Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Sa mga readers at commentors ng aking story nais ko pong ipaalam na by next week ay magbubukas na ulit ang aking blog for public viewing. Sana po ay magfollow kayo doon.
And again, magpapasalamat po ulit ako sa inyo na patuloy na binabasa ang aking story.
Happy Reading!
[21]
"Ayos yan Troy." ang tugon ni Bryan sa nais gawin ni Troy na tulong
kay Andrew. "At least mas mababantayan at matutulungan mo pa siya."
"Thanks tol."
Bakas
ni Bryan ang tuwa sa boses ni Troy na sa di maipaliwanag na dahilan ay
nakakaramdam sia ng pangamba. Alam naman niya sa kanyang sarili na wala
siyang magagawa dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon kaya no choice siya
kundi pumayag.
Makalipas ang isang linggo, nilisan na
ng pamilya ni Andrew ang kanilang tahanan upang lumipat sa bahay ni
Troy. Walang naging problema dahil naging mabait naman ang kanyang lola
sa mag-ina.
"Naku ang laki nito Troy para sa amin ni
nanay. Pwede naman kami sa kwarto na lang ng dati niyong katulong." ang
sambit ni Andrew nang ipakita sa kanya ni Troy ang magiging silid
nilang mag-ina.
"Tsk. Huwag ka nang mahiya Andrew. At saka kahit
magiging kasambahay si Tita dito, ituturing ka na namin ni lola bilang
miyembro ng aming pamilya."
Naantig ang puso ni Andrew sa mga pahayag na iyon ni Troy. At dahil doon ay masasasabi niya na talagang napakabait niyang tao.
"Salamat
talaga Troy. Isa ka talagang mabuting kaibigan. Noon pa man ang bait mo
na sa akin, sa amin ni nanay. Hanggang sa mga panahon na pinahinto ako
sa pagtutor, nariyan ka. At itong pagpapatira mo sa amin dito. Hayaan mo
balang araw babawi ako sa lahat ng ginawa mo sa amin." ang
maluha-luhang pahayag ni Andrew.
"Ui. Bawal ang iyakin dito sa
bahay namin." ang sagot ni Troy na may halong biro sabay gulo ng buhok
ni Andrew. "Ang mabuti pa ayusin niyo na ni Tita ang mga gamit niyo."
"Sige Troy salamat ulit."
_________
"I
like them. Sa tingin ko magkakasundo kami ng kanyang ina." ang masayang
komento ng lola ni Troy na katayo sa terrace ng kanilang bahay.
"Yes
Grandma. Thank you sa pagpayag mo. Hayaan niyo po na hindi niyo ito
pagsisisihan. Mababait po sila kaya sure akong walang kayong magiging
problema sa kanila." ang sagot ni Troy at niyakap sa likod ang kausap.
Ganoon ang paraan ng kanyang panlalambing sa taong nagpalaki sa kanya ng
halos 10 taon matapos mamatay ang kanyang mga magulang mula sa isang
aksidente.
"Pumayag ako dahil gusto kong pasayahin ang
pinakamamahal kong apo. And besides maganda naman ang motibo mo kaya
hindi na ako nagdalawang-isip."ang pahayag ng kanyang lola na sinabayan
ng ngiti.
Ngiti rin ang isinukli ni Troy sa narinig.
"And
of course para palagi na kayong magkasama. Aba eh halos araw-araw na
siya ang bukang-bibig mo." ang pahabol ng kanyang lola. Palagi kasing
nagkukuwento si Troy sa kanya ng mga bagay-bagay na nangyayari sa kanila
ni Andrew sa tuwing magkasama sila nito.
"Huwag naman kayo maingay lola." si Troy.
"Bakit ayaw mo bang marinig niya? At wala ka bang balak sabihin sa kanya ang..." ang tanong ng lola na agad pinutol ni Troy.
"Hindi
na po lola. Masaya na ako at kuntento sa ginagawa kong pagtulong sa
kanila. Sapat na sa akin ang nakikita kong masaya si Andrew."
Matagal
nang inamin ni Troy sa kanyang lola ang totoo niyang nararamdaman para
kay Andrew. Sa una ay nagulat ang matanda at di makapaniwala sa
rebelasyon nito, ngunit naiintindihan naman niya ito. Para sa kanya mas
mahalaga ang kaligayahan ng kanyang kaisa-isang apo.
"Cute
pala siyang bata ano, mabait at magalang bukod sa pagiging matalino at
masipag. Now I know kung bakit mo siya nagustuhan. Im sure na kapag nag
mature pa siya, magiging magandang lalaki rin siya tulad mo."
Natawa naman si Troy.
"Tama na nga yan lola. Oo nga pala, kailan po pala ang alis niyo papuntang London." ang pag-iiba niya ng usapan.
"Next week na iho, tutal may makakasama ka naman na dito."
Business-minded
ang lola ni Troy. Sa kabila ng kanyang edad na 56, nagagawa pa rin
niyang pamahalaan ang kanilang negosyo na paggawa ng tela. Nag-eexport
na sila sa ibang bansa katunayan ng pag-unlad nito.
"Magtatagal na naman kayo doon" si Troy na medyo nagtatampo.
"Ito
talagang apo ko. Nandito naman si Andrew di ba kaya dapat hindi ka na
malungkot. At saka palagi naman tayong nag-uusap di ba sa internet.
Hayaan mo sisikapin kong makabalik agad."
"Ok." ang naisagot na lang ni Troy.
_______
Habang abala sa pagsasalansan ng mga damit ang mag-ina sa cabinet ay pinag-usapan nila ang mga nangyari.
"Mababait
talaga ang mga nagiging kaibigan mo anak, si Bryan at ngayon si Troy
naman. Maswerte ka sa kanila." ang sambit ng kanyang ina.
"Tama po kayo nay."
"At ang bait pa ng kanyang lola kabaliktaran ng ugali ni Mam Sebastian." ang may halong birong pahayag ng kanyang ina.
"Si
nanay talaga. Mabait din naman po siya sa akin, kahit papaano at
binigyan niya ako ng trabaho at siya pa ang nagpapaaral sa akin. Ginawa
lang niya ang sa tingin niya ay makakabuti sa kanyang anak."
"Sa bagay tama ka anak. Mabuti naman at nauunawaan mo na ngayon."
"Ganoon
po talaga nay. Hindi naman pwedeng habambuhay akong magpadala sa
lungkot. Medyo tanggap ko na hindi kami ni Bryan ang para sa isat-isa.
"Ngunit kung ako lang ang papipiliin sa dalawa, kay Troy na ako anak."
Natawa lang si Andrew sa narinig sa ina.
_______
"Nakalipat
na pala sina Andrew sa bahay ni Troy." ang sabi ni Michael kay Bryan.
Abala silang dalawa ngayon sa pagbubuhat sa gym.
Ibinaba ni Bryan ang hawak niyang bakal at nagpunas ng pawis. "Oo nga. Nagtext si Troy sa akin kagabi."
"Oh.
Bakit parang hindi ka masaya. Ayaw mo ba nun, nasa pangangalaga na ni
Troy ang mag-ina. Hindi ka na gaano mag-aalala sa kabuhayan nila at
kaligtasan."
"Siyempre gusto." ang walang kaemo-emosyong sagot ni Bryan.
Napansin naman ni Michael na medyo may kakaiba sa kanyang kausap ngayon.
"Ito nga pala tol, pwede ba akong humingi ng pabor?" si Bryan.
"Sure. Tungkol ba yan kay Andrew."
"Oo.Kung pwede sana pag may time ka dalawin mo naman si Andrew dun."
"Bakit pa safe naman na siya doon?" ang nagtatakang tugon ni Michael.
"Gusto ko lang na kamustahin mo siya at malaman ang mga nangyayari sa kanya kapag nandoon siya."
"Hmmm... Ok. Sige mga once or twice a week ok na ba iyon?" ang agad na pagsang-ayon ni Michael.
"Pwede na iyon. Kapag pumunta ka, obserbahan mo silang dalawa ni Troy."
Tumango lang si Michael bilang pagsang-ayon kahit nagtataka pa rin siya sa pinapasuyo nito sa kanya.
_______
"Ang
sarap talaga ng luto niyo Tita." ang masayang papuri ni Troy habang
kumakain sila ng hapunan. Nagsimula na agad ang ina ni Andrew sa
pagtatrabaho bilang kasambahay sa pagluto ng magiging hapunan nila.
"Halina kayo at sabayan niyo na kami ni lola." ang pag-anyaya sa kanila ni Troy.
"Hindi na po. Sabay na lang kami kakain ng anak ko sa kusina."
"Sige
na sabayan niyo na kami. Dito kayo nakatira kaya kapamilya na rin namin
kayo. Huwagt na kayong mahiya." ang nakangiting pahayag ng lola ni
Troy.
"Salamat po mam." ang nahihiya pa ring tugon ng ina ni Andrew.
Sumabay na sila sa paghahapunan ng maglola.
"Mabuti naman at nagustuhan niyo po." ang pahayag ng ina ni Andrew.
"Opo Tita the best. Talagang tataba ako nito. Kailangan na talagang magbuhat araw-araw." si Troy ulit.
"Hinay-hinay lang apo baka di ka matunawan niyan." ang natatawang sabi ng kanyang lola.
Samantalang
di maiwasan ni Andrew ang magbalik sa kanyang alaala ang gabing
nakikain ng hapunan si Bryan sa dating bahay nila. Magkatulad kasi ang
naging komento nila ni Troy sa luto ng kanyang ina at ang pagiging
conscious ng mga ito sa kanilang katawan.
________
"Ahm,
Andrew mamaya pagkatapos natin kumain doon tayo sa kwarto ko." ang yaya
niya kay Andrew matapos nilang kumain. "Marami akong ipapakita at
ituturo sa iyo."
"Sige."
Makalipas ang ilang
minuto, dinala na ni Troy si Andrew sa kanyang silid. Nang makapasok,
agad niyang nilibot ang kanyag mga mata sa paligid para mapagmasdan ang
itsura nito. Lalaking-lalaki ang ayos nito. Maraming nakadikit na poster
ng mga international player ng basketball at mga anime characters.
"Halika dito tayo sa kama ko." si Troy habang nagbubukas ng kanyang laptop.
"Anong gagawin natin diyan?" ang tanong ni Andrew.
"Dito? Siyempre mag-iinternet."
"Ah. Pasensiya na. Hindi pa kasi ako nakakagamit ng ganyan alam mo naman." si Andrew sabay upo sa kama.
"Tsk.
Isang scholar hindi pa marunong gumamit ng computer. Sige tuturuan
kitang gumamit nito. Pero bago muna yan marami akong ipapakita sa iyo."
Matamang
nakatingin lang si Andrew sa screen ng laptop ni Troy. Nakita niya na
nagbukas ito ng isang website na pamilyar na rin sa kanya dahil
naririnig niya ito kay Dina at sa iba pa niyang mga kaklase.
"Ito ang aking facebook account." si Troy.
Pinakita
ni Troy ang kanyang mga larawan. Hindi maiwasang mapahanga ni Andrew
dahil sa ganda ng mga pagkakakuha ng mga iyon. May mga nakahubad at
nakapang porma.
"Wow pwede ka talagang maging modelo o kaya naman
photographer ah." ang sambit ni Andrew matapos makita ang lahat ng mga
larawan. "At ang dami nagbibigay ng mga comments."
"Siyempre naman ako pa. Sa gwapo kong ito di ba." ang sagot ni Troy.
Pagkatapos ay pinakita naman ni Troy ang isa pang account.
"Si Bryan!" ang sambit ni Andrew. Medyo nakaramdam agad siya ng pagkamiss dito nang makita pa lang ang primary picture.
"Sa aming tatlo siya ang pinaka astig! Tignan mo naman kung ilang ang mga friends niya at subscribers nya.
Nabigla
si Andrew sa bilang nga mga friends niya. Kaunti na lang at aabot na
ito ng 5000. Samantalang mahigit 2000 na ang subscribers nito.
Isa-isang
pinakita ni Troy sa kanya ang mga pictures ni Bryan. Tulad ni Troy
maganda ang pagkakakuha ng mga iyon. Hunk na hunk talaga siyang tignan.
Naalala tuloy niya ang mga panahong natutulog ito sa dati nilang bahay
at ang kapilyuhang pagpapakita nito ng kanyang katawan sa kanya bilang
panunukso.
"At ito naman ang mga pictures namin." si
Troy habang pinapakita kay Andrew ang bonding moments nilang tatlo.
Kasama na rin ang mga larawan nila nung mga bata pa sila.
Sa
pagkakakita ni Andrew ng mga larawan ni Bryan nung bata pa ay naalala
niya ulit ang picture sa bahay nila nung una siyang nagpunta roon.
"At ito naman ang lihim ni Bryan na hindi alam ng buong campus." si Troy.
Bahagyang natawa si Andrew nang makita ang isang picture ni Bryan na nakatayo sa ibabaw ng upuan na halos maiyak-iyak ang mukha.
"Grabe isang siga at astig sa campus takot sa isang ipis!" ang natatawang sambit ni Andrew.
"Oo nga e. Alam mo ba na kapag inaaway kami niyan, tinatakot talaga namin siya ng insekto na iyan."
Natigil sa pagtawa si Andrew nang mapansin ang isa pang picture ni Bryan. Nakaakbay siya sa isang batang babae.
"Sino yan?" ang tanong ni Andrew.
"Ah si Sarah yan. Kababata rin namin. Kapitbahay dati ni Bryan. Nasa Canada na siya ngayon."
"Ok."
"Alam
mo ba na sobra ang pagkaclose nila sa isat-isa. Kapag binibiro nga
namin siya, lagi siyang pinagtatanggol ni Bryan. Kaya sobra rin ang
pagkalungkot niya ng umalis siya ng bansa."
Sa mga oras
na iyon ay bahagyang naguluhan si Andrew sa kanyang mga nalaman. Naisip
niya na baka ang Sarah na iyon ang naging first love ni Bryan. Sumagi
din sa isip niya yung araw ng usapan nila ni Dina at Michael sa tambayan
ng tiro habang hinihintay niya si Bryan. Naisip siya na baka isa ito sa
dahilan ng kakaibang pagsagot ni Michaelsa kanyang mga tinatanong.
Ang
ibig sabihin nito para sa kanya na kung sakaling nandito pa rin ang
babaeng iyon ay mabaliktada ang sitwasyon. Hindi siya nagpahalata kay
Troy.
Marami pang mga larawan ang ipinakita ni Troy sa
kanya ngunit hindi na niya nagawa pang pansinin ang mga iyon dahil sa
mga bumabagabag sa kanya. May mga kinukuwento si Troy sa mga ito na
hindi magawa pang pakinggan ni Andrew.
"Anong balak mo Andrew?" ang kanyang tanong na nagpabalik ng ulirat ni Andrew.
"Ah eh Bakit?"
"Ang sabi ko anong balak mo sa nalalapit na kaarawan ni Bryan?"
"Kaarawan?"
si Andrew sabay tingin sa profile ni Bryan at nakita niya na malapit na
ang kaarawan nito. "Sa susunod na linggo na pala ah at sakto pa sa
Valentines Day. Pero wala siguro, alam mo naman ang sitwasyon namin di
ba?"
"Oo. Ngunit may magagawa ka pa. Ang bigyan siya ng regalo.
Kung alam mo lang kung gaano ka na niya ka miss. Halos araw-araw nga sa
tambayan ikaw lagi ang kanyang bukambibig. At least sa paraang ito
maipakita mo sa kanya na hindi mo pa siya nakakalimutan."
______
Nang
gabing iyon habang nakahiga ay iniisip ulit ni Andrew ang lahat ng mga
sinabi ni Troy sa kanya habang hawak ang kwintas na ibinigay sa kanya ni
Bryan.
"Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko
nararamdaman ang ganito sa mga nalaman ko tungkol sa babaeng
nagngangalang Sarah. Pero dapat ko pa rin siguro siyang bigyan ng
regalo." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili.
Makalipas ng ilang minuto ay nakaisip na siya ng ibibigay niyang regalo kay Bryan.
Itutuloy...
[22]
Kinabukasan habang nag-aagahan ay kinausap ni Andrew si Troy tungkol sa ibibigay niyang regalo kay Bryan.
"Teddy bear!" ang gulat na sambit ni Troy.
"Bakit
pwede naman iyon ah. At saka wala naman akong maisip na maaaring ibigay
sa kanya. Ayaw ko naman ng pagkain dahil mauubos agad. Mas mainam na
siguro ito para remembrance." ang pangangatwiran ni Andrew.
"Oo pwede naman iyon. Naisip ko lang na hindi iyon babagay sa isang tulad ni Bryan, babae lang kasi ang binibigyan ng ganoon."
"Ah. ok." ang medyo malungkot na tugon ni Andrew. "Hindi na lang siguro ako magbibigay ng regalo sa kanya.
"Ito naman. Sige pwede na iyon. Matutuwa naman siya sa kahit anong bagay na ibibigay sa kanya lalo na kung galing as iyo."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Ako pa, kilala ko na ang buong pagkatao ng kaibigan kong iyon."
_______
"Kamusta naman sa bago niyong tirahan?" tanong ni Dina kay Andrew habang naghihintay ng susunod nilang propesor sa araw na iyon.
"Ok lang. Wala naman kaming naging problema ni nanay. Mabait naman ang lola ni Troy."
"Ang
swerte mo talaga friend. Napaka "special" ng turing sa iyo ng Campus
Trio." si Dina ulit na binibigyang-diin ang salitang special.
"Ano, nakita mo na rin ba ang katawan ni Troy?" ang paghirit nito.
"Ikaw talaga Dina. Magkaiba naman kami ng kwarto doon." ang natatawang sagot ni Andrew.
"At
tungkol sa sinabi mong special na pagtrato nila sa akin, ewan ko ba
parang hindi ko naman nararamdaman e. Sa palagay ko mas naging miserable
pa yata ang buhay ko simula nang makilala ko sila."
"Ano ka ba friend yan pa ang iniisip mo. Alam mo ba na halos buong campus ang naiinggit sa iyo."
"Iyon na nga eh .Naging masama pa nga ako sa kanila."
"Pero
aminin mo na malaki ang naitulong nila sa iyo lalo na si Papa Troy.
Kung hindi niya kayo tinulungan baka sa tabi-tabi lang kayo nakatira
ngayon. At hindi lang yan, siya ang nagcomfort sa iyo nung mga panahon
na malungkot ka dahil sa mga nangyari sa inyo ni Papa Bryan."
"Oo na sige na." Totoo naman kasi ang sinabi ni Dina. Simula ng huminto siya sa pagtutor, si Troy ang palagi niyang kasama.
______
Sinamahan
ni Troy si Andrew sa mall upang bumili ng teddy bear na ibibigay kay
Bryan sa nalalapit nitong kaarawan. Pumasok sila sa isang shop na puro
pang regalo ang tinda.
"Ito ang bibilhin ko!" ang masayang sambit sambit ni Andrew nang makita niya ang isang di kalakihang brown na teddy bear.
"Maganda nga yan. Pero sapat ba ang pera mo para diyan. Kung hindi, dadagdagan ko na lang."
"Huwag
na. Kasya ang pera ko. Marami-rami yata akong naipong pera mula sa
pangangalakal ko bago kami lumipat sa inyo. Mas maganda di ba kung
galing mismo sa aking pinaghirapan ang perang ipangbibili ko dito."
"Sige.
Sabi mo eh." ang nakangiting sagot ni Troy senyales na napabilib siya
ni Andrew sa mga sinabi nito. "Ganito na lang. Ililibre na lang kita ng
pagkain. Ooops! huwag ka nang tumanggi, treat ko na yun sa iyo."
Nakangiting tumango si Andrew sa paanyaya ni Troy.
_______
"Ano na ang balita kay Andrew tol?" ang agad na tanong ni Bryan sa kararating na si Michael sa gym.
"Nag text sa akin si Troy nasa mall daw sila ngayon." ang tugon ni Michael.
"Anong ginagawa nila doon?"
"Common sense naman. E di siyempre namamasyal. Anong klaseng tanong yan tsk?"
Naalala
naman ni Bryan yung araw na pamamasyal rin nila ni Andrew matapos ang
pagsimba na kung saan ay binilihan niya ito ng mga bagong damit. Isa rin
ito sa pinakamasayang araw niya dahil dito niya napasagot si Andrew. At
muli siyang nakaramdam ng kung ano na hindi niya maintindihan.
"Upakan kaya kita diyan. Alam ko iyon!" ang nasabi na lang niya.
"Easy lang tol. Huwag mo namang ibuntong sa akin yang inis mo."
"Hindi ako naiinis."
"Talaga lang ah."
"Hay ewan ko sa iyo."
"O sige maiba tayo. Paano yan malapit na pala ang birthday mo"
"Hindi ko nga iniisip ang bagay na yan."
"Talaga. Balita ko, may surprise daw sa iyo si Tita ah."
"Wala akong pakialam sa kanya."
"It seems na galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon."
"Pwede ba huwag na natin siyang pag-usapan." ang naiinis pa ring si Bryan.
"Ok sabi mo e."
_______
"Pakibigay
na lang sa kanya ito Troy ah." ang pakiusap ni Andrew nang makauwi sila
galing sa pamamasyal. Alam naman niyang hindi siya maiimbita sa
okasyong iyon.
"Sure."
Agad na tumungo si Andrew
sa kanyang silid upang sumulat ng isang maikling note na isasama niya
sa ibibigay niyang regalo kay Bryan.
"Happy Brithday Bryan! Pagpasensyahan mo na kung ito lang ang kaya kong mabigay sayo. Lagot ka sakin kapag tinawanan mo yan."
_______
Dalawang
araw bago ang nalalapit na kaarawan ni Bryan, naging usap-usapan sa
buong campus ang nasabing okasyon. Halos lahat ng dako ng mga building
ay may mga nakapaskil na pabati sa kanya. At ang mas inaabangan ng mga
estudyante ay ang nakatakdang sorpresa sa kanya ng kanyang ina.
"Narinig
mo na ba yung balita Andrew tungkol sa big surprise ni Mam Sebastian
kay Bryan." ang tanong ni Dina kay Andrew habang naglalakad sila sa
hallway ng school.
"Wala naman akong balak alamin pa kung anuman iyon. Hindi naman ako makakapunta doon."
"Sa bagay. Mga babaeng estudyante lang naman ang inimbita except kina Michael at Troy."
"Oo nga kaya pinabigay ko na lang kay Troy yung regalo ko sa kanya. Sabi ko nga na pasimple lang niya itong iabot."
"Wow, ano naman yang regalo mo?"
"Teddy bear."
"How sweet! Ang tanong ay kung magugustuhan kaya niya iyon."
"Bahala na siya sa buhay niya kung tatanggapin niya iyon o hindi. Ang importante lang naman ay nakapagbigay ako."
"Sa bagay."
_______
"How's
your stay in this house?" ang tanong ni Michael kay Andrew nang dumalaw
siya sa bahay ni Troy dalawang araw bago ang kaarawan ni Bryan.
"Ayos lang." ang kanyang tugon. "Naninibago lang ako. Alam mo na nasanay na kami ni nanay sa maliit na tirahan."
"Mabuti naman kung ganoon. At least nasa mabuti kang kalagayan, kayo ng nanay mo."
"Oo
nga. Talagang napakabuting tao ni Troy sa akin pati na rin ng kanyang
lola. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo niya
sa akin. Sabi ko sa aking sarili na babawi ako sa kanya balang araw."
"Tama
na ang drama. Oh tara meryenda na tayo. Naku masarap itong ginataan.
Luto ito ni Tita" ang biglang pagsingit ni Troy sa kanilang pag-uusap."
Habang
kumakain ay pasimpleng pinagmamasdan ni Michael ang dalawa. Napapansin
niya ang kasiyahan nila habang nag-uusap lalo na si Troy. Sa tagal
niyang pagkakakilala dito ay ngayon lang niya nakita na sumaya siya ng
ganoon sa kabila ng pagiging seryoso nito.
"Uy Tol" ang paggulat ni Troy kay Michael nang mapansing nakatingin ito sa kanila. "Ang tahimik mo yata"
"Ah wala naman hehehe" ang natatawa niyang tugon.
"Siya pala, I heard na may big surprise daw si Tita sa birthday ni Bryan." si Troy.
"Oo nga. Pero alam mo ba ang sinabi ni Bryan na wala daw siyang interes dito."
"I see. Hanggang ngayon kasi masama pa rin ang loob niya kay Tita. So ano na ang plano niya?"
"Wala naman siyang nababanggit sa akin."
"Baka
hindi siya sisipot sa kanyang party. Sayang naman yung regalo ni Andrew
sa kanya." ang pahayag ni Troy na nagpabigla kay Michael. Si Andrew
naman ay pasimpleng siniko si Troy dahil sa hiya.
"Really, so ano naman yang regalo mo sa kanya Andrew?" ang interesadong tanong ni Michael.
Inunahan siya ni Troy sa pagsagot. "Isang teddy bear."
"Teddy bear!" ang sagot niya sabay halakhak.
"Eh yun lang ang naisip ko. Bahala na."
"Pero ito lang masasabi ko. Kahit ano pa yan tatanggapin niya basta galing sayo... naging baduy na kasi siya."
Nagkatawanan lang silang tatlo.
_________
Isang gabi bago ang kaarawan ni Bryan kinabukasan ay nakatanggap si Andrew ng isang imbitasyon nang hindi niya inaasahan.
"Bakit
Andrew?" ang tanong ni Troy sa kanya nang mapansin ang kakaibang
reaksyon nito nang basahin ang paanyaya. "Ayaw mo ba nun, mabibigay mo
mismo ng personal kay Bryan ang regalo mo sa kanya"
"Nabigla lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na aanyayahan ako ni Maam Sebastian. Di ba galit nga siya sa akin."
Tinabihan
ni Troy si Andrew na nakaupo sa kama. "Huwag kang mag-alala Andrew,
kasama mo ako. Ako ang bahala sa iyo." ang kanyang pahayag.
"Salamat Troy."
Nginitian lang siya nito.
Buong
magdamag nag-isip si Andrew. Naguguluhan siya. Pakiramdam niya ay may
mali. Nagkaroon siya ng pangamba sa mangyayari bukas. Imposibleng kasing
padalhan siya ni Mam Sebastian ng imbitasyon sa kaarawan ni Bryan.
"Dadalo
kaya ako?" ang tanong niya sa kanmyang sarili na tila
nagdadalawang-isip sa kabila ng assurance na sinabi ni Troy sa kanya.
________
Maaga
pa lang ay inaayos na ang auditorium ng school kung san gaganapin ang
selebrasyon ng kaarawan ni Bryan kinabukasan. Karamihan sa mga
estudyante lalo na ang mga babaeng imbitado ay naroon upang pagmasdan
ang ginagawang paghahanda.
"Buti ka pa binigyan ng
imbitasyon." ang may pagkainggit na pahayag ni Dina nang ipaalam ni
Andrew dito ang paanyaya sa kanya. Napadaan din sila doon para alamin
para makita ang ginagawang preparasyon. "Magkikita na rin kayo sa wakas
ni Papa Bryan, tapos kasama mo pa sina Papa Michael at Troy."
"Parang ayaw ko ngang pumunta. Hindi ko alam pero pakiramdam mo may mali."
"Ano
ka ba? Iyan pa ang iniisip mo ngayon ha. Dapat pa nga na matuwa ka
dahil hindi lahat ng estudyante sa campus ay inimbitahan."
"Ewan
ko ba. Pero ano pa ba ang magagawa ko kundi ang dumalo na lang. Siguro
ibibigay ko lang ang regalo sa kanya tapos aalis na ko agad."
"Hays sayang naman. Pero dont forget na balitaan ako tomorrow ah"
Tumango si Andrew bilang pagsang-ayon.
________
"Ready ka na ba anak?" ang tanong ng mama ni Bryan nang pumasok ito sa silid niya na nakabihis na.
"Oo" ang medyo matamlay nitong sagot. Bukod kasi sa inis niya sa ina ay wala rin siyang gana na dumalo sa kanyang kaarawan.
"Bryan anak alam kong may sama ka pa rin ng loob sa akin pero mamaya sisiguraduhin kong magiging masaya ka na sa aking gagawin."
Saglit na natigilan si Bryan sa kanyang narinig pahiwatig ng pagkakaroon niya ng interes dito.
"Ill make sure na magiging memorable ang gabi ito para sa iyo anak." ang dugtong pa ng ina.
Naisip
agad ni Bryan si Andrew, na baka padadaluhin din niya ito upang
magkasama sila. Napangiti siya ngunit hindi niya ipinahalata.
Matapos ang pag-uusap na iyon ay sabay na umalis ang mag-ina patungo sa pagdadausan ng okasyon.
Itutuloy...
Followers
Tuesday, May 7, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Thank you sa update Daredevil! :3
ReplyDeleteGood story :) sna may ksunod na
ReplyDeleteYey... kelan ang next hehehe bday na kc...
ReplyDeletekakaadik tong story na toh hahaah very smooth pero may dating thanks dude,
ReplyDeletejoseph
hahaist...feeling ko si Sarah ang sorpresa ng mama ni Bryan...hahaist lagot na naman...siguradong iba nga ang mararamdaman ni Andrew...naku naku...buti pa lola ni Troy ang bait bait hahaha
ReplyDeletenooooo...andrew wag ka pumuntaaaaaa plsssss
ReplyDeleteidol author wag nmn sana mangyayari iniisip ko if ever aatend c adrew mapapahamak/mapapahiya lng sya..worst bka eto na ung sinasabi ng manghuhula sooo sad nmn kung magkatotoo pro hapi ending nmn eto dba hehe un nlng iisipin ko tlga..
AtSea
ReplyDeleteHi Mr. Author....
Prove me wrong... Your story is somewhat patterned to Boys Over Flower... Sa takbo ng story... Binago lang ung ibang mga sypnosis... pero kahit saan anggulo ko tingnan eh pareho pa din...
Regarding sa story mo... "BIRTHDAY na din malilimutan..." Gues what... dadating ung kaibigan nila na babae at ung ang pinaka surprise sa BDAY ni Bryan... and dadating na punto na parang ipapahiya si Andrew... I hope mali ang nasa utak ko...
Don't take it personal kaya lang yun talaga ang nakikita ko na mangyayari. Just a constructive criticism lang po... Anyway... Regards and more power....
KN
Actually this story is my own version of meteor garden/boys over flowers.
DeletePangalawang story ko na to na based sa asianovela.
Next please .. Cant wait ;) God Bless ;)
ReplyDeletefeeling ko si Sara dadating then may parang "fixed marriage" mangyayari or something tapos sobrang broken hearted ni andrew mag walk out tapos susunod si Bryan pero pinigilan ni Troy. Si Troy sinundan si Andrew at nagkaroon sila ng moment. Then si Bryan magagalit ng sobra pero no choice sya kasi sa Mom nya >:)
ReplyDeleteguess lang hahaha
Thanks sa update dareD...kaabang abang nxt chapter.
ReplyDeleteRandz of QC
Interesting..hmmmm ano kaya mangyayari? Feeling ko dadating si Sarah...
ReplyDelete- gavi
Di ba dapat si troy ang my best f.dito hehe. Nakakaba nmn kuya...salamt po,,
ReplyDeleteDi ba dapat si troy ang my best f.dito hehe. Nakakaba nmn kuya...salamt po,,
ReplyDeleteampft! nakakabitin!
ReplyDeleteang ganda ng story khit pa sabhin na ginaya lng to somewhere..
sana next na agad... more twist pa po author..
<07>
Very exciting na para sa susunod na chapter.
ReplyDeleteang ganda ng story na ito nakaka adik...
ReplyDeleteWALA PA RIN PO UPDATE...
ReplyDeleteHUHIHUHUHUH
MR.AUTHOR WAG MO NMAN PO KAMI PA ANTAYIN OHHH!
Update na poh hehehe
ReplyDeleteHimala nabuhay si Daredevil! ... :).. xD. kaya pala hindi ko maopen ang blog mo! hayst!
ReplyDeleteIAN