Followers

Friday, May 3, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 11]





Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 11]





By: Crayon




****Renz****



10:15 pm , Saturday
March 19




I knew it. He's been hanging out with Aki. He found a new playmate that's why he didn't even bother to text or call me after that night. I should've known that after all this is Kyle, everything about us was nothing other than a conivinient set up to satisfy his sexual needs. 

I'm glad that i brought Alvin, at least i have someone to focus on. Wala akong balak pansinin sila Renz at Aki magdamag. Maganda na rin na in-introduce kami ni Gelo as partners kahit hindi naman. That way maisip ni Kyle na hindi ako apektado sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Kyle ng makita niya si Alvin, hindi ko alam kung para saan yon pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon ng titigan ko siya sa mata niya.

Pilit kong hindi pinapakinggan ang munting tinig sa isip ko na nagsasabing kausapin siya at sabihing hindi kami ni Alvin.

After kami kumain ni Alvin ay sumali na kami sa inuman.

"Renz, dito na kayo umupo ni Alvin.", wika ni Gelo sa amin. Binakante nila ni Neil ang dalawang upuan sa tapat nila Kyle at Aki. Ayaw ko naman gumawa ng bagay na ikapagtataka ng barkada kaya napilitan na akong umupo kasama ni Alvin sa tapat nila Kyle.

Kapansin-pansin ang malakas na pag-inom ni Kyle ng gabing iyon. Alam kong hindi ganoon kalakas ang tolerance niya sa beer lalo na kapag Red Horse ang iniinom.

"Lakas mo nang uminom ngayon ah, akala ko ba ayaw mo ng Red Horse?.", bati ko sa kanya. Hindi ko siya dapat kakausapin ngunit naisip ko na lalo lang maghihinala ang grupo kapag ganoon ang ginawa ko. Hanggang maari ay ayaw ko na may makaalam ng nangyayari sa aming dalawa.





****Kyle****



10:45 pm, Saturday
March 19





"People change, you should know that.", yun lamang ang naisagot ko ng pansinin ni Renz ang pag-inom ko. Mula ng makita ko siyang dumating kasama si Alvin ay di ko mapigilang uminom kahit na alam kong ilang tagay na lang ay mahihilo na ako dahil ayaw ko talaga sa beer na iniinom ko ngayon. Hindi ko alam kung nag-aalala siya o kung yun lang talaga ang kaya niyang sabihin sa akin ngayon.

"Yeah, i learned that the hard way. But i'm surprised to know that you are capable of change.", malaman na sagot sa akin ni Renz.

"I don't see why i would be an exception to that", hindi na siya nagkomento pa at kinausap na lamang ang kanyang kasama.

Inubos ko ang lamang alak ng aking baso at muli itong sinalinan. Nagpapasalamat ako sa epekto ng alak dahil nagagawa kong pigilan ang mga luha ko sa pagbagsak habang tinitingnan mag-usap ang dalawa sa harap ko. Paminsan-minsan pang humahagikgik si Alvin kapag kinakausap siya ni Renz.

"You don't have to push yourself to the limit. We can go now if you want.", alalang bulong sa akin ni Aki.

"I'm good. Don't worry i can handle this."

"Ok, sabihan mo lang ako kapag di mo na kaya. Pero mas cute ka pa din kesa sa kanilang lahat."

Ikinangiti ko ang sinabi ni Aki. Buti na lang at nandoon siya para palakasin ang loob ko.






****Aki****



10:55 pm, Sunday
March 19





Alam kong makikita ni Kyle si Renz sa party ni Gelo kaya pinili kong i-postpone ang pagbalik ko ng Davao. Ayaw kong sayangin ang chance ko kay Kyle, hindi ako papayag na mawala siyang muli sa akin. More than that, i won't let the same guy have a chance to make him cry again.

Hindi ko inaasahang darating si Renz na may kasama. Ayon sa pagkakapakilala ni Gelo ay partner niya raw ito. Good news dahil hindi niya kailangang lapitan si Kyle dahil kasama niya ang partner niya. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko iyon.

Ang kapalit naman noon ay ang makita ang taong mahal mo na nasasaktan. Alam kong nahihirapan si Kyle kaya niyaya ko na siyang umuwi ngunit pinili niya na mag-stay. Hindi ko alam ang takbo ng kanyang isip. May pagka-sadista rin ang isang to. Wala din akong maisip na gawin para gumaan ang pakiramdam niya.

Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa at marahan na pinisil, para ipaalam na nandito lang ako sa tabi niya. Liningon niya ako, nginitian ko lamang siya. Hindi naman niya tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.

Naiinis ako dahil parang nananadya pa si Renz dahil panay ang harutan nila ng kasama niya. Parang may sarili silang mundo at walang pakialam sa amin. Siguro ganun rin ang nararamdaman ng mga kaibigan ko dahil hindi na sila inabala pang dalawa. Kinakausap ako ng mga kaibigan ko upang alamin kung anung nangyari sa akin sa nakalipas na taon. Hindi ako makasagot ng maayos dahil inaalala ko si Kyle na walang tigil sa paginom ng alak. Alam kong pilit niyang nilulunod ang kanyang nararamdaman para mabawasan ang sakit.

Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na magbabanyo si Kyle.

"Samahan na kita.", prisenta ko dahil mukhang hindi niya na kayang lumakad ng maayos, dahil pulang pula na siya at naniningkit na ang mata.

"Kaya ko, salamat na lang.", seryosong sabi ni Kyle.  Hindi ko na siya kinulit pa dahil sa tono ng pagsagot niya sa akin.

Kakapasok lang ni Kyle sa bahay ng magpaalam din si Alvin na magbabanyo.





****Kyle****




11:55 pm, Saturday
March 19






Nahihilo na ako at ramdam ko na rin ang pamamanhid ng aking mukha, tanda na hindi ko na kaya ang uminom pa. Pero wala akong balak itigil yon. Gusto kong uminom hanggang sa wala na akong nararamdaman. Yung tipong kahit sakit ng puso ko ay di ko na pansin dahil sa epekto ng alak. Naisip kong umiyak habang nasa banyo pero ayaw ko naman makita nilang mapula ang mga mata ko.

Habang tinitignan ko sila Renz at Alvin kanina ay naisip ko na baka nga hindi seryoso si Renz sa mga sinabi niya sa akin noon. Dahil kung totoo man yon, ay pano niya nagawang magkaroon ng partner sa loob ng ilang araw. 

Maganda na sanang timing ito para kausapin siya since wala namang bahid ng katotohanan ang mga sinabi niya noon. Ngunit kung siya ay wala talagang nararamadaman para sa akin, ako naman ay kabaligtaran. Mahal ko ang aking kaibigan. Mahal na mahal, at di ko siya magawang kausapin dahil sa labis akong nasasaktan sa aking nalaman ngayon. 

Kung sa bagay tinanong niya lang naman ako nung gabing yon kung gusto ko siya maging partner o boyfriend, but he never said that he loves me. I guess that explains why he was not affected at all. Sana naisip ko agad ito. Ganun naman talaga si Renz, kaya niyang makipagrelasyon kahit walang nararamdaman sa kapareha niya.

Hindi ko na napigilan na may pumatak na luha sa isiping iyon. Ang tingin niya sa akin ay katulad ng pagtingin niya sa mga nagamit niya noon. An exclusive partner in bed. Yun ang gusto niyang gawin ko sa kanya. Not to have sex with any other guy.

Agad akong naghilamos. Gusto ko ng lumabas ng banyo para makapagyosi. Magtutuloy-tuloy lamang ang luha ko kapag nanatili pa ako sa loob ng banyo.

Nagulat ako ng buksan ang pinto dahil nakaabang sa labas si Alvin.

"Ok ka lang pre? Tagal mo sa loob eh.", tumango lamang ako at lumabas na para makapasok siya.


Hindi ko alam ang dahilan ngunit pinili kong hintayin si Alvin na makalabas. Gusto ko siya makausap kahit na hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Di naman nagtagal ay bumukas din ang pinto ng banyo. Nagkunwari akong umiinom ng tubig.

"Kyle right?", bati niya sa akin.

"Yes.", maikli kong sagot.

"Ang hot ng kasama mo ah, Aki pangalan niya di ba?", tanong sa akin ni Alvin. Di ko nagustuhan ang kanyang pinupunto ng mga sandaling iyon.

"Oo."

"Is he your boyfriend?"

"Friend."

"Great. Ilakad mo naman ako sa kanya.", nagpupuyos ang sarili ko sa galit. Makati din ang isang to. 

"What about Renz?", seryoso kong tanong.

"What about him? I mean, i just met him in a bar, we had sex but that's it. But i like Aki better."

Hindi ako nakasagot. Kumukulo na ang dugo. I'm holding onto my last thread of sanity.

Mataman lang akong tinitignan ng kaharap ko. Mukhang lasing na din siya.

"How about you let me have a night with Aki, i let you have sex with Renz.", there i snapped. Hindi ko maatim ang mga sinasabi niya sa akin.

Agad ko siyang sinugod ng suntok. Wala pa akong nasuntok sa buong buhay ko. Pero salamat ng marami sa alak dahil mukhang napuruhan ko siya dahil napaatras siya at natabig ang vase sa katabing lamesa at nahulog.

"Damn! What's wrong with you? Renz didn't tell me you're a freak!", lalo akong nainis sa sinabi niya.

Muli ko siyang sinugod ngunit nakaiwas siya sa suntok ko at ako naman ang tinamaan ng kamao niya sa panga. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa suntok na yun. Salamat sa aking adrenaline rush at nagawa kong makabawi at tinamaan ko muli siya. Maganda ang naging bwelo ko sa huli kong suntok kaya napaupo siya. Inupuan ko siya para di na siya makatayo at mabugbog ko ang mukha niya ng husto.

"Kyle, stop it!", narinig ko ang pagdating mga kaibigan ko, pakiwari ko ay tinig iyon ni Renz. Pero wala akong pakialam, muli ko na sanang susuntukin si Alvin ng may kamay na humila sa akin palayo sa kanya.

It was Renz. Hindi ako nagpaawat, sumugod uli ako palapit kay Alvin. Napatumba rin ako agad ng dumapo sa mukha ko ang kamao ni Renz. Nahilo ako sa suntok na iyon. 

Nang i-angat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga ay nakita ko si Renz na itinatayo si Alvin. I knew i lost.

Nagulat ako ng biglang hablutin ni Aki si Renz at malakas na sinapak. Napaupo si Renz sa suntok na yon. Nakita kong lalapit pa si Aki.

"Aki, no!", malakas na sigaw ko pero parang di ako narinig ni Aki. Buti na lang at dumating na sila Gelo na umawat kay Aki.

"Gago ka din talaga no?!", sigaw ni Aki kay Renz. Akma namang susugod din si Renz para makaganti, ngunit agad siyang nahawakan nila Neil.

"Mas gago yang kasama mo dahil siya ang bumubugbog sa kasama ko!", sagot ni Renz kay Aki.

"Eh tarantado ka pala talaga e,", nagpumiglas si Aki sa mga umaawat sa kanya para sugurin si Renz.

"Stop it Aki!", sigaw ko habang inaalalayan ako tumayo ni Mico. Nakuha ko naman ang atensyo ni Aki.

"Tama na please.", pilit kong pinipigilan ang paggaralgal ng boses ko habang nagsisimula ang pagpatak ng mga luhang di ko na magawang pigilin pa.

"Kyle, you're bleeding.", alalang sabi ni Aki. Nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko, malamang dumudugo ang ilong ko sa sapak ni Renz na tumama sa parteng iyon.

"I'm ok.", nilingon ko si Gelo sa nakahawak pa din kay Aki. 

"Gelo, i'm really sorry for the trouble.", matatag ang aking boses pero kabaligtaran ang sinasabi ng lumuluha kong mata.

"Wag mo isipin yon. Mico, samahan mo si Kyle may first aid kit sa banyo sa kwarto ko.", utos ni Gelo.

Umiling ako.

"Wag na Mico, ok lang ako.", nilingon ko si Renz. Wala na akong pakialam kung makita ng lahat ang pag-iyak ko.

"You know more than anyone here, that i won't start a fight for no reason.", tinitigan ko siya. Mata sa mata. 

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ang kaibigan ko. Ang taong minamahal ko. My biggest regret. Ang unang tao na minahal ko ng totoo sa kumplikadong mundong ginagalawan ko. Ang unang taong nagturo sa puso ko kung pano ang tumibok. Ang tanging taong pinangarap kong makasama habang buhay, ay ang tanging taong alam kong hindi na magiging akin. Ang taong kailangan kong matututong kalimutan. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa aking luha. 

"Thanks Renz. Thanks a lot.", yun ang huli kong sinabi habang nakatitig sa kanya. Wala na ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit ako nagpasalamat, kusa na lang yun lumabas sa bibig ko. Nakatitig lamang din siya sa akin. Sa huling pagkakataon ay hinayaan ko ang sarili ko na masdan siya ng may pagsinta. Katulad ng mga nakaw na tingin na ginagawa ko sa kanya noon. Last 5 seconds, sabi ko sa sarili ko. Matapos ang gabing to ay di ko na siya guguluhin pa. Tatanggapin kong hindi ka para sa akin. Isisiksik ko sa isip ko na walang magiging 'tayo'. Muli kong tuturuan ang puso ko kung pano ang hindi tumibok. Siguro sapat na yung halos isang taon na naramdaman ko kung paano ang magmahal. Lalong dumarami ang patak ng luha ko, lalong lumalalim ang sakit. Yumuko na lamang ako.

"Kyle, i'm ....", hindi ko na pinatapos pa si Renz sa sasabihin niya at pilit na akong naglakad papalayo.

Pinigilan ako ni Aki.

"I'll drive you home.", sabi niya.

"No Aki, i want to be alone."

"But...", apela ni Aki.

"Please.", garalgal ko ng sabi dahil malapit na kong magbreak down. "Please Aki, i just want to be alone.", niluwagan naman niya ang paghawak sa akin at dumiretso na ako sa paglakad palabas ng bahay nila Gelo. 

Tahimik lang ang lahat. Alam kong nakatingin sila sa akin. Isang malaking talunan ng gabing iyon.

Nang makalabas ng gate ay masuwerteng may taxi na dumaan kaya nakasakay agad ako.

"Saan tayo sir?", tanong ng driver.

"Manong mag-drive lang muna po kayo. Hindi ko pa sigurado kung saan ako pupunta.", napakamot lamang ng ulo ang driver pero hindi na muli pang nagtanong.




****Aki****




12:30 am, Sunday
March 20





Labis na pag-aalala at awa ang nararamdaman ko para kay Aki. The look on his face when he was leaving, is like a nightmare to me. He looks so hopeless. Defeated. At wala akong magawa para sa kanya. 

Napansin kong lumapit si Renz sa kasama niya. Nakaramdam na naman ako ng galit. Katulad ng galit na nararamdaman ko kanina ng makita kong dumapo ang kamao ni Renz sa mukha ni Kyle at bumagsak ang huli sa sahig. Nawala ako sa katinuan noon at sinugod ko agad si Renz.

"Does that make you happy Renz?", sarkastiko kong tanong kay Renz. Nilingon naman ako nito.

"Shut up Aki. You know nothing about this story.", sagot ni Renz habang tinitingnan ako ng masama.

"Yeah, i don't know what exactly happened between the two of you. But i was there when Kyle was crying. Andon ako ng umiiyak siya habang nababasa ng ulan at walang masilungan. Andon ako nung nagpapakalunod siya ng alak. Andon ako nung pakiramdam niya nawala lahat sa kanya, ng dahil sayo. So don't you fucking tell me that i know nothing about what's going on. You're nothing but an egoistic selfish ass-hole.", galit kong  pahayag kay Renz. Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Maaring hindi niya inaasahan na may alam ako sa nangyari sa kanila.

Tumalikod na ako dahil wala akong balak na pauwiin si Kyle mag-isa. Malapit na ako sa pinto ng muli kong lingunin si Renz.

"And one more thing Renz. My biggest mistake was to leave Kyle with you a year ago. After what happened, i am warning you Renz Angelo. Don't you ever dare go near him again, handa akong kalimutan ang pagkakaibigan natin oras na masaktan muli si Kyle dahil sayo. And i will do everything i can para ilayo siya sa isang katulad mo. He definitely doesn't deserve someone like you.", banta ko kay Renz. Matapos yun ay tinungo ko na ang kotse ko na nakaparada sa labas ng bahay nila Gelo.

Sa kasamaang palad ay wala na roon si Kyle. Marahil ay naglakad na iyon palayo at naghahanap pa ng masasakyan. Agad kong pinaandar ang kotse para mahanap si Kyle.





****Kyle****




1:45 am, Sunday
March 20




Nagpadiretso ako sa taxi sa Antipolo. Malayo ang lugar ngunit napapayag ko rin ang driver. Alam kong marami na akong nainom pero gusto ko pa ng alak. I have a thousand reasons to get drunk tonight. Dumiretso ako sa Cloud 9 sa Antipolo, suwerte dahil wala na masyadong tao ng mga oras na yon.

Nagawa ko pang umorder ng isang bucket ng beer. Perfect ang lugar para mag-inom at makapag-isip. Kita ang mga mumunting ilaw ng metro manila mula sa kinalalagyan ko. Presko ang hangin dahil sa mataas ang lugar at dahil pinili kong pumwesto malayo sa ibang umiinom ay nakuha ko ang katahimikang gusto ko.

Kung nagkataong suicidal ako ay masarap na sanang tumalon sa bangin sa harap ko. Ngunit hindi pa ganoon ka sira ang ulo ko. Alam ko pa naman ang tama sa mali.

Pinagpatuloy ko ang aking pag-inom habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Ramdam ko ang kirot sa aking mukha dahil sa natamo kong sapak kanina. Masakit ang nakuha kong suntok kanina pero walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko kung kanino nanggaling ang suntok. Muli ng tumulo ang aking luha. Walang katapusan na pag-iyak, buwiset talaga.

Alam kong galit si Renz sa akin, alam kong parausan ang tingin niya sa akin, alam kong wala na akong halaga sa kanya ngayon. Pero ang hirap pa rin tanggapin na kaya niya akong saktan. Marahil ay mali ang pagkakakilala ko sa kanya noon.

Anu ang karapatan niyang magalit kung hindi naman siya ang nasaktan sa mga nangyari. Hindi naman siya ang nawalan, katunayan napakabilis niya nga akong napalitan eh. Para lang akong isang laruang napagsawaan niya na, kaya itapon niya man, masira niya man ay wala na siyang pakialam.

Kung kaninang bago ako pumunta sa birthday ni Gelo ay umaasa akong magkakasundo kami, matapos ang mga nangyari ngayong gabe ay natuldukan na kung anu man ang namamagitan sa amin. Kaya siguro ako nagpapasalamat kanina ay dahil sa kaibuturan ko ay alam kong wala ng pag-asa, na talo na ko at kailangan ko na siyang isuko.

Halos isang taon ko din siyang minahal, hindi ako naghahanap ng kapalit. Oo, umasa akong masusuklian ang pagmamahal ko ngunit kahit kailan ay hindi ko siya pinilit o pinakiusapan na suklian ang pagmamahal na yon. Pero hindi naman ata patas na ganito ang makuha kong kapalit mula sa kanya. Sapat na yung masaktan niya ang damdamin ko, pero yung pisikal na sakit. Sobra na. Siguro ay panahon na para kaawaan ko naman ang sarili ko. Panahon na para magkaroon naman ako ng konting pride.

Muli akong uminom ng alak. Alam ko na kung anong gusto kong gawin, sa ngayon ay hahayaan ko muna ang sarili kong masaktan sa huling pagkakataon. Dahil ito na ang huli, matapos nito ay wala na ako hahayaan na kahit sino na paglaruan ako ng ganito.

Nakakapagod na din kasi na ikaw lang ang nagmamahal, dahil sa kalaunan ay ikaw lang din ang masasaktan. Habang ang taong pinagbuhusan mo ng atensyon at oras ay nagpapakasaya sa piling ng isang taong nakilala niya sa kung saan. 

I know life is not fair, but i don't expect it to be this cruel. All i wanted is to be happy with the man i love. 

Bakit nagawa ni Renz na sapakin na lang ako ng ganun? Siguro ay wala din talaga akong halaga sa kanya from the beginning. Hindi kasi naman talaga ako ang ideal partner para sa kanya, masyado ko lang pinipilit ang sarili ko. Masyado ko kinumbinsi ang sarili ko noon na may halaga ako sa kanya kaya ngayon nasasaktan ako ng ganito.

Life being a bitch + me being a fool + falling in love with a jerk = Heartache/endless tears/ emotional torture.


Lungkot.

Pagkatalo.

Galit.

Awa.

Paghihiganti.


Halo-halo na ang nararamdaman ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili na magpakalunod sa alak. By the time i was done drinking, my head was spinning. I can barely walk straight. I had to cross the street to get a ride home. I didn't notice the car coming. I just saw blinding lights. I felt something hit me. Then it was all black.







...to be cont'd...




3 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails