Followers

Sunday, May 12, 2013

Ang Mamaw Sa Laboratory Chapter 05 and chapter 06

written by: Tzekai
wattpad: http://www.wattpad.com/user/yortzekai
fb: http://www.facebook.com/granddiosa
email: balasonilo@gmail.com





CHAPTER 05




Prue's Point of View


Luhh? Ano daw? Ikiss sya sa pisngi? Hala ka! Baliw talaga tong mamaw na to?! Nakakahiya ah?! Ano akala nya sa akin? Cheap? Dahil lang sa panyo hahalikan ko sya? Duh?! Never! Mangisay sya dyan!


TSUUUUUPPPPP!!!


 O_O


>_<


"Ang bagal mo kasi eh,nainip ako! Oh ayan na ang paborito mong panyo!" naka ngising sabi ni Mamaw.


"Hoy! Napaka--"


TSUUUUUPPPPP!!


"Ayan ang pasasalamat ko naman! Bye! Tara na Art" sabi pito at lumabas sila ni Artemis ng cafeteria. Iniwanan akong nakatulala at hiyang hiya sa harapan ng madaming tao!


Walangya!! First kiss ko yon sa lips! Waaaahhhh! Hindi na Virgin ang lips ko huhuhu! T^T animal kang mamaw ka! Magnanakaw!


Dahil sa kahihiyang aking dinanas at ayaw ko ng pag pyestahan pa ng mga gossipers, wow gossipers talaga? XD ay nanakbo na ako palabas ng cafeteria.


Nagpunta ako sa likod ng bldg namin,may fish pond doon at sea wall, naupo ako sa isa sa mga sementong bench at wala sa sariling napahawak sa pisngi ko.. Papunta sa labi.
Ang lambot ng labi nya,ang tamis!


O_O


Waaaaahhh! Mamaw talaga yon! Baka may kasamang gayuma yung paghalik nya! Malilintikan talaga sakin yon pag nakita ko ulit sya! Grabeee! Sa isang iglap nanakaw ang first kiss ko? Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko?


Si mamaw na Kreyd nagnakaw ng first kiss ko! Pero on the contrary atleast ngayon alam ko na pakiramdam ng nahalikan,dati ko pa naman pinapantasya na kahalikan ko daw si Joseph Marco! Eeeehhh!! Ano ba yan!


Nakakahiya >_<


At biglang nag ring ang phone ko.


Ay nako! Yung pinsan ko na namang bruho ang tumatawag!


"Hoy Janssen! Ano kailangan mo?" agad kong salubong dito hindi pa man ito nakakapag salita.


"Wow ah? Is that the sweetest thing na pwede mo ibungad sa gwapo mong pinsan?"


"Si kuya Pao guwapo,ikaw hindi! Ano nga kailangan mo Janssen Gutierez?"


"Prudencio! Ikaw lang ang bading na hindi naka appreciate ng kagwapuhan ko, mas gwapo naman ako kay kuya Pao!"


"Hindi ako naniniwala! Ang mga katulad mong menopausal baby ay hindi gwapo,ano nga kailangan mo?" irita kong sabi, ang kulit kasi ng hinayupak na to eh,pinangak kung kelan malapit na mag menopause si tita,parang sina Piper,Phoebe at Philip lang,ang layo ng age gap sa mga kuya nila.


"Hahaha! Ewan sayo,anyways pinatawagan ka sakin ni Kuya Pao,may Party daw tayong pupuntahan sa saturday,reunion daw ng tropa nila at ng mga extended friends nila at ang motif,isama ang mga kapatid,pinsan at pinaka malapit na kaibigan o karelasyon,kaya isama mo si Paige ha? Para madiskartihan ko na,saka dapat dala dala mo din ang boyfriend mo! Hindi pwedeng wala! Susunduin ka namin! Bye" mahaba at direderetso nitong sabi.


Literal na napanganga ako,langyang yon! Hindi man lang ako pinag salita?


Kung si Paige madali ko pa maisasama,matagal ng type yon ng kumag kong pinsan eh, pero boyfriend?


Wiiitt! Wala ako non!


Aha! Kausapin ko sina Phoebe at Piper na kunwari si Philip ang jowa ko! Tama! Ganon na nga!
Hahahahaha! Im so smart talaga! ^.^


Teka? Anong oras na ba?


Waaaahhh! Filipino1 na namin! Patay ako nito!


Mabilis akong kumaripas ng takbo,kaya pagdating sa room hingal na hingal ako.


"Late ka" sabi ni Piper.


"Hala? Nalibang ako sa pagmumuni muni sa fishpond eh! Nasan sir?" kinakabahan kong tanong,ayaw ko pa naman magkaron ng absent sa records ko.


"Actually wala tayong klase sa kanya,umattend si Sir sa meeting" naka ngising sagot ni Piper.


Unyemas! >_<


Nagpakapagod ako sa wala? Hayup lang! Nakakaloka ka Sir!


Umupo ako para makapag pahinga,nakakaloka talaga,nag marathon ako para sa wala?


"kamusta ang mga isda?" biglang tabi ni Paige. Good thing! Ayaw ko ng tumayo at puntahan sya sa upuan nya. Pagod ako,pagod!


"ngumanganga parin,oy Paige,sasama ka sa akin sa sabado,may pupuntahan tayong party,gusto ni Janssen nandun ka" sabi ko habang ipinupunas ang panyong kakakuha ko lang kanina sa mamaw na si Kreyd.


Ugh! Naalala ko na naman ang ginawa nya! Buset!


"Talaga? Sige sasama ako" tuwang tuwang sabi ni Paige. Tamo tong babaeng to! Gusto din pala pinsan ko,panay pakipot pa.


"Oy saang party yan?" biglang singit ni Phoebe.


"Taray,party party na lang" segunda pa ni Piper.


"Uhm,tungkol dyan,pwede nyo bang kausapin si Philip na sumama na din PLEASE? Importante lang" bigla kong sabi.


"Okay sana yan,kaya lang may pupuntahan din kaming party sa sabado,gusto nina kuya Gelo at kuya Argel kasama kaming tatlo" si Piper ang sumagot. Nadismaya naman ako.


"Bakit kasi required pang magdala ng bf kuno doon eh!" hindi ko mapigilang maibulalas.


"Kaya naman pala bigla nag iba hilatsa ng mukha mo" - Paige.


"I have an idea!" - Phoebe.


"Parang alam ko na" - Piper
kambal nga talaga sila =__=


"We are the Charmed One's kaya dapat tulungan,naisip ko lang na bakit hindi si Mamaw I mean Kreyd ang isama mo?" si Phoebe.


Sa lahat ng idea ng babaeng to,yan ang pinaka panget,kung alam lang nila na pinag samantalahan ng mamaw na yon ang oh so soft and virgin lips ko! >_<


"Ay? Kailangan mag blush talaga? Kakaloka ka friend" - Paige.


"No way! Ayoko nga!" pag protesta ko.


"Wow ha? Choosy ka pa? Sa gwapo ni Kreyd ikaw ang dapat mahiya friend" buska ni Piper.


"Or pwede namang huwag ka na mag sama para hindi ka tantanan ng pinsan mong menopausal baby" - Phoebe.


"Nagsalita ang hindi menopausal baby" bara ko sa kanya.


"hehe! Nakalimutan ko,anyways,its your choice friend,take it or leave it" bawi ni Phoebe.
Shet naman! Bakit kasi si Kreyd pa! Nakaka buset naman,saka,nahihiya ako sa kanya!


Kasi.Kasi,nagustuhan ko din yung kiss!





CHAPTER 06

Prue's Point of View


Nakakainis! Kung bakit kasi wala akong kaibigang lalaki? Kung bakit kasi NO CHOICE at si mamaw pa talaga? Buset naman eh! Hindi naman pwedeng mang hablot na lang ako ng kaklase kong lalaki no? May kahihiyan pa ako,saka alam naman ng lahat na tahimik ako,3rd degree cousin ko si Maria Clara eh, chos lang!


May apat na araw pa ako para paghandaan ang pag invite kay Mamaw. Pero infairness naman,hindi ako lugi kung sakali,ang tangi ko na lang aalahanin ay ang sasabihin nina Mama at Papa. Napaka kunsintidor naman kasi ni kuya Pao sa akin eh XD


Hayst,paano kaya ako mag a-approach kay mamaw? Tiningnan ko ang mga kasama ko,nakatambay kasi kami ngayon dito sa coffee shop malapit sa school,kakatapos lang ng mga klase namin.


Si Philip nagpipindot sa phone,malamang ka chat ang girlfriend,salamat sa wifi! Pwede naman tawag na lang,masyado nya dinadama ang libreng wifi.


Si Paige ayon,parang pwet ng manok,daldal ng daldal habang may kausap sa phone,Im sure ang pinsan kong kumag na si Janssen kausap nyan, nag bibeautiful eyes pa akala mo naman nakikita ng kausap nya.


Si Piper nagbabasa ng libro,kung anong libro wala ako idea,hilig nya yan eh.


At si Phoebe naman naglalagay ng cutics sa mga kuko.


The hell? Nagawa pa nya magdala ng cutics ah?


Hindi ko nga alam dito sa mga kasama ko kung bakit magkakasama kami gayong hindi naman kami nag uusap,ang lakas din ng virus sa utak ng mga to eh.


"Mga praning,uuwi na ako" paalam ko sa kanila,lahat naman sila ay itinigil ang ginagawa at tumingin sa akin.
"Ang aga naman?" tanong ni Philip.


"Madami pa ako gagawin eh,alam nyo na,mag bi-beauty rest" sagot ko habang hawak ang phone ko at tinetext si Mang Berting na sunduin na ako.


"Beauty rest? Bakla ka! Monday pa lang ngayon,saturday pa yung party na pupuntahan mo! Nakakaloka ka" sabi ni Paige.


"Eeehhh! Basta! Uwi na ako,madami pa ako gagawin" sagot ko pa din.


"Maiba ako,nakausap mo na ba si Kreyd?" sabi naman ni Piper.


"Saka na siguro,mahaba pa naman ang araw" palusot ko,hindi ko naman pwedeng sabihin na naiinis ako sa mamaw na yon dahil ninakawan ako ng halik at nahihiya ako magpakita sa kanya. Baka pagtawanan lang ako ng mga impaktang mga to.


Ilang sandali pa dumating na ang sundo ko. Nagpaalam na ako sa kanila then umuwi na.


Kinabukasan,dahil maaga ang first subject ay maaga din akong pumasok nakita agad ng malinaw at magaganda kong mga mata sina Kreyd at Art na nakatambay sa bench.


Para akong kinabahan na ewan! Hindi talaga maalis sa isip ko yung kiss! At halos hindi ako pinatulog nun kagabe,parang nararamdaman ko pa din yung lips nya.


Waaaaabhhh! Kung anu-ano na iniisip ko! Kailangan pumunta na ako sa first class ko. Mamaw talaga yon!


Huhu baka may gayuma ang kiss nya kaya hindi ko makalimutan? Si Joseph Marco pa naman ang gusto ko maka divirginize sa kissable lips ko!


"Prudencio! Saglit lang!"


=__=


Walangyang mamaw to! Pinagsigawan pa talaga pangalan ko?!


Huminto ako at hinarap sya at pinukol ko sya ng masamang tingin,pero ang hudas parang hindi man lang naapektuhan at ang lapad pa ng ngiti! Mamaw talaga!


"Anong kailangan mo?" asik ko sa kanya at napatingin ako sa labi nya.


Siyete muryente balyente!


Napalunok ako ng magkasunod. Yung labing yon ang labing lumapat sa aking labi! Sana.. Sana maulit. >_<
"Nasan na yung panyo? Akala ko ba bibigyan mo ako kapalit nung kinuha mo kahapon"


At talagang hindi nya nakalimutan yon ah? Yang panyo na yon ang dahilan ng lahat eh!


"Naku! Pasensya na Kreyd! Nakalimutan ko, pwedeng sa saturday na lang?" palusot ko,pero totoo namang nakalimutan ko,kailangan ko lang sumegway no? Hindi naman ganun kakapal ang fez ko para yayain sya agad agad,stepy by step yan ^o^


"Huh? Bakit sa sabado pa?"


"Gusto mo ba ng panyo o ayaw mo?"


"Sige na nga! Basta dapat kasing bango nung unang panyo ah? Sige mauna na ako" naka ngiti nitong sabi at binalikan si Art saka sila pumunta sa Architecture bldg.


Ah..Yun pala course nya. Pero dapat umalis na sya sa pagiging student worker dito sa school,Im sure naman sapat ang pinapa sweldo ni Papa kay Mang Kebin para sa mga tustusin ni Kreyd. Pero siguro may reason din itong si mamaw.


"Baklaaa! Tara na malapit na mag bell" nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni Paige at hinila agad ako papunta sa department namin. Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigang kakaiba?


Sa gitna ng klase namin nakatanggap ako ng text mula kay Mama,dumating na daw si Manang Lourdes kasama ang kababata ko at dating kalaro, na excite tuloy akong umuwi!


Ano na kaya itsura nya? Maitim pa din kaya sya? Makulit pa din kaya? Hihi! Crush ko pa din talaga sya hanggang ngayon! >///<




AUTHOR's NOTE:
Thanks po sa mga nagbabasa at nag iiwan ng Comment ;))


11 comments:

  1. Ay bitin..hahaha. Nice author love the story kakaiba at nakakatuwa si prudencio.tnx author!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe pasensya na po,yan lang kinaya ng utak ko hahaha :D

      Delete
  2. Nakakaaliw tong kuwentong to hehehe...next n pls.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha salamat po,wait nyo na lang next chapter :3

      Delete
  3. HAHA. ang kyut. parang bata lang c Prue pero i really2 like it.
    andami ngang naglitawan na characters. nagoverload utak ko. XD
    Thanks Tzekai =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha thank you po, nasa Authors note ko sa nakaraang post kung bakit madame characters xD Pasensya na haha

      Delete
  4. HAHA. ang kyut. parang bata lang c Prue pero i really2 like it.
    andami ngang naglitawan na characters. nagoverload utak ko. XD
    Thanks Tzekai =)

    ReplyDelete
  5. ang cute ^^

    cant wait for the next chapters hehehe

    ReplyDelete
  6. Cno ung kbabata nya hala naa nay karibal c Mamaw? Exciting. Tnx Tzekai.

    Randzmesia of QC

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails