By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
-------------------------------------------
Halos mawalan
ako ng malay sa pagkarinig sa sinabi ng preso at sa pagturo niya sa akin na ako
ang mastermind sa pagpabaril kay Sophia. Ang preso kasi na iyon ay ginawa na
nilang testigo kapalit sa pag-amin nito sa krimen at sa pagturo sa kung sino
talaga ang mastermind.
At sa galit ko
ay bigla akong napatayo at sinigawan ang preso. “Sinungling kaaaa!!!”
Nagkagulo ang
mga tao sa korte. Syempre, naroon ang mga kaibigan namin ni James at silang
lahat ay umalma.
“Order in the
court! Order in the courtttt!” ang sigaw ng judge.
Umupo akong
umiiyak. At noong natahimik na ang lahat. Sumigaw muli ako sa judge. “Hindi po
totoo ang sinabi niya, judge! Nagsinungaling po siya!” ang bulalas ko habang
pinigilan naman ako nina James at ng abogado namin na huwag munang magsalita.
“Silence!” ang
sigaw sa akin ng judge. At baling niya sa abugado ni Sophia, “Please proceed
with your cross-examination”
“Inuulit ko
ang tanong ko… siya ba?” turo uli ng abugado sa akin.
Ngunit doon
kami nagulat nang ang isinagot ng preso ay, “Hindi po siya, your honor. Ang
katabi po niya, iyang nakasuot ng kulay asul na t-shirt.”
Napalingon
kaming lahat sa itinuro ng preso: Si James!
Kitang-kita ko
sa mukha ni James ang matinding pagkagulat sa narinig. “B-bakit ako???” ang
tanong na lumabas sa kanyang bibig habang galit na galit na tiningnan ang
testigo.
Ako man ay
nalito rin, hindi makapaniwalang si James ang itinuro. “Totoo ba Yak???” ang
lito at pabulong kong tanong.
“Hindi ah!
Hindi ko kayang magpapatay ng tao Yak!” sagot din niyang pabulong, halata sa
kanyang mga mata ang matinding pagkagulat.
Nagbubulungan
uli ang mga tao, hindi rin sila makapaniwala sa narinig. Syempre, ang alam nila
kay James ay napakabait na tao nito at alam din nila na kakakasal pa lamang
niya kay Sophia bagamat si John na kamabal niya ang naikasal kay Sophia.
“Bakit ako?
Hindi kita kilala bakit mo ako idinamay dito?” ang sigaw uli ni James sa preso.
Ngunit hindi
siya sinagot ng preso.
Agad lumapit
ang pulis kay James at akmang posasan na ito noong nagsalita naman ang abugado
namin. “Your honor, bago po ninyo siya gawing suspect at ikulong,” turo niya kay
James “…I would like first to cross-examine the witness of the prosecution.”
Tiningnan ng
Judge ang abugado ni Sophia na agad ding tumango at pumayag.
Tumayo ang
abugado namin at tinumbok ang witness stand. “Kilala mo ba talaga ang taong
itinuro mo na siyang nag-utos sa iyo na barilin si Sophia?”
“Opo.”
“Gaano mo siya
kakilala?”
“Chief namin
siya.”
“Chief ng…?”
“Chief,
leader, sponsor, kuneksyon, nagbibigay ng pera, nag-uutos.”
Bulungan uli
ang mga tao. Ako man ay hindi masyadong naintindihan kung paanong naging
sponsor siya ng mga masasamang-loob. At doon na pumasok sa aking isip ang
“Chief” na sinabi niya na nagpo-protekta sa akin daw. Napaisip ako sa puntong
iyon. Para kasing mafia ang dating o isang underground na grupo.
Nakita ko
namang napangiwi si James sa mga pinagsasabi ng preso, napakamot sa ulo, hindi
malaman kung bubulyawan ang preso o susugurin at paulanan ng suntok ang bibig.
“Yak… baka ang
kambal mo ang ibig niyang tukuyin.” Bulong ko. “Noong na-preso rin ako, ang
presong iyan ang tumulong sa akin dahil utos daw ng Chief niya. Ang hindi ko
lang alam ay kung bakit niya ako pinaprotektahan.”
Kitang-kita ko
naman sa mata ni James na tila nabuhayan siya ng loob. Agad niyang binulungan
ang isa pang abugado niya kung saan dali-daling nagsulat sa papel atsaka
iniabot ang papel sa kasamang abugadong nag cross-examine.
Nang nakuha na
ng abugadong nag-cross-examine ang papel, binasa niya ito at nang nagtanong
muli sa testigong nasa witness stand pa, “Ok… nakita mo ang nakaupong binatang
iyan, naka t-shirt ng puti na katabi sa sinabi mong ‘Chief’?”
“O-opo…”
“Kilala mo ba
iyan?”
“Opo.”
“Saan mo siya
nakilala?”
“Napasok po
iyan sa bilangguan kung saan ako ang tinuturing na mayor ng mga preso.”
“Nagkausap ba
kayo?”
“Opo… at
inutusan ko siyang magmasahe sa akin?”
Na siya namang
paglingon ni James sa akin na halatang hindi makapaniwala sa narinig at bakas
sa mukha ang pagkainis at pagseselos. “Minasahe mo iyan???” turo niya sa
testigo.
“Eh…” ang
nasambit ko na lang gawa ng pagsingit pa ng tanong ng abugado sa testigo. “Nasa
bilangguan kaya ako, anong laban ko?”
“Totoo bang
pinoprotektahan mo siya dahil iyan din ang utos sa iyo ng ‘Chief’ mo?” dugtong
ng abugado.
“Opo…”
Na siya na
namang pagsigaw ni Sophia. “See??? See??? Nagkontsabahan kayo! Mga walanghiya
kayo!!!”
“Silence!” Ang
sigaw ng judge kay Sophia. At baling niya sa abugado namin, “Please continue”
“At maaari mo
rin bang sabihin kung bakit kailangang protektahan ninyo siya?”
“Upang kapag
nabilanggo siya mas magagalit siya kay Sophia. At may sapat na dahilan na upang
sa kanya ibintang kapag ipapatay na niya ito.”
“Kaya pala…
Kaya pala…” sa isip ko lang. “At kaya pala binigay niya talaga ang number niya
sa akin.”
“At bakit niya
ipapatay si Sophia?”
“Pera at
yaman. Dahil kasal na silang dalawa, mapapasakamay niya ang lahat.”
“At bakit mo
naman trinaydor ang ‘Chief’ mo ngayon? Bakit mo siya ikinanta?”
“Gusto ko nang
magbago. Gusto kong maranasan naman ang isang matiwasay na pamumuhay. Sinabi ko
na sa kanya ito. Isa ang pangalan ko na inirekomenda na mabigyan ng pardon at
ayokong maunsyami ito. At ngayong binigyan ako ng pagkakataong tumistigo
kapalit sa mas mababang parusa kung kaya pumayag na rin ako.”
Tahimik.
Marahil ay napaisip rin ang mga tao sa sinabi ng preso ang mga naroon; naawa,
maaaring narealize na kahit ang isang criminal ay naghahangad din pala ng isang
malinis na pamumuhay.
“Ok…” ang
pagsingit ng abugado namin. “Kung kilala mo talaga ang ‘Chief’ na sinasabi mo,
may mapagkilanlan ka bang bagay sa kanyang katawan?
“Opo. Mayroon
po…”
“Ano?”
“May tattoo
siya sa kanyang likod, sa ibaba ng kanyang kaliwang balikat, hugis scorpion. At
may tattoo rin siya sa likod ng kanyang beywang, kanang bahagi hugis peacock at
sa kanyang kanang braso naman ay may palibot na itim na pormang barbed wire.”
“No further
questions, your honor…” ang sambit ng abugado ni James.
Bigla naman
akong napa-“Iyon lang? Hindi ka man lang nila paghuhubarin para makita ang
katawan mong wala noong sa mga sinabi niya?”
“May proseso
ang korte, Yak. Hintay lang tayo.” Sagot naman ni James.
Habang tumayo
na ang witness at bumalik sa kanyang upuan na ineskortan ng nga pulis, nilingon
ko si Sophia na halata rin ang pagkalito sa pangyayari. Hindi kasi niya
inasahan na si James ang ituturong mastermind sa pagpapatay sa kanya. At lalong
hindi siya naniwalang may kambal si James. Kaya nakikinita kong may naramdaman
siyang galit kay James, lalo na dahil sa isiniwalat ng testigo na ari-arian
lang niya ang habol ni James.
“Your honor, I
would like to present my witness, Mr. James Andres…” ang sambit ng abugado.
Tiningnan ko
si James na kalmanteng tumayo at tinumbok ang upuan sa witness stand paharap sa
amin.
Matinding kaba
ang aking naramdaman. Hindi ko alam kung ano ang itatanong ng abugado at kung
paano sagutin ang mga ito ni James.
Tinanong muna
si James ng mga backgrounders, kagaya ng pangalan, edad, address. At noong
nagsimula na siyang magkuwento kung paano siya napunta sa piling ni Sophia,
agad na nag-object ang abugado ni Sophia dahil wala naman daw itong kinalaman
sa pagpapabaril sa kanya. Marahil ay ayaw lamang nilang malantad ang
katotohanang nag take advantage si Sophia sa kalagayan ni James noong
nagka-amnesia pa ito; kung paano nila inangkin si James, sinira ang tunay
katauhan at bini-brainwash na wala itong pamilya, wala nang uuwian pa.
“Ikinasal ka
ba kay Sophia?” ang sunod na tanong ng judge.
“Hindi.” Ang
sagot ni James.
“Sinungalingggg!”
ang isang malakas na sigaw na narining sa korte. Si Sophia. “Ngayon ko lang
napagtanto na napakasinungaling mo pala! Gusto mo na nga akong patayin, ngayon
ay nagdeny ka pa na hindi tayo ikinasal! Sinungaling ka!!!”
“Silence!” ang
pagsingit ng judge.
“Kung ganoon,
sino ang ikinasal kay Sophia?” ang tanong uli ng judge.
“Ang kambal
ko, si John Andres.”
Nagbulungan
uli ang mga tao. Nabigla sa hindi inaasahang pagbunyag ni James na may kambal
siya.
Subalit ayaw
pa ring maniwala ni Sophia. “Sinungalingggg! Sinungaling ka talagaaaa! Kung
alam ko lang na ganyan ka ka-demonyo! Mabulok ka sana sa bilangguan!!!”
“Your honor,
the prosecution witness mentioned that the ‘mastermind’ of the crime had
tattoos in his body…” sambit ng abugado sa judge na minuwestra pa ang kamay sa
salitang ‘mastermind’. At baling kay James, “Will you please remove your shirt,
Mr. James Andres, upang ipakita sa lahat na hindi ikaw ang tinutukoy nilang
‘mastermind’ sa pagpapapatay kay Sophia Soriano?”
Tumayo si
James at tinanggal ang kanyang t-hsirt. Noong natanggal na, umikot din siya
upang makita ng lahat ang kanyang malinis na katawan pati sa kanyang likod.
Syempre,
namangha ang lahat. At pati si Sohia ay hindi na magawang sumigaw.
“No further
questions your honor.” Ang sambit ng abugado.
“Ok, the
session is adjourned and will resume in three days…” sabi ng judge sabay pokpok
sa kanyang gavel.
“Jamessss! I’m
sorry James, I’m sorry!!! I didn’t intend to hurt you! Alam kong wala ka
talagang kasalanan!” ang sambit ni Sophia kay James noong naglakad na kami
palabas ng korte. At sumingit talaga siya sa gitna naming dalawa ni James na
halos masubsub na lang ako mga tanim sa gilid ng pathwalk dahil sa puwersahan
niyang pagsingit sa kanyang sarili. At niyakap-yakap pa niya si James,
hinaplos-haplos ang likod.
Ngunit lumipat
ako sa kabilang gilid ni James. “Dalian natin yak…” ang sambit ko kay James.
At dahil
siguro nakita niya ang ginawa ni Sophia sa akin, biglang sumingit din si Ricky
sa gitna nila ni Sophia at James at pasimpleng siniko ni Ricky si Sophia
dahilan upang masabit ang damit ni Sophia sa mga halaman sa gilid ng pathwalk
at maiwan siya. At umabre-syete pa si Ricky kay James.
Nilingon ni
James si Sophia. “Let’s forget everything Sophia, ok? Forget me…”
“Yeah… forget
him. Hindi ka nababagay sa amin.” Dugtong pa ni Ricky na nakatuon ang mga mata
kay Sophia atsaka inismiran niya.
Kitang-kita ko
sa mukha ni Sophia ang inis at pagkadismaya. Imagine, naging kanya na sana si
James, ngunit napurnada pa. Kumabaga, pera na, naging bato pa.
“Tatanggalin
kita bilang isa sa mga opisyal ng negosyo!” ang pahabol na sigaw pa ni Sophia.
“Fine!” ang
sagot ni James na hindi man lang nilingon si Sophia. Talagang pinanindigan na
niya ang paglayo kay Sophia.
Tinumbok namin
ang parking area kung saan naroon ang kanyang kotse at dali-dali kaming
sumakay. Sumunod pala si Sophia at habang nasa loob na kami, mistula itong bata
na nagsisigaw ng, “Isoli mo ang kotse ko! Kotse ko yan! Walanghiya! Manggagamit!”
Ngunit hindi
siya pinansiin ni James. Pinaandar niya ang kotse, umatras
At,
“Blaggg!!!”
Nagulat kaming
lahat sa ingay. Binato pala ni Sophia ang aming sinakyan at natamaan ito. Nunit
hindi pa rin ito alintana ni James. Para bang expectd na niya iyon o kaya ay
alam niyang may gagawin si Sophia na hindi kanais-nais.
Pinaharurot
niya ang sasakyan na hindi man lang lumingon sa pinanggalingan ng batong tumama
sa gilid ng kotse.
“Grabeeeeee!
Nagwala ampota igan! Tingnan mo… parang batang nagpapadyak sa kanyang mga paa!”
Ang sigaw ni Ricky na nakaupo sa likod naming ni James. “At… hala igan! Talagang
humiga sa gitna ng kalsada!”
Nilingon ko
ang itinuro ni Ricky at nakita ko nga si Sophiang naglupasay sa pag-iiyak
ipinapadyak-padyak ang mga paa, hindi malaman kung uupo o hihiga nagmistulang
isang batang nagpupuyos dahil hindi isinama ng magulang sa lakad. “Talagang in
love sa iyo si Sophia Yak… nakakaawa naman.” Sambit ko.
“Anong gusto
mo? Maawa tayo sa kanya ngunit tayo naman ang magdusa?”
Hindi na ako
nakaimik. Tama nga naman siya. Atsaka sa ugali pa lang ni Sophia, imbes na
maawa ka, lalo ka lang mainis. Andaming pasakit na kaya ang naranasan ko sa
kanyang mga kamay. Ngunit sa kabilang bahagi ng aking isip, tao rin si Sophia.
At ramdam ko ang sakit na naramdaman niya. Kaya, “K-kausapin mo kaya siya Yak.
Para klaro ang lahat. Atsaka, maganda kapag naghiwalay kayo na may klarong
closure, may mutual na understanding.”
Biglang
hininto ni James ang sasakyan at tiningnan ako. “Sure ka?”
Tumango lang
ako.
Ipinarada ni
James ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “Sama ka sa akin… tayong tatlo ang
mag-usap yak. Gusto kong kasama ka sa pag-uusap namin.”
“Ako ayaw ninyong
isama?” ang pahabol ni Ricky noong nakalabas na kami ni James sa kotse.
“D’yan ka lang
Ricky.” Ang sagot ni James.
“O sya, kung
ganoon ay mauna na lang ako sa inyo ha? May gagawin pa ako eh.” Ang pagpaalam
ni Ricky sa amin.
At nakita kong
lumabas na rin si Ricky sa kotse, pumara ng jeep habang kami naman ni James ay
lumapit kay Sophia.
Noong nakita
kami ni Sophia na palapit sa kanya, dali-dali rin siyang tumayo at pinagpag ang
mga alikabok sa kanyang damit at katawan. “James… salamat at bumalik ka.”
Sambit niya.
“Mag-usap lang
tayo Sophia. Para klaro ang lahat.”
“S-sige…”
sagot ni Sophia. At baling sa akin, “Bakit kasama siya?”
“Malalaman mo
rin iyan…”
“Honey naman.
Bakit kailangan pang isama ang baklang iyan?”
“Mahalaga siya
sa buhay ko Sophia”
Pansin ko
naman ang biglang pagsungit ng mukha ni Sophia. “S-saan tayo mag-usap?” tanong
niya.
Lumingon-lingon
si James sa paligid, naghahanap ng lugar kung saan puwedeng mag-usap.
Maya-maya, “Sa kotse na lang tayo…” ang sambit niya.
“Ok…”
Bumalik kami
sa kotse at pumasok, silang dalawa ay nasa likurang upuan samantalang ako ay
naupo sa harapan, sa tabi ng driver’s seat.
“Ok… ano’ng
pag-uusapan natin? Babalik ka na ba sa akin?” ang sambit kaagad ni Sophia.
Hindi kaagad
nakasagot ni James. Tila kumuha siya ng lakas upang masabi kay Sophia ang laman
ng kanyang isip. “May itatanong muna ako sa iyo.”
“Ano iyon
honey?”
“Paano napunta
sa iyo ang bracelet na ibinigay ko kay Jassim?”
Medyo nagulat
ako sa tanong niyang iyon. Naikuwento ko na kasi sa kanya ang mga iyon na
nadiskubre ko sa mesa ni Sophia sa kanyang opisina.
“H-ha???” ang
gulat na sagot ni Sophia. “Di ba ikaw ang nagbigay noon sa akin? At ang sabi mo
pa ay nag-iilusyon lang ang taong iyan” turo niya sa akin “…sa iyo. Na pati
bracelet niya ay pinalagyan pa talaga niya ng pangalan mo, at ‘I love you’.
Nalimutan mo?”
Napalingon sa
akin si James, napailing-iling. Alam ko ang nasa isip niya. Kagagawan ng kambal
niya ang lahat. At bigla rin akong nalinawan sa mga pangyayari. Kung ang kambal
niya ang kumuha ng bracelet ko, ang kambal rin niya ang nag-utos na kidnapin
kami ni Ricky at ipa-rape. Hindi si Sophia.
“Sino ang
naglagay ng lason sa mga pagkain natin upang ang mapagbintangan ay si Jassim?”
“H-hindi rin
ako… Paano ko gagawin iyon? Kasiraan iyon ng kumpanya natin?”
“Di ba galit
ka kay Jassim?”
“Oo. Galit ako
sa mang-aagaw na iyan. Ngunit hindi ko kayang gawin ang isang bagay na
madadamay ang negosyo natin! Ipapatay ko man iyan, ok lang. Huwag lang masira
ang ating restaurant! Bakit hindi ba siya ang may kagagawan?” Turo ni Sophia sa
akin.
Tumingin muli
si James sa akin at napailing. “Hindi…”
At alam kong
ang kambal na naman niya ang kanyang pinagdudahan. At ang ibig lang sabihin
noon ay matagal na kaming minanmanan ni John.
Iyong mga
litrato, iyong tissue na may sulat, paano napunta iyon sa mesa mo?”
“Kasama iyon
na nakita ko sa bulsa mo noong nailigtas ka namin.” At doon na tuluyang
humagulgol si Sophia. “Itinago ko iyon dahil ayaw kong manumbalik ang alaala
mo. At kung kaya binigyan kita ng ibang pangalan noong nalaman kong
nagka-amnesia ka kasi… Kasi… a-ayaw kong mawalay ka sa akin, James.”
Napayuko na
lang ako. Parang gusto ko na ring umiyak sa sandaling iyon. Naawa ako kay
Sophia.
“Ngunit hindi
mo ba naisip na ako, sa buhay ko bago ako napunta sa piling mo, ay may mga taong
nagmahal din sa akin, naghintay? Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang taong
pinangakuhan kong babalikan… hindi mo ba naisip kung gaano kasakit para sa
kanila na ang taong bahagi ng kanilang buhay ay hinid na bumalik?”
Hindi
nakasagot kaagad ni Sophia. “B-basta ang alam ko lang ay mahal kita James at
ayaw kong mawalay ka sa akin.”
Natahimk
sandali si James. “Sophia… una sa lahat gusto kong magpasalamat sa mga nagawa
mo sa akin. Kahit alam kong hinayaan mong huwag manumbalik ang aking alaala at
itinago pa, na-appreciate ko pa rin ang lahat na ginawa mo sa buhay ko, sa
pagkupkop mo sa akin. Dahil sa ginawa mong iyon, naging tao ako. Binihisan mo,
binigyan ng katungkulan, kaalaman, luho, pangalan…” ang sabi ni James habang
tiningninan niya ang mukha ni Sophia.
Ako man, sa
personal kong naramdaman, tama naman ang sinabi ni James. Bagamat ganoon ang
ugali ni Sophia, malaki naman talaga ang naitutulong niya kay James. At sa
parte namin n James, nagpasalamat din ako na dahil sa ginawa niya, buhay si
James na siyang dahilan upang mag-krus muli ang aming landas. Doon ko nakita
ang puntong dapat kong pasalamatan si Sophia. Tama nga siguro ang sinabi nila na
ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ay may dahilan. Masakit man ito,
mahirap intindihin, ngunit sa bandang huli ay malalaman mo na lang kung bakit.
At iyon ang nangyari sa amin ni James. Inangkin siya ni Sophia, minahal, ngunit
ang iyon din ang siyang dahilan upang magkita kaming muli. Masakit syempre sa
panig niya dahil lumabas na siya ang naghirap ngunit mawawala rin pala ito sa
kanya.
Nagpatuloy si
James. “Alam ko rin kung gaano mo ako kamahal…”
Tumango si
Sophia na patuloy pa rin sa pag-iyak. “Mahal na mahal. At mamamatay ako kapag
mawala ka sa piling ko.”
“Alam ko…
ngunit matutuwa ka pa rin ba kung magsama tayo ngunit iba ang tinitibok ng puso
ko?”
“Gagawin ko
ang lahat James upang matutunan mo akong mahalin.”
“Ginawa mo na
ang lahat Sophia. At hindi ko pa rin maramdaman. Nagkaamnesia man ang isip ko,
ngunit hindi ang puso ko. Ang taong mahal ko ay ang siyang hinahanap-hanap pa
rin nito…”
“At kanino?
Sino???”
“Si Jassim?”
At doon na
tumaas muli ang boses ni Sophia. “Siya? Isang bakla ang ipinagpalit mo sa
akin?”
“Sophia…
please. Huwag mong i-label ang pag-ibig. Kahit sino ay maaaring ibigin ng isang
tao. Babae, lalaki, babae sa babae, lalaki sa lalaki, puso ang nakaramdam.
Respetuhin mo ang tibok ng puso. At hindi kita ipinagpalit kay Jassim dahil sa
una pa man, si Jassim na ang inibig ko. Siya ang pinangakuan kong balikan…”
“Hindi James!
Hindi ako papayag na isang bakla ang ipagpalit mo sa akin!” ang bulyaw ni
Sophia.
“Nakapagdesisyon
na ako Sophia.”
“Hindi ako
papayag!”
“Wala kang
magawa…”
“Mag-asawa
tayo! Pinakasalan mo ako!”
“Hindi ako ang
nagpakasal sa iyo; ang kambal ko.”
Hindi nakaimik
si Sophia.
“Aalis na kami
ni Jassim, punta ka na sa kotse mo.” sabi ni James sabay bukas sa pinto ng
kotse at lumabas, lumipat sa driver’s seat upang paandarin na ang sasakyan.
Ngunit hindi
natinag sa pagkakaupo ni Sophia.
“Sasama ka ba
sa amin?” ang tanong uli ni James.
“Hindi…”
“Aalis na
kami…”
“Kung sa
hampas-lupang baklang ito ka sasama” turo ni Sophia sa akin, “...maglakad kayo.
Kotse ng kumpanya ito. Kotse ko. Kayo ang lumabas dito.”
Natigilan si
James. Ako man ay nagulat sa narinig. Iyon na kasi ang ikinatakot kong
mangyari; ang tanggalan siya ni Sophia ng karapatan, trabaho, pagkatao,
dignidad… at mahirapan kaming pareho dahil nag-aaral pa ako, walang trabaho, at
si James, paano niya bubuhayin ang kanyang sarili.
Nagtitigan
kami ni James ng ilang saglit. Pagakatapos ay yumuko ako, malungkot na bumulong
sa sarili. “Ito na talaga…” Binuksan ko ang pinto ng kotse. “Ako na lang ang
lalabas Yak… Dito ka lang sa kanya. Mas mabuti na ang ganito upang hindi ka
madamay sa hirap.” At nagmamadali akong lumabas at naglakad palayo, hindi na
hinintay pa ang sagot ni James.
“Yak! Hintay!”
ang narinig kong sambit ni James. Ngunit hindi ko na siya pinansin.
May 10 metro
na siguro ang layo ko mula sa kotse noong narinig ko naman ang padabog na
pagsara ng pinto ng kotse. Ngunit hindi ko na rin ito nilingon. Sa isip ko, si
Sophia iyon na lumipat ng upuan sa tabi ng driver’s seat.
Ngunit bigla
rin akong napahinto noong narinig ko ang pagsisigaw ni Sophia ng, “Iyang relo
mo, iyang suot mo sa katawan, iyang sapatos mo… akin lahat iyan. Hubarin mo!”
Gulat akong
lumingon sa kanila. At nakita kong lumabas din pala si James sa kotse at akmang
sundan ako ako.
Dali-dali kong
binalikan si James. “Bakit ka lumabas?” tanong ko sa kanya.
Ngunit hindi
ako sinagot ni James. Humarap siya kay Sophia at walang sabi-sabing tinanggal
ang kanyang relo, ang kanyang kwintas, ang kanyang t-shirt. Inihagis niya ang
mga ito sa kandungan mismo ni Sophia. Pagkatapos ay tinanggal naman niya ang
kanyang sinturon, ibinaba ang kanyang zipper at ibinaba ang kanyang pantalon.
Itinapon uli niya ang mga ito sa kandungan pa rin ni Sophia. Pagkatapos, ang
sapatos naman, pati ang medyas… Tanging ang puting brief lang ang natirang
saplot sa kanyang katawan. Walang bahid ng pag-alinlangan ang mukha ni James
kahit nasa gitna siya ng kalsada at may mga sasakyang ang mga pasahero ay
nakatingin at nagsimulang tumawa sa nakitang ayos niya.
“Iyang brief
akin din iyan. Hubarin mo!” pahabol pa ni Sophia.
Kitang-kita ko
talaga ang lantarang panghahamon ni Sophia sa katatagan ni James. Para niyang
pilit palambutin ang katigasan ni James. At doon na ako lalong kinabahan. May
mga taong nagsimula na kasing lumapit, mga nakiusyuso sa pagsisigaw ni Sophia
at sa paghubad ni James ng saplot.
Nungit kagaya
nang nauna, walang sabi-sabing hinubad pa rin ni James ang hiningi ni Sophia na
tanggalin rin niya ang kanyang brief. At noong natanggal na, hinagis niya muli
ito sa ibabaw ng mga nakapile-up nang mga damit niya sa kandungan ni Sophia.
Sobrang
nawindang ako sa aking nasaksihan. Isang guwapo, matangkad, mala-adonis na
lalaking naghubad sa publiko na parang wala lang sa kanya, walang bakas na
emosyon sa kanyang mukha. Siguro dahil na rin sa kanyang pride. Gusto niyang
palabasin na bagamat ganoon ang ipinagawa sa kanya, hindi kayang sirain ni
Sophia ang kanyang paninindigan, ang katatagan ng kanyang binitiwang desisyon…
na sumama sa akin.
Kitang-kita ko
naman ang pagtatawanan ng mga tao. May ilang babaeng kinilig na halatang
nagpigil.
“Happy ka na?”
ang sambit ni James na nanatiling nakahubad sa harap ni Sophia.
“Hahahaha!”
Ang malakas na tawa ni Sophia. “Poor James… pati saplot sa katawan ay
walang-wala! Iyan ang napapala ng isang oportunista! Manggagamit! Mawawala sa
iyo ang lahat!”
“Ok… Iyan lang
ba ang sasabihin mo?”
“Magnanakaw!
Walang hiya! Walang kwenta!”
Hindi na
kumibo ni James. At dahil hindi tumigil sa pagtatalak si Sophia, walang
pasabing hinablot ni James ang braso ko sabay lapat ng bibig niya sa mga labi
ko. Hinalikan niya ako! At sa harap ni Sophia at ng maraming tao! Talagang
ipinamukha niya kay Sophia na mahal niya ako.
At ang
eksenang iyon ay hindi na nakayanan pa ni Sophia. Hindi siya nakatiis sa
nakitang hinalikan ako ni James at sa pagtitingin ng mga tao sa kanya kung saan
ay nagmukha siyang isang manyak na atat na atat makakita ng katawan ng lalaki.
“Ewwwww! Mga
bakla!” ang sigaw ni Sophia sabay pabagsak na pagsara sa pintuan ng pinto at
pinaharurot ang kotse.
Pag-alis ni
Sophia, nagkatinginan kami ni James. Tumawa siya, biniro ako. “Gusto mo naman.”
“Amppp! Ikaw
itong yumakap at humalik sa akin ah! Nagulat na nga lang ako! Hindi ko magawang
pumalag!”
“Hmmm playing
hard to get pa.”
“Naman eh!”
sabay kurot ko sa tagiliran niya.
“Joke lang po…
at least nakita niyang mahal talaga kita.”
At syempre,
napangiti ang lola ninyo. Kinilig ba. Kung nakakakapag precum nga lang ang
kilig, nagprecum na ako, at marami.
Dali-dali kong
hinubad ang aking sapatos at ang medyas. Pagkatapos kong mahubad ang mga ito,
hinubad ko na rin ang aking pantalon.
“Anong ginawa
mo?” tanong niya.
“Heto… isuot
mo.” sambit ko sabay abot sa aking pantalon sa kanya.
Natawa siya.
Napangiti. Iyon bang parang may halong kilig, may pakagat-kagat pa sa labi.
“Ayoko… panyo na lang ang ibigay mo sa akin.” ang sagot naman niya.
“Anong gagawin
mo sa panyo?”
“Itakip ko sa
aking mga mata. Para hindi ko makita ang mga taong nakatingin sa hubad kong
katawan. Para hindi ako mahiya sa kanila.”
Natawa naman
ako. “Tange! Sige na… suot mo na.”
“Paano ikaw?”
“Anong paano
ako? May short ako, o…” sabay muestra sa aking short. Nagkataon kasing
nakapagsuot ako ng short, bagamat manipis na iyong pantulog lang pero kahit
paano, mas ok iyon kaysa sa brief lang.
At isinuot
niya ang aking pantalon. Halos kasya naman sa kanya, maliban lang sa nakabukang
butones. 30 kaya ang waistline niya samantalang ang sa akin ay nasa 28 o 29
lang. Pero lalo lang itong nagpaigting sa nakabibighaning porma ng kanyang
katawan.
Hinubad ko na
rin ang aking t-shirt, tinupi ito at ang sapatos ko ay aking binitbit. Pareho
na kaming nakahubad ng pang-itaas na damit, nag-paa.
“Hayop ang
porma!” sambit ko noong pinagmasdan ko siya. Totoo naman kasi.
“Mas hayop ang
porma mo. Naka pantulog ka lang kaya, mas maigsi. Pahipo nga ng legs!”
Tawanan.
Naglakad na
kami sa gilid ng kalsadang iyon noong bigla namang bumuhos ang ulan. Ngunit
wala kaming pakialam. Hawak-kamay kaming naglakad sa ilalim ng ulan, basang
basa ngunit panandaliang nalimutan ang mga problemang kinakaharap.
Nagpunta kami
sa beach. Hindi kami nagrent ng cottage gawa ng pareho kaming walang pera. Sa
dalamapasigan lang kami pumuwesto. Masaya kami. Naghaharutan, nagtatawanan,
naghahabulan, nagpagulong-gulong sa buhangin.
“Anong plano
mo pagkatapos nito? Kaya mo bang maghubad habambuhay?” biro ko.
“Kaya naman,
basta pareho tayong nakahubad.”
Tahimik.
“Mahal mo ba
talaga ako yak?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“Kailangan pa
bang i-memorize iyan? Syempre naman. Handa kong suungin ang ano mang hirap para
lamang sa iyo.”
Paano iyan,
wala kang pera, walang sasakyan, walang bahay, walang trabaho…”
“Mawala na sa
akin ang lahat, huwag lang ikaw.”
“Paano ka
mabubuhay?”
“Maghanap ako
ng trabaho. Kahit ano. Kahit mag call boy pa ako. Mag macho dancer.”
Inirapan ko
lang siya. “Pasaway.”
“Ayaw mo bang
mag-macho dancer ako?”
“Bakit ko
gugustuhin iyon? Kung ganyan lang ang gagawin mo, mabuti pang bumalik ka kay
Sophia. At least, isang tao lang ang makaangkin sa iyo.”
“At papayag ka
naman?”
“Ay, e… wala
akong magagawa kung nagpapantasya kang bumalik sa kanya.”
“Woh! Nagselos
ba o nagtampo?”
“Bakit ako
magseselos? Bakit ako magtatampo? Ano ba ang magagawa ko kung hindi mo kayang
panindigan ang sinabi mo?”
Tahimik.
Tinitigan niya ako na para bang inukit sa kanyang utak ang mga malilit na
detalye sa aking mukha.
“Mahal na
mahal kita yak…” ang bulong niya habang iginuri-guro ang kanyang daliri sa
aking pisngi.
“Mahal na
mahal din kita. Ikaw lang kaya ang lalaking minahal ko ng ganito.”
Niyakap niya
ako, hinalikan.
“Ano ang plano
natin ngayon? Walang-wala tayo?”
“Love will
find a way. Kahit mag-driver ako, mag-janitor. Walang problema sa akin.”
Pagkatapos
namin sa beach ay naglakad muli kami at tinumbok ang kanyang bahay. Ganoon pa
rin, nakapaa kaming dalawa, walang saplot ang pang-itaas na katawan, at sa
pagkakataong iyon, siya na ang nagsuot ng shorts ko at ako ang nagpantalon.
Garterized kasi ang short kong iyon kung kaya ay kasya sa kanya. Iyon nga lang,
bakat na bakat ang kanyang bukol sa harap. Ngunit wala kaming pakialam. Dedma
kami sa mga taong nag-usyoso sa amin. Ulan din naman kasi kung kaya iniisip
siguro nila na trip lang namin iyon.
Noong narating
na namin ang bahay ni James, may dalawang guwardiya na ang nakabantay dito at
hindi na kami pinapapasok. Binigyan daw sila ng instruction ni Sophia na walang
kahit sino mang tao ang papasukin sa bahay na iyon. Kung kaya dumeretso na lang
kami sa dormitory ko at doon, nanghingi ako ng permiso sa aking landlady na
doon muna matulog si James, kahit magtabi lang kami sa kama ko.
Pumayag naman
ang landlady ko. At kinabukasan, habang nagreport ako sa school, si James naman
ay naghanap ng trabaho.
Sa school
nakausap ko si Ricky na naawa sa aming kalagayan. Sabi niya, siya na lang daw
muna ang magbabayad sa dorm para kay James kasi may trabaho naman siya at kahit
papaano ay sumusweldo pa rin.
Tuwang-tuwa
ako sa tulong ni Ricky. Agad ko itong sinabi kay James na syempre, natuwa rin.
Sa isang
linggong paghahanap ni James ng trabaho ay walang tumanggap sa kanya. Nagduda
siya na may kinalaman si Sophia sa hindi pagtanggap sa kanya ng mga inapplayan
niyang kumpanya. Nabuo ang hinala niyang iyon noong may dalawang beses na
natanggap na sana siya bilang asst manager sa isang pabrika at supervisor naman
sa isang food chain ngunit sa pagbalik niya sa mga nasabing kumpanya, bigla na
lang siyang sinabihan na hindi raw nila kailangan ng mga ganitong posisyon
samantalang maayos naman ang nauna nilang usapan na magsimula kaagad siya.
Syempre,
nalungkot kami. Siguro ay hindi rin namin masisisi si Sophia dahil napawalang
sala na nga si James at ako sa korte, nawalan pa siya ng “asawa”.
“Yak… mukhang
kapag narito ako sa lugar na ito ay hindi ako lulubayan ni Sophia eh.” sambit
ni James noong nag-uusap kami sa aming dorm.
“A-ano ang
plano mo ngayon?” sagot ko naman.
“B-baka uuwi
muna ako sa Mindanao upang bisitahin ang aking inay. Matagal na kaming hindi
nagkita eh. At tingnan ko rin ang kalagayan niya, kung totoo nga siyang
na-stroke.”
“M-may
pamasahe ka ba?”
“M-manghiram
ako kay Ricky.”
Mistula na
naman akong nabilaukan sa pagkarinig ng kanyang sinabi. Nanumbalik kasi sa
aking alaala ang nangyari sa kanya noong nagpaalam siya na pumuntang Mindanao;
ang pagka-amnesia niya, ang pagkawala ng kanyang alaala. “Iiwan mo na naman
ako?” ang tanong ko hindi maikubli sa boses ang naramdamang kalungkutan.
“Sandali lang
ako doon yak… isang linggo lang. At babalik ako para sa iyong graduation.”
Graduation ko na kasi sa nalalapit na lingo. “At pagkatapos ng graduation mo, sasabay
na ako sa iyong babalik sa probinsya, mag-apply uli na security guard sa burol,
sa dating tagpuan natin.”
“M-magsecurity
guard kang muli?”
“Oo… siguro
ang trabaho na iyon ay ang nababagay sa akin. Doon kita nakita, nakilala at
minahal. Doon nangyari ang unang karanasan mo sa piling ko.”
Binitiwan ko
ang isang ngiting hilaw. Naalala ko ang mga pangyayari sa burol na iyon. “Ok
lang sa iyo na babalik ka sa pagsi-security guard?”
“Oo naman.
Marangal na trabaho iyon, di ba?”
“Sabagay…”
“So payag ka
nang umuwi muna ako ng Mindanao?”
“Oo… dapat
makita mo ang iyong magulang. Basta, mag-attend ka sa graduation ko ha?”
“Syempre
naman. Summa cum laude yata ang mahal ko.”
Tahimik.
“Halika…” ang
sambit niya habang hinawakan ang aking bisig upang sumunod sa kanya patungo sa
labas ng dorm, sa gilid ng kalsada kung saan kitang-kita ang malaking buwan at
ang mga bituin sa langit.
“A-anong
gagawin natin dito?” ang tanong ko noong nasa gilid na kami ng kalsada naupo sa
isang sementong bangko kung saan ay pinaligiran ng mga bulaklak na bougainvillea.
“Nakita mo ang
bituing iyan?” Sabay turo niya sa isang bituing malaki at malakas ang sinag na
di kalayuan sa buwan.
“Iyan ang
tinatawag na north star o polaris. Palaging nakikita ang bituing iyan sa
ganitong oras ng gabi at sa parehong lokasyon sa northern hemisphere. Kadalasan,
ito ang ginagamit na basehan ng mga marinero kapang ang kanilang barko ay
nagbibiyahe. Dito nila kinukuha ang latitude nila, position, lokasyon. At sa
atin, kapag na miss mo ako, pagmasdan mo lang siya. Ganyan din ang aking
gagawin kapag nasa Mindanao ako. Habang titingnan ko ang bituing iyan, ikaw
lang ang iisipin ko. Sa bituing iyan magtagpo ang ating mga pangungulila para
sa isa’t-isa.”
Pinagmasdan
kong maigi ang nasabing bituin. Malaki nga siya. Parang isang diyamanteng kumikislap-kislap.
“Maganda, di
ba?”
“Oo… sobrang
ganda.”
“At ang
itatawag natin sa bituing iyan ay J-J”
“Bakit J-J?”
“James-Jassim”
“Ahh…”
“Kaya palagi
mong pagmasdan si J-J ha?”
“Oo…”
“P-puwede ba,
halikan kita? Para makikita ni J-J na nagmamahalan tayo, at siya rin ang
magsilbing gabay natin habang malayo tayo sa isa’t-isa.”
“D-dito? Sa
harap ng dorm at kalsada?”
“Hayaan mo na,
wala namang mga tao eh.”
“M-may
dumadaan kay---“
Hindi ko na
naipagpatuloy pa ang aking sasabihin gawa ng paglapat ng kanyang mga labi sa
mga labi ko.
At sa ilalim
ng malaking buwan at bituing pinangalanan naming J-J naghalikan kami. Mapusok,
nag-aalab na tila iyon na ang huling halik na malalasap namin sa isa’t-isa.
Sa terminal sa
araw ng kanyang pag-alis, hindi ko na naman mapigilan ang hindi umiyak. May matinding
takot na naman akong nadarama. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit ang
naramdaman ko ay hindi lang basta takot sa aming paghihiwalay kundi takot sa
posibilidad na hindi na kami muling magkita pa. Tila may malakas na puwersa sa
aking isip na nag-udyok na pigilan siya, hindi ko lang mawari kung bakit ganoon
ang aking naramdaman. Lalo na noong palabas na kaming pareho sa dorm patungo sa
terminal at may itim na pusang biglang tumawid sa aming harapan, doon na ako
kinabahan. Sinabi ko iyon kay James na baka bad omen iyon. Ngunit ngumiti lang
siya at sinabihan akong huwag magpaniwala sa mga superstition.
“Y-yak…
n-natatakot ako.” ang sambit ko noong nasa harap na siya sa pintuan ng bus at
handa nang pumasok.
“Huwag kang
matakot, babalik ako sa graduation mo, promise.”
Ngunit hindi
ko kasi mawaksi sa isip ko ang takot na iyon. Napaiyak na lang ako.
“O huwag ka
nang umiyak. Hug na sa akin at aalis na ang bus. Dali.”
At niyakap ko
siya. Ewan, malakas pa rin talaga ang kabog ng aking dibdib. Parang ayaw ko
siyang bitiwan. Feeling ko ay kapag umalis siya, iyon na ang huli naming
pagkikita at katapusan na ng aking mundo.
Bago siya
pumasok sa bus, idiniin pa niya ang mga labi niya sa mga labi ko, smack, na
parang walang ibang taong nanunuod sa amin.
Papasok na
lang siya sa loob noong may papel naman siyang isiniksik sa aking bulsa. “Ano
to?”
“Basahin mo
kapag nakaalis na ang bus, ok?”
Tumango lang
ako. At noong tuluyan nang pumasok siya sa loob, doon na muling pumatak ang
aking mga luha. Dali-dali akong tumalikod upang huwag mapansin ng mga tao. Pumuwesto
ako sa gilid ng isang shade at naupo sa mga nakahilerang upuan ng mga pasahero.
Maya-maya
lang, eksaktong alas 8 ng umaga ay gumalaw na ang bus at tuluyan na itong
tumakbo.
Dali-dali kong
hinugot ang sulat niya at binasa ito. “Dear Yak, palagi mong tandaan na mahal
na mahal kita. Promise ko sa iyo na babalikan kita at mag-aattend ako sa iyong
graduation. Gusto kong naroon ako sa tuktok ng iyong tagumpay. Mahirap ang
pinagdaanan natin ngayon ngunit alam kong kaya natin iyan. At alam kong
ipahintulot pa rin ng nasa taas na tayo ang magkatuluyan, ano man ang
mangyayari. Huwag kang mag-alala dahil kung sakaling mangyari muli ang nangyari
sa akin noon, pipilitin ko pa ring babalikan ka. Kahit kamatayan ay hindi
maaaring humadlang sa hangarin kong makabalik sa iyo. Alagaan mo ang iyong
sarili dahil mahal na mahal kita. PS. Plagi mong pagmasdan si J-J at habang
pinagmasdan mo siya, patugtugin mo ang kantang ‘Beautiful In My Eyes’, iyong
palagi kong kinakanta sa iyo. Kapag ginawa mo iyon, alam mong ganoon din ang
ginagawa ko… -James-”
Muli na namang
bumuhos ang aking mga luha. Ang saklap kasi ng pagsubok na pinagdaanan namin.
Nasa ganoon
akong pag-iiyak noong biglang may narinig akong nagsalita sa aking likuran.
“Uy… mukhang madrama iyan ah!”
Lumingon ako.
Isang lalaking nakabonnet at nakasuot ng malaking sunglass. “S-sino ka?”
Tinanggal niya
ang kanyang sunglass at binitiwan ang isang mala-demonyong ngiti. “Kilala mo pa
ba?”
“J-john?”
“Awww. Buti
naman at nakilala mo pa ako. Sabagay, paano mo ako malimutan kung ang mukha ko
ay mukha rin ng iyong mahal.” ang pag-aasar niyang sagot. “Guwapo, di ba?”
dugtong pa niya.
“A-ano ang
ginagawa mo dito?”
“Wala naman…
may inilagay lang akong bag sa isang bus na kaaalis lang.”
“B-bag?
Bus???”
“Oo… yung
patungong Mindanao ang destinasyon at umalis ng alas otso? May tao kasi akong sobrang
kinaiinisan na sumakay doon eh. Aywan ko ba kung bakit inis na inis ako sa
taong iyon. At gusto kong madedo na iyon.”
Biglang
naramdaman ko ang malakas na kalampag sa aking dibdib. Pakiwari ko ay atakehin
na ako sa puso, halos hindi makahinga. “A-anong ginawa mo???!!!”
“Iyong bag na
iniwan ko doon…” hindi niya itinuloy ang sasabihin at ang sunod niyang ginawa
ay ang magmuwestra sa kanyang kamay na ang ipinahiwatig ay may sasabog.
“Nilagyan mo
ng bomba ang bus na sinakyan ni James???” ang taranta kong tanong.
“May tama ka!
Ang talino mo talaga! 20 minutes ang timer at hintayin na lang natin ang
balita.”
“Argggggh!!!”
Ang sigaw ko. At sa kalituhan ko ay tumakbo akong akmang hahabulin na ang bus.
Ngunit napakalayo na noon at hindi ko na maaaring mahabol pa iyon.
Kinapa ko ang
aking cp sa bulsa. Ngunit wala pala akong cp gawa nang pinahiram ko ito kay
James dahil wala siyang cp at ang usapan namin ay kay Ricky siya magtitext ng
mga mensahe para sa akin.
Tingingnan ko
ang aking relo. Atlas 8:19 ang nakarehistro dito at tila napakabilis ng
pagtakbo ng kanyang segundong kamay.
“Jameeeeeessssssss!!!”
ang umaalingawngaw na sigaw ko.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment