Title: A Dilemme of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
--------------------------------------------------------
Chapter 15
Recap: Binabagabag pa rin si Fonse ng recording na narinig niya sa cellphone ni
Fred, ang kambal niya. Rinig doon ang putol na pag-uusap ng dalawa tungkol sa
'totoong intensiyon' ni Chong kay Fonse, datapwat nahalata ni Chong na
nirerecord ni Fred ang kanilang pag-uusap, kaya ipinatigil niya iyon.
Habang sabay
silang kumakain ni Fonse, nahalata ni Chong may gumugulo sa isipan niya.
Tinanong niya ito ngunit natakot si Fonse na tanungin siya tungkol sa
recording, ngunit natakot ang huling magtanong dahil sa takot na baka mali ang akala niyang sila ni Fred ang nasa recording o baka tama ang hinala niyang may nagaganap na hindi kanais-nais sa
pagitan ng dalawa.
Sa huli,
ginawang pasakalye ni Alfonse ang mga bulaklak at chocolates na binili niya
para kay Chong para sa monthsary nila sa mismong araw na iyon. Ngunit hindi ito
tinanggap ni Chong, datapwat napapayag rin siya sa huli, sa kondisyon na
ibibigay ito sa kanya sa harapan ng Dean ng College of Engineering, si Ma'am
dela Cruz.
-------------------------------------------------------
"FLOWERS FOR YOU!!!"
Nanatili lang akong nakapikit. At parang wala na akong balak
na dumilat pa. Taydana, sinong bang hindi mahihiya sa ginawa ko? Buti sana kung
sa babae ko 'to ginawa, eh hindi, sa kapwa lalake ko pa. At ang malala, sa
College of Engineering pa, sa college na halos lalaki ang estudyante...
FUCK!!!
Tangina, kung pwede lang umurong, uurong na ako eh. Pero
andito na eh, nagawa ko na, ano pang magagawa ko. TAE!!! Pero paano na sila
Mama at Papa? Paano na ako? Sigurado akong lalayuan na ako ng mga taong
nakapaligid sa akin dati! Lalayuan na nila ako na parang virus, na parang AIDS
na nakakahawa na pamamagitan ng pagdidikit ng balat, na
parang...parang...parang...
Teka, bakit parang ang tahimik? Parang 'yung utak ko lang ang
maingay? Tsaka nangangawit na ako, kanina pa naka-abot 'yung kamay ko sa
harapan...
"UUUUUUUUUUUYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!" biglang sigaw
ng mga tao.
TAYDANA!!! Bakit hindi pa bumuka 'yung lupa at kainin ako ng
buhay!!! SHIT!!! ISANG MALAKING SHIT!!!
"Oh, thank you very much, my dear. Napakasweet mo
naman..."
Teka, bakit hindi boses lalaki? Oo, may konting lambing, pero
hindi lambing ng boses ni Chong, parang boses...BOSES NG MATANDANG BABAE...!!!
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang pinakasweet na
bagay sa buong mundo, nakangiti na sobrang saya, habang ang mga mata ay halos
masingkit sa sobrang tuwa...
...Pero joke lang 'yun, si Ma'am dela Cruz ang nakita ko...
Fuck. Isang nakapanglalatang FFFFFFFUUUUUUCCCCKKKKK...
"Ah, eh, bakit po kayo ang nandito?"
Saka humuni ang mga kuliglig ng gabi...
"What do you mean iho? Hindi ba para sa akin ang mga
flowers na ito?" saka niya tinangkang abutin ang bouquet na punung-puno ng
kulay pink na rosas.
Saka bumagsak ang isang bombilya sa utak ko. Joke lang. Pero
bakit hindi ko nga ba siya sakyan? Ginagawan na nga ako ng pabor ng mahal
naming College Dean eh... WAHAHAHAH!!! Jackpot!!!
"ANO PO BA KAYO MA'AM! SYEMPRE, PARA PO SA INYO PO
'TO..." ang sobrang sigla kong sagot, sa sobrang sigla para na akong
tanga. "Ganyan ka po namin KA...KA...KAMAHAL eh..." saka ako
ngumiting napipilitan. Dyusko!!!
"WOW, I am really touched. I have never felt this
important since my academic life started. This flowers really made me feel
special and appreciated. I am really thankful for this surprise..." saka
niya kinuha ang panyo niya at pinunasan ang maluha-luha niyang mata. ARTE.
Akala mo naman kagalingang magturo. Ang dami kayang nagrereklamo sa kanya dahil
ang pangit niyang magturo...
Nagpapalakpakan na rin lahat ng estudyanteng nasa paligid
namin. Meron din namang nagbubulungan. Siguro sinasabi nila sumisipsip ako,
kung alam lang talaga nila...
TEKA,NASAAN BA SI CHONG?
“Iho, could you please hand me the flowers now?” Napalingon
ako. Si Ma’am dela Cruz, parang atat na atat at taeng-tae at paurong-sulong ang
mga kamay at kinukuha ang bouquet sa kamay ko, nakangiti na parang papatay ng
tao kapag hindi ko inabot ‘yung bulaklak.
“Ahhhhhhhh...”Nag-aalangan pa rin ako at hinahanap si Chong.
Tumutulis ang tingin ni Ma’am.
“Ahhhhhhhh...” Hinahanap ko si Chong at nag-aalangan pa rin
ako.
Lalong tumulis ang tingin ni Ma’am.
“Ahhhhhhhh...”Nag-aalangan pa rin ako at hinahanap si Chong.
FUCK.
Nakakamatay na ang tingin ni Ma’am. Wala na akong choice
kundi ibigay na ‘yung bouquet.
“Ahhhh, sabi ko nga po, eto na nga po ‘yung bouquet.” Saka ko
inabot sa kanya ‘yung inaasam-asam niyang mga bulaklak.
TEKA, NASAAN NGA BA SI CHONG?
“Ah, iho? Iho? IHO! Pwede mo ng bitawan ‘yung bouquet...”
Napalingon na naman ako. Tae, nahuhuli ka sa ginagawa mo eh.
“Ah, opo, bibitawan ko na nga...” Tae, sayang ‘yung 700 ko para sa bouquet na
‘to. Shet, wala akong lunch niyan ng isang linggo.
“Iho, sabi ko bitawan mo na ‘yung bouquet...” humigpit ang
hawak ni Ma’am sa bouquet.
“Ah, oo nga po...” Mas lalong humigpit ang hawak ko.
“Iho, ‘yung bouquet...” nanggigiligit na siya.
“Ma’am, eto na nga po...” pinangigiglitan ko na rin siya.
“IHO...”
“MA’AM...”
“I-H-O...”
Edi ibigay.
Saka ko binitawan ang bouquet at halos mapaurong si Ma’am sa
kinatatayuan niya.
“Palakpakan natin si Ma’am Prospera dela Cruz...” sigaw ko.
Nagpalakpakan din ‘yung ibang estudyante at ‘yung ibang faculty members na naki-usyoso
sa eksenang ginawa ko. Pero tumatawa ‘yung ibang faculty members. May nasabi ba
akong mali?
“Iho, Proserpina ang pangalan ko...”
TAE.
“Ay ganun po ba?” Kaya pala. “ Ma’am Proserpina dela Cruz po
pala...”
“Again, maraming salamat. Thank you very much for this
present that you gave to me. You really made this birthday of mine...”
Teka, tama ba ‘yung narinig ko? “Birthday niyo po?”
“Oo iho, birthday ko nga ngayon. Hindi ba kaya binibigyan mo
ako ng bouquet...”
TAE, MAHUHULI NA TALAGA AKO NITO EH!!!
“...AH, OO NGA NAMAN, BIRTHDAY NIYO NGA PO NGAYON DIBA, KAYA
KO KAYO BINIBIGYAN NG BOUQUET NGAYON. Tama po diba, oh, palakpakan po natin uli
si Ma’am...” sumabay sa palakpak ko ang lahat ng estudyante, janitors, at
professors na naki-usyoso sa eksenang ginawa ko. Mas malakas na palakpakan kesa
sa una. At habang tuwang-tuwa sila sa ginawa ko, ako naman ay linga ng linga at
hinahanap si Chong...
TEKA, NASAAN NA BA NGA ULI ‘YUNG TAONG IYON...”
“Iho, wala ka pa bang ibibigay sa akin?” Bigla akong
napalingon, at nakita kong nakangiti hanggang batok si Ma’am dela Cruz.
Ano sinasabi ng Dean na ‘to?
“Ah, ano pong tinutukoy niyo? Ano pa po bang maibibigay ko sa
inyo?” saka nagkamot ng ulo. Ano pa bang ibibigay ko sa kanya. Hanep, anong
gusto niya, kaluluwa ko?
Unti-unti ng uma-alis ‘yung mga nagkukumpulang tao. Nasagwaan
yata sa ngiti ni Ma’am.
Saka siya ngumuso. “Ayun, no iho, hindi mo ba ibibigay sa
akin ‘yan...” At kinapalan pa lalo ang nguso niya.
Sinundan ko ang itinuturo ng makapal niyang nguso. Only to
find out na ‘yung Toblerone bar at Kisses na nasa bulsa ko ang tinutukoy niyang
ibibigay ko sa kanya...
EH KUNG HINAHAMPAS KO KAYA SIYA NGAYON NG BAR AT PAHALIKAN KO
SIYA SA BUWAYA NG MAKITA NIYA ANG HINAHANAP NIYA!!! NA 700 NA NGA AKO SA KANYA
TAPOS KUKUNIN NIYA PA ‘TONG CHOCOLATES!!!
“Ay hindi ko po ibibigay sa inyo ‘to...” ang sabi kong
mabilis saka hawak sa bulsa ko. Sa sobrang bilis parang sarkastiko yata ang
dating ng pagkakasabi ko.
“You know iho, I LOVE CHOCOLATES!!! Talagang sasaya ang
birthday ko kung makakatanggap ako ng chocolates...” saka na naman siya ngumiti
na parang aso.
“Ano naman po ngayon?
Ano na naman pong paki-alam ko sa kaligayahan niyo? Hindi niyo po ba narealize
na ang sugapa niyo na? Ano naman po ngayon kung birthday niyo? Para lang po kay
Chong ‘yung chocolates, kinuha niyo na nga ‘yung bouquet eh...” ang sabi ko... sa sarili ko. Kung
pwede lang sinabi ko na sa kanya ‘yang mga iyan eh. Pero tae, ayoko namang
ma-expel.
Saka niya inilahad ang palad niya. “Sige na iho, I’m
waiting...”
SHIT, MAY CHOICE PA BA AKO!!!
Dahan-dahan kong inilagay sa bulsa ko ang palad ko. Ano bang
ibibigay ko sa kanya!!! Ibigay ko na lang kaya ‘yung Kisses, tutal mas malaki
naman ‘yung Toblerone eh. Shet, eh parang mas magandang ibigay kay Chong ‘yung
Kisses eh, baka mamaya makahirit pa ako ng kiss. Shit talaga!!! Shit!!! SHIT!!!
‘Yung Kisses na nga lang.
“Paano naman ‘yung Toblero...”
“Ay, sa akin na po ‘to Ma’am pwede. Kasi gusto ko rin naman
pong sumaya, kahit hindi ko birthday!!! Kaya Happy Birthday po uli sa inyo!!!
Paalam!!!” Saka ako nagmadaling lumakad. Grabe. Baka mamaya kung hindi pa ako
umalis, maski ‘yung damit ko hiningi na niya para sa anak niya. Ganoon ba
talaga ang epekto kapag birthday ng isang tao? PARANG HINDI NAMAN...
Teka, nasan na si Chong? Kanina ko pa hinahanap ‘yung taong
iyon eh? Ilang beses na niyang ginagawa sa akin to ah? Kada nagkikita kami,
napapahiya ako...
“Oh, napahiya ka na naman...”
Pamilyar na boses. Sobrang pamilyar. Bigla akong
napalingon...
SI CHONG!!!
“SAAN KA NANGGALING?!?!?!” ang pigil kong sigaw. Ayoko ng
mapahiya uli, gagawa na naman ako ng eksena, nagmumukha na akong halimaw dahil
sa kanya.
“Relax, pumunta lang ako sa CR...” saka siya sumandal sa
pader na malapit sa amin.
“CR! CR? Sa ganoong pagkakataon?”
“Oo, bakit? Eh napuno si bladder sa instant na ‘yun eh.
Sisihin mo ang pantog ko.” Saka siya tumayo ng diretso at tumingin paibaba sa
puson niya. “You are a bad, bad, bad bladder. You ruined Carl’s romantic and
sweet side. You’re a bloody, bad bladder...” and sabi niya habang tinuturo pa
ang tiyan niya. “Oh ano, okay na?” saka siya ngumisi.
Tiningnan ko lang siya ng malamya at nang may nananamlay na
balikat.
“Kasalanan mo rin no. May papikit-pikit ka pang nalalaman.
‘Yan, hindi mo tuloy alam kung kanino mo naibigay ‘yung bouquet...”
Oo, nga naman. TAE.
“Oh tutal naman nag-effort ka, tatanggapin ko na lang ‘yung
chocolates na pinagnanasaan ni Ma’am dela Cruz...” Inilahad niya ‘yung kamay
niya sabay ngiti.
Kung hindi ko lang talaga ma...ma...mah...GUSTO ‘tong taong
’to, hinampas ko na siya ng Toblerone.
“Uy, Chong...” Bigla kaming napalingon sa likuran namin. Saka
namin nakita si Bert, lalaking payat na laging nakataas ang lahat ng buhok
kahit parang awkward na sa haba ng mga ito para itayo. Para tuloy siyang Super
Saiyan na kinulang sa bitamina.
“Chong, kamusta ‘yung project sa estimates?” Tiningnan niya
si Chong, pero nabaling rin sa akin ang tingin niya, at saka kumunot ang noo
niya. Nagtataka siguro kung bakit ko kasama si Chong, kaya sinubukan niya uling
itayo ang buhok niyang nalanta sa pag-analyze ng misteryong iyon..
“Sa maling tao ka nagtatanong. Dapat itinatanong mo ‘yan sa
sarili mo...” Ikrinus ni Chong ang braso niya at ipinag-igi ang pagsandal sa
ding-ding. “...Kamusta ‘yung projects sa estimates, LALO NA ‘YUNG PINAPAGAWA KO
SA ‘YO...”
“...Eh...eh...” napakamot na lang ng ulo si Bert. “Diba sabi
ko next week na lang...” saka siya ngumiti ng pilit.
Pero walang nagbago sa reaksiyon ni Chong. Nanatili lang
siyang nakasandal at kumukurap ng napaka-ingat.
At pagkatapos ay titingnan lang niya si Bert na parang binabalatan ng
buhay. “Alam mo bang March na ngayon, at ipapasa ‘yang project na iyan sa
katapusan rin ng buwan na ito. Ngayon, anong gusto mong gawin natin,
magtanungan hanggang umabot tayo sa dealine at wala tayong mapasa. Gusto mo ba
pagbigyan kita kung kelan mo gustong ipasa ‘yang ipinapagawa ko hanggang sa
March 30?”
Hindi makatingin ng diretso si Bert. Natuwa ako, hindi lang
pala ako ang nagmumukhang tanga kapag tinitingnan ako ni Chong ng ganoon. “Eh,
huling extension na nga iyon. Ah...susubukan kong ibigay bukas...”
“’Wag mong subukan, gawin mo...”
This time, tapos ng balatan ni Chong ng buhay si Bert ng
buhay. Inihihiwalay na lang niya ‘yung buto sa laman at sa taba, kung meron
mang taba kay Bert.
“...Oo na nga, ang sungit talaga nito. Siya nga pala,
hinahanap ka ni Danica kanina. May itatanong...daw...siya...” Ngumiti lang
siyang pilit. Naaawa ako kay Bert. Parang gusto na niyang umihi sa harap ng
taong pupugot sa ulo niya. At ngayon ko lang rin naman nalaman na ganoon pala
ako kaawa-awa at katawa-tawa kapag natatameme ako kay Chong.
“I’m gonna guess...” saka namewang si Chong. “...I bet hindi
niya alam kung paano gawin ‘yung estimates sa trusses, ano?” Ngumiti si Chong,
ngiting ubod ng sarkastic.
“...Ah, oo eh...” Walang magawa si Bert kundi ngumiwi.
Malamang gusto na rin niyang bumuka ang lupa at lunukin siya ng buo.
Medyo nangingiti-ngiti ako ng bigla akong tumingin kay Chong.
Nakatingin lang siya kay Bert, nakatingin ng malamig na para niya itong kakain
ng buo. At ilang segundo pagkatapos noon, biglang ibinaling ni Chong ang mga
mata niya, dahan-dahan, napaka-ingat, ng hindi iginagalaw ang kahit anong parte
ng katawan niya, maliban sa mata.
Naaligaga na rin ako. Napakamot ng ulo. At nanahimik.
“Oh, sige aalis na ako...Chong, Fonse...sige ha!” Saka siya
umalis na halos tumatakbo, hanggang makarating na siya sa hagdan paakyat.
Itinaas ko na rin ‘yung kamay ko ng bahagya para mamaalam,
kahit hindi naman ako sigurado kung nakita pa niya ‘yun dahil sa pagmamadali.
Pero si Chong, nanatili pa ring nakasandal sa ding-ding, naka-krus ang mga
kamay at kumukurap ng napakagraceful.
“Tinakot mo ‘yung ta...”
“SHUT UP!!!” saka siya umalis
at nilakad ang hallway na nakakunot ang noo.
“Ano bang problema mo?” Ang tanong ko habang naglalakad
patagilid na parang tanga at hinahabol siya dahil sa sobrang bilis niya.
“Pinoproblema ko kung paano masosolusyunan ang overpopulation
sa Manila ng hindi ipinapasa ang Reproductive Health Bill. Pinoproblema ko kung
bakit ang dami-dami government officials sa Pilipinas, gayong ang liit ng bansa
na ito. Pinoproblema ko kung bakit ang baba-baba ng GDP ngayon.” Sabi niyang
naka-krus ang braso.
“...Eh sabi naman sa latest report tumaas na daw eh, seven
point something na nga eh...” sabi kong hinihingal. Topak ng taong ito, ang
bilis-bilis maglakad.
“HINDI RAMDAM!!!” sigaw niyang pigil.
Napangiti ako. “Chong, nangako naman si Bert na ibibigay niya
bukas ‘yung pinapagawa mo ah. Bakit ka pa nag-aalburoto?”
Hindi siya nagsalita.
“’Di ba nga group kayo Chong at naidistribute niyo na ‘yung
gagawin ng bawat isa-isa. Bakit mo pa proproblemahin ang problema nila,
pabayaan mo na sila doon. Maski problema ng bansa at ng mga senador
pinoproblema mo?” pagsubok kong humirit ng joke, baka sakaling matawa siya.
Pero hindi siya tumawa. Nagpatuloy lang siyang maglakad.
“...Kapag grupo kayo, ang kahinaan at pagkakamali ng isang
miyembro eh kahinaan na rin ng grupo at ng bawat miyembro. Kung anong
pagkakamali ng isa, pagkakamali ng lahat, para kayong piyesa ng bowling na
napatumba sa isang roll ng bola. Ang kahinaan ni Bert, kahinaan naming lahat.
Ang kahinaan mo bilang Pilipino ay kahinaan ng lahat ng Pilipino. Kaya lahat ng
problemang may kinalaman kila Bert at sa lahat ng Pilipino, kailangan mong
paki-alaman dahil bahagi ka nila. May karapatan ka lang huwag paki-alaman ang
problema ni Bert, ang problema ng bansa , ang problema ng mundo, kung hindi ka
nakatira sa Earth at sa Venus ka naninirahan, nag-iinhale ng methane!!!”
Ang deep. Nosebleed.
Saka ko hinablot ang kamay niya. At
hindi katulad ng tragic at masalimuot naming first encounter, this time, hindi
na niya ako nadala. Siya na ang nadala ko. Saka ko siya hinila at hinawakan sa
balikat.
“Oh pwede magrelax ka muna. Dapat
maisip mo rin na hindi masosolusyunan ng paglalakad ng mabilis ‘yang problema
mo...” ang sabi kong hinihingal at napipikit.
“Bitawan mo ako...”
Hingi naman siya nagpupumiglas. Hindi
rin nagwawala. Kalmante lang niyang sinabi, kaya akala ko nagbibiro lang siya.
Hinihingal pa rin ako at hindi ko pa rin makita ang paligid ko. Sa kanya lang
ako nakatingin.
“Bitiwan mo ako, nakatingin na ‘yung
mga tao sa atin...” Pag-angil niya.
Saka ko lang siya binitawan.
Pagkatingin ko, may mga tao na ngang binabalatan kami ng buhay.
“Eh anong gusto mong gawin ko? Magsayang
ng oras kasama ka? Nakipaglandian sa’yo? Masasagot ba noon ang problema ko?”
Napa-isip ako. Ano nga bang gusto
kong gawin niya? Hmmm...Hindi ba dapat tulungan ko siya, kasi kami nga? “Uhmmm,
pwede...kang...humingin ng tulong sa akin?” Nag-aalinlangan kong sagot. Parang
pagkatapos ni Bert, ako naman ngayon ang masasabon ni Chong.
Kinurapan lang niya akong
dahan-dahan. “Pagkasabi mo pa nga lang sa akin niya, hindi ka na sigurado
eh...” Ikrinus niya ang braso niya. “...Eh ano naman ang maitutulong mo sa’kin?
Paano ka makakatulong sa isang bagay na mismong IKAW, pinoproblema MO?”
Nabilaukan ako. Saka ko naalala,
maski pala kami nila Fred hindi pa tapos sa project namin sa Estimates.
Tinitigan lang ako ni Chong.
Tinitigan lang ako ng nang-uuyam.
“Ah..edi...sabay nating gawin ‘yung
project. At least diba, may karamay ka at may tutulong sa’yo...diba...mas
maganda...iyon?” ang sabi kong naghahabol ng salita. Shit, eto na naman tayo!
Huminga siya ng malalim habang
nakatitig pa rin sa akin. “I prefer working alone. I hate group activities. I
am more productive kapag nag-iisa ako...”
Nanahimik na lang ako. At tiningnan siyang nadismaya. Saka
siya nagpatuloy sa paglalakad.
“Uy, Chong, sige na , seryoso gusto kong tumulong. Kahit ano
lang, kung gusto mo doon ka na lang sa bahay gumawa ng project, tapos kung
gusto mo mananahimik na lang ako sa isang tabi. Kung gusto mo dadalhan na lang
kita ng makakain...Uy, Chong, sabihin mo na lang kung anong gusto mong gawin
ko...” Hinahabol ko na ang paghinga ko. Tindi. Hindi ko alam kung anong klaseng
workout ang pinagdadaanan ng taong ito at nakukuha niyang maglakad ng ganoong
kabilis.
Pero kahit anong habol ng hininga ang ginawa ko, puro
paghabol lang ang nangyari. Hindi pa rin ako nilingon ni Chong, nagpatuloy lang
siyang naglakad, parang may nakapasak na cork sa tenga. Maski ‘yung tile bricks
na dinadaan namin, mistulang nasusuklam sa pagkakasayad ng suwelas ng mamahalin
kong sapatos. Kaya sa halos bawat hakbang ko, sinasadya ng bricks na tisurin
ako.
At once again, pinagtitinginan na naman ako ng nga tao. FUCK.
Haaayyy, minsan talaga naiisip kong magsuot na lang ng brown
paper bag sa ulo!!!
...Ngunit biglang tumigil si Chong sa paglalakad...
"...Gusto mo talagang malaman ang gusto ko?" saka
niya ako nilingon. For the first time, nilingon niya ako habang kausap siya,
kahit badtrip pa siya.
Tiningnan ko lang siyang excited kahit halos isang kilometro
na ang layo ng hininga ko mula sa akin.
Saka siya huminga ng malalim. "Gusto kong tumakas...
ANO DAW?
"Huh?" nakanganga kong tanong. Saan siya tatakas?
Tingin ko napagod lang 'tong taong ito. Hirap ispelengin...
Pero walang nagbagong kahit katiting na kaseryosohan sa mukha
ni Chong.
"Alam kong hindi ko iyon gawain, lahat ng problema,
kahit na gaano kalala, lalo na kung ako ang may gawa, hinaharap ko... Pero once
in a while, gusto ko ring tumakas, gusto kong magbreak. Hindi naman talaga ako
tatakas, gusto ko lang talaga ng konting pahinga, pahinga kung saan walang
babagabag sa aking poverty, projects, o maging GDP ng bansa. Kaya this time,
gusto kong umakyat ng bundok, gusto kong tingnan 'yung papalubog na araw habang
unti-unting binabalot ng dilim at ng mga bituin 'yung langit. Gusto ko wala
akong ibang gagawin kundi tumingin lang sa mga bundok at damhin 'yung ihip ng
malamig na hangin. At kapag nandoon na ako sa bundok, gustong kong
magpaka-ermitanyo doon ng one month, kahit ONE MONTH lang..."
Bumuntong-hininga siya, sabay unti-unting tumingin sa akin.
Nagulat ako. Sobrang nagulat. Sa sobrang gulat ko, natulala
na lamang ako.
Inirapan lang niya ako, at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nakakagulat. Kahit ang lakas-lakas at ang tibay-tibay tingnan
ng taong 'yun, kahit minsan nakakaramdam rin pala ng panghihina ang taong 'yun.
Kunsabagay, ilang bagay na rin naman ang inakala kong hindi niya magagawa, pero
mapapanganga na lang ako bigla kapag nagagawa niya ang mga iyon. At saka...
TEKA NGA!!! Ang dami kong pinag-iisip, eh nanghihingi 'yung
tao ng pabor!!!
At saka bumagsak ang malaking bombilya sa aking ulo. Pero
exaggeration lang ' yun.
Gusto niyang makita 'yung mga bituin, gusto niyang
magpahinga, gusto niya ng break...
...Edi gawin...
------------------------------------------------------------------------------------------
It was another tiring day for him. Another tiring, stressful
and unnecessary day. As usual.
Walking along the university exit gates, his eyes darted from
side-to-side, staring intently on everyone’s faces, taking precautions not to
be caught by anyone.
But anyhow, kahit mahuli siya ng kahit sinong titingnan niya,
hindi niya ito iiwasan. Titingnan lang niya itong maiigi sa mata at saka
yuyukong kaunti. Sa paraang siya lang ang nakaka-alam, biglang iiwas ang taong
ito ng tingin, na tila naaligaga at natakot.
And however it may sound rude, those occasions gave made him
feel HE is above them. That’s the reality for him, HE IS RUDE, VERY RUDE.
‘Yun na ang naging hobby niya simula ng mag-college siya, ang
pagtawanan ang lahat ng bagay na abot ng kanyang mata at pagmasdan ang buong
paligid niya ng may pagtataka, pagtataka kung paanong naaatim ng mga babaeng
nadaaan niyang paliguan ng foundation ang mga mukha nila gayong ilang minuto
lang rin ay mabubura iyon.
“...Napakaliit mag-isip, kung ayaw nilang magpawis at
maglangis, sana nagpatanggal na lang sila ng sweat at oil glands. Mag-iisip na
lang ng solution, short-term pa. But anyway, pera naman nila ‘yun, at karapatan
nilang gatusin ang pera nila sa paraang gusto nila...”
Wala siyang pakialam kahit na for three years of his college
life eh wala siyang naging malapit na kaibigan, except sa mga pagkakataong
nakikita niya ang ilan niyang high school friends niya. Maski mga kaklase niya,
kinakausap lang niya kapag KAILANGAN lang niyang makipag-usap sa kanila, and
that is during group activities, sharings, at group projects. Makikipag-usap. Makikitawa.
Makikicooperate. Pero kapag napasa na ang dapat ipasa, babalik siya sa dati, sa
dating siya na tahimik at hindi papayag na titingnan mo siya, kahit sandali.
He then came along the machines where every student in his
campus were obliged to swipe their IDs. Labag man sa kalooban niyang makita ang
itsura niyang tingin niya eh abstract painting sa monitor na kakabit ng swipe
machine, wala siyang magagawa dahil ‘yun ang school rules. Kahit na minsan ay
naiisip niyang magwelga dahil sa tingin niya ay sa walang kapararakang swipe
machines at ornamental but useless parks napupunta ang ibinabayad nila sa
university niyang nagmamalaki-lakihan. Pero hanggang sa isip lang niya iyon,
iniisip na lang niyang kesa gawin niya iyon eh lumipat na lang siya ng school,
kesa sa maraming arteng welga at kung ano-ano pa. Pero hindi rin siya makalipat
dahil gusto ng mga relatives niyang nagpapa-aral sa kanya na doon siya
mag-aral. Kaya wala siyang nagawa kundi tanggaping kadalasan talaga’y madaling
madaya ang maraming tao sa bastang nakikita nila. That’s it. Tapos.
CHONG, CHRISTOPHER DE LARA
And once again, lalabas na naman siya sa eskuwelahang iyon ng
mag-isa, nananahimik, at nagtatanong kung anong klaseng sense ng humanity meron
ang mga taong nakalapigid sa kanya.
Kahit na ng dumating si Jenilyn, dati niyang high school
classmate, at saka nag-aral sa parehong university, hindi pa rin niya lubusang
nagustuhan ang ideyang may makakasama na siya araw-araw sa campus. Noong una’y
nagustuhan niya ito, sobrang saya pa nga niya ng malaman niyang magiging
kaklase niya si Jenilyn. Pero ng nagtagal, nagsawa siya. Naging parang tinik sa
lalamunan niya ang bawat pagsasabay nila sa jeep ni Jenilyn, lalo na ang mga
pag-uusap nilang kailangan niyang isustain hanggang makarating sila sa bababaan
nila. Nailulusot naman niyang magkaroon ng pag-uusapan, sa pamamagitan ng mga
bagay na bumagabag sa isipan niya sa loob ng tatlong taon at sa mga taong
nakakabwisit, nakakainis, at puno ng bad manners, mga bagay na ayaw niyang
pag-usapan. It also has become his habit to look at everything in two manners:
the good one and the bad one. The good can do bad effects, as much as the bad
can do good effects. At hindi niya magagawa iyon kung nakapaligid siya sa mga
taong one-sided kung mag-isip. For three years, he’d been very careful para
hindi mabasa ninuman ang laman ng isip niya.
...Very careful not for other people to know how paranoid and
ruminative he was...
Kahit na alam niyang masasaktan ang isa sa kaibigan niyang
iniingatan, naiisip pa rin niyang sabihin kay Jenilyn na ayaw na nitong
makisabay sa dalaga. Pero tiniis lang niya iyon, hanggang sa si Jenilyn na
mismo ang kumalas. Eventually, the girl has found her new friends. Para kay
Chong, oo, masakit. She used to be her closest friend in the campus, only to
discover na may iba na itong mga kasama. Pero masasakal naman siya kung sasama
pa rin siya kay Jenilyn. Mamimiss man niya si Jenilyn, pero mas mamimiss niya
ang mga pagkakataong mag-isa at dahan-dahan siyang naglalakad sa campus habang
nag-iisip kung bakit muling hinalal ng ang mga artistang ginawang family
business ang paninilbihan sa mga tao.
“...Kahit kailan hindi mo makakahawan ng buo ang isang
tao...” madalas niyang sinasabi.
Pero all of those things, were shattered nang dumating sa
buhay niya si Carl. Carl Alfonse Santiago. Once again, he just found himself
slipping into small occasions of carelessness. Dati maski ang humarang sa
dadaan ng ibang tao ay iiwasan niya. He will make sure that makaka-iiwas muna
siya bago makabangga ang sinumang nasa dadaan niya. Pero ngayon, hindi na lang
‘yun ang nagagawa niya, maski ang sumigaw in public at gumawa ng eksena
natikman na niya.
At ayaw niyang umabot ‘yun sa pagkakataong puro mali na lang
ang magagawa niya.
“...Kailan kaya ako lulubayan ng taong ‘yun? Kailan kaya niya
marerealize na naghahabol siya sa wala. At saka bakit niya ako hinahabol?
Hanggang ngayon, ako na lalaki? Dapat hindi na tumagal ng isang buwan ‘to.
Akala ko agad-agad lulubayan na niya ako...”
He then stepped on the feet of a muscular man carrying bags
full of fruits, while walking along the crowd in the market.
“Sorry po, sorry po ulit, sorry po talaga...” ang sabi niya
habang nayuyuko ng konti sa hiya.
Yumuko na lang rin ng konti ang lalaki to acknowledge his
sorry. Pinulot nito ang basket na nahulog at saka nagpatuloy maglakad. Habang
tinitingnan ang lalaking nakabangga niya, he then noticed a green van behind
him.
“...Nakita ng dinadaan ng maraming tao ‘tong daan, dito pa
sumabay. Kung tingin man niya ay shortcut ‘to, hindi ba niya naisip na
lumalamon din ng gasolina ‘yang pagtirik niya sa gitna ng daan...”
Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad, though alam niya kung
anong pwedeng mangyari. At dahil isa siyang paranoid, aware siya sa mga
kwentong may mga van na nangunguha na lang basta-basta ng tao, para ibenta ang
internal organs o para gahasain. Dahil hindi naman siya ang tipong lalaking
nanainsing gahasain ng kahit sinong lalaki, naisip niyang kung kukunin man siya
ng van na iyon, ‘yun ay para ibenta ang internal organ niya...
“...Ang paranoid mo...” nasabi niya sa sarili niya. Pero
iniready pa rin niya ang naisip niyang dapat gawin.
And then, all of a sudden, someone grabbed him by the head,
covered his mouth, and dragged him to a vehicle. Dali-daling tinakpan ng kung
ano mang tela ng lalaki ang mata niya. Pero despite that, parang may kakaiba
siyang naramdaman.
True, he is a very careful. A VERY CAREFUL MAN. He spent his
matured life not letting his mind hurt and freak out anyone. But he knows that
sometimes, he needs to be CARELESS. And he thinks, that time is now.
“...As you know mister, maraming nakakita sa ginawa niyo. At
gusto ko lang malaman niyo na nahulog ang ID ko sa daan. Kung hindi pa ‘yan
sapat gusto ko lang malaman niyo na alam ko ang plate number niyo: QDS-627
right? And finally, isinulat ko ‘yun sa isang kapirasong papel at ang papel na
iyon ay kasamang nahulog ng ID ko...”
Hinawakan sa mukha ang taong nasa tabi niya. Saka niya ito
binulungan...
“...Ngayon, kung itutuloy niyo ang plano niyo, gusto ko lang sabihin na
hindi ako natatakot mamatay. Ang ikinatatakot ko lang, eh baka kayo ang
HINDI...”
...Itutuloy...
ang gulo.....hehehe
ReplyDeleteSaan po kayo naguluhan? Doon po ba sa dulo na naiba 'yung narration style? Oh sa buong istorya XD?
ReplyDeleteMukhang light ang story dahil may mga eksena na malakomedya ang atake lalo na sa part ni fonse at aaminin ko natatawa/tuwaa ako madalas. Pero sa part ni chong, hindi ko xa maintindihan., siguro dahil napakalalim nia at napakatalino, idagdag mo pa ang napakamisteryoso nia. Gusto kong malaman, anong dahilan bkit di nia magawa o kayang suklian ang pag.ibig ni fonse. Bakit nia dapat pigilan ang pag.ibig nia kay fonse? At ano ang mga lihim sa likod ng kilos nia sa misteryosong pagkatao nia?
ReplyDeleteKudos author. Enjoy akong basahin ang likha mo.
-silent reader
sana po mabilis ang update ng story na ito...gusto ko talaga 'to...
ReplyDeleteOkay lang yun Author! Basta tapusin mo lang ito kasi sobrang ganda eh. Good luck!
ReplyDeleteAyoko naman po ganon...Para kang nagserve ng fetuccini sa isang dyrayo dating 2010...XD JOke.
Deletemgulo ng kunti,mtgal kc bgo sundn
ReplyDeleteOuch...XD Pero naintindihan ko rin naman, Ako rin naman may kasalanan.
Deleteoo nga magulo masiado ung story,., maraming extra words/expression/ na di nman kayangan,., pti minsan di mo na alam kung sino ung nagsasalita,., hahaha,., pti sana maraming kilig part pa,.,. hahaha,., ang tgal pa kasi bumigay ni chong,., hahahaha
ReplyDeleteSa mga extra words and expressions, actually, nagmumula 'yung humor ng kwento. Sa tingin ko hindi maging nakakalito 'yung kwento kung babasahin siya ng buo, though I must admit na nakakapagod 'yun at di kakayanin ng isang karaniwang reader. XD
DeleteI'm actually trying to narrate the succeeding chapter sa third person point of view, kaso natatakot akong nawala 'yung comedy ng kwento. Pero I'll post it anyway, mamaya na siguro, para makita ko na rin kung magulo pa rin...
At kapag magulo pa rin, papasabugin ko na 'tong laptop ko...
Joke lang XD
hindi naman magulo sa pagbasa ko, at na expect ko ung POV ni chong after nung plina plano ni fonse
ReplyDelete