Followers

Thursday, May 16, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 13]






Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 13]



By: Crayon





***Kyle***


12:30 pm, Sunday
March 20


"Salamat.", sabi ko kay Lui matapos kong gamitin ang kanyang cellphone para tawagan ang mga magulang ko.


"No problem.", maiksi niyang sagot.


"You can leave me now, my parents will be here in a while. You don't have to worry because i won't file a complaint against you.", pagpapauwi ko kay Lui. Wala naman talaga akong balak magsampa ng kaso dahil partly may kasalanan din ako. Nainis lang ako sa pagiging antipatiko niya kanina kaya binantaan ko siya na magsusumbong ako sa police.


"Well, i can't just leave you here. I mean, i can wait til your family arrives before i go."


"Im fine, thanks. You don't have to do that, mahirapan lang ako lalo mag-explain kung anong nangyari sa akin."


"Ok."


"Salamat uli sa pagdadala sa akin sa ospital."


"Walang anuman.", sagot sa akin ni Lui. "So i guess i should be going now."


"Right.",  hindi na sumagot si Lui. Kinuha niya na ang dala niyang gamit sa lamesa at saka tumayo sa gilid ng kama ko. Akala ko ay may sasabihin pa siya kaya tiningnan ko siya sa mata. Mukhang hindi siya mapakali. Magsasalita na sana ako ng magmuwestra siya ng bye-bye at tumalikod na papunta sa pinto. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay ipinikit ko na ang aking mata. Balak kong matulog habang hinihintay ang aking mga magulang. 


Hinihintay kong marinig ang pagsara ng pinto ngunit may dalawang minuto na siguro pero mukhang nakabukas pa rin ito. Napilitan akong dumilat para i-check kung nasara na ni Lui ang pinto. Nagulat ako ng makita siyang nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa akin.


"May nakalimutan ka ba?", taka kong tanong sa kanya.


"Ah wala, sige mauna na ako.", sagot niya sabay sara ng pinto. Muli ko ng ipinikit ang aking mata ngunit wala pang sampung segundo ay bumukas muli ang pinto ng kwarto ko.


"Uhmmm, Kyle i was just wondering if i can get your number so i can check if okay ka na after 3 weeks?", hindi ako nakasagot dahil sa gulat sa biglang pagbukas ng pinto at dahil na rin sa pagkalito dahil sa kinikilos niya.


"Hahaha, stupid. Nawala nga yung phone ko di ba?", natatawa kong sagot ng mag-sink in sa akin yung tanong niya.


"Ah, right. Sorry, just forget i asked that moronic question. Bye now.", nahihiya niyang sagot.


"But you can just leave your number. I can text you once i get a new phone."


"Yeah, tama. Saglit lang, hihingi lang ako ng papel at bolpen sa nurse station.", masayang sabi ni Lui at saka tinungo ang nurse station.


Wala pang ilang minuto ay nakabalik na siya. Matapos ibigay ang number niya ay tuluyan na siyang nagpaalam.



-------


Matagal din akong nakatulog, pagtingin ko sa relos ay mag-alas kwatro na ng hapon. Siguro napagod din talaga ang katawan ko sa dami ng nangyari kahapon. Mukhang kailangan ko na talaga mag-resign sa work ko. Hindi ko kaya magtrabaho ng may mga personal na problema at sa pisikal kong kondisyon wala rin akong gana pumasok ng work. 


Kasalukuyan kong pinag-iisipan ang mga bagay na ito ng dumating ang pamilya ko.


"Anak, anu namang nangyari sayo?", bungad sa akin ng aking ina.


"Ha? Na-hit and run ako ma, tas may nagmalasakit lang na nagdala sa akin sa ospital.", pagsisinungaling ko.


"Nakita mo ba yung plaka ng kotse?", tanong naman sa akin ni papa.


"Hindi po eh, madilim na kasi non."


"Madilim o lasing ka na non?", pang-aasar ng bunso namin.


"Kuya, piktsuran kita. Post natin sa instagram.", singit ng kapatid kong babae.


"Tumigil ka nga. Wag mo ko idamay dyan. Ma yung helth care card ko nandun sa wallet sa bulsa ng pants ko. Makitanong naman sa nurse. Bayaran niyo na yung bill para makaalis na tayo dito."


"Sabi ba ng doktor, ok ka na?",alalang tanong sa akin ni mama.


"Hindi ko natanong eh. Pero sabi sa akin nung nurse small fracture lang naman daw. Tsaka feeling ko naman ok na ako."


"Sige. Pa, pacheck naman na para sa bahay na makapagpahinga si Kuya.", sabi ni mama kay papa. Agad naman lumabas si papa ng kwarto.


"Anak, nasaan pala yung tumulong sayo? At ng mapasalamatan man lang namin."


"Ah pinaalis ko na ma. May lakad din kasi ata siya. Pero nag-iwan naman ng number. Tawagan na lang natin pagdating natin sa bahay."


"Oh sige. Susundan ko lang ang papa mo. Hoy kayong dalawa wag niyo bwisitin ang kuya niyo. Balik din ako agad.", wika ni mama sa dalawa kong kapatid.


Mabuti na lang at hindi ako nasermunan. Kabaligtaran ng inaasahan ko. Buti na lang din at magaling ako magsinungaling. Di na sila masyado nag-usisa sa nangyari.


"Kuya birthday mo bukas may semento paa mo. Paano ka pa-party?", pang-iinis sa akin ng bunso kong kapatid.


"Problema ko na yun. Wala ba kayong dalang pagkain? Nagugutom na ako eh."



****Renz****

11:20 pm, Sunday
March 20



Maghapon ako nagkulong sa kwarto ko. Ayaw ko na may gawin na kahit ano. Buong maghapon ko ring sinisisi ang sarili ko sa mga nagawa ko kay Kyle. Na-realize ko na ang dami kong kasalanan sa kanya. 


Nakadagdag pa sa sama ng loob ko na wala pa ring balita sila Gelo kay Kyle. Hindi na namin alam ang nangyari sa kanya matapos siyang umalis sa bahay nila Gelo. 


Sinubukan ko siyang tawagan at i-text ngunit wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Sa tindi ng lungkot at pagsisising nararamdaman ko ay kahit ang pag-inom ng alak ay ayaw ko ng gawin.


Gusto ko makausap si Kyle. Gusto ko siyang mayakap. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa harap niya ay gagawin ko. Napaka-tanga ko na hayaang mawala sa akin ang taong pinakaiingtan ko. Handa akong gawin ang lahat bumalik lang siya.


Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha sa aking mata. 


Wala pa kaming isang buwan na nagkatampuhan ngunit labis na ang pagka-miss ko sa kanya. Tama nga sila, hindi mo malalaman ang tunay na halaga ng isang tao hangang di siya nawawala sa tabi mo. 


Mahal na mahal kita Kyle.


Nakakapanghinayang na kahit isang beses ay hindi ko iyon nasabi sa kanya. Lechugas!



****Kyle****


11:16 pm, Sunday
March 20



Halos hatinggabi na din kami dumating sa bahay sa Bulacan. Medyo natagalan kasi kami makalabas ng ospital at naipit pa kami sa traffic ng edsa.


Nakaramdam ako ng konting saya ng makita ko ang gate ng aming bahay. Nananabik na akong pumasok sa aming tahanan at magpahinga. Sa dami ng malulungkot na nangyari sa nakalipas na linggo ay parang gusto ko matulog ng isang buong taon at umasang sa paggising ko ay okay na ako.


Natigil ako sa pagmumuni-muni ng mapansin ang isang gray na kotse sa tapat ng aming bahay.


"Ma nakabili na ng kotse sila Tita Geelene?", taka kong tanong sa aking ina, dahil si Tita Geelene ang isa sa mga kaibigan ni Mama sa lugar namin.


"Hindi, bakit mo natanong?", tanong sa akin ni Mama habang nakalingon sa akin. Nakaupo kasi siya sa harap ng sasakyan katabi ni Papa na siyang nagmamaneho.


"Kala ko lang sa kanila yang kotseng gray.", sagot ko. Sakto naman na huminto si Papa sa tapat ng bahay namin. Pinagbuksan ako ng pinto ng aking ina at tinulungan na makababa ng sasakyan. 


Medyo nahihirapan pa ako sa mga saklay na gamit ko kaya mas pinili kong umakbay kay Mama at ika-ikang naglakad. Tanging ang kaliwa ko lang naman kasi na paa ang nasemento.

Papasok na kami ng gate ng makarinig kami ng tawag mula kay Tita Geelene.


"Mare!", malakas na tili ng kumare ni Mama. "Buti dumating na kayo. Kyle, anak ok ka lang ba? Mag-iingat ka kasi sa tuwing umaalis ka.", tuloy-tuloy na sabi ni Tita Geelene. Likas itong madaldal, at anak na rin ang turing sa akin dahil matagal na silang magkaibigan ni Mama.


"Salamat po Tita. Ok naman po ako.", magalang kong sagot.


"Mabuti naman. Ikaw naman Mare, kanina pa kita tinatawagan, di ka naman sumasagot.", tila nagtatampong sabi ni Tita Geelene.


"Pasensya na Mare, nai-silent ko kasi yung phone ko at di ko na napansin ang pagtawag mo. Bakit mo ba ako tinatawagan?"


"Eh kasi may bisita kayo."


Napagtanto ko na marami pang ikwekwento si Tita Geelene kay Mama at medyo nangangawit na din ako sa aking pagkakatayo. Kaya minabuti ko ng magpaalam.


"Ma, Tita, una na po ako sa loob.", magalang kong sabi sa kanila. 


"Sige anak, Rose abot mo yung saklay ng kuya mo at alalayan mong pumasok.", utos ng aking ina. Inabot namang ng kapatid kong babae ang aking saklay at saka ko sinubukan kong humakbang.


"Kyle.", nagulat ako sa baritonong boses na bumanggit ng aking pangalan. Di ko na nagawang tumuloy pumasok. Nilingon ko ang pinangnggalingan ng tinig na iyon. Nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko ine-expect na makakarating siya dito.


"Ayan, yan ang bisita niyo. Kanina pa kayong alas kwatro ng hapon inaantay niyan. Niyaya kong maghapunan pero diet daw siya.", wika ni Tita Geelene habang papalapit sa amin yung lalaking tinutukoy niya.


Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita at sa aking narinig. Paano niya nalaman ang aking address.


"Magandang gabi po.", bati ng lalaki sa aking ina sabay mano.


"Kaawaan ka ng Diyos. Kaibigan ka ba ng anak ko?", tanong ng aking ina.


"Opo, nag-alala lamang po ako sa kanya. Bigla po kasi siyang umalis sa bahay nung kaibigan namin. Tapos hindi na namin siya matawagan after nun kaya sinadya ko na po siya dito, para siguraduhing okay lang siya.", mahabang paliwanag niya sa aking ina.


Hindi ko naman magawang sumabat sa kanilang usapan dahil pa rin sa pagkagulat. Nilingon ako ng lalaki at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Agad naman nawala ang ngiti na iyon ng mapansin niya ang gamit kong saklay.


"Ano nga uli ang pangalan mo?", tanong pa ng aking ina.


Nilingon siya muli ng lalaki.


"Pasensya na po nakalimutan ko na magpakilala. Ako ho pala si Aki. Achilles Ross del Valle.", ngiting pakilala ni Aki.


"Salamat sa concern mo sa anak ko Aki. Debbie na lang ang itawag mo sa akin. Tita Debbie, ako ang ina ni Kyle. Sige pumasok ka muna at ng makausap mo si Kyle. Kyle, anak ikaw na muna bahala sa kaibigan mo. Kausapin ko lang saglit si Tita Geelene mo.", wika ni Mama sabay talikod sa akin.


"Pasok ka Aki.", nagawa ko ring magsalita sa wakas.


"Sige po Tita.", tinanguan lang si Aki ng aking ina. Agad naman siyang lumapit sa akin at siya ng umalalay sa akin sa pagpasok sa bahay.


Dumiretso kaming dalawa sa sala at duon naupo. Nagkaroon naman kami ng privacy dahil pumasok na sa sarili nilang mga kwarto ang mga kapatid ko.


"Anong nangyari sa'yo?", panimulang tanong sa akin ni Aki.


"Nahagip ako ng kotse e. Ayun may fracture ako sa kaliwang binti ko. Di naman ganun kagrabe.", paliwanag ko sa kanya.


"Bakit kasi hindi mo sinasagot ang tawag ko sayo?", may himig na ng pagkainis na sabi ni Aki. "Naisip mo man lang ba na baka nag-aalala ako sayo ha?"


"Pasensya na.", wala na akong nasabi pang iba dahil may kasalanan din naman ako.


"Yun lang pasensya?! Pinatayan mo pa ako ng cellphone.", reklamo niya pa sa akin. "Sa susunod kasi kapag sinabi kong ihahatid kita, wala na masyadong angal ok?! Matututo ka ding sumunod minsan hindi yung kung anu ang gusto mo iyon na lang ang gagawin mo." Kahit na mahina ang boses ni Aki ay halata ang tinitimping inis.


"Hindi ko naman kasi akalain na masasagasaan ako eh.", hindi ko alam kung bakit pero sa pangalawang pagkakataon ay sinesermonan ako ni Aki. Una ay nung nasa condo niya ako at umalis ng walang paalam. Katulad din noon ay nangingilid ang aking luha. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin.


"Napakatigas kasi ng ulo mo.", habang nagsasalita si Aki ay di ko na napigilang pahirin ang namumuong luna sa mata ko.


"Tara nga dito.", biglang sabi ni Aki sabay kabig sa akin palapit sa kanya at mahigpit akong niyakap. 


"I was so worried about you, i'm sorry. Buti na lang at walang grabe nangyari sayo kundi mapupugutan ko talaga ng ulo si Renz.", bulong sa akin ni Aki habang mahigpit akong niyayakap.


Kumawala din naman ako agad sa yakap niya matapos ang ilang sandali dahil baka makita pa kami ni Mama na kausap pa rin si Tita Geelene sa labas.


Sakto naman na pagkalas ko kay Aki ay siya namang pagpasok ni Mama. Buti na lang at hindi niya kami inabutan na magkayakap.


"Iho, sabi ng kaibigan ko ay kanina ka pa raw alas-kwatro dito. Saan ka pa ba nanggaling?", tanong ni Mama kay Aki.


"Sa Mandaluyong po ma'am.", magalang na sagot ni Aki.


"Masyado ka namang pormal. Tita Debbie na lang ang itawag mo sa akin. Hala, halika at kumain ka muna. Hindi ka raw kumain sa mga kumare ko. Sabayan mo ng kumain si Kyle."


"Hindi na po tita, busog naman po ako.", pagtanggi ni Aki.


"Alam kong kayong mga kabataan ay masyadong concerned sa figure niyo pero di yan pwede dito sa bahay namin. Tumawag ka na rin sa inyo at magpaalam na dito ka na matutulog. Hindi ako papayag na umuwi ka pa, baka kung anu pang mangyari sayo tulad ng sa isang ito.", mahabang litanya ni mama sabay turo sa akin.


"Sige po tita.", napatingin na lang si Aki sa akin.


"Maiwan ko muna kayo, ihahanda ko lang ang pagkain.", paalam ng aking ina.


Nang mawala sa aming paningin si Mama ay nagkatinginan na lang kami ni Aki.


"Wala kang binatbat sa kakulitan ng mama ko no?"


"Oo nga eh mukang nagmana sayo hindi man lang ako nakahirit.", natatawang sagot ni Aki.


Makalipas ang ilang saglit ay tinawag na kami ni Mama para kumain. Tanging mga magulang ko lamang at kami ni Aki ang nasa hapag kainan dahil natulog na raw ang aking mga kapatid 
Ayon kay mama.


"Kasama ka ba ni Kyle sa trabaho? ", tanong ni Papa habang kami ay kumakain.


Aki: Hindi po.

Ako: Opo.


Nagkatinginan ang aming mga magulang ng sabay kaming sumagot ni Aki at magkaiba ang aming sagot.


"Anu ba talaga?", naguguluhang sagot ni Mama.


"Nagresign na kasi siya pero dun siya dati nagtatrabaho sa company namin.", palusot ko sa aking mga magulang. Ayaw ko kasi na magtanong pa sila kung paano kami nagkakilala. Di ko naman pwedeng sabihin na he's some guy i met in a bar. Di ko magugustuhan ang magiging implikasyon noon sa aking mga magulang.


"Anu na ngayon ang work mo iho?", tanong muli ni Papa.


"Accountant po sa isang company sa Makati.", hinayaan ko ng sagutin iyon ni Aki para di na maghinala pa ang aking mga magulang.


"That's nice. Pangarap ko din sana yan para kay Kyle. Kaso may pagkatamad yang batang yan...", alam ko na ang mga ganitong linya ng aking ama. Malamang sa pupuntuhin na namn niya ang hindi ko pagtapos sa aking pag-aaral kaya minabuti ko ng sumabat.


"Pa, wag mo na ituloy yang sentimyento mo, makakabisa ko na eh. Wag ka mag-alala babalik na ko sa skul this sem.", napansin ko naman ang lihim na pagkakangiti ni Aki. Mukhang nangaasar pa ang isang to.


"Uy bago yan ah. Mukhang maganda ang naging pagkakabagok ng ulo mo.", tiningnan ko lang si Papa para ipaalam na di nako natutuwa sa mga biro niya.


"Tumigil ka nga dyan Ricardo. Sige anak, maganda yang plano mo. Ituloy mo lang yan.", si Mama lagi ang tagapagligtas ko sa tuwing inaapi ako sa bahay.


"Natutuwa kami iho at binisita mo ang aming anak. Ni minsan kasi ay di pa yan nag-uwi dito ng kaibigan mula sa Maynila.", sabi ng aking ina.


"Naku, girlfriend nga wala pa uling pinapakilala sa amin eh. Baka bigla na lang umuwi yan dito na may bitbit ng bata.", pang-aasar muli ng aking ama.


"Hehehe, wag po kayong mag-alala. Wala naman po akong nababalitaan na girlfriend ni Kyle.", pangsusulsol naman ni Aki.


"Ang gusto ko lang naman para sa kanya ay tapusin ang pag-aaral bago magbulakbol. Mahirap na at baka mapikot pa ang anak ko. Mana pa naman sa akin ng kagwapuhan iyan."


"Pa, pwede ba. Nakakahiya sa bisita ko.", naiinis ko ng sabi. Binato ko rin ng naiinis na tingin si Aki.


"Tumigil ka na nga Ricardo at kumain ka na lang jan. Iho, doon ka na lang sa kwarto ni Kyle matulog, malaki naman ang kama niya. Tingin ko ay kasya na kayong dalawa roon.", wika ng aking ina.


"Ma, dun na lang siya matulog sa kwarto ni Drew.", naiinis ko pa ding sagot. "Si drew na lang patabihin mo sa akin."


"Alam mong parang bodega ang kwarto ng kapatid mong yon eh."


"Ah tita kahit doon na lang po ako sa sala.", singit ni Aki sabay tingin sa akin. Inirapan ko lamang siya. Hindi ko nagustuhan ang naging takbo ng pang-aasar nila ni papa sa akin.


"Tigilan mo nga ang tantrums mo Kyle. Mahiya ka sa bisita mo. Iho doon ka na sa kwarto ni Kyle."


Matapos akong kumain ay nagpaalam na akong papasok sa aking kwarto. Hindi ko na inantay pa si Aki. Buti na lamang at hindi ko na kailangan pa umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nagawa kong pumunta sa aking kwarto ng hindi humihingi ng tulong sa kanila. Nang makapasok ay ini-lock ko ang pinto at sinikap bihisan ang sarili. Nahiga ako sa aking kama pagkatapos.


Maya-maya ay nakarinig ako ng mahihinang katok. Muli akong bumangon at binuksan ang pinto.


"Bakit mo ba nilo-lock ang pinto?", tanong ng aking ina.


"Nagbihis po ako.", masungit kong sagot.


"Umayos ka Kyle Angelo.", banta ng aking ina sa akin. Alam niya ang mga kalokohan ko kapag ganitong nagmamaktol ako.


Hindi na ako sumagot at nahiga ng muli sa aking kama sabay pikit ng mata. Narinig ko ang pagpapasok ng aking ina kay Aki. Di nagtagal ay narinig ko ang marahang pagsara ng pinto at pag-click ng lock. Alam kong si Aki iyon, dahil naamoy ko ang kanyang pabango sa aking kwarto.


Batid kong nakahiga ako sa gitna ng kama at wala siyang lugar para higaan ngunit hindi ako kumilos at nagtulug-tulugan. Bahala siya kung gusto niya matulog sa sala. Basta ayaw ko siyang katabi.


Muling nagbukas-sara ang pinto. Naisip ko na baka lumabas na si Aki at sa sofa na lang matutulog. Hinanap ko ang aking laptop, naiwan ko kasi iyon dito sa bahay noong huling beses na umuwi ako dito. Binuksan ko iyon at naglog-in sa aking facebook account. Nagulat ako sa dami ng messages sa aking inbox. Halos lahat ay galing kay Aki at hinahanap ako. Nang tingnan ko ang date ay noong nakaraang araw pa ang mga mensahe. Natigil ako sa pagbabasa ng may mag-chat sa akin. Si Gelo na kaibigan ni Aki.


Gelo: hoy buhay ka pa?

Me: oo!

Gelo: nakita ka ba ni Aki?

Me: sabi ko na nga ba eh... ikaw pakialamero ka ang nagbigay ng address ko kay Aki eh. Pano niyo nalaman ang eksaktong address ko ha?!.

Gelo: syempre resourceful kame ni Neil.

Me: kapal niyo. Pauwiin mo na nga yung kaibigan mo. Binubwiset lang ako dito eh.

Gelo: alam mo maldita ka talaga. Alam mo bang halos 24 hrs na walang tigil yang nagpapaikot ikot sa metro manila kahahanap sayo. Di na nga halos natutulog eh.

Me: oa ka.

Gelo: di pa ba halata sa eyebags niya? Seryoso ako, kaya kami napilitan ni neil na kusapin yung kaibigan niya sa hr ng company mo. Dun namin nakuha ang address mo. Kasi mukhang walang balak tumigil si Aki hanggang di nasisigurong ok ka lang.


Matapos mabasa yon ay naglog-out na ako. Pinatay ko na din ang aking laptop. Muli akong nahiga at pinag-isipan ang mga sinabi ni Gelo. Ginawa niya ba talaga yon? Parang napakahirap naman na paniwalaan. Pero nandoon siya sa labas ngayon. Malinaw iyon na ebidensiya na hinanap niya nga ako nung umalis ako sa party ni Gelo. Nakaramdam naman ako ng guilt ng maisip na hinayaan ko lang siya na matulog sa labas matapos magpakahirap na hanapin ako.

Bumangon ako at lumabas ng aking kwarto. Pero wala na akong Aki na nakita sa sala. Nakita ko ang unan at kumot na nakalapag sa sofa pero wala doon si Aki. Tinungo ko ang kusina at banyo pero wala din siya doon. Nalungkot ako ng maisip na baka umuwi na siya.




....to be cont'd....

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails