mellow music, at ang table namin, may candle sa gitna at may bouquet ako para sa kanya. Napaka-romantic. Yun ang pinaka-unang okasyon sa buhay ko na pinaghandaan ko talaga, na puno ng effort. At masaya naman ako kasi naappreciate ni Jen yun.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at pagku-kwentuhan nang may lumapit sa table namin. Lalaki. Naka-formal attire siya na akala mo pupunta sa isang ball.

"Hi, excuse me, I am Mr. Voran from Corpoler Modeling Agency," ang pagsimula niya na halatang makikipag-usap sa aming dalawa dahil papalit-palit ang titig niya kay Jen at sa akin.

"I just wanna ask if both of you are interested in becoming my models?" sabi niya nang nakangiti. Halata sa mukha niya ang saya at excitement sa pagkakita sa amin. Ewan ko din ba, siguro magiging maganda asset kami ng agency niya dahil nga sa may itsura kaming dalawa ni Jen.

"Ahhh.. ehhh.." ang nasabi nalang naming dalawa ni Jen. Hindi naman kasi naman inaasahan 'to eh. Bigla-bigla ka nalang susulpot sa date namin, kuya?

"It's ok, you guys don't need to answer it right now," sabi niya sabay kuha ng dalawang calling cards at ibinigay ito sa amin, "just call me if you guys are interested. I'm expecting to receive a call from you guys, preferably tomorrow or next day." Yun lang, pagkasabi niya nun, kinamayan niya kaming dalawa ni Jen at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Jen matapos umalis nung lalaki. Natatawa nalang kami sa inasal nung lalaki, demanding eh. Pero naging seryoso si Jen na nakatingin sa akin. Alam ko na kung bakit.

"Baba, yes, you can, in fact, you should call him tomorrow and let him know about your decision. You should go for it. Wag mong palampasin ang pagkakataon. Ajam je t'aime, ma cherie." Sabi ko sabay ngiti. Naikwento kasi sa akin ni Jen na gusto niya daw mag-model ulit pero magiging busy na daw ang schedule niya kung magkaganun, at minsan na lang kami magkikita.

"How about you, baba?"

"Don't worry about me. Di ba sinabi ko na sa'yo na hindi ko pangarap ang maging isang model?" sabi ko sabay ngiti, at sumubo ng pagkain. Dun na ngumiti sa Jen, tumayo sa kanyang upuan, niyakap ako, sabay sabing, "Je t'aime, baba."

At kinabukasan nga nun, tinawagan ni Jen si Mr. Voran. Tuwang-tuwa daw siya at magiging parte ng kanyang team si Jen, at sinabi ko na din sa kanya na hindi ako interesado. Sayang daw, gwapo pa naman ako at may future sa pagmomodel. Yun din ang sinasabi ng ibang tao, pero wala talaga akong balak mag-model.

Simula nang mag-model si Jen, dun na nagkatotoo ang mga sinabi niya; nawalan na siya ng time para sa amin at dun na din nagsimula ang bangungot ng pag-ibig ko.



Itutuloy....

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails