Parang akyat bahay itong si Doc Kenneth at sa fire exit pa ito dumaan para lamang walang makakita sa kaniya papunta sa room ng kaniyang na Hit and Run na si ‘Pogi’ at ngayon nama’y tahimik itong nakatayo lang sa pintuan ng room nito't nagdadalawang isip na pumasok.
“This
is it. Syet…” Ang excited na parang highschool lang na bulong ni Doc Kenneth sa kaniyng sarili habang inaayos niya ang kaniyang kuwelyo at conscious na conscious siya kung
presentable ba siya.
Nag-inhale
at exhale muna ng makailang beses itong Pamintang Doctor bago ito tuluyang
pumasok na sa room at nanigurado muna siya na walang kaluskos or ingay siyang
magagawa. Hindi talaga niya pakiwari kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman
at makakausap na niya itong si ‘Pogi’.
Halos
mag stiff ang buong katawan ni Doc Kenneth nang mabungaran niya na nasa higaan
itong si ‘Pogi’ at tahimik na nanonood ng TV. Hindi na din niya namalayan na
habang tumatagal ang kaniyang pagtitig sa pasyente ay napapangiti siya at
narerelax.
“GOOD
MORNING PO!” Ang biglang gulat na usal nitong si ‘Pogi’ nang mapansin niya ang
nakatayong Doctor.

