Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Kamusta po ulit sa lahat. Nagpost na pala ako ng aking paliwanag tungkol sa issue ng story kong Campus Trio gaya ng pinagawa akin ng admin pati ni Sir Mike. Sana po ay naliwanagan na kayo.
Sa ngayon ay ginagawa ko pa po ang True Love. At habang naghihintay pagtiyagaan niyo muna ito.
Happy Reading!
[6]
Natuwa ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, napasok ko na ang
kwarto ng crush ko. Nakakamangha ang itsura, lalaking-lalaki kaya
masasabi mong talagang straight ang may-ari. Naalala ko tuloy yung mga
sinabi niya dati na ayaw niya sa mga gays.
Pinaupo niya
ako sa silya sa may study table niya. Siya naman kumuha ng mga librong
gagamitin namin sa kanyang shelf at umupo rin sa study table niya
katapos ko. May kaba akong nararamdaman and at the same time kilig dahil
kasama ko sa kwarto ang aking pantasya.Sinimulan na niya angpagtuturo
sa akin.
"Makinig ka mabuti sa mga ituturo ko sa iyo
ha, mamaya bibigyan kita ng mga exercises. Una nating pag-aaralan ay
English. Sa grammar muna tayo." pag-uumpisa niya.
Habang
nagsasalita siya nakatingin lang ako sa mukha niya. For the first time
ang gentle niyang magsalita tulad ng pakikipag-usap niya sa mga
kabarkada niya at di siya galit. Kahit papaano, di pa rin nawawala ang
concentration ko sa sinasabi niya. Binuklat niya ang isang English book
sa isang page na ang topic ay Parts of speech.
"Ok, so what are the parts of speech? Read." sabi niya sabay bigay sakin ng libro para basahin. Matapos basahin ang definition,
"So lets start with nouns. Nouns are names of persons, things, places, animals, and events."pag-explain niya.
Pinaliwanag
din niya ang lahat ng concepts about nouns. Natuto naman ako dahil sa
galing niya sa pagtuturo." Ang galing-galing talaga ng crush ko" sa isip
ko.Pagkatapos ng paliwanagan ,binigyan na niya ako ng 20 item test. Ang
score ko 10/20.Pinaliwanag niya sa akin ang ilan sa mga mali ko.
"Ahm, pasang-awa pero ok na rin kaysa bagsak." puna niya sa nakuha kong score.
"Ang plural ng man ay men hindi mans. Meron talagang nouns na nagpapalit ng spelling when pluralizing it." paliwanang niya.
" Mayroon kasi ako nabasa eh ung sentence na The dog is mans bestfriend." sabi ko.
"Hay naku iba ung mans dun may apostrophe yun saka ganito dapat pagkasulat man's" si Jake.
"Ah ok hehehehe" mahiya-hiya kong tugon.
"Next sa verbs naman tayo. Verbs are action words." pag-uumpisa niya ng bagong topic.
Pinaliwanag
niya ang ilang concepts sa verbs tulad ng tenses, gerunds at
subject-verb agreement. AT tulad kanina binigyan niya ako ng 20-item
exercise. Ang score 11/20. Ok daw ito. Pinaliwanag niya ulit ang ilan sa
mali ko.
"Ano ba ung sagot mo dito kasimpleng tanong
lang nito ah. Tingnan mo tong number 3. Ang sagot dito ay am hindi is.Oo
nga singular ung I na pronoun pero special siya kaya am lagi ang
helping verb sa present tense." napalakas niyang sabi.
Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Ok
hinto muna tayo sa English. Math muna tayo. Mag-uumpisa muna tayo sa
algebra. Sa algebra gumagamit tayo ng mga letters called variables to
represent unknowns." pag-introduce niya sa unang math topic.
Tinuro
niya sa akin ang paraan sa pag solve sa mga unknowns sa isang math
equation.Pagkatapos exercise ulit at kahit inaantok na ay pilit ko pa
ring sinasagutan ito wag lang magalit si Papa Jake ko.
" Hay pang anim na set ng exercise mo na to, wala pa ring nag-iimprove sayo" medyo naiirita na niyang pahayag.
"Talagang mahina ang ulo mo sa math kaya dito tayo magcoconcentrate ngayon." dagdag niya.
Inabot ng mahigit 6 na oras ang unang tutorial namin.
Dalawang
buwan na ang nakakalipas ganun pa rin ang set-up namin. Lahat ng
subject natuturo niya sa akin. Pang all-around talaga ang dreamboy ko.
Minsan talagang nagagalit siya na halos mapuputol na ang litid niya sa
leeg kapag di ko makuha ang tinuturo niya. Sa kaso naman ng ibang kasama
namin sa bahay, tuwa naman ang reaksyon ng mga magulang niya pati ni
tatay na busy sa pagtatayo ng bagong negosyo. Si tita dinadalhan niya
kami ng pagkain.Sa halos araw-araw naming pagpupuyat di ko na maiwasan
ang manamlay sa school dahil sa sobrang puyat na di nakaligtas sa
bestfriend ko.
"Best, ok ka lang bakit ganyan na ang
mata mo tapos ang tamlay mo pa, pumayat ka eh. May problema ka ba,
minamaltrato ka ba sa tinitirahan mo? Sabihin mo naman sa akin oh
nag-aalala na talaga ako sayo" si Pat sabay haplos sa ulo ko.
"Wala
ito ok lang ako wag kang mag-aalala" sabay tayo ko at tumalon talon at
tumawa para ipakita na ok lang ako. Alam ko na di kumbinsido si Pat sa
mga sinabi ko.
"Mr. Rodriguez!" sigaw ng teacher ko na
nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako habang nagtuturo siya. Natawa
naman ang mga kaklase ko at nang sipatin ko si Pat sa likod, nakatingin
lang siya sa akin at kitang- kita sa mga mata niya ang pag-aalala.
Sumenyas lang ako na ok lang.
Uwian na naman, tulad ng
dati, pumunta ako sa labas ng gate para hintayin si Jake at sabay
umuwi. Habang hinihintay ko ang aking dreamboy, nagulat ako at kinabahan
dahil sa isang boses na tumawag sa pangalan ko.
"Dave"
[7]
"Ah Erika ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa taong lumapit sa akin.
"Dapat ikaw ang tanungin ko niyan bakit nandito ka at sino ba yung hinihintay mo?" sagot niyang patanong din.
Hindi
ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nablanko ang utak ko kaya wala na
kong nagawa kundi sabihin sa kanya ang lahat. Kinuwento ko ang tirahan
ko, ang set-up namin ni Jake at ang dahilan ng pagpupuyat ko.
"What!!!
ikaw friend at ang crush ng campus magkasama sa iisang bahay at
magkasama sa pagpasok at pag-uwi.Unbelievable." sabi nyang di
makapaniwala.
"At OMG nagtututor pa siya sa yo ah, di ba ayaw niya sa mga gays. Teka ano may nangyari na ba sa inyo?" dagdag ng bruha.
"Ano
ka ba wala ano, yun pa e allergic siya sa mga katulad ko e saka ung
tutorial naman e utos lang yun ng mga magulang niya." sabi ko.
"Paano ito pag nalaman ni Pat. Sigurado akong war ito." si Erika.
"Yun
nga papakiusap ko sana sayo tutal alam mo na ang lahat ah eh kung
pede sana ilihim muna natin sa kanya ito. Hahanap lang ako ng tiyempo."
pakiusap ko.
"Ok, pero wag mo na patagalin pa. Kung alam mo
lang kung gaano ka niya kamahal. Halos bukambibig ka na niya pag
nag-uusap kami eh. Tulad kanina kinausap niya ako para humingi ng
tulong kung ano na ang nangyayari sayo. Sobrang nag-aalala ang
bestfriend mo. Tapos ito pala ang sagot, di pala niya magugustuhan.
Kaya di muna natin ito papaalam sa kanya pero payo ko lang friend,
gawan mo agad ito ng paraan bago pa lumala ang sitwasyon."
"Ok, ako ang bahala dito. Aayusin ko ito." pangako ko sa kanya.
"Sige mauna na ako sa iyo kita na lang tayo bukas ah, bye." paalam niya sabay alis.
Hindi
ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. ang pagmamahal na
hinihiling ko, ibinigay na sa pamamagitan ni Pat pero ang nangyari
hinahangad ko ito sa ibang taong malabong mahalin ang isang tulad ko.
Pero wala ako magagawa e, di naman nadidiktahan ang puso. Ang pagmamahal
ko kay Pat ay hanggang pagkakaibigan lang to the highest
level.Nakokonsensiya tuloy ako sa bestfriend ko. Naisip ko na dapat
ayusin ko agad ito sa lalong madaling panahon. Ayaw ko masira ang
friendship namin ni Pat.
Napatunayan ko na rin minsan
sa sarili ko na ang nararamdaman niya sa akin ay totoo. Naalala ko pa
isang buwan mula ng nagtapat siya ng nararamdaman niya sa akin at
sinabing di siya susuko na makuha ang pag-ibig ko. Pasikreto siyang
naglalagay ng mga kung anu-ano sa bag ko tulad ng mga love letters at
chocolates. Naapreciate ko talaga yun. Tapos nung birthday niya, walang
kagatol gatol na deretsahan niyang inamin sa mga magulang niya ang
sexual preference niya at ang pag-ibig para sa akin. Ang bait ng mga
magulang niya, tanggap ng mga ito ang pagkatao ni Pat. Di lang sila
makapaniwala sa umpisa dahil di halata sa mga kilos niya, lalaking
-lalaki kasi siya umasta. Ako naman touched talaga ako sa nangyari at
the same time naluha. Sa harap din ng mga katropa niyang laging kasabay
sa pag-uwi pinakilala niya ako at sinabi ang nararamdaman niya nang
walang hiya-hiya.Kinumpara ko ito sa taong lihim kong minamahal sa
ngayon. Talagang salungat. Sana di ko na lang nakilala si Jake.
Si
Jake, oo nga pala, naalala ko bakit ang tagal naman niya. Nagpasya pa
akong hintayin siya ng ilang minuto. Sa wakas after ng isang oras na
paghihintay, dumating na siya.
"O, nandito ka pa rin
akala ko naka uwi ka na. Pasensiya na may importante lang akong
inasikaso. Tara na uwi na tayo gabi na. Mag-aaral pa tayo." si Jake.
Habang
naglalakad papuntang sakayan, di ko maiwasang mapatingin sa mukha
niya at magtaka. Nagiging mahinahon na siya sa pakikipag-usap sa akin
pero nandun pa rin ang pagiging terror niya tuwing nagkakamali ako sa
tutorial namin. Mabuti na rin iyon para sa akin.
Kinagabihan
nag-aral ulit kami.Isang buwan ang nakalipas hanggang sa isang gabi
bago mag 2nd periodical Exam ganun pa rin ang ginagawa namin.
Ang
gabi bago ang exam kinabukasan todo ang review na ginawa niya sa
akin. Tiniis ko ang mga paninigaw niya sa kabilang banda natuwa na rin
dahil wala nang panghahalong insulto ang mga sinasabi niya. Binigyan
niya ako ng isang review test sa bawat subject. Maya-maya nakatulog ang
dreamboy ko sa kakaantay sa akin sa study table.
First
time kong masilayan ang mukha niya ng natutulog. Parang anghel talaga
ito, gwapong gwapo ang dating. Pagkaraan ng tatlong oras na pagsagot
natapos ko na rin pero tulog pa rin siya kaya naisip ko na titigan
siya. Sa katagalan ng pagtitig ko sa kanya tila nahipnotismo ako at
unti-unting nilapit ang mukha ko sa kanya. Mga 5 inches na lang siguro
ang mukha ko sa kanya nang magulat ako sa biglang pagdilat ng mata
niya. "OMG ano na ang gagawin ko" sabi ng utak kong natorete.
Nagtaka
ulit ako sa reaksyon niya.Nakatingin lang din siya sa akin at di
naman nagalit o nagulat. Pagkaraan ng isang minuto nagsalita siya.
"Tapos ka na pala, napahaba yata yung tulog ko matagal ka na ba naghihintay?" sabi niya sabay inat ng braso.
"Ah eh di naman kakatapos lang."
"Sige akin na check ko."
Matapos niyang i check ang gawa ko, "OK na score mo, masasabi kong handa ka na para sa exam bukas. Sige tulog ka na." si Jake.
Kinabukasan,
habang naglalakad kami papuntang sakayan papasok sa school, biglang
natuwa ako sa mga sinabi niya na nagbigay ng inspirasyon sa akin.
"
Sa loob ng tatlong buwan na pag-aaral natin, siguro naman papasa ka na
ha. Tandaan mo lang lahat ng pinag-aralan natin para makasagot ka sa
exam. Alam kong kakayanin mo magtiwala ka lang sa sarili mo."
Pagdating sa school bago pumasok ng gate, "Goodluck sa exam" sabi ulit niya.
Nabuhayan
ang loob ko sa mga sinabi niya. For the first time kasi buhat ng
magkakilala kami ngayon lang siya nagbigay ng mga inspiring message sa
akin, walang halong insulto. Ito ang ginamit kong lakas para makasagot
sa exam.
Pagkatapos ng dalawang araw na exam. Binalik
na ang mga test papers sa amin. Nabigla ang buong klase mga guro
namin lalo na sina Pat at Erika sa mga score ko.
"Congratulations Mr. Rodriguez, ang taas ng mga scores mo. Keep up the good work." sabi ng isang teacher namin.
"Wow best sa wakas pumasa ka na sa exam" si Pat sabay akbay sa akin.
"Galing mo friend nataasan mo ng kaunti si Pat." si Erika.
"Wala akong pakialam kung mataasan niya ako , ok lang yun. Special naman siya sakin eh." Si Pat sabay ngiti.
"Tsamba lang yun nagkataong may inspirasyon lang ako." sabi ko.
"Ano yun inspirasyon, sino ba yan ha?" tanong ni Pat.
"
Ah eh yung nangyari sa amin ng Itay ko para naman matuwa siya kahit
papaano." sagot ko. Muntik na buti na lang nakapag-isip agad.
Kinabukasan
naipost na ulit sa bulletin board ang top20 topnotchers. Sobrang tuwa
ko dahil number 1 ulit si Jake sa ranking. Kinabahan din kasi ako na
baka bumaba siya sa rank o mawala dahil sa di na siya nakaka review para
sa sarili niya. "Ang galing talaga ng crush ko" sabi ng isip ko.
Pagkaraan
ng isang linggo, binigay na ulit ang report card para sa second
grading. Hindi ko muna tiningnan ito. Napagdesisyunan ko kasi na ipakita
ko muna kay Jake ito para na rin sa mga effort niya sa akin.. Sinabi
ko naman kay Pat at Erika na hindi ko muna ipapakita sa kanila ito at
alibi ko na si Itay muna ang gusto kong unang makakita. Naintindihan
naman nila.
Habang naglalakad na kami ni Jake pauwi, saka ko pinakita sa kanya ang card ko.
"Jake ito ung card ko oh di ko pa nakikita yan gusto ko ikaw muna ang una." sabi ko sabay abot ng card.
Tiningnan
niya ito. Pagkaraan ng ilang segundo nabigla ako sa hindi sa grades ko
kundi sa reaksyon niya. For the first time in history ngumiti na rin
siya sa akin.
[8]
Ang sarap tignan ng mukha niya pala pag nakangiti. Meron siyang
dimples at ang ngipin, ang puputi at pantay. Natulala talaga ako sa
kanya ng bigla siyang magsalita ulit.
"Ayos ang mga grades mo, buti naman nagbunga ang mga pinaghirapan natin." si Jake na di pa rin inaalis ang ngiti sa akin.
" Maraming salamat sayo ha, tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Salamat talaga." maluha luhang kong sabi sa kanya.
"Hayaan
mong ilibre kita ng meryenda ngayon treat ko, sige na pumayag ka
please.." dagdag ko at wala sa loob kong nayakap ko siya.
Sa halip na magalit siya sa ginawa ko iba ang naging reaksyon niya. Habang nakangiti pa rin...
"Ikaw
manglilibre hahahaha, sige pero sa susunod na lang, tatandaan ko iyan.
Sa ngayon umuwi na muna tayo tiyak akong matutuwa ng husto si Mama,
Papa at ang Tatay mo.Teka baka naman madurog na ang katawan ko sa
higpit ng paglingkis mo." si Jake.
Biglang natauhan
naman ako at lumayo sa kanya, naisip ko na nagalit na naman siya dahil
sa pagkaallergic niya sa mga gays kaya agad akong nagsorry pero....
"Sorry
na naman, tsk.tsk.tsk, ikaw talaga sabay ngisi, tara bilisan na natin.
Buti na lang walang gaanong tao dito at di nila nakita ang ginawa mo."
si Jake habang naglalakad.
Sobrang galak ko talaga di
lang sa mga grades ko, pati na rin sa ibang pakikitungo ni Jake sa
akin. Napagdesisyunan ko na pag-iingatan ko ang aking pagkilos para di
na ulit bumalik sa dati ang ugali niya sa akin.
Sa bahay, tuwa ang naging reaksyon ng mga kasama namin doon.Kaya nagluto si Itay ng masarap na hapunan para sa aming lahat.
"Kita mo pare, nag-improve na ang anak mo sa school dahil sa galing ntiong anak ko." si Tito Eddie.
"Oo
nga kaya bilang pasasalamat, Jake ibabalik ko na ang motor mo pero ang
usapan pa rin natin ha sabay pa rin kayo ni Dave at tuloy pa rin ang
tutorial." si Tita Edna.
"Talaga Ma, salamat. Don't worry depende na yun kay Dave kung gusto pa niya pagpatuloy" sabay tingin sa akin at ngiti.
Napayuko
ako at napaisip dun sa huling sabi niya. Ibig bang sabihin naeenjoy na
niya na kasama ako, yung ginagawa namin ah ewan. Kaya para malaman ang
mga kasagutan, minabuti kong kausapin siya sa kwarto niya. Kumatok ako
na agad niyang binuksan at pinapasok ako.
" Oh nandito
ka pa pahinga ka na, wala muna tayong tutorial ngayon bukas na lang."
si Jake na nakaupo sa kama habang nagbabasa ng magazine.
" Ah eh ok , may tatanong lang kasi ako sayo tungkol sa sinabi mong kaninang hapunan." tanong ko.
"Yun
ba, ibig kong sabihin dun nasa iyo nakasalalay kung gusto mo pa o ayaw
na ang set-up natin. Kung ano ang desisyon mo ok lang sa akin." si
Jake.
" Ibig sabihin kung sabihin mong tuloy pa natin ang ganito, di ka na tututol", tanong ko.
"
Hay naku, oo naman. Wala naman akong magagawa dun and besides
pakiramdam ko ang sarap palang tumulong sa kapwa. Inaamin ko ung
nagpasalamat ka sakin dun ko na realize na mabait ka pala." si Jake
habang nakatingin pa rin sa magazine.
Nabigla talaga
ako sa mga revelation niya. Parang sinapian ito ng isang espiritu na
pinabago ang kanyang maitim na budhi. Sa kabilang banda natuwa rin ako
at lalong tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya. Kinabukasan
binigay na ni Tita ang susi ng motor ni Jake na kinatuwa ng mokong.
Tulad ng napagkasunduan sabay pa rin kami pumasok nitong ni Jake. Sa
kotse habang nagmamaneho si Jake, naiisip ko pa rin ang mga kakaibang
kinikilos niya sa akin.
" Ano ang iniisip mo?" tanong niya nang mapuna ang pagninilay ko.
"Alam ko na naninibago ka lang sa akin. Parang tumindi na yata ang love mo sa akin ha" si Jake sabay ngsi ulit.
"
Hindi yon ang iniisip ko, saka ako in love sayo? Dati yun ngayon
hin..." pagtanggi ko na agad naputol dahil nagsalita siya ulit.
"Hindi
na sus, sino niloko mo sarili mo? Di biro lang hehehe, pero alam mo
marami na ring gays na nagsabi sa akin niyan, di ko lang napapansin
dahil nakikita ko na sobra pa silang lumandi kaysa sa tunay na babae.
Pero pakiramdam ko ngayon naiiba ka sa kanila." si Jake.
"Ano kaya ang nakain nito bakit ganito na siya kung magsalita?" natutulirong sabi ng utak ko.
Maya-maya
nakarating na kami ng school at dahil may sasakyan siya deretso muna
kami sa parking lot. Pagkababa ng kotse agad kaming naghiwalay para
pumunta sa aming mga classroom.
Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng bestfriend ko.
"Bestfriend,
wala nang atrasan sasama na kami sayo sa tinitirhan mo sa ayaw mo't sa
gusto." si Pat sabay tingin sa akin ng seryoso.
Nagkatinginan
kami ni Erika. Kinabahan ako ng husto. Kaya napa Oo na lang ako. Pero
naisip ko pa rin ang mabilisang pagtakas mamayang uwian dahil di pa
talaga ako handa sa mangyayari.
Sumapit ang uwian, at
dahil sa may kotse na si Jake duon na ko dumeretso sa parking lot.
Pagdating ko nandun na pala siya sa kotse. Pagbukas ko ng pinto,
narinig ko ang boses na talagang nagpakaba sa akin ng husto. Lumapit
siya sa akin.
"Dave, ano ginagawa mo dito at kaninong kotse to? Tandaan mo sasama mo na ko sa bahay niyo" si Pat sabay akbay at ngiti sa akin.
Nablanko ulit ang utak ko, di makatingin sa kanya. Maya-maya binuksan na ang makina at nagsalita na ulit si Jake sa loob.
"Tagal mo naman Dave tara na." malakas niyang sabi sabay dungaw sa bintana.
Nakita ko ang biglang pagkawala ng ngiti ni Pat sa nakita.
"Ano ang ibig sabihin nito Dave?"
[9]
" Pat, let me explain." pagmamakaawa ko sa kanya.
" Ito ba
Dave, pinagpalit mo na ako sa kanya, kaya pala umalis agad kayo sa amin
at di mo ko magawang isama dahil sa kanila ka pala nakatira" si Pat na
galit na galit.
" Hindi naman sa gano..." pagpapaliwanag ko sana nang magsalita siya ulit.
"
Huwag muna ngayon, hayaan mo muna ako mag-isa, sasabihin ko na lang
sayo kung kailan mo na ko pwede kausapin." si Pat sabay walk-out.
Habang
nasa kotse pauwi sa amin di ko mapigilan ang maluha dahil na sangyari.
Masakit dahil ito na yata ang simula ng pagkasira ng halos tatlong taong
pagkakaibigan namin ni Pat.
" Umiiyak ka?" tanong ni Jake.
" Ah, hindi tumatawa ako oh." pagtanggi ko sa kanya.
" Alam ko may problema ka, yung tungkol ba kanina right?" si Jake.
" Di na lingid sa akin na may pagtingin siya sayo, gusto mo kausapin ko siya?" dagdag niya.
" Wag na baka lalo pang gumulo ang sitwasyon." sabi ko.
"
Dont worry, ako ang bahala kaya itigil mo na yang drama mo ayaw kong
nakakakita ng ganyan parang di ka lalaki niyan, ay oo nga di ka pala
lalaki." si Jake sabay ngiti.
Hindi ko na pinansin ang
pang-iinsulto niya dahil sa dami ng iniisip ko. Nang maka-uwi na kami ng
bahay, kumain kami ng hapunan at nag-aral. Habang nagsasagot ulit ako
ng mga exercises.....
" Dave, bukas ng uwian pupunta ako ng classroom niyo, kakausapin ko si Pat." si Jake.
" Alam ko nag-aalinlangan ka, basta trust me ok, sige na tapusin mo na yan." dugtong niya.
Kinabukasan,
pagkatapos agad ng klase , biglang nagsigawan na naman ang estudyante
dahil sa pagsulpot ni Jake sa classroom namin. Nakita ito ni Pat na
iiwas din sana at di pagkikibo sa akin buong araw pero agad siyang
nilapitan nito at binulungan.
" Patrick, usap tayo sa may parking lot ngayon ha"
Parang
nag-aalinlangan pa ang mukhang nakita ko kay Pat at dahil sa di ko
narinig ang binulong ni Jake, nagpasiya akong sundan na lang sila. Sa
parking lot pala sila mag-uusap. Hindi ako makatiis kaya pinakinggan ko
ang pag-uusapan nila.Habang pareho silang nakasandal sa kotse ni
Jake......
" Buti naman at nakapunta ka. Alam ko ang
nararamdaman mo para kay Dave. Huwag kang mag-alala, walang namamagitan
sa amin. Huwag kang magalit kay Dave, di niya alam na ang magbestfriend
ang mga tatay namin. Tinulungan lang ni Papa ang ama niya dahil sa utang
na loob. Tapos yung tutorial namin, tulong ko lang iyon sa kanya para
mapabuti ang pag-aaral niya. Hanggang doon lang yon." Pagpaliwanang ni
Jake.
" Naiintindihan ko, hidi ko rin kasi maiwasan ang magalit sa
nakita ko, mahal na mahal ko kasi si Dave e.Alam mo naman na may gusto
siya sayo di ba. Sana nga nagpalit na lang tayo ng katauhan. Hindi ko
alam kung anong mayroon ka na wala ako. Matagal na kaming magkaibigan
pero kahit anong panunuyong gawin ko sa kanya, talagang di niya kayang
tapatan ang binibigay kong pagmamahal."
" Wala ka dapat ipagselos,
kilala mo naman ako di ba, hindi ako interesado sa mga gays. Sige para
mabura na yang pag-aalinlangan mo, bumisita ka na lang sa bahay namin
para lagi mo nang masubaybayan si Dave."
Bigla lungkot
ko naman sa narinig ko kay Jake.Wala pala siyang nararamdaman sa akin,
masyado kasi akong assuming sa pinakita niyang kabaitan. Akala ko
nadedevelop na siya. Pero sa kabilang banda natuwa na rin ako na sa
wakas wala na kong lihim na maitatago sa bestfriend ko lalo na sa nakita
kong contentment sa mukha niya habang nag-uusap sila ni Jake.
Nang
mga sumunod na araw, madalas na bumibisita si Pat sa bahay, minsan
kasama niya si Erika. Sumasabay rin siya sa pag-uwi namin. Kapag nasa
bahay siya, napupuna ko ang pag-iwas at paglayo ni Jake. Inisip ko na
lang na iyon ang paraan niya para mas maging malapit kami ni Pat. Sa
school naman, tulad pa rin ng dati, sumasabay siya sa akin pag recess,
at nanglilibre ng pagkain. Masaya ako dahil masaya rin ang bestfriend
ko.
Pagkaraan ng anim na buwan, dahil na rin sa tulong
ng tutorial namin ni Jake, sa wakas makaka graduate na ako. Isang araw
sa canteen pagkatapos ng graduation rehearsals, nag usap-usap kaming
tatlo.
" Ano ba ang kukinin mong kurso sa kolehiyo, Dave," tanong ni Pat.
" Sa totoo lang hindi ko pa alam" sabi kong medyo malungkot.
" I know, gagayahin mo ang kurso pati ang papasukang university ni Jake." si Erika.
"
Hindi noh, di ko naman ka level ang utak niya" pagtanggi ko pero sa
totoo lang dahil sa ayaw ko siyang malayo sa akin ay napag-isipan ko na
rin ang bagay na yun.
" Alam mo bestfriend, sundin mo lang ang
nasa puso't isipan mo. Dapat piliin mo kung saan ka magiging masaya di
dahil sa dinidikta ng mga taong nasa paligid mo." si Pat.
" Tama ka best, salamat." pagpapasalamat ko.
" Ikaw naman Erika, anong gusto mong kurso sa college?" tanong ko.
" Ako, tourism kukunin ko, ikaw naman Pat?" sagot ni Erika sabay tanong kay Pat.
" Naisip ko na mag culinary dahil sa idol ko ang ama ni Dave"
" Ha, sigurado ka?" tanong ko.
" Oo, para na rin matuto ako ng maraming lutuin." si Pat.
Alam
kong ako ang isa pa sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Pat na
kunin ang ganuong kurso. Naisip ko na suportahan na lang siya sa kung
anong gusto niya.
Tatlong araw bago ang graduation,
sinabi na ng admin ng school ang magiging valedictorian. Siyempre si
Jake yun. Kaya sa bahay......
" Cheers" sabi ni Tito Eddie sabay taas ng aming mga baso habang naghahapunan bilang celebration kay Jake.
"
Dave, napag- isipan mo na ba ang kursong kukunin mo sa college at kung
saan ka mag-aaral? tanong ni Tatay sa akin habang kumakain.
" Oo nga pala Dave kasi tong si Jake baka medicine ang kukunin niya e." si Tita.
" Ah eh nursing po sana" ang agad kong naisip na sagot dahil sa kukuning kurso ni Jake.
"
Maganda yan anak hayaan mong tutulungan ka ni Jake sa review mo para
pumasa ka sa entrance exam. Dun ka sa rin Philippine State University
mag take ng exam para parehas kayo ng school." si Tito Eddie.
Bago
matulog, naisipan kong bumaba para uminom ng gatas. Nang pumunta na ako
ng kusina, nakita ko si Jake na nakaupo at kumakain.
"
Dave, bakit nursing ang napili mo, parang di bagay sa level ng utak mo.
Alam ko gusto mo lang akong sundan e." si Jake sabay subo ng pagkain.
" Nursing talaga gusto ko saka masama bang sundan kita." defensive kong sagot. Alam ko na kasi ang ibig niyang sabihin.
"
Hindi pa naman sure kung yun nga. Second option ko kasi yung law. Pero
wala namang problema sa akin yun kahit saang university o anong course
kunin mo wala akong pakialam. Susuportahan kita sa kung ano ang gusto
mo." sabi ni Jake na sobrang ikinatuwa ko.
Dumating na
ang araw ng graduation. Pumunta na kami sa kani-kanilang mga upuan.
Nagsimula ito sa pamamagitan ng dasal, pagkanta ng pambansang awit,
himno ng school, mga walang kwentang talumpati ng principal at iba pang
personalidad. Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay ko ang mensahe ng
school valedictorian namin si Jake. Tinawag na siya sa stage para
ibigay ang kanyang ginawang speech.
Nagsimula na akong
makinig sa kanyang mga sasabihin. Maya-maya, nanlaki ang mga mata ko sa
gulat dahil sa kanyang mga aksyon habang nagsasalita. Nabigla sa mga
narinig ko sa kanya na naging dahilan para maghiyawan ang madla.
Napatingin naman sa akin sina Erika, tatay, mga magulang ni Jake at Pat.
[10]
" Bago ang lahat, congratulations sa ating lahat. Natapos na ang
ating apat na taon paghihirap sa high school, tulad ng mga mahihirap na
exams, quizzes, projects, assignments, at recitation. Maswerte dahil
binigyan tayo ng pagkakataon para makagraduate samantalang mayroon naman
tayong mga kaibigan na hindi pinalad ngayong taon. Alam naman natin na
hindi tayo pare-pareho sa ilang mga bagay. Tulad ko, hindi sa
pagyayabang pero masasabi ko at ayon na rin sa iba na pinagkaloob sa
akin ang lahat. Ang aking itsura, talino at yaman na naging dahilan para
maging popular ako sa paaralang ito. Aaminin ko na ang mga ito ang
naging dahilan upang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Alam ko na
maraming gustong makipagkaibigan sa akin at walang naglalakas loob na
lumapit man lang marahil ay natatakot, nahihiya o ayaw mapahiya sa mga
maari kong sabihin sa kanila. Inisip ko kasi na dapat mga kaparehong
level ko lang ang dapat kong samahan. Ang babaw ko di ba? (sabay ngiti).
Sa loob ng tatlong taon lagi akong ganito. Narealize ko lang ang lahat
ngayong 4th year na ako dahil sa isang tao. Nabago ang aking mga maling
pananaw dahil sa kanya. Nung una ko siyang nakita naalala ko sa canteen,
habang kumakain sila ng isa niyang kaklase, aaminin kong sa isip ko
nahusgahan ko agad ang kanyang pagkatao at nang marinig ko ang
pagkagusto niya sa akin, nakaramdam ako ng pagkailang, pandidiri at
pagyayabang sa kanya kaya sa isa na namang pagkakataon, naging
mapanghusga na naman ako. Alam ko, nasaktan ang damdamin niya di lang
dahil sa akin kundi sa kahihiyan. Pagkaraan ng ilang linggo, naging
mapagbiro ang tadhana sa akin kasi ang taong ito ay kasama ko sa iisang
bahay hanggang sa kasalukuyan dahil sa isang di inaasahang pangyayari.
Oo, nakatira kami sa iisang bubong. Dito, nag-iba ang ikot ng mundo ko.
Sa una harap-harapang iniinsulto ko siya at kinakahiya. Masyado ko nang
minaliit ang pagkatao niya. Alam kong masyado na siyang nasasaktan sa
akin pero natitiis niya ito siguro dahil sa may nararamdaman siya sa
akin. At dito ako naging bilib sa kanya. Minahal na rin siya ng aking
mga magulang at tinuring na sariling anak. Hindi na lingid sa inyong
kaalaman na nag-iisa akong anak dahil sa namatay ang aking kapatid.
Siguro dahil sa nakikita nilang pagkailang ko sa kanya ay naisip nila
na pagtabihin kami ng kwarto, magsabay sa pagpasok at pag-uwi at
tulungan sa kanyang pag-aaral. Napilitan lang ako sa totoo lang dahil sa
mga parusang ipapataw sa akin. Tiniis ko itong lahat ang araw-araw na
puyatan at kunsumisyon maturuan lang siya. Nagbunga naman ito ng maganda
dahil nag-improve kahit papaano ang mga grades niya. Ewan ko,
nakaramdam ako ng saya lalo na nang magpasalamat siya sa akin. Kita ko
sa kanya yung kakaibang ngiti. Korni ano? heheheh, pero alam niyo dahil
dito natutunan ko na sa halip na laitin, husgahan at maliitin ang ating
kapwa, tulungan na lang natin sila sa ikauunlad ng kanilang mga
kakayahan." si Jake na nagbibigay ng mensahe.
Nabigla ako sa kanyang binigay na mensahe kasi alam ko na ako ang tinutukoy niya. At mas lalo kong kinagulat nang......
"Bago
ko tapusin ang aking talumpati, nais kong ipakilala ang taong tinutukoy
ko na nagpabago sa aking pagkatao. Sa kahuli-hulihang araw bilang high
school student nais kong malaman niyong lahat na ang taong ito ay si
John David Rodriguez.(sabay turo sa direksyon kung saan ako nakaupo,
ngumiti at kinindatan ako)Maraming salamat po at magandang umaga sa
ating lahat." si Jake sabay baba ng stage.
Sa sinabing
ito ni Jake, nakaramdam ako ng hiya dahil sa hiyawan at tinginan sa akin
ng mga tao. Maraming nagsasabi na "Dave congrats", "Dave ang swerte mo
naman", "Dave kakainggit ka" at kung anu-ano pa. Nang sipatin ko sina
Tito,tita ,tatay at Erika nakatingin lang sila sa akin at kita ko sa
kanila ang saya maliban lang kay Pat na nagtatanong ang mga titig.
Sa
kabilang banda, di ko ineexpect na sasabihin niya ang lahat ng ito.
Lalo na ang pagpapakilala niya sa akin. Minabuti kong mamaya ko na lang
siya kausapin kung bakit niya ginawa ito.
Natapos ng
maayos ang program. Sa labas ng auditorium ng school, halos dumugin ako
ng mga tao para lang magpapicture. Kahit papaano pinagbigyan ko lang
sila. Ganun din kay Jake. Maya-maya bigla na lang ako nakarinig ng mga
request na magpapicture kami ni Jake, sabay hila sa akin ni Tita para
lumapit sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa, akala ko di siya papayag
pero kabaliktaran ang nangyari. Inakbayan niya ako palapit sa kanya at
sinabing....
" Tara na papicture na tayo, nahihiya ka pa." si Jake habang nakangiti lang.
Nang
matapos ang pagkuha ng picture agad kong hinanap si Pat, alam ko na
marami akong dapat ipaliwanang sa kanya sa mga kakaibang nangyari
ngayong araw. Pero di ko na siya nakita, sinabi na lang ni Erika na
umalis agad ito dahil may aasikasuhing mahalaga.
Kinagabihan
sa bahay, nagkaroon ng salu-salo ang pamilya. Tinutulungan ko si Tita
sa pag entertain sa mga bisita nang di sinasadyang narinig ko ang
pinag-uusapan nina Jake at kanyang barkada.
"Nice pare, ano bang ginayuma sa iyo ng baklang iyon para sabihin kanina ang mga bagay na iyon" sabi nung isa.
"Oo nga, hindi bagay sayo masyadong madrama, wag mong sabihing miyembro ka na ng pederasyon" sabi nung isa pa sabay tawanan.
"Asa
tol hindi maaari iyon, sinabi ko lang naman kung ano ang totoo pero
hanggang dun lang iyon. Wala akong nararamdaman sa kanya." si Jake
habang umiinom.
May kirot ulit sa puso ko sa mga
narinig kong sagot niya. Pero wala na akong magagawa kundi tanggapin
ito. Narinig ko pa sa usapan nila na iba-iba pala sila ng pag-aaralang
university kaya madalang na lang sila magbobonding. Naisipan ko nang
bumalik sa loob nang biglang magring ang phone ko.
"O Best ikaw pala, bakit wala ka pa dito?" tanong ko sa tumawag.
"Hindi
na ako makakadalo dyan. Ikaw na lang ang pumunta sa amin, may sasabihin
akong mahalaga sayo." si Pat na halatang may problema sa tono ng boses.
"Ah sige ngayon na ba yan pupunta na ako." sagot ko.
"Oo ngayon na" si Pat sabay putol ng linya.
Nang makarating ako sa bahay nila, nakita ko agad si Pat sa labas pa lang ng gate nila na halatang hinihintay ako.
"Mayroon din pala kayong salo-salo sa inyo, teka bakit nandito ka." tanong ko.
"Halika dun tayo MOA sa may by the bay." yaya niya sa akin.
Hindi
na ako nakatanggi dahil hinila niya agad ako sa loob ng sasakyan niyang
nakaparada lang sa labas. Nang makarating na kami, umupo kami sa mga
upuan doon at nagsimula na siyang magsalita.
"Best
siguro panahon na para isuko ko na ang pagmamahal ko sa iyo. Alam mo
sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari, di ko pa rin maiwasang
magselos sa inyo ni Jake kahit pang sabihin niya na walang siyang
nararamdaman sa iyo. Kaya napagdesisyunan ko nang lumayo muna. Doon ko
na ipagpapatuloy sa America ang pag-aaral ko. Makakatulong iyon sa akin
para makapag move-on." naiiyak na sabi ni Pat.
"Hindi mo to kailangang gawin, di ba magbestfriend tayo, bakit mo ako iiwan?" sabi kong naluluha na rin.
"Huwag
kang mag-aalala regular pa naman tayong makakapag-usap sa pamamagitan
ng internet." medyo nakangiti na niyang tugon ngunit halata pa rin ang
lungkot niya.
"Hindi ko alam pero sobrang malulungkot ako, kailangan mo ba talagang gawin ito?" tanong ko ulit.
"Oo,
kasi mas lalo pa akong masasaktan kung itutuloy ko pa ang ginagawa ko
sa iyo e.Pero hindi naman ako totally na lalayo sa iyo, bestfriends pa
rin naman tayo. Bibisita ako dito tuwing bakasyon at promise ko sa iyo
na ikaw ang una kong dadalawin." si Pat.
"Kahit masakit sa loob ko, tatanggapin ko na lang ang desisyon mo ingat ka doon ha. Kailan nga pala ang alis mo?
"Sa makalawa na, nakahanda na kasi ang passport namin." sagot niya.
"Tutal aalis naman na ako pwede bang pagbigyan mo na ang request ko na mayakap kita?" dagdag niya.
"Sige gawin mo na ang gusto mo." pagpayag ko sa kauna-unahang pagkakataon nang bukal sa loob.
Niyakap
niya ako ng mahigpit sabay naramdaman ko ang mainit na luha niya sa
aking balikat. Buti na lang at di gaanong matao sa lugar na iyon.
Sinabihan niya ako na mag-ingat, goodluck sa college at pati na rin sa
mga updates sa mangyayari sa amin ni Jake at pababantayan niya ako kay
Erika. Kakalungkot talaga na humantong pa sa ganitong sitwasyon ang
pagkakaibigan namin pero pipilitin kong maging masaya.
Itutuloy.....................
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
nabasa ko na to at talaga nga namang maganda sya :)
ReplyDeleteang ganda nmn nadala ako sa emosyon hehehe
ReplyDeletejoseph of tondo
it' great!
ReplyDeletecat wait foe the next chapters\(^^)/
playful kiss lng ang peg??
ReplyDeletewow,ang sakit nman sa part ni best...pero i rally don't know kung ano ang mgyayari,nakaka excite ang nagyari na pagbabago kay Jake..totoo kya ang sinasabi nya na wla syang nararamdaman...aminin....hehehhe..keep up the good work mr davedevil...pinapahanga mo ako sa mga obra maestra mo...next 5 chapters na po ulit...:)
ReplyDeletenakakabitin naman..sana ay may magandang magyari...maloko si Jake nakakalito kung ano ba talaga ang gusto nyang palabasin..at si best nman ay talagang nagparaya na laang kasi d talaga yata sila pd..great job po...next chapters na po...:)
ReplyDelete