E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Ito na po ang huling part ng Campus Trio. Alam ko po na may madidismaya kung bakit maikli lang ito sa kabila ng haba ng panahon na naghintay at humihingi ako ng paumanhin.
Para sa akin po kasi ay sapat na ito para sa isang "finale" ng story dahil magkakaroon naman ito ng ikalawang kabanata o book2 na pinamagatang "True Love."
Dito ay gagamit na ako ng first person point of view tulad ng ginagawa ko sa mga nauna kong stories.
Kung may mga tanong kayo or criticisms, the comment box is open for you.
Happy Reading!
[26]
Sa mga oras na iyon ay gusto nang hatakin ni Bryan si Andrew sa labas ng kainan upang tanungin kung bakit siya nakakapagsalita siya ng ganoong klaseng bagay. At sa nakikita niya sa mukha nito na parang masaya pa siya sa kanyang pinagagawa sa kanila. Ganoon na lang ba kadali para sa kanya ang lahat?
"May problema ba...Bryan?" ang tanong ulit ni Andrew sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pananahimik dahil sa pagtataka.
"Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo." ang sabi niya sa kanyang sarili. Naguguluhan na siya sa mga oras na iyon.
Sa panig naman ni Andrew, sa totoo lang ay may bahagi sa kanyang isip na hindi nito gagawin ang kanyang pinapakiusap. Sa kabila ng pagpapakita niya sa kanila na OK lang siya at hindi naapektuhan, umaasa siyang tatanggi ito at sasabihin na hindi niya ito kaya dahil siya ang tunay na mahal nito.
"May problema ba...Bryan?" ang tanong ulit ni Andrew sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pananahimik dahil sa pagtataka.
"Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo." ang sabi niya sa kanyang sarili. Naguguluhan na siya sa mga oras na iyon.
Sa panig naman ni Andrew, sa totoo lang ay may bahagi sa kanyang isip na hindi nito gagawin ang kanyang pinapakiusap. Sa kabila ng pagpapakita niya sa kanila na OK lang siya at hindi naapektuhan, umaasa siyang tatanggi ito at sasabihin na hindi niya ito kaya dahil siya ang tunay na mahal nito.
Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi man pinahalata pero sobra siyang nasaktan sa kanyang nakita. Sa harap nilang dalawa ni Troy kasama nang iba pang mga tao na naroroon ay naging saksi kung paano hinalikan ni Bryan ang kanyang fiancee.
“Its over Andrew.” Ang sabi niya sa kanyang sarili. Ito na ang hudyat para tuluyan na siyang kumalas gaya ng kanyang naunang desisyon.
__________
Nagmamaneho ngunit tila wala sa sarili. Ito ang nakikita ngayon ni Sarah sa kanyang fiancee na si Bryan. Matapos ang naging usapan nilang apat ni Troy at Andrew ay mas naging kakaiba na ang kinikilos nito. Ni hindi na niya makausap pa ng maayos o ngumingiti man lang sa kanya.
Noon pa man ay napapansin na niya ang tila malamig na pakikitungo sa kanya ni Bryan. Alam naman niya ang dahilan nito kaya sinisikap niya na ibalik ang dating Bryan na kababata niya gaya na rin ng pinakiusap sa kanya ng ina nito.
Matapos ang naging usapan nila ay agad na itong nagyaya na umuwi at ihatid siya sa kanilang bahay kahit pa gusto pa niyang mamasyal sila. Wala na rin siyang magagawa pa. Naisip niya kasi na nakakawalang gana naman kapag ang isa mong kasama ay tila nagpapakita ng kawalang interes sa inyong ginagawa.
Gayunpaman ay sinubukan pa rin niya na kausapin ito.
“Babe, wala pa naman tayong pasok bukas diba, what if kung ipasyal mo ako dun sa resthouse niyo sa Baguio” ang kanyang sinabi. Gusto na niyang makita ulit ang lugar na iyon.
“May gagawin ako bukas.” Ang simple nitong pagsagot na hindi man lang nililingon ang kausap.
“Hmmm... Ok, maybe kapag may free time ka na.”
Wala na siyang narinig pang pagtugon mula dito.
Samantala, patuloy pa rin si Bryan sa kakaisip nang tungkol kay Andrew at sa mga nangyari ng paghaharap nilang apat ni Sarah at Troy. Hindi siya mapalagay, nagtataka sa mga pinakita ni Andrew. At siyempre hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang selos sa kanyang kaibigan na si Troy.
Pagkatapos nilang mag-usap ay niyaya na niya agad na iuwi si Sarah. Nang sa gayon ay makagawa siya ng paraan para makausap niya ng sarilinan si Andrew. Parang sasabog na kasi ang utak niya sa sobrang dami ng kanyang iniisip.
Ilang saglit pa ay narating na nila ang tirahan ng dalaga. Saglit siyang tumuloy sa loob ng bahay na iyon. May mga sinasabi pa si Sarah sa kanya ngunit tila nabingi na siya dahil sa dami ng mga iniisip niya. Pagkatapos ay agad na siyang nagtungo sa bahay ni Troy. Wala na siyang pakialam pa kung malaman ito ng kanyang ina.
Sa kanyang pagbuzzer ay bumungad sa kaniya ang ina ni Andrew na nagbukas ng gate.
“Magandang hapon po nay.” Ang nakangiti at magalang niyang pagbati.
Pero isang seryosong tingin ang pinukol nito sa kanya bago sumagot. Ibang-iba ang itsura nito ngayon kung ikukumpara sa mga pinakita nito sa kanya nung mga panahon na dinadalaw niya si Andrew sa dating tirahan ng mag-ina.
“Magandang hapon din sayo iho. Wala pa ang anak ko, namasyal sila ni Troy.”
“Ahm, alam ko rin po yun nay. Nagkita po kami sa mall kanina. “
“Sa tingin ko iho wala na kayong dapat pag-usapan ng aking anak. At kung pwede sana ay tuluyan mo na siyang iwasan gaya ng ginagawa niya ngayon.”
Nabigla naman si Bryan sa kanyang mga narinig. Salungat ito sa nauna nitong sinabi sa kanya nung araw na pinagtapat niya ang kanyang nararamdaman sa anak nito.
“Nay... magpapaliwanag po ako... Sa totoo po gusto ko ring kausapin si Andrew para magkalinawan at maayos ang lahat.”
“Tama na iho. Tigilan mo na si Andrew. Masyado niyo siyang nasaktan. At ikaw, harap-harapan mong sinaktan at pinaglaruan ang kanyang damdamin sa mga ginawa mo nung inimbitahan niyo siyang mag-ina sa iyong kaarawan. ”
“Mali po ang interpretasyon niyo nay...”sinusubukan niyang tumanggi sa kausap.
“Hindi ako maaaring magkamali Bryan. Bilang ina ay masakit din para sa akin ang makita ang aking anak na malungkot at umiiyak.”
“Alam ko po ang nararamdaman niyo ni Andrew. Kaya nga po narito ako para iayos ang lahat.”
“Para ano pa. Wala ka nang magagawa pa. Huli na ang lahat. Kung plano mong ibalik ang dati niyong relasyon ng aking anak ay hindi na iyon mangyayari pa. Lantaran ang pagtutol ng ina mo sa inyo kaya nga pinahinto siya sa pagtutor diba at alam namin na inalis na niya ang scholarship nito.”
Naiintindihan naman ni Bryan kung bakit naging ganoon na lang ang naging pananalita sa kanya ng ina ni Andrew. Pero sinubukan pa rin niyang makumbinse ito.
“Patawarin po sana ninyo ako nay sa mga nagawa ko pati na rin ni Mama kay Andrew. Sana po maniwala kayo na hindi ko kagustuhan ang lahat ng nangyari. Mahal na mahal ko po si Andrew at gusto ko pong ayusin ang lahat.”
“Naikwento sa akin ni Troy ang mga nangyari nung kaarawan mo. Pinakilala ng Mama mo sa mga tao ang magiging fiancee mo at pinatamaan siya ng mga masasakit na salita. At nakita niya kung gaano ka kasaya at halata sa iyo na namiss mo siya. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa sinasabi mong mahal mo si Andrew?”
“Totoo pong naging masaya ako sa pagbabalik ni Sarah dahil matagal kaming nagkahiwalay. Ngunit ang pagkamiss ko po sa kanya ay bilang kababata at kaibigan lang po. Aaminin ko pong nagkamali ako, sa mga oras na iyon ay nakalimutan kong naroon din si Andrew. Kaya humihingi po ako ng paumanhin sa inyo nay.”
“Alam mo Bryan, sa totoo lang kaya ako pumayag sa relasyon ninyo ni Andrew at naniwala sa mga sinabi mong pagmamahal sa kanya ay dahil sa kagustuhan kong mapasaya ang aking anak. Mahina na ako at bago man lang sana ako mamatay ay nais kong makita ni Andrew na makamtan niya ang lahat ng mga bagay na magpapaligaya sa kanya at maging maayos ang kanyang buhay. Nakita ko kasi na isa ka sa mga taong makakapagbigay nito sa kanya. Pero nagkamali ako. Naging miserable pa ang buhay niya.”
“Sana po nay, bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon. Gusto ko pong bumawi kay Andrew. Papatunayan ko po sa inyo na ako ay karapat-dapat para sa kanya.”
“Hindi na talaga maaari pa. Mas mabuti siguro kung kayo na lang ng aking anak ang mag-usap.” Ang huli nitong sinabi sa kanya.
Nagpasiya si Bryan na sa labas na lang ng bahay maghintay sa pagdating ni Andrew. At makalipas ang halos isang oras ay nakita niya ang paghinto ng kotse ni Troy sa tapat ng gate tanda ng kanilang pagdating.
__________
Nasa malayo pa lang ay naaninag na nina Andrew at Troy ang nakahintong sasakyan at si Bryan na nakatayo at nakasandal dito.
“Ilang araw na rin niya akong kinausap para magpatulong na makausap ka. At sa tingin ko ay hindi na rin siya nakatiis pa. Its time na siguro para makapag-usap kayo ng masinsinan.”
“Tama ka Troy, para na rin magkaroon ng pormal na closure ang kalokohang relasyon na ito.” Ang pagsang-ayon naman ni Andrew.”
Paglabas niya ng kotse ay agad niyang hinarap si Bryan.
“Alam ko ang pinunta mo dito at ito ay ang makausap ako. Sige pagbibigyan kita pero huli na ito.” Ang una niyang sinabi.
Nagpasya si Troy na mauna nang pumasok sa loob para makapag-usap sila ng sarilinan.
“Doon tayo.” Ang pagyaya nito kay Bryan sa isang bakanteng sementadong upuan malapit doon.
Pagkaupo nila ay agad nagsalita si Bryan.
“Thanks for the gift Andrew. Sobra akong masaya sa binigay mo. Alam mo bang gabi-gabi ko yun kayakap sa pagtulog?”
“Iyon lang ba? Kung walang kabuluhan lang ang sasabihin mo, mabuti pa at itigil na natin ito. Nagsasayang lang tayo ng oras. ”
Nabigla naman siya sa pambabara nito sa kanya. At doon niya napansin ang hindi nakasuot na kwintas sa leeg nito.
“Nasaan na ang kwintas?” ang tanong nito sa kanya.
“Naiwala ko. Hindi ko alam kung saan napunta.”
Hindi naniwala si Bryan sa naging sagot nito. Napapailing na lang ito.
“Huwag ka nang magpaligoy pa.” Ang pagpapatuloy nito.
Napabuntung-hininga si Bryan at saglit na sinulyapan si Andrew.
“Alam ko kung gaano katindi ang sama ng lob niyo ni nanay sa akin. Kaya ako nandito ngayon para linawin ang lahat.
“Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag.” Ang pagsingit ni Andrew. “Tama lang ang ginawa ni Mam Sebastian. Gusto lang niya na mapabuti ang buhay mo.”
“Andrew...”
“Ibaling mo na lang sa iyong fiancĂ©e ang iyong atensyon. Alam kong siya talaga ang mahal mo. Confused ka lang sa nararamdaman mo dahil sa akin. Kaya nakapagdesisyon na ako, Puputulin ko na ang pakikipag-ugnayan ko sayo. Nasabi na rin sayo ni Troy na aalis na kami ni nanay para makapagsimula ulit.”
Gustuhin mang pigilan ni Bryan ang pinaplano nito dahil sa hindi niya pangsang-ayon dito ay wala na siyang magagawa pa. Base sa tono ng pananalita nito ay talagang desidido na ito at hindi na mababago pa.
At ang sumunod na sinabi nito ang tuluyang pumiga ng kanyang puso.
“I admit na talagang pinagpantasyahan kita, dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian ng isang ideal man. Pero never kitang minahal. Siguro naconfused din ako sa aking nararamdaman dahil sa mga pinakita mo kaya napilitan kitang sagutin sa mall. At base na rin sa nakita ko sa inyo ni Sarah kanina at sa pagsunod mo sa aking request ay masasabi ko na talagang bagay kayong dalawa. Mahal ka ni Sarah at ganoon ka din sa kanya.”
Kahit nasasaktan ay hindi pa rin magawang paniwalaan ni Bryan ang mga sinabi ni Andrew.
Nagpatuloy si Andrew. “Salamat, dahil sa iyo ay narealize ko na imposible talaga ang ganitong relasyon, na hindi ito permanente. Maraming tutol at mga humuhusga.”
“Kung ganoon ang desisyon mo, tatanggapin ko.” Ang naiiyak nang pahayag ni Bryan. “Salamat sa lahat Andrew na kahit sa sandaling panahon ay napasaya mo ako. Tulad mo ay marami rin akong natutunan. Narealize ko rin ang lahat ng aking pagkakamali tulad ng pangbubully sa ibang mga estudyante. Dahil sayo ay natuto akong makipagkaibigan at magpakumbaba.”
Sa mga oras na iyon ay namumuo na ang mga luha sa mata ni Andrew pero pinipigilan lang niya ito upang hindi makita ng kausap na masyado siyang naapektuhan at nalulungkot.
Tumayo na si Bryan sa kanyang kinauupuan.
“Sige Andrew aalis na ako.” Ang pagpapaalam nito sa kanya.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Sige ingat ka.”
Habang papalayo ang sinasakyan ni Bryan ay isa-isa nang nagbabagsakan ang mga luha sa mata ni Andrew. At doon na siya tuluyang umiyak.
Kasabay ng kanyang paghihinagpis ang pagbagsak ng ulan. Tila nakikisimpatya sa kanyang nararamdaman. Hinayaan na lang niya ang kanyang sarili na mabasa nito.
Isa pa sa natutunan ni Andrew na hindi lahat ng love story ay may happy ending tulad ng nababasa sa mga fairy tales lalo na’t kung hindi pangkaraniwan at tanggap ng lipunan ang relasyon ng parehon kasarian.
Hindi man naging Masaya ang kanyang buhay pag-ibig ay hindi pa rin iyon naging dahilan upang siya ay sumuko at ikulong ang sarili sa kalungkutan.
“Move-on and start a new life.” Ang nabuo niyang motivation sa sarili.
“Thanks for everything and Goodbye.” Ang sabi niya ulit sa kanyang sarili patungkol sa kakalisan lang na si Bryan.
Wakas.
Wakas.
:( kaiyak. Sana magkita pa rin sila sa book 2.
ReplyDeleteKelan po mabubuksan blog niyo?
Sir, how can i get access to your blog? Thanks :)
ReplyDeleteBY THE WAY, i super love this story....from the beginning until the end :) looking forward sa next installment.. Thanks..
- gavi
thx pero parang bitin at aabangan na lang ang book 2 kelan kaya ang unang labas
ReplyDeletesir kailan po ip0p0st ang bok2 nito?kakabitin po kc eh,ganda po kc ng story.
ReplyDeleteNakakaiyak naman po....sana po maepost na ung book 2,lagi ko po ito inaabangan.....tbx admin.:)
ReplyDeleteOh my kalungkut naman!! Nice author.author bakit ganon di ko n feel masydo emotion ng hiwalayan nila parang napkabilis ng pangyayari?.anyway tnx author tagal ko itong hinintay. Can't wait for the book 2. La b teaser???tnx
ReplyDeleteKakabitin pero maganda ang finale... Excited n ako sa book 2 :-)
ReplyDeleteMAY CHAPTER 27 po to sa WATTPAD bakit hndi pinost
ReplyDeletemay chapter 27 po ito nung pumunta si troy at si dina sa bahay nila andrew sa probinsya
ReplyDeleteAng sad nman..kala ko happy ending :'(
ReplyDeleteang sad ng ending :'( shit! Ansakit lng. :( tnx po sa update
ReplyDeletewahhhh...BOOK 2 BOOK 2 hahahaha sana me book 2 na kaagad..atat?? haha
ReplyDelete-dino
Im looking forward sa book2 ng story. Sana matupad ang hula sa kanila ni andrew.
ReplyDeleteKabitin. Tsaka parang ang bilis ng book 1. Hehe. Pero ok na din po. Salamat
ReplyDeletekala ko rin happy ending... pero hoping na may book 2. hoping still na magkaroon ng happy ending ang love story nila.
ReplyDeletenagtataka ako may 27 to sa wattpad bkt ending agad :( bnago po b ang flow ng story. Tinapos n b tlga ito or may book 2? sna d pa tapos ito ksi may balita pa c troy kay andrew about bryan
ReplyDeleteThis has a chapter 27 in your blog site and there was no ending. It was actually left hanging, too bad. This was the very first story I read and fell in love with and you were the first author I truly admired but I was totally disappointed that you left your readers hanging because of reasons only you knows. While it maybe true that it is your own choice and prerogative to do so, you must have forgotten that it has also become your responsibility to let your readers see an ending especially the avid ones who remained loyal to you and kept visiting your blog site hoping for an update. The way you ended it here is just like cheating on those who knew that this is not how it was with your blog site. I am sorry to be blatantly saying all of these dear author but you crushed my total admiration of your talent. You actually joined the league of many others who just disappeared into oblivion. Hopefully, that when you get to start a new story you do not just abandon it and abandon your readers.
ReplyDeleteintense.
ReplyDeletelooking forward to your next work. tnx
frontier
Author, hindi po ako nakunteto sa ending ng book 1, parang kulang pa rin ang closure nila Bryan at Andrew. Sana po mas maganda ang book two. MAraming SAlamat po. :)
ReplyDelete-K
hindi lng sa wattpad, meron din dati sa blog, nabasa ko noon yan, nagulat din me bakit wla xa d2
ReplyDeletemay book to po ito diba/?????sad sad..tnx sir
ReplyDeletewait po parang may mail sa ending nit? kc i have read a CAMPUS TRIO sa wattapad ba un and ung huling story don is pumunta sa province si andrew at ung nay nya.
ReplyDeleteMaraming salamat po sa mga nagcomment.
ReplyDeleteSa mga nagtatanong kung may book2. Meron po and I will post the first part dito sa MSOB by the end of the month.
Sa mga nabilisan at nakulangan sa emotions, pasensya na po. Hayaan niyo po na babawi ako sa next story.
ask ko lang po err sa inyo rin po ba yung sa wattpad?
ReplyDeletekasi dun sa wattpad hanggang chapter 27,,
tapos tong chapter 26 dito at dun ay nagkaiba...
-mans-
Wahhhhhhhhhhhh...............ang tagal tagal kong hinintay ang ending......ganon lang pala..bitin....
ReplyDeleteparang wala lang... ganun ganun na lang at ayun tapos na.. i didnt expect it to be like this.. kakadismaya sobra. :(
ReplyDeletebakit parang pinilit tapusin ?!?!? kasi iba ang version sa ibang blog ng gawa mo .....
ReplyDeletewhat an ending........
ReplyDeletewhat an ending........
ReplyDeletelahat po nalulungkot sa ending khit sinu nmn cguro. s tagal kong sinubaybayan ang kwentong to hnd ko matanggap to end ds way at sa 22o lng po wla akong gana sa work kanina sobrang affected tlga (mais but 8s true). well i still beliv makakabawi ang mga bida s book2 whatever d twist, sana andrew-bryan ang TRUE LOVE...
ReplyDeletetnx po
AtSea
Ay nabitin nmn aq dun..paiyak n aq..eh ILABAS NA ANG BOOK 2..AAbngn q tlga yn..ahhaha
ReplyDeletegrabe...not so good ending...sana maganda nman ang True Love..salamat po kahit nkakabitin hehehhe
ReplyDeleted q maopen ung blog,
ReplyDeleteThis unexpected ending will be the start of new life para kay Andrew.
ReplyDeleteAng True love ay continuation lamang po ng Campus Trio. New plot, new changes new characters...
Please disregard niyo na po yung nawa wattpad. Never po akong nagpost dun...
Thanks...
Tinatamad ba ang author kaya madakian ang ending part???Sa character ni Bryan-madali lng susuko?At ang kay Andrew-martir?
ReplyDeletethank you daredevil natapos na din sa wakas ang campus trio na binabalikan ko ng pagbasa gabi gabi para akong ingot na pabalik pabalik na pagbasa sa kwento mo. Nakuha mo ang kiliti ng mga fans mo , they way you handle this beautiful story but im not satisfied with the ending. I agree sa sinabi ni MIGS na susunod huwag mo kaming iwan sa ere. So far this is the story that admire me most.CONGRATULATIONS IDOL!!!sana sa true love yont true name mo na ang gamiten mo he he he, I LOVE YOU IDOL MUAH MUAH TSUP TSUP
ReplyDeleteawww. bat ganun lang ang ending.... eh sa blog ni sir Daredevil eh may katuloy pa ito date... pero i guess may magandang dahilan kung bakit ganito ang ending nia.. maybe may new book na magbubukas para sa love story ni andrew! :]
ReplyDeletedifferent ending. from what was posted in his own blog but anyway, lets respect the author's prerogative to put an ending like that. like promise made, may book 2 naman :)
ReplyDeleteNmn nmn,,un nb un,,parang di nmn ata,,subra nmn ata akong nkulangan,pero slamat kahit bitin talaga,,sasusunod bosing pakilakasan nmn ung apoy ng emosyon para mkapaso,,hehe slamat,
ReplyDeleteNmn nmn,,un nb un,,parang di nmn ata,,subra nmn ata akong nkulangan,pero slamat kahit bitin talaga,,sasusunod bosing pakilakasan nmn ung apoy ng emosyon para mkapaso,,hehe slamat,
ReplyDeletesorry to say it was a fall flat...
ReplyDeleteCrap ending
ReplyDeleteI thought True Love is the continuation, bakit new characters? Should it not be a continuation of the characters you already have? If you will have new characters then perhaps it is no longer a continuation but rather a new narration. I may just be one avid reader you will lose, still it is still a loss if I may say so..
ReplyDeleteI really dont like the ending. Parang masyado mabilis yung pangyayari then ganun-ganun nalang yun susuko nalang silang dalawa. I thought na magkakaroon sila ng happy ending pero after reading this last chapter biglang bumaba ang excitement ko.
ReplyDeleteBook 2 pls. Paano na ang hula? Paano na ang pangakong walang bibitiw? Sad
ReplyDeleteDegz-
True Love is the book 2. You can read it here or in my blog... Thanks.
DeletePrang mali ung hula sa kanila ng manghhula. Pero sa book 2 bka dun na cguro magkatotoo.hayyyy. Cant wait...
ReplyDelete