Followers

Showing posts with label Mahal Mo Ba Ako?. Show all posts
Showing posts with label Mahal Mo Ba Ako?. Show all posts

Thursday, July 18, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 13

Chapter 13 – Christmas Party

“’Di ba Kuya Greg? May mga panis pang laway tapos may muta pa at amoy chico pa,” sabi pa ni Mokong.

“Pumupuri ka ba o nang-aasar ka lang?” sabi ko. “Maaga pa Ice. Biruin mo na nga daw ang lasing wag lang ang bagong gising. Pa’no yan, I’m both.”

“Rey tigilan mo na yang kakaasar kay Ignis,” si Kuya Greg. “Tama na itong laro. Umuwi na kayo’t maligo ambabaho nyo pa,” sabay tawa. Tumawa din kami lahat. Nagligpit na kami ng pinagkainan at pinaglaruan. Kanya-kanya na kami ng ayos sa sarili at nagsimula na umuwi.

“Kuya, uwi na po ako. Sige, Rey,” pagpapaalam ko. Ngumiti lang si Rey.

“Bumalik ka din, Ignis. Kailangan nating ayusin yung mga lines mo. Medyo mahirap kasi yung sa iyo,” sabi ni Kuya.

“Sige po Kuya, walang problema. Ligo lang po ako tapos balik ako kaagad,” wika ko.

“Sige. Rey, simulan mo na,” si Kuya Greg.

“Lumalakas ang ulan,” unang linya ni Rey.

“Hindi eh, batibot ka,” si Kuya Greg.

Di ko na pinakinggan pa ang practice nila. Lumabas na ako sa bahay ni Kuya Greg. Naglakad na lang ako pauwi tutal maaga pa naman talaga. Pagkarating ko ng bahay, nagpainit ako ng tubig pampaligo. Di kasi ako sanay na naliligo na malamig ang tubig kahit pa summer. Habang hinihintay ko kumulo yung tubig, nag-text ako kay Lhey na may sasabihin ako sa kanya important.

“Ano punta na ba ako ng Aldas ngayon?” reply niya.

“Mga after 30 minutes kasi maliligo pa ako,” text ko.

Dali-dali akong naligo, nagbihis, at nag-ayos ng sarili. Nadatnan ko si Lhey sa karinderya at naka-order na ng pagkain namin.

“Ano ba yun, tol?” ang kanyang tanong kahit na di pa ako nakaka-upo.

“Agad-agad? Nagmamadali ka bakit may lakad? Baka pwedeng umupo muna?” ang sagot ko na nakangiti na siyang tanda ng pagiging sarcastic.

“Kasi lalabas daw kami ni Kim ngayon, tol,” sagot niya na pati mga mata niya ay nakangiti.

Umupo ako at kinuwento ko kay Lhey lahat ng nangyari kagabi lalo na yung ginawa sa akin ni Jim.

“Tol tama yung ginawa mo na hindi na mag-eskandalo pero over pa din,” ang comment ni Lhey.

“Paanong over, tol?” tanong ko.

“I mean sana dumapa ka na lang o kaya naman tumayo ka na lang at umalis pero hindi. Sinabihan mo pa siya na buburahin mo na siya sa buhay mo. That’s extreme tol. What if mahal ka niya talaga?” paliwanag ni Lhey.

“Hindi niya ako mahal, tol. Libog lang yun. Nawala lang yung hiya niya kasi nga nakainom kami. Kung mahal niya ako tol, rerespetuhin niya ako at di pagsasamantalahan,” sabi ko.

“Baka naman kaya ganyan ang sinasabi mo kasi nga dahil sa mapait na karanasan mo noong high school ka pa. Tol, hindi lahat ng lalaki na katulad ninyo ay ganoon kay Lito,” sabi niya sa akin.

“Pero tol, diba gusto niya akong pagsamantalahan? Anong kaibahan nila?” I’m trying to prove a point.

“Oo pero yung Lito di ka tinanong kung mahal mo siya at hinintay ka niyang malasing ng sobra para magawa ang gusto niya. Si Jim nung binantaan mo siya kapalit ng pagpapaubaya mo, di niya tinuloy kasi ayaw niyang mawala siya sa buhay mo,” si Lhey.

“Ewan ko, tol. Ang totoo niyan galit pa din ako,” sabi ko.

“Normal lang yan. Kung di ka nagalit edi sana may nangyari na sa inyo. Inenjoy mo na lang sana kasi,” pang-aalaska ni Lhey.

“Tado! Nagkaron ka lang ng lovelife marunong ka na rin kumati,” balik alaska ko.

“Mukha mo! Kahit kay Kim di ko isusuko ang Bataan. After na ng kasal namin pwede pa,” sagot niya.

“Siguraduhin mo lang,” sabi ko habang tumatawa. “Tara na tol, pupunta pa ako kina Kuya Greg.”

Tumayo na kami at nagbayad. Inihatid ko muna si Lhey pagkatapos ay lumakad na papunta sa bahay ni Kuya Greg. Nakabukas naman ang pinto ni Kuya kaya diretso na ako sa loob. Narinig ko si Rey sa kwarto ni Kuya.

“Lumalakas ang ulan,” si Rey.

“Hindi pa rin,” si Kuya Greg. Inulit ni Rey pero sablay pa din.

“Ano yan, dalawang oras na ako nawala yan pa din ang line?” pang-aasar ko kay Rey na ikinatawa na lang niya.

“Next line na nga tayo, Kuya,” sabi ni Rey na ikinatawa namin ni Kuya Greg.

“Kuya pwede palaro na lang muna ng PC mo? Mukhang matagal pa kayo diyan,” sabi ko.

“Ok lang Ignis, buksan mo na lang wala namang password yun,” sabi niya.

Wala namang mga RPG’s o war games si Kuya sa PC nya kaya Hangaroo na lang ang nilaro ko.

“Magpatugtog ka nga Ignis,” si Rey.

“Sige,” sabi ko. Binuksan ko yung Winamp at pinlay yung unang song na As Long As You Love Me by Backstreet Boys.

“Ui gusto ko yan,” sabi ni Rey.

“Naku tama na nga itong practice natin wala din namang nangyayari. Bibili lang muna ako ng meryenda,” si Kuya Mel.

Sinasabayan ni Rey yung kanta at tumabi na sa akin sa harap ng computer. May diin sa part ng chorus:

I don't care who you are
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are
Where you're from
Don't care what you did
As long as you love me

Nung matapos niya yung kanta, “May talent ka pala,” sabi ko.

“Talaga?” nakangiti ng wagas si Mokong.

“Oo nga! Bakit di mo na lang itago,” sabay tawa ko.

“Loko-loko,” sabi niya na tumatawa na din. In fairness maganda din naman ang boses ni Rey.

Nagalaro na lang kami ng Hangaroo hanggang matapos namin yung isang buong set na may ten words. Dumating si Kuya Greg na may dalang take-out ng McDo. Matapos kumain, ako naman ang nagpractice ng lines ko.

“Ok ah. Nakuha mo na yung punto na dapat mong gawin. Emotions and actions na lang ang ipo-polish ko sa iyo,” first time akong napuri ni Kuya Greg.

“Galing ah,” sabi ni Rey.

“Galing din kasi ng tutor ko,” sabi ko tapos sabay kindat sa kanya na siyang nakapagpangiti kay Mokong.

“Kung magaling ka pala magturo Rey sana yung lines mo ayusin mo din ah. First line pa lang tayo di ka na natapos,” pang-aasar ni Kuya Greg. Kamot ulo na lang ang Mokong.

Nagpaalam na din kami kay Kuya Greg pagkatapos noon. Gusto sana akong ihatid ni Rey pero tumanggi ako kasi mas gusto ko talaga maglakad na lang. Di naman na siyan nagpumilit.

Lumipas ng mabilis ang mga araw at nalalapit na mag-pasko. Dahil nga sa maganda naman ang mga grado ko sa eskwelahan, binigyan ako ng pambili ng bagong phone. Pumili ako ng isang Nokia na camera phone. Mura lang naman din. Ang gusto ko lang yung kahit papano may matinong camera kasi nga mahilig akong kumuha ng mga litrato. Kinakalikot ko yung bagong phone ko at nag-transfer ng contacts from SIM to phone. Doon ko napansin na mas madali pala mag-GM sa mga ganung telepono kasi may contact groups. Inayos ko yung mga contact list ko depende sa kung anong classification nila. Inatake ako ng pagiging obsessive-compulsive ko kapag ganyan lang ang ginagawa ko.

A week before the prelim exams ay wala kaming rehearsals and syempre during the exam days. The night of the last day of exams napagpasiyahan namin sa teatre na magkaroon ng simpleng party. Ambag-ambag lang kami para naman di palaging si Kuya Greg ang gumagasta ‘pag may mga gatherings kami. Buddy system ang pagbili namin ng pagkain na natukoy gamit ang isang bunutan. Si Jim ang naging ka-buddy ko kaya naman hinintay ko pa siya sa exams niya na ala-sais pa ng gabi matatapos. Dumating ako sa tapat ng classroom nila 15 minutes before mag-six. Nang-magring yung bell, walang Jim na lumabas sa klase.

“Sir Renier, absent po ba si Jim?” tanong ko sa professor nila.

“Ignis! Kamusta ka na? Maaga siyang natapos mag-exam. Thirty minutes nga lang niya tinapos. Nagpaalam kasi may pupuntahan pa daw siyang importante,” sagot ni Sir.

“Ganoon po ba? May lakad sana kasi kami Sir,” sabi ko.

“Hay naku! Lokong bata iyon. Bakit di ba siya nag-text sa iyo? Bakit di mo i-text?” suggestion ni Sir Renier.

“Di po, Sir. Di ko rin naman alam ang number nun. Ok lang po, Sir. May mini-party po pala kami sa teatre Sir. Baka gusto niyo pumunta?” anyaya ko.

“Hindi na, Ignis. Pero salamat na lang ah. Event ninyo iyon ayaw ko namang umepal,” sabay ngiti.

“Hindi naman pag-epal yun, Sir. Kayo pa din naman ang head ng lahat ng mga extra-curriculars,” pagdepensa ko.

“Kahit na. Tsaka may pupuntahan din kasi ako, Ignis. Next time na lang siguro,” ang pagtanggi pa din niya.

“Sige po pala, Sir,” sumuko na lang ako.

Sabay na kaming lumabas ng building ni Sir Renier. Inihatid ko na lamang siya sa kanyang sasakyan at nagpunta na ako sa room kung saan kami nagre-rehearsals. Doon ko nakita si Jim.

“Loko ka bakit di mo ako tinext na maaga ka pala umalis. Hinintay pa kita doon sa room niyo,” sabi ko. Naiinis ako kasi may sapak ang utak ko ‘pag naghihintay ako ng isang tao tapos hindi naman sisipot.

“Pasensya na, Ignis. May pinuntahan pa talaga ako. Bumili na ako nung share natin,” sabay turo sa bucket ng fried chicken.

“Magkano yung share ko diyan?” tanong ko.

“Hindi ako na lang dun total pinaghintay naman kita kahit di ko sinasadya,” sabi niya at mukha naman siyang sorry. “Basta kumain ka nung dala ko ah. Alam ko naman na ayaw mo kung saan ko kinuha yan pero yan kasi yung pinakamalapit na pwede ko bilhan kanina.”

“Hindi ah. Hati tayo dapat diba. Sana nag-text ka kasi para mas maaga akong dumaan doon. Wala naman akong klase ng 5-6,” sabi ko. Bumunot ako ng 300 pesos at iniaabot sa kanya. Tinanggihan niya iyon.

“Hindi ko naman alam yung number mo. Di ka rin naman nag-text para pinasunod na lang sana kita,” sabi niya.

“Uy, wag ka ganyan. Tanggapin mo na ito,” pilit ko pa rin.

“Wag na nga. Ang kulit!” parang naasar na lang siya. “Kunin ko na nga lang number mo para kapag importante makontak kita.”

Bigla akong natigilan. Hindi pa din kasi nawawala sa isip ko yung ginawa niya sa akin. Lagi ko iyong naalala kapag nakikita siya sa rehearsals pero hindi naman ako pwedeng umiwas dahil nga magkakasama kami at ayaw ko naman na makahalata ang iba kung bigla akong manlalamig at di siya papansinin.

“Bigay mo na lang yung number mo sa akin. Text na lang ako kapag may importante,” saad ko.

Bumuntong hininga siya at sinabi naman niya ang number niya na sinave ko na lang.

Contact List: Jim – teatro

Nung makumpleto na kaming lahat ay nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan. Tulad ng dati puro kakulitan lang ang nangyayari. Di naman kami pwedeng magtagal dahil uuwi pa sa probinsya ang iba sa amin. Iilan lang naman ang mananatili sa amin sa siyudad sa holiday seasons.

Nang matapos ang kulitan slash kainan, nilinis namin yung room at sabay-sabay din lumabas sa school. Hiwahiwalay na kami ng daan pagkalabas ng gate. Si Kuya Alvin may gimik pa daw nung gabing yun kaya di na siya sasabay kay Rey. Doon nag-park si Ice sa tapat ng boarding ko kaya sumabay na lang siya tumawid.

“Oh pano, Ignis. Uwi na din ako. Teka pala pwedeng makitext? Wala kasi akong load,” si Rey.

“Ok lang,” ako. Inabot ko sa kanya yung phone ko total naka-unli naman ako at may free texts pa.

Habang tumitipa siya sa keypad, nagwika siya, “Ano Ignis, mahal mo ba ako?” naka-ngiti siya.

“Oo naman,” nakangiti lang din ako. Sinakyan ko na lang yung trip niya. Mas lumapad ang ngiti niya.

“O salamat, Ignis. Uwi na ako ah. Ingat na lang lagi. Naku mamimiss kita,” pabiro ang pagkakasabi niya.

“Mukha mo! Dalawang linggo lang eh. OA ‘to,” sabay tawa ko. Yung ngiti niya parang itinahi na sa mukha niya.

“Good night, Ignis,” si Rey.

“Good night, Rey. Ingat sa biyahe,” sabi ko.

Kumaway siya at sumakay na ng sasakyan. Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa bahay. Pagdating ko sa kwarto ay tiningnan ko yung sent items ko kung sino yung tinext niya pero nakabura naman na pala.

Inayos ko uli yung contact groups ko sapagkat di ko pa naman iyon natapos. Napansin ko na lang na may nadagdag dun sa mga ginawa ko. Binuksan ko yung contact group.

Mahal Ko: 1 contact
Rey


------------- Itutuloy.

Monday, May 27, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 12


Chapter 12 – Casting

Hindi naman nag-reply si Rey. Tuloy kami nag-dinner sa bahay ni Kuya Greg. As usual puro kwentuhan lang naman ang nagaganap. Nang matapos na nagsalang ng movie si Kuya Greg sa DVD niya sa kwarto na siya naming tutulugan. Unang naisalang yung Coyote Ugly. Trip lang namin panoorin sa dinami-dami ng mga movies na may sarili pang drawer sa kwarto ni Kuya.

Nung matapos yung movie, nagpasiya na kami matulog. Kanya-kanyang night rituals ang mga tao. Ako hilamos lang ng tubig. Maalis lang yung dumi na nakuha ko sa maghapon. Di na nga ako nakapag-toothbrush kasi biglaan wala akong baon at walang extra sa banyo. Sila Kuya Alvin at Ate Cherry may gamit na doon. Halatang lagi sila doon natutulog. Tradition na daw yun sa teatro. Huling naghilamos si Kuya Alvin with matching facial wash na talagang iniiwan niya doon. Napadaan si Kuya Greg sa banyo nung naghihilamos si Kuya Alvin.

“Alvin bakit di mo buksan yung ilaw?” tanong ni Kuya Greg.

“Wag na Kuya kasi nakapikit lang din naman ako pag naghihilamos,” sagot ni Kuya Alvin.

Natawa kami. Hindi ko nga alam kung parang engot lang yung sagot niya o sadyang nang-aasar lang. Pumasok na kami lahat sa kwarto pagkatapos noon.

 Double deck yung kama ni Kuya Greg typical sa mga inuupahang bahay malapit sa mga universities. Extended yung lower bunk na siyang tinutulugan ni Kuya samantalang yung upper bunk ay normal lang. Tabi-tabi sana kami matutulog sa lower bunk pero sa dami namin di kami kasya talaga. I decided na sa upper bunk na lang matulog. Di rin naman ako sanay na may katabi talaga matulog. Nung tumayo ako at umakyat na upper bunk tumayo din si Jim at akmang susunod.

“Jim diyan na lang ako sa tabi ni Ignis. Alangan puro lalaki katabi ko. At least kung si Ignis isa lang tsaka mas bata pa sa akin so walang sasabihing masama yung ibang tao,” si Ate Cherry.

“Ok lang po ate,” sagot ni Jim.

Doon ko pinapwesto si Ate sa may malapit sa pader kahit na mas madalas na ako ang nalalaglag sa kama. Sa gilid na lang sa lower bunk pumwesto ni Jim. Lahat ay inaantok na maliban kay Edward na nagsalang na naman ng movie sa DVD. Nakaupo siya sa harap ng TV habang nanonood. Natawa pa ako sa napili niya ang movie na ‘Talong’. Luma na iyon pero nung kabataan namin porn na iyon.

Hindi talaga ako makatulog pag may bukas na radio o TV kaya nanood na lang din ako. Nasa kalagitnaan ng movie nang biglang magsalita si Edward.

“Ignis, tingnan mo oh,” sabay harap sa akin na dumudugo ang ilong.

Bago pa ako nakapag-isip ng gagawing first aid ay natawa na ako at hirap na hirap na wag mapalakas dahil tulog na mga kasama namin. Bumaba ako ng kama at kumuha ng tissue sa banyo.

“O eto, punasan mo yan,” sabay pisil ng may bandang taas ng ilong para tumigil ang pagdurugo. Hindi ko siya pinatingala dahil may tendency na mag-drip sa baga yung dugo. Makalipas ang ilang minuto tumigil na din. “Loko ka may story pa yang pinapanood natin at wala ka nga halos makita dumugo na iyang ilong mo. Paano pa kaya kung hard core yan?” tatawa-tawa pa din ako.

Tumawa din ang loko,”Baka kailangan ko na ng transfusion noon. Hindi ko nga din alam kung bakit basta bigla na lang talaga,” sabi niya.

“Matulog ka na kasi awat na diyan,” sabi ko. Pinatay ko na yung mga aparato at nahiga na din. Pumwesto na lang si Edward sa lapag na sinapinan na lang niya.

Hindi rin lang ako nakatulog ng matino kasi namamahay ako idlip-idlip lang ang nangyari sa akin. Pagkagising namin kinabukasan nag-almusal lang kami at kanya-kanya umuwi. Sa bahay na lang ako natulog ng dire-diretso.

Monday. Busy silang lahat sa kwentuhan habang ako ay nakatingin sa labas ng bintana. Uwian na kasi ng mga estudyante at tulad ng nakagawian ko ay tinitingnan ko lang sila dumadaan. Dumating si Kuya Greg ng mas maaga ng araw na iyon.

“Guys nandito na yung script na gagawin natin. Magkakaroon man tayo ng workshops sa umpisa, I want you to focus on the characters na nandito. Paki-basa ng buo tapos sabihin ninyo kung sino ang gusto ninyong iganap pero hindi naman ibig sabihin noon kayo na talaga yun. Titingnan ko din kung saan kayo mas napapabagay. Ang title ng play ay ‘Ang Mga Tatoo ni Emmanuel Resurrection’,” sabi niya sabay abot ng photocopy ng script sa amin.

(Author’s Note: Can’t find an online version of this one-act play. Kung mahahanap po ninyo paki-bigay na lang po yung link. Salamat)

Nagbasa naman kami kaagad. Noong tinanong kami ni Kuya Greg kung ano ang gusto naming role si Kuya Alvin ang unang nagsalita.

“Gusto ko ako si Magda,” sabi niya tapos tawa.

“Oi Kuya gusto ko ako si Magda,” sabi ko din. Tumawa na lang lahat at nagtatalo na kaming lahat kasi lahat kaming mga lalaki gusto mag-Magda.

“Seryoso na kasi. Inatake na naman kayo ng sapak sa utak,” si Kuya Greg.

Sinabi naman namin ang mga gusto namin kay Kuya Greg. Naging ganito ang set-up. (Actually ito na din yung final cast)

Ignis – Beho
Rey – Badong
John – Gaspar
Kuya Alvin – Romeo
Kuya Joey – Emmanuel
Jim – Kabataan
Ate Cherry – Magda (kainis! LOL)
Edward – sekreta 1
Kuya/Sir Greg – Melchor

Allowed din naman kasi ang mga faculty members na sumali kaya kinuha na ni Kuya Greg yung isang role. Madami pang kulang na actors kaya sinabi na lang ni Kuya Greg na hahanap na lang siya para sa mga lacking characters.

Noong una talaga ang gusto ko ganapan ay si Emmanuel, the main protagonist. Kaya kinausap ko privately si Kuya Greg.

“Alam ko naman na kaya mo yung role, Ignis. Kaya lang ikaw lang ang nakikita ko na makakagawa nung role ni Beho,” paliwanag ni Kuya Greg.

“Ganoon po ba? Diba pwedeng si Rey yun Kuya since siya naman talaga ang intsik sa atin?” tanong ko.

“Di niya kaya. Yung mukha niya di pwede sa role mukha kasing masiyahin at mahirap patandain ang itsura,” paliwanag niyang muli.

Sumang-ayon na lang din ako. Tiwala ako sa desisyon ni Kuya Greg since parang institusyon na siya sa ganitong kalakaran. Binasa ko uli yung script at napabuntong hininga na lang ako. Kailangan kasi may punto ang pagsasalita ko at yung mga words na dapat ko sabihin ay hindi talaga matinong pangungusap. Kung makakarinig ka ng intsik na nagsasalita sa mga Pinoy movies dapat ganun daw ang mga dialogue ko. Pagtapos namin basahin ng mga dalawang beses yung script, inayos namin yung mga upuan na paikot at nagsimulang mag-line reading. Ito yung tipo na wala pang actions boses lang. First run namin palpak pa kami lahat. Yung mga datihan na sila Kuya Alvin, Ate Cherry, at Kuya Greg lang yung matino yung delivery. Kaming mga baguhan monotonous pa magsalita. Tipong yung famous line na “Magbabalik ang Batibot”. Kasi pare-pareho yung tono ng mga salita namin at pilit pa yung pag-arte.

“You should know how to act as if you are not acting,” sabi ni Kuya Greg.

“Paano po iyon?” tanong ni Rey.

“Ganito lang yun Rey. Diba sa mga pelikula o teleserye hindi mo naman masasabi na umaarte lang sila. Naaalala sila ng mga tao sa characters nila hindi na kung sino sila. Be the character. Pag-aralan ninyo kung ano ba yung damdamin nila at bakit nila sinasabi yung mga lines nila. Diba si Badong ang character mo, Rey? Kapag nasa rehearsals tayo hindi ka na si Rey. Si Badong ka na. Kalimutan mo na kung sino ka at maging ikaw ang ginaganap mo. Hindi mo naman sasabihin sa manonood na ikaw si Badong, ganito ang ugali mo, ganito ang mga rason kung bakit iyon ang ugali mo. Maiisip na lang nila iyon kapag nagtatanghal ka na,” paliwanag ni Kuya Greg.

“Parang ang hirap naman,” sabi ni John.

“Sa umpisa kasi kakabasa niyo lang ng script pero kapag tumagal-tagal makukuha din ninyo ang ibig kong sabihin. Kaya nga nandito ako na director ninyo para magawa nyo ng maayos yung acting nyo,” sabi ni Kuya Greg.

“Opo Kuya,” sagot niya.

“Ignis,” tawag sa akin.

“Po?” medyo kinabahan ako.

“Hindi mo nakukuha yung punto sa pagsasalita. Manood ka ng mga movies na may mga intsik na nagsasalita at gayahin mo marami yun sa mga action films. Pag may time ka kausapin mo yung mga ibang tao ng ganun ang punto para masanay ka na,” sabi niya.

“Opo Kuya,” ang naisagot ko na lang. Sa isip ko patay hindi pa man din ako mahilig manood ng pelikulang sinasabi ni Kuya. Mas hilig ko kasi ang mga foreign films.

Nag-second run kami pero halos ganoon pa din ang dating ng boses namin. Iisa-isahin daw kami ni Kuya Greg pag tumagal pero for now, mag-memorize muna daw kami ng lines.

Buong linggo yun lang halos ang gagawin namin. Konting workshop to improve yung mga acting skills (kung meron man) namin at line reading. Paminsan-minsan napupuri na sila samantalang ako hindi pa din.

“Ano ba Ignis? Isang linggo na natin ginagawa ito pero di mo pa din makuha yung sinasabi ko na dapat mong gawin. Halatang pilit kasi mga lines mo. Alam ko you’re trying your best pero hindi alam kong hindi lang iyan ang kaya mong gawin,” kalmado man ang pagkakasabi ni Kuya Greg nito sa akin ay tagos pa din sa buto. Kasalanan ko din naman kasi dahil hindi ko naman nagagawa yung payo niya dati dahil sa ayaw ko at pangalawa walang oras para doon.

“Pipilitin ko po kuya,” sabi ko.

“Wag mo pilitin, gawin mo,” madiin ang pagkakasabi nito.

Napayuko na lang ako.

“Kuya Greg, sabado naman ngayon, inom naman tayo sa inyo,” sabi ni Edward.

“Ok lang sa akin Edward basta pag inom kayo ang gagastos,” sabi ni Kuya Greg.

“Areglado Kuya! O ano tara?” yaya niya sa amin.

Si Rey hindi pa din pwedeng sumama talaga. Si Ate Cherry ay hindi naman umiinom kaya di na lang siya sasama. Kaya kami na lang ang magkakasama sa gabi. Gusto ko uminom kasi nalulungkot din naman ako dahil nga di ko magawa yung dapat kong gawin.

Palabas na kami ng school nang kausapin ako ni Rey.

“Ignis, ok ka lang ba?” tanong niya.

“Hindi masyado,” sagot ko.

“O napano ka?” biglang singit ni Evan na nasa likod lang pala namin. Late natapos yung practice nila. Dati-rati kasi nauuna silang umuwi.

“Nasabon kasi kanina pre,” sagot na lang ni Rey kay Evan.

“Ganun? Bakit naman daw?” tanong uli ni Evan.

“Di ko kasi makuha yung dapat na punto ng Chinese na nagtatagalog,” sagot ko.

“Bakit di mo turuan Rey. Chinese ka naman,” sabi ni Evan.

“Di nga ako marunong. Dati nag-aral din ako mag-Mandarin pero di ko gusto kaya di ako natuto sumulat at bumasa noon,” sagot ni Rey.

Bumuntong hininga na lang ako uli. Di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko.

“Ganito na lang. Marunong naman ako konti yung tipong bati lang. Kapag kasi nagsasalita ng Chinese yung dila di umaabot sa likod ng ngipin. Parang sa palette lang lahat,” sinubukan niya yung lines ko na naalala niya. Ganoon nga yung gusto marinig ni Kuya Greg.

“Salamat, Rey,” tiningnan ko siya na nakangiti. “Subukan ko yan ‘pag mag-isa ako. Nahihiya kasi ako ngayon.” Ngumiti rin si Rey sabay kindat.

“Yun ngumiti rin. Kala ko din di ko na makikita uli ngumiti ito eh,” si Evan.

“Oo nga laging seryoso kasi,” si Rey.

“Mga mokong kayo ako na naman nakita ninyo,” tumawa na din ako. Nakarating na kami sa gate. Sumabay na si Evan kay Rey tutal ihahatid na lang daw yung una. Lumakad naman kami papunta sa bahay ni Kuya Greg na may munting stop over sa isang convenience store para bumili ng alak at mga chips pang pulutan.

Pagdating namin doon ay sinimulan na kaagad. Vodka yung alak na iniinom namin. Dalawang bote lang naman kasi di naman namin balak magpaka-lango talaga. Paikot ang tagay at si Edwand ang tanggero namin. Nung tumatagal na ang inuman ay namumula na kami lahat samantalang si Kuya Greg wala pang epekto. Sa isip ko ang tibay naman nito sa inuman di pa siya umiinom ng chaser sa lagay na yun at tinatapon niya sa may bintana. Nung nakailang ikot na uli at ganoon pa din ang ginagawa ni Kuya Greg. Nung minsang nagtapon siya ay sumabit sa bintana yung chaser. Lumapit si John para punasan kasi nakakahiya baka magkalat kami.

“Sir madaya ka! Kaya pala di ka man lang tinatamaan eh yung alak yung tinatapon mo!” sabi ni John na tinawanan lang ni Kuya Greg. “Amoy na amoy ko dito di naman yung juice tinatapon mo,” at lalong tumawa si Kuya.

Sinabi niya din sa amin na hindi siya umiinom talaga. Gusto nya lang kami pagbigyan kaya pumayag siya. Pareho kasi yung baso na ginagamit namin para sa juice at para sa alak. Dark colored pa kasi kaya di mo talaga makikita kung ano ang nasa loob. Pomelo pa yung chaser namin kaya di rin namin napapansin kasi medyo madilim malapit sa bintana. Nung mga sumunod na rounds di na niya tinatapon. Sa kwentuhan namin sinabi ni Kuya na di naman daw siya galit sa akin. Gusto lang daw niya ilabas yung best in me.

Di namin naubos yung alak. May natirang mga one-fourth dun sa pangalawang bote. Tamado na kasi kaming lahat ay ayaw naman naming magsuka doon kasi nga mahirap maglinis ng bahay. Pagkaligpit ng pinag-inuman pumasok na kami sa room ni Kuya Greg at dati-dating pwesto kami. Doon pa din ako sa upper bunk pero this time tumabi si Jim sa akin. Umusog ako mas malalim sa pader. Dahil nga naka-inom mabilis din akong nakatulog.

Naalimpungatan ako ng biglang yumakap si Jim sa akin. Nakatihaya na ako noon. Nakadantay yung hita niya sa hita ko. Inalis ko ang pagkakayap at dantay at tumagilid ako patalikod sa kanya at nakatulog na muli. Nung muli ako naalimpungatan nung yung kamay niya ay nasa may bandang tiyan ko sa ilalim ng t-shirt ko. Tinanggal kong muli at natulog. Naalimpungatan na lang akong muli nung humihimas-himas na siya sa may tapat ng pundilyo ng maong kong pantalon at nakabukas na yung zipper ko nakapasok yung kamay niya sa loob.

“Ano bang gusto mo?” bulong ko sa kanya. Nagsisimula na akong magalit. Umungol lang siya. Hindi pa ako ganoon kalasing kaya may lakas pa ako. Kung pwede lang bigwasan ito ginawa ko na. Ayaw ko lang gumawa ng eskandalo dahil nahihiya ako sa mga taong kasama namin. Dahil na rin siguro sa kabataan ko ay nagtataksil na naman ang katawan ko at kusang nagkakabuhay ang kanina pa niya hinahaplos. Aalisin ko ang kamay niya pero pinigilan ng kabila niyang kamay ang braso ko at may pwersa ang hawak niya.

Gumagana pa ng matino ang utak ko at hindi ko gusto na magkaroon ng gulo. It is the last thing I would want. Binuksan ko yung butones ng pantalon ko at ipinasok ko ang kamay niya sa panloob ko at ipinahawak ko ang pagkalalaki ko. Biglang higpit ng kamay niya sa pabuo sa kanyang hawak at nagtaas baba ito. Ang kabila niyang kamay ay ibinababa na ang panloob ko kasama ang pantalon.

“Gago ka! Sige yan ang gusto mo o bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mo diyan ngayon pero sinisigurado ko sa iyo bukas ng umaga huwag mo nang asahan na kasali ka pa sa mundo ko,” bumubulong lang ako pero kung maririnig man ako ng kung sino man ay madaling mahahalata ang pagkamuhi sa boses ko.

Bigla niyang inalis ang mga kamay niya sa paghawak sa katawan ko at humiga siya ng patihaya. Marahas kong kinuha yung kamay niya at ibinalik sa kahabaan ko.

“Ano?! Ngayon kung kelan kita pinagbigyang gago ka aatras ka?” galit pa din akong bumubulong. Naulingan ko ang isang sorry at inalis niya ang kamay niya. Isinuot ko ng maayos ang panloob ko’t pantalon. Bumangon ako at umalis sa kinakahigaan namin. Pumunta ako ng sala at doon na lang natulog sa mahabang sofa. Hindi naman na sumunod si Jim kaya nakatulog na ako ng diretso.

Kinaumagahan ginising ako ni Kuya Greg.

“Ignis bakit dito ka natulog diba andun ka sa taas kagabi?” si Kuya.

“Ang likot kasi ni Jim, Kuya. Di ako makatulog kaya lumipat ako,” iyon na lang sinabi ko.

“Ganun ba? Kaya pala. Maaga siya umalis. Ginising lang ako at nagpaalam na may pupuntahan daw siya mamaya kaya kailangan niyang umuwi kaagad,” si Kuya.

“Di ko siya namalayan na lumabas Kuya. Mahimbing yung tulog ko dito kasi,” sabi ko na lang.

“Tara bili tayo ng almusal,” yaya ni Kuya.

Sumama ako bumili ng almusal namin. Pandesal tsaka instant na pancit canton lang sa isang tindahang malapit. Pagbalik namin ay gising na ang mga kuya, ate, at mga iba pa naming kasama sa teatro. Hinanap nila si Jim at si Kuya Greg na yung sumagot sa kanila. Nakainit na sila ng tubig pang-kape at nakatimpla na din. Di yata uso ang creamer sa mga ito at puro black lahat ng tasa pero wala palang creamer si Kuya. Di rin pala siya nagkakape at sila Kuya Alvin pala ang bumili ng mga iyon para di na daw sila lalabas sa umaga para lang sa kape.

Nakita ni John sa ilalim ng table sa sala yung board game na Monopoly. Niyaya niya kami maglaro. Game naman kami lahat. Si Kuya Greg ay di sumali sa laro pero siya ang banker. Nasa kalagitnaan kami ng laro nang biglang may biglang kumatok. Dumating pala si Mokong.

“Yung mga damit niyo di pa napapalitan ah,” biro niya at tumatawa.

“Rey bakit ka pumunta pala tsaka pano mo natunton yung bahay ko?” tanong ni Kuya Greg.

“Tinanong ko po yung address niyo kay Kuya Alvin. Magpapaturo po kasi sana ako ng lines kung ok lang?” sagot ni Rey.

“Wala namang problema doon Rey kaso naglalaro pa kami. Mamaya konti?” si Kuya Greg.

“Ok lang po,” sagot ni Rey at tumabi siya sa akin. “Bilhin mo lahat ng lots before yung ‘Go’ mahal yan pero profitable.”

“Alam ko. Kaso di naman ako nakakapunta pa doon,” sagot ko na di inaalis yung mata ko sa laro. Pakiramdam ko nakatingin siya sa akin kaya humarap ako sa kanya. “Bakit?”

“Gwapo mo pa din pala kahit bagong gising ka at hindi pa naliligo,” sabi ni Rey.

-------------- Itutuloy.

Friday, May 17, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 11


Chapter 11 – Si Rey

Linggo. Nagising akong wala sa katinuan. Puyat na nga tapos maaga pa akong nagising. Nag-asikaso lang ako ng sarili tapos bumalik uli at nahiga sa kama ko. Nag-iisip ng kung ano-ano. Naguguluhan kung ano ba talaga ang pagkasino. Hindi ko alam kung sino ang pwede kong pagsabihan na hindi ako huhusgahan. Ang hirap ng kalagayan ko dahil may reputasyon akong inaalagaan at alam kong hindi basta-basta ang mga ganitong bagay sa lahat ng tao.

<><><><><><><><><><><><><><><><><> 

“Ignis, mahal mo ba ako?” tanong ng isang taong kinakainisan ko.

Tinignan ko ang mukha niya na napakaamo at nagsusumamo ng pagmamahal?(weh)

"Ano? Ignis?" tanong niyang muli at umakbay pa sa akin.

<><><><><><><><><><><><><><><><><> 

Nakatulog na naman pala ako habang nag-iisip. Bumalikwas ako upang bumangon na. Alas onse na pala. Himala lang sa takaw ko ay hindi pa ako nagugutom kahit na hindi pa ako nag-aalmusal. Ang alam ko lang kailangan kong kumain kung ayaw kong sakitan ng tiyan mamaya. Tinatamad naman akong magluto ng kakainin ko. Buti na lang at nakita ko ang cellphone ko at niyaya ko na lang si Lhey na kumain sa labas. Nung nag-reply na siya sa text ko na pwede kaming mag Aldas ngayon ay naligo na ako. After an hour, nagkita na kami sa karinderya.

“Ading, meron kaming binagoongang baboy at sisig ngayon,” nangiti na lang kami ni Lhey dahil alam na nung tindera yung paborito naming ulam. “Kamusta na pala yung lalaking lagi mong tinitingnan sa kabilang karinderya?” biglang namula si Lhey. Sa dalas kasi naming kumain dito at lagi kaming nag-uusap ng mga personal na bagay habang kumakain ay alam na lahat ng tindero yung kwento ng buhay namin.

“Ayun ate, wala siya diyan ngayon. Nakakawalang gana tuloy kumain,” biro ni Lhey sa tindera.

“Naku baka mamaya nandiyan na din yun,” nag-aalalang sabi nung ale. Siniko ko na lang si Lhey para manahimik na baka wala nang dagdag yung ulam at kanin namin. Gusto ko talagang tumawa ng malakas sa kalokohan niya.

Inayos na nung ale yung kakainin namin sa table na bakante. Alaga kami sa asikaso ng mga ito dahil nga suki na kami. Halos kakaupo pa lang namin nang magtanong si Lhey.

“You don’t usually go out on Sundays. Anong problema mo?” hindi ko na ikinabigla iyon. Sa tagal naming magkaibigan ni Lhey alam na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa.

“Hindi ko alam kung saan magsisimulang mag-kwento,” ako.

“Try mo sa umpisa,” sagot niya.

“Pinanganak ako noong ganap na 11:54pm – “ pinigilan na niya ako.

“Tungaw! Wag naman umpisang-umpisa. Umayos ka ah,” naasar na yata.

Ikinuwento ko na lahat sa kanya mula sa mga panaginip ko na paulit-ulit this past few months. Isinama ko na din yung nangyari sa amin ni Lito. I was never interrupted habang nagsasalita ako. Dire-diretso lang siyang sumubo ng pagkain.

“Hoy! Nakikinig ka ba?” tanong ko na parang naiirita na.

“Oo kaya! Alangan namang todo ang speech mo diyan eepal ako” sagot niya.

“Ano tol? Anong gagawin ko?” tanong ko uli.

“Wala,” si Lhey.

“Anong wala?” ako uli.

“Bakit may kailangan kang gawin? Bakit may mahal ka ba sa kanila?” tanong niya.

“Wala,” matipid kong sagot.

“Sigurado ka?” tanong niya muli.

“Hindi ko alam tol” ang naisagot ko na lang kasunog ang buntong hininga. I really hate yung tanong na ‘yun. Well pareho kami. Kahit kasi anong tago namin sa nararamdaman namin kapag ganyan na ang tanong sigurado lalabas.

“Kung sabagay kasi ang gwapo naman talaga ni Rey. Patay na patay nga yung isa nating batchmate sa kanya. Tol, ‘wag mo madaliin kung meron ka man nararamdaman para sa kanila. Malay mo trip lang nila itanong iyon,” sabi niya.

“Sige tol. Naiilang lang kasi ako talaga,” sabi ko.

“Bakit ikaw ang maiilang? Diba sila ang nagtanong sa iyo? Dapat sila ang mailing ah,” banat niya.

“Kung sabagay,” one liner na ako.

“Alam mo tol, yang mga panaginip na yan really doesn’t mean na futuristic ang event. It is only a way para mailabas mo yung mga desires na di mo pwedeng gawin in real life. Parang yung kay Kim (referring to the guy na nasa kabilang karinderya na ngayon), HD ko lang yun. Ganun din sa panaginip mo tol. I remember na di kayo close ng dad mo diba so you are longing for the love of a guy kaya yun ang napanaginipan mo. Figuratively, you never knew your father so naghahanap ka ng manly love. Kung totoo nga na may nararamdaman ka para sa kung kanino man sa kanila, gusto mo pa lang sila niyan tol. Wag masyadong assuming na mahal na kaagad,” litanya niya.

“Ganun ba iyon?” wala na talaga akong masabi.

“Oo naman. Tsaka bakit ba sila nagmamadali sa tanong nila? May lakad lang?” sabay tawa.

“Lukaret! Eh syempre di naman ako chicks para siguro ligawan diba,” tumatawa na din ako.

“Hay naku kung ako ang tinanong ni Kim ng ganyan, wala nang pakipot go na kaagad. Kaya ko na isuko ang Bataan,” tinamaan na naman ng kalandian si Lhey kaya binatukan ko nga.

“Sira! Tadyakan kita diyan. Gawing cheap ang sarili? Tol nanghihiram na ba sa iyo ng kati ang higad o gabi?” tapos tawa.

“Aray Ignis ah. Hindi ko alam kung ano ang masakit. Yung batok mo ba o yung sinabi mo,” hala parang nagtampo na yata.

“Kasi naman tol nasa public place tayo magpigil-pigil ka naman ng konti,” tumatawa pa din ako.

“Ok lang. Mali ko naman yun. Siya nga pala tol. Diba nasa teatro kayo? Malay mo acting lang yung ginagawa nila so wag masyado magpapaniwala ah. Ikaw pa naman di pa sanay sa ganitong laro kaya dahan-dahan lang ok,” payo niya uli.

“Yes boss!” sagot ko.

“Tara na uwi na tayo,” yaya niya.

“Loko ka di pa ako tapos. Lumamon ka kasi ng lumamon habang dumadakdak ako,” reklamo ko.

“Kung makagamit ka naman ng salitang lamon parang ang lakas ko kumain,” banat niya.

“Bakit hindi nga ba? Nakadalawang extra rice ka kaya. Halos pareho lang tayo ng lakas kumain,” asar ko na ikinatawa niya.

Nung matapos akong kumain hinatid ko na siya sa sakayan at lumakad na lang ako pauwi. Buti na lang may isang tao na pwede akong intindihin.

Lunes. Ganun pa din naman ang takbo ng umaga at hapon. Normal classes lang kami at nakakatakot kasi wala kaming quiz sa araw na iyon. Sigurado sa next meetings namin sabay-sabay lahat ang quizzes. Medyo na late lang ako ng dating sa rehearsals namin nung gabi na. Pagpasok ko sa room namin may nakasulat sa board. Tongue twister pala yung gagawin namin tonight. Lumapit ako kay John at nagtanong ng gagawin at mabilis naman niyan in-explain sa akin. Kailangan daw ma-memorize namin yung words at mabanggit ng walang bulol for five times. Gusto ko na lang matawa. Sa akin kasi hard core kasi yung gagawin namin.

            Pitumput-pitong puting patong patong-patong
            Pitong pito-pito para pag pumito
            Papatong-patong ang pitumpung paratot na
            Pusang putong puti ang putahe

Kailangan daw naming magbayad ng 25 cents sa tuwing may mali kami. Di naman mabigat pero hindi kami makakauwi hanggang di kami nakakatapos ng task. Nakita ko yung iba na nagpa-practice na sa gilid-gilid. Nakita ako ni Rey at ngumiti. Si Jim naman nakita nga ako pero di ako pinansin. Nilapag ko yung bag ko sa gilid. Kumuha ako ng pen at papel para makopya ko yung activity namin.

Bawat isa sa amin ay seryoso na sa ginagawang practice. Hindi pa man tumatagal ay tinawag na kami. Nauna si Jim. Aba yung bata take one lang. Pagkatapos niya ay ngumiti sa akin tapos kumindat. Sunod-sunod na kami. May mga pumapalpak din pero dalawa o hanggang tatlong try lang na siyang tinatawanan ni Rey at Jim. Nag-partner pa yata ang dalawa. Nung turn ko na wala akong mali. Tumingin ako kay Jim at bumelat. Nag-thumbs up naman si Rey. Last si Rey nung gabi na iyon.

“Pitumpu’t pitong puting patong-patong, pitong pito-pito para pag pumito papatong-patong ang pitumpung paratot na PUTANG putong puti ang putahe,” ang sinabi niya na ikinatawa namin.

“Rey, alam mo bawal magmura diba. Kahit na nasa script yung salita di pwedeng gamitin dito,” si Kuya Greg. Napakamot na lang si Rey ng ulo at tumingin sa akin kaya dumila na lang ako sa kanya. Inulit nya uli, ganun na naman. “Rey PUSANG ah PUSANG! Di pwedeng kainin yung sinasabi mo. Wait, pwede din pala,” tumawa na kami lahat.

Inabot yata ng sampung ulit si Rey pero di pa din niya nakuha. Pati siya ay tumatawa na dahil paulit-ulit ang palpak. Nagbigay na lang siya ng sampung piso at di na tinuloy yung activity kasi malapit na yung time limit namin at papauwiin na kami ng mga guards.

“So akala nyo naglalaro lang tayo?” tanong ni Kuya Greg. “Madami kayong linya na kailangang kabisahin pag nagtanghal na tayo sa entablado. Hindi naman dahan-dahan ang ibang mga lines ninyo kaya dapat mawala ang pagkabulol niyo. Isa lang naman ito sa madaming tongue twisters na pwede ninyong pag-practice-san but the point is you should know how to deliver words as exactly as they are. Sa teatro walang take two. Pagbukas ng telon hanggang magsara di pwedeng ulitin ang mga mali kaya dapat perfect ang gagawin ninyo. Hindi rin pwedeng pabulong ang pagdeliver ninyo ng lines sapagkat teatro nga iyon at di naman uso ang lapel mic sa school theatre natin. So kailangan malakas ang deliver. Pag galit at mabilis ang delivery dapat malakas pa din at buo ang mga salita,” paalala niya.

“Yes Kuya,” sagot namin. Iyon ang nagustuhan ko sa mga ginagawa namin sa rehersals. Parang naglalaro lang kami pero ang totoo niyan nandoon na pala yung training namin.

Masaya yung training naming iyon. Umuwi na din kami pagkatapos. Mabilis na naglakad si Jim at nauna sa amin dahil daw may pupuntahan pa daw siya. Kaming lahat ay sabay-sabay lumabas ng school. Sa tapat ng boarding house nag-park si Rey nung gabi na iyon.

“Pwedeng pumasok?” tanong ni Rey.

“Hindi eh,” itinuro ko sa kanya yung sign na no visitors allowed beyond 7pm.

“Sige pala, uwi na ako,” sabi na lang niya.

“Ingat,” ako.

“Bye,” paalam niya.

“Parang hindi naman na tayo magkikita bukas niyan,” sabi ko na may halong inis.

“Oo nga pala ayaw mo ng ganun. Good night na lang pala?” tanong niya.

“Much better. Good night” sagot ko. Sumakay na siya sa kotse niya at inistart yung makina. Kumaway at umalis.

Ang hindi ko alam ay nasa tabi ko lang pala si Lhey. “Hoy!” ang pang gugulat niya.

Tiningnan ko siya at bumilang ako ng sampu sa isip ko bago nag-react. “Kainis ‘to!” sabi niya sabay hampas sa braso ko.

“Lhey masakit kaya,” sabi ko tapos tawa.

“Tara kain tayo. Kanina pa kita hinihintay kaso may naghahatid na pala sa iyo ngayon,” pang aalaska niya habang naglalakad kami papunta sa karinderya.

“Mukha ba akong hinatid?” sarcastic kong tanong pabalik.

“Hindi nga ba? Ikaw na. Ang haba ng hair mo daig mo na si Rapunzel” tuloy pa din niya.

“Nagkataon lang na diyan naka-park yung kotse niya sa tapat ng boarding. Sige nga tol paki-tirintas yung buhok ko,” sinakyan ko na lang yung mga banat niya.

Nang makarating kami sa kainan bumanat kaagad yung ale sa amin ng, “Hala ading wala kaming binagoongan ngayon, sisig na lang.”

Natawa na lang kami ni Lhey at sinabi na lang niya na pwede na yung adobong baboy. Ngumiti na lang si ate tapos biglang nginuso yung isa nilang customer. Biglang lapad ng ngiti ni gaga kasi si Kim yun. Nilagay pa ni ate yung pagkain namin sa katapat na table nung sa tropa nila Kim. Biglang nagpalit anyo ang maharot kong kaibigan. Parang dalagang pilipina na siya ngayon. Ang pino ng kilos niya at tahimik niyang kumakain habang tinitingnan yung lalaking natitipuhan niya. Sinisipa-sipa ko siya sa ilalim ng lamesa at sinisipa niya din ako pabalik.

“Lhey sino na kasi yung lalaking may crush ka sa school?” tanong ko na sinugurado ko na maririnig ni Kim sa siyang dahilan din ng pagtingin ng huli sa amin.

“Manahimik ka!” authoritative pero mahinang sabi niya habang namumula.

“Lhey sumobra ba yung blush-on mo? O nilalagnat ka? Namumula ka kasi eh,” tuloy pa din yung pang-aasar ko. Tumawa na lang yung tindera na nag-serve sa amin ng pagkain kanina at nangingiti na lang yung iba. Ngumiti si Kim sa kanya at sinipa-sipa ako ni Lhey sa ilalim ng table.

Tumawa ako ng malakas. Wala na akong paki-alam kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao. Napansin ko na lang na lumabas si Jim sa karinderyang kinakainan namin na mag-isa. Hindi na naman siya namansin. Sinabi ko yung kay Lhey.

“Hayaan mo siya. Kung ganyan ang treatment niya sa iyo paano mo siya magugustuhan. Hmff,” asar si Lhey pero di nawala yung ngiti niya sa labi. Kahit yata lagyan ko ng ipot yung ulo niya ay hindi mawawal yung ngiti niya eh. Umalis na sila Kim kasi tapos na silang kumain. Lumapit sa amin yung tindera at may inabot na papel kay Lhey.

“EEeeeeeeeeeee!” tili niya. Nakasulat kasi sa papel yung number ni Kim at sinabi na i-text niya daw. “Tol pwede na ako mamatay!”

“Gaga! Wag muna. Makipagtext mate ka na muna sa kanya,” asar ko.

“Di lang textmate ang gagawin ko tol,” sagot niya. Tuwang-tuwa ako sa itsura ni Lhey. Para siyang naka-jackpot sa lotto. Masaya ako para sa kaibigan ko. Ilang buwan ba naman na puro titig lang siya dun eh.

Halos normal lang ang takbo ng linggo pero syempre espesyal kay Lhey. Puro aral at rehersals lang ang wisyo ko. Sa sobrang busy yata namin wala ng time makipag-socialize sa ibang tao. Sa mga workshops namin lagging pinapaisip lang kami ng mga commercials o kaya lines sa tv or movies na gagayahin namin. Kailangan daw namin i-explore ang iba’t ibang forms of acting before our casting through already shown media. Kung dati-rati ay iniiwasan ako ni Jim, nung mga araw na iyon ay siya ang iniiwasan ko. Allergic kasi ako sa linya niya na ‘Wala akong maisip’ na kinakainisan ko kasi may utak naman siya bakit di gamitin.

Friday afternoon inatake ako ng sakit kong migraine. Hindi ito yung simpleng sakit ng ulo na kapag ininuman ng gamot, ok na. Kapag migraine kasi localized lang sa isang side ng head na talagang sobrang sakit. Kung pwede ko lang iuntog yung ulo ko sa pader para lang mabawasan kasi parang binibiyak talaga. Dahil din sa sobrang sakit ay nagsusuka na ako. Uminom ako ng pain relievers just to lessen the agony. Yung tipong sapat lang para makatulog since yun naman talaga ang cure for migraine. Nag-text na lang ako kay Kuya Greg na di ako makakapunta. Nang tumunog yung cellphone ko iba naman yung nagreply.

“Si Rey to. Ok lang daw sabi ni Sir Greg. Ayos ka lang ba? May nag-aasikaso ba sa iyo?” tanong niya sa text. Marahil kinuha niya yung number ko kay Kuya Greg o Evan.

“Ok lang ako Rey. Sige na mag-workshop ka na. Wag mo na ako intindihin,” reply ko.

“Sige sabi mo eh. Pagaling ka huh. See you tomorrow,” si Rey.

Di na ako nag-reply. Ipipikit ko na sana yung mata ko nung tumunog pa uli yung phone ko. Ang lakas pa man din ng ringtone kasi nga ‘Special’ ng 3310 yun na nakakadagdag sa sakit ng ulo ko. Maiinis na sana ako sa kakulitan ni Rey pero nung binasa ko yung text…

“Dude punta ako diyan sa inyo, san ba? May sakit ka daw sabi ni Rey,” si Evan.

“No need na tol. Ok lang ako. Tulog lang katapat nito,” reply ko.

“Edi kantahan pala kita para makatulog ka kaagad,” ambilis ng reply niya.

“Bugok! Hehe. Magpractice ka na lang diyan. Kaya ko ‘to. Masamang damo yata ‘to,” reply ko.

“Cge pala kung kaya mo. Sure ka ah. Text ka kung ok ka na para di ako mag-aalala,” last text niya.

Sinave ko na muna yung number ni Rey tapos natulog na ako. Umaga na ako nagising kahit na nag-start yung tulog ko ng before 6PM. Morning rituals lang tapos pumasok na ako sa school.

Saturday night nagsimula na naman kami sa workshops. Todo sa pangangamusta yung mga kasama ko sa theatre pati na din si Evan na dumayo pa talaga sa room namin.

“Buti magaling ka na Ignis. For tonight voice stress ang workshop natin,” panimula ni Kuya Greg at sinulat niya yung line sa board.

            Bakit mo ako iniwan? Bakit? BAKIT? BAKIT?
            MALI BANG AKO’Y IBIGIN MO? MALI BA? MALI BA? Mali ba?

“Increasing yung emotion ninyo dapat dito sa unang line. Peak on the last ‘Bakit’. Maintain the emotion until sa second line tapos decreasing. Hindi pwedeng pare-pareho ang intensity ng ‘Bakit’ at ‘Mali ba’. Meron kayong 30 minutes to practice. Ok?” paliwanang ni Kuya Greg.

Sinimulan na namin lahat ang ensayo. Kanya-kanya uli. Matapos ang oras na ibinigay sa amin. Isa-isa na kaming tinawag. Una ako. Palpak. Pareho yung tone ko dun sa ‘Mali ba’. Sumunod si Rey. Palpak pa din. Wala pang nakakakuha sa amin. Last si Jim. PERFECT!

“Ayos! Mukhang may pinaghuhugutan ka Jim,” asar ni Kuya Greg.

“Na-basted lang kasi Sir,” tumawa pero nakatingin sa akin. Taas-kilay sana ako kaso di naman ako marunong.

Nakatatlong rounds kami lahat maliban kay Jim pero wala talagang nakakuha.

“I would never expect na may makakakuha sa inyo nito. Ngayon lang talaga. Kinakailangan kasi ng matinding emotion dito na hindi basta-basta maiisip lang. Congrats Jim. Last na ito for tonight. Kain tayo sa bahay tapos overnight?” anyaya ni Kuya Greg.

“Ayos yan! Hoy sama kayo masaya ‘yan,” susog ni Kuya Alvin.

“True. Hala na-miss ko itong mga ganitong moment eh,” si Ate Cherry.

“Di po ako pwede. Hahanapin ako sa bahay,” si Rey.

“Anlaki mo na may curfew ka pa?” tanong ni Kuya Alvin sa kanya.

“Di ako papayagan kasi kahit magpaalam pa ako. Kung gusto niyo doon tayo lahat sa amin pwede pero pag ako di ako pwedeng maki-overnight,” paliwanag niya.

“Ok lang Rey. Naiintindihan naman namin. Tanggap ko naman na hindi sa lahat ng pagkakataon pwede kayo lahat sumama. O tara na pala,” si Kuya Greg.

Gumayak na kami patungo sa bahay nila Kuya Greg. Humiwalay si Rey pagkalabas namin ng building dahil hindi sa main gate nakapark yung kotse niya. Dumaan muna kami sa isang kilalang restaurant na malapit upang mag-take out na lang ng pagkain kasi di naman nakapagluto si Kuya Greg at aabutin pa kami ng anong oras kapag nagkataon. Habang naglalakad kami hanggang makaabot sa bahay ni Kuya ay pinag-uusapan namin ni John yung problema niya na hindi nakaligtas kay Kuya Greg.

“Ano ba yang kanina nyo pa pinagbubulungan diyan?” tanong ni Kuya Greg.

“Ah-eh, wala naman po Kuya,” sagot ko na lang.

“Wala ba kayong tiwala sa akin?” may halong pagtatampo.

“Sir meron po akong tiwala sa inyo. Kaso di ko lang din kasi kaya pang sabihin sa inyo. Kapag kaya ko na ako nap o ang kusang magsasabi,” si John.

“Mukhang problemado ka John. Alam mo ba hindi lang naman ikaw ang problemado sa batch niyo sa teatro. Pati naman si Rey,” sabi ni Kuya.

“Anong poproblemahin nun? Mayaman, may utak, may itsura, may pagkamayabang nga lang,” sabi ko naman.

“Front niya lang yun. Napansin nyo hindi siya pwede sumama sa atin?” sabi ni Kuya at tumango kami pareho. “Yung Kuya lang kasi ni Rey yung sumusuporta sa kanya ngayon. Ang alam ko cut-off ang allowance niya at hinihigpitan siya ng parents niya kaya di siya pwedeng lumabas,” kwento ni Kuya.

“Anong dahilan? Grades? Eh mukha namang matalino yun. Kaklase ko siya dati kaya pansin ko naman kung may utak yung tao naalibadbaran ako,” sabi ko.

“Si Rey kasi masayahin lang yun pero ang totoo madami siyang dinadala sa buhay. Magkababayan kasi kami at parehong doctor ang parents niya na naging doctor ko pa noong bata pa ako. Prominente ang pamilya nila kaya siguro ang taas ng expectations sa kanya. Hindi naman natin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa buhay niya ‘pag hindi na natin siya kasama diba,” sabi na lang ni Kuya. “Pansin nyo din ba na hindi naman talaga siya close sa madami sa inyo. Si Alvin nagkasama sila sa Mr. and Ms. CAH kaya sila ang magkasundo. Ikaw, Ignis, kahit papano naging magkaklase kayo kaya kinakausap ka niya. Try to reach out to him kasi pakiramdam ko may mabigat siyang problema na ayaw lang din niyang sabihin sa atin,” ang mga pangungusap na nakapag-paisip sa akin.

Hindi ko alam na may ganoon pala. Sa kilos at porma niya kasi parang ayos lang ang lahat. Lagi ko pa siyang inaaway. Para tuloy ang sama kong tao.

Nang maging busy na ang lahat sa pagprepare ng mga gagamitin sa pagkain namin nag-text ako kay Rey, “Ui. Ok ka lang ba? ‘Pag may problema ka sabihin mo lang ah. Handa ako making.”

------------ Itutuloy

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails