Followers

Friday, May 17, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 11


Chapter 11 – Si Rey

Linggo. Nagising akong wala sa katinuan. Puyat na nga tapos maaga pa akong nagising. Nag-asikaso lang ako ng sarili tapos bumalik uli at nahiga sa kama ko. Nag-iisip ng kung ano-ano. Naguguluhan kung ano ba talaga ang pagkasino. Hindi ko alam kung sino ang pwede kong pagsabihan na hindi ako huhusgahan. Ang hirap ng kalagayan ko dahil may reputasyon akong inaalagaan at alam kong hindi basta-basta ang mga ganitong bagay sa lahat ng tao.

<><><><><><><><><><><><><><><><><> 

“Ignis, mahal mo ba ako?” tanong ng isang taong kinakainisan ko.

Tinignan ko ang mukha niya na napakaamo at nagsusumamo ng pagmamahal?(weh)

"Ano? Ignis?" tanong niyang muli at umakbay pa sa akin.

<><><><><><><><><><><><><><><><><> 

Nakatulog na naman pala ako habang nag-iisip. Bumalikwas ako upang bumangon na. Alas onse na pala. Himala lang sa takaw ko ay hindi pa ako nagugutom kahit na hindi pa ako nag-aalmusal. Ang alam ko lang kailangan kong kumain kung ayaw kong sakitan ng tiyan mamaya. Tinatamad naman akong magluto ng kakainin ko. Buti na lang at nakita ko ang cellphone ko at niyaya ko na lang si Lhey na kumain sa labas. Nung nag-reply na siya sa text ko na pwede kaming mag Aldas ngayon ay naligo na ako. After an hour, nagkita na kami sa karinderya.

“Ading, meron kaming binagoongang baboy at sisig ngayon,” nangiti na lang kami ni Lhey dahil alam na nung tindera yung paborito naming ulam. “Kamusta na pala yung lalaking lagi mong tinitingnan sa kabilang karinderya?” biglang namula si Lhey. Sa dalas kasi naming kumain dito at lagi kaming nag-uusap ng mga personal na bagay habang kumakain ay alam na lahat ng tindero yung kwento ng buhay namin.

“Ayun ate, wala siya diyan ngayon. Nakakawalang gana tuloy kumain,” biro ni Lhey sa tindera.

“Naku baka mamaya nandiyan na din yun,” nag-aalalang sabi nung ale. Siniko ko na lang si Lhey para manahimik na baka wala nang dagdag yung ulam at kanin namin. Gusto ko talagang tumawa ng malakas sa kalokohan niya.

Inayos na nung ale yung kakainin namin sa table na bakante. Alaga kami sa asikaso ng mga ito dahil nga suki na kami. Halos kakaupo pa lang namin nang magtanong si Lhey.

“You don’t usually go out on Sundays. Anong problema mo?” hindi ko na ikinabigla iyon. Sa tagal naming magkaibigan ni Lhey alam na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa.

“Hindi ko alam kung saan magsisimulang mag-kwento,” ako.

“Try mo sa umpisa,” sagot niya.

“Pinanganak ako noong ganap na 11:54pm – “ pinigilan na niya ako.

“Tungaw! Wag naman umpisang-umpisa. Umayos ka ah,” naasar na yata.

Ikinuwento ko na lahat sa kanya mula sa mga panaginip ko na paulit-ulit this past few months. Isinama ko na din yung nangyari sa amin ni Lito. I was never interrupted habang nagsasalita ako. Dire-diretso lang siyang sumubo ng pagkain.

“Hoy! Nakikinig ka ba?” tanong ko na parang naiirita na.

“Oo kaya! Alangan namang todo ang speech mo diyan eepal ako” sagot niya.

“Ano tol? Anong gagawin ko?” tanong ko uli.

“Wala,” si Lhey.

“Anong wala?” ako uli.

“Bakit may kailangan kang gawin? Bakit may mahal ka ba sa kanila?” tanong niya.

“Wala,” matipid kong sagot.

“Sigurado ka?” tanong niya muli.

“Hindi ko alam tol” ang naisagot ko na lang kasunog ang buntong hininga. I really hate yung tanong na ‘yun. Well pareho kami. Kahit kasi anong tago namin sa nararamdaman namin kapag ganyan na ang tanong sigurado lalabas.

“Kung sabagay kasi ang gwapo naman talaga ni Rey. Patay na patay nga yung isa nating batchmate sa kanya. Tol, ‘wag mo madaliin kung meron ka man nararamdaman para sa kanila. Malay mo trip lang nila itanong iyon,” sabi niya.

“Sige tol. Naiilang lang kasi ako talaga,” sabi ko.

“Bakit ikaw ang maiilang? Diba sila ang nagtanong sa iyo? Dapat sila ang mailing ah,” banat niya.

“Kung sabagay,” one liner na ako.

“Alam mo tol, yang mga panaginip na yan really doesn’t mean na futuristic ang event. It is only a way para mailabas mo yung mga desires na di mo pwedeng gawin in real life. Parang yung kay Kim (referring to the guy na nasa kabilang karinderya na ngayon), HD ko lang yun. Ganun din sa panaginip mo tol. I remember na di kayo close ng dad mo diba so you are longing for the love of a guy kaya yun ang napanaginipan mo. Figuratively, you never knew your father so naghahanap ka ng manly love. Kung totoo nga na may nararamdaman ka para sa kung kanino man sa kanila, gusto mo pa lang sila niyan tol. Wag masyadong assuming na mahal na kaagad,” litanya niya.

“Ganun ba iyon?” wala na talaga akong masabi.

“Oo naman. Tsaka bakit ba sila nagmamadali sa tanong nila? May lakad lang?” sabay tawa.

“Lukaret! Eh syempre di naman ako chicks para siguro ligawan diba,” tumatawa na din ako.

“Hay naku kung ako ang tinanong ni Kim ng ganyan, wala nang pakipot go na kaagad. Kaya ko na isuko ang Bataan,” tinamaan na naman ng kalandian si Lhey kaya binatukan ko nga.

“Sira! Tadyakan kita diyan. Gawing cheap ang sarili? Tol nanghihiram na ba sa iyo ng kati ang higad o gabi?” tapos tawa.

“Aray Ignis ah. Hindi ko alam kung ano ang masakit. Yung batok mo ba o yung sinabi mo,” hala parang nagtampo na yata.

“Kasi naman tol nasa public place tayo magpigil-pigil ka naman ng konti,” tumatawa pa din ako.

“Ok lang. Mali ko naman yun. Siya nga pala tol. Diba nasa teatro kayo? Malay mo acting lang yung ginagawa nila so wag masyado magpapaniwala ah. Ikaw pa naman di pa sanay sa ganitong laro kaya dahan-dahan lang ok,” payo niya uli.

“Yes boss!” sagot ko.

“Tara na uwi na tayo,” yaya niya.

“Loko ka di pa ako tapos. Lumamon ka kasi ng lumamon habang dumadakdak ako,” reklamo ko.

“Kung makagamit ka naman ng salitang lamon parang ang lakas ko kumain,” banat niya.

“Bakit hindi nga ba? Nakadalawang extra rice ka kaya. Halos pareho lang tayo ng lakas kumain,” asar ko na ikinatawa niya.

Nung matapos akong kumain hinatid ko na siya sa sakayan at lumakad na lang ako pauwi. Buti na lang may isang tao na pwede akong intindihin.

Lunes. Ganun pa din naman ang takbo ng umaga at hapon. Normal classes lang kami at nakakatakot kasi wala kaming quiz sa araw na iyon. Sigurado sa next meetings namin sabay-sabay lahat ang quizzes. Medyo na late lang ako ng dating sa rehearsals namin nung gabi na. Pagpasok ko sa room namin may nakasulat sa board. Tongue twister pala yung gagawin namin tonight. Lumapit ako kay John at nagtanong ng gagawin at mabilis naman niyan in-explain sa akin. Kailangan daw ma-memorize namin yung words at mabanggit ng walang bulol for five times. Gusto ko na lang matawa. Sa akin kasi hard core kasi yung gagawin namin.

            Pitumput-pitong puting patong patong-patong
            Pitong pito-pito para pag pumito
            Papatong-patong ang pitumpung paratot na
            Pusang putong puti ang putahe

Kailangan daw naming magbayad ng 25 cents sa tuwing may mali kami. Di naman mabigat pero hindi kami makakauwi hanggang di kami nakakatapos ng task. Nakita ko yung iba na nagpa-practice na sa gilid-gilid. Nakita ako ni Rey at ngumiti. Si Jim naman nakita nga ako pero di ako pinansin. Nilapag ko yung bag ko sa gilid. Kumuha ako ng pen at papel para makopya ko yung activity namin.

Bawat isa sa amin ay seryoso na sa ginagawang practice. Hindi pa man tumatagal ay tinawag na kami. Nauna si Jim. Aba yung bata take one lang. Pagkatapos niya ay ngumiti sa akin tapos kumindat. Sunod-sunod na kami. May mga pumapalpak din pero dalawa o hanggang tatlong try lang na siyang tinatawanan ni Rey at Jim. Nag-partner pa yata ang dalawa. Nung turn ko na wala akong mali. Tumingin ako kay Jim at bumelat. Nag-thumbs up naman si Rey. Last si Rey nung gabi na iyon.

“Pitumpu’t pitong puting patong-patong, pitong pito-pito para pag pumito papatong-patong ang pitumpung paratot na PUTANG putong puti ang putahe,” ang sinabi niya na ikinatawa namin.

“Rey, alam mo bawal magmura diba. Kahit na nasa script yung salita di pwedeng gamitin dito,” si Kuya Greg. Napakamot na lang si Rey ng ulo at tumingin sa akin kaya dumila na lang ako sa kanya. Inulit nya uli, ganun na naman. “Rey PUSANG ah PUSANG! Di pwedeng kainin yung sinasabi mo. Wait, pwede din pala,” tumawa na kami lahat.

Inabot yata ng sampung ulit si Rey pero di pa din niya nakuha. Pati siya ay tumatawa na dahil paulit-ulit ang palpak. Nagbigay na lang siya ng sampung piso at di na tinuloy yung activity kasi malapit na yung time limit namin at papauwiin na kami ng mga guards.

“So akala nyo naglalaro lang tayo?” tanong ni Kuya Greg. “Madami kayong linya na kailangang kabisahin pag nagtanghal na tayo sa entablado. Hindi naman dahan-dahan ang ibang mga lines ninyo kaya dapat mawala ang pagkabulol niyo. Isa lang naman ito sa madaming tongue twisters na pwede ninyong pag-practice-san but the point is you should know how to deliver words as exactly as they are. Sa teatro walang take two. Pagbukas ng telon hanggang magsara di pwedeng ulitin ang mga mali kaya dapat perfect ang gagawin ninyo. Hindi rin pwedeng pabulong ang pagdeliver ninyo ng lines sapagkat teatro nga iyon at di naman uso ang lapel mic sa school theatre natin. So kailangan malakas ang deliver. Pag galit at mabilis ang delivery dapat malakas pa din at buo ang mga salita,” paalala niya.

“Yes Kuya,” sagot namin. Iyon ang nagustuhan ko sa mga ginagawa namin sa rehersals. Parang naglalaro lang kami pero ang totoo niyan nandoon na pala yung training namin.

Masaya yung training naming iyon. Umuwi na din kami pagkatapos. Mabilis na naglakad si Jim at nauna sa amin dahil daw may pupuntahan pa daw siya. Kaming lahat ay sabay-sabay lumabas ng school. Sa tapat ng boarding house nag-park si Rey nung gabi na iyon.

“Pwedeng pumasok?” tanong ni Rey.

“Hindi eh,” itinuro ko sa kanya yung sign na no visitors allowed beyond 7pm.

“Sige pala, uwi na ako,” sabi na lang niya.

“Ingat,” ako.

“Bye,” paalam niya.

“Parang hindi naman na tayo magkikita bukas niyan,” sabi ko na may halong inis.

“Oo nga pala ayaw mo ng ganun. Good night na lang pala?” tanong niya.

“Much better. Good night” sagot ko. Sumakay na siya sa kotse niya at inistart yung makina. Kumaway at umalis.

Ang hindi ko alam ay nasa tabi ko lang pala si Lhey. “Hoy!” ang pang gugulat niya.

Tiningnan ko siya at bumilang ako ng sampu sa isip ko bago nag-react. “Kainis ‘to!” sabi niya sabay hampas sa braso ko.

“Lhey masakit kaya,” sabi ko tapos tawa.

“Tara kain tayo. Kanina pa kita hinihintay kaso may naghahatid na pala sa iyo ngayon,” pang aalaska niya habang naglalakad kami papunta sa karinderya.

“Mukha ba akong hinatid?” sarcastic kong tanong pabalik.

“Hindi nga ba? Ikaw na. Ang haba ng hair mo daig mo na si Rapunzel” tuloy pa din niya.

“Nagkataon lang na diyan naka-park yung kotse niya sa tapat ng boarding. Sige nga tol paki-tirintas yung buhok ko,” sinakyan ko na lang yung mga banat niya.

Nang makarating kami sa kainan bumanat kaagad yung ale sa amin ng, “Hala ading wala kaming binagoongan ngayon, sisig na lang.”

Natawa na lang kami ni Lhey at sinabi na lang niya na pwede na yung adobong baboy. Ngumiti na lang si ate tapos biglang nginuso yung isa nilang customer. Biglang lapad ng ngiti ni gaga kasi si Kim yun. Nilagay pa ni ate yung pagkain namin sa katapat na table nung sa tropa nila Kim. Biglang nagpalit anyo ang maharot kong kaibigan. Parang dalagang pilipina na siya ngayon. Ang pino ng kilos niya at tahimik niyang kumakain habang tinitingnan yung lalaking natitipuhan niya. Sinisipa-sipa ko siya sa ilalim ng lamesa at sinisipa niya din ako pabalik.

“Lhey sino na kasi yung lalaking may crush ka sa school?” tanong ko na sinugurado ko na maririnig ni Kim sa siyang dahilan din ng pagtingin ng huli sa amin.

“Manahimik ka!” authoritative pero mahinang sabi niya habang namumula.

“Lhey sumobra ba yung blush-on mo? O nilalagnat ka? Namumula ka kasi eh,” tuloy pa din yung pang-aasar ko. Tumawa na lang yung tindera na nag-serve sa amin ng pagkain kanina at nangingiti na lang yung iba. Ngumiti si Kim sa kanya at sinipa-sipa ako ni Lhey sa ilalim ng table.

Tumawa ako ng malakas. Wala na akong paki-alam kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao. Napansin ko na lang na lumabas si Jim sa karinderyang kinakainan namin na mag-isa. Hindi na naman siya namansin. Sinabi ko yung kay Lhey.

“Hayaan mo siya. Kung ganyan ang treatment niya sa iyo paano mo siya magugustuhan. Hmff,” asar si Lhey pero di nawala yung ngiti niya sa labi. Kahit yata lagyan ko ng ipot yung ulo niya ay hindi mawawal yung ngiti niya eh. Umalis na sila Kim kasi tapos na silang kumain. Lumapit sa amin yung tindera at may inabot na papel kay Lhey.

“EEeeeeeeeeeee!” tili niya. Nakasulat kasi sa papel yung number ni Kim at sinabi na i-text niya daw. “Tol pwede na ako mamatay!”

“Gaga! Wag muna. Makipagtext mate ka na muna sa kanya,” asar ko.

“Di lang textmate ang gagawin ko tol,” sagot niya. Tuwang-tuwa ako sa itsura ni Lhey. Para siyang naka-jackpot sa lotto. Masaya ako para sa kaibigan ko. Ilang buwan ba naman na puro titig lang siya dun eh.

Halos normal lang ang takbo ng linggo pero syempre espesyal kay Lhey. Puro aral at rehersals lang ang wisyo ko. Sa sobrang busy yata namin wala ng time makipag-socialize sa ibang tao. Sa mga workshops namin lagging pinapaisip lang kami ng mga commercials o kaya lines sa tv or movies na gagayahin namin. Kailangan daw namin i-explore ang iba’t ibang forms of acting before our casting through already shown media. Kung dati-rati ay iniiwasan ako ni Jim, nung mga araw na iyon ay siya ang iniiwasan ko. Allergic kasi ako sa linya niya na ‘Wala akong maisip’ na kinakainisan ko kasi may utak naman siya bakit di gamitin.

Friday afternoon inatake ako ng sakit kong migraine. Hindi ito yung simpleng sakit ng ulo na kapag ininuman ng gamot, ok na. Kapag migraine kasi localized lang sa isang side ng head na talagang sobrang sakit. Kung pwede ko lang iuntog yung ulo ko sa pader para lang mabawasan kasi parang binibiyak talaga. Dahil din sa sobrang sakit ay nagsusuka na ako. Uminom ako ng pain relievers just to lessen the agony. Yung tipong sapat lang para makatulog since yun naman talaga ang cure for migraine. Nag-text na lang ako kay Kuya Greg na di ako makakapunta. Nang tumunog yung cellphone ko iba naman yung nagreply.

“Si Rey to. Ok lang daw sabi ni Sir Greg. Ayos ka lang ba? May nag-aasikaso ba sa iyo?” tanong niya sa text. Marahil kinuha niya yung number ko kay Kuya Greg o Evan.

“Ok lang ako Rey. Sige na mag-workshop ka na. Wag mo na ako intindihin,” reply ko.

“Sige sabi mo eh. Pagaling ka huh. See you tomorrow,” si Rey.

Di na ako nag-reply. Ipipikit ko na sana yung mata ko nung tumunog pa uli yung phone ko. Ang lakas pa man din ng ringtone kasi nga ‘Special’ ng 3310 yun na nakakadagdag sa sakit ng ulo ko. Maiinis na sana ako sa kakulitan ni Rey pero nung binasa ko yung text…

“Dude punta ako diyan sa inyo, san ba? May sakit ka daw sabi ni Rey,” si Evan.

“No need na tol. Ok lang ako. Tulog lang katapat nito,” reply ko.

“Edi kantahan pala kita para makatulog ka kaagad,” ambilis ng reply niya.

“Bugok! Hehe. Magpractice ka na lang diyan. Kaya ko ‘to. Masamang damo yata ‘to,” reply ko.

“Cge pala kung kaya mo. Sure ka ah. Text ka kung ok ka na para di ako mag-aalala,” last text niya.

Sinave ko na muna yung number ni Rey tapos natulog na ako. Umaga na ako nagising kahit na nag-start yung tulog ko ng before 6PM. Morning rituals lang tapos pumasok na ako sa school.

Saturday night nagsimula na naman kami sa workshops. Todo sa pangangamusta yung mga kasama ko sa theatre pati na din si Evan na dumayo pa talaga sa room namin.

“Buti magaling ka na Ignis. For tonight voice stress ang workshop natin,” panimula ni Kuya Greg at sinulat niya yung line sa board.

            Bakit mo ako iniwan? Bakit? BAKIT? BAKIT?
            MALI BANG AKO’Y IBIGIN MO? MALI BA? MALI BA? Mali ba?

“Increasing yung emotion ninyo dapat dito sa unang line. Peak on the last ‘Bakit’. Maintain the emotion until sa second line tapos decreasing. Hindi pwedeng pare-pareho ang intensity ng ‘Bakit’ at ‘Mali ba’. Meron kayong 30 minutes to practice. Ok?” paliwanang ni Kuya Greg.

Sinimulan na namin lahat ang ensayo. Kanya-kanya uli. Matapos ang oras na ibinigay sa amin. Isa-isa na kaming tinawag. Una ako. Palpak. Pareho yung tone ko dun sa ‘Mali ba’. Sumunod si Rey. Palpak pa din. Wala pang nakakakuha sa amin. Last si Jim. PERFECT!

“Ayos! Mukhang may pinaghuhugutan ka Jim,” asar ni Kuya Greg.

“Na-basted lang kasi Sir,” tumawa pero nakatingin sa akin. Taas-kilay sana ako kaso di naman ako marunong.

Nakatatlong rounds kami lahat maliban kay Jim pero wala talagang nakakuha.

“I would never expect na may makakakuha sa inyo nito. Ngayon lang talaga. Kinakailangan kasi ng matinding emotion dito na hindi basta-basta maiisip lang. Congrats Jim. Last na ito for tonight. Kain tayo sa bahay tapos overnight?” anyaya ni Kuya Greg.

“Ayos yan! Hoy sama kayo masaya ‘yan,” susog ni Kuya Alvin.

“True. Hala na-miss ko itong mga ganitong moment eh,” si Ate Cherry.

“Di po ako pwede. Hahanapin ako sa bahay,” si Rey.

“Anlaki mo na may curfew ka pa?” tanong ni Kuya Alvin sa kanya.

“Di ako papayagan kasi kahit magpaalam pa ako. Kung gusto niyo doon tayo lahat sa amin pwede pero pag ako di ako pwedeng maki-overnight,” paliwanag niya.

“Ok lang Rey. Naiintindihan naman namin. Tanggap ko naman na hindi sa lahat ng pagkakataon pwede kayo lahat sumama. O tara na pala,” si Kuya Greg.

Gumayak na kami patungo sa bahay nila Kuya Greg. Humiwalay si Rey pagkalabas namin ng building dahil hindi sa main gate nakapark yung kotse niya. Dumaan muna kami sa isang kilalang restaurant na malapit upang mag-take out na lang ng pagkain kasi di naman nakapagluto si Kuya Greg at aabutin pa kami ng anong oras kapag nagkataon. Habang naglalakad kami hanggang makaabot sa bahay ni Kuya ay pinag-uusapan namin ni John yung problema niya na hindi nakaligtas kay Kuya Greg.

“Ano ba yang kanina nyo pa pinagbubulungan diyan?” tanong ni Kuya Greg.

“Ah-eh, wala naman po Kuya,” sagot ko na lang.

“Wala ba kayong tiwala sa akin?” may halong pagtatampo.

“Sir meron po akong tiwala sa inyo. Kaso di ko lang din kasi kaya pang sabihin sa inyo. Kapag kaya ko na ako nap o ang kusang magsasabi,” si John.

“Mukhang problemado ka John. Alam mo ba hindi lang naman ikaw ang problemado sa batch niyo sa teatro. Pati naman si Rey,” sabi ni Kuya.

“Anong poproblemahin nun? Mayaman, may utak, may itsura, may pagkamayabang nga lang,” sabi ko naman.

“Front niya lang yun. Napansin nyo hindi siya pwede sumama sa atin?” sabi ni Kuya at tumango kami pareho. “Yung Kuya lang kasi ni Rey yung sumusuporta sa kanya ngayon. Ang alam ko cut-off ang allowance niya at hinihigpitan siya ng parents niya kaya di siya pwedeng lumabas,” kwento ni Kuya.

“Anong dahilan? Grades? Eh mukha namang matalino yun. Kaklase ko siya dati kaya pansin ko naman kung may utak yung tao naalibadbaran ako,” sabi ko.

“Si Rey kasi masayahin lang yun pero ang totoo madami siyang dinadala sa buhay. Magkababayan kasi kami at parehong doctor ang parents niya na naging doctor ko pa noong bata pa ako. Prominente ang pamilya nila kaya siguro ang taas ng expectations sa kanya. Hindi naman natin alam kung ano talaga ang tumatakbo sa buhay niya ‘pag hindi na natin siya kasama diba,” sabi na lang ni Kuya. “Pansin nyo din ba na hindi naman talaga siya close sa madami sa inyo. Si Alvin nagkasama sila sa Mr. and Ms. CAH kaya sila ang magkasundo. Ikaw, Ignis, kahit papano naging magkaklase kayo kaya kinakausap ka niya. Try to reach out to him kasi pakiramdam ko may mabigat siyang problema na ayaw lang din niyang sabihin sa atin,” ang mga pangungusap na nakapag-paisip sa akin.

Hindi ko alam na may ganoon pala. Sa kilos at porma niya kasi parang ayos lang ang lahat. Lagi ko pa siyang inaaway. Para tuloy ang sama kong tao.

Nang maging busy na ang lahat sa pagprepare ng mga gagamitin sa pagkain namin nag-text ako kay Rey, “Ui. Ok ka lang ba? ‘Pag may problema ka sabihin mo lang ah. Handa ako making.”

------------ Itutuloy

9 comments:

  1. tagal ko po inaabangan 2 kaso tagal po ng p0sting.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sensya na po Anon. may pinagdaanan lang.

      Delete
  2. ganda na neto! keep up

    ReplyDelete
  3. Wah, totoo yung part na kung sino pa yung masayahin, sya pa yung taong me pinagdadaanan. Para ipakita na matatag sya.

    Hala, ano kaya problema ni Rey; napaisip tuloy ako.

    Ahrael

    ReplyDelete
    Replies
    1. isa sa mga dapat pong abangan? hehe. =)

      Delete
    2. Right, aabangan ko talaga yan.

      Ahrael

      Delete
  4. oo nga tagal ko tong inintay..

    hhehehe bawal pa naman sa office ang mag surf sa net.. heheheehe ok lang maganda kasi story eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. sensya na po may pinagdaanan lang. tingin-tingin din po sa likod pag may time para di mahuli ng boss. haha. salamat po.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails