Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Nais ko pong ipaalam sa inyo na magtatapos na ang kwentong ito sa part 25 or 26.
Kung bakit? Abangan niyo po sa bago kong gagawing story na may pamagat na "True Love." Ang posting nito ay kasabay ng pagbubukas ng aking blog.
Happy Reading!
[23]
Pagkadating nina Andrew at Troy sa venue ng birthday celebration ni
Bryan ay sinalubong sila ni Michael at dinala sa kanilang magiging mesa.
Habang
nakaupo ay pinagmamasdan ni Andrew ang paligid. Namamangha siya sa
kanyang nakikita palibhasa ay unang pagkakataon niyang makadalo sa
ganoong kalaki at magarbong okasyon. Sadyang pinaghandaan at ginastusan
ang mga dekorasyon sa loob pati ang malaking streamer sa entablado na
ang nakasulat ay ang pagbati kay Bryan.
Ngunit sa
kabilang banda ay medyo naiilang pa rin siya. Hindi nakaligtas sa kanya
ang mga tingin sa kanya ng mga bisitang naroon. Pakiwari niya ay
pinag-iisipan na siya ng hindi maganda ng mga iyon.
"Huwag
mo na silang pansinin. Tayo lang kasi ang naiiba dito." ang bulong sa
kanya ni Troy. Tama nga naman dahil silang tatlo lang bukod kay Bryan
ang mga lalaki na naroroon.
Dahil sa kasikatan ay
pinagpiyestahan ng mga kababaihang naroon sina Troy at Michael. Halos
sila na ang naging usap-usapan doon. Samantalang si Andrew ay napapayuko
na lang. Pakiramdam niya na out of this world siya.
Inakbayan
siya ni Troy na ang isang kamay ay humahaplos sa kanyang balikat. Sa
kabila ng pagiging abala sa pag-entertain sa mga kababaihan ay hindi
niya magawang alisin ang kanyang atensyon kay Andrew. Gustong iparating
ni Troy kay Andrew na ayos lang ang lahat at hindi siya nag-iisa.
At makalipas ng halos sampung minuto ay nakarinig sila ng paghiyaw hudyat na dumating na ang kanilang pinakahinihintay.
Tumingin
si Andrew sa pinto kung saan nag-uumpukan ang mga bisita. At pumasok
doon si Bryan kasama ang kanyang ina. Nginitian sila ng mag-ina habang
papunta sa entablado.
Nang makarating ay agad hinanap
ni Bryan si Andrew. Napangiti siya nang makita niya ito sa isang mesa
kasama sina Michael at Troy na katabi niya. Hindi ito nakaligtas sa
kanyang ina.
"Good evening ladies, Nandito na ang
inyong pinakahihintay ang ating birthday boy, Mr. Bryan Sebastian!" ang
pahayag ng babaeng emcee na nagpahiyaw sa buong auditorium.
Tumayo si Bryan at kumaway sa lahat ng naroroon.
"Yan.
Talagang napakaguwapo niya. So alam naman natin na maliban sa kanyang
birthday ay ngayon din ang araw ng mga puso. Kaya sa gabing ito, may
isang big surprise ang kanyang mom na si Dr. Sebastian sa ating lahat.
At ito ay malalaman natin maya-maya lang. For the meantime kantahan na
natin si birthday boy!"
Habang kumakanta ay pasimpleng
sinusulyapan ni Andrew si Bryan. Hindi niya magawang titigan ito ng
matagal dahil katabi niya ang kanyang ina na nakatingin din sa kanya.
Iniisip na niya kung paano mabibigaydito ang kanyang regalo.
Matapos
magsalita ang emcee ay bumaba na nang entablado si Bryan samantalang
ang kanyang ina ay lumabas. Napansin naman ni Andrew na papalapit sa
kanilang kinaroroonan si Bryan kaya agad siyang nagpaalam kay Troy na
kukunin ang kanyang regalo sa sasakyan nito.
"Saan pupunta si Andrew?" ang agarang tanong ni Bryan sa dalawa nang mapansin ang pagmamadali ni Andrew.
"Ah wala may kukunin lang sa car tol." ang sagot ni Troy sa kanya. "Hintayin mo na lang siya pabalik na iyon."
"Naks naman tol si Andrew talaga ang hinanap mo ah." ang pangangantsaw sa kanya ni Michael.
"Siyempre naman ngayon na ang pagkakataon na makakapag-usap kami ulit."
"Hindi halata na miss mo siya ano."
Isang ngiti lang ang ibinigay sa kanila ni Bryan.
Samantala,
habang naglalakad si Andrew papuntang parking lot kung saan naroroon
ang kotse ni Troy ay napansin niya ang isang napakagarang sasakyan. At
sa pagbukas ng pinto ay iniluwa roon ang isang babae. Hindi na niya sana
bibigyan ng pansin iyon nang makita niya ang pagsalubong ni Dr.
Sebastian sa babaeng iyon. Sa tingin niya ay magkakilala sila. At doon
nagsimulang kabahan si Andrew tulad ng parehong pakiramdam nung
matanggap niya ang imbitasyon. Gayunpaman ay isinantabi ulit iyon ni
Andrew at nagpatuloy sa pagkuha ng regalo na ibibigay kay Bryan sa
kotse.
Nang makabalik si Andrew ay nakita niya si Bryan
na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga babae. Ngunit hindi naging sagabal
ang mga nakapalibot sa kanya para hindi nito mapansin ang kanyang
pagbabalik.
At sa paglapit sa kanya ni Bryan ay napansin nito ang kanyang dala.
"Kamusta ka na?" ang tanong niya kay Andrew na nakangiti ng ubod tamis.
"A-ayos
lang naman. Happy birthday nga pala. Ito pala ang rega..." ang isasagot
sana ni Andrew nang biglang magsalita ulit ang emcee.
"Ladies, its time para malaman natin ang big surprise ni Dr. Sebastian para sa ating lahat!"
"Good
evening to all the ladies of the university. Ngayong gabi ay
pinagdiriwang natin lahat ang kaarawan ng aking panganay na si Bryan.
Alam ko na inaabangan niyo kung ano ang aking surpresa sa gabing ito.
Matagal ko nang pinag-isipan at pinaghandaan ito. Ang nais ko lang ay
matuwid ang landas na tatahakin ng aking anak sa hinaharap at magkaroon
ng normal na buhay."
Nagulat si Andrew sa biglaang
tingin sa kanya ni Dr. Sebastian nang ipahayag niya ang mga salitang
iyon. Inisip agad niya na patama sa kanya ang mga iyon. Lalo tuloy
siyang kinabahan at nangamba.
Napayuko na lang siya sa mga oras na iyon. Kung hindi lang dahil kay Troy ay matagal na siyang lumabas ng auditorium at umuwi.
Hindi
naman nakaligtas kay Troy ang naging reaksyon ni Andrew sa pinukol na
tingin sa kanya ni Dr. Sebastian. Kaya sa ilalim ng mesang iyon ay
hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Andrew at marahang pinisil iyon
pahiwatig na magiging ayos lang ang lahat at naroon siya upang umalalay
sa kanya. Sa panig naman ni Andrew ay nakatulong iyon upang maibsan ang
nararamdaman niyang kaba ngunit hindi naging sapat ito upang alisin ang
lahat.
"Kababata ni Bryan sina Michael at Troy at
kasabay ng kanilang paglaki ay nagkaroon sila ng isa pang kaibigan. She
was our former neighbor. After graduation of high school they migrated
to Canada. Dahil sa kanyang pag-alis ay sobra silang nalungkot lalo na
ang aking anak. At kamakailan lang ay nagbalik na siya." ang
pagpapatuloy ni Dr. Sebastian.
Halata ni Andrew sa
kanyang mga kasama sa mesa ang pagkabigla sa mga narinig. Isang
nagtatakang at nagtatanong na tingin ang ibinigay niya sa kanila. Hindi
rin nakaligtas sa kanya ang bulungan ng mga taong naroon.
At ang sumunod na sinabi ng ginang ang siyang sasagot sa lahat ng kanyang mga iniisip mula panung matanggap niya ang imbitasyon.
"Ngayon narito na siya ang babaeng magiging fiancee ng aking anak, Please all welcome Sarah Concepcion!"
Isang
magarbong palakpakan ang sinalubong ng mga panauhin sa isang babaeng
umakyat ng entablado. Maputi at makinis ang kanyang balat, mahaba ang
buhok at ang lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan ay ang suot
niyang puting dress. Simple lang ito ngunit talagang bumagay sa kanya.
Nilapitan niya ang gulat na gulat na si Bryan. Inabutan siya ni Dr.
Sebastian ng mikropono.
"Magandang gabi sa inyong lahat
lalo na sa iyo Bryan. Happy birthday! Wow ang laki mo na at mas lalo
kang gumwapo" ang pagpuri sa kanya ni Sarah sabay hawak sa kanyang mga
pisngi na nagpakilig sa lahat. Si Bryan ay nakatitig lang sa kanya.
"Kailan
lang uhugin ka pa at iyakin. Ako pa nga ang nagtatanggol kapag may
nanunukso sa iyo o inaasar nina Troy at Michael. Pero ngayon ang tangkad
mo na at macho!" ang kanyang pagpapatuloy sabay pisil sa mga malalaking
braso ni Bryan.
At sa pagkakataong iyon habang abala
sa pakikinig at pagtatawanan ang mga kababaihan ay tila nabingi na si
Andrew sa mga sumunod na sinabi ni Sarah. Nangingilid na ang kanyang mga
luha habang nakayuko. Nagpasya siyang lumabas muna ng auditorium.
Sinundan naman siya ni Troy.
"Andrew."
"Ayos lang
ako Troy. Sige bumalik ka na doon sa loob." ang kanyang pahayag sabay
pahid ng mga namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Ok." ang tugon nito.
Sa
isang sementong upuan malapit doon umupo si Andrew. Habang
pinagmamasdan ang mga taong palakad-lakad ay iniisip niya ang mga
nangyari. Bigla naman niyang naalala ang naging hula sa kanila ni Bryan
nung araw na nagsimba sila sa Quiapo.
"Ito na siguro ang sinasabi niyang pagsubok. Kaya pala iba na pakiramdam ko kahapon pa." ang nasabi niya sa kanyang sarili.
Matapos
ang halos kalahating oras ng kanyang pagmumuni-muni nang maisipan na
niyang umuwi na lang tutal wala na ring saysay na manatili pa siya roon.
Kaya bumalik siya sa auditorium para magpaalam sana kay Troy at ipaabot
na lang ang kanyang regalo kay Bryan na nakalimutan din niya sa mesa na
kanilang pinuwestuhan.
At doon niya nakita ang
masayang-masaya na si Bryan habang kasayaw si Sarah. Mas lalong bumigat
ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon lalo na nang maalala niya ang
naging pahayag ni Dr. Sebastian kanina habang pinapakilala ang dalaga.
"Ang nais ko lang ay matuwid ang landas na tatahakin ng aking anak sa hinaharap at magkaroon ng normal na buhay."
"Ngayon narito na siya ang babaeng magiging fiancee ng aking anak, Please all welcome Sarah Concepcion!"
Tulad na rin ng sinabi nito sa kanya sa pag-uusap nila nung araw na pinahinto siya sa pagtutor ay naisip
ni Andrew na talagang gusto ng ina ito ay ang magkaroon ng
sariling pamilya ni Bryan sa pamamagitan ni Sarah. Kahit saang anggulo
tignan ay tama naman ang ginawa nito kahit pa masakit sa ito kanya.
"Tama si Mam Sebastian. Panahon na para itigil na natin ang relasyong meron tayo." ang sabi niya sa kanyang sarili.
At dahil dito, isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan.
________
Hindi
maitatago ni Bryan ang kasiyahan sa pagbabalik ni Sarah. Sa halos ilang
taon nitong pagkawala ay kailanman na hindi siya nawala sa kanyang
isipan. Talagang nabighani siya sa ipinamalas na kagandahan ng dalaga.
Dahil dito ay nawala na sa kanyang isipan si Andrew at hindi na niya
namalayan ang pag-alis nito.
Nagkaroon ng sayawan
matapos ang eksenang iyon. Hindi naman mawala ang ngiti sa mukha ni
Bryan habang isinasayaw niya ang kababatang si Sarah.
"My turn." ang paanyaya naman ni Troy sabay lahad ng kamay na maisayaw ang dalaga.
"Sure." ang nakangiting tugon ni Sarah.
Pumunta si Bryan sa kinaroroonan ni Michael.
"Happy?" ang masayang tanong nito sa kanya.
"Oo naman. I cant believe na magiging ganoon siya kaganda tol." ang naibulalas niya dala pa rin ng kanyang pagkamangha.
At
doon lang niya biglang naalala si Andrew. Agad niyang nilibot ang mata
sa paligid upang hanapin ito at nang hindi nakita ay tinanong niya si
Michael.
"Tol nasaan pala si Andrew?"
"Lumabas siya eh." ang simpleng sagot nito.
Agad siyang lumabas para hanapin ito ngunit nabigo lang siya. At doon niya narealize na baka umalis na ito dahil sa nangyari.
Nakaramdam
naman siya ng pagkabahala kaya bumalik siya sa loob at kinausap si
Troy. Sakto namang katatapos lang nito isayaw si Sarah.
"Kanina
pa lang habang pinakilala ni Tita si Sarah bilang fiancee mo ay nakita
ko na lubos siyang nasaktan. Kaya lumabas muna siya. At kung hindi mo na
siya nakita, marahil ay umuwi na nga siya." ang sabi sa kanya ni Troy.
"Mamaya
pagkatapos nito o bukas kakausapin ko siya. Ipapaliwanag ko sa kanya
ang lahat." ang sagot naman ni Bryan na nababahala pa rin para kay
Andrew.
"Sa tingin ko dapat hayaan mo muna siyang mapag-isa"
Tutol
man ay naisip ni Bryan na tama si Troy. "Sige tol ikaw na muna ang
bahala sa kanya. Subukan mong ipaliwanag sa kanya ang lahat."
"Ok I'll try. Teka nga pala may gift pala siya sayo." si Troy sabay abot sa kanya ng regalo na naiwan ni Andrew.
"Salamat." ang kanyang tugon. Napangiti siya nang makita niya ang teddybear.
"Wow kanino galing yang ang cute naman?" si Sarah nang mapansin ang hawak ni Bryan.
"Ah wala ito regalo lang ng isang estudyante."
"Ok. So tara na kain na tayo." ang yaya ni Sarah sa kanila.
Naging maayos naman ang pagtatapos ng selebrasyon na iyon.
Itutuloy...
Followers
Friday, May 10, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Yay.... Basa muna hehehe...
ReplyDeleteAng tagal kong Inabangn toh.... Next na po agad idol!!! :-) :-) :-)
ReplyDeleteAng sakit!! Ang sakit sakit!!!!!!
ReplyDeletetumpak! lol
ReplyDeleteun nga snsabi ko sana hnd lng pumunta c andrew but 8s ok makakabawi ka dn andrew sooooooonnn hehe
next chapter pls
AtSea
Kainis naman o. Bitin na naman. T^T
ReplyDeleteAuthor maraming salamat po, next chapter na po ulit. :)
Sana habaan yung kasunod. XD
-K
Ayan na nga ba ang sinasabi koooooo...wawa naman si andrew..
ReplyDelete- gavi
SPEECHLESS :((
ReplyDeletenakakaiyak nman.. sna may magcomfort kay andrew..
ReplyDeletesna next na po sobrang bitin eh!
badtrip nmn..bkit d nya sinundan.?? Wawa nmn c andrew! Dpat ndi nlng xa pumunta..tss!
ReplyDeletemasakit na masakit...arrrgghhh...
ReplyDeleteHopefully malampasan ni andrew lahat ng pagsubok na dumarating sa kanya.at the end maging happy na siya.
ReplyDeleteang ganda, kaso may sabit. Bitin eh :P Go author ang galing mo talaga! Kudos.
ReplyDeleteKawawang andrew...pero sana wag xa bumitiw fiance pa lang nman eh.
ReplyDeleteRandz of QC
Grabe.. Next na.. Tama nga ang hula.. ;) go author.. GOD bless.. ;)
ReplyDeleteWala pa din po update.? Cant wait for the next chapter. Salamat mr. Author.
ReplyDelete