written by: Tzekai
http://www.wattpad.com/user/yortzekai
hhtp://www.facebook.com/granddiosa
balasonilo@gmail.com
Kreyd's POV
I dont know what to feel pagkatapos ko marinig ang sinabi ni Prue na baka ma expel sya, sa anong dahilan?
Bakit ganon agad ang parusa?
Akbay ko sya habang papunta kami sa parking lot ng school,medyo kumalma na sya,saka ko sya tatanungin mamaya sa buong detalye.
Tanaw ko na ang kotse ko,napangiti ako,hanggang ngayon parang hindi pa din ako makapaniwala na heto na,bumalik na ako sa dati kong buhay,though naninibago pa din ako,buti na lang tinuruan kaming dalawa ni kuya Khyron ni Itay na magdrive.
Hindi pa kami nakakalapit ni Prue sa kotse ko ng may madinig akong sigaw.
"Kreyd Tol! Prue! Sandali!" paglingon namin si Artemis tumatakbo papunta sa amin,ng makalapit ito ay hinihingal pa.
"Ang bilis mo naman" sabi ko.
"Eh kasi sina Piper at Phoebe nakikipag basag ulo sa mga kaklase nating babae" sagot nito na hinihingal pa din.
"Ano? Nasan sila?" gulat na tanong ni Prue.
"Sa tapat ng bldg namin" sagot ni Artemis,agad namang kumaripas ng takbo si Prue papunta dun,agad din namin syang sinundan. Nagtataka ako kung anong rason bakit nakikipag basag ulo ang mga kaklase ko sa mga kaibigan ni Prue.
Ng makarating kami dun ay naawat na ang mga ito ng guard at ng mga prof,andun din ang college dean namin,tiyak malaking parusa matatanggap ng mga ito.
Ang mga kaklase ko palang sina Lulu at Eudial ang nakipag away.Gulo gulo ang buhok at may mga kalmot,samantalang sina Piper at Phoebe parang wala lang.
"Anong nangyari?" tanong ni Prue.
"Eh yang mga pangit na yan eh!" gigil na sabi ni Phoebe sabay amba kina Lulu at Eudial.
"Enough! Follow me to the Deans office!" suway ni Dean.
Agad kaming tumalima at sumunod,nadinig ko pang may inutusan si Dean na sunduin ang Chancellor,kinabahan ako,kanina lang pangalan ni Prue ang pineyj,ngayon naman ganito.
Ng makapasok kami sa opisina ay natahimik kami lahat.
"Now tell me,what happened? Whats going on? But before you answer lets wait for Mr.Chancellor" ani Dean sakto bumukas ang pinto at pumasok si Chancellor at tiningnan kami isa isa.
"Mr.Chancellor have a seat" ani Dean at tumayo para dun maupo si chancellor sa kaninang inupuan na.
"Mr.Villacruz ikaw na naman?" sabi nito kaya napatingin kami kay Prue.
"No sir! Hindi po! Kaibigan ko po sila kaya sumama ako" takot na sagot ni Prue,naiintindihan ko kung bakit sya natatakot.
"So,whats this all about?"
"Mr.Chancellor nahuli po namin nagbabasag ulo ang apat na babaeng iyan" singit ni Dean.
"Sa anong dahilan?"
"Eh kasi Sir,nadinig namin yang dalawang babaeng yan na sila pala may kagagawan ng pagkasira ng dalawang computer sa Lab! Planado po yon para masisi si Prudencio!" matapang na sagot ni Phoebe,
parehong nanlaki ang mata namin ni Prue sa narinig.
"Bilang kaibigan po ni Prudencio ay hindi na namin na contain yung galit namin! Napaka sama ng ginawa nila! Kinabukasan at kahihiyan ng kaibigan namin at ng pamilya nya ang nakasalalay dito,kaya pala sya pinatawag! Mabuti na lang nasabi agad samin ni Art ang nangyari" dagdag ni Piper.
"Totoo ba yon?" baling ni Chancellor kina Lulu at Eudial na ngayon ay hindi na makakibo at halatang mga natakot na.
"Im asking the two of you kung totoo yon?" ulit ni Chancellor.
"Ah eh... Eh s-Sir may nag utos lang po sa amin kapalit ng pera" biglang pag amin ni Lulu. Napatiim bagang ako sa narinig, pano nagawa ng mga kaklase ko ang ganitong bagay?
"Sinong nag utos?" galit na sabi ni Prue, hinawakan sya nina Art at Coop,halatang nagpipigil ng galit. Nag alangan ang dalawa kong kaklase na sumagot,natakot na din talaga siguro.
"Tinatanong kayo Lulu at Eudial,sinong nag utos?" hindi na din ako naka tiis at sumabat na din ako.
"Everybody calm down!" sita ng Chancellor saka bumaling sa dalawa kong kaklase na umiiyak na.
"Psh! Ang gagaling nyong gumawa ng kapahamakan ng iba pag nasukol kayo idadaan nyo sa pag iyak? Huwag kayong unfair?! I can sue you two" biglang sabi ni Prue,lahat kami napatingin sa kanya. Hindi malabong totohanin nya yon dahil mayaman sya.
"Si Venus ang nag utos samin!" sabay na sabi ni Lulu at Eudial.
Napanganga ako. Si Venus? Yung muse namin? Yung lagi kumakausap sa akin? Panong? Mabaet at maganda yon ah?
"Sigurado kayo?" ani Chancellor.
"Opo sir" sabay ulit na sabi ng dalawa.
"Okay,case closed,everybody may go now, Mr.Villacruz ligtas ka na dito,and you two young girls I want to meet your parents" sabi ni Chancellor. "Mr.Dean pwedeng paki page ang pangalan nung Venus? Tell her to go to my office" dagdag nito.
Lahat kami nabunutan ng tinik sa dibdib. Lumabas na kaming lahat pero hindi ko pa din lubos maisip kung bakit iyon ginawa ni Venus? Kilala ba nya si Prue? May personal ba syang galit kay Prue?
Sinabayan ko sa paglakad si Prue na parang malalim ang iniisip,hinawakan ko ang kanang kamay nya at pinisil,para iparamdam sa kanya na lagi lang ako nandito para sa kanya.
Napatingin sya sa akin. Yung mga mata nya nangungusap,parang magnet na hinihigop ako.
"Montik ka na dun ah? Im glad okay na ang lahat" sabi ko sa kanya.
"Sino yung Venus?" bagkus ay tanong nya sa akin. Nag alangan ako kung sasabihin ko ba,baka kasi resbakan nila lalo magkagulo,lalo pa at amazona pala tong mga babaeng tropa nya.
"Kaklase ko,pero huwag ka mag alala kakausapin ko sya" sagot ko. Hindi sya sumagot,nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
Napag pasyahan naming dito muna kami sa Cafe Sonata,kung matatandaan nyo ito yung coffee shop malapit sa school.
"Grabe talaga kanina! Buti nakapag timpi pa ako,kung hindi basag sa akin kalansay ng babaeng yon" sabi ni Piper,naka upo na kami at hinihigop ang kapeng in-order namin.
"Ako nga ingungudngod ko na dapat sa lupa yung mukha nun eh! Kaso may mga umawat na" dagdag ni Phoebe.
Napailing na lang ako,grabe panigurado kung walang umawat kawawa yung dalawang kaklase namin ni Art.
"Naku,sana next time mag ingat na kayo" singit ni Art.
"Nakakatakot kayo" ani Coop.
"Nako! Kulang pa nga yon Art at Coop. May dapat pa kaming gawin noh?! Humanda sa amin yang Venus na yan!" gigil na sabi ni Paige at sinuntok ang sariling palad,napangiwi na lang ako.
"Ahm guys I think its not a good idea, I think I can handle her whoever she is" pag singit ni Prue na kanina pa tahimik.
Bigla ako may naisip na idea para kahit papano ay madivert ang kaisipan nya. Hindi ko gustong nakikita syang namomroblema.
"Prue,gusto mo sumama sa bahay? Panigurado matutuwa sina Inay at Itay pag nakita ka" sabi ko,nalipat ang atensyon ng lahat sa akin.
"Uhm,kung ayos lang? Hindi ba nakakahiya?" sagot at tanong nya,binigyan ko sya ng aking matagingting na ngiti.
"Oo naman ayos lang! Kaya nga kita niyaya eh" sagot ko naman,parang bigla ako na excite sa idea na masosolo ko sya sa kotse at dadalhin sa bahay,parang girlfriend lang na ipapakilala sa parents ko hahaha! Ang galing ko talaga!
"Parang sila lang ang tao eh noh?" - Paige.
"At si Prue lang talaga ang niyaya" - Phoebe.
"Pabayaan natin,moment eh,padating na din naman si Philip para sunduin kami ni Phoebe" - Piper
"Diska diskarte rin pag may time,ganon?" - Art.
"Are they a couple?" inosente namang tanong ni Coop. Napatikhim ako at si Prue naman ay namula. Ang cute talaga!
"Ah eh,ano. Tara na Kreyd,itetext ko na lang sina Mama at Papa na pupunta ako senyo" tarantang sabi ni Prue at tumayo saka ako hinila palabas ng Cafe sonata.
Nilingon ko ang tropa at lahat mga naka ngisi at saka nag wave. Walastik talaga! Ang lalakas ng tama sa utak ng mga yon!
Pumasok ulit kami sa campus at tinungo ang parking kung san naka park ang kotse ko.
Ng makasakay na kami at pinaandar ko na eh tahimik lang si Prue na nagpipipindot sa cellphone nya,pinabayaan ko lang sya.
"Sosyal ka na talaga ah? Ang ganda pa ng kotse mo" pagkuway sabi ni Prue kaya nilingon ko sya at nginitian.
"Pero walang nagbago sa akin,ako pa din to" sagot ko naman at binalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"Sa bagay,mas gusto kong wag ka magbago" sagot naman nya,lalo ako napangiti.
"Syempre naman! Pati yung nararamdaman ko sayo hindi nagbago" sabi ko naman kaya napalingon sya sa akin.
"Banat ba yan?" sabi nya.
"Sa palagay mo?" sagot ko naman at saglit na sumulyap sa kanya. Natetense ako pag ganitong sitwasyon,ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
"Uhm.. Ewan" nakangisi nyang sabi. Nginitian ko lang sya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hay nako Prue! Magiging akin ka din balang araw XD
Nang makarating kami sa bahay ay tuwang tuwa nga sina Inay at Itay,hindi tinantanan kausapin si Prue,pinabayaan ko lang sila mag usap sa living room,ako naman ay umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit.
Pagkalabas ko sa kwarto ay parang may naririnig akong halinghing kaya sinundan ko kung san ito nanggagaling,baka minumulto na nga itong mansyon tulad ng sabi nina kuya Kurt.
Pero sa kasamaang palad,sa kwarto ni kuya Khyron yon nanggaling. Napangiti at napailing na lang ako. Si kuya talaga,niroromansa na naman ang girlfriend nya.
Bumaba na ako at naabutan kong nakikipagtawanan si Prue sa mga magulang ko,ang sarap nila tingnan,sana pag kami na din ni Prue ganyan pa din sila hahaha!
Naging masaya naman ang pagpunta ni Prue,dito din sya nagdinner kasabay din namin ang girlfriend ni kuya.
Mga bandang alas otso ng lumapit ang maid namin,nandito kami ni Prue sa garden at nagpapahangin
"Seniorito Kreyd,dumating na po ang sundo ni Seniorito Prue" magalang na sabi nito.
"Ganun ba? O sya pano ba Kreyd? Salamat sa pag imbita ha? Uuwi na ako,paki sabi na lang kina tita at tito" ani Prue at tumayo na,ayaw ko pa sana syang pauwiin dahil masaya akong kasama sya,kaso baka malagot ako sa mga magulang nya.
"Samahan na kita" sabi ko at pumasok na kami sa bahay. Only to find out na si Popoy pala ang sundo ni Prue.
"Popoy!" masayang sabi ni Prue at agad na lumapit dito,nagyakap pa. Nakaramdam ako ng ibayong kirot sa nakita ko.
COMMENTS po ;))
patayin sa sindak si Venus......
ReplyDeleteat patayin sa ligaya si Popoy..... hehehe
haha thanks po sa comment. Kakaiba yang si Venus haha! Well si Popoy..hmmnnn :p
DeleteJeling jeling c mamaw kay popoy...cno b talaga sa kanila dalawa prudencio mamili ka na...tnx tzekai
ReplyDeleteRandzmesia
Next na. Agad...
ReplyDelete