Followers

Sunday, May 26, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory chapter 14

written by: Tzekai


PASENSYA NA PO KUNG NATAGALAN ;)) INUUNA KO KASI ANG POSTING NITO SA WATTPAD PARA HINDI NA AKO MAHIRAPAN ;))

Hwag Po mahiya mag owan ng comments ;))



KEViN BALOT as PRUE



ARDiE as KREYD






 TEEJAY as POPOY
________________________________________________________________
_________

Prue's POV
Hay nakoo! Last week was very stressful week! Buti na lang talaga at nakaligtas ako sa suspension na yan! And lucky me,may mga kaibigan akong handa ako ipagtanggol.
And that Venus girl? Grabe lang huh? Hindi ko nga sya kilala,name pa lang nya pang Dyosa na pero bakit kailangan nyang mainsecure sa akin? Sabi ko na nga ba talagang nag uumapaw ang kagandahan ko eh haha!
Kidding aside,I have to be prepared,baka maulit na naman yon,ayoko pa maaga mategi noh? Bakit kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon? Simple at tahimik na buhay lang naman ang bet ko,ewan ko ba,uso na talaga ata ngayon ang ganyan.
And so now,Im on my way to school. Kailangan ko mag commute,wala pa kaming bagong driver eh.
Ng makarating sa school ay may 20 minutes vacant pa ako bago ang una kong klase. Minabuti ko munang maupo sa isang bench sa tabi ng Gymnasium ng school at mag isip sa mga nangyayari sa akin.
Naisip ko si Popoy. Hay grabe,lakas talaga ng tama ko sa isang yon,kung hindi lang masama magtapat sa kaibigan eh ginawa ko na hahaha! Lalo na nung sinundo nya ako kina Kreyd,Kilig much ang lola nyo eh wahihi!
Kaya lang kasi naman si Kreyd eh,hindi na din ako matahimik mula nung umamin sya na gusto nya ako,ewan parang ang awkward din talaga pag andyan sya at si Popoy.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit may mga bagay akong nararamdaman at nararanasan kay Kreyd na hindi ko nararamdaman kay Popoy? Pero sigurado akong gusto ko si Popoy, posible ba yon? Hayst! Ang mga lalaki talaga ang sakit sa ulo.
Tiningnan ko relo ko,malapit na first subject namin kaya gumayak na ako papunta sa department bldg namin,alam ko nandun na ang mga bruhilda.
Syempre ng makarating sa room naglakad akong parang beauty Queen na walang nangyari last week,as expected naglapitan ang mga bruhilda.
Ngunit bago pa bumuka ang kanilang mga madadaldal na bibig ay pumasok ang Prof namin,kita ko pa pano napahagikgik si Coop sa upuan nya hahaha!
"Okay Class,next week na ang acquaintance,bilang mga freshmen lahat gusto ko umattend,wala naman sigurong rason para hindi umattend diba?" sabi ng Prof namin na adviser din namin.
Nagdiwang naman ang mga classmates ko.
"Maam pwede bang outsider ang ka date?" tanong ng isa kong classmate.
"Im sorry pero hindi pwede.Pero pwede ang ibang college department" sagot ni Maam.
Ano ba yan! Gusto ko pa naman na si Popoy ang date ko,hmp!
"I'll be distributing the invitation card by friday,pinag uusapan pa kasi kung saan ang venue,since nagsawa na din si Mr.Chancellor na dito yon sa school ginaganap" pagpapatuloy ni Maam.
Kanya kanya ng tsikahan ang lahat,ako naman napapaisip na naman,hayst! Pero pwede naman sigurong walang ka date diba? Tama ganun na lang ^_^
Breaktime na,sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria,ng makapag order ay naupo na kami,sakto naman ang pagdating ni Kreyd at Art na ubod ng tamis ang ngiti,nagmanly hug pa sila nina Coop.
"Art,order ka na ng pagkain natin" ani Kreyd,tinitingnan ko lang sya.
"Bakit ako?" reklamo ni Art.
"Para masaya,huwag ka ngang ano,libre naman kita eh! Gawin mo na yung hokage move mo sa pila" naka ngising sagot ni Kreyd. Ewan ko huh? Nung tinitingnan ko si Kreyd parang may nakikita ako sa paligid na mga puso. Luh?! Ang weird! Tse!
"Pambihira! Sige saglit" anito Art at umalis matapos bigyan ni Kreyd ng pera. Wow huh? Galante ang mamaw.
"Kamusta naman Kreyd? Nasan yung classmate mong Venus?" ani Paige.
"Hindi sya pumasok sa 1st subject namin eh" sagot ni Kreyd saka tumingin sakin at kumindat.
Aba't! Pakyut pa ang mokong!
"Huwag lang sya papakita" ani Phoebe.
"Tumpak" segunda ni Piper.
"Naku girls! Huwag muna natin pag usapan yan,nakakahiya naman sa akin diba?" singit ko sa usapan,sakto nakabalik na si Art dala ang pagkain nila ni Kreyd.
"Next week na pala acquaintance noh?" ani Art habang ngumangasab. Balahura hahaha!
"About that,uhm Phoebe pwedeng ikaw ang date ko?" nahihiyang sabi ni Coop bago ito kumain.
"Sure!" maligalig na sagot ng kaibigan ko.Halos mag hugis puso na ang mga mata.
"Nakakaloka! Hindi man lang nagpakipot friend?" buska ni Paige na ikinatawa namin. Natutuwa talaga ako sa tropahang nabuo namin.
"Piper ikaw date ko pwede?" ani Art.
"Hmm sige" sagot ni Piper at ngumiti.
Teka nga? Bakit ganun?
"Naku ha? Dito talaga kayo nag yayaan? Nakakahiya naman sa akin,wala ako date" naka nguso na reklamo ni Paige.
"Huwag ka nga maarti friend,ako din naman wala!" sagot ko dito saka kumain ulit.
"Sinong nagsabing wala? Ako ang date mo sa acquaintance no?" naka ngising sabi ni Kreyd.
Napakurap ako ng 1 billion times O.O
"Seryoso ka?" tanong ko,saka tiningnan mga kasama namin na mga naka ngisi na. Anong meron?
"Im dead serious Prue,diba nga nanliligaw ako sayo?" sagot nito.
"Kyaaaaaahhhh! Gandaaa mooo!!" kinikilig na sabi ni Paige sabay hampas sa akin ng malakas,nasa dulo pa naman ako ng silya kaya nalaglag ako.
>_<
"Gaga ka! OA mo kiligin ah?!" sabi ko sabay tayo at balik sa pagkaka upo.
Nagtawanan lang ang mga impakto!
"Sorry friend! Kinilig lang" ani Paige na todo ngisi.
"Tse! Sikaran kita dyan eh" inis kong sabi. Sakit sa pwet ah? Ang balakang ko parang nadislocate huhu.
"Basta Prue ah? Ako date mo sa acquaintance" naka ngiting sabi naman ni Kreyd. Sasagot na sana ako ng biglang may naramdaman akong bumuhos sa akin.
Malagkit! Soda!
"Venus!" sabay na sabi ni Kreyd at Art na nanlaki ang mata,maging ang tropa nabigla,ako man ay hindi agad nakagalaw.
"Oh! Im sorry,akala ko trash can" dinig kong sabi nito. Nilingon ko sya. Tinaasan lang nya ako ng kilay. Nakita kong tatayo na sana ang kambal at si Paige para sugurin sya ngunit nauna akong tumayo at hinarap ang Venus na to.
"Excuse me? Who are you to do that to me?" inis kong sabi.
"You dont know me? Well,darling,Im Venus Dela Vega" mataray nitong sagot. Nagtayuan na ang tropa,si Art pinipigilan si Piper,si Coop kay Phoebe at si Kreyd kay Paige.
"Venus ano ba? Anong problema mo?!" singhal ni Kreyd dito. Ngayon talagang agaw eksena na kami,nakatingin na sa amin ang lahat.
"Makakarating to kay Mr.Chancelor Venus" banta ni Art.
"Problema? Wala naman,hindi ko lang gustong umaaligid kay Kreyd ang BAKLANG yan, and Go on Artemis,mag sumbong ka,the hell I care" matapang na sagot nung Venus,nag init na lalo ang ulo ko.
Umaaligid ako kay Kreyd? Edi obvious na nagagalit sya dahil kay Kreyd? Mga babae nga naman.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Kreyd,ngunit hindi na naka sagot si Venus dahil kinwelyuhan ko sya at itinulak ng mabilisan sa pader,nanlaki ang mata nito at napa aray sa pagkaka salampak ng likod nya sa pader.
Dinig ko pang napa "Oh" ang mga tao sa canteen.
"Alam mo hindi kita kilala eh,ni hindi ko nga alam na nag e-exist ka pala,pero para sabihin ko sayo,hindi ako umaaligid kay Kreyd! You want him?! He is all yours and I dont even give a damn,bitch!" gigil kong sabi at lalo ko sya binalya sa pader,namutla sya,ako man ay nabigla sa ginawa ko,nakalimutan kong bakla pala ako.
Agad ko syang binitawan ng marahas at tumalikod,walang lingon likod na lumabas ng cafeteria. Nabubuwisit kasi ako.
"How dare you?! Hindi pa tayo tapos! Magbabayad ka! Lalo mo akong ginalit!" sigaw ni Venus na nanggigilaiti.
Tumigil ako sa paglakad at hinarap uli sya.
"Do it! Excited na ako,and you know what? My middle finger salute you!" sabi ko at muling tumalikod ngunit naramdaman kong hinablot nya buhok ko,saglit lang yon dahil napabitaw sya,pag lingon ko sinasampal na siya ni Piper habang hawak ni Paige at Phoebe ang magkabila nyang kamay.
Napailing na nakangiti ako,panigurado sa descipline office or kay Mr.Chancellor na naman ang bagsak namin.
Nagmadali na ako maglakad dahil nanlalagkit na ako,gusto ko muna umuwi.
Nadinig ko ang boses ni Kreyd na tinatawag ako ngunit hindi ako huminto sa paglalakad. Ngayon pa lang kailangan ko na iwasan ang lalaking to.


11 comments:

  1. I Like the flow of the story Author! Nakakatawa yung alitan nila Prue at Venus. MOre power Author! Next chapter na please! Hahaha. Thanks!

    -K

    ReplyDelete
  2. Minsan na nga lang sumaya ang mga gay na gaya natin eh, mai-insecure pa ang mga BABAE?

    Suntukan dapat! Haha.
    Ang ganda ng awayan na 'to. Umaatikabong aksyon.
    Lalo tuloy hahaba ang hair ni Prudencio. Hahabulin siya ni Kreyd, kahit lumayo pa siya.

    I love it!
    (sana happy ending naman)

    /YEOJ

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeoj hehe malayo pa naman ang ending :3

      Delete
  3. Ang tagal ko hinintay ang ikli nmn!!nice author love the story..

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha pasensya na,yan lang kinaya ng utak ko,tatlo kase gnagawa kong story,natutuyot ako haha

      Delete
  4. Hahah anu Ka ngaun VENUS Dyosa ng KGNDHAN p-ero ang UGALI BASURA..hahah ..GoGoGo! PRUE!!!....nun b yn ang comlcted ng love story..haha kinikilig tuloy aq ky Kreyd..Mr. Author favor nmn mgpost nmn po kau ng Image for d characters..hehehe..tnx a lot..

    Aqua_17

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha mr.ka dyan ladlad na beki po ako,uhm sige try ko po hanapan sila ng image :)

      Delete
  5. BONGGA !!! hahhahah . naa eexcite na ako sa susunod na chapter . DAMN ! xD sana mabilis ang update tsaka mahaba po ang next . SHLAMATS ! lablab :* hahha. God Bless You !

    ReplyDelete
  6. Ganda ng picture ni prue. Go go go prudencio wag ka paaapi. Thanks tzekai sa update kahit medyo tumagal sulit naman.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  7. Hahaha tzekai, gusto q yung moves ni prudencio.. kahit bakla palaban, bunganga plng ano.. ahahaha naiimagine q tuloy ang fighting scene, kng ako kay prue nako pinatikman q n yung impaktang venus na yan na walang patawad na kamao de pichakorno! Letse lang panira yang venus na yan..




    #EjLim of Davao

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails