Followers

Friday, May 10, 2013

Ang Lalaki Sa Burol [19]



By: Mikejuha

Author’s Note:

Gusto ko lamang pong ipost muli ang aming kailangang leading roles sa gagawin naming indie:

MSOB will produce a low-budget M2M “Indie Film” and we are looking for lead actors (we will need two) who are willing to be a part of the team. 

We plan to have them screened by June, 2013. May talent fee po ang dalawang mapipiling talents na ito. But we want them to be 100% committed sa project. 

Heto po ang mga qualifications:

1) Age: 18 – 28 years old
2) Height: 5’8 and above 
3) Body: Well-built, though not necessarily muscular
4) With strong appeal
5) Experience: Not necessary basta committed, may potential, and willing to learn and give his best
6) Willing to go as far as torrid M2M kissing (no frontal nudity)
7) Straight acting. Lalaking-lalaki sa kilos.
8) Available kahit for one week shooting sa probinsya.

Para po sa mga interesado, please send me your pic and bio-data by - 

1) PM in my fb, "Michael Juha" or 
2) Email me at getmybox@hotmail.com (lagyan ng title na "Volunteer" ang message kasi baka sa junk mapasok)

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

------------------------------------------------

Inilatag ko sa isang gilid ang ibinigay niyang regalo. Nilapitan ko si James at niyakap siya. “Yak!!! Yak!!!” ang pagsisigaw ko. At baling sa mga pulis na nakatutok pa rin ang mga baril sa amin, “Tulungan po ninyo siya! May tama po siya. Hindi po siya masamang tao! Napagkamalan po lamang ninyo siya! Ang kambal po niya ang criminal!!!”

“J-Jassim…” pilit na nagsalita si James. “H-hindi ako si J-James. A-ako si J-Johnn…”

Gulat na gulat naman ako sa narinig at biglang napa-atras, binitiwan siya sa aking pagkayakap. Hindi ako makapgsalita sa sobrang pagkagulat. Sa isip ko ay may tuwa na hindi pala si James ang nabaril ngunit may pag-agam-agam din kung bakit hindi sumipot si James. Tiningnan ko na lang si John na nakahandusay sa stage.

“H-huwag mong buksan ang regalo… B-bomba iyan. S-si S-ophia ang n-nagpadala niyan. S-si James ay ikinulong niya s-sa bahay niya…” At nawalan na siya ng malay.

“Mamang pulis!!! May bomba raw ang regalo na iyan!!!” sigaw ko sabay turo sa regalong aking inilagay sa isang gilid ng stage.

Agad pinaalis ng mga pulis ang mga tao at tumakbo na rin ako palayo. Nakita kong ang ibang mga pulis ay binitbit si John palabas ng building at noong dumating ang ambulansya, agad din siyang isinakay at itinakbo sa ospital, kasama ang ibang mga pulis.

Nagkagulo ang lugar na pinagdausan ng graduation. Narinig ko sa mga pulis na may tinawagan silang bomb disposal units.

Hinanap ko ang aking inay at mabuti naman at ligtas siya, nagkasama na pala sila ni Ricky. May mga nakita kasi akong ibang taong nadaganan nang magtakbuhan ang mga tao. Sinabi ko sa aking inay na hintayin na lamang niya ako sa boarding house at pupuntahan pa namin si James na ikinulong ni Sophia. Kilala na kasi ng inay si James. At ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat.

Agad kong nilapitan ang isang pulis. “Sir… ang tunay na James po ay hinostage daw ni Sophia… Puntahan po natin baka patayin po siya ngayong nalamang hindi natuloy ang pagpapatay niya sa akin.” Ang sambit ko sa kanya.

Nagulat siya sa aking sinabi. Ngunit dali-dali ring kinausap ang kanyang mga kasamahan atsaka binalikan ako at isninama sa police patrol. Kahit naka-toga pa ako, nakalambitin pa sa aking leeg ang mga medalya at sa aking dibdib ay naka-pin pa ang mga bulaklak, wala akong pakialam.

Isang grupo ng mga pulis ang ini-assign upang samahan ako sa bahay ni Sophia, dalawang patrol. Tinumbok namin ang rota patungo sa bahay ni Sophia.

“Sasama ako igan!” ang paghabol ni Ricky na nagsisigaw sa likod nang patakbo na sanang patrol car.

Huminto naman ang sasakyan at pinasakay siya.

Dahil walang search warrant ang mga pulis, ako ang pinapasok nila sa loob ng bahay upang alamin kung tama ba ang sinabi ni John habang sila ay nagtago lamang sa isang gilid upang huwag mapansin.

Hindi pa man ako nakapasok sa loob ng bahay ay nagsisigaw na ako. “Sophia! Pakawalan mo si James! Alam kong nasa iyo si James!!! Sophiaaaaa!!!”

Ngunit, putok ng baril ang sumagot sa akin.

Tarantang tumakbo ako pabalik sa gate.

“Oo… nandito nga si James! At kapag pumasok ka dito, pati ikaw ay papatayin ko!” ang sigaw rin ni Sophia.

At doon na pumuwesto ang mga pulis. “Sophia… mga pulis ito. Palabasin mo si James Andres upang matapos ang lahat nang matiwasay!” ang pagsigaw ng lider ng mga pulis gamit ang dala-dala nilang megaphone.

“Kayo ang sumugod dito sa bahay ko kung kaya ay kayo ang umalis!” sabay paputok.

Natamaan ang isang pulis sa pagpapaputok ni Sophia kung kaya ay tumawag na sila ng reinforcements. Napansin kasi ng mga pulis na marami ang nagpapautok at hindi lang si Sophia ang nasa loob.

“Sophia, Sumuko ka na lang upang walang karahansang mangyayari!”

“Hindi!!!” at nagpaputok na naman.

At doon na nagsimulang paikutan ng mga pulis ang bahay. Nagpaputok na rin ang mga pulis. At noong dumating pa ang mga reinforcements nila, lalong umigting pa ang palitan ng mga bala.

Hanggang sa nakita kong dahan-dahang nakapasok ang mga pulis sa loob ng bahay. Hindi na kami sumunod ni Ricky dahil hindi kami pinayagan ng mga pulis at nakakatakot pa ang putukan ng mga bala. At sa puntong iyon, hindi na namin alam ni Ricky ang nangyari sa loob.

Maya-maya lang, nahinto rin ang putukan. At isa-isang inilabas ng mga pulis ang tatlong tauhan ni Sophia na puro may mga tama. Maya-maya lang din, inilabas din si Sophia na may tama rin sa katawan. Lahat sila ay isinakay sa ambulansya.

Pigil-hininga akong naghintay kung may susunod pang lalabas.

Ngunit lumabas na lang ang lahat ng mga kapulisan, walang James na kasama nila.

“Sir… alam namin kung saan nila itinago si James!” ang pagsingit ni Ricky.

“Saan?” ang sagot naman ng pulis.

Hinawakan ni Ricky ang aking kamay at dali-dali kaming pumasok sa bahay. Sumunod ang mga pulis.

At tinumbok namin ang pintuan sa lihim na kuwarto at nang mabuksan ito, tumambad sa aming paningin si James na hubo’t-hubat, nakatali ang mga paa at kamay at puno ng latay ang katawan.  

“Yak! Yakkkkk!” ang sigaw ko habang nilapitan siya atsaka pnagtulungan naming kalagan. “Anong ginawa nila sa iyo? Paanong napunta ka rito? Hindi ka tuloy nakadalo sa graduation ko eh!” ang sunod-sunod kong tanong.

Hindi niya sinagot ang mga tanong ko. Bagkus, “Mamaya na lang kita sagutin, Yak…”

“O sige… sasama muna kayo sa prisinto upang makuha ang mga statements ninyo kung paano ka na-hostage Mr. James Andres.” Ang pagsingit ng isang pulis.

“Ok, po…” at baling sa akin, “Sama muna tayo sa kanila Yak…”

“O siya…  kayo na lang ang sumama. Uuwi muna ako at may gagawin pa ha?” ang pagsingit naman ni Ricky. At baling sa akin, “Congratulation uli igan… sobrang proud talaga ako sa iyo.” At “Mawah!” ang paghalik pa niya sa aking pisngi.

Napunta kami ni James sa prisinto at doon na sinabi ni James ang lahat. May kukunin lang daw sana siya sa bahay niya na dating kanya ngunit nahuli siya ni John at mga tauhan ni Sophia. Si John na pala ang nakatira roon at nang itinali na siya, sinabi ni Sophia ang lahat, na yaman din lang na ayaw ni James sa kanya, kung kaya ay si John na ang kanyang mahal. Tutal naman daw, sila rin ang ikinasal. Ngunit dahil sa galit pa rin ni Sophia kay James, kung kaya naisipan nilang regaluhan ako ng bomba sa aking graduation at kapag namatay ako, si James ang tutumbukin nilang siyang may pakana ng lahat.

Iyon ang sinabi ni James sa mga pulis.

“Ano naman sana ang kukunin mo roon?” ang tanong ko noong nasa labas na kami ng prisinto at naghintay ng tricycle.

“M-may pera akong itinago sa lihim na kuwarto.”

“Huh! P-para saan mo naman gagamitin iyong pera sana? Bakit mo pa kukunin?”

“Di ba sabi ko sa iyo noon na kapag naggarduate ka, pakakainin natin ang lahat ng mga ka-boardmates mo, ang landlady mo. At g-gusto ko ring i-treat kita. Dadalhin sa Boracay. Iyon sana ang regalo ko sa iyo…”

Sobrang touched naman ako sa narinig. Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kanyang kamay at tiningnan siya. Nasa labas kasi kami ng prisinto, nahiya akong yakapin at halikan siya. “Hindi naman importante sa aking iyan Yak eh. Ikaw ang mahalaga na naroon ka sa aking graduation.” Ang sambit ko na lang.

“Hindi maaari Yak… puntahan pa rin natin ang dating bahay ko. Pera ko iyon. Pinaghirapan ko iyon sa pagtatrabaho ko kay Sophia. Hindi ko iyon ninakaw. May karapatan ako sa perang iyon.”

“I-ikaw ang bahala Yak…”

At doon nga kami nagpunta. Sa dating bahay ni James.

Ngunit sa pagdating namin doon ay hinarang kami ng mga pulis dahil isa raw itong crime scene at hindi dapat makapasok ang sinuman maliban na lamang sa tunay na may-ari ng bahay.

“A-ako naman ang may-ari ng bahay na ito ah!” ang sambit ni James sa pulis.

“Kung may-ari po kayo, nasaan ang susi ninyo?”

At doon na hindi nakasagot agad si James, napakamot sa kanyang ulo.

“Hayaan mo na lang kasi Yak… Ok lang ako ano ka ba?”

Wala na siyang nagawa kundi ang samahan akong umuwi sa boarding house.

Medyo malungkot na masaya ang aking graduation. Masaya dahil sa mga honors na natamo ko at dahil ligtas si James ngunit malungkot din dahil hindi siya nakarating sa actual na graduation at bagamat nakuha ko ang top honors at mga medalya, wala namang selebrasyon gawa ng wala kaming pera.

“Kakain na lang tayo sa isang turo-turo Yak… kasama ang inay.” Ang sambit ko.

“Puwede. At doon kakantahan na lang kita.” Ang sagot din niya.

Nasa harap na kami ng dormitory noong napansin ko ang mga mesang at upuang nakabalot ng mga table cloth. Tapos, sa isang gilid ay naroon ang mga lagayan ng mga pagkain na nakatakip pa. Naroon din ang mga tauhan ng catering services. Mistulang may espesyal na okasyon kagaya ng kasal at tila may mga bisitang malalaking tao.

“Siguro, celebration ng isang kasamahan ko sa boarding house. Dumating kasi ang papa niya galing sa abroad at malamang na siya ang nagpakain.” Sa isip ko lang. Napabuntong-hininga na lang ako, nakaramdam ng inggit. Parang gusto ko na nga lang sanang maki-kain kami roon. Pero syempre, wala namang nang-imbita sa amin.

“P-pasensya ka na Yak… nahihiya ako sa iyo. Kung sana ay may pera lang ako, natupad ko sana ang pangako ko…” sambit ni James noong nakita niya ang mga handa. Siguro napansin niya sa aking kilos na may inggit akong nadarama.

“Ano ka ba. Masaya ako na kasama ka. Ikaw lang ang kailangan ko sa graduation ko, kasama ang aking mga magulang.”

Binitiwan niya ang isang ngiting hilaw.

“Sige… pasok muna ako sa kuwarto ha, magbihis lang ako. Nakakahiya namang nakatuga pa rin ako kahit sa pagkain natin sa turo-turo. Atsaka ang inay rin isama natin. Naghintay sa akin iyon.”

“Ok Yak… dito lang ako sa labas.” 

Papasok na sana ako sa kuwarto ko nang bigla ba namang sumulpot si Ricky. “Huli kaaa!”

“Ay! Ginulat mo naman ako eh!” ang galit ko pang sigaw kay Ricky. Hindi ko kasi akalain ang biglang pagharan niya sa akin.

“Saan ka pupunta?”

“Magbihis. Tara kakain tayo sa d’yan sa turo-turo. Isama natin ang inay.”

“Ateeee! Magbihis pa raw siya, o! Kakain raw tayo sa labas teeeee!” ang sigaw ni Ricky.

“Woi! Ano ka ba! Eskandalosa ka. Ikaw lang ang inimbita ko. Nakakahiya kung pati si ate ay isama natin. Wala akong pera.” Sagot k okay Ricky. Ate kasi ang tawag namin sa aming land lady.

“Teeeee! Wala daw siyang pera. Kami na lang ang kakain sa labas!”

“Woi Ricky ha. Ayoko ng ganyan. Naiinis ako.” Ang seryoso ko nang sabi. “Graduation ko pa naman tapos ganyan ka…” at parang batang iiyak na sana. Paano, feeling nakakaawa na nga ako at hayun, kinukutya pa niya. Nakonsyensya tuloy ako dahil nakapagbitiw ako ng salita na kapag gagaraduate ako, pakakainin ko ang lahat ng mga ka boardmates ko kasama si ate ngunit hayun, nagtatago na lang. Iyon din kasi ang pangako ni James sa akin na pakainin namin ang mga kaibigan ko.

Ngunit bago pa man pumatak ang aking mga luha ay niyakap na ako ni Ricky sabay sabing “Surprise!!!” atsaka nakita ko na lang na nagsilabasan ang aking mga ka boardmates na may dalang balloons, ang iba ay mga mga regalo, at may streamer pa na may nakasulat na, “Congratulations Jassim! We are very proud of you!”

Nanlaki ang aking mga mata. “Huh! Ginulat niyo naman ako!” ang sambit ko.

“Ganyan ka namin kamahal igan!”

“S-salamat. Speechless talaga ako. Sobrang nagulat.”

“Syempre, surprise ano ka ba!” sagot naman ni Ricky.

“N-nahiya lang ako sa inyo kasi… wala tayong salo-salo.”

“Anong wala! Hayan sa labas naghintay oh!”

Tawanan, palakpakan ang lahat.

“H-ha??? Para sa akin din iyan?”

Tumango si Ricky.

At ang luhang babagsak na sana sa pagbibiro ni Ricky dahil sa inis ay tuluyan nang bumagsak dahil sa sobrang tuwa. Hindi na ako nakapagsalita.

“Pakana naming lahat, kasama si Ate. Syempre, malaki ang pasasalamat niya sa mga naitulong mo sa boarding house niya. Hindi lang dahil sa kabaitan mo kundi pati na rin sa pag-organize sa mga assignments, ang paglilinis, ang pagpasimuno ng kung anu-anong kasayahan at ikabubuti ng samahan at bonding ng mga boarders.”

“Tama ang sinabi ni Ricky, Jassim. Kaya pati ang husband ko, hayan, full-support sa aming sorpresa para sa iyo. ”

“At may isa pang kasali sa pakana na ito…” dugtong ni Ricky.

“Sino?”

“Hayun, iyong taong nasa labas?” sabay turo sa bintana.

“S-sino d’yan?” ang tanong ko. Naroon na kasi ang mga staff ng catering service.

“Hayun o… iyong kasama mo patungo rito.”

Napangiti naman ako. “H-ha? Paanong naging kasama iyan?” turo ko kay James na nakaupo sa isang gilid.

“Matagal na naming plano ito. Kaya lang noong nangyari nga sa kanila ni Sophia, akala niya hininto namin. Ngunit sabi naman ng husband ko, go. At sa tulong na rin ni Ricky, na siyang naghandle ng lahat, kaya heto..” ang pagsingit naman ng aming land lady.

“O sya… saka na ang drama, kain na tayo bago pa man pumunta si Jassim sa turo-turo.”

Tawanan.

“Hindi na lang muna ako magbihis?”

“Para ano pa? kahit araw-araw mo pang isuot ang toga mo, may karapatan ka. Summa cum laude ba naman”

Tawanan uli.

At iyon. Pati ang aking inay ay tuwang-tuwa. Masaya kaming lahat at may programa pa sila. At isa sa mga programa ay ang pagkanta na naman ni James ng “Beautiful In My Eyes” at “I’d Rather” Kinilig naman ang aming mga kasamang boarders. At noong hinalikan pa ako ni James sa harap nila, Kahit mga lalaki, babae, kinilig.

Sobrang touched ako sa ginawa ni James na iyon. Doon ipinakita talaga niya na hinid niya ikinahihiya ang aming relasyon. Pinanindigan niya ang lahat kahit pa nakatingin sa amin ang aking inay.

Tiningnan ko ang aking inay kung ano ang reaksyon niya sa nakitang halikan namin ni James. Ngunit kagaya ng aking mga kasamahan sa boarding house, nakangiti rin siya at pumalakpak pa na tila proud din sa ginawa ni James na paghalik sa akin sa harap ng mga tao.

Mangiyak-ngiyak ako sa sobrang tuwa. Hindi lang dahil sa sobrang pagka sweet sa akin ni James at sa nakitang pagtanggap ng aking inay sa amin ni James kundi dahil naramdaman ko ring marami rin palang nagmahal sa akin.

“Kasali ka pala rito?” ang tanong ko kay James.

“Oo… kasi nahiya ako kasi wala akong naiambag. Ako sana ang taya sa lahat. Pero promise naman, babawi ako sa kanila ni Ate at Ricky. Kapag nagkapera ako, isama natin sila sa Boracay.”

“Kahit wala na iyon Yak… masayang-masaya na ako sa sorpresa ninyo sa akin. Sobrang saya ko talaga”

Kaya iyon… Sobrang saya namin sa naganap na surprise party nila sa akin.

Kinabukasan, nagmungkahi si James na dalawin namin ang kapatid niyang si John sa ospital. Kahit naman kasi ganoon ang kambal niya, mahal ito ni James. Sumang-ayon naman ako. Naalala ko pa ang pagkabaril sa kanya na kahit malagutan na siya ng hininga, siya rin ang nag-alerto sa akin na huwag kong bubuksan ang regalo dahil bomba iyon. Siguro, ay hindi talaga siya likas na masama. Naging ganoon lang siya dahil sa naramdaman niyang selos kay James.

“Kumusta ang pagkiramdam mo tol?” ang tanong ni James habang nasa isang gilid lang ako at nakinig sa kuwentuhan ng mag-utol.

“Heto… o-ok lang. Hindi pa rin ako napuruhan” sagot ni John sabay bitiw ng pilit na ngiti. “S-salamat naman tol na dinalaw mo ako. Ambait mo talaga. Kahit ilang beses na kitang pinahirapan, ginigitpit, tinatakot, binablackmail, heto... ambait mo pa rin sa akin.”

“Syempre. Kapatid kita. At hindi lang basta kapatid, kambal pa. Noong nasa sinapupunan pa tayo ng ating ina, nagsi-share tayo sa lahat ng bagay. Lumabas tayo sa mundong parehong buhay. Ibig sabihin, nagbigayan tayo. At ako, bilang kuya mo… dapat lang na ako ang magbibigay.”

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha ni John. “P-patawad k-kuya.” Ang sambit niya kasabay sa pagpatak ng kanyang mga luha.

Dali-dali siyang niyakap ni James. “Matagal na kitang pinatawad tol… At lalo na ngayon, tinawag mo na akong kuya. Matagal ko nang pinangarap na tawagin mo akong kuya.”

“N-noon pa man gusto na kitang tawaging kuya eh. Kaso, ewan… nagalit na kasi ako sa iyo.”

“Puwes huwag ka nang magalit kasi… wala ka namang ikakagalit sa akin eh. Lahat ng nasa akin ay mayroon ka rin. At kung wala ka, bibigyan kita. Wala kang dapat ika-insecure sa akin. Pareho tayong guwapo” dugtong na biro ni James.

Napangiti na rin si John. “Simula ngayon, kuya na ang itatawag ko sa iyo. Pagod na rin ako sa ganitong buhay. Gusto kong magbago na… k-kuya.”

“At tutulungan kitang magbago. Kami ni Jassim, tulungan ka naming.” Sambit ni James habang tiningnan ako.

“Salamat…”

Tumayo ako at lumapit na rin kay John. “S-salamat pala sa pag-alerto mo sa akin tungkol sa bomba…”

“Wala iyon… Ang totoo, ayaw ko sanang umakyat sa stage dahil nga doon. Ngunit napilitan lang ako dahil nahinto ang graduation pansamantala sa paghihintay nila sa akin. At dagdagan pa na nakita ko ang pagkaway mo akin at ang paglingon ng mga tao sa akin. At noong naibigay ko sa iyo ang regalo, sasabihn ko na sanang huwag galawin iyon noong binaril naman ako ng mga pulis. Kaya hayun…”

“At bakit mo naman naisipang suwayin si Sophia?”

“Naamoy kong ginamit lang niya ako. Alam kong kapag pumutok ang bomba at may mangyari kay Jassim, ako ang ididiin niya upang makulong ako at wala nang hadlang pa sa pag-angkin niya sa iyo kuya. Ikaw pa rin ang mahal niya. At ikaw pa rin ang gusto niyang maangkin. Ginamit lang niya ako at sinakyan ko lang din siya.”

“Hanggang kailan talaga, hindi maaawat si Sophia…” Ang sambit ni James.

“Pero… patay na siya kuya. Ipinaalam ito sa akin ng mga pulis. Ako kasi ang alam nilang ikinasal sa kanya at ang tumayong asawa niya. At dahil wala na siyang mga magulang, hayun, ako na ang nagdesisyon sa pagsasaayos ng kanyang burol.”

“H-ha???” ang gulat na sagot din ni James.

“Opo… napuruhan siya sa dibdib, tumagos ang bala sa puso niya.”

Iyon ang tagpo sa ospital kung saan naroon si John. Masaya ang kambal dahil nagkapatawaran, masaya si James dahil nagsisi na si John.

Maya-maya lang ay nagpaalam na kami. Balak kasing dalawin ni James ang burol ni Sophia.

“Kuya…” ang sambit ni John nang paalis na kami at nasa may pintuan na.

“Bakit?” sagot ni James.

“Kunin mo sa nurse ang susi ng bahay mo. Ibalik ko na ito sa iyo… Alam kong may pera kang itinago sa lihim na kuwarto. Kunin mo iyon, kuya. Pera mo iyon. Pinaghirapan mo. At ang bahay na iyan ay alam kong nakapangalan sa iyo iyon. Sinabi sa akin ni Sophia.”

“Salamat tol…”

“At oo nga pala kuya… may sasabihin pa ako sa iyo.

“A-ano iyon?”

“Hindi totoong na stroke ang ating ina. Gawa-gawa ko lang iyon upang umuwi ka, upang guluhin ka.”

Sa pagkarinig ni James, bigla rin siyang bumalik sa gilid ng kama ni John. “At ang pagkawala ng break ng bus… sanhi ng pagkamatay ng mg apasahero, ikaw rin ba ang may kagagawan nito?”

“Hindi po kuya… Aksidente lang ang lahat.”

Tila nahimasmasan naman si James sa narinig. Nagpasalamat kay John, at tuluyan na kaming umalis. At least, nalinawan din kami sa lahat ng aming mga katanungan.

Una naming pinuntahan ang funeral parlor kung saan naroon ang lamay sa mga labi ni Sophia. Nakidalamhati kami. Nakita naming doon ang mga crews ng MCJ resto bar, at ibang mga dating nakasama ko sa trabaho sa branch nila doon.

May dalawang oras kami roon. Pagkatapos, pumunta kami sa dating bahay ni James na ibinalik sa kanya ni John. Pinapasok na siya ng mga pulis na nakabantay gawa nang naipakita na niya ang susi na nagpapatunay na siya nga ang may-ari.

Agad kaming pumasok sa lihim na kuwarto. Binuksan niya ang isan glihim din na drawer at noong nabuksan, kitang-kita ko na halos mapuno ito ng pera. May tig-iisang libo at may tiglilimang daan. Kumuha siya ng bag at pinuno ito ng pera.

“Sapat na ito para sa ating lakad at pangangailangan, Yak.” Sambit niya.

“H-hindi ka ba titira dito Yak?”

“Respeto sa pagkamatay ni Sophia, huwag na lang muna… Uuwi tayo ng probinsya, kasama ang inay at pagkatapos, pupunta tayo ng Mindanao, kahit limang araw tayo roon.”

At iyon ang ginawa namin. Sobrang saya ko sa sandaling iyon. Noong pauwi na kami sa probinsya, kasama namin ang inay sa biyahe ng bus at syempre, kaming dalawa ni James ang nagtabi, naka-akbay ako sa kanya, nakalingkis naman ang kanyang kamay sa aking beywang.

Dedma lang ang aking inay.

Pagdating sa terminal, namili naman ng mga karne at isda is James. “Bakit ang dami naman niyan?” ang tanong ng inay.

“Syempre nay, salo-salo natin. Hindi kaya nakadalo ang itay sa graduation.” Sagot naman ni James.

Iyon ang nangyari. Pagdating naming sa bahay, agad na inayos ni James ang mga lutuan, at siya mismo ang nagluto. Syempre, tumulong ako at ang inay. At nang dumating na ang itay, tuwang-tuwa naman ito sa inihanda naming para sa kanya.

“Tay… ito ang mga medals ko, at ang aking certificate. Para po sa inyo ang lahat nang iyan.” Sambit ko.

Niyakap ako ng aking itay at hinalikan sa pisngi. “Salamat anak. Proud kami ng inay mo sa iyo”

“Mano po itay…” ang pagsingit naman ni James.

Hinayaan naman ng itay na magmano si James sa kanya. Hindi pa kasi alam ng itay na nanumbalik na ang alaala ni James.

Sa totoo lang, may takot ako sa eksenang kapag nalaman ni itay na nanumbalik na ang alaala ni James at patuloy pa rin siyang dumidikit sa akin. Hindi ko alam kung matatanggap ng itay na lalaki ang mahal ko. Sobrang conservative kasi siya. Hindi iyan pala-kibo hindi palaging nagagalit ngunit kapag nagalit naman, sinturon lang ang katapat sa kasalanan mong nagawa. Ibang-iba siya kay inay na maunawain, madaling makaintindi sa sitwasyon. Ngunit ang itay, hindi ko alam kung paano niya tanggapin na lalaki ang minahal ng kanyang binata…

Iyon ang kinatatakutan ko. Iyan ang isang bagay na hinid ko alam kung ipaalam ko pa sa kanya.

“Tay, mamaya mag-inuman po tayo.” Ang sambit ni James.

“Oo ba anak…” ang masayang sagot naman ng itay kay James.

At nag-inuman kami. Tila isang buong pamilya kaming nagcelebrate sa aking pagtapos ng kurso. Kuwentuhan, tawanan, kantahan.

Maingat naman ang itay na huwag magtanong o ni magsalita tungkol sa background ni James. Alam kong sa isip niya, hinid pa lubusang ganap na magaling ang pagka-amnesia ni James.

At nakisakay naman si James. Nakisakay na rin ako habang ang inay at tila walang pakialam.

Hanggang sa ramdam kong nalasing na si James at ang itay. Ako man ay lasing na rin.

Yayayain ko na lang sanang matulog na kami ni James sa kuwarto nang nagsalita siya kay itay, “Alam niyo po, tay… nanumbalik na ang aking alaala.”

Napatitig sandali ang itay ko sa kanya at pagkatapos ay sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla. Siguro sa loob ng isip niya ay nagtatanong siya kung bakit noon lang niya nalaman, kung bakit wala man lang nagsabi sa kanya upang hindi na siya mahirapang magkunwari. “Eh… di mas mabuti pala!” ang sagot na lang niya.

“At tay… may sasabihin ako sa inyo.”

“A-ano iyon, James?”

“M-mahal na mahal ko po si Jassim.”

Sa pagkarinig ko ay tila may malakas na bombang sumabog sa aking harapan. Bigla kong nadarama ang malakas na kalampag sa aking dibdib. Parang gusto kong busalan ang bibig ni James.

“Eh… salamat sa pagiging tapat na kaibigan mo sa kanya.” Sagot ng itay.

“M-mas mahigit pa po sa kaibigan tay… M-mahal ko po si Jassim bilang isang kasintahan. N-nagmahalan po kami… Handa ko pong gagawin ang lahat para sa kanya.”

Natigilan naman ang aking itay. Napatitig kay James at pagkatapos, sa akin, ang mukha ay seryosong-seryoso. Tila nawala bigla ang kanyang kalasingan. Pati ang aking inay ay tila binatukan din at napatitig sa akin.

Yumuko na lang ako sa pagkabigla. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot.

“Totoo ba ito? Jassim?” ang tanong ng itay na tumaas ang tono ng boses.

Tumango ako.

At doon na tumayo ang aking itay, walang pasabing tumalikod at pumasok sa bahay, bakas sa kanyang mukha ang pagkainis.

Sumunod na tumayo ang inay at sumunod kay itay. Naiwan kami ni James na biglang natahimik. Alam ko, galit ang itay. At siguro, kung hindi ko lang celebration para sa aking graduation iyon at nagkataong wala si James, baka nasinturon na naman ako.

Naramdaman kong hinawakan ni James ang aking kamay. Napaiyak naman ako. Hindi ko alam kung sa ano ang dahilan ng aking pag-iyak; kung iyon ba ay dahil sa ipinamalas niyang tapang na sabihin iyon sa aking itay o dahil sa pagkaawa ko sa aking sarili.

“T-tara na sa kuwarto Yak…” ang sambit ni James.

“S-sinabi mo pa kasi.” Ang paninisi ko pa.

“Mas maigi ang ganoon Yak para alam ng lahat na nagmahalan tayo. Wala tayong dapat na itago. Mahirap ang mabuhay na magkunwari.”

“E paano iyan. Di ba mas mahirap kapag magulang na ang nagagalit?”

“Natural na magalit ang mga magulang kapag hindi natupad ang gusto nila sa mga anak nila Yak. Normal iyan. Ngunit mga magulang sila at sa bandang huli, maiintindihan din niya ang lahat. Kasi… may sarili kang buhay.”

Hindi ako umimik.

“At least… alam na niya. At ang sunod nating hintayin ay ang pagtanggap niya sa atin. At alam ko, hindi ka rin niya matiis Yak. Nag-iisang anak ka lang. At summa cum laude pa kaya.” Ang biro pa niya.

Napangiti na lang ako. Sobrang confident niya kasi. Nakakaencourage. Nakakagaan ng loob.

Tumayo ako at sabay na pumasok kami sa aking kuwarto. “B-bukas ay aalis tayo patungong Mindanao ha? Ipakilala naman kita sa aking mga magulang sa Mindanao.” Ang sambit niya.

Kinabukasan, maaga kaming nagising. Agad na naghanda si James ng aming almusal. Tumulong din ako. Habang abala kami sa aming ginagawa, noong nilingon ko ang isang sulok, naroon pala ang inay at pinagmasdan niya kami.

Lumapit ang aming inay. Tumulong na rin sa amin. Tila nakakabingi ang katahimikang namagitan sa aming tatlo.

Maya-maya, nagsalita ang inay, “P-pagpasensyahan na ninyo ang itay ninyo…”

Bigla namang may tuwa akong naramdaman. Napatingin ako kay inay, binitiwan ang isang matipid na ngiti.

“Alam mo naman ang ugali ng itay mo. Hayaan mo na lang muna siya. May dahilan kung bakit siya nasaktan at nabigla.”

“S-salamat po sa pag-intindi inay…” sambit ko at niyakap ko na lang ang inay.

“Anak kita. Ano man ang mangyari, ano man ang desisyon mo sa buhay, mananatiling anak kita. Kaya kahit mahirap, pipilitin ko ang aking sariling tanggapin pa rin kita dahil pagbali-baliktarin man ang mundo, hindi magbabago ang katotohanang nanggaling ka sa dugo at laman namin ng itay mo. At may sarili kang disposisyon ka, may sariling buhay, may sariling pag-iisip, may sariling damdamin. Naintindihan kita anak… At ikaw lang ang nag-iisang anak namin. Kung mawala ka, sino na lang ang mag-aalaga sa amin sa pagtanda naming?” sabay haplos sa kaing buhok. “Di ba, aalagaan mo kami? Iangat mo kami sa hirap?”

Doon na ako humagulgol sa pag-iyak, hinigpitan pa ang pagyakap ko sa kanya. “Opo nay… Pangako kop o iyan sa inyo ng itay.”

At habang nasa ganoon kaming pag-iiyak, minuestrahan niya si James na lumapit sa amin. At niyakap na rin niya ito. Kaming tatlo ang nagyakapan.

“S-salamat nang marami nay…” ang sambit niy James.

Ang sarap ng aking pakiramdam. Sa isip ko, ang itay na lang ang kulang.

“N-nasaan ba ang itay nay?” ang tanong ni James.

“Maagang nagpunta sa bukid…”

Nang matapos ang aming paghahanda ng pagkain, kumain muna kaming tatlo ni James at inay.

“Nay, dadalhin ko si Jassim sa Mindanao. Aalis sana kami mamaya. Isang linggo kami roon. Dalawin ko ang aking mga magulang... Matagal na hindi ko na sila nakita.”

Tiningnan ako ng inay. “M-magpaalam muna kayo sa itay ninyo.”

“Opo…” ang sagot ni James.

Nana matapos ang aming agahan. Nagbalot ang inay ng pagkain. “Maghahatid muna ako ng pagkain sa itay ninyo…”

“Nay… kami na po ni Jassim. Magpaalam na rin po kami sa kanya na aalis kami maya-maya.”

“Yak… papayag kaya ang itay?” ang tanong ko habang naglalakad kami patungo sa bukid.

“Siguro naman. Nasa tamang edad ka na, tapos na sa pag-aaral, at natamo mo pa ang pinakamataas na karangalan. Bakit niya ikaw tutulan sa bakasyon mong ito? You deserve this…” sambit ni James.

Nakarating na kami sa lugar na sinasaka ng itay. Nakita namin kaagad siya. Nag-aararo. Noong nasa harap na namin siya, “Tay, kain po muna kayo...” Ang sambit ni James. Ako na lang po muna ang ang magpatuloy niyang pag-aaararo.

Ngunit patuloy pa rin ang itay sa pag-araro, hindi pinansin si James. Noong bumalik uli siya, “Tay… narito na po ang pagkain ninyo…”

Hindi pa rin umimik ang itay.

“Tay… ipaalam ko pong dadalhin si Jassim sa Mindanao, sa bayan po namin. Matagal na pong hindi ko nakikita ang mga magulang ko eh.” Sambit ni James, nilapitan na talaga ang itay at sinabayan habang nag-aararo.

Ngunit hindi pa rin umimik ang itay. Nilapitan siya ni James at hinawakan ang araro, “Tay… ako na lang po muna ang mag-araro. Kain na po muna kayo…”

At doon na ako nagulat sa aking nakita. itinulak ni itay si James.

Natumba si James, napaupo sa lupang bagong araro pa lamang. Tiningnan lang niya ang itay.

“Kung gusto ninyong lumayas, layas! Dalhin mo ang anak ko! At kahit hindi na kayo babalik dito, wala akong pakialam! Layas na kung ayaw ninyong mataga ko kayong dalawa! Layasssss!” ang sigaw ng itay.

(Itutuloy)

10 comments:

  1. intense :)) of course mej mahirap naman sa part ng tatay na ganito ang sitwasyon.... although sana matanggap din nya sa huli....

    another great work from an awesome writer is about to end and im guessing that the ending would be nice too :)) i hope.... :P

    ReplyDelete
  2. aw isa na namang may bigat na pagsubok x.x

    ReplyDelete
  3. kala ko happy ending na..hehehe.... me nakaambang na naman palang balakid.... reality wise... di talaga nawawalan ng problema pag nagsasama na.... nasa inyo kung paano magawan ng paraan...wehhhhh...... kailan kaya sunod na chapter....hehehe

    ReplyDelete
  4. Weeeeew! Kabang-abang ang mga susunod n eksena..nxt chapter pls..lol

    ReplyDelete
  5. galit galitan ang itay...nice kuya..galing..

    ReplyDelete
  6. sobrang ganda ng storyang ito kakakilig....

    ReplyDelete
  7. Ganda talaga ng kwento nto,,kya lang ang tagal,,hehehe mainipin lang,,saka bakit po ung ibang story nyo sir mike eh walang pang ending,,sory po bago lang ksi,ngayon ko lang ksi natanggap n bi din pala ako hehehhehehe gagong gago lang tlaga,,pero tago muna ako wla nmn my kakilala skin dto,heheh slamat po,,

    ReplyDelete
  8. HayYz XALAMAT na uPdate DIn NI auTH0r.. LagI q INAaBaNGAN..TO ahHh.. Nku wawa naman c james.. Naku itay aCcept mu NA..wa ka Magagawa... GIrl ung JUnanak.. M0h., XAna HApPy ENding ung STOry NA ito...tnx auTHoR.. And KUya MIchael..

    ReplyDelete
  9. My god! Ahahahah! Itay naman, chillax lang, ahahahah, sa akin tatay ko din ang kulang eheheh,

    ReplyDelete
  10. Kuya Mike excited na ako sa next part hahaha update na daliiiii. LOL

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails