Followers

Saturday, May 11, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 03 and Chapter 04

Written by: Tzekai
Wattpad: http://www.wattpad.com/user/yortzekai
email: balasonilo@gmail.com
fb: http://www.facebook.com/granddiosa

NOTE:

HELLO Po! Humihingi po ako ng pasensya sa maraming typo error,wrong spellings at lalo na sa mga details regarding College,wala talaga ako idea sa College life kaya pagpasensyahan nyo na,but Im trying my best para mapaganda ang kwento.

Ikalawa,pasensya na po kung maikli ang bawat chapters,ganyan po talaga yan,pero tulad ng sabi ko,after ng CHAPTER11 ay magiging mahaba na po ang mga susunod na chapters.

Ikatlo,huwag po kayong magtaka kung mabasa nyo ang name na POPOY at JANSSEN,hiniram ko name nila kay kuya Zeke at pumayag sya.

Ika-apat,huwag po sana kayong maguluhan sa dami ng characters na lalabas,yung iba ay Cameo roles lang at galing po sila sa mga nauna kong stories na naka post na sa wattpad,Sequel po kase ang ginawa ko at itong AMSL ang pinaka latest sa mga stories ko,para hindi kayo maguluhan,pwede nyo po mabasa ang mga yon sa wattpad,nasa taas ang profile ko dun.

May dalawa din po akong kwento na hawig sa mga story ni Kenji Oya at kuya Zeke,ang Inlove with you at After All,nahihiya ako ipost dahil baka laitin ng ibang members kasi parang plagiarism na din yon,medyo may ginaya ako pero hindi lahat,kaya sorry po Kenji-chan at kuya Zeke :/ at may isa pa na CHANCES ang title,may part dun na inspired sa Palitan ng puso ni Sir Mike, yung tatlong yan po eh kasama sa sequel ng mga stories ko.

Ayun lang po,nilahat ko na ang paliwanag hehe,pasensya na po :3

HAPPY READING :)







CHAPTER 03


Kreyd Pogi's POV
"Waaaaaahhhh!!!" sigaw ko sa may sala namin nakaupo ako sa sofa at nakatakip sa akin mukha ang mga kamay ko.


Naramdaman kong may masakit na tumama sa akin. Pagtingin ko si kuya Khyron, binato nya pala ako ng kutsara!


"Bakit?" taka kong tanong at kinuha sa lapag ang kutsarang binato nya.


"Anong bakit? Bigla ka sumisigaw dyan! Nagulat tuloy si Nanay at nasagutan sa paghihiwa" inis na sabi ni kuya, matanda sya sa akin ng tatlong taon. Hilig nila ni Nanay ang magluto. HRM graduate na sya at nagtatrabaho sa isang restaurant.


"Pasensya na kuya,okay lang ba si Nanay?" sabi ko at tuluyan ng tumayo para pumunta sa kusina.


"Bakit ka ba bigla biglang sumisigaw? Kung nandito pa si Tatay sandok ibabato sayo nun" tanong ni kuya ng papunta na kami sa kusina.


Bakit nga ba ako biglang sumigaw? Maya't maya lang naman pumapasok sa isip ko si Prudencio at ang maganda nyang mukha. Dalawang araw na nakakalipas pero ganun pa din epekto sa akin. May lahi ata mangkukulam ang bading na iyon at nahipnotismo agad ako.


Hindi ko naman pwede sabihin kay kuya na Bading ang iniisip ko,baka makatikim ako ng Mask rider kick nya,mahirap na! Kung bakit ba naman kase pumapasok sa isip ko ang Prudencio na yon? Hindi lang ata hipnotismo ginawa sa akin nun eh,inengkanto din ata ako nun! Sya pala talaga ang totoong mamaw!


Pero kung babalikan yung pangyayari nung biyernes ay nakakatawa talaga,tuwing biyernes kasi ako naka assign na maglinis sa bldg na yon bilang working student sa school na yon at lingid ito sa kaalaman ng pamilya ko,ayaw ko din kasi maging pabigat,kalalaki kong tao masyado ako umaasa sa magulang? Kaya nag apply ako sa school,may allowance na sapat naman para sa akin,at magandang schedule na tuwing biyernes lang.


At ng mga panahon na yon masyado akong napagod,at dahil tiwala naman ang buong faculty sa akin,pumasok ako sa Lab para sana magpahinga saglit,kinapalan ko na din ang mukha ko at ini-on ang air con.


Napahaba ang tulog ko pero masama ang panaginip ko,hinahabol daw ako ng mga aswang,pakiramdam ko nun hindi na ako makahinga,sumisigaw daw ako pero walang boses at buti nagising ako sa sigaw na 'Mamaw' napabalikwas talaga ako,sakto pagbukas ng ilaw para akong nakakita ng Engkantada. Ang ganda ganda,but then I realized wala syang boobs at panlalaki ang suot nya,and there,I therefore conclude na isa syang Sirena :3


Dont get me wrong,Im not against the Gays,Bisexual or Lesbians,infact nakakatuwa sila,may mga kakilala akong Gays na successful na sa buhay,successful pa sa lovelife.
At yon nga,na engkanto na ako sa kanya,hinintay ko sya sa labas ng classroom,sinabayan maglakad at hinatid sa kanila,maging ako nawirduhan sa pinag gagawa ko,to think na yon ang una palang naming pagkikita


Masasabi kong mayaman pala itong si Prudencio,nalula ako sa laki ng bahay nila after that,umuwi na ako, pero bago ako umalis nagpasalamat sya at nagbigay ng ngiti. Dahilan para mabulabog ang utak ko hanggang ngayon!


"Nakakainis!" wala sa sariling sabi ko ng maupo at tingnan sina Nanay at kuya sa ginagawa.


"Anong nakakainis? Hoy Kreyd dapat nga ako ang mainis sayo,dahil bigla bigla ka sumisigaw,nagulat tuloy ako at nahiwa" biglang sabi ni Nanay.


"Sorry Nay,ano ba yang niluluto nyo ni Kuya?" sabi ko na lang.


"Gusto daw kasi bumisita ng mga Amo ng Tatay nyo,kaya ipaghahanda natin" masayang sagot ni Nanay.
Aba? Bago yon ah,sa tagal ni tatay na naninilbihan bilang driver sa mga Villacruz,ito ata ang kauna unahang makikita at makakasalamuha namin sila? May anak kayang chikas yon na pwedeng pormahan? ^_^


"Nako Nay tingnan mo ngiti nyan ni Kreyd,alam ko iniisip nyan" nakangising pansin sakin ni kuya Khyron habang hinahalo halo nya ang niluluto nya.


"Nako Kreyd ha? Anong kalokohan na naman yan?" ani Nanay.


"Wala yon Nay no? Nagpapaniwala ka dyan kay kuya,sige na,maliligo na ako para hindi nakakahiya mamaya sa mga amo ni Tatay" sabi ko at saka umeskapo at pumunta sa kwarto ko.


Makalipas ang dalawang oras nadinig ko na ang pagparada ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.


Sina Tatay na yon!


Agad kong inayos ang sarili ko at lumabas ng kwarto,naabutan kong pinapakilala ni Tatay ang mga ito kina Nanay at Kuya.


Ng makalapit ako ganun na lang ang gulat ko sa nakita.


"Mamaw!/Prudencio!" ang sabay naming sabi. Napatingin tuloy sila sa amin ng may pagtataka.
Kung ganun,ang pamilya ni Prudencio ang amo ni Tatay?


"Magkakilala kayo?" - Tatay


"Opo" sabay naming sabi. Wow,mas maganda si Prudencio pag simple.


The fuck?! Ang lakas mang engkanto nito ah! Kung anu-ano na nasasabi ko.


"That's good,mas magiging malapit tayo nyan" sagot ng Dad ni Prudencio. Hehe nahahabaan ba kayo sa pagbasa ng Prudencio? Pasensya na ah? Nakukyutan kase ako sa Prudencio ^___^


"Oo nga po Mam,Sir" ani Tatay.


"Kreyd,ikaw na muna bahala kay Prue,tutal naman magkakilala kayo" biglang sabi ni Nanay. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.


"Magkwentuhan muna tayo Kebin at Nancy,mamaya na yang inihanda nyo, matagal na akong walang nakaka daldalan" nadinig ko pang sabi ng Mommy ni Prudencio bago kami pumasok sa kwarto.


Si kuya malamang nagkulong din sa kwarto nya.


"Small world" biglang sabi nito.


"Oo nga eh,well ganyan talaga ang buhay Prudencio" nakangiti kong pag sang ayon at pasalampak na naupo sa higaan ko.


"Tse! PRUE itawag mo sakin! Makakatikim ka talaga ng bugbog! Hindi porket hinatid mo ako nung friday eh may karapatan ka nang tawagin ako sa realname ko! Mamaw ka talaga!" singhal nito sakin haha!


"Ooppps! Easy lang,hindi ako kaaway! Sige na,Prue na kung Prue, pero huwag mo na din akong tatawaging Mamaw,deal?" sabi ko naman.


"Deal! Starting tomorow!" sabi nito.


"Ha? Bakit bukas pa?" protesta ko,ayaw ko matawag na mamaw sa harapan ng mga magulang namin ah!


"May reklamo?!"


"Wala!" agad kong sagot. Sige humanda ka pag nagkamali ka mamaya! Hahaha



CHAPTER 04


Kreyd's Point of View :3


Alam ko na kung anong nangyayari sakin, alam nyo yung pinoproseso pa lang ng utak mo ay kikilos na agad ang katawan mo? Ganon.
Hindi ko alam kung anong meron kay Prue at ganon ang hatak nya sa akin,siguro natutuwa lang ako sa kanya? Tama! Ganon nga siguro! Wala naman ako ibang kakaibang nararamdaman kaya secured pa ako sa sarili ko.


Papasok na ako sa gate ng campus ng may tumawag sa pangalan ko,kaya tumigil ako at nilingon. Si Artemis, kaklase at tropa ko.


"Tol,nagawa mo ba yung Take home test natin sa Chem1?" tanong agad nito at nagpatuloy kami sa paglakad.
Napatampal ako sa noo ko dahil dun.


"Shit naman! Nakalimutan ko eh" inis kong sabi.


"Ako din nakalimutan ko,ngayon pa naman ang pasahan,patay tayo kay Sir.Aguas nyan" sabi naman nito.


Bakit nga ba hindi ko nagawa yon? Syempre diba may bisita kami kahapon,tas nawili pa kami sa pagkekwentuhan ni Prue hanggang sa tuluyan ko na nga nakaligtaan ang Take home test.


"Kaasar naman!" inis na sabi ko,sakto nandito na kami sa room.


"Kailangan na natin humanda para sa punishment mamaya" sabi ni Artemis. Si Sir.Aguas kase mahilig magbigay ng mga kakaibang parusa saka ka nya bibigyan ng second chance,para daw matuto. Ang lawak pa naman ng utak ni Sir!


At yun nga ang nangyari,wala kaming nagawa ni Artemis ng pagpulutin kami ni Sir ng mga kalat sa open ground kahit ang init init! Buti na lang at dito lang hindi sa quadrangle.


Pinagpapawisan na ako,pakiramdam ko nababawasan na kagwapuhan ko,lalo na at maraming chix ang nakakakita sa akin.

Tiningnan ko si Artemis,at ang hudyo pakanta kanta pa! Pano nya nagagawa yon?


"Hoy Art! Parang ang saya saya mo pang nabibilad tayo dito ah?" sigaw ko sa kanya.


"Mas okay na to tol,kesa makinig sa napaka boring na lecture ni Sir Aguas" naka ngisi pang sagot ng gago.


"Isusumbong kita!" kunwari ay banta ko sa kanya.


"Oy tol huwag! Parang hindi naman tayo tropa nyan diba-- Uy! Tatlong chika babes" sabi nito na nakatingin sa likuran ko kaya lumingon din ako.


Patay!


"Mamaw?" sabi ni Prue,kasama nito yung kambal at yung isang babae na hindi ko kilala.


"Hi!" nag aalangan kong bati,grabe,tagaktak na pawis ko,ang init talaga,lumapit at tumabi naman sa akin si Artemis na halatang nagpapa cute pa.


"Hello girls,ako nga pala si Artemis,but you can call me Art" pacute na sabi ni gago,kapal talaga ng mukha ng kumag na to haha!


"Anong ginagawa nyo? Wala kang klase Kreyd? Bakit nagpupulot kayo ng kalat? Ay! Sya nga pala, ito nga pala sina Piper,Phoebe,at si Paige, Friends sya si Kreyd, at hi nga pala Art" maligalig na sabi ni Prue.


Namumula pa ang mukha,dahil siguro sa init. Ang cute!


Cute? What the?! Kailan pa ako nakyutan sa mga binabae?!


"Nice meeting you Art,kilala na namin tong si Mamaw,este Kreyd nung friday,akala namin bf ni Prue,by the way, Charmed ang tawag sa grupo namin" madaldal na sabi nung Piper.


"Nice meeting you beautiful ladies and Prue,oh talaga? Hindi ko alam na mahilig pala si Kreyd sa mga Si--" inapakan ko paa ni Artemis,kalalaking tao ang daldal!


"Bakit nga kayo nandito? Wala ba kayong klase?" muli ay tanong ni Prue,sasabihin ko ba? Wag na lang baka makarating kina Itay mapagalitan pa ako.


"Baka vacant nila girl" sabi nung Paige


"Vacant? Nagpupulot ng kalat sa ilalim ng matinding sikat ng araw? I doubt!" sabat naman nung Piper.


"Hindi kasi namin nagawa ang take home test namin sa Chem1 kaya eto parusa samin" singit ni Artemis.
Wala na! Nabuko na kami. Pakadaldal talaga ng impaktong to?!


"Ganun? Nako isusumbong kita sa parents mo" naka ngising sabi ni Prue. Shit! Bakit ako natakot sa banta nya?


"Huwag naman" nasabi ko na lang.


"Joke lang! O sige,maiwan na namin kayo,nabibilad na din kami sa init eh,oh eto pamunas,bye! See you around" ani Prue sabay hagis sakin ng panyo at agad silang umalis.


Powder blue yung panyo,inamoy ko, shit! Ang bango! Para syang babae!


"Type ka ata nung bakla tol" naka ngiting sabi ni Artemis. Pero imbis na maasar,palihim akong napahagikgik.


What?! Kung ano-ano na naiisip ko!


"Gago,ituloy na natin to,para matapos na tayo at makakain na" sabi ko na lang para hindi na mang asar ang ulupong na si Artemis.


Ng matapos kami ni Artemis ay dumiretso kaming dalawa sa cafeteria. Madami ng estudyante,agad na kaming pumila.


Nakipagsiksikan kami ni Artemis sa pila,pagdating sa ganito dapat alerto at mabilis! Kung hindi mauunahan ka! Haha!


Ng makabili kami ng pagkain ay ang sasama ng tingin nila sa aming dalawa ni Artemis,pasensyahan na lang,ganun talaga mga taong gutom,at ang mga gwapong tulad ko hindi ginugutom haha!


"Humohokage moves ka kanina Art ah? Walang palag yung mga nasa pila" natatawa kong sabi habang kumakain.


"hahaha! Ganon talaga! Impluwensya ng Naruto! Sabi ko naman sayo manood ka nun,hindi puro Powerpuff girls pinapanood mo" natatawa ding sagot nito.


"Loko loko! Wala lang talaga ako time manood na,hindi katulad dati" naka ngiti kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.


"Mukhang close kayo nung bading kanina ah?" biglang sabi nito.


"Hindi naman masyado,anak kasi yon ng mga amo ni Tatay kaya dapat pakisamahan ng maayos" sagot ko naman.


"Weh? Bakit binigyan ka ng panyo?" hindi kumbinsidong sabi pa nito. Dahil nabanggit nya ang panyo,kinuha ko ito sa bulsa ko at inamoy.


Hmmn.. Ang bango talaga! Pero bakit nga ba nya to binigay?


"Syempre! Baka sya naman pagalitan ng parents nya,nakita na nga nya ang gwapong si Kreyd na halos himatayin na sa init hindi pa nya tutulungan? Bad record yon sa kanya tol!" sagot ko naman,ang galing ko talaga mag imbento ^_^


"Ang hangin mo talagang gago ka" natatawang sabi ni Artemis.


"Parang ikaw lang" sagot ko at tumawa kaming dalawa.


Ng biglang may kumalabit sa akin.


"Hoy mamaw! Akin na panyo ko,wala pala ako extrang panyo" sabi ni Prue,aba? Hindi nya kasama yung tatlo?


"Wala ng bawian no! Binigay mo na eh" pang aasar ko sa kanya,at hindi ako nabigo. Nagpapadyak syang parang bata.


"Kasi naman eh! Dali na! Paborito ko kasi yan eh! Okay lang kahit puro germs mo na,ibabad ko na lang sa clorox" inis na sabi nito


Germs? Aba't! Tinawanan tuloy ako ng hudas na Artemis! Gaganti ako!


"Diba may deal tayo? Dalawang beses mo na akong tinawag na mamaw ngayong araw,kaya hindi ko na talaga ibabalik tong panyo" nakangisi kong sabi. Asar na napasabunot si Prue sa sarili,ang cute talaga!


"Eehh! Dali na! Akin na yan kahit anong kapalit! Dali na! Bigyan na lang kita ng ibang panyo bukas saka promise talaga,hindi na kita tatawaging mamaw, poging Kreyd" sabi naman nito. Napangiti ako ng wagas sa aking mga narinig.


"O sige isasauli ko na to,basta sabi mo may kapalit" at tinaas baba ko pa ang dalawa kong kilay,kita kong parang nag alangan pa sya bigla hahaha!


"O sige na nga! Anong gusto mong kapalit?"


"Kiss mo ako dito" sagot ko sabay turo sa kanang pisngi.

20 comments:

  1. ayan na po ang chapter3 at chapter4 :3 ewan bakit bglang nagkaganyan nawala ung mga spacing haha! Pagtyagaan nyo na lang po xD Enjoy reading.

    ReplyDelete
  2. nice ang kyut ng story m0re m0re


    --arthur--

    ReplyDelete
  3. Hahah..nkakatuwa ung ibang scenes..nxt po :) pls

    ReplyDelete
  4. hahaha, nababakla na si Kreyd. :)) Pero ok naman ang istorya so far, yun nga lang dapat mas mahaba haba ang chapter. Pero ok pa rin. Salamat author. :)

    -K

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha "K" hindi po sya nababakla,naeengkanto na si Kreyd xD. Tulad po ng NOTE ko sa taas,after chapter11 try ko na po syang habaan :)

      Delete
  5. Iba talaga ang charm ni Prudencio nabibighani na c Kreyd....nice chapter Tzekai. Tnx

    Randzmesia of. QC

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! Makarisma si Prue :) thanks po sa pagbasa at comment :3

      Delete
  6. Thank you po sa pag update agad.. Ang sarap subaybayan ng kwentong ito dahil comedy.. Please post nyo po ang next chapter! More power! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe thank you po ng madami talaga :)

      Delete
  7. -- Maayos Naman Po Yung fLow ng Story Mo :)
    Keep it Up Pa Po At Sana MabiLis Yung Pag Update :))
    ( Haha ! Demanding Lng xD . )

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa cP lang ako nagdadraft ehehe,kaya kung makakapag Update po ako,it means nag rent ako ng PC pero hndi aq lagi nakakapag rent,you know,hikahos sa buhay but I'll try my very best po :)

      Delete
  8. masayahing tao si author.......wehhhh.... di ko mapigilang ngumiti sa mga linya....

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah thanks po, baliw lang talaga ako ;))

      Delete
  9. Nakakatuwa. Ligalig lang hahaha. Go go go tzek!! ^_^

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails