Followers

Thursday, May 23, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 16]




Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 16]



By: Crayon






****Kyle****




3:05 am, Saturday
April 14




Matapos ang malungkot na pamamaalam kay Renz ay nagtatakbo ako palayo sa bahay nila. Naghalong pawis at luha na ang nasa mukha ko. Kung nagkataong may nakakakita sa akin ng mga oras na iyon ay malamang sa isiping nasisiraan na ako ng bait. Nang mapagod ako sa aking ginagawa ay saka ako naglakad. Buti na lamang at malapit na ako sa exit ng subdivision. 


Blangko na ang aking utak. Wala na ako sa sarili. Tila namanhid ang aking buong katawan dahil sa lungkot na nararamdaman. Kusang humahakbang ang aking mga paa. Di ko na rin namalayan ang ginawa kong pagpara ng taxi. 


Nang makababa ako sa Cubao ay sumakay ako ng bus pauwi ng Bulacan. Nakatingin lamang ako sa labas ng bus habang binabaybay ko ang daan pauwi. Sa bawat paglapas namin sa mga lugar ay parang pagbalik rin ng alaala namin ni Renz. Simula ng una naming pagkikita sa bar, ang una naming inuman, unang beses na maramdaman kong mahal ko na siya, una naming pagtatalik, unang away, ang huli naming lakad, huling sleepover ko sa kanila, huling inuman na magkasama at huling gabi na makikita ko siya. Tila isang pelikulang pinanood ko ang mga tagpong iyon habang nakatingin sa labas ng bintana.



Alam kong kahit anong pilit ang gawin ko ay hindi ko magagawang kalimutan ang mga alaalang iyon, maliban na lang kung magkasakit ako sa utak. Marahil, ang kailangan kong pag-aralang gawin ay ang matanggap na hindi na madaragdagan pa ang mga alaalang yon.


Humigit kumulang isang buwan pa ang meron ako bago magsimula ang pasukan. Hindi ko sigurado kung paano ko kakayanin, pero alam kong kailangan kong huminga, magpatuloy sa buhay, at piliting maging masaya kahit na alam kong ang taong ginawa kong dahilan ng aking bawat ngiti at tawa ay malalayo na sa akin.







****Renz****



3:30 am, Saturday
April 14





Ilang minuto na din ang lumipas mula ng magtatakbo palayo sa akin si Kyle. Isa akong malaking gago dahil pinanood ko lang siya makalayo. Hinayaan ko ang pinakaespesyal na lalaking nakilala ko na makalayo na lang basta. Ni hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.


Napaka-walang kwenta ko. Siguro ay hindi nga siya nararapat para sa akin. Dahil baka paulit-ulit ko lang siya masaktan. Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hindi ko nagawang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko nagawang mapanindigan ang pagmamahal ko sa kanya. Hinayaan ko ang takot na manaig at kumapit lang ako sa katiting na pag-asa na baka maisip ni Kyle na manatili.


Simula pa lamang ay wala na akong ginawang effort para mag-work out ang relasyon namin ni Kyle. Nakatanga lamang ako habang unti-unting nawawala ang lahat sa akin.


I saw sadness in his eyes. I saw pain. I felt agony and hopelessness in each word that he said. In spite all that i did nothing for him. I didn't even give him a reason good enough to make him stay. I lost a friend, my best friend. I focused on looking for a 'trophy boyfriend', someone with good looks and body to die for. I didn't realize that i have already found my perfect match. The person i would love to hug all night, the face i wanted to see when i open my eyes every morning, the guy i would want to introduce to my family.


Marahil ay tama nga si Kyle. Siguro nga siya lang nagmahal sa aming dalawa. Ideally, mahal ko siya pero hindi ko iyon nagawang maipadama sa kanya ng mga sandaling kailangan niyang maramdaman na mahal ko siya. Naging kontento ako sa pagtanggap ng pagmamahal niya at di ko man lang ginawang suklian ang pagmamahal na iyon. Hindi ko masisisi si Kyle kung dumating na siya sa punto na hindi niya na kinaya. 



"Mawawala lang siya sayo ng tuluyan oras na tanggapin mong wala na nga talaga siya. But if you will never give up hope, you might still win him back."


Nagulat ako sa boses na nanggaling sa likuran ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Alvin.


"Wala kang alam sa nangyayari sa amin ni Kyle.", masungit kong pambabara sa kanya.


"Well, your right. I know nothing about you and Kyle. But your sorry face is telling me a hundred stories. Tara na sa taas, walang mangyayare kung ipapaubos mo lang sa mga lamok dito ang dugo mo. Iinom natin yan."


Hindi na ako sumagot at dumiretso na lang ako ng pasok sa loob ng bahay. Nang makarating kame sa kwarto ay inihanda na ni Alvin ang aming inumin. Tahimik lamang ako habang umiinom kame. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino.


"You can pretend im not here. You can cry if your heart tells you to. Wala namang masama don. At hindi rin naman yon makakabawas sa kapogian mo.", panimula ni Alvin.


"Wag mo na lang siguro ako pakialaman.", pambabara kong muli sa kanya.


"Woah, sungit ah. You know what, sa mundong pinili nating galawan. I mean being gay, bisexual, whatever you want to call it, having to find someone you can love and is willing to love you back is much like seeing a shooting star in a night sky. Not everyone get a chance to experience something like that. It does not happen very often. You can live this life and die without having to see a single shooting star in your entire life.", nakinig lamang ako sa sinasabi ni Alvin pero hindi ako nagsasalita.


"I can tell that you love Kyle. Sa insidente noon sa bahay ng kaibigan mo, its so obvious na mahal ka din ni Kyle. Pansin ko yon sa bawat titig niya sa atin nung magkausap tayo non. That's why i provoked him sa cr non. Sabe ko i wanted to sleep with Aki. Gusto ko lang maconfirm kung mahal ka nga niya kasi 
kung mahal ka nga niya ayaw ko naman maging sagabal. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang bigla niyang pagsugod sa akin."


"But that's really something, hindi man lang siya natakot sa katawan ko. I mean kaya ko siyang bugbugin non. Pero hindi yun ang pinupunto ko. Hindi ko alam kung bakit hindi kayo magkasundo, ang gusto ko lang sabihin ay bihira lang mangyari ang kung anung mayron kayo ni Kyle. Huwag mong sayangin.", seryosong sabi sa akin ni Alvin.


"Wala na. Umalis na siya at alam kong hindi na siya babalik pa.", malungkot kong sabi kay Alvin.


"Dahil pinili niyang umalis, hindi mo na siya hahanapin? Di mo na siya hahabulin? Di ka ba gagawa ng hakbang para maisip niyang bumalik? Don't waste your chance for a happy ever after, we don't know what will happen years from now. Ang tadhana malakas mang-trip yan. Baka yung taong hinayaan mong makalayo ngayon ay ang taong nakalaan pala para sayo. And since you didn't do anything, nganga ka na lang for the rest of your life. Pagtanda mo sa cr ka na lng ng mrt maglalandi, naninilip sa mga taong umiihi sa urinal, umaasang may papatol pa sayo kahit kulubot na ang balat mo.", hindi ako makasagot sa mga sinasabi ni Alvin dahil totoo halos lahat ng iyon. Matalino din palang kausap ang isang ito.


"For as long as it's worth another try, another heartache, don't hesitate to fight for the person you love. If fate should tell you that you can't have him again, at least you tried. Wala kang pagsisisihan. Eh up to this point, anu na bang nagawa mo para kay Kyle?", para akong hinampas muli sa ulo ng tanong na iyon.


Napilitan akong tingnan sa mata si Alvin. Nakatitig siya ng seryoso sa akin at naghihintay ng aking sagot. Wala akong nagawa kundi yumuko at marahang umiling. Tumulo din ang aking luha. Di ko na nagawang itago ang emosyon ko kay Alvin. Tuluyan na akong umiyak sa harap niya. Naramdaman ko na lang ang pagtabi niya sa akin at pag-akbay.


"Sige lang tol, umiyak ka lang. Wala naman tayo magagawa sa ngayon eh. Ang mahalaga nalinawan kahit papaano ang isip mo.", tumango na lamang ako. 


Makalipas ang ilang minutong pag-iyak ay ikinuwento ko na din kay Alvin ang tungkol sa amin ni Kyle. Matapos niya akong payuhan sa sitwasyon ko ngayon ay parang naging magaan ang loob ko na magkwento sa kanya. Nang matapos magkwento ay natahimik lamang si Alvin.


"Eh anung balak mo ngayong gawin?", tanong sa akin ni Alvin.


"Hindi ko alam, anu bang dapat kong gawin?", balik kong tanong sa kanya.


"Ikaw lang ang makakasagot niyan. Mas kilala mo si Kyle, alam mo kung anung makakapagpabago ng isip niya. Pwede din naman na bigyan mo siya ng konting time hanggang sa maging ok na siya. Tutal yun naman ang hinihingi niya kaya siya lumayo. Then habang wala siya pag-isipan mo yang nararamdaman mo. Oo alam natin pareho na mahal mo siya, pero di naman pwedeng ganun lang. Dapat ay panindigan at maipadama mo yan sa kanya.", tumango -tango lamang ako sa sinabi niya.


"Bakit andami mong alam? May pinagdadaanan ka din ba?", pinili kong ibahin ang takbo ng usapan dahil kanina pa tungkol lang sa akin ang aming napag-uusapan.


"Wala naman, sadyang matalino lang ako, hehehe", pagbibiro ni Alvin.


"Siraulo.", medyo natatawa kong sagot.



Inumaga na kami sa pag-iinuman. Sa bahay ko na pinatulog si Alvin. Pinaunlakan naman niya ang aking imbitasyon. Magkatabi kaming natulog ngunit wala namang nagyari sa amin. Hanggang bago matulog ay iniisip ko ang sitwasyon namin ni Kyle.








****Kyle****




01:30 pm, Saturday
April 14






Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Nang tingnan ko ang screen ay nakita ko ang pangalan ni Aki. Agad kong ibinaba ang tawag. Wala ako sa mood para kausapin siya. Mahaba rin ang naging tulog ko ngunit hindi sapat iyon para bumuti ang pakiramdam ko. Unti-unting bumalik sa akin ang nangyari kagabi. Pilit kong nilalabanan ang pagtulo ng aking mga luha. Nangako ako sa sarili kong kagabi na ang huli kong pag-iyak. 


Dinampot kong muli ang aking cellphone para tingnan kung may importanteng text sa akin. Nang tingnan ko ang screen ay bumungad sa akin ang 38 missed calls at 29 text messages.


Lahat ng tawag ay galing lamang sa iisang tao, kay Aki. Tiningnan ko ang mga text at kay Aki rin halos galing ang lahat. Kagabi niya pa ako tinatawagan at tinetext. Nakaramdam naman ako ng awa kaya napilitan ako na replyan siya.





Kyle: bakit?


Wala pang ilang segundo ay nagreply na siya agad.


Aki: bakit di ka nagtetext?


Kyle: bz ako eh.


Aki: ok ka lang ba?


Kyle: oo naman.


Aki: kumain ka na?


Kyle: yup.


Aki: galit ka ba?


Kyle: bakit naman ako magagalit?


Aki: kasi hindi pa ako nakakabalik ng Manila.


Kyle: bakit ko ikakagalit yon? Eh nung mahigit isang taon ka ngang nawala, wala naman akong pakialam eh. Ngayon pang ilang linggo ka lang di nakabalik.


Aki: sabi ko nga.


Kyle: sige na may gagawin pa ako. Next time na lang.


Aki: ok.




Hindi na ako nagreply kay Aki. Nanatili lamang akong nakahiga habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko ang susunod kong gagawin. Kinuha ko muli ang aking cellphone. Naisip kong tumawag sa opisina upang ipaalam na magreresign na ako.









****Aki****



02:00 pm, Saturday
April 14







Nakatitig lamang ako sa screen ng aking laptop. Hindi na ako umusad sa paggawa ng aking report mula ng magkausap kami sa text ni Kyle. Halatang halata ang kanyang pagtatampo sa akin base sa naging daloy ng aming pag-uusap.


Tumayo ako sa aking lamesa at pumunta sa kusina para humanap ng makakain. Hindi ko na nagawang kumain dahil sa pagtapos ko ng mga gawaing report sa opisina. Kahit na rest day ko ay hindi ko tinitigilan ang trabaho. Kadalasan ay inuuwi ko ang mga nakabinbing gawain sa guest house na binabayaran ng kompanya para tirhan ko kapag andito ako sa Davao.


Iniisip ko kung uuwi muna ako para paamuhin si Kyle o tatapusin ko na lang ang mga report. Next week kasi ay maaari na akong makabalik na muli sa Maynila. Inaaayos ko na lang ang ilang bagay para sa taong hahalili sa iiwan kong pwesto rito. Kung uuwi pa ako ngayon ay baka madelay pa ang pag-alis ko next week.


Napabuntong hininga ako sa nararamdaman kong bigat ng kalooban. Hindi ko alam kung anu ang mas makakabuti sa amin. 


Nang matapos kumain ay pinili ko na manatili na lang muna sa Davao para makauwi na ako next week. Sana ay simpleng tampo lamang ang nararamdaman ni Kyle para sa akin.


Bumalik ako sa aking lamesa at nagsimula na muling magtrabaho. Sinubukan ko munang alisin sa isip ko ang problema kay Kyle at nagfocus sa aking ginagawa.







****Kyle****




4:02 pm, Saturday
April 14






Nang makaramdam ng gutom ay napilitan na akong lumabas ng aking kwarto. Nakita ko ang aking ina sa sala na lumuluha. Naawa ako sa aking ina marahil ay naaapektuhan na din talaga siya sa nangyayari sa akin. Lumapit ako ng konti sa inuupuan niya.


"Ma, are you ok?", alala kong tanong sa aking ina. Tumango lamang siya sa akin at hindi nag-alis ng tingin sa tv.


"Are you sure? Bakit po kayo umiiyak?", malungkot kong tanong sa aking ina.


"Kasi naman anak napakademonyo nitong si Marcel, naaawa ako kay Angeline.", paliwanag ng aking ina. Napatanga na lamang ako sa aking narinig. Nang lingunin ko ang palabas sa tv ay napansin kong ito ang paborito niyang teleserye tuwing hapon. Gusto kong mainis na matawa na ewan. Napahiya ako sa aking sarili pero di ko na pinansin pa iyon dahil sa nakakatawang eksena ng aking ina.



"Ah ganun po ba? Sige po keep it up. Kain lang po ako saglit.", hindi ko din naintindihan ang mga pinagsasasabi ko. Nahawa na ko ng kabuwangan sa aking ina.


"Sandali ipaghahain na kita. Mamaya ko na ipagpapatuloy ang pinapanood ko. Masakit na ang mata ko sa haba ng nabili kong dvd na yan.", sagot ng aking ina sabay patay ng tv at dvd player. 


"Eh di ba napanood niyo na yan noon sa tv, bakit bumili pa kayo ng dvd?", tanong ko sa aking ina.


"Maganda yung love story nila eh, hindi nakakasawang panuorin.", sagot ng akjng ina habang ipinagsasandok ako ng kanin at ulam.


"Anu naman po ang maganda roon eh niloko na nga yung babae ng sarili pa niyang asawa at bespren.", usisa ko sa aking ina habang nagsisimulang kumain. Matagal ko ring hindi nakakwentuhan ang aking ina at nakaramdam ako ng pagkamiss rito. Katulad ng inaasahan, kapag sinimulan mo ng tanong at kwento ang aking ina ay uupo ito ng kumportable at walang sawang makikipagkwentuhan sayo.



"Iyon nga ang maganda anak. After siya patayin nung dalawang bwiset, bumalik siya. Pinakita niyang matatag na siya at malakas hindi na siya pwede apihin at paglaruan ninoman.", litanya ng aking ina. Napatango na lamang ako sa sinabi ng aking ina. Hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa bida. Medyo alam ko din ang istorya ng palabas na iyon dahil sa madalas na pagkukwento ng aking ina.


"At saka ang maganda pa dun anak, ung bida hindi nagsasawang sumubok magmahal. Kahit gaano siya nasaktan ng unang minahal niya, handa siyang sumugal at magmahal muli ng iba para lang sumaya.", napaisip naman ako bigla sa sinasabi ng aking ina.


"Nga pala Ma, aalis na ako next week", pag-iiba ko ng topic naming mag-ina.


"Ha? Saan ka pupunta?", takang tanong ng aking ina. May pagkamakakalimutin din kasi ito kung minsan.


"Mag-aaral nga po di ba? Papahatid sana ako sa inyo nila Papa para madala ko na yung mga gamit ko. Kela Tita muna ako sa San Pablo titira habang nag-aayos pa ako ng papers tapos kapag start na ng pasukan eh mag-apartment na lang ako.", mahaba kong paliwanag sa aking ina.


"Wow mukhang planadong-planado na ah. Hindi ba masyado pang maaga? Mahaba pa naman ang bakasyon ah."


"Wala naman na po ako masyadong gagawin dito tsaka maganda na din po yung maaga pa lang ok na lahat."


"Wow bago yan anak ha! Wala ka ng gagawin? What happened to the parties in the metro?!", tatawa-tawang tanong ng aking ina.


"Naluluka ka na naman Ma. Basta ha next week, makisabihan na lang po si Papa tsaka si Tita sa plano ko.", pakiusap ko sa aking ina.


"Oo sige, hala dyan ka muna tatapusin ko lang yung pinanonood ko. Pagkatapos mo kumain ay ilagay mo na lamang sa lababo ang pinagkainan mo at mamaya ko na huhugasan.", tumango na lamang ako bilang sagot at tinuloy na ang pagkain.


Matapos kumain ay naligo na ako at nagkulong ng muli sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking laptop at naglog-in sa aking facebook account. Napansin ko ang ilang friend requests at notifications, hindi na ako nagabalang basahin pa ang mga iyon. Binasa ko lamang ang mga mensahe ko sa aking inbox. Halos lahat ay galing kina Renz at Aki. 

Nang matapos magbasa ay pumunta ako sa settings at dine-activate ang aking accnt. Parang napakadali para sa akin ang gawin iyon. Marahil ay gusto ko talaga munang maging mapag-isa at magpahinga. Ayaw kong makaalam ng anumang balita tungkol sa magulo kong buhay sa Maynila. Tingin ko naman ay kakayanin ko na walang facebook account. 


Naisip kong lumabas muli. Hindi para pumunta kila Renz kundi para magliwaliw. Balik ako sa dati, sa buhay na hindi masyadong kumplikado. May ilang araw pa namang natitira sa akin bago ako bumalik sa pag-aaral.








.....to be cont'd....

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails