Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Maraming Salamat po sa mga nagcomment sa pagtatapos ng Campus Trio. Sa ngayon po ay ginagawa ko na ang aking next story na True Love. At habang naghihintay po kayo, repost muna ako ng isa ko pang gawa.
This is my first short story na pinost ko sa aking blog at sa BiOutLoud. Tulad ng Campus Trio, this is my own version ng isang asianovela. Sana po ay magustuhan niyo rin ito.
Any comments, suggestions ang criticisms are welcome.
Happy Reading!
[1]
Kriiiiiiiiinggggggg!!!!!
Isang malakas na tunog ng
alarm clock ang nagpagising sakin. Kahit inaantok pa ay pinilit ko na
ring bumangon. Sa araw na ito kasi magsisimula ang bagong school year.
Ewan ko ba, naghalong saya dahil makikita ko na ulit ang aking mga
kamag-aral, kaba sa mga mangyayari sa akin sa school at excitement ang
nararamdaman ko ngayon. Agad akong nagtungo ng banyo para maligo.
Bago
ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako si John David
Rodriguez, 16 years old nasa ikaapat na taon na ako sa high school sa
isa sa mga paaralan dito sa Maynila. May height na 5'8, average looking
daw sabi ng iba. Inaamin ko na ako ay may kahinaan pagdating sa halos
lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa klase namin, isa ako sa
pinakakulelat. Pero palakaibigan naman ako. Ngunit lingid sa kaalaman ng
aking mga kamag-aral na ako ay isang paminta. Lalaking-lalaki kung
kumilos pero sa loob ay may nagkakagusto sa kapwa.
"Dave anak, nandito na ang kaklase mo"ang narinig kong pagsigaw ng aking ama habang ako ay nagbibihis ng aking uniporme.
"Sige, tay pakisabi na patapos na ko" tugon ko.
Si
Mariano Rodriguez, ang aking ama. Simula ng mamatay ang aking ina,
siya na ang nag-alaga sakin. Magaling siya sa larangan ng pagluluto. Ang
kita mula sa aming negosyo na carinderia ay ginagamit sa pangtustos sa
aking pag-aaral. Sobrang bait ng aking ama, dahil mapagmahal,
maalalahanin at higit sa lahat tanggap ang aking pagkatao. Laking
pasalamat ko na nagkaroon ako ng isang amang tulad niya.
"Bestfriend, tara na bilis sa school na lang tayo kumain", ang pasigaw na sabi ng bestfriend ko na si Pat.
"Oo na masyado naman ito excited." sagot ko sa kanya.
Si
Patrick de los Santos o Pat ang pinakamatalik kong kaibigan at
kaklase.Nagkakilala kami nung nasa first year pa lang ako. Mas mataas
ang height niya sakin, mga 5'9 sya, medyo maputi, maganda ang tindig, at
may itsura. Masasabi ko na pwede siya ihanay sa mga gwapo. Hindi siya
kasing hina tulad ko dahil ok naman ang performance niya sa school at
magaling sa sports lalo na sa basketball. Hindi rin siya gaano
katalinuhan.Tulad ng aking ama ay alam din niya ang aking sekswalidad.
Naalaala
ko pa kung paano kami nagkakilala at naging magbestfriends. Unang araw
ko bilang first year student, habang nag orientation ang aming teacher
sa English bigla siyang sumulpot sa pintuan ng classroom. Siyempre
agaw-pansin siya lalo na sa mga kaklase kong babae dahil sa angkin
niyang kagwapuhan. Nalate siya dahil hinanap pa pala niya ang classroom
namin. Sa unang tingin ko sa kanya, ay nayayabangan na ako at naisip ko
na malabong kaibiganin ang isang tulad niya. Kapag nalaman niya ang
totoong kong pagkatao ay aasarin niya lang ako kaya naisip ko na iwasan
na lang siya.
Sa paglipas ng mga araw, nagpapakitang
gilas si Pat sa mga teacher namin. Halos lahat ng mga kaklase namin ay
naging malapit sa kanya dahil sa pagiging friendly nito. Ako na lang
yata sa klase namin ang mailap sa kanya. Ganito palagi ang turing ko sa
kanya ngunit bigla na lang ito nabago isang araw. Habang papauwi na ako
may biglang nag text sakin.
"Dave, balik ka sa room saglit meron ka nakalimutan."
Nakita
kong galing ito sa isang unknown number kaya nagtaka ako kung sino at
ano ang sinasabi niya na kinalimutan ko sa room. Agad kong tinignan ang
aking bag kung meron nga. At doon ko nalaman na kulang pala ng dalawa
ang aking libro. Naiwan ko ito sa ilalim ng aking upuan. Mabuti na lang
at di pa ako nakakalayo kaya binalikan ko na agad ang mga ito.
Pagdating ko sa room, nagulat ako dahil nandoon siya na nakaupo sa isang teachers
table at parang may hinihintay. Nang makita niya ako, ay tumayo siya
at doon ko napansin na hawak na niya ang aking mga libro. Nilapitan niya
ako at binigay ang mga ito sa akin.
"Salamat ha. Sige uuwi na ako." ang sabi ko sa kanya. Naglakad na ako palabas ng room.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa aking braso kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" ang naitanong ko sa kanyang ginawa.
"Ganoon na lang iyon, aalis ka na agad." ang sagot niya sa akin.
"Sorry kasi marami pa akong gagawin." ang pag-aalibi ko na lang. Nakakaramdam na kasi ako ng pagkailang.
At
nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinatak niya ang aking braso at
isinandal sa dingding. Nilapat niya ang magkabilang kamay dito na tila
ayaw akong paalisin.
"May galit ka ba sa akin kasi napapansin ko
yung mga pag-iwas mo. Sa ibang mga kaklase natin di ka naman ganoon. May
problema ba?" deretsahang tanong niya.
Tila nawala
namn ako sa sarili ko sa pagtingin ko sa mukha niya. Makikita mo talaga
ang kagwapuhyan niya sa malapitan at ang titig nia sa akin na tila
nanghihipnotismo. Pero agad naman bumalik ang ulirat ko at sinagot ang
tanong niya.
"Ah eh di naman kita iniiwasan." pagtanggi ko sa kanya. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba sa mga oras na iyon.
"Hindi
ako manhid Dave. Iba talaga ang pakikitungo mo sa akin. Ano bang mali
sa akin? Hindi naman ako kumakain ng tao eh saka mabait naman ako
nakikita mo naman di ba?" tanong ulit niya.
Ewan ko ba
kung sasabihin ko sa kanya ang totoong dahilan o pipilitin ko pa ring
umalis na lang para umiwas sa issue. Kaya ang naisip ko na lang ay
umalis ng room ngunit nabigo lang ako.
"Ano bang
problema mo? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo ah, sana naman
bigyan mo ako ng pagkakataon. Papatunayan ko sa iyo na mabuti akong
kaibigan".
Doon ko narealize ang pagiging seryoso niya sa pakikipagkaibigan sa akin. Kaya naisip kong pagbigyan na lang siya.
Simula
noon, napansin ko sa kanya ang ilang mga pagbabago. Mas naging
masayahin na siya kung ikukumpara sa dati. Palagi na siyang sumasama sa
akin. Nililibre at binibigyan ako ng pagkain pag recess. Hinahatid sa
amin at tinuturuan ako ng mga alam niya sa pag-aaral. Hanggang sa
isang araw, naisip kong sabihin na sa kanya ang totoo kong pagkatao
para malaman na rin niya at mabawasan ang pag-aalinlangan ko. Handa na
ako sa kung anuman ang maging reaksyon niya.
"Ah Pat,
may sasabihin sana ako sa iyo eh, matagal ko nang tinatago ito. Kung di
mo ko matatanggap pag sinabi ko sayo ok lang sa akin ngayon pa lang
nagpapasalamat na ako sa pagiging mabuting kaibigan sa akin." ang aking
panimula habang naglalakad kami pauwi.
"Sige ano ba yun?" ang interesado niyang tanong.
"Isa
akong bakla. Tinatago ko lang ito para di pagtawanan at laitin ng iba.
Ito rin ang dahilan kung bakit umiiwas ako sa iyo noon." ang aking
pag-amin. Napayuko na lang ako sa mga oras na iyon dahil sa hiya.
"Iyon lang ba Dave?"
"Ah eh oo. Kung nandidiri ka sige iwanan mo na ako. Kung iiwas ka na sa ok lang sa akin yun."
Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking baba at itinaas ang aking mukha.
"So what kung ganun ka wala namang problema di ba? Saka mas maganda yan dahil may pag-asa na palang magkagusto ka na rin sakin."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.
"Parehas lang tayo Dave." ang natatawa niyang sambit.
"Noon
pa lang may gusto na ako sayo eh kaya nga gumawa ako ng paraan para
maging friends tayo. Inalam ko talaga mula sa mga classmates natin ang
cellphone number mo pati address ng bahay niyo. Naalala mo ba nung araw
na pinabalik kita sa room, pinagplanuhan ko talaga iyon. Kinuha ko yung
dalawa mong libro sa ilalim ng upuan para may dahilan ako para pabalikin
kita. Una pa lang kita nakita, ang cute mo na sa paningin ko."
Laking
tuwa ko naman dahil sa pagtanggap niya sakin at sa kabilang banda naman
ay pagtataka sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. First time
kasing may nagkagusto sa akin at nagsabi na cute daw ako. Sinabi ko
naman sa kanya na kahit ganito ako hanggang matalik na kaibigan lang ang
kaya kong maibigay sa kanya. Yun kasi ang naramdaman ko sa kanya sa mga
oras na iyon. Makalipas ang tatlong taon ito magkaibigan pa rin kami.
Hanggang ngayon ay patuloy siyang umaasa na mamahalin ko rin siya tulad
ng pagmamahal niya sa akin.
Sabay kami pumasok ni
Pat. Habang nasa jeep kami, panay pa sweet niya sa akin. Nandyan ung
pahawak-hawak ng kamay na siyempre inaalis ko agad dahil nahihiya ako sa
mga makakakita. At binubulong niya ang palagi niyang sinasabi sa akin
na "Balang araw, mamahalin mo rin ako, di ako susuko" na may kasama pang killer smile. tuwang-tuwa talaga ako sa kanya.
Nakarating
kami sa school 5 min bago ang oras ng first subject. Habang naghihintay
kami, biglang nagkagulo naman sa may corridor na nakaagaw ng pansin sa
amin kaya sinilip namin para alamin ang dahilan.
"Si Jake! Si Jake!, Ay mas gwapo na siya ngayon!", sigaw ng isang estudyanteng babae.
Dumating
na pala ang tinaguriang Campus heartrob ng school na si Jake
Montecarlo. Crush ko na talaga siya simula nang mag transfer siya rito
nung third year.Parehas lang kami ng year level pero nasa highest
section siya. Bukod sa gwapo kasi matalino pa. Ang taas ng IQ level niya
ayon sa mga naririnig ko at di lang yan mayaman ang pamilya nila.Pero
kung gaano kaganda ang physical apprearance at mental abilities niya
kabaliktaran naman sa pag-uugali. Likas na masungit ang taong ito at
galit sa mga taong di niya kauri.
"Hoy sobra ka na
makatitig sa kanya ah, bakit di ka ganyan sa akin ha?", pagbulyaw sakin
ni Pat nag nagpabalik ng ulirat ko sa kakatingin sa dumaan.
"ah
eh ano ka ba humahanga lang naman ako sa tao at alam ko naman na malayo
ang agwat namin at malabong mapansin niya ako saka bakit parang
nagseselos ka ha?", balik tanong ko sa kanya.
"Siyempre
naman, bestfriend mo ko baka ipagpalit mo na ako sa kanya. Saka alam
kong siya ang gusto mo. Sana sa akin mo na lang ilaan ang damdamin mo sa
kanya, masusuklian ko pa yan ng tapat na pagmamahal." sagot ni Pat.
"Ang
drama mo naman tara na nga upo na tayo baka dumating na yung teacher
natin." ang nakangiti kong tugon sa kanya.Napakamot na lang siya ng ulo
sa mga oras na iyon.
Naging maayos naman ang
buhay-estudyante ko sa paglipas ng mga araw. Ganun pa rin kami ni Pat at
nakikita ko pa rin sa campus ang crush ko pero di pa rin niya ako
pinapansin.
At isang pangyayari ang magbabago sa aking buhay.
[2]
Oras ng recess, nasa canteen ako na kumakain kasabay ang isa ko pang
kaklase na si Erika nang biglang naghiyawan ang mga estudyanteng naroon.
Ano pa nga ba ang dahilan, syempre ang pagpasok ng crush ko na si Jake
na kasama ang kanyang mga barkada na pawang may itsura rin at astigin.
Bumili sila ng kanilang kakainin at umupo sa kabilang mesa na katabi
lang sa amin. Kami naman ay tuloy pa rin sa pagkain at kuwentuhan.
"Friend,
look oh si Jake nasa kabilang table, grabe ang gwapo talaga." ang may
kilig na pahayag ni Erika. Ako naman ay lumingon saglit sa kanila.
"Uyyyy kinikilig na naman siya sa crush niya " ang pangangantsaw sa akin ni Erika sabay sundot sa aking tagiliran.
"Shhhhh,
huwag kang maingay baka marinig tayo nakakahiya" mahina at natatawang
sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Siyempre malapitan
kong nakikita ang aking ultimate crush.
"Ano ka ba lapitan mo oh pakilala ka, pagkakataon mo nang makausap siya dali!" si Erika.
"Hindi pwede ano papahiyain lang ako niyan lalo na kasama pa niya ang mga barkada niya". pagtanggi ko sa kanya.
Marahil ay narinig ng grupo nila Jake ang pag-uusap namin kaya nagsalita ang isa sa kanila.
"Narinig mo ba yun Jake, isang stupid and idiot kakausapin ka. In his dreams." ang sabi ng isa nitong kasama.
"Saka may yata crush sayo tol, e may pagkaberde pala ang dugo nito haha." ang kantyaw naman ng isa pa.
"Asa
naman yan, alam niyo naman na hindi ako nakikisama sa mga di ko kauri
lalo na sa isang BAKLA!", pang-iinsultong sabi ni Jake. Nagtawanan naman
ang mga estudyanteng nakarinig.
Nabigla naman ako sa
aking mga narinig at naiiyak na dahil sa kahihiyan ngunit agad ko ityong
napigilan para di makita ng iba. Napansin naman iyon ni Erika kaya
niyaya na niya akong lumabas na at bumalik sa classroom.
"Dave,
pasensya ka na sa ha kasalanan ko. Grabe naman sila ang sasama ng ugali
lalo na yang Jake na yan, ang yabang pala niya." sabi ni Erika sakin
habang naglalakad kami.
"Ineexpect ko nang mangyayari
ito kaya hindi ko siya nilalapitan." sabi ko sa kanya. "Tama na nga wag
na natin siyang pag-usapan."
Nang makabalik na kami sa
loob ng classroom, nakita ko agad si Pat na nakaupo at tila hinihintay
ako. Alam na pala niya ang nangyaring eksena sa canteen.
Agad naman niya akong nilapitan.
"Ayos ka lang ba Dave?" ang pag-aalala niyang tanong sa akin.
"Oo naman." ang tugon ko sabay ngiti sa kanya. "Parang yun lang, hindi dapat dinaramdam yun."
"Sa
susunod Dave, dapat lagi mo na kong kasama at kapag naulit pa ang
panglalait niya sa iyo ako na ang makakalaban niya." Bakas na sa kanyang
boses ang galit.
"Cool ka lang Pat. Hindi na to mauulit." ang sabi ko na lang sa kanya.
Oras
na ng uwian at sabay kaming umuwi ni Pat. Naglalakad kami pauwi sa
aming bahay nang may maaninag akong malaking usok. Bigla akong kinabahan
kaya dali-dali akong nagtatakbo. At sumambulat samin ang malaking apoy
na nangagaling sa aming carinderia. Nasusunog ito at nadamay na rin ang
aming bahay. Nakita ko naman si Itay na naiiyak na sa nangyari. Sumabog
pala ang LPG tank at mabilis ang paglaki ng apoy. Nagpapasalamat pa rin
ako at nakaligtas ang aking Itay sa nangyari.
"Anak, paano yan wala na tayong bahay at kabuhayan, ano na ang gagawin natin?" naiiyak na sabi ni Itay.
Sa nakikita ko sa kanya ay gusto ko na ring maiyak. Malaki talaga ang magiging epekto nito sa amin.
"Hayaan
niyo po, kakayanin nating bumangon muli, pagsubok lang po ito."
pampalakas-loob kong tugon sa kanya. Masaklap man ngunit hindi ito
dahilan para sumuko. Kumbaga habang may buhay may pag-asa.
Inalok
kami ni Pat na sa kanila muna tumuloy habang wala pa kaming matitirhan.
Pumayag naman kami ngunit pansamatala lamang. Nahihiya naman kami sa
iisipin ng pamilya ni Pat kapag nagtagal kami doon sa kanila.
Hanggang sa isang araw may balitang sinabi si Itay sa akin.
"Dave
anak, naalaala mo ba yung bestfriend ko nung nag-aaral pa ko. Inalok
niya tayo na sa kanila muna manirahan. Ok lang ba sa iyo yun anak,
nakakahiya na kasi kay Pat dahil masyadong maliit na tirahan nila para
sa atin", si Itay.
"Ah ok lang po sakin yun, walang
problema.", pagsang-ayon ko sa kanya. Naisip ko kasi na di kami gaano
mahihirapan dahil ayon kay Itay, mayaman ang bestfriend niya. Sinabi ko
na rin kay Pat ang plano namin.
"Best, ingat ha lalo ka na, pag may problema sabihan mo agad ako, tandaan mo nandito lang ako para sa iyo." si Pat.
"Salamat
sa pagpapatuloy niyo samin dito sa inyo, nahihiya na nga ako sa iyo eh
ang dami mo nang naitulong sa akin di ko na alam kung paano ko pa
masusuklian ang kabaitan mo."
"Isa lang naman ang gusto ko eh ang makuha ang pagmamahal mo", ang deretsahang sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
"Mahal
naman talaga kita eh pero bilang isang bestfriend, sensya ka na kung di
ko matapatan ang damdamin mo para sa akin." ang pagtatapat ko sa kanya.
Mas mabuti nang sabihin ko ang totoo kaysa naman na patuloy ko lang
siyang paasahin. Mas masasaktan ko lang siya kapag nagtagal pa ito. Alam
ko matatanggap din niya ito at balang araw ay makakahanap din siya ng
taong kayang suklian ng kanyang pagmamahal. Kaya kahit naluluha ngumiti
pa rin siya sa akin.
Kinabukasan, di muna ako pumasok
sa school para asikasuhin ang aming paglipat. Hindi naman kami nahirapan
sa pag-empake dahil kakaunti na lang ang aming mga kagamitan dahil sa
sunog.
Magtatanghali na ng marating namin ang nasabing
bahay ng bestfriend ni tatay. Namangha talaga ako sa bahay dahil
talagang malaki ito at pangmayaman. Sinalubong kami ng mag-asawang
nakatira dito.
" Welcome to your new home Mariano hehehehehe." ang pambungad na bati ng kanyang bestfriend.
"Siya pala ang anak mo aba ang laki na pala ah at gwapo pa."
"Good afternoon po." ang bati ko naman sa kanila.
"Mukhang mabait itong anak mo at magalang ha." ang pagpuri naman sa akin ng kanyang asawa.
Nginitian ko sila.
"Halina kayo at samahan niyo na kaming kumain."
.
Habang kumakain ay pinakilala ako ni tatay sa kanila.
"Dave anak siya ang sinasabi kong bestfriend ko nung college, si Tito Eddie mo at siya naman ang asawa niya si Tita Edna."
Nakipagkamay ako sa kanila bilang paggalang. Masasabi kong mababait sila di tulad ng ibang mayaman.
Matapos ng tanghalian ay nilibot nila kami sa buong baha.
Halos
di naman maawat sa kuwentuhan ng magbestfriend palibhasa ngayon lang
sila nagkita kaya si Tita Edna ang nagsama sakin sa aking magiging
kwarto.
"Ok na ba sayo itong silid Dave" tanong ni Tita ng makapasok na kami sa loob.
"Ah eh sobra po yata malaki to para sakin pede naman kahit sa guestroom lang pede na eh" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wag
ka nang mahiya, ituring mo na itong sariling bahay, alam mo dito sana
magiging kwarto ng isa ko pang anak na lalaki kung di siya namatay, kaya
napagdesisyunan ko na ito ang magiging kwarto mo para na rin magkaroon
pa ko ng isa pang anak" ang natutuwang pahayag ni Tita Edna.
"Salamat po talaga Tita"
"Youre
welcome, ah siya nga pala alam mo ba parehas kayo ng school na
pinapasukan ng panganay ko. Parehas kayong graduating ng high school."
Napaisip naman ako sa sinabi sa akin ni Tita.
Doon
ang kwarto niya sa kabila. Naku mamaya nandito na yun hintayin mo lang,
tiyak ko magkakasundo kayo. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo bababa
lang ako at maghahanda ng meryenda." sabi ni Tita.
"Sige po salamat ulit."
Kinagabihan,
sabay-sabay kami naghapunan. Kuwentuhan to the max pa rin sina Itay at
Tito Eddie. Nalaman ko sa kanila na si Itay pala ang naging daan para
magkakilala sina Tito Eddie at Tita Edna.
Habang busy sa pagkain at pakikinig sa usapan nila, may biglang nag doorbell.
"Oh ayan na ang anak natin honey, buksan mo na bilis para makasabay na sa hapunan." utos ni Tito Eddie kay Tita Edna.
"Kung si Dave na lang Pa, para na rin makilala na niya agad ang ating anak." ang sagot naman nito.
Nabigla naman ako sa aking narinig.
"Tama ka Ma. Sige Dave anak ikaw na ang sumalubong sa kanya." ang nakanigitng pag-utos sa akin ni Tito Eddie.
Agad akong nagtungo sa pinto para pagbuksan at salubungin ang sinasabing anak ng mag-asawa.
At lubos akong nabigla sa taong aking nakita.
[3]
Tulad ko, ganun din ang naging reaksyon ng taong nasa aking harapan.
Sa
mga oras na iyon ay maraming bagay ang agad na pumasok saaking isipan.
Masaya ako dahil araw-araw ko nang makikita ang aking ultimate crush.
Pero agad ito napalitan ng lungkot dahil sa hindi niya magandang
pakikitungo sa akin tulad na lang ng eksena sa canteen.. Ewan ko ba
parang naiisip ko na ang mga di kanais-nais na mangyayari sa aming
dalawa lalo na't nakatira kami sa iisang bahay.
Agad
naman siyang pumasok, nilapag ang bag sa sofa at umupo na mistulang
pagod. Kahit alam kong inis siya sa akin ay naglakas pa rin ako ng loob
ng magpakilala sa kanya.
"Ah Jake, ako pala si David, pakilala ko sa kanya sabay ngiti.
"Sinabi ko bang magpakilala ka? alam ko na ang lahat tungkol sa iyo kaya manahimik ka na lang.
Bigla
naman ako napaisip sa sinagot niya. Kilala daw niya ako at alam niya
lahat. Nakaramdam naman ako ng kilig, pakiramdam ko kasi stalker ko siya
hehehehe. Para makasigurado tinanong ko pa siya.
"P..paano mo naman nalaman ang tungkol sa akin?"
"Masyado ka yatang madaldal, tanong ka ng tanong close ba tayo ha", sabi niya habang nagtatanggal ng sapatos at medyas.
"Alam
mo naman na hindi ako sumasama o nakikipag-usap sa mga taong di ko ka
level tulad mo. Siyempre kinikilala ko ang bawat isa para malaman kung
kakaibiganin ko sila o hindi at kasama ka na dun." dugtong niya na
seryoso pa rin ang mukha.
Nakaramdam naman ako ng inis
sa pang-iinsulto niya sa akin ngunit naisip ko rin na pagpasensyahan na
lang siya bilang pakikisama sa kanyang pamilya. Niyaya ko na lang siya
na kumain na at sumunod naman siya. Habang nasa kainan, may sinabi si
Tita Edna na kinabigla namin ni Jake.
"Jake anak dito
na titira si Tito Mariano mo kasama ang anak niyang si Dave ah, kaya
pakisamahan mo sila ng maayos. Ah siyanga pala naisip ko na ibigay yung
kwarto ng kapatid mo kay Dave katabi nung sayo. Tutal naman matalino ka
anak at parehas kayong nasa fourth year ay matutulungan mo siya sa
pag-aaaral. Maging mapagbigay kayo sa isat-isa. At sabay kayong papasok
at uuwi ng school ha tutal nasa iisang bahay lang naman kayo nakatira.
"Ma naman, pero......" pagprotesta sana ni Jake na pinutol agad ni Tito Eddie at nagsalita.
"Wala
nang pero pero. Share mo naman ang mga blessings mo sa iba anak, at
walang masama sa sinasabi ng mama mo, nakakahiya naman sa tatay niya
oh."
"Wag mo na kami isipin pare, ayos na samin ung pinatira niyo kami dito." si Itay.
Hindi
na nakaimik ni Jake sa sinabi ng mga magulang niya at tinuloy na lang
ang pagkain. Halata sa mukha niya ang pagka asar. Nahihiya ako sa
narinig pero sa kabilang banda kinilig naman dahil araw-araw ko na
makikita at makakasama ang crush ko.
Pagkatapos ng
hapunan, pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Nakaramdam ako ng
panglalagkit ng katawan dahil sa mga ginawa namin sa maghapon kaya
naisipan ko na magshower. Pagpunta ko sa banyo, napansin kong may tao sa
loob. Alam ko na si Jake iyon dahil nakita ko na may sariling banyo sa
kuwarto ang mag-asawa pati ng tatay ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan
ay biglang naturete ang utak ko at nag-init ang katawan ko sa nakita
kong imahe ng tao sa loob ng glass door. Sinadya kong hintayin ang
paglabas niya para makita ko ang kanyang itsura kapag bagong paligo.
Maya-maya bumukas na ang pinto ng banyo at lumitaw sa aking harapan ang
isang adonis na naka tuwalya. Nakita ko for the first time ang kanyang
maskuladong katawan, mala-anghel na mukha at ang bukol sa kanyang
tuwalya na siguradong malaki. Tila napako ako sa aking kinatatayuan at
napatunganga sa kanya. Bigla siyang nagsalita na nagpabalik sa aking
sarili.
"Padadaanin mo ba ako o hindi" si Jake.
"Ah eh oo naman," sabay gilid ko para makadaan siya.
Habang naglalakad pabalik ng kwarto niya, nagparinig siya na ikinabigla ko.
"Alam
ko yang pagtitig mo. May pagnanasa ka sa akin. Pero sorry ka na lang,
di ako pumapatol sa mga bading. Kaya itigil mo na yang ilusyon mo."sabay
pasok ng kuwarto niya.
Muli napahiya na naman ako sa
kanya at dali-daling pumasok ng banyo. "Pasensya lang, nakikitira lang
ako dito. Itigil mo na kasi ang ilusyon mo sa kanya malabong mamahalin
ka niya" sabi ng utak ko.
Kinabukasan, maaga akong
gumising para kumopya ng mga notes sa mga kaklase ko dahil sa pagliban
ko kahapon. Tulad ng hapunan sabay-sabay kami nag-agahan.
"Jake
sabay na kayo ni Dave sa pagpasok ha, di ko na muna papagamit ang
sasakyan sa iyo para masanay ka na kasama mo siya." utos ni Tito Eddie.
"Pa naman ayo........pagtanggi sana ni Jake na pinutol ni Tita Edna.
"Oooops bawal tumanggi, papasok kayo at uuwi ng magco commute lang OK."
Wala
nang nagawa si Jake kaya nagsabay na kami sa pagpasok. Nasiyahan naman
ako sa nangyari ngunit nababahala naman sa magiging reaksyon ng mga
estudyante na makita nila kaming magkasama lalo na si Pat.
"
Kapag nasa school na, dapat maghiwalay agad para walang makaalam na
magkasama tayo ha, naiintindihan mo?" sabi ni Jake habang naglalakad
kami.
"At wala kang pagsasabihan tungkol dito kundi lagot ka talaga sakin" dagdag pa niya.
" Sure, walang problema, sabi ko sabay ngiti.
" Ooopsss!" parang masyado ka na malapit sa akin, dumistansya ka nga, mga dalawang metro" utos niya.
" Ayan na po, OK na ba?" tanong ko sabay paglayo sa kanya.
" Yan, good boy, ay mali.... di ka pala boy" sabay kuha ng cellphone niya at may tinext.
"Aba,
nakakatatlo na to ah ay teka hindi apat na palang insulto ang pinukol
niya sakin, konting pasensya pa", sabi ng isip ko. Tama nga naman siya,
dapat hindi malaman ng iba ang estado naming dalawa para ligtas sa mga
tinatawag na green minded baka pagkaguluhan pa kami niyan. After 25
minutes narating na namin ng school. Pagpasok pa lang ng gate
dali-daling humiwalay agad siya sakin at pumunta na sa room niya. Tulad
ng inaasahan laging nagtitilian ang mga malalanding babae at baklang
estudyante kapag napapadaan ang campus crush sa corridor ng room nila.
Doon ko narealize na mapalad pala ako dahil sila sa school lang nila
makikita si Jake samantalang ako araw-araw at nakatira pa ko sa
malapalasyo nilang bahay. Ang saya di ba...
Nakarating
na ako sa room namin, nakita ko nandun na rin si Erika at ang
bestrfriend kong si Pat na seryosong nag-uusap. Bigla naman ako
kinabahan lalo na ng makita kong parang galit ang titig niya sakin, Pero
nginitian ko lang sila. Nang makaupo na ako sabay labas ng notebook,
biglang tayo ni Pat at lumapit sakin.
"Dave may itatanong ako sayo?" tanong niya na nagpakaba sa akin.
[4]
"A..a...ano iyon Pat?", tanong ko na kinakabahan. Parang natutunugan na niya ang nangyari sa akin.
"Bakit di ka man lang nagparamdam kahapon, di mo ko tinext kung OK ka lang ba, kung ayos lang ang paglipat niyo?" si Pat.
"Sus
nagtampo naman ang bestfriend ko, ang babaw mo naman, sige na sorry na
po." akala ko kung ano na yung sasabihin niya buti na lang.
"Ok,
di naman kita matitiis eh, teka saan ba yung nilipatan niyo? malapit ba
dito sa school? mababait ba yung mga tao dun?malaki ba yung bahay?"
sunod-sunod niyang tanong.
" Oo sobrang bait ng mga tao dun tapos
ang laki ng bahay pang mayaman talaga saka ayos lang ako dun wag kang
mag-alala sa akin". tugon ko sa kanya.
"Ah buti naman so mamaya sama kami ni Erika sa bahay niyo ah, di ba Erika?" si Pat
"Oo nga naman friend, mag party party tayo dun" si Erika.
Nabigla
naman ako sa mga sinabi nila. Naalala ko yung sinabi ni Jake sakin na
walang dapat makaalam na sa kanila kami nakatira kaya nag-isip ako ng
alibi ko sa kanila.
"Ah eh... medyo magulo pa dun eh
kasi kakalipat lang namin saka nakakahiya naman magdadala agad ako ng
bisita dun basta promise ko sa inyo sasama ko kayo dun"
"Sige
promise mo yan ah, ito pala ung mga notes namin kahapon oh kopyahin mo
na bilis. Buti naman di nag quiz si mam kahapon." si Pat sabay abot sa
akin ng kanyang notebook.
Natapos ang klase namim nang
araw na iyon ng maayos. Sinabihan ko sina Pat at Erika na mauuna na ko
dahil mayroon pa kong aasikasuhin. Pumayag naman sila pero ang totoo
niyan nandun lang ako sa may puno sa labas ng gate, nagtatago at
inaabangan ang paglabas ni Jake para sumabay sa pag-uwi. Nakaramdam ako
ng inip dahil mag iisang oras na ko naghihintay di pa rin siya lumalabas
ng gate. Maya-maya mga halos dalawang oras na nakita ko na siyang
lumabas. Agad-agad akong lumapit sa kanya.
"Hoy ano ka ba lumayo ka bilis makikita tayo ng barkada ko, hindi ka talaga nag-iisip." ang inis na pahayag ni Jake.
"Di ba sabay tayo uuwi sabi ni Tita?" tanong ko.
"Umuwi ka muna mag-isa mayroon kaming lakad ng tropa, mauna ka na. Sige alis na" si Jake na parang pinagtatabuyan niya ako.
Labag man sa loob ko umuwi na ako mag-isa. Pagdating ko ng bahay agad akong sinalubong ni
Tita
Edna nang may pagtataka kung bakit di ko kasabay si Jake. Sinabi ko na
lang sa kanya na mayroon pa siyang ibang lakad na mahalaga.
Dalawang
buwan na nakakalipas, na wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa amin ni
Jake, di pa rin niya ako sinasabay sa pag-uwi pero sabay naman sa
pagpasok dahil nakabantay ang mga magulang niya. Simula na rin iyon ng
aming First Periodical Exam. Tulad ng nakagawian nangunguna talaga sa
ranking itong si Jake. Halos ma perfect na niya lahat. Si Pat , ayun
nakapasa naman at ako as usual mababa na naman ang score ko.
Kinabukasan
pagkatapos ng dalawang araw na exam pinaskil na sa bulletin board ang
top20 students na nakakuha ng pinakamataas na score.Number 1 pa rin si
Jake at halos lahat ng mga katropa niya nandun din sa rank.
"Friend ang galing talaga ng crush mo oh" si Erika habang nakatingin kami sa bulletin board.
"Hindi na kataka-taka yan ang talino niya eh..." sabi kong may pagkabilib sa kanya.
"Kaya wala tayong karapatan na maging kaibigan niya dahil wala pa sa kalahati ang IQ natin sa kanya," si Erika.
"Tama, buti naman alam niyo", biglang sabat ni Jake na ngayon ay nasa likuran pala namin.
Bigla
namang hiyawan ng mga estudyanteng nasa paligid ang pagsulpot niya. At
kami naman ni Erika ay agad na umalis doon para makaiwas sa kung anumang
sasabihin pa ni Jake. Alam ko na puro pang-iinsulto lang kasi iyon.
Nalaman agad sa bahay ang mga score namin sa exam. Kaya habang kumakain, pinagsabihan ni Tita si Jake.
"Ano
ba sabi ko sayo anak, di ba tuturuan mo si Dave sa kanyang pag-aaral?
Tingnan mo ang nangyari mababa tuloy ang mga score niya." si Tita Edna.
"
Natural lang yan sa mga tangang tulad niya ang makakuha ng ganyang
score, kahit turuan pa sya, di naman mag iimprove." pangangatwiran ni
Jake.
"Anong klaseng sagot yan anak. Mali ang katwiran mo,
matalino ka pa naman. Lahat ng tao may kakayahang iimprove ang sarili."
si Tita.
Hindi na umimik pa ni Jake sa mga sinabi ni Tita. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sakin nag-aaway ang mag-ina.
Kaya kinagabihan sa aking silid, kinausap ako ng Itay ko.
"Anak,
alam kong nahihiya ka na sa mga nangyayari pero kaunting tiis lang ha,
Naghahanap ako ng bahay na lilipatan natin. Pero mukhang matatagalan pa
kasi wala pa tayong budget. Pasensya na anak ha" si Itay.
"Ano ka ba tay, ayos lang ako wag mo muna ako isipin makakaraos din tayo" sabi ko.
Isang
linggo mula ng first periodical exam binigay na ang aming report card.
Bago ibalik ang card dapat may pirma ng magulang na nagpapatunay na
nakita nila ito. Hindi na ko nabigla sa mga grado ko na puro palakol.
Filipino-76 English-75, Math-76, Science-77, ung iba 78 na. Si Pat naman
English at Math lang ang 79 niya ung iba puro 80 na.
"Parang
ayaw ko umuwi sa amin, kasi sa mga grades ko buti pa si Pat medyo ok pa
sa kanya." ang may pagkadismaya at hiyang sabi ko kay Erika.
"Friend ok lang yan first grading pa lang naman bawi ka na lang sa susunod." si Erika.
"Oo
nga naman best kaya mo yan , hayaan mo tutulungan kita sa abot ng aking
makakaya" biglang pagsabat ni Pat na animoy kuntento na sa mga grado
niya.
Naisip ko na sana ganito rin kabait si Jake tulad
ni Pat. Buti pa ang bestfriend ko nagboboluntaryo tumulong sa akin
kahit na di sya ganun katalino kaysa naman sa isa na ubod ng talino pero
saksakan ng kasamaan sa pag-uugali. Gayunpaman pa man crush ko pa rin
siya kahit ganun ang ugali niya.
Pag-uwi ko ng bahay,
nagulat ako ng nauna na palang naka-uwi si Jake. Pag-akyat ko papunta sa
kwarto, narinig ko na pinagagalitan ni Tita Edna si Jake. Ang narinig
ko na lang sa kanilang pagtatalo ang huling sinabi ni Tita.
"Simula
bukas dapat 5pm pa lang nandito na kayo ng sabay, bawal ang lakwatsa at
mag-aaral kayo ni Dave, kung ayaw mong sumunod di kita bibigyan ng
baon, di ko ibabalik ang motor mo at grounded ka pa naiintindihan mo ha
Jake?"
Lumabas na si Tita ng kwarto ni Jake at nakita
ako. Agad niya akong kinausap. Tiniyak niya na simula bukas tutulungan
na ko ni Jake sa pag-aaral ko. Nahahabag kasi siya sa mga nakuhang kong
grado sa card.
"Ayos lang ako Tita, may mga matatalino
naman akong kaklase na pwedeng kong hingian ng tulong." ang pagtanggi
ko. Alam ko na mahihirapan lang si Jake na turuan ako kung napipilitan
lang siya.
"Kinausap ko na ang aking anak. Pumayag na siya. Basta kung magkaproblema ako ang bahala OK?"
Wala na akong nagawa kundi pumayag. Napatango na lang ako sa sinabi ni Tita.
Pagkatapos
ng usapan namin, pumasok na ko ng kwarto para magpalit ng damit at
magpahinga. Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at
laking gulat ko na si Jake pala iyon at di maipinta ang mukha. Niyaya
ko siyangtumuloy sa loob at nang makapasok ay agad siyang nagsalita.
"Dave may sasabihin ako sayo"
[5]
"Simula bukas mga 7pm mag-aaral ka na, at ako ang magiging tutor mo." sabi ni Jake na halatang napilitan.
"Alam
mo naman na hindi ko to gusto, kaya dapat matuto kang makisama ha, di
ko alam kung anong gayuma ang pinakain mo sa mga magulang ko para bigyan
ka nila ng special na atensyon." dagdag niya.
"S....sure, promise di ako papalpak, yan may tutor na ko weeeeeee" sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon, magkakasundo tayo, sige tulog na ako" si Jake sabay labas ng kwarto ko.
Tila
nakakadama ako ng kaligayahan sa nangyari at sa mga mangyayari. Biruin
mo isang adonis na nagmula sa langit bumaba dito sa lupa para tumulong
sa iyo.Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti.
Kinabukasan,
bago kami umalis para pumasok, inulit muli ni Tita kay Jake ang mga
sinabi niya kagabi. Wala namang nagawa ang isa kundi sumunod. Sabay pa
rin kami sa pagpasok. Pero may napansin ako sa kanya habang naglalakad
kami.Dati kapag lumapit ako sa kanya, pinapalayo niya ako
pinapadistansya, ngayon wala na siyang imik kapag lumalapit ako sa
kanya. Halos magdikit na ang katawan namin na parang balewala na sa
kanya. Medyo nasiyahan ulit ako dahil pakiramdam ko, nababawasan na ang
galit niya sa akin. Iyon nga ba talaga ang dahilan????
Habang
papasok na ako sa room di ko maiwasan ang mapangiti dahil sa excitement
sa mangyayari mamaya. Napuna ito ng bestfriend kong si Pat.
"Aba, mukhang masaya ngayon itong maha... este bestfriend ko ah ano ba yan ha? Si Pat sabay upo sa tabi ko at akbay sa akin.
"Wala
tungkol lang ito kay Tatay. Nakahanap na kasi siya ng magpapautang sa
kanya para sa puhunan sa itatayong negosyo namin." pagsisinungaling ko
sa kanya.
"Ayos yan, oo nga pala best, ilang buwan na rin ah ang
bilis mong mawala pag-uwian parang lagi kang nagmamadali tapos hanggang
ngayon di mo pa rin kami sinasama ni Erika sa bahay tinitirhan mo,
parang nakakatampo naman yan eh, parang binabalewala mo na ang
pagkakaibigan natin pati na ako." ang mahabang pahayag ni Pat.
"Hindi
naman ano ka ba, umiiral na naman yang kadramahan at kakornihan mo eh,
basta naghihintay lang kasi ako ng tiyempo, intay lang best"
paninigurado ko sa kanya.
"Ok sige sabi mo eh maghihintay na lang kami" sagot niya.
Wala
ako sa concentration sa mga tinuturo ng mga guro namin habang
nagkaklase. Naiimagine ko ang mga bagay na posibleng mangyari simula
mamaya. Kaming dalawa lang sa kwarto, tuturuan niya ako, matagal ko pang
masisilayan ang kanyang mala anghel na mukha, ang magandang katawan, at
ang boses niya na tila musika sa aking pandinig. Tapos pag ginabi kami,
makakatulog siya sa kwarto at presto matsatsansingan ko na siya.
"Ay
teka ano ba yung huling naisip ko, ano ba tong utak ko mahina na nga
madumi pa puro libog ang laman. Basta mamaya aayusin ko ang sarili ko
para maging kaaya-aya sa paningin niya. Ayaw kong madisappoint siya sa
akin." sabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng klase,
tulad ng nakasanayan para di mabisto binilisan ko ang paglakad palabas
ng gate para hintayin si Jake. Alam ko na isasabay na niya ako sa
pag-uwi dahil sa utos ni Tita. Nang makalabas na ako at pumunta sa lugar
kung saan ko siya inaabangan dati, nagulat ako dahil nandun na siya.
"Ang
tagal mo naman, ikaw talaga puro ka problema at abala sa akin, tara
bilisan na nga natin baka kung sino pa ang makakita sa atin dito." ang
naiinis na pahayag ni Jake.
"Pasensya ka na..." ang nasabi ko na lang sa kanya. Pero ang nasa isip ko ngayon ay excitment sa aming gagawin mamaya.
Agad kaming naglakad papuntang sakayan at nakauwi kami ng bahay ng sabay.
"Ayan sa wakas, sabay na rin kayo, ang saya-saya ko" si Tita na sinalubong kami.
Parang
walang narinig si Jake at dire-diresto lang sa kwarto. Kinagabihan,
matapos ang hapunan, nagsimula na akong maghanda para sa aming first sex
este tutorial pala. Naglinis ako ng aking sarili para maging kaya-aya
ako sa kanya.
At maya-maya kumatok na ang anghel.
"Dave doon tayo mag-aaral sa kwarto ko, hindi dito" utos niya na nakapagpaexcite sa akin.
Itutuloy..........................
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Mr. Daredevil, this is the story na nagsimula akong bumilib sa yo. Ang galing mo dito.Promise!
ReplyDeleteSa ending nito ay naechos mo ako ng bonggang bongga. Sinabi ko na ito sa yo sa dati kong koments.
...avid reader...
Bakit unviewable facebook add mo at yung blog mo? Sana mavisit ko ang blogsite mo at ng mabasa ko yung ibang story kabitin ehh.
ReplyDeleteBakit unviewable and fb address mo at blogsite mo? Sana naman maka gain access ako at mavisit ko blog mo. Kabitin mga ibang story. Hirap magbrowse pag ibang blog.
ReplyDeleteKakatuwa naman ng kwentong eto.
ReplyDeleteKelan kaya ang next chap?
Ahrael
Wow..kakabasa ko lng po nito sa wattpad knina..ganda ung story.. :) thumbs up
ReplyDeleteFamiliar sa akin 2ng story na 2 nbsa ku na 2 sa BOL eh. . .
ReplyDeleteFamiliar sa akin 2ng story,
ReplyDeletenbsa ku na 2 sa BOL dti
.hango ito sa playful kiss?haha pero maganda ang story.keep it up.
ReplyDelete-Ako Si Kudo
haah nyc..ipost n agad agad ung nxt chpter..hehe
ReplyDeleteAqua_17 here..
Yung istorya parang m2m versi0n ng PLAYFULL KISS tama ba? Hawig na hawig eh nice one! Next chapters please!
ReplyDelete--arthur--
nabasa ko na eto sa wattpad
ReplyDeletekaso d pa tapos
:(((
nabasa ko na eto sa wattpad
ReplyDeletekaso d pa tapos
:(((
Hanggang part 25 2, f u want 2 read the last part just visit bi out loud
ReplyDeleteAno yun title nito sa BOL ? Thanks
ReplyDeleteWARNING: aUGUST 2013 YUNG LAST POSNG KWENTONG TO, ngayon ay late febuary 2014 na, baka wala nang planong sundan o tapusin ng author tong kwento nya. Di ko alam kung maganda ang story, sayang kasi kung uumpisahan kong basahin pero wala naman palang ending. Iintayin ka na muna yung Finale para cigurado ako may ending tong story!
ReplyDelete