Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Nais kong magpasalamat ulit sa mga taong patuloy na sumusubaybay at nagbibigay ng kanilang mga komento sa aking kwento. Sana po ay hindi kayo magsawa hanggang sa pagtatapos nito. Kaunting tiis na lang po at mababasa niyo na ang inaabangang karugtong.
Happy Reading...
[19]
"Ano sinabi sayo ni Mom?" ang nakangiting pagtatanong ni Bryan kay Andrew.
Ngunit
hindi na nagawa pang sagutin iyon ni Andrew sa halip ay agad siyang
kumaripas ng takbo. Ayaw niyang ipakita dito ang kanyang nararamdaman sa
mga oras na iyon. Naririnig niya ang pagtawag ni Bryan sa kanyang
pangalan pero hindi niya pinansin ito.
Agad namang
nakahanap ng lugar na matataguan si Andrew. At doon niya ibinuhos ang
kanyang mga saloobin sa pamamagitan ng pag-iyak.Unang beses pa lang siya
magmahal kaya napakasakit para sa kanya ang lumayo sa taong laman ng
kanyang puso.
Sa kabilang banda naman ay puno ng
pagtataka si Bryan sa inasal na iyon ni Andrew. Naisip niya na baka may
kinalaman ang naging usapan nila ng kanyang ina kaya minabuti niyang
kausapin ito.
Pagkapasok ng opisina ay agad siyang nagtanong.
"Sinabihan ko lang siya na titigil na siya sa pagtutor sa kapatid mo." ang sagot ng kanyang ina na abala sa pagsusulat.
"Bakit niyo ginawa yun Ma?" ang nabiglang tanong nito.
"Im not satisfied sa kanyang pagtuturo sa kapatid mo."
"Really? Nakita niyo naman ang pagtaas ng mga grades ni Billy."
"Gusto ko rin mag advance lessson siya. Mas makakabuti sa kanya kung isang professional tutor ang magtuturo sa kanya."
"Andrew can do that. Matalino siya at alam niyo yun."
"I know but my decision is final."
"Hindi maaari ito Ma. I know na may iba pang dahilan ang pagpahinto mo sa kanya. Alam na ba ni Billy ang tungkol dito?"
"Kahit
anong pagtutol mo ay wala ka nang magagawa pa. At tungkol naman kay
Billy, hindi ko naman kailangan ipaalam pa sa kanya dahil ako ang
masusunod."
"Paano naman po si Andrew, Mawawalan ang pamilya niya ng additional income."
"Sinabihan ko siya na pag-iisipan ko pa ang ipapalit kong trabaho sa kanya."
"Kailan pa?"
"Maghintay siya."
Hindi kumbinsido si Bryan sa sagot ng ina.
"Ano
pa ang iba niyong pinag-usapan Ma?" ang sunod niyang tanong. Gusto na
niyang malaman ang tunay na dahilan ng ginawang aksyon ng kanyang ina
kay Andrew.
"Yun lang. Bakit may iniisip ka pa bang iba?"
"Meron.
Kanina pagkalabas ni Andrew dito, bigla na lang siya umiwas at
nagtatakbo nang makita ako. Hinala ko na may sinabi ka sa kanya na
naging dahilan para magkaganon siya."
"Talaga palang ganyan ka kung makapag-alala sa kanya." ang pahayag nito na sinabayan ng pang-insultong ngiti.
Sa narinig na sagot ay may nakuha na siyang clue sa kanyang gustong malaman.
"Oo Ma. Dahil mahalaga siya sa akin." ang deretsahang niyang sagot.
"Alam mo ba ang sinasabi mo?!" ang medyo napataas na ng boses na tanong ng ina.
"Oo at seryoso ako Ma."
Napatakip
ng mukha ang ina ni Bryan dahil sa mga narinig sa anak. "Yan, yan ang
dahilan kung bakit ko siya pinatigil. Gusto kong lumayo siya sa iyo."
"Hindi ako papayag Ma."
"Nahihibang
ka lang. Hindi mo ba iniisip ang maaring mangyari ng kahibangan mong
yan. Ngayon pa lang pinag-uusapan ka na ng lahat ng tao at estudyante sa
buong university. Wala ka bang kahihiyan? Kung hindi sa sarili mo sa
pamilya na lang sana natin."
"Yan pala ang inaalala mo Ma. Ang
reputasyon natin dito sa school tsk. I dont care sa iisipin at sasabihin
ng iba tungkol sa akin o sa pamilya natin. Ang importante lang sa akin
ay ang kasiyahan ko at ito ay si Andrew."
"Masyado nang nilason ng
Andrew na yan ang isip mo. Sabi ko na nga ba noon pa lang may hinala na
ako sa inyong dalawa. Sige pairalin mo ang tigas ng ulo mo. Tignan lang
natin ang pwede mangyari sa kanya."
Natigilan si Bryan
sa narinig sa ina. Alam niya ang mga kayang gawin nito makuha lang ang
gusto. Una niyang naisip ang scholarship ni Andrew. Maaaring siyang
tanggalin at hindi na makapagpatuloy ng pag-aaral. Kung mangyayari iyon
ay masisira ang kanyang kinabukasan pati ang magiging buhay nilang
mag-ina.
"Ok. Kung anuman ang gusto niyo susundin ko." ang tila sumusuko nitong pahayag.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."
Pagkalabas
ng opisina ay agad niyang pinuntahan si Andrew sa room nito upang
kausapin ngunit siyay nabigo. Napagdesisyunan na lang niya na puntahan
ito sa kanilang bahay.
______
Malungkot na inilahad ni Bryan sa kanyang mga kaibigan ang naging usapan nila ng kanyang ina.
"As expected. Noon pa lang naisip ko na ang possibility na mangyayari ito" ang komento ni Michael.
"So ano na ang balak mo ngayon. Isusuko mo na ba si Andrew?"
"Never kong gagawin ang bagay na yan." ang pagdeny ni Bryan sa narinig.
"Pero pumayag ka sa gusto ni Tita."
"Nasabi ko lang yun para hindi na maging kumplikado pa ang sitwasyon. Baka kung magpumilit ako ay pahirapan niya si Andrew."
"Ano naman ang gagawin mo?" si Troy.
"Naisip
ko na sundin si Mama sa ngayon. Hihintayin ko lang na makapagtapos ako
at makahanap ng magandang trabaho nang sa gayon ay hindi na ako aasa pa
sa kanya. Hindi na niya ako makokontrol at magagawa ko na ang gusto ko."
"I agree with your plan tol. Talagang ang laki na ng pinagbago
mo." ang masayang papuri sa kanya ni Troy. Simula nang makilala niya si
Andrew ay napansin niya ang paglabas ng mga mabubuting katangian ng
kaibigan.
"So the question is, makakaya mo bang dumistansiya sa kanya. Almost a year pa ang hihintayin mo?" ang tanong ni Michael.
"Pipilitin ko kung yun lang ang tamang paraan." ang tugon ni Bryan. "Kaya mga tol may papakiusap lang sana ako sa inyo."
"Kung tungkol kay Andrew, sige tutulungan ka namin." ang agad na sagot ni Troy.
"Balak
ko siyang kausapin mamaya para sabihin sa kanya ang lahat ng magiging
plano ko para sa kanya. At pagkatapos nun, ay hindi ko muna siya
malalapitan. Kaya mga tol pabor lang. Kayo na lang ang maaaring makausap
niya, sana pakibantayan niyo at kung anuman ang maging problema niya ay
matulungan niyo siya. Pwede ba yun mga tol."
Inakbayan
siya ni Troy sabay tapik sa balikat nito. "Basta ikaw tol. Dont worry.
Kami na ang bahala sa kanya." ang nakangiti nitong sagot.
"Salamat sa inyo." si Bryan sabay ngiti sa kanila.
_______
"Bakit
ang aga mo anak. Wala ka bang tutorial ngayon?" ang nangtatakang tanong
ng ina kay Andrew nang umuwi siya nang hapong iyon.
"Wala na po nay." ang walang emosyong tugon nito.
Napansin ng ina ang kakaibang itsura ng mukha ng anak.
"Pinahinto na po ako ni Mam Sebastian." ang pagpapatuloy ni Andrew sabay upo sa silya at naghubad ng sapatos.
Nilapitan siya ng ina. "Bakit naman biglaan yata?"
"Gusto po niyang layuan ko si Bryan."
Nakuha na ng kanyang ina ang ibig ipakahulugan ng anak. Bilang ina ay nalulungkot din siya sa pinagdadaanan ni Andrew.
"Wala
tayong magagawa kung iyon ang desisyon ni Mam Sebastian. Hayaan mo na
anak, tutal kahit papaano ay nakapag-ipon ka naman di ba."
"Opo
nay. At napagdesisyunan kong tanggihan na rin ang iaalok niya sa akin na
bagong trabaho para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Sige po nay
pahinga na muna ako." ang malungkot pa rin nitong sambit. Nagtungo na
siya sa kanyang kwarto.
Hinayaan na lang munang mapag-isa ng ina ni Andrew ang kanyang anak.
_______
Kinagabihan
habang naghahapunan ang mag-ina ay malungkot na inilahad ni Andrew ang
lahat ng mga nangyari sa ina. Patapos na sila ng pagkain ng biglang may
kumatok sa pinto ng kanilang bahay.
"Kayo na po magbukas nay baka si Bryan yan." si Andrew. Ayaw na niya kasing kausapin pa ito.
"Wala ka bang balak na harapin siya anak?" ang tanong ng kanyang ina.
"Sabi nga po ni Mam Sebastian na lumayo na ako sa anak niya di ba? Kayawala na akong dahilan para makipag-usap sa kanya."
"O siya sige ako lang na magbubukas." ang tugon ng ina sabay tayo papunta sa pinto.
"Magandang gabi po nay." ang pagbati ni Bryan sa ina ni Andrew pagkabukas ng pinto. "Si Andrew po?"
"Ah nagpapahinga na. Medyo masakit ang pakiramdam niya." ang pag-aalibi ng ina nito.
"Ganoon po ba?" ang malungkot niyang tugon. "Patawad po pala nay sa mga nangyari, sa ginawa ng Mama ko kay Andrew."
"Wala kang dapat ihingi ng tawad iho. Bilang ina rin ay nauunawaan ko ang naging pasya ng Mama mo."
"Pero
di po ako sang-ayon sa gusto niya. Pinagkakaitan niya ako ng
kaligayahan. Kaya po narito ako ngayon para kausapin siya at sasabihin
ko po sa kanya ang mga plano ko."
"Plano?" ang nagtatakang tanong
sa kanya ng ina ni Andrew. "Kung tungkol yan sa pagsuway mo sa utos ng
iyong magulang at ipagpilitan ang iyong kagustuhan ay huwag mo na sana
ituloy."
"Pero sana po maintindihan niyo na hindi ko kayang mawalay kay Andrew."
"Alam
ko iho ang nararamdaman mo. Ngunit hindi mo ba naisip ang posibilidad
na baka lumala pa ang sitwasyon. Sana maintindihan mo rin na iniisip ko
ang kapakanan ng aking anak."
"Opo nay. Kaya nga po pinagplanuhan ko pong mabuti ito."
Akmang sasagot pa ang ina ni Andrew nang biglang itong ubuhin.
"Ayos lang po ba kayo nay." ang nag-aalalang tanong ni Bryan. Sa tingin niya kasi ay parang hindi normal ang pag-ubo nito.
"Oo iho medyo malamig kasi eh. Sige na umuwi ka na, masyado nang gabi."
_______
Nanatiling
nakatayo si Bryan sa kanto. Hindi siya uuwi hanggat hindi niya
nakakausap si Andrew. Nagtiyaga siyang maghintay hanggang sa makahanap
siya ng tiyempo. Madaling araw na at halos tahimik na ang lugar na iyon
nang magdesisyon siyang bumalik sa bahay nito. Tinungo niya ang bintana
ng mismong silid ni Andrew. Inangat niya ang kahoy na nagsisilbing
pangsara nito.
Naaninag siya ni Bryan sa pamamagitan ng
ilaw na nagmumula sa poste. Nakahigang nakatagilid siya patalikod sa
bintana. Pumasok siya at umupo sa matigas niyang kama.
Ang haplos ng kanyang kamay sa ulo ang siyang nagpagising kay Andrew.
"Bryan anong ginagawa mo dito?" ang tanong niyang may pagkabigla. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo.
"Gusto
lang kitang makausap at huwag kang maingay baka magising si nanay." ang
sagot ni Bryan. Ikaw kamusta ka na?" ang sunod niyang tanong. Nais
niyang malaman ang kanyang kondisyon matapos ang mga nangyari.
"Ayos lang." ang matipid na tugon ni Andew.
Sa
kabila ng madilim na silid ay napansin ni Bryan ang mga mata ni Andrew,
iba ito sa dating maganda at mapungay na isa sa mga nagustuhan niya
rito.
"Thats a lie. Kaya pala tinakbuhan mo ako kanina."
"Nagmamadali lang ako kanina."
"Talaga, e bakit ka naiiyak? Huwag kang magkaila, napansin kita kanina. Hanggang ngayon, kita ko sa mga maga mong mata."
Napayuko na lang si Andrew at nagsimula nang maiyak ulit.
Maya-maya ay naramdaman na lang niya ang mga malalaking braso na bumalot sa kanyang katawan.
Itutuloy...
[20]
Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Andrew sa
pagyakap na iyon sa kanya. Ilang saglit lang nagtagal ito ng biglang
kumalas si Bryan.
"Nasaan na ang kwintas?" ang agad na tanong nito nang makitang hindi ito suot ni Andrew.
"Ha! tinago ko lang. Hindi ako sanay matulog nang may suot ng kung anu-ano."
"Sigurado ka?" ang sunod na tanong nito.
"Oo."
Kinuha
ni Andrew ang kwintas sa kanyang drawer. Bago bumalik sa kama ay
binuksan na niya ang ilaw upang makapag-usap sila ng maayos.
"Oh
eto ang kwintas mo. Kukunin mo na ba?" ang tanong niya sabay bigay ng
kwintas. Naisip niya na baka babawiin na nito ang kwintas dahil sa mga
nangyari.
Ngunit nagkamali siya ng akala. Nang kunin ito ni Bryan ay isinuot ito sa kanyang leeg.
"Sanayin
mong palaging suot ito ha." ang kanyang sabi. "Lalo na ngayon na
pansamantala tayong hindi magsasama. Ito ang magsisilbing alaala mo sa
akin."
Napatingin si Andrew sa pahayag na iyon ni Bryan.
"Kahit
hindi mo sabihin sa akin, alam ko na ang mga pinag-usapan niyo ni Mama.
Ako na ang humihingi sa iyo ng tawad sa mga ginawa niya sa iyo."
"Wala
kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Naiintindihan ko naman e. Kasalanan
ko rin naman ito. Sana noon pa hindi na ako nagpadala pa sa
nararamdaman ko"
"Parang sinabi mo naman na nagsisisi ka." ang may himig pagtatampong sambit ni Bryan sa mga narinig sa kausap.
Hinaplos ni Bryan ang magkabilang pisngi ni Andrew.
"Alam
mo ba na sobrang naging masaya ang buhay ko nang makilala kita. Ikaw
ang dahilan ng aking pagbabago Andrew. Kung ang nasa isip mo ngayon ay
ang pagsuko, ibahin mo ako. Tulad nga ng sabi ko kanina, pansamantala
tayong maghihiwalay. Susundin ko si Mama. At kapag nakatapos na ako at
makatayo sa sariling paa, pangako ko na babalikan kita. "
Napayuko si Andrew habang iniisip ang mga sinabi ng kausap.
"Kaya sana Andrew ganoon ka rin. Huwag mo naman ako isuko. Ipangako mo sa akin na hindi ka bibitaw kahit anong mangyari."
"Kahit kailan talaga matigas ang ulo mo Bryan." ang nasabi ni Andrew.
"Yah right." ang nakangisi nitong tugon. "So promise me Andrew."
Nagkatinginan ang dalawa.
"Sige." ang pagpayag ni Andrew.
Niyakap muli ni Bryan si Andrew.
"You're mine Andrew. Lahat ng magtatangka sa iyo ay makakatikim sa akin." ang pagbulong nito sa kanyang tainga.
Hindi
naman naiwasang mapangiti ni Andrew sa narinig. "Ows. Baka nga ikaw eh.
Kapag hindi ka na makatiis ay maghanap ka na ng iba jan o di kaya ay
mambabae ka na."
Kumalas muli si Bryan at tinignan ang mukha ni Andrew.
"Ang ibig bang sabihin nito na magseselos ka kapag ginawa ko iyon?" ang nakangisi nitong sambit.
"Hindi
ah! Tatanggapin ko naman kung sakaling manliligaw ka ng babae. Sa
itsura mo ba naman, alam kong maraming nagkakagusto sayo."
"Are you sure?"
"Oo naman."
"Sige
masubukan nga yang sinasabi mo." sinabi lang niya ito para malaman ang
magiging reaksyon ni Andrew. At nakita lang niya ang pagtahimik nito.
"Biro lang yun." ang pagbawi niya ng kanyang sinabi. "Hinding-hindi ko magagawa yun sa taong laman ng aking puso."
Tinignan naman siya ni Andrew at nakita nito ang sinseridad sa mapupungay nitong mga mata.
"Wala ka man lang sasabihin jan?" ang tanong nito sa kanya.
"Anong gusto mong sabihin ko?"
"Yung sinabi mo sa akin sa mall."
Naalala naman niya ang naging eksena nila doon kung saan ay inamin ni Bryan sa kanya ang tunay nitong nararamdaman.
"Look at my eyes Andrew, and say to me the words I LOVE YOU."
"Nasabi ko na yan."
"Gusto ko ulit marinig ang mga salitang iyon sa iyo."
"Hindi na siguro kailangan pa iyon."
"I need that Andrew. Dahil iyon ang magiging inspirasyon ko upang maghintay."
Sa
pagkakataong iyon ay nakita ni Andrew ang pagiging seryoso ni Bryan.
Muling nagbalik sa isipan ni Andrew ang ilang mga alaala na magkasama
sila.
"Hanggang ngayon Bryan, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagkagusto ka sa isang tulad ko."
"Hays,
ilang beses mo na yata tinanong yan sa akin. Sige ganito na lang. Look
at yourself sa salamin para malaman mo ang dahilan."
Hindi
naman sa pagyayabang ngunit masasabi ni Andrew sa kanyang sarili na may
itsura siya tulad ng pagpuri sa kanya ni Dina. Ngunit iniisip niya na
wala siyang binatbat kung ikukumpara siya kay Bryan. At ngayon, ang
isang tulad niya ang nagustuhan nito na siyang habulin at tinitilian sa
campus ng mga babae at binabae.
Sa nagdaang mga buwan
na magkasama sila nang madalas ang naging daan upang mahulog ang loob
niya rito. At ang sobrang kalungkutan niya sa naging hakbang ng ina ni
Bryan ang siyang magpapatunay na mahal na niya ito.
Dahil dito ay binigkas na niya ang mga katagang nais marinig muli ni Bryan sa kanya sa mga oras na iyon.
Nakita
ni Andrew sa mukha nito ang isang napakatamis na ngiti matapos niyang
sambitin ang mga katagang iyon. Ngiting na hanggang ngayon ay
nagpapahumaling sa kanya.
"Ang sarap sa pandinig ng mga
sinabi mo Andrew. Kahit papaano ay may pinanghahawakan na ako upang
magtiyaga sa paghihintay." ang nakangiti pa ring pahayag ni Bryan.
"Ayan sinabi ko na sa iyo ha." si Andrew.
"Pwede mo bang ulitin isa pa."
"Tama na. Napilitan nga lang ako kanina e."
"Napilitan? So you mean sinabi mo lang iyon dahil sa inutos ko."
"Hindi.
Ang totoo niyan pinipigilan ko pa rin ang sarili ko ngayon. Natatakot
kasi ako at nag-aalala na baka ang pagmamahal kong ito sa iyo ang siyang
ikasira ng buhay namin ni nanay. Yung Mama mo pa lang tutol na siya sa
atin di ba?"
"Hayaan mo malalagpasan din natin ang pagsubok na ito." ang huling pahayag ni Bryan habang hinahaplos ang ulo ni Andrew.
_______
Sa paglipas ng isang buwan...
"Kamusta na si Andrew?" ang tanong ni Bryan na kakapasok lang kay Michael na nabala sa pagbabasa sa kanilang tambayan.
"He's Ok." ang matipid nitong tugon.
"Hays. Ang tagal naman!" ang medyo iritang pahayag ni Bryan sabay takip ng mga palad sa mukha.
Natawa naman si Michael. "Hindi ka na ba makatiis?"
"Alam mo ba tol yung pakiramdam na hindi kayo nagpapansinan. Naisip ko nga na baka may iba na siya."
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Madalas
kaming nagsasalubong dalawa. Nakatingin ako sa kanya, pero siya todo
effort talaga sa pag-iwas. Minsan nga nagtatago pa talaga."
"Hindi ba iyon ang usapan niyo."
"Oo. Pero ewan ko ba. Iba ang nagiging pakiramdam ko."
"Huwag
kang mag-alala tol. Si Andrew ay hindi tipo ng tao na madaling magbago
ang nararamdaman. Kaya pwede ba tol itigil mo na yan. OA ka na masyado."
"Sira. Baka gusto mo upakan kita dyan. Kita mo na ngang seryoso ako. Siya nga pala, nasaan na naman si Troy?"
"As usual. Kasama na naman niya si Andrew."
"Ayus ah. Halos araw-araw na silang magkasama."
Tinignan
ni Michael ang kausap matapos niyang marinig ang pahayag niyang iyon.
May napansin kasi siyang iba sa tono nito ng pagsasalita. "Oo naman. Di
ba yun ang pinakiusap mo ang bantayan si Andrew."
"Oo na!"ang medyo pabulyaw niyang sagot.
"Cool ka lang tol. Teka nga bakit ka ba naiinis?"
"Hay ewan ko sa iyo." ang huli niyang sagot bago lumabas ng tambayan.
Napailing na lang si Michael sa inasal ng kaibigan.
______
"Wala ka bang ibang gagawin Troy?" ang tanong ni Andrew habang naglalakad sila palabas ng campus.
"Bakit ayaw mo na ba akong kasama?" ang nakangiti nitong sagot.
"Hindi
naman. Kasi naisip ko na baka marami ka nang bagay na hindi nagagawa
dahil sa akin. Ayaw ko naman na ibuhos mo ang lahat ng atensyon mo sa
akin na halos hindi mo na bigyan ng oras ang sarili mo."
"Ano ba yang mga sinasabi mo? Masaya ako sa ginagawa ko." ang walang pag-aalinlangan na pahayag ni Troy.
Hindi sumagot si Andrew.
"By
the way, nasabi sa akin ni Tita na bumalik ka na daw sa dati mong
trabaho." ang pag-iiba ng usapan ni Troy. Ang tinutukoy niya ay ang
pagbabalik sa pangangalakal ng basura ni Andrew.
"No choice ako
eh. Nauubos na kasi ang perang naipon namin mula sa pagtututor ko.
Tapos si nanay, medyo hirap na siya sa pagtatrabaho. Madalas na siyang
sumpungin ng sakit niya. At ito nga pinoproblema pa namin kung saan kami
maninirahan."
"Bakit?" ang medyo nabiglang tanong ni Troy sa huling sinabi ni Andrew.
"May nakabili na ng lupang tinitirikan ng bahay namin. Nagpadala na nga ng notice sa amin tungkol sa demolisyon."
"Ganoon ba? So kailan ba yun?"
"Binigyan kami ng isang buwan para makapaghanda."
Isang bagay ang agad pumasok sa isipan ni Troy matapos marinig ang mga pahayag ni Andrew.
_______
"Kuya,
hindi pa po ba darating si Kuya Andrew?" ang agad na salubong na tanong
ni Billy sa kararating lang na si Bryan kinagabihan.
Halos
araw-araw at walang patid kung magtanong ang kanyang kapatid ukol sa
bagay na iyon. Umupo siya sa sofa at inaya ang kapatid na kumalong sa
kanya.
"Pupunta rin siya dito." ang malambing nitong sagot.
"Kailan pa po Kuya. Ayoko na po kasi ng tutor ko e."
"Bakit naman?"
"Masungit po siya."
Hindi
naman lingid sa kaalaman ni Bryan ang hindi pag-eenjoy ng kanyang
kapatid sa bagong tutor na kinuha ng kanilang ina. Kapansin-pansing
hindi na ito ganung kasigla tulad ng mga panahong si Andrew ang
nagtuturo dito.
"Ganoon ba? Gusto mo kausapin ko si Mama at sasabihin ko na palitan na si Teacher Rose?" ang tanong niya sa kapatid.
"Opo. Si kuya Andrew na lang po ulit."
Bahagyang natawa si Bryan sa sagot ng kapatid. "Ikaw talagang bata ka."
Naputol
ang pag-uusap ng magkapatid sa pagdating ng kanilang ina sa pamamagitan
ng busina ng kanyang sasakyan sa labas. Agad na tumayo si Bryan at
pumunta sa kwarto nito. Hanggang ngayon kasi ay may sama ng loob pa rin
siya sa kanyang ina.
_______
Nakahiga si Bryan sa kanyang
kama na nakaunan ang kanyang isang braso sa ulo habang nakatingin sa
kisame. Iniisip pa rin niya ang kanyang pangamba kay Andrew.
"Siguro
nga nagseselos ako!" ang sabi niya sa kanyang sarili patungkol sa
palaging pagsasama nina Troy at Andrew. "Pero wala naman akong magagawa.
Inihabilin ko siya sa kanya kaya natural lang na maglapit silang
dalawa."
Maya-maya lang ay nag-ring ang kanyang phone. Nang makita ang pangalan ni Troy sa screen, ay agad niyang sinagot ang tawag.
"Oh tol napatawag ka"
"Oo, mahalaga kasi itong sasabihin ko tungkol kay Andrew."
"Bakit anong nangyari sa kanya?"
"Oh calm down, walang nangyari sa kanyang masama."
"Pasensya na. Sige ano ba iyon?"
"May
malaking problema kasi ang pamilya niya ngayon. Pinapaalis na sila sa
kanilang tirahan dahil may nakabili na ng lupa tinitirikan ng kanilang
bahay."
"Ganoon ba?" ang nanlalambot nitong tugon sa sinabi ni
Troy. Sa mga oras na iyon ay nais niyang matulungan agad si Andrew
ngunit sa kanilang sitwasyon ay malabo itong mangyari.
"Ano may naisip ka na bang paraan para matulungan siya?"
"Actually
kanina ko lang naisip ito. Kaya tinawagan kita para ipaalam sa iyo ang
mungkahi ko na doon ko sila sa bahay patitirahin. Kinausap ko naman na
si Lola at sinabing ayos lang sa kanya. Kumbaga, kukunin namin ang
kanyang ina bilang kasambahay."
Bigla namang naguluhan si Bryan sa narinig niyang suggestion ni Troy.
Itutuloy...
Followers
Sunday, May 5, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Love it!!!can't wait..harry from dubai
ReplyDeleteWow una ako sa comment ah.. Sakto!!! Next chap.. Agad agad! Lol.
ReplyDeleteNAYSO AUTHOR :)
ReplyDeleteahay, kawawa naman si Andrew. tsk tsk tsk. anu ba yan. sana mabuksan na isipan ng mama ni Bryan. :(
ReplyDeleteThanks po sa chapter na to.
,,,at last may update thank you very kapanapanabik, next please, nakzkz adik
ReplyDeletejeddah, ksa
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehala...... huwag naman sana masira ang trio..... hehehe....Si Michael kaya...... may pagnanasa di kaya ke Andrew... hehehe...pzra mas magulo...hehehe..
ReplyDeleteLove triangle ata ang mangyayari? Anyway si Troy naman kasi na una lol :) pero Go Bryan pa rin hehe
ReplyDeletePush na agad next na!!! :-D
ReplyDeleteBuo nnmn ang araw ko,hehehe bukas uli slamt,
ReplyDeleteBuo nnmn ang araw ko,hehehe bukas uli slamt,
ReplyDeleteSana malampasan ni andrew lahat ng pagsubok na dumarating sa kanya.
ReplyDeletenext chapter na please! :D Di talaga ako makapaghintay. Salamat po ulit author! :)
ReplyDelete-K
My update na pala bat dko nakita... Hahaha...
ReplyDeleteHello po author, ganda naman ng story mo, i love reading it. Hope u update it soon hehe thanks a lot.
ReplyDeleteRalf NZ
Sana me update na. Love reading it.
ReplyDeleteRalf nz
malapit na...
ReplyDeletethnks daredevil
masarap p rin basahin :)
ReplyDeleteDaredevil is oh so back! Sana this time tapusin nyo na po 'tong story. Ang ganda kase ng plot! Good Luck po and THANKS! :)
ReplyDelete--BOOM
Super eksayted na po ako .. Next chapter na please.. Cant wait.. ;)
ReplyDelete