Followers

Tuesday, May 14, 2013

Ang RnB 9




Ilang hours lang na nahimbing sina Josh and Wax pagkatapos nilang magJamming at ngayo nga'y nakahiga at nagpapakiramdaman ang dalawa. Nakatihaya't tahimik na hinihimas-himas ni Josh ng kaniyang isang kamay ang buhok ng nakayakap sa kaniyang si Wax habang ang isa nilang kamay ay magkahawk. Nakatanday ang ulo ni Wax sa well formed na shoulder ni Josh.
"Wax..." Ang kauna-unahang salitang nasambit ni Josh ng umagang yaon. Hindi na nakatiis itong si Josh sa nakakabinging katahimikan na bumabalot sa apat na sulok ng room ni Wax.
"....." nanatiling tahimik lamang itong si Wax kasabay ng lalong paghigpit ng kaniyang pagyakap sa hubad na katawan ng kaibigan.
"Wax..." Ang muling sambit ni Josh at talaga namang lalong nagleLevel-Up ang kalungkutan niyo kasabay ng pagsikat ng araw. Alam ni Josh na in just a few moments na lang ay kailangan na niyang magpaalam sa kaniyang mahal na mahal na Best Friend.
Tumulo na din ang luha ni Josh nang maramdaman niyang unti-unting namamasa ang kaniyang balikat at hindi na niya kinakailangang tanungin itong si Wax at alam niyang lumuluha ang kaniyang kaibigan.
"Wax naman..." Hindi na mapiyok ni Josh nang sambitin niya ulit ang pangalan ng kayakap kasabay ng kaniyang malamyos na pagluha.
Tanging hikbi't pagsinghot lamanng ang naririnig ni Josh mula kay Wax na siya pang lalong nagpaGloomy at nagpaBigat sa nararamdaman niya.
"I have to go..." Ang paalam ni Josh kay Wax ngunit lalo pang hinigpitan ni Wax ang kaniyang pagyakap sa kaniya.
"I'm sorry..." Ang bulong ni Josh kay Wax kasabay ng pagbibigay niya ng isang mariing halik sa forehead nito.
Alam ni Wax na tulad ng kanilang pinagkasunduan ni Josh last evening ay puputulin na nila ang kanilang relationship na more than just friends at magiging magBest Friend na lamang silang dalawa ngunit batid ni Wax na hindi na magiging katulad ng dati ang kanilang relationship ni Josh not unlike before nang nag-i-iStay pa siya sa Calauag Quezon.
Kahit masakit kay Wax na tanggaping tatapusin na nilang dalawa ni Josh ang kanilang relationship ay kailangan niya itong pangatawanan para na din sa ikabubuti nilang dalawa at nang mga taong nasa paligid nila.
Mahirap tanggapin pero deep inside ay umaayon itong si Wax na they're Destined just to be Friends since nakaSet na sa kanilang mga future ang isang napakalaki't napakagandang opportunity at talagang hindi nila makitang may Papel ang kanilang pagsasama sa kanilang pangarap sa buhay.
Si Wax ay mag-aAbroad kasama ang kaniyang Band for a greener pasture at si Josh nama'y will stay in Quezon para asikasuhin ang lumalagong nilang Buko Pie Business. Uunahan na nilang dalawa ang future dahil alam nilang walang space ang kanilang pagmamahalan sa kani-kanilang mga buhay sa hinaharap.
Lumipas ang mga minuto'y unti-unting nawawala ang higpit ng pagyakap ni Wax kay Josh hanggang muling nanahimik ang buong kuwarto. Hindi na umimik pa itong si Wax at hindi niya inalis ang kaniyang pagkakayakap sa kaniyang kaibigan.
Dama ni Josh sa mga yakap sa kaniya ang pagpaparaya ni Wax ngunit kautad din ng kaniyang kaibiga'y wala ding imik itong si Josh. Alam ni Josh na siya naman ang dapat kumilos sa mga sandaling iyon.
Mahirap para kay Josh ang kasalukuyang sitwasyon nilang dalawa ng kaniyang kaibigan ngunit kinakailangan niyang kumilos na dahil sa bawat patak ng segundong nanatili siyang inaakap ni Wax ay tila isang pagpapahirap ito sa puso ng bawat isa.
Kasabay ng marahang pagtulo ng luha ni Wax ay marahan ring kumalas sa kaniyang pagkakahawak sa kaniyang kamay si Josh at pagkatapos ay inialis nito ang kamay ni Wax na nakayakap sa kaniya. Wala pa ding imik si Wax sa mga sandaling iyon kasabay ng walang humpay na pagtulo ng kaniyang mga luha.
Inalis ni Wax ang pagkakadantay ng kaniyang ulo sa balikat ni Josh at tumalikod siyang patigilid upang malayang makatayo na si Josh sa kama. Tahimik na itinuloy na lamang ni Wax ang kaniyang pagluha nang maramdaman niyang tumayo na si Josh mula sa kama.
Pinunasan ni Josh ang kaniyang mga luha't buong tapang niyang hinarap ang mga sandaling iyon upang tanggapin ang kanilang kapalaran ni Wax.
Habang nagbibihis ay hindi iniaalis ni Josh ang kaniyang paningin sa nakahiga't nakatalikod sa kaniyang si Wax at nang makapag-ayos na siya ng kaniyang sarili'y huminga si Josh ng malalim.
Nagdadalawang isip itong si Josh kung magpapaalam ba siya sa nakatalikod at naghihinagpis na kaibigan o lalabas na lamang siyang walang paalam.
Katulad ng planong hindi pagpaparamdam ni Wax ay gayundin din naman ang gagawin nitong si Josh sa kaibigan. Bukambibig lang nilang dalawang magiging magBestFriend ulit sila ngunit ang katotohana'y tatapusin na nilang dalawa ang kanilang ugnayan sa bawat isa upang maibsan ang kalungkutan na kanilang mararamdaman sa bawat araw na lilipas pagkatapos nilang lisanin ang piling ng bawat isa.
"Wax..." Ang mahinang sambit ni Josh sa kaibigan ngunit nanatiling walang kibo ang isa.
Napakagat ng kaniyang labi itong si Josh at walang pasabing kumilos ito ng mabilis upang lumabas na ng kuwarto't lisanin na ang apartment ng kaibigan.
Kasabay ng tunog ng pagsara ng pintua'y walang humpay na napaluha muli itong si Wax dahil alam niyang lumisan na sa kaniyang piling ang taong labis niyang minahal sa simula pa lamang.
Ang taong itinuring niyang parte na ng kanyang buhay.

************************************

Habang payapang binabagtas ng Bus na sinasakyan ni Joshua ang daan papauwi sa kanila sa Quezon ay ganoon din ang pagmumuni-muni nito sa mga nagdaang mga araw at muli niyang inalala ang panahong pinagtagpo sila ng kaniyang best friend na si Wax.
Hindi niya maitatangging masaya siya't buo ang kaniyang pagkatao kapag kapiling niya si Wax ngunit isang panaganip na lamang ng nakaraan ang mga ito't kailangan na niyang sanayin ang sarili't tanggaping na hindi talaga para sa kaniya si Wax.
Tahimik na pinagmasdan ni Josh sa labas ng bintana ang mga larawan ng mga nadadaan ng kanilang Bus at para bang nakikiramay ang panahon sa kaniyang nararamdaman dahil unti-unting kumukulimlim at kinalauna'y unti-unting pumatak na sa bintana ng Bus ang malalaking patak ng ulan hanggang sa kalauna'y lumakas na ito't hindi mapigilang maala-ala ni Joshua na ganito din kasungit ang panahon nang kumatok sa kanilang gate si Wax.
Hindi na namalayan pa ni Joshua na sumasabay na din ang kaniyang mga luha sa malakas na pagbagsak ng ulan kasabay ng kaniyang taimtim na paghiling na sana'y magkaroon ulit siya ng Amnesia't makalimutan ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nila ni Wax para hindi na siya magdusa dahil kahit na sinabi niya sa kaniyang sariling kakalimutan na niya ang namagitan sa kanila ng kaniyang Best Friend ay mananatili pa ding nakaukit ang larawan ni Wax sa kaniyang puso magpakailanman.
Kung anong nararamdaman nitong si Josh ay gayundin naman ang sinasapit ni Wax na siyang humiling din na sana'y mabura ang kaniyang mga ala-ala kay Josh dahil katulad ng kanyang kaibiga'y nakaukit na din si Josh sa kaniyang puso't naging part na din si Josh sa kaniyang buhay.

************************************

Lumipas ang isang linggo matapos ang paghihiwalay nina Josh at Wax ngunit tulad ng inaasaha'y hindi pa din sila makaGetOver sa isa't-isa at kada araw na lumipas ay lalong nagiging masakit at mahirap para sa dalawang hindi makapiling ang bawat isa.
Talagang affected na affected sina Josh at Wax dahil laman pa din ng kanilang mga puso ang bawat isa't ramdam nila ang emptiness ng kanilang buhay dahil sa kanilang paghihiwalay.
"Okay na ang lahat Josh. Isang araw lang na pinapinturahan ni Banessa yung lumang Store at nakapaglagay na din ng mga equipments." Ang ani ni Ate Helen sa kapatid.
Tinignan ni Ate Helen ang kaniyang kapatid at nagtaas siya ng dalawang kilay dahil parang walang narinig itong si Joshua dahil walang kibong nagmamasa pa din ito ng dough para sa Pie Crust.
Labis na nagtataka talaga itong si Ate Helen sa kakaibang ikinikilos ng kaniyang kapatid dahil dati-rati'y si Joshua ang pinakaExcited sa kanilang lahat sa pagsisimula ng operation ng kanilang Local Pie Store.
"HOY! Nakikinig ka ba?" Ang malakas na pagpukaw ni Ate Helen sa attention ng kapatid.
"HA?!!! Ansabe mo Ate?" Ang gulat na tanong ni Joshua sa kapatid.
"Wala..." Ang sambit na lamang ni Ate Helen kasabay ng pag-iling nito dahil sa kakaiba't weird na ipinakikita nitong si Joshua.
"Nay wala na po bang gagawin?" Ang tanong ni Joshua kay Aling Myrna nang matapos na niyang mahugasan ang mga kubyertos na ginagamit nila sa pagluluto ng Buko Pie.
"Wala na anak." Ang sambit naman ni Aling Myrna.
"Alis lang po muna ako." Ang matamlay na sambit ni Josh sa kaniyang Nanay.
"Sige. Kami ng bahalang maghango ng Ate mo ng mga Buko Pie." Ang mahinang sinagot ni Aling Myrna sa anak. Wala pang ilang segundo'y nagpunas lang ng kamay si Joshua't nagtanggal ng Apron at mabilis na lumabas na ito ng bahay habang naiwang tahimik ang mag-ina.
"May napapansin ka ba?" Ang tanong ni Aling Myrna sa anak na babae.
"Parang bumait ata si Joshua?" Ang mabilis na sagot naman ni Ate Helen sa Ina.
"Baka dahil sa pagkaBagok niya." Ang kuro-kurong inilahad ni Aling Myrna dahil kapansin-pansin ang pananamlay at hindi na palasagot ni Josh sa kanilang dalawa ni Ate Helen.
"Baka?" Ang nasambit na lamang ni Ate Helen dahil kahit siya'y nawi-Weird-an sa ikinikilos ng kapatid.
Walang kamalay-malay itong si Joshua na nag-aalala ang kaniyang Nanay at Ate sa kaniya dahil nang umuwi siya galing sa apartment nina Wax ay naging matamlay siya't tahimik at walang kibo hindi katulad ng dating punong-puno siya ng sigla't kalokohan. Labis na nakaapekto ka Josh ang nangyari sa kanilang dalawa ni Wax.
Ganoon din naman ang nangyari kay Wax dahil sa tuwing niyayaya siya ng kaniyang mga kaBandmates na lumabas para gumimik ay tinatanggihan niya ito't mas pinipili na lamang niyang magStay na mag-isa sa apartment.
Napansin din ng kasama niya sa apartment na si Dennis ang malaking ipinagbago ni Wax dahil nang bumalik na ito galing sa kanilang probinsya'y kinakitaan niya si Wax ng pagiging malungkutin at tahimik.
Kinutuban talaga itong si Dennis na may problema si Wax nang napagkuwentuhan nilang magkakaBandmates ang malaking ipinagbago ng kanilang Lead Vocal. Dati'y masayahin at nakikipagkulitan pa ito sa kanila ngunit ngayo'y pakiramdam nilang lahat ay iniiwasan sila nito.
"Dre... May Problem ka ba?" Ang hindi mapigilang tanong ni Dennis kay Wax nang madatnan niya itong nakaupo lang sa sofa nang umuwi siya sa apartment nila mula sa Gimik.
"OIST!" Ang pangalawang pagpukaw ni Dennis sa kaniyang kaibigan nang hindi siya nakatanggap ng response from Wax.
"HA?! Ansabe mo?" Ang gulat na tanong ni Wax kay Dennis.
"May problema ka ba?" ang pag-uulit na tanong ni Dennis kay Wax.
"Ha?!... Ano kasi... Wala." Ang utal-utal na sambit ni Wax sa kaharap na siyang ikinakunot ng noo naman ni Dennis. Binigyan lang niya ng isang semi-smile si Wax at seryosong tinignan niya ito.
"... Ano... .... ... Ano kasi..." Ang bukambibig ni Wax at naghanap siya ng maganda't convincing na sasabihin kay Dennis.
"Just relax Dre. Nangyayari ang mga ganyan sa buhay ng isang tao kasi may purpose." Ang sinabi lamang ni Dennis sa kaniyang kaibigan kasabay ng pagbibigay niya ng isang calming smile kay Wax.
Hindi na hinintay pa ni Dennis na magReply si Wax at agad na siyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Isang Psychology Major turned Musician kasi itong si Dennis at alam niyang makakatulong kay Wax ang kaniyang sinabi.
"Everything has a purpose." Ang mahinang pag-ulit ni Wax sa sinabi sa kaniya ni Dennis. Hindi naman nagkamali itong si Dennis at talagang bumaon sa utak hanggang sa kaibuturan ng  puso ni Wax ang kaniyang mga sinabi.
Doon nagsimulang mag-isip muli si Wax na iyon talaga siguro ang destiny nila ni Josh.
Ito ang pinagninilay-nilayan ni Wax sa buong magdamag hanggang dalawin siya ng antok at makatulog habang ang larawan lamang ni Josh ang tanging nasa sa kaniyang isipan.

************************************

"Naku Banessa... Nag-aalala na kami ni Nanay kay Josh." Ang nasambit ni Ate Helen kay Banessa nang napadalaw ito sa kanilang bahay upang ito mismo ang personal na kumuha sa kaniyang mga inOrder na buko Pies sa mag-ina.
Natahimik bigla itong si Banessa sa sinabi sa kaniya ni Ate Helen dahil napansin din niya ang malakaing pinagbago ni Josh. One time kasi'y nagkasalubong sila ni Joshua at laking gulat niya nang hindi ito naging hostile nang binati niya ito. Napansin din ni Banessang nangangayayat si Josh at talaga namang kapansin-pansin ang kalungkutan sa dalawang mga mata nito.
"Kinausap nga namin at tinanong kung may problema ba siya pero wala kaming napiga." Ang sumbong naman ni Aling Myrna kay Banessa.
"Nasaan ba si Josh?" Ang tanong ni Banessa.
"Umalis na naman. Baka nandyan lang sa tabi-tabi." Ani ni Aling Myrna.
"Hindi kaya nag-aAdik si Josh." Ang sunod na sinabi ng matanda.
"Hindi naman siguro Nay... Baka naman kaya dahil sa pagkakahulog ni Josh?" Ang sunod na sinabi naman ni Ate Helen.
"Malamang... Nagsimula lang namang magbago ang kapatid mo matapos siyang mahulog." Ang sinagot naman ni Aling Myrna.
Napalunok ng laway itong si Banessa't dahil kahit siya'y kinutubang bigla sa sinabi sa kaniya ng mag-ina. Malakas pa din ang Guilt feelings ni Banessa dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nahulog itong si Josh sa Bubong.
"Ahm... ah... kausapin ko nga si Josh." Ang naisagot na lamang ni Banessa sa mag-ina. Hindi alam ni Banessa ngunit mayroon siyang kakaibang nararamdaman at naiisip kung bakit nagkakaganoon itong si Josh.
"Kapitana... Hinahanap ka ni Tandang Sora." Ang pagpukaw ng attention ng Driver ni Banessa sa kaniyang Amo.
"Pakisabi nandyan na." Ang sagot ni Banessa sa kaniyang Driver.
"Mommy... Helen... Ang driver ko na lang ang kukuha ng mga Order ko 't may lakad kami ni Tandang Sora... Mauna na po ako." Ang sunod-sunod na sinabi ni Banessa sa mag-ina't pagkatapos ay agad na itong lumabas ng bahay. Naiwang nakanganga ang mag-ina't nagtataka din sila sa ikinilos ni Banessa.

************************************

Habang nakaupo si Joshua sa mga batuhan sa Capaluhan Beach ay tahimik niyang pinagmamasdan ang malamyos na pagsasayaw ng mga alon at ang paghampas nito sa dalampasigan.
Nakagawian nang pumunta ni Josh sa Capaluhan Beach kapag nalulungkot siya't namiMiss niya si Wax. Gumagaan kasi ang pakiramdam ni Josh sa tuwing naka-upo siya sa same spot na inupuan nila ni Wax noon. Pakiramdam ni Josh ay kapiling niya si Wax sa tuwing naroroon siya.
Hindi talagang maiwas-iwasan ni Josh na isipin ang kaniyang Best Friend na si Wax at tanungin ang kaniyang sarili kung ano na kaya ang nangyayari at ginagawa ni Wax sa Manila. Hindi na niya makita ito sa FB dahil napagkasunduan din nilang dalawang iBlock ang isa't-isa.
Lagi ding pumapasok sa isipan ni Josh kapag nasa Capaluhan Beach siya kung katulad ba din niya itong si Wax na iniisip din ba siya o masaya't nakalimutan na ba siya nito.
Kahit na nagsabi na si Josh sa sarili nitong kakalimutan na niya si Wax at ang kanilang naging nakaraa'y palaging pumapasok pa rin ito sa kaniyang isipa't nagpapalungkot sa kaniya. Alam ni Josh na first love niya si Wax at pupuwede pa naman siyang makahanap ng iba ngunit iba talaga ang kaniyang nararamdaman para kay Wax.
Magulo pa din ang isipan ni Josh at lagi pa din niyang tinatanong ang aniyang sarili kung naging tama nga ba ang naging desisyon nilang dalawa ni Wax. Pakiramdam ni Josh ay sinayang nila ang pagkakataong lumigaya sila sa piling ng bawat isa pero talagang batid nila na walang space sa future ang kanilang relationship. Alam ni Josh na in due time ay lilisan na ng bansa itong si Wax at maikli na ang tatlong taong kontrata nito sa middle east.
Naging duwag silang dalawa na harapin ang mga Cons ng isang napakaLong Distance na relationship at talaga namang mahihirapan sila since it was the very first to experience love for both of them. Nagpakatotoo lang sila na baka makatagpo sila ng iba sa mga panahong malayo sila sa isa't-isa at mas masasaktan silang dalawa kapag ganoon ang nangyari kaya inunahan na nila ito at nagpakaPractical na lamang sila sa bawat isa.
Isa ding naisip nilang problema'y makakasira sa kanilang mga career ang kanilang relationship kapag may nakaalam na mas higit pa sa isang kaibigan ang turingan nilang dalawa ni Wax.
"Hay buhay..." Ang talunang nasambit na lamang ni Joshua kasabay ng kaniyang pag-uunat.
"Problema mo?" Ang masungit na tanong ni Joshua nang mapansin niyang katabi na niya ang askal ni Tandang Sora't seryosong nakatingin ito sa kaniya.
"WHOA!!! Anong ginagawa mo dito?" Ang gulat at pagtatakang reaction ni Joshua nang mahimasmasan siya't mamalayang katabi na niya ang kaaway niyang sigang Askal.
Tahimik at nagtatakang tinitignan ni Joshua ang Askal at namilog ang kaniyang dalawang mata nang lumapit ito sa kaniya nahiga sa kaniyang tabi. Nagbuntong hininga na lamang itong si Joshua't automatic niyang hinimas-himas ang ulo ng Askal ni Tandang Sora.
"Hay... Himala..." Ang sambit na lamang ni Joshua dahil kahit siya'y nagtataka sa pagiging mabait ng dati nilang kaaway na Askal. Nagpapasalamat din si Joshua dahil kahit papaano'y gumaan-gaan ang kaniyang loob dahil alam niyang dinadamayan siya ng sigang Askal.
"Affected ka ba?" Ang pabirong tanong ni Joshua sa Askal nang mapansin niyang parang naawa itong nakatingin sa kaniya.
"Ganyan talaga ang buhay..." Ang sunod na sinabi ni Joshua sa Askal at pakiramdam niyang naiintindihan siya nito.
"BRITNEY... BRITNEY... YUHUUUU... BRITNEY..." Ang malakas na tinig ni Tandang Sora na narinig nina Josh.
"ARF... ARF... ARF..." Ang kaagad na kinahol ni Britney upang ipaalam nito sa kaniyang among si Tandang Sora ang kanilang kinaroroonan.
"Nandito ka lang pala Britney... Kanina ka pa namin hinahanap... ANYARE?!!!" Ang sambit ni Tandang Sora sa kaniyang Pet na Askal nang makalapit na ito at laking gulat talaga ng matanda nang makita niyang magkatabi't nakaupo sa batuhan ang kaniyang Askal at si Josh.
"Malay..." Ang sagot lamang ni Josh dahil kahit siya'y labis din ang ipinagtaka sa pagiging maamo sa kaniya ni Britney.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang pagEntrada naman ni Banessa nang makita niya si Josh.
Sumama kasi itong si Banessa kay Tandang Sora upang bisitahin ang mga nagbebenta ng SeaWeeds sa Capaluhan Beach. Nagbabalak din kasi itong si Banessa na pasukin ang SeaWeed Industry bilang business.
Tahimik lamang na tinignan siya ni Joshua at talaga namang halos matunaw sa pagkaGuilty itong si Banessa dahil ramdam na ramdam niya ang kalungkutan sa mga mata ni Josh.
"Mauna na kayong dalawa ni Britney sa Tricycle... Kakausapin ko lang si Josh..." Ang bilin ni Banessa kay Tandang Sora. Sasamantalahin ni Banessa ang pagkakataong makausap niya in Private si Joshua.
"Let's go Britney..." Ang pag-aya ni Tandang Sora sa kaniyang Askal. Hindi umimik itong si Britney at bagkus ay tinignan niyang may Concern si Josh.
"Okay lang ako..." Ang sambit ni Joshua sa kaniyang bagong kaibigan at wala pang ilang seconds ay sumunod na si Britney sa kaniyang amo upang tumungo na sa kanilang service na tricycle.
"Parang nakakintindi.." Ang masayang sambit ni Banessa habang tinitignan niya ang papalayong si Britney na sumusunod kay Tandang Sora.
"Josh..." Ang sunod na mahinang sinambit ni Banessa nang ipaling niya ang kaniyang buong attention sa kaniyang Classmate. Hindi inimik ni Josh si Banessa kaya nama'y nagDecide na lamang si Banessa na tabihan sa pagkakaupo sa batuhan itong si Joshua.
"Magsabi ka ng totoo Josh... Alam ko ang nangyayari sa'yo..." Ang kalmadong pag-uumpisa ni Banessa upang kausapin na ng masinsinan itong si Josh.
Hindi na nagtaka pa si Banessa nang makita niyang may namumuong luha sa mga mata ni Joshua. Hindi na nakatiis itong si Banessa't niyakap niyang mahigpit si Joshua at walang pasabing iniiyak ni Joshua ang lahat-lahat sa balikat ni Banessa.
"Shhh... Naiintindihan kita..." Ang pagpapakalma ni Banessa sa kaniyang umiiyak na Classmate.
Hindi mapigilang umiyak ni Josh kay Banessa'y dahil iyon ang kaniyang kailangan sa mga sandaling yaon dahil hindi na niya makikimkim sa sarili ang kaniyang tinatagong kalungkutan at kailangan niya'y isang taong makakaintidi sa kaniya't dadamay.
Kahit hindi masyadong audible ang mga sinasabi ni Joshua dahil sa pag-iyak nito'y matiyagang nakinig at ininitindi ni Banessa ang pagtatapat sa kaniya ni Joshua. Hinayaan lamang ni Banessa si Joshua na maglabas ito ng sama ng loob at nang makatiyak na si Banessa na wala nang sasabihin pa itong si Joshua ay saka lamang siya nagsalita.
"Mahal mo ba talaga si Joaquin..." Ang mahinang tanong ni Banessa sa humihikbing si Josh na tinunguhan lamang ng isa. Hindi nakakuha ng sasabihin itong si Banessa at niyakap na lamang niya si Josh ng mahigpit habang iniisip niya na gagawa siya ng paraan paa sa dalawa dahil alam niya ang dinadanas ni Joshua dahil kaniya rin itong napagdaanan.
Isinabay na nina Banessa si Josh papauwi at naiintindihan naman ni Banessa kung bakit hindi sila iniimik ni Joshua hanggang sa maihatid na nila ito sa bahay. Alam ni Banessa na nahihiya itong si Josh ngunit alam din niyang dadating din ang panahong magiging komportable ang kaniyang Classmate sa totoo nitong pagkatao.

************************************

Habang nasa Tricycle sina Banessa kasama sina Tandang Sora't Britney ay nagRing ang CellPhone nito't kaagad namang sinagot iyon ni Banessa.
"ANO?! Bakit?! Anyare?!" Ang gulat na tanong ni Banessa sa kausap niya sa Phone.
"Sige... sige...!!!" Ang sambit na lamang ni Banessa at talunan niyang tinapos ang usapan sa telepono.
"Anyare?" Ang tanong ni Tandang Sora.
"NagkaProblema sa Agency." Ang dismayadong sagot na lamang ni Banessa sa matanda.
Habang binabagtas ng sinasakyan nilang tricycle daan pabalik sa tindahan ni Tandang Sora'y pakiramdam ni Banessang parang hihimatayin na siya dahil sa matinding pag-udyok sa kaniya ng kaniyang Kunsensya sa mga sandaling iyon.

************************************

Matapos na maibaba't maihatid sina Tandang Sora't Britney sa bahay ng mga ito'y kaagad na pinadirecho ni Banessa ang Tricycle pauwi sa bahay niya dahil kailangan niyang makausap itong si Wax sa lalong madaling panahon.
Pinadalhan ng text message ni Banessa si Wax upang hilingin dito na kung pupuwede'y magOnline ito sa FB upang makaVideoChat niya't may napakaimportante siyang sasabihin dito.
Ngayo'y nga'y labis ang pangamba ni Banessa habang hinihintay niyang magOnline si Wax at sakto naman sa kanilang pinagkasunduang oras ay nag-initiate na ng VideoCall itong si Wax.
"ANONG NANGYARI SA'YO???!!!" Ang hindi makapaniwalang nasambit ni Banessa kay Wax nang tumambad sa kaniyang Monitor ang hitsura ni Wax. Medyo hindi na maintained ang buhok ni Wax at kitang-kita ni Banessang hindi ito nag-aahit ng balbas. Kitang-kita din niya ang eyebags sa ilalim ng dalawang mga mata ni Wax at Haggard na haggard talaga ang hitsura nito.
"PARA KANG SI JOSHUA!!!" Ang hindi mapigilang masambit ni Banessa kay Wax.
"Anong nangyari kay Josh?" Ang nagmamadaling tanong ni Wax sa kaniyang kaVideoChat at kitang-kita ni Banessa ang napakalaking concern sa mga mata ni Wax.
"Katulad ng nangyayari sa iyo!" Ang sagot naman ni Banessa na siya namang ikinatigil ng isa. NaGets agad ni Wax ang sinasabi sa kaniya ni Banessa. Sure na sure si Banessang same lang ang kalagayan ng dalawa.
"Talaga..." Ang concern na tanong ni Wax kay Banessa.
"Teka lang muna Wax... Sinabi na sa akin ni Joshua ang nangyari sa inyo..."
"I'm so sorry Wax..." Ang sambit ni Banessa sa kaVideoChat at napansin kaagad niyang lalo pang bumagsak ang dalawang balikat at nakitaan ng kalungkutan ang mukha ni Wax.
"Matanong lang kita Wax..." Ang muling pagsisimula ni Banessa ng conversation dahil nananatiling tahimik itong si Wax.
"Sure na sure akong naFirst Love sa'yo si Josh... Ikaw ba?  First love mo si Josh?" Ang tanong ni Banessa. Hindi sumagot si Wax at bahagyang tumungo na lamang.
"Kaya pala..." Ang sinabi ni Banessa sa kaniyang isipan.
Gustuhin man niyang pangaralan si Wax at pagalitan dahil sa pagpapalala at pagiging paranoid nila ni Josh sa kanilang relationship ay hindi niya itinuloy dahil baka pa lumala ang situation ng dalawa since mga bagito pa ang mga ito sa same sex relationship.
Alam ni Banessang normal na ginagawang complicated ng mga first time couples ang kanilang mga relationship kaya nama'y imbes na walang aberya'y nagkakaaberya ang mga ito just like what happened to Josh and Wax.
"Don't worry... Kaya nangyayari ang mga ganyang bagay eh dahil may purpose..." Ang sunod na sinabi ni Banessa na siya namang ikinagulat at ikinalaki ng dalawang mata ni Wax. Iyon din kasi ang sinabi sa kaniya ni Dennis at iyon din ang pinagmumuni-munihan niya palagi.
"May sasabihin pa pala ako sa'yo..." Ang biglang likong change of topic ni Banessa kaya Wax.
"Ano yun..."
"Uhhhmmm... Ah... Kasi... Eh..."
"Ano ba yun Banessa..."
"NagDadalawang isip kasi ang Client na papasukan n'yo sana ng Band n'yo pero Don't worry at gagawan ko ng paraan." Ang pagsisinungaling ni Banessa kay Wax but the truth is totally na nagBackOut na ang Hotel sa Middle East sa pagHire ng Band.
"What?!" Ang gulat na tanong ni Wax. Hindi niya talaga expected na makakarinig siya ng BadNews at that moment.
"Huwag kang mag-alala at gagawan ko ng paraan. Sabihin mo muna sa mga BandMates mo na delayed. Nagdadalawang isip pa lang naman eh." Ang pagpapaCute na sambit ni Banessa kay Wax at talagang pakiramdam nito'y sapin-sapin na ang kaniyang atraso kay Wax dahil alam niyang looking forward talaga ang mga kaBandMates nito sa pagtratrabaho Abroad.
"Just like what I said... Kaya nangyayari ang mga ganyan eh may Purpose... Ikaw na ang bahala sa kanila ha." Ang pagtatapos na bilin ni Banessa kay Wax at talaga namang wala siyang tapang na magbigay ng badnews sa mga kaBandmates ng kausap.
"May Second Option ba... Kasi sa hitsura mo eh parang wala ng pag-asa..." Ang hindi mapigilang tanong ni Wax at concerned din siya kay Dennis at sa iba pa.
"Gagawa ako ng paraan..." Ang nagbabasakaling sambit naman ni Banessa kay Wax.
"Basta relax ka lang Wax. Don't take it too much." Ang bilin ni Banessa kay Wax bago matapos ang kanilang usapan sa VideoChat.
Hinimas-himas ni Banessa ang kaniyang Forehead dahil para siyang biglang nagkaroon ng migrain. Hindi na niya namalaya ang pagpasok sa Kuwarto ng kaniyang German na Boyfriend.
"Hey, Something's wrong Honey?" Ang nag-aalalalang tanong ni Abelard kay Banessa habang hinihimas-himas nito ang dalawang makikinis at malalmbot  na balikat ni Banessa.
"Don't worry Honey, Just a little problem at the Agency." Ang pagod na sambit ni Banessa kay Abelard.
"How's your day? Enjoying your stay here?" Ang balik tanong naman ni Banessa sa kaniyang German na BF.
"I just receive a call from the Company and we're having a slight dilema over there." Ang sagot naman ni Abelard.
Kahit na medyo problematic ang naging araw ni Banessa'y pinakinggan niya ang ikinuwento ni Abelard na problema ng Company nito.
"Hey, How about the Band that Played recently at the Town Celebration?" Ang nagbabakasakaling tanong ni Abelard kay Banessa.
"I'll try to arrange it Honey." Ang triumphant na sagot ni Banessa sa kaniyang Boyfriend.
Tahimik na nagmumuni-muni itong si Banessa habang nagshoShower itong si Abelard at talaga namang hindi expected ni Banessa ang sinabi sa kaniya ni Abelard.
"Babawi ako sa inyong dalawa..." Ang mahinang sambit ni Banessa habang nasa sa isip niya sina Josh at Wax.
Alam ni Banessang may 50-50 na chance ang kaniyang naisip na plano para sa dalawa.
Masosolusyunan niya ang Dilema sa Company nina Abelard at sa Band nina Wax sa kaniyang gagawin.
Batid din ni Banessang pupuwedeng magalit at sumpain siya nina Josh at Wax pero pupuwede namang maging grateful ang dalawa sa mabilisan niyang naisip na plano.
Sure na sure si Banessa na napilitan lamang sina Josh at Wax sa decision ng mga ito in ending their relationship but She knows that deep inside the hearts of the gentlemen that they're wishing that they could still be together.
"I hope it works..." Ang taimtim na dasal ni Banessa bago siya tumayo't tumungo papasok sa CR ng kuwarto upang sumabay na din sa kaniyang German na BF sa pagshoShower.




To Be Continued

40 comments:

  1. Embedded Music comes form DoReMi's OST I CAN
    by Regine, Mikee and Donna :)))

    SEE YOU ON THE FINALE

    Just give me 7-10 days t post it :)))

    Take Care Everyone and Regards to your Families

    ReplyDelete
  2. yehey nice nice..xcited na me sa FINALE..weeee GOOD LUCK Mr.Ponse ^_^ -Chef Robz C.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Goodluck sa atin Chef Robz :))) See you on the finale :)))

      Delete
  3. Excited na ko sa next chapter. :) Sana magkatuluyan sila ni Wax at Josh. Maiba ako author, ngayon ko lang napansin, si Alex Goot ba ang model para kay Wax? :)) Sana meron din para kay Josh.

    -K

    ReplyDelete
    Replies
    1. SI Alex Goot siya mr.K :) Wala akong makita kasi for Josh eh :))) See you sa Finale po :)))

      Delete
  4. im loving Banessa....much...hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang Role ni Kapitana kuya Patryckjr :))) See you on the Finale :)))

      Delete
  5. nakakaiyak naman ang part na ito at nakakarelate...nice admin ganda nito...:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po admin si Ponse kuayng Anon :))) RA lang ni Tito Mike :))) Did you fall in love ba with your bestfriend???

      Delete
  6. Matatapos na pala...anyway excited n ko sa finale. Let me guess magsasama cguro cla wax at josh sa abroad. Ganda talaga ng story kuya ponse. Tnx

    Randz of QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malayo po Kuya Randz :))) See you on the Finale po :)))

      Delete
  7. Matagal ko tong hinintay ponse... Salamat sa update
    Excited na ako sa last part...
    Pwede ko bang malaman kung anong binabalak ni Banessa hahaha...

    ReplyDelete
  8. Parang magtatayo ng Bar itong si Banessa taz yon na mgkasama na dun ang R n B...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malayo po kuya Richie eh :))) Hahaha :))) See you on the Finale :)))

      Delete
  9. comment comment din pag may time hahahaha...


    ang ganda ng flow ng story..sana maayos pa nila josh at wax relationships nila heheh...go Banessa kaya mo yan...


    next chapter na...can't wait!!hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. just give me 7-10 days kuya Kiero143 :))) See you on the finale :)))

      Delete
  10. Hay kawawa naman sila... Pero ganyan talaga ang pagmamahalan meron talagang pagdaanang pagsubok hehehe...

    Ganda ng name ng pet ni tandang sora ha britney hahahaha pakisabi kay banessa kung gusto nyang mag seaweeds farming matulungan ko siya jan hahahaha kahit value chain pa ng seaweeds :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. As in Mr.Pj :))) Pwede bang makapagluto ng SeaWeed's Pie :))) ??? Para sabihin ko din kina Ate Helen :)))

      Delete
    2. Yap pwede pag naging carageenan na ang seaweeds

      Delete
  11. I didnt expect na britney ang pangalan ng aso. LOL!

    Pero in fairness consistent ka talaga kuya ponse sa kwento ha. Talagang roller coaster ng emotions. Pero i agree na si banessa is the heroine of the story. Cant wait for the finale.

    Mwahhhhhh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siempre naman :))) Mr.Stan :))) Sya ang kaaway nina Josh dati bukod kay Britney :))) See you on the Finale :)))

      Delete
  12. Ang bigat ng pangyayari sa chapter na ito , sobrang naawaa ako ky Josh at Wax , hayyy buhay pag ibig talaga ...

    Mas exciting at kapana panabik ang mangyari sa ending nito ...:)

    tuloy mo lang ang kasiyahan nating mga adik ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman talaga maiwasang gawing complicated kasi kuyang Anon ang isang relationship because sa mga nangyayari sa paligid... nakakatakot ang pumasok sa isang long distance relationship kaya :)))

      Delete
  13. cant w8 4 da finale..anu kya mangyayari.??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu po Ate Sofia sa pagsama sa buong tropa ng 'Ang RnB' :))) See You On the Finele :))) Just give us 7-10 days para makaPagPrepare :)))

      Delete
  14. Tsk tsk tsk....sige lng pahirapan nyo pa ang mga sarili nyo wax and josh...soooooo excited sa last chapter..:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nangyayari kaya yan kuya Jm sa totoong buhay -___- :))) yung gagawing complicated ang relationship -___- :)))

      Delete
  15. Ay, baket me feeling ako na parang magkakatuluyan pa rin in the end sina Josh at Wax? O baka naman assuming lang ako. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. GIven na po ang Finale kuyang Anon :)))

      Delete
    2. Kuya Ponse, Jec to. Nakalimutan ko lang maglagay ng name. Hahaha. So, tama nga? Magkakatuluyan sila?

      Delete
  16. Ang galing talaga ni Kuya Alponse!
    Nako sasabihin ni Kuya di sya magaling at adik lang haha!magaling ka pa din for me. :))

    Can't wait for the finale..mamimiss ko sila Josh and Wax at Britney hihihi

    Thanks Kuya Alponse! :))

    ReplyDelete
  17. Ang galing talaga ni Kuya Alponse!
    Nako sasabihin ni Kuya di sya magaling at adik lang sya haha!ang galing mo pa din for me :))

    Can't wait for the finale..mamimiss ko sila Josh,Wax and Britney.hihihi

    Thanks Kuya Alponse! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama Mr.Delima... hindi magaling si Ponse... Adik si Ponse :))) HAHAHA! See you in the finale :)))

      Delete
  18. Nakakaasar super busy ko hindi ko tuloy agad babasa hehe :) happy ending sana kuya ponse! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Papz... See you sa Finale :)

      Delete
  19. Hi po, na add q n po ung msob page sa fb, pwd rin po b kta maadd sa fb sir ponse? i really like reading your stories. especially this rnb, im a fan fr0m zamb0anga city, hehe tnx po

    ReplyDelete
    Replies
    1. PM mo ko kuyang tagaZamboanga click mo ito to go directly to my FB: https://www.facebook.com/Kuya.Ponse

      Message mo ako para pag may nagUnfriend sa akin eh add kita... Puno na kasi ang FB ni Ponse ih :)))

      Delete
  20. Hindi ko mapigilang ma relate ang chapter na to sa kanta'ng ito.
    http://www.youtube.com/watch?v=x85ot0PW9eo hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails