Followers

Friday, May 3, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 10]


Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 10]





By: Crayon





****Renz****


6:07 pm, Friday
March 18




Masakit ang ulo ko. Yun ang una kong naramdaman ng magkamalay ako. I've been drinking and partying for the past 4 days. I tried to get up of my bed, but i was surprised to see that i was naked. 


"Gising ka na din sa wakas.", muntik na akong mahulog sa higaan ko ng may marinig akong magsalitang lalaki mula sa banyo ng aking kwarto.


"I hope you don't mind, nakigamit na ako ng banyo mo.", wika muli ng lalaki.


"What are you doing here?", yun na lang ang nasabi ko habang pilit inaalala kung anu na naman ang ginawa ko kagabe.


"Hahaha, classic. Well you were so drunk last night, i had to drive you home. I kinda checked on your wallet to look for an id so i can take you home safely. Then you just started kissing me. And you know what happens after that.", sagot niya sa akin sabay ang isang mapanuksong ngiti. "Do you want me to kiss you again? Maybe that will make you remember things.", mungkahi niya ngunit di ko na yon pinatulan pa.


"What was your name again?", tanong ko sa lalaki. Hindi maipagkakailang may itsura ang aking kaharap. Halata din ang kanyang paggy-gym sa hubog ng kanyang katawan. 


"Alvin.", sagot niya matapos makapagbihis.


"Thanks for driving me home."


"Thanks for the wild night. I had fun.", sinundan niya pa iyon ng isang pilyong tawa. "Anyway, i have to go now. You have my number, you asked for it last night. Just text me if in case you want company."


Tumango lamang ako.


"Baka pwede mo kong ihatid sa baba, para naman hindi magulat ang mga kasama mo sa bahay. Ayaw kong mapagkamalang akyat bahay.", pakiusap ni Alvin sa akin.


Hindi na ako sumagot at nagbihis na lang. Hinatid ko na siya sa ibaba. Sinamahan ko na din siya mag-abang ng taxi. Hindi naman kami natagalan sa pag-aantay. Bumalik na din agad ako sa bahay dahil nakaramdam ako ng gutom. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil di ko man lang naalok si Alvin na kumain. 


"Sino yon?", tawag sa akin ng aking ina ng makapasok ako sa kusina.


"Kabarkada lang po. Nakitulog.", walang gana kong sagot habang kumukuha ng pagkain sa ref.


"Ahhh, ngayon ko lang kasi nakita. Nga pala, papuntahin mo si Kyle dito may ginawa akong cheesecake. Matagal ko na ding hindi nakakwentuhan yung batang yun, nakakamiss din.", pakiusap ni mama sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis.


"Busy po yon.", maiksi kong sagot. 


"Ah ganun ba? Dalhan mo na lang siya sa kanila."


"Ma, busy nga po yung tao.", naiinis ko ng sagot. Nang makapaglagay ng pagkain ay kumuha rin ako ng isang bote ng alak sa ref at dinala lahat ng iyon sa kwarto ko upang makaiwas na din sa tanong ng aking ina.


"Alak na naman yang hawak mo.", sita sa akin ng aking magulang. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na ako sa aking kwarto.



Nakakalungkot ang pakiramdam na kumaing mag-isa. Tumungga ako ng alak, parang tubig na lang ang iniinom ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kaapektado sa nangyari. Ginagawa kong miserable ang aking sarili. Kahit si mama napapansin ang gabi-gabi kong paginom. Iyon kasi ang ginagawa kong outlet ng mga nararamdaman ko. 


Eh kay Kyle kaya anung epekto ng nangyari? Malamang si Aki naman ang nilalandi nun. Manhid naman yun eh. Bakit nga ba siya maapektuhan. Siya na ang nagsabi na hindi siya marunong magmahal at ayaw niya. Isa lang akong malaking tanga na umasang mababago ko siya. Akala ko babalik siya para kausapin man lang ako tungkol sa mga nangyari para kahit yung pagkakaibigan namin ay maisalba. Pero hindi nangyari yun, limang araw na din ang lumipas at kahit text wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko rin alam kung pumasok man lang sa isip na baka galit o nagtatampo ako. Napaka-choosy naman niya. Napakama-pride. Akala mo kung sinong may maipagmamalaki. Tang*na niya talaga. Makakatikim din siya ng karma niya.


Isa siya sa pinaka walang kwentang taong nakilala ko. Bakit ba pinag-aksayahan ko pa siya ng oras? Madaming nagkakandarapa para pansinin ko tapos sa isang katulad niya lang ako makakakuha ng rejection. Bullsh*t!


Biglang pumasok sa isip ko si Alvin. Kelangan ko ng aaliw sa akin, and he's perfect for the job. Tiningnan ko ang phone ko at sinubukan hanapin ang number niya, nang biglang may pumasok na text.


Gelo: tol! Bukas ng gabe ha? Sa bahay sa rizal, wag kang mawawala. Isama mo din si Kyle. Salamat!




****Kyle****



7:30 pm, Friday
March 18





Last day ko na sa work tapos day off na uli. Usually nae-excite ako kapag off ko dahil madalas ay nagkikita kami ni Renz. Ngunit ngayon ay hindi ko na nararamdaman yung excitement na yon.


Kasalukuyan akong nakatanga sa harap ng counter ng isang fast food chain, wala akong ganang kumain pero kailangan ko dahil ayaw ko namang mahilo habang nagtatrabaho. Pakiramdam ko ay kaya ko ng i-recite ang bawat pagkain sa kanilang menu ng walang tinginan. Madalas kasi akong kumain dito kapag tinatamad ako magluto.


"Miss, isang cheeseburger na lang tsaka regular sprite. Salamat.", wika ko sa kahera saka bigay ng bayad. Inulit niya lang order ko at sinabing i-seserve na lang daw sa lamesa ko. 


Nakatingin lamang ako sa number na ibinigay ng kahera sa akin. Kung nandito si Renz, malamang double cheeseburger ang order nun. Isa't kalahating matakaw kasi yun, sadyang aktibo lang ang kanyang metabolism kaya hindi siya gaanong tumataba. Gustong-gusto ko na siya i-text o tawagan para magkaayos kame pero di ko alam kung anung sasabihin sa kanya. Hindi ko rin alam kung anung iniisip niya sa akin at kung gusto niya ba akong magtext o tumawag pa sa kanya. Galit nga ba siya? O baka naman biro lang sa kanya yung mga naitanong niya sa akin at masyado ko lang sineryoso. Maaring pinagtitripan niya lang ako at wala sa kanya ang anumang napagusapan namin...Haaayyy... 


"Alam mo ang cute na katulad mo di dapat mag-isa sa table", nagulat ako ng may dalawang lalaking biglang umupo sa upuan sa harap ko.


"Alam niyo ang mga bwiset na tulad niyo dapat umaalis sa harap ko kapag ganitong di maganda ang gising ko.", sagot ko sa lalaking nagsalita.


"Hahaha wala basag ka Gelo kay Kyle. Haha di mo kakayanin ang kasungitan nito.", pang-aalaska ni Neil kay Gelo. Mga kaibigan sila ni Renz. Buhat ng maging magkaibigan kami ni Renz ay madalas na din akong napapasama sa mga inuman session nila at naging ka-close ko na din ang karamihan sa kanila, katulad ng dalawang to.


"Alam mo cute ka sana kaso ang sunget mo.", banat na naman ni Gelo.


"Alam mo kailangan mo ng mag-toothbrush.", nang-aasar kong sagot.


"Tahahahaha, nakakahiya ka bro!", dagdag na alaska ni Neil.


"Sobra ka na ha, wala namang personalan. Hahaha", sagot ni Gelo. Masarap kaasaran ang dalawang ito dahil hindi mga pikon. Pero wag mong gagawin na may malaman silang sekreto mo dahil tiyak na mapapaiyak ka nila sa pang-iinis sa iyo.


"Bakit ba nandito kayong dalawa ha? Nag-cr ako kanina ok naman yung banyo nila. Hindi kailangan ng maninisid ng poso negro dito.", tanong ko sa dalawa.


"Wow! Grabe! Sa gwapo naming to, maninisid lang ng poso negro tingin mo sa amin?", wika ni Neil.


"Gelo yung totoo, kapag sumisisid ka ba sa poso negro, nakabukas ang bibig mo? Amoy na amoy eh.", biro kong muli kay Gelo.


"Nakakasakit ka na talaga. Mahirap ang buhay ngayon no di na pwedeng choosy sa trabaho. Tsaka kasalanan ko bang inaantok ako kapag nagtatrabaho? Mahirap kaya pigilin ang maghikab, Hahaha", sagot ni Gelo sa akin. Di ko na napigilang humagikgik, nun lang ako muli natawa mula ng umuwi ako ng Bulacan.


"Haha, bwiset ka talaga Gelo. Bakit ba kayo nandito?", tanong kong muli sa dalawa.


"Eh kasi nakita ka namin sa labas, at dahil espesyal ka sa amin ni Neil, gusto kitang personal na imbitahin na pumunta sa birthday ko bukas. Yehey!!!", nagulat ako ng biglang maglakas ng boses si Gelo. Ako ang nahiya sa ginawa niya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. May pagka-abno talaga ang isang to. Natawa lamang ang kasama niyang si Neil sa pinaggagawa niya.


Bigla namang pumasok sa isip ko si Renz. Malamang pupunta din siya sa inuman na yon. Siguro ito na ang pagkakataon ko na makausap siya.


"Anyare?", sarkastikong tanong sa akin ni Neil ng mapatunganga ako.


"Sige, count me in.", yun na lang ang naisagot ko.


"Nga pala maiba ako. Alam mo bang bumalik na si Aki.", tanong sa akin ni Gelo. Di agad ako nakasagot dahil sa pagdating ng waiter na may dala ng order ko. Inalok ko kumain ang dalawa, pero alam kong tatanggi sila dahil diet ang laging drama ng dalawang to. Ayaw mabawasan ang bilang ng pandesal sa tiyan.


"Nagkita na ba kayo?", dagdag na tanong ni Gelo.


"Oo at oo.", wala sa loob kong sagot habang kumakagat sa burger na inorder ko. Itinaas ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko dahil biglang natahimik ang dalawa.


Nakatitig lang sila sa akin. Mga tingin na nagsasabing "something smells fishy". Dinedma ko na lang sila, ayaw kong may masabi pa akong pagsisisihan ko. Kilala sa pagiging tsismoso at pakialamero ang dalawang to sa grupo.


"Dukutin ko kaya mata niyong dalawa at ipalaman ko sa kinakain ko, no?", banta ko sa dalawang ng hindi nila tigilan ang pagtitig sa akin.


"Kelan kayo nagkita ni Aki?"


"Anong nangyare sa inyong dalawa?"


"Paano na si Renz?"


"Di ba siya nagalit na nakipagkita ka kay Aki?"


"Love triangle na uli ganun?"


"Anong mangyayare ---"


"Ang tanong ay kung anung mangyayare sa inyong dalawa kapag hindi pa kayo lumayas sa harap ko sa loob ng sampung segundo.", pagputol ko sa dire-diretsong pagtatanong ng dalawa. Matagal na nila akong tinutukso kay Renz. Wala naman akong nasasabi na anuman sa kanila tungkol sa nararamdaman ko. Sa aking paniwala ay madalas nila ako inaasar kay Renz dahil ito ang lagi kong kasama.


"Ikaw naman Kyle masyado kang nagiging bayolente. Chill lang. Curious lang naman kami kasi mas nauna pa siyang nagpakita sa iyo kaysa sa amin na matagal niya ng kaibigan.", sagot ni Gelo.


"Kasalanan ko ba yon? Tsaka aksidente lang naman yung pagkikita namen. At wag niyo ng alamin pa ang detalye dahil di niyo naman ikaka-talino yun."


"Ouch, sakit ha. Pero di bale malalaman din namen yan. BDO!", muli sumigaw si Gelo sa pagsasabi ng BDO.


"Anong BDO?", tanong ko sa dalawa.


"Hihi, we find ways!", sagot ni Neil. "Lakas maka-Xian lim no?"


"Oo tol, sige na Kyle pagbutihin mo ang pagkain jan. Wag kang mawawala bukas ha? Magagalit ako sa'yo. Pupunta lang kami ng gym.", paalam ni Gelo.


Tumango lang ako, at pinanood ang dalawa na umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Mag-isa na naman ako. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Sana maayos na ang lahat bukas.




****Kyle****



6:38 pm, Saturday
March 19





Maaga ako nagising ng hapong iyon. Kailangan ko maghanda para sa party ni Gelo mamaya. Ilang beses ko ding prinaktis sa ulo ko ang gagawing pagkausap kay Renz. Hindi ko na dapat patagalin pa ang tampuhan namin na 'to ayaw kong lumala pa ang mga bagay-bagay, mabuti na yung magkalinawan kami.


Lahat ng alam kong makakapagpa-gwapo sa akin ay ginawa ko. Vain na kung vain basta ang gusto ko ay maging gwapo ang hitsura ko. Di ko man mapantayan ang ka-gwapuhan ni Renz yung at least close naman dun ay pwede na. 


I chose to wear  a black long sleeves, para hindi masyado halata ang taba ko. Tinernuhan ko ito ng dark blue jeans, black leather shoes, and a white wrist watch para tamang contrast lang at dahil din bigay sa akin ni Renz yung relo na yun. Siniguro ko ring mabnago ang aking amoy, kung kinakailangan na hindi ako magyosi hanggang magkita kami ni Renz ay handa kong gawin basta mapansin niya na mabango ako. Humarap ako sa salamin sa kwarto ko at nasayahan naman ako sa nakita ko. Semi-formal, minsan ng sinabi sa akin ni Renz na bagay sa akin ang ganitong ayos dahil nagmumukha daw akong tao. Napangiti naman ako sa salamin dahil sa naalala ko.


Bumaba na ako ng apartment at nagantay ng taxi. Ayaw kong mausukan sa pagco-commute.


-------


8:30 pm. Na ako dumating sa bahay nila Gelo. Sinalubong naman ako nila Gelo at Neil.


"Happy birthday abno!", nakangiti kong bati kay Gelo sabay abot ng regalo ko. 


"Salamat. Pero bakit mag-isa ka lang tsaka bakit ganyan suot mo?", takang tanong niya sa akin.


"Ha? Pangit ba?", alala kong tanong.


"Naku tol, di ata natin siya nasabihan na pool party.", biglang sabi ni Neil.


Para naman akong binuhusan ng tubig sa narinig. Overdressed ako. Magmumukha pa ata akong tanga. Gusto kong umuwi muna at magpalit ng damit.


"Joke.", nakangising sabi ni Gelo.


"Tarantado ka! Mapapatay kita sa kalokohan mo.", sigaw ko kay Gelo.


"You should've seen the shock on your face. Hahaha", pang-aasar pa ni Neil.


"Buset kayong dalawa.", natatawa ko na ding sagot.


"Tara na nga sa loob.", imbita ni Gelo. Sumunod naman ako sa kanila. "Kyle, asan si Renz?"


"Ha?", hindi ko inaasahan ang tanong na yon. Madalas kasi ay sabay kaming dumadating sa twing may ganitong pagkikita kita ang barkada. "Ah.., wala kasi siyang nabanggit na sabay kami ngayon kaya nauna na ko. Nagsabi ba siya na di siya pupunta?"


"Hindi naman. Pero tinext ko siya di din naman siya nagreply.", sagot ni Gelo. Naputol ang aming usapan ng makarating kami sa pool area ng bahay nila Gelo.



"Ayun oh! I sure would love to see Kyle's reaction when these two morons played their frank on him.", malakas na sabi ni Martin.


"It was priceless bro. Kahit sinong may sakit gagaling kapag nakita ang itsura kanina ni Kyle.", nang iinis na sagot ni Neil.


"Bakit kasi masyadong pormal ang suot mo? Nakaitim ka pa.", tanong ni Jordan.


"Akala ko kasi lamay na ni Gelo at Neil. Birthday pala ni Gelo. Pero anong malay natin baka tuluyan ko na din tong dalawang to.", sagot ko kay Jordan na ikinatawa ng lahat.


"Tulungan na kita.", sagot ni Mico na medyo nakapormal din. 
Lalo lamang tumawa ang grupo. Medyo madami na din ang nanduon nasa labinglima na siguro. Nagsisimula na din ang inuman. Inalok nila akong uminom ngunit tumanggi muna ako,ayaw kong mag-amoy alak.


Inalok akong kumain ni Gelo ngunit tumanggi ako dahil wala akong kasabay. Umupo lang ako sa umpukan ng mga nag-iinuman at nakinig sa kanilang kwentuhan. Katulad ng dati ay puro tawanan ang ginawa ng magkakabarkada. Pansamantala kong nakalimutan ang kaba sa gagawing pakikipagusap kay Renz


"Guys, may i have your attention please. I am very pleased to introduced our special guest for tonight. The very hansome and 
Elusive..."


"Siraulo ka talaga.", natigil ang pagsasalita ni Gelo ng biglang sumulpot mula sa kanyang likuran si Aki. "Kamusta mga tsong? Miss me?", nakatawang sabi ni Aki.


Naghiyawan naman ang mga kabarkada niya at lumapit sa kanya. Binati siya isa-isa ng mga ito, halatang nananabik din sila sa kaibigang matagal na nawala. Nanatili lang ako sa aking upuan, dahil ayaw ko namang makigulo sa kanila. Ilang minuto din silang nagkamustahan bago bumalik sa lamesa upang ipagpatuloy ang pag-inom.


"Hey, Kyle andyan ka pala.", tumango lamang ako kay Aki. Halata naman ang bigla nilang pananahimik. Hindi ko alam kung bakit. 


"Kumain ka na ba?", tanong sa akin ni Aki. Umiling lamang ako.



 "Tara, sabay na tayo kumain.", tumayo ako sa aking kinauupuan para makakain na kami ni Aki. Hindi ko din kasi gusto ang mga matang nakamasid sa akin habang nakikipag-usap kay Aki, para bang may hinagawa akong maling bagay.


Nang matapos kumuha ng pagkain ay pinili namin na kumain sa loob ng bahay nila Gelo upang makaiwas sa gulo ng mga nag-iinuman.


"Kamusta ang buhay?", tanong ni Aki sa kalagitnaan ng aming pagkain.


"Eto pilit humihinga para lang masabing buhay.", mapait kong sagot sa kanya. "Ikaw kamusta? May sakit ka pa ba?"


"Ok na ko, magaling ka kasi mag-alaga. Huwag ka na malungkot, try to have fun tonight."


"Right. Nga pala, akala ko ba babalik ka ng davao today, bakit andito ka pa din?"


"Hmmm, naisip ko muna i-postpone, namiss ko na kasi ang barkada."


Tumango lamang ako bilang sagot. Pabalik na kami sa poolside ni Aki ng makarinig kami ng malalakas na sigawan galing sa parteng iyon ng bahay. Madali naman kaming naglakad ni Aki upang tingnan kung anung nangyayare.


May pinagkukumpulan ang barkada mukhang may bagong dumating. Nang makalapit kami ni Aki ay agad naman tinawag ni Gelo ang aking pansin.


"Hoy Kyle! Hindi ka man lang nagkwento kahapon na may bago na palang partner si Renz!", hindi agad na proseso ng utak ko ang sinabi ni Gelo. Ang tanging tumatak lang na salita sa isip ko ay ang pangalan ni Renz. Agad kong hinanap ang maamong mukha ni Renz sa grupo. Nang makalapit na husto ay nakita ko si Renz.


Nakasuot siya ng fitted na v-neck shirt na may mga dark blue stripes. Pinatungan niya ito ng brown leather jacket at tinernuhan ng slim cut na black jeans. He looks gorgeous with what he is wearing. Parang modelo na pinaganda ang isang damit ng isinuot sa kanya. 


I tried to stare at his eyes, surprisingly he stared back at me. Ngunit blangko o walang laman ang tingin na ibinigay niya sa akin. Mukhang may tampo nga siya sa akin. 


Naputol ang pagtititigan ko sa kanya ng magsalita siya.


"Kyle, this is Alvin.", malamig niyang sabi.


Noon ko lamang napansin ang adonis na nakatayo sa kanyang tagiliran. Defined ang jaws at cheek bones ng lalaki, hot ang dating. Halos magkasingtangkad at magkasingkatawan sila ni Renz. Kasalukuyang nakangiti sa akin ang lalaki. He had a very eye-catching smile. 


"Tara na Renz pakainin mo na muna ang partner mo.", biglang singit ni Gelo.


Nun ko lang lubos naintindihan ang mga nagaganap. Nanlamig ang pakiramdam ko, parang bigla akong matutumba dahil parang lahat ng dugo ko ay umaakyat patungo sa ulo ko.


Ganoon lang kabilis yon?, yaan ang tanong na agad pumasok sa aking isip ng ma-realize ang mga nangyayare.






....to be cont'd....




2 comments:

  1. antakit antakit takit naman nito. TEAM AKI PARIN AKO "KYLAKI" wahahaha

    -ichigoeksdii

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails