Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Woohoo!!! Ang bilis ng update,
aminin niyo ‘yan. Kaso medyo minadali ko, kaya siguro maraming typo and grammar
errors. Ichecheck ko na lang pagkapost at saka ko na lang babaguhin pagkatapos.
Sabihin niyo lang kung magulo, at kung magulo nga, ipafine-tune ko muna ang
utak ko... XDXDXDXDX...
------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 16
“...As you know mister, maraming nakakita sa ginawa niyo. At
gusto ko lang malaman niyo na nahulog ang ID ko sa daan. Kung hindi pa ‘yan sapat
gusto ko lang malaman niyo rin na alam ko ang plate number niyo: QDS-627 right?
And finally, isinulat ko ‘yun sa isang kapirasong papel at ang papel na iyon ay
kasamang nahulog ng ID ko...”
Hinawakan niya sa mukha ang taong nasa tabi niya. Saka niya ito
binulungan...
"...At kung ang gusto niyo
talaga eh patayin ako, sige lang, wala akong paki. Hindi ako natatakot na
mamatay..." ang sabi niyang kalmante, parang karaniwan niyang paglalakad
sa paligid ng campus habang nagmumuni-muni.
"...Ang ikinatatakot ko lang,
eh, baka kayo ang HINDI..."
Pero hindi natakot ang lalaking
iyon sa mga sinabi niya. Infact, halos matawa pa ito, nangingiti-ngiti at
naweirdohan sa pagiging paranoid niya. Naisip na nga niya sana na humagalpak sa
tawa pagkatapos niyang maisakatuparan ang plano, pero pagkatapos ng naging
reaksiyon ni Chong, wala siyang magawa kundi tingnan itong puno na pagdududa at
ngumisi, habang pisil-pisil ni Chong ang magkabila niyang pisngi.
"...tao talagang 'to, oo. Ano naman sa tingin niya ang gagawin ko sa
laman loob niya..."
And there was a moment of silence.
Walang ibang narinig kundi ang unti-unting lumalalim na paghinga ni Chong...
"Teka nga..." Unti-unting
nawala ang angil sa mukha ni Chong kanina, saka niya kinapa ang mukha ng
lalaking hawak niya, ang ilong nitong narealize niyang napakatangos, ang mga
labi niyang maninipis at napakalambot, ang mga mata nitong singkit, maski ang
buhok nitong sobrang lagkit at dikit na halos sumabit na ang mga daliri niya
dito. He rummaged all of it. Parang nilamutak na pansit habhab to the point na
napapapunas na ang lalaki dahil sa wax nitong napunta sa kanyang ilong.
He then came to a conclusion na
hindi niya inakalang magaganap: kilala niya ang lalaking bigla na lang siyang
hinablot sa kalagitnaan ng daan...
Humahagikgik na sa tawa ang kaharap
niya kahit na halos magkapalit na ang kanyang ilong at mga mata sa
napaka-caressing na mga haplos ni Chong...
"...AL-FONSE..." ang sabi
ni Chong na nanggagalaiti. At kapag nanggagalaiti siya, he makes it a point na
may lalandingan ang impulse mula sa utak niyang nagsasabing kailangan niyang
manapak. Most of the time, bagay lang ang pinagdidiskitahan niya.
But this time, lumanding ito sa
tiyan ni Fonse.
Biglang napa-igtad sa sakit si
Alfonse halos mapabuga ito ng dugong may kasamang plema at bone marrow, kasama
ang ilang love cells niyang nakaloko na ng maraming babae. Pero joke lang iyon.
"ANG SAKIT NUN HA!!!"
Maubo-ubo si Fonse sa tapik ni Chong, kung tapik nga lang ba ang tawag doon.
Pero wala siyang magawa kundi hawakan ang kanyang tiyan ng ubod higpit at
sumigaw.
Habang nagkakagulo sila Chong at
Fonse sa likod ng van, ngumingiti-ngiti ng may kasamang mahinang hagikgik ang
driver nitong unti-unting pinagduduhan ang sinabi ng kanyang amo na may
sisingilin lang siya kay Chong, kaya nila ito kukunin sa gitna ng daan at saka
tuturuan ng leksiyon.
Ngayon nga lang niya nalaman na ang
friendly palang maningil ng amo niyang si Fonse.
"...Malamang, kailan ba naging
masarap sa pakiramdam ang suntok?" saka tinanggal ni Chong ang telang nakatakip
sa mga mata niya. "...At pwede ba sa susunod na palalabasin mong
kikidnapin mo ako, gawin mo pang mas makatotohan kaysa dito. Hindi 'yung
magpapahawak ka sa mukha only to find out na 'yung kidnapper mo, eh, may mas
makinis pa ang balat at mas mukha pang mayaman kesa sa'yo. Ano 'yun, goons na
nagpapa-facial kada sampung minuto?"
Natigilan si Fonse at tinitigan
lang si Chong sa mukha. "...Seryoso
ba talaga 'tong taong ito at inakala niyang kukunin ko ang laman loob
niya..." The thought made him crack a smirk. Hanggang sa unti-unti
itong naging ngiti na nabakas sa labi niya. Maski mga mata niya ay sumabay at
lalong naningkit. Even his eyebrows twisted dahil nawiweirdohan na naman siya
kay Chong.
Pero walang nagbago sa reaksiyon ng
lalaking 'kinidnap' niya. Seryoso pa rin itong nakatitig kay Fonse at halos
habulin ang kanyang hininga. Droplets of sweat formed around his forehead and
lips. Maski ang balat nitong kayumanggi ay mistulang tinakasan ng kulay.
Humagalpak sa tawa si Fonse to the
point na 'yun na lang ang narinig sa buong van.
"Sino 'yung tumatawang 'yun?
Parang tunog demonyo..." sabi ng isang takatak boy na nadaanan ng van nila
Fonse...pero ngayo'y halos isang kilometro na ang layo sa kanila.
Maski sa kasuluk-sulukan ng eardrum
ni Chong, sumigid ang halaklak na iyon ni Fonse. Pero alam niya ang remedyo
dito para tumigil si Fonse, alam na alam niya. Unti-unti niyang iniyuko ang
kanyang ulo, at kasabay noon ang pagtalim ng kanyang mga tingin. Saka siya
ngumiti, na halos pa-angil, na parang lalamunin ng buo ang lalaking nasa harap
niya.
Nabulunan sa kakatawa si Fonse ng
makita niya ang titig ni Chong...
"...eh hindi ko naman kasi
talaga gustong palabasin na kinidnap kita eh. Ikaw lang naman 'tong paranoid na
kung ano-ano ang pinagiisip-isip..." saka siya humagikgik ng kaunti.
"...kung alam mo lang kung gaanong kagusto ko ng tumawa kanina, HAHA! May
nalalaman ka pang inihulog mo 'yung ID mo at isinulat mo sa kapirasong papel
'yung plate number namin, kung hindi mo lang nahalata na ako 'to, baka sineryoso
ko na 'yun eh...HAHAHAHA!!!" Saka uli siya tumatawa ng tumawa na pati
ngala-ngala nito ay kita na...
Unti-unting nawala ang sarkastikong
ngiti ni Chong at ang balat ay lalo pang namutla. Pero hindi nawala ang
pailalim niyang sulyap.
"HAHAHAHAHAH...WAHAHAHA...HANEP!!!"
Saka siya tumingin kay Chong at
nakita na naman niya ang pailalim ng titig nito.
At muli, nabulunan si Fonse.
"Sandali nga, hmmmm, tama
'yung binigay mong plate number ah, QDS-627, hindi ba Ronnie?" saka niya
tinapik sa balikat ang driver ng van.
"...Yes, boss..."
pagtango nito sabay pagtingin sa salamin. Sumalubong sa kanya ang ubod ng talim
na tingin ni Chong. Pero wala siyang nagawa kundi kunwari'y ayusin sa dati
nitong ayos ang salamin, at iwasan ang tingin ni Chong, na parang tingin ni Sadako
o ng asawa niya kapag nahuhuli siya nitong nambababae.
"...Grabe namang tumingin 'tong taong ito, akala mo lalamon ng
tao..."
"Tapos sabi mo inihulog mo
'yung ID mo? Nagbibiro ka lang nun 'no. Ang lakas mong makapanakot. Baka mamaya
kung talagang kinidnap ka, baka inihulog ka na lang sa tulay ng mga kidnapper
mo dahil naaligaga sila sa panakot...”
saka siya natigilan at tiningnan si Chong, particularly sa leeg nito, sa
kanyang polo. Ibinaba niya ng paunti-unti ang kanyang tingin hanggang sa
marating niya ang huling butones ng uniform ni Chong. He then realized na wala
ang bagay na tinutukoy niya.
Wala sa leeg ni Chong ang ID nito.
Napatanga siyang nakatingin kay
Chong. “...Teka, seryoso...kang...inihulog mo ‘yung ID mo sa...DAAN?” Nanlaki
ang mga singkit niyang mata.
Tiningnan lang siya ni Chong,
tiningnan na parang gusto siyang ilibing ng buhay.
“Teka, baka nasa bag lang naman niya, baka mamaya nananakot lang naman
siya...” sabi ni Fonse sa kanyang sarili, habang nakatanga pa rin kay
Chong. He just can’t process the thought na seryosong inihulog ni Chong ang ID nito sa daan para
matrace kung saan siya dadalhin ng mga ‘kidnappers’ kuno nito.
“Sandali baka nasa bag mo ‘yung ID
mo, nagjojoke ka lang diba?” seryoso niyang tanong, saka niya tiningnan ang gray
bag ni Chong. Wala siyang nakita kundi ang mga kamao ni Chong na nakakuyom
kasama ng tela ng bag.
Tiningnan uli ni Fonse si Chong,
pero tiningnan lang siya uli ni Chong, tiningnan na parang gusto siyang ipakain
sa mga leon sa Manila Zoo...
“Ini...hu...log...mo...talaga?” ang
halos mapangiwi niyang tanong.
Inirapan lang siya ni Chong, irap
na may kasamang laser beam, at saka tumingin sa tinted na bintana ng van.
Unti-unting napangiti si Fonse.
“WAHAHAHAHAH!!!!!! WAHAHAHAHAH!!!”
halos mapatid ang hininga niya sa kakatawa. All the while, inakala lang niyang
nanakot si Chong, na nagbabasakali lang itong matakot ang mga ‘kidnappers’ nito
at pakawalan siya, na kunwari’y inihulog lang niya ang ID niya...
...Pero nagkamali siya, seryoso
pala si Chong, sa pag-aakalang kikidnapin siya...
“WAHAHAHAHAH!!! WAHAHAHAHA!!!”
At muling itinuon ni Chong sa kanya
ang pailalim nitong titig, na may kasamang laser beam.
Biglang tumigil si Fonse sa
pagtawa...sa pagtawang halos makita na ang esophagus niya.
“Eh sa tingin mo, anong dapat
isipin ng isang taong kinuha at hinila papunta sa loob ng isang van, SA GITNA
NG MARAMING TAO? Dapat niya bang isipin na may children’s party sa loob ng van
at kailangan niyang magpakasaya? Syempre iisipin niyang may masamang balak sa
kanya ‘yung mga taong kumuha sa kanya, lalo na hindi siya familiar sa van. Ni
hindi niyo man lang ako kina-usap ng maayos para sumama sa inyo. Pagkatapos mo
akong hilain sa loob ng van at takpan ang mga mata ko, gusto mong isipin ko na
ang huling pwedeng mangyari ay kikidnapin ako? Kinikalawang na ba ang mga utak
niyo?” ang halos pasigaw nitong sabi. Maski ang driver ay nadadamay na sa
litanya ni Chong, at wala itong magawa kundi umiling dahil sa sobrang lakas ng
boses ni niya.
“Eh alam ko naman kasi na hindi ka
sasama sa akin kahit na kausapin at pakiusapan kita. Malamang habulin lang kita
hanggang makarating tayo sa Luneta...” paangas na sabi ni Fonse.
“Eh natural, bakit ako sasama sa
iyo eh alam ko na namang mga walang kapararakang bagay lang 'yung gagawin mo?
Ang dami kong problema, ang dami kong projects na tatapusin mag-isa, tapos
ine-expect mo akong sumama sa iyo, maglamyerda, at makipagla...” saka siya
natigil. Naalala niyang may tao palang labas sa usapan nila ang makaka-alam ng
pinaggagagawa nila kapag itinuloy niya ang sinasabi niya. Maski si Fonse ay
tiningnan niya, at inangilan lang siya nito. Kaya inassume niyang hindi nga
nalalaman ni Ronnie ang tungkol sa relasyon nila.
“...tapos ineexpect mo akong gumawa
ng wala? Ano ako, timang?” saka siya tumigil sandali para huminga, tila nawalan
ng hininga sa haba ng kanyang sinabi. “...Kaya pwede ba ipatigil mo na itong
sasakyan diyan sa kakontsaba mong driver at babalikan ko pa ‘yung ID ko na
iniwan ko sa palengke para sa isang walang kwentang bagay!!!” saka nito tinangkang
buksan ang van, pero walang nangyari.
Nakangiwi lang siyang tiningnan ni
Alfonse, habang inuubos ni Chong ang lakas niya mula sa ulam niyang chicken
roll kaninas a pagbubukas ng pinto ng van na may safety mechanism.
“...Chong, hindi magbubukas ‘tong
van habang umaandar...” saka niya kinuha ang Iphone niya, at pagkatapos
mai-unlock ito, ay nag-dial ng ilang numero. “...’Wag mo ng alalahanin ‘yung ID
mo, tatawag na lang ako ng tauhan para sila na ‘yung kumuha noon sa
palengke...”
“...No, thanks, ako na lang ang
maghahanap. Wala akong tiwala sa inyo dahil hindi naman sa inyo ‘yung gamit, at
sa parehong rason kaya duda akong mahahanap nila ‘yun. Kaya, if you’ll just
excuse me, ihinto niyo na ‘tong sasakyan para mabalikan ko na ‘yung ID ko at
ayaw ko na namang dagdagan ang kaban ng yaman ng university president natin sa
pagbabayad na naman ng 500 pesos para sa isang napakanipis na ID...” ang sabi
nito habang hatak-hatak pa rin ang handle ng pinto.
Nasa tainga pa rin ni Fonse ang
cellphone nito, at halos mapangiwi dahil sa tagal sumagot nang nasa kabilang
linya at sa kakatalak ni Chong. “...Ano ka ba? Kaya kitang bilhan ng sampung
ID, kung gusto mo isangdaan pa, eh. Basta ako ng bahala sa ID mo, magrelax ka
na lang diyan, okay...” saka nito idiniin lalo ang cellphone sa kanyang tainga
ng marinig na may sumagot na sa kabilang linya.
“...Sorry, dahil hindi ko kailangan
ng 100 ID, isa lang ang kailangan ko. Bakit, mukha bang isandaan ang leeg ko?
At makakakuha ako ng IISANG ID kahit walang tulong mo. Kaya pwede ba ipatigil
mo na ‘tong sasakyan diyan sa driver mo at ng makakababa na ako...”
“Shhh, wala akong marinig...” saka
siya sumenyas sa cellphone. “...Boy, pakihanap naman ng isang ID sa palengke,
malapit sa campus, sa may Juan Luna. Kapag nagtanong ka tungkol doon malamang
sabihin ng mga tao doon na kinuha ‘yung may-ari ng isang green na van,
tapos...”
“ILABAS NIYO AKO DITO!!!” ubod
lakas na sigaw ni Chong.
“...Shhh...” paangil pero pigil na
sabi ni Fonse. “’...yung pangalan sa ID, eh, Christopher Chong, may kasama
‘yung papel na may plate number nitong green na van...”
“’YUNG AMO, NIYO NANGIDNAP NG
INOSENTENG TAO!!!”
“...Chong...” Inilayo at tinakpan
ni Fonse ang speaker ng phone niya. “...magbayad na lang kayo para hindi na
mareport sa pulis, at kung ano mang balak na gawin ng mga tao doon, basta kayo
ng bahala, dapat walang maka-alam maski sila Mama...” saka niya tinapos ang
call. “Ang kulit mo talaga, ikaw na nga ‘tong tutulungan eh, para naman sa iyo
‘tong ginawa ko ah...Magrelax ka na lang
kasi diyan...”
“I refuse to accept. Mas marami pa
akong makabuluhang bagay na pwedeng gawin kesa umupo dito at maghintay sa
wala...” sabi nitong nakakunot ang noo at naka-cross arms.
Napabuntung-hininga na lang si
Fonse. “Diba sabi mo gusto mong magrelax, na gusto mong tumakas at makita ‘yung
papalubog na araw habang niyayakap ng bituin at ng dilim ‘yung langit...”
“..Wow, ang deep...” naisip ni Ronnie habang nagdadrive sa maluwag na
kalsada ng Makati. Ngayon, nalaman na niyang higit pa sa paniningil ang gagawin
ng boss niya kay Chong.
“...eto na nga diba, makakapagrelax
ka na sa pupuntahan natin, makakapagpahinga ka ng sandali. Hindi ka man
makapagermitanyo doon, at least, makakalimutan mo sandali ‘yung GDP ng
Pilipinas...”
Inirapan lang siya ni Chong, irap
na may kasamang laser beam at X-ray vision. “...Kaya kong magrelax habang
umuupo sa sofa namin at umiinom ng tsaa, kaya kong tingnan ‘yung mga bituin
habang tumitingin sa labas ng bintana namin, hindi ko na kailangan ng tulong mo
para magawa ko ‘yun...”
“Edi ba sabi mo, tulungan kita,
tapos ngayon uurong ka. Tsaka iba ‘to, basta kapag nakita mo na, hindi ka
magsisi, hindi ko sasayangin 'yung oras mo para talakan mo ako habang buhay na
walang kwentang lugar 'yung pupuntahan natin...” sinsero nitong pakikiusap kay
Chong, na nanatili pa ring yakap ang steel shield na mula pa sa Roman Empire at
pilit na isinasampal kay Fonse.
“Ayoko, at nagjojoke lang ako nung
sinabi ko ‘yun sa’yo, hindi ko naman alam na seseryosohin mo ‘yun eh. Kaya
pwede ibaba niyo na ako...” Hatak-hatak pa rin niya ang handle ng pinto ng van.
“...Problema mo na iyon. Magjojoke
ka na lang kasi, ang seryoso pa ng mukha mo. Tsaka adik ka ba, nasa Makati na
tayo. Ilang sakay pa ang gagawin mo para makabalik doon sa pinanggalingan
natin...”
“...Wala akong paki, basta ang
importante, makaalis ako ngayon dito sa van na ito, ngayon din, at ng mareclaim
ko ang security at territory ko...”
Biglang napangiti si Fonse ng
maalala niya ang nakita niya kanina. “Kaya ka nagkakaganyan kasi nagkamali ka
ng inisip, kasi natakot ka ng walang dahilan. Sobrang takot mo 'no? Ang
paranoid mo kasi...Tingnan mo no, hanep magpawis ‘yung noo mo, hanggang ngayon
namumutla ka pa rin...” Saka ngumiti ng kaunti si Fonse.
Biglang napahugot ng panyo si Chong
sa kanyang bulsa at napapunas sa noo. “Eh sino ngang hindi matatakot sa ginawa
niyo? Paano kung totoong kidnapan na 'yun? Anong ine-expect niyong reaksiyon
ko, matuwa at magtutumbling dahil ipinaniwala niyo sa aking ngayon ang date of
death ko?” sarkastikong sagot ni Chong. “...eh kung sa’yo ko kaya gawin ‘yun,
kung ipahugot na lang kita isang araw paloob ng isang van, hindi ka kaya
matatakot para sa buhay mo?”
“Ang tapang-tapang ‘pag kinukulit ko, tapos natatakot naman pala para sa
buhay niya...” naisip ni Fonse. “...hindi mangyayari sa akin ‘yun, at kahit
na mangyari ‘yun, kahit na hindi ko iwan ang ID ko bilang palatandaan,
mahahanap at mahahanap nila akong buhay. Bago nila makuha ‘yung kidneys ko,
malamang nakaposas na ‘yung mga kamay nila...”
“...Kasi ikaw, mayaman ka, kaya
‘wag mong asahan na ‘yan rin ang maramdaman ko. Kaya pwede ba ibaba mo na ako
dito bago ko kunin ‘yang kidneys at intestines mo!!!”
“...Hindi nga pwede, gusto mo ibaba
na lang kung saan-saan? Eh, paano kung hindi lang kidnappers ang makita mo
kapag ko 'yun? Edi mas lalo kang natakot para sa buhay mo? Ang lapit-lapit na
nga lang ng pupuntahan natin saka ka pa bababa?”
“Wala nga akong pake!!! BASTA IBABA
NIYO AKO DITO!!!”
“Hindi nga pwede eh!!!”
“Magrereport talaga ako sa police
pagkatapos ng lahat ng ginawa mong ‘to!!!”
“Edi magreport ka, para namang
konting kalabit lang at bigay hindi bibigay ‘yung mga pulis na ‘yun...”
“...Bwisit talaga kayong mga
mayayaman. Kung makapag-power play kayo, wagas. Porke’t may pera kayo, akala
niyo lahat ng bagay at tao pwedeng bilhin. Anong tingin niyo sa mga taong hindi
niyo katulad, puppet na pwede niyong pasayawin kung kailan niyo gusto? PWES,
SINASABI KO NA NGAYON SA’YO, HINDI MO MAGAGAWA SA AKIN IYON!!!”
“...Hep, hep, stereotyping at
labelling ‘yan. Hindi lahat ng mayayaman ganon. Kami, hindi ganon, at mas
lalong ako, EH, HINDI GANON?”
“Well, your actions speak
otherwise. Napaka-immature mo, kulang na lang bumalik sa kindergarten!!!”
“Hindi nga ako ganoon eh!!!”
“Then prove it!!!”
“Kung ang gusto mo pababain kita
dito, puwes, hindi ko magagawa 'yu!!!”
“Then, you already admitted you’re
immature!!!”
“HINDI NGA!!! Bakit ba ang kulit
mo?”
“IMMATURE!!!’
“Ah...ser...”
“ANO!!!!!!” sabay na ubod lakas na
sigaw at nanlilisik na tingin nila Chong at Fonse sa unti-unting napapa-urong
na si Ronnie. Nanlaki ang mga mata nito at naging mailap sa kanya ang
breathable air. Halos mapalundag siya sa gulat at nerbiyos, akala niya'y
pagkasigaw nila'y wala na siyang ulo.
“...ah....ah...andito na po tayo sa
building...Ser” ang sabi nito sa puntong Bisaya, habang unti-unti nitong
hinihila ang umuurong nitong dila.
Nanatiling nanlilisik ang mga titig
nila Fonse at Chong kay Ronnie. Nahimasmasan na lang silang dalawa ng unti-unti
ng nagiging nagiging bato si Ronnie.
"...Ser...Fonse...diba dito po
tayo sa Company...Building...Ser..." aligagang sabi ni Ronnie. Sa halos
pitong taon niyang employment sa mga Santiago, ngayon lang siya nakatikim ng
ganoong sigaw, lalo na kay Fonse na kilalang laging cool, masayahin, at
carefree...
...mayabang nga lang...
Nagkatinginan na lamang sila Chong
at Fonse, at unti-unting nabakas sa labi nila ang isang ngiti, though
pinipiligilan ni Chong ang sa kanya dahil KJ siya.
“...napaka-matured mag-isip, parang matanda kung mangaral, tapos para
namang bata kung magtampo at magwala...” ang nangingiting sabi ni Fonse.
“kahit na immature at spoiled brat, medyo pasensiyoso pa rin. Kung ibang
tao ‘yun, malamang itinapon na ako sa daan dahil sa kulit ko. Kunsabagay,
nakatagal nga ng apat na buwan eh...” saka tinitigan lang ni Chong si
Fonse ng may maamong mga mata.
At kung gaano naging kabilis ang
hindi nila sinasadyang pagsulyap sa isa’t isa, siya rin namang bilis ng
pag-iwas nila dito.
“...Ser...”
Natauhan si Fonse. Nakatingin lang
siya sa tinted na bintana at parang tangang ngumingiting mag-isa, habang si
Ronnie ay tinitingnan lang siya.
Dahil sa pagkapahiya, naaligaga
siyang bumaba ng green van. “Patay tayo
nito, baka mahalata ni Ronnie!!!” He then hurriedly went to the other side
of the van, at pinagbuksan ng pinto si Chong.
Pagkabukas niya ng pinto, nakita
lang niya si Fonse na nakatulala sa harapan, kumukurap ng dahan-dahan at buong
pag-iingat, at nakakrus ang mga braso.
He immediately knew na
mahaba-habang pagpipilit na naman ang magaganap.
“...Ron, bili ka muna ng softdrinks
diyan, oh eto, keep the change...” saka kinuha ni Fonse ang kanyang wallet at
dumukot ng one thousand...DOLLARS...pero joke lang ‘yun.
At kahit na hindi talaga dollars
‘yun, nanlaki pa rin ang mga mata ni Chong. “...Grabe...softdrinks?
One thousand? Hindi kaya may golden pot of coins ‘to sa wallet niya...”
Saka napansin ni Chong, ang
keychain na nakasabit sa wallet ni Fonse, ang keychain na binigay niya noong
third monthsary nila ni Fonse...
...ang magnet keychain na ibinigay
niya para inisin si Fonse...
Napangisi na lang siyang tumingin
sa kabilang tinted window, sapat para hindi siya makita ni Fonse.
Napangiwi si Ronnie, “...Eh, ser...wala
pong tindahan dito. Malayo pa po ‘yung 7-Eleven dito. Maski po ‘yung mall sa kabilang block pa. Hindi
ko po pwedeng iwanan ‘yung kotse dito...”
Nabilaukan si Fonse, masyadong
halatang gusto lang niyang palayuin si Ronnie, at ang masama pa, parang nahalata pa niya ito mismo. “...Ah,
ganon ba?” mangiwi-ngiwing sagot niya. “...kahit mag-yosi ka na lang dun sa
parking lot, may mga takatak boys pa rin naman doon diba...”
Ngumiwi lang uli si Ronnie.
“...Ser, bawal po kaming manigarilyo. Kapag naamoy po sa vehicle, malilintikan
po kame...”
Nangingiti-ngiti na lang si Chong
sa usapan ng dalawa.
"...Ah, sige...pero pwede ka
munang bumaba sandali para maka-usap ko 'tong 'kinidnap' ko..." saka siya
tumingin kay Chong ng nakangiting aso.
Walang nagawa ang driver kundi
tumango at bumaba ng sasakyan. Saka siya tumayo malapit sa isang maliit na
poste na bumabakod sa gilid ng hagdan ng building.
Matapos makitang nakalayo na talaga
si Ronnie, saka humarap si Fonse kay Chong. Nananatili pa ring naka-krus ang
mga braso nito at matulis ang tingin.
...Parang walang balak na bumaba
mula sa sasakyang iyon...
"...Andito na tayo,
Chong..." saka ngumiti si Fonse ng ubod laki at ubod lambing habang lalong
naningkit ang mga mata niya. Pampacute.
"...Magugustuhan mo yung view dito kaya bilisan mo na, maggagabi na
oh..."
Nanatili lang sa pagkaka-upo at sa
dati niyang puwesto si Chong. Walang bisa ang pagpapacute ni Fonse.
Paangil na lang niyang inalis ang
matamis niyang ngiti. "...tao
talagang 'to, oo..."
Humingang malalim si Fonse at saka
sinubukan uling ngumiti. "Sige na, halika na..."
Tiningnan lang siyang patagilid ni
Chong. "...Fonse, I understand what you are trying to do. I know that you
just want to help me. Pero you do not have to do this, spending and arranging
things like this. What I need is beyond those..." saka niya kinalas sa
pagkakakrus ang kanyang braso at sinabayan ng kumpas ang kanyang sinasabi.
"...Naiintindihan kita na nararamdaman mo 'yung urge na kailangan mo akong
tulungan, dahil nga 'KARELASYON' kita, pero ako na mismo ang nagsasabi sa'yo,
hindi mo naman kailangang gawin 'yung mga ganito. Seryoso ako, ayokong isipin
mo na nagpapakipot lang ako at nagiinarte lang ako para lalo mo akong pilitin.
Ayoko talaga. Ngayon kung gusto mo talaga akong tulungan, balikan mo na ang
driver mo at ipahatid mo na lang ako sa bahay ko..."
Pero hindi natinag si Fonse. “...Hayysstt...Andito
na tayo ‘no...ngayon ka pa babalik...”
Unti-unti na namang nagdidilim ang
paningin ni Chong, paran unti-unting pagsecrete ng adrenal glands niya ng testosterone...
...He is feeling the urge of his
brain na may mapagbuntunan ng panggigigili niya...
“...saka sandali lang talaga tayo,
promise ko ‘yan sa’yo...tapos tutulungan rin kita sa estimates, eh ang dami
kayang engineer siyan sa loob ng building. Basta sumama ka na
lang...ARAYKUPO!!!” Biglang nangasim ang maamong mukha ni Fonse. Ang kanyang
mga mata ay lalong naningkit at halos hindi na makita. Daig pa niya ang
dinapuan ng diarrhea dahil sa sakit ng tiyan na wala siyang magawa kundi
himasin para maibsan ang sakit.
Kinarate chop na naman ni Chong si
Fonse sa tiyan.
“ANG SAKIT!!!” Nayuyuko-yuko na
siya habang hinihigpitan ang yakap sa tiyan.
Dali-daling bumaba si Chong mula sa
van na parang walang dinapuan ang mabibigat at nanggigigil niyang mga kamay.
Mabilis niyang inakyat ang mahabang hagdan sa harap niya, not minding the
200-meter building na nababalutan ng
salamin at halos kuminang dahil sa bayanad na sikat ng araw na inirereflect
nito.
“...bakit ba ang daming taong hindi nakaka-intindindi ng salitang HINDI? Anong lengguwahe ang gusto
niyang gamitin ko para maintindihan niya, MORDOR?...”
“...intindihin mo na lang, gusto lang naman makatulong ng tao, eh. Ang gusto
lang naman niya ay makapag-relax ka eh...Tingnan mo dinala ka pa sa isa sa
property nila. Bakit hindi ka na lang mag-enjoy, malay mo may surprise siya sa’yo?
Pagbigyan mo na, minsan mo lang naman ‘to mararanasan, eh...”
“...as if gusto ko ‘tong maranasan kung anong inihanda niya sa kung saang
lupalop man ng mundo. Anong naghihintay doon, DATE? Foolish, expensive, useless, time-wasting, fucking, cheesy DATES? TAPOS ANO? Madedepress na naman
ako dahil naghihintay na naman sa akin ang sangkaterbang gawain sa bahay? Busit,
busit na buhay ‘to!!!”
“...may katwiran diba, paano kung seryoso na talaga ‘yung lalaking ‘yan
sa pinaggagawa niya? Nakatagal na ng apat na buwan, paano kung tumagal ng mas
matagal pa?”
“...hindi ‘yan magtatagal. Hanggang isang taon lang iyan. Kapag tumagal
pa ng isang taon, kailangan ng matigil lahat ito ng isang taon...”
At tama kayo, lahat ng iyan ay
nagtalo-talo sa isapin lang ni Chong. Pero normal siyang tao, ganyan lang
talaga siya kapag humihithit ng kurbatang sinunog sa insenso. At ginagawa niya
iyon kada oras.
“...Ang sakit, ang sadista talaga
ng taong iyan...” Nakayukyok pa rin si Fonse dahil sa sakit ng tiyan niya. Halos
mapa-upo na rin siya sa upuan ng van. Pero deep in his mind, kinurot siya ng
tuwa. Kung bakit, siguro sadista na rin siya...
“Tingnan mo, kinarate akong dalawang beses, papayag sin pala...PAKIPOT!!!”
nasabi ni Fonse sa isip niya.
“BILISAN MO!!!” Halos nasa entrance
na ng building si Chong. Paika-ikang umakyat si Fonse sa hagdan, at ng halos
nakakalahati na niya ang mga steps nito, naglakad na naman si Chong ng buong
ingat, may pagtitimpi, at buong galang...
...may kasamang panggigigil nga
lang...
“Good afternoon, Sir...” bati ng
isang empleyado kay Fonse. Nagsisilabasan na ang mga empleyado sa building.
Friday noon, ang araw na ayon sa mga pag-aaral ay ang araw na least productive.
Kaya kahit hindi pa uwian, marami na sa mga empleyado ang nag-uwian.
Paika-ika at nangingiwi-ngiwi lang
silang tinanguan ni Chong.
Sumakay silang dalawa sa elevator.
Fonse then pressed the button leading to the roof deck.
At pagkatapos ng mga ingay na
nagawa ng pagpindot at ng kung ano pa man, wala ng nangibabaw sa loob ng
elevator kundi katahimikan.
Isang minutong katahimikan.
Hindi mapakaling hinihimas ni Fonse
ang tiyan niya, dala ng kirot na pangangareta ni Chong. Wala siyang magawa
kundi patagilid na tingnan si Chong habang hindi na rin mapakaling hinihimas
ang braso niya. Naisip niyang basagin ang katahimikang bumabalot sa kanila. “Kausapin ko na kaya, mukhang galit eh...eh
kaso baka sa mukha na ako makarate...”
Tatlong minutong katahimikan.
Sa pamamagitan ng reflective na
metal na harapan nila, nakita ni Fonse na katabi niya si Sadako, pero si Chong
pala iyon. Nakakrus ang mga braso nito at nakakunot ang noo, mga kilay, at
pagmumukha nito. Maski tingin nito’y nakakapaso. Nagulat na lang si Fonse ng
makita niyang umuusok na ang pintuan ng elevator. Pero joke lang iyon.
Limang minutong katahimikan.
“Ah...Chong...”
“SHUT UP!!!”
Sabi nga niya, dapat hindi na niya
binasag ang pwedeng mabasag at nanahimik na lang...
Pagkarating sa roof deck ay kaagad
na lumabas si Chong sa elevator. Hindi na niya hinintay si Fonse na makalabas,
kahit na medyo bumilis na ang lakad nito at hindi na iika-ika.
“...Akyat ka sa hagdan sa kaliwa...”
ang sabi ni Fonse ng marealize niyang hindi na niya mahahabol sa Chong sa
mahabang hallway na iyon. At narealize na iyon ng halos isang kilometro na ang
layo nila sa isa’t isa.
“ALAM KO!!!” Mula sa likuran ay
nakikita ni Fonse na nakakrus pa rin ang mga braso ni Chong. “Galit pa rin...tsk, tsk, tsk...”
“...Tingnan lang natin kung ganyan pa rin maging reaksiyon niya pag
nakita niya ang nasa taas...”
At saka lumiko si Chong sa kaliwa.
Dali-dali ng naglakad si Fonse,
kahit na ramdam pa rin niya ang sakit ng tiyan. He is excited, VERY EXCITED.
Kahit na halos pakaladkad na siyang naglalakad, wala siyang paki. “WOHOHOHO!!! Kasama ko na siya!!! Kasama ko
na siya!!! Sa first date pa namin!!!”
True, first date niya iyon, ayon sa
prinsipyong gusto niyang ipapaniwala sa sarili niya. Hindi naman daw date para
sa kanya ang pagkain nila ni Grace sa Sofitel dahil wala silang ginawa kundi
magkipag-usap...makipag-usap sa cellphone. Hindi rin naman daw date ang naganap
sa pagitan nila ni Amira dahil halos inubos lang nito ang laman ng credit card
niya sa pamimila ng mga damit at sapatos. Hindi rin daw date ang meron sa kanila
ni Carol dahil wala daw itong ginawa kundi sumuka habang nakasakay sa ferris wheel
ng Enchanted Kingdom. At lahat ng panlalandi na ginawa niya ay hindi date.
At ngayon inaasahan niyang magiging
kakaiba sa lahat ang date na ito, ‘yun ay kung hindi siya ihulog mula sa roof
deck ng kadate niya.
Nasa huling hakbang na siya bago
makarating sa roof deck. He exerted all his efforts para maihakbang ang last
step na iyon. Unti-unting sinilaw ng araw ang mga mata niyang habang umaakyat
ay nakatuon lang kay Chong.
At nang nasa tabi na siya ni Chong,
nakita lang niya itong nakatulala, nakanganga at nanlaki ang mga mata.
...Itutuloy...
Wow.first date during sunset how romantic! Choosy ka pa talaga Chong ha at pakipot. Thanks author.
ReplyDeleteRandzmesia
Echuserang froggy.e romantic setting dn nman gusto.
ReplyDeleteSeryosong tanong readers: Kapag nagbabasa kayo ng mga kwento dito, 'yung huling part lang ba ang binabasa niyo? O nagisskip lang kayo ng lines?
ReplyDeleteOf course buong part...nagbasa pa kung last part lang babasahin
ReplyDeleteAko I will admit, na minsan, nagiiiskip ako ng lines. Minsan pa nga, binabasa ko na lang 'yung comments para makakuha ng tidbits doon sa kwento.
DeleteSiguro sasabihin mo na, eh 'yun naman pala eh, naisip mo na namang ganon, kailangan mo pang magtanong, eh hindi ko naman kayo pwedeng igeneralize. Baka kasi mamaya nagtatanong na lang pala kasyo sa ibang readers kung anong nangyari sa isang particular na series...XDXDXD
Joke lang po...
Maganda ang story kaso masyado marami pasikot sikot at dahil dun bumabagl ang story..sorry author!
ReplyDeleteSorry, sadyang talagang mabagal ang istorya nito. Sadyang mabagal tsaka pasikot-sikot...Intentionally 'yan...
DeletePero, I'm actually thinking kung paano maicocompress ang 30 chapters ng hindi nagsusuffer ang kwento...
Pero personally, sa tingin ko hindi naman kayo nababagalan sa kwento. Naghahanap lang talaga kayo ng pasabog sa kwento. Naghahanap ng super mean na kontrabida, mga sumasabog na building, nagcacrash na airplane, fireworks display, etc. Joke lang, partly joke XD Kaso walang ganon dito, sorry. Pero may mga mangyayari namang malaking problema kung titingnan mong malaking problema, na kailngang ijustify noong pasikut-sikot na kwento...
Basta bibilisan ko na lang update nito...XD
Actually para sakin okay lang na mabagal. Kasi pangit din yung mga nababasa ko na agad2x natatapos ang story.. panandalian lang ang kilig. Hahahaha
ReplyDeleteMinsan kasi necessary rin naman sa kwento kung sobrang bilis ng kwento, 'yung tipong wala ka namang ibang mapapakita sa kwento...
Delete