Chapter 12 – Casting
Hindi naman nag-reply si Rey. Tuloy
kami nag-dinner sa bahay ni Kuya Greg. As usual puro kwentuhan lang naman ang
nagaganap. Nang matapos na nagsalang ng movie si Kuya Greg sa DVD niya sa
kwarto na siya naming tutulugan. Unang naisalang yung Coyote Ugly. Trip lang
namin panoorin sa dinami-dami ng mga movies na may sarili pang drawer sa kwarto
ni Kuya.
Nung matapos yung movie, nagpasiya na
kami matulog. Kanya-kanyang night rituals ang mga tao. Ako hilamos lang ng
tubig. Maalis lang yung dumi na nakuha ko sa maghapon. Di na nga ako
nakapag-toothbrush kasi biglaan wala akong baon at walang extra sa banyo. Sila
Kuya Alvin at Ate Cherry may gamit na doon. Halatang lagi sila doon natutulog.
Tradition na daw yun sa teatro. Huling naghilamos si Kuya Alvin with matching
facial wash na talagang iniiwan niya doon. Napadaan si Kuya Greg sa banyo nung
naghihilamos si Kuya Alvin.
“Alvin bakit di mo buksan yung ilaw?”
tanong ni Kuya Greg.
“Wag na Kuya kasi nakapikit lang din
naman ako pag naghihilamos,” sagot ni Kuya Alvin.
Natawa kami. Hindi ko nga alam kung
parang engot lang yung sagot niya o sadyang nang-aasar lang. Pumasok na kami
lahat sa kwarto pagkatapos noon.
Double deck yung kama ni Kuya Greg typical sa
mga inuupahang bahay malapit sa mga universities. Extended yung lower bunk na
siyang tinutulugan ni Kuya samantalang yung upper bunk ay normal lang.
Tabi-tabi sana kami matutulog sa lower bunk pero sa dami namin di kami kasya
talaga. I decided na sa upper bunk na lang matulog. Di rin naman ako sanay na
may katabi talaga matulog. Nung tumayo ako at umakyat na upper bunk tumayo din
si Jim at akmang susunod.
“Jim diyan na lang ako sa tabi ni
Ignis. Alangan puro lalaki katabi ko. At least kung si Ignis isa lang tsaka mas
bata pa sa akin so walang sasabihing masama yung ibang tao,” si Ate Cherry.
“Ok lang po ate,” sagot ni Jim.
Doon ko pinapwesto si Ate sa may
malapit sa pader kahit na mas madalas na ako ang nalalaglag sa kama. Sa gilid
na lang sa lower bunk pumwesto ni Jim. Lahat ay inaantok na maliban kay Edward
na nagsalang na naman ng movie sa DVD. Nakaupo siya sa harap ng TV habang
nanonood. Natawa pa ako sa napili niya ang movie na ‘Talong’. Luma na iyon pero
nung kabataan namin porn na iyon.
Hindi talaga ako makatulog pag may
bukas na radio o TV kaya nanood na lang din ako. Nasa kalagitnaan ng movie nang
biglang magsalita si Edward.
“Ignis, tingnan mo oh,” sabay harap
sa akin na dumudugo ang ilong.
Bago pa ako nakapag-isip ng gagawing
first aid ay natawa na ako at hirap na hirap na wag mapalakas dahil tulog na
mga kasama namin. Bumaba ako ng kama at kumuha ng tissue sa banyo.
“O eto, punasan mo yan,” sabay pisil
ng may bandang taas ng ilong para tumigil ang pagdurugo. Hindi ko siya
pinatingala dahil may tendency na mag-drip sa baga yung dugo. Makalipas ang
ilang minuto tumigil na din. “Loko ka may story pa yang pinapanood natin at
wala ka nga halos makita dumugo na iyang ilong mo. Paano pa kaya kung hard core
yan?” tatawa-tawa pa din ako.
Tumawa din ang loko,”Baka kailangan
ko na ng transfusion noon. Hindi ko nga din alam kung bakit basta bigla na lang
talaga,” sabi niya.
“Matulog ka na kasi awat na diyan,”
sabi ko. Pinatay ko na yung mga aparato at nahiga na din. Pumwesto na lang si
Edward sa lapag na sinapinan na lang niya.
Hindi rin lang ako nakatulog ng
matino kasi namamahay ako idlip-idlip lang ang nangyari sa akin. Pagkagising
namin kinabukasan nag-almusal lang kami at kanya-kanya umuwi. Sa bahay na lang
ako natulog ng dire-diretso.
Monday. Busy silang lahat sa
kwentuhan habang ako ay nakatingin sa labas ng bintana. Uwian na kasi ng mga
estudyante at tulad ng nakagawian ko ay tinitingnan ko lang sila dumadaan.
Dumating si Kuya Greg ng mas maaga ng araw na iyon.
“Guys nandito na yung script na
gagawin natin. Magkakaroon man tayo ng workshops sa umpisa, I want you to focus
on the characters na nandito. Paki-basa ng buo tapos sabihin ninyo kung sino
ang gusto ninyong iganap pero hindi naman ibig sabihin noon kayo na talaga yun.
Titingnan ko din kung saan kayo mas napapabagay. Ang title ng play ay ‘Ang Mga
Tatoo ni Emmanuel Resurrection’,” sabi niya sabay abot ng photocopy ng script
sa amin.
(Author’s Note: Can’t find an online version of this one-act play. Kung
mahahanap po ninyo paki-bigay na lang po yung link. Salamat)
Nagbasa naman kami kaagad. Noong
tinanong kami ni Kuya Greg kung ano ang gusto naming role si Kuya Alvin ang
unang nagsalita.
“Gusto ko ako si Magda,” sabi niya
tapos tawa.
“Oi Kuya gusto ko ako si Magda,” sabi
ko din. Tumawa na lang lahat at nagtatalo na kaming lahat kasi lahat kaming mga
lalaki gusto mag-Magda.
“Seryoso na kasi. Inatake na naman
kayo ng sapak sa utak,” si Kuya Greg.
Sinabi naman namin ang mga gusto
namin kay Kuya Greg. Naging ganito ang set-up. (Actually ito na din yung final
cast)
Ignis – Beho
Rey – Badong
John – Gaspar
Kuya Alvin – Romeo
Kuya Joey – Emmanuel
Jim – Kabataan
Ate Cherry – Magda (kainis! LOL)
Edward – sekreta 1
Kuya/Sir Greg – Melchor
Allowed din naman kasi ang mga
faculty members na sumali kaya kinuha na ni Kuya Greg yung isang role. Madami
pang kulang na actors kaya sinabi na lang ni Kuya Greg na hahanap na lang siya
para sa mga lacking characters.
Noong una talaga ang gusto ko ganapan
ay si Emmanuel, the main protagonist. Kaya kinausap ko privately si Kuya Greg.
“Alam ko naman na kaya mo yung role,
Ignis. Kaya lang ikaw lang ang nakikita ko na makakagawa nung role ni Beho,”
paliwanag ni Kuya Greg.
“Ganoon po ba? Diba pwedeng si Rey
yun Kuya since siya naman talaga ang intsik sa atin?” tanong ko.
“Di niya kaya. Yung mukha niya di
pwede sa role mukha kasing masiyahin at mahirap patandain ang itsura,”
paliwanag niyang muli.
Sumang-ayon na lang din ako. Tiwala
ako sa desisyon ni Kuya Greg since parang institusyon na siya sa ganitong
kalakaran. Binasa ko uli yung script at napabuntong hininga na lang ako.
Kailangan kasi may punto ang pagsasalita ko at yung mga words na dapat ko
sabihin ay hindi talaga matinong pangungusap. Kung makakarinig ka ng intsik na
nagsasalita sa mga Pinoy movies dapat ganun daw ang mga dialogue ko. Pagtapos
namin basahin ng mga dalawang beses yung script, inayos namin yung mga upuan na
paikot at nagsimulang mag-line reading. Ito yung tipo na wala pang actions
boses lang. First run namin palpak pa kami lahat. Yung mga datihan na sila Kuya
Alvin, Ate Cherry, at Kuya Greg lang yung matino yung delivery. Kaming mga baguhan
monotonous pa magsalita. Tipong yung famous line na “Magbabalik ang Batibot”.
Kasi pare-pareho yung tono ng mga salita namin at pilit pa yung pag-arte.
“You should know how to act as if you
are not acting,” sabi ni Kuya Greg.
“Paano po iyon?” tanong ni Rey.
“Ganito lang yun Rey. Diba sa mga
pelikula o teleserye hindi mo naman masasabi na umaarte lang sila. Naaalala
sila ng mga tao sa characters nila hindi na kung sino sila. Be the character.
Pag-aralan ninyo kung ano ba yung damdamin nila at bakit nila sinasabi yung mga
lines nila. Diba si Badong ang character mo, Rey? Kapag nasa rehearsals tayo
hindi ka na si Rey. Si Badong ka na. Kalimutan mo na kung sino ka at maging
ikaw ang ginaganap mo. Hindi mo naman sasabihin sa manonood na ikaw si Badong,
ganito ang ugali mo, ganito ang mga rason kung bakit iyon ang ugali mo. Maiisip
na lang nila iyon kapag nagtatanghal ka na,” paliwanag ni Kuya Greg.
“Parang ang hirap naman,” sabi ni
John.
“Sa umpisa kasi kakabasa niyo lang ng
script pero kapag tumagal-tagal makukuha din ninyo ang ibig kong sabihin. Kaya
nga nandito ako na director ninyo para magawa nyo ng maayos yung acting nyo,”
sabi ni Kuya Greg.
“Opo Kuya,” sagot niya.
“Ignis,” tawag sa akin.
“Po?” medyo kinabahan ako.
“Hindi mo nakukuha yung punto sa
pagsasalita. Manood ka ng mga movies na may mga intsik na nagsasalita at
gayahin mo marami yun sa mga action films. Pag may time ka kausapin mo yung mga
ibang tao ng ganun ang punto para masanay ka na,” sabi niya.
“Opo Kuya,” ang naisagot ko na lang.
Sa isip ko patay hindi pa man din ako mahilig manood ng pelikulang sinasabi ni
Kuya. Mas hilig ko kasi ang mga foreign films.
Nag-second run kami pero halos ganoon
pa din ang dating ng boses namin. Iisa-isahin daw kami ni Kuya Greg pag tumagal
pero for now, mag-memorize muna daw kami ng lines.
Buong linggo yun lang halos ang
gagawin namin. Konting workshop to improve yung mga acting skills (kung meron
man) namin at line reading. Paminsan-minsan napupuri na sila samantalang ako
hindi pa din.
“Ano ba Ignis? Isang linggo na natin
ginagawa ito pero di mo pa din makuha yung sinasabi ko na dapat mong gawin.
Halatang pilit kasi mga lines mo. Alam ko you’re trying your best pero hindi
alam kong hindi lang iyan ang kaya mong gawin,” kalmado man ang pagkakasabi ni
Kuya Greg nito sa akin ay tagos pa din sa buto. Kasalanan ko din naman kasi
dahil hindi ko naman nagagawa yung payo niya dati dahil sa ayaw ko at pangalawa
walang oras para doon.
“Pipilitin ko po kuya,” sabi ko.
“Wag mo pilitin, gawin mo,” madiin
ang pagkakasabi nito.
Napayuko na lang ako.
“Kuya Greg, sabado naman ngayon, inom
naman tayo sa inyo,” sabi ni Edward.
“Ok lang sa akin Edward basta pag
inom kayo ang gagastos,” sabi ni Kuya Greg.
“Areglado Kuya! O ano tara?” yaya
niya sa amin.
Si Rey hindi pa din pwedeng sumama
talaga. Si Ate Cherry ay hindi naman umiinom kaya di na lang siya sasama. Kaya
kami na lang ang magkakasama sa gabi. Gusto ko uminom kasi nalulungkot din
naman ako dahil nga di ko magawa yung dapat kong gawin.
Palabas na kami ng school nang
kausapin ako ni Rey.
“Ignis, ok ka lang ba?” tanong niya.
“Hindi masyado,” sagot ko.
“O napano ka?” biglang singit ni Evan
na nasa likod lang pala namin. Late natapos yung practice nila. Dati-rati kasi
nauuna silang umuwi.
“Nasabon kasi kanina pre,” sagot na
lang ni Rey kay Evan.
“Ganun? Bakit naman daw?” tanong uli
ni Evan.
“Di ko kasi makuha yung dapat na
punto ng Chinese na nagtatagalog,” sagot ko.
“Bakit di mo turuan Rey. Chinese ka
naman,” sabi ni Evan.
“Di nga ako marunong. Dati nag-aral
din ako mag-Mandarin pero di ko gusto kaya di ako natuto sumulat at bumasa
noon,” sagot ni Rey.
Bumuntong hininga na lang ako uli. Di
ko talaga alam kung ano ang gagawin ko.
“Ganito na lang. Marunong naman ako
konti yung tipong bati lang. Kapag kasi nagsasalita ng Chinese yung dila di
umaabot sa likod ng ngipin. Parang sa palette lang lahat,” sinubukan niya yung
lines ko na naalala niya. Ganoon nga yung gusto marinig ni Kuya Greg.
“Salamat, Rey,” tiningnan ko siya na
nakangiti. “Subukan ko yan ‘pag mag-isa ako. Nahihiya kasi ako ngayon.” Ngumiti
rin si Rey sabay kindat.
“Yun ngumiti rin. Kala ko din di ko
na makikita uli ngumiti ito eh,” si Evan.
“Oo nga laging seryoso kasi,” si Rey.
“Mga mokong kayo ako na naman nakita
ninyo,” tumawa na din ako. Nakarating na kami sa gate. Sumabay na si Evan kay
Rey tutal ihahatid na lang daw yung una. Lumakad naman kami papunta sa bahay ni
Kuya Greg na may munting stop over sa isang convenience store para bumili ng
alak at mga chips pang pulutan.
Pagdating namin doon ay sinimulan na
kaagad. Vodka yung alak na iniinom namin. Dalawang bote lang naman kasi di
naman namin balak magpaka-lango talaga. Paikot ang tagay at si Edwand ang
tanggero namin. Nung tumatagal na ang inuman ay namumula na kami lahat
samantalang si Kuya Greg wala pang epekto. Sa isip ko ang tibay naman nito sa
inuman di pa siya umiinom ng chaser sa lagay na yun at tinatapon niya sa may
bintana. Nung nakailang ikot na uli at ganoon pa din ang ginagawa ni Kuya Greg.
Nung minsang nagtapon siya ay sumabit sa bintana yung chaser. Lumapit si John
para punasan kasi nakakahiya baka magkalat kami.
“Sir madaya ka! Kaya pala di ka man
lang tinatamaan eh yung alak yung tinatapon mo!” sabi ni John na tinawanan lang
ni Kuya Greg. “Amoy na amoy ko dito di naman yung juice tinatapon mo,” at
lalong tumawa si Kuya.
Sinabi niya din sa amin na hindi siya
umiinom talaga. Gusto nya lang kami pagbigyan kaya pumayag siya. Pareho kasi yung
baso na ginagamit namin para sa juice at para sa alak. Dark colored pa kasi
kaya di mo talaga makikita kung ano ang nasa loob. Pomelo pa yung chaser namin
kaya di rin namin napapansin kasi medyo madilim malapit sa bintana. Nung mga
sumunod na rounds di na niya tinatapon. Sa kwentuhan namin sinabi ni Kuya na di
naman daw siya galit sa akin. Gusto lang daw niya ilabas yung best in me.
Di namin naubos yung alak. May
natirang mga one-fourth dun sa pangalawang bote. Tamado na kasi kaming lahat ay
ayaw naman naming magsuka doon kasi nga mahirap maglinis ng bahay. Pagkaligpit
ng pinag-inuman pumasok na kami sa room ni Kuya Greg at dati-dating pwesto
kami. Doon pa din ako sa upper bunk pero this time tumabi si Jim sa akin.
Umusog ako mas malalim sa pader. Dahil nga naka-inom mabilis din akong
nakatulog.
Naalimpungatan ako ng biglang yumakap
si Jim sa akin. Nakatihaya na ako noon. Nakadantay yung hita niya sa hita ko.
Inalis ko ang pagkakayap at dantay at tumagilid ako patalikod sa kanya at
nakatulog na muli. Nung muli ako naalimpungatan nung yung kamay niya ay nasa
may bandang tiyan ko sa ilalim ng t-shirt ko. Tinanggal kong muli at natulog.
Naalimpungatan na lang akong muli nung humihimas-himas na siya sa may tapat ng pundilyo
ng maong kong pantalon at nakabukas na yung zipper ko nakapasok yung kamay niya
sa loob.
“Ano bang gusto mo?” bulong ko sa
kanya. Nagsisimula na akong magalit. Umungol lang siya. Hindi pa ako ganoon
kalasing kaya may lakas pa ako. Kung pwede lang bigwasan ito ginawa ko na. Ayaw
ko lang gumawa ng eskandalo dahil nahihiya ako sa mga taong kasama namin. Dahil
na rin siguro sa kabataan ko ay nagtataksil na naman ang katawan ko at kusang
nagkakabuhay ang kanina pa niya hinahaplos. Aalisin ko ang kamay niya pero
pinigilan ng kabila niyang kamay ang braso ko at may pwersa ang hawak niya.
Gumagana pa ng matino ang utak ko at
hindi ko gusto na magkaroon ng gulo. It is the last thing I would want.
Binuksan ko yung butones ng pantalon ko at ipinasok ko ang kamay niya sa
panloob ko at ipinahawak ko ang pagkalalaki ko. Biglang higpit ng kamay niya sa
pabuo sa kanyang hawak at nagtaas baba ito. Ang kabila niyang kamay ay
ibinababa na ang panloob ko kasama ang pantalon.
“Gago ka! Sige yan ang gusto mo o
bahala ka. Gawin mo kung anong gusto mo diyan ngayon pero sinisigurado ko sa
iyo bukas ng umaga huwag mo nang asahan na kasali ka pa sa mundo ko,”
bumubulong lang ako pero kung maririnig man ako ng kung sino man ay madaling
mahahalata ang pagkamuhi sa boses ko.
Bigla niyang inalis ang mga kamay
niya sa paghawak sa katawan ko at humiga siya ng patihaya. Marahas kong kinuha
yung kamay niya at ibinalik sa kahabaan ko.
“Ano?! Ngayon kung kelan kita
pinagbigyang gago ka aatras ka?” galit pa din akong bumubulong. Naulingan ko
ang isang sorry at inalis niya ang kamay niya. Isinuot ko ng maayos ang panloob
ko’t pantalon. Bumangon ako at umalis sa kinakahigaan namin. Pumunta ako ng
sala at doon na lang natulog sa mahabang sofa. Hindi naman na sumunod si Jim
kaya nakatulog na ako ng diretso.
Kinaumagahan ginising ako ni Kuya
Greg.
“Ignis bakit dito ka natulog diba
andun ka sa taas kagabi?” si Kuya.
“Ang likot kasi ni Jim, Kuya. Di ako
makatulog kaya lumipat ako,” iyon na lang sinabi ko.
“Ganun ba? Kaya pala. Maaga siya
umalis. Ginising lang ako at nagpaalam na may pupuntahan daw siya mamaya kaya
kailangan niyang umuwi kaagad,” si Kuya.
“Di ko siya namalayan na lumabas
Kuya. Mahimbing yung tulog ko dito kasi,” sabi ko na lang.
“Tara bili tayo ng almusal,” yaya ni
Kuya.
Sumama ako bumili ng almusal namin.
Pandesal tsaka instant na pancit canton lang sa isang tindahang malapit.
Pagbalik namin ay gising na ang mga kuya, ate, at mga iba pa naming kasama sa
teatro. Hinanap nila si Jim at si Kuya Greg na yung sumagot sa kanila. Nakainit
na sila ng tubig pang-kape at nakatimpla na din. Di yata uso ang creamer sa mga
ito at puro black lahat ng tasa pero wala palang creamer si Kuya. Di rin pala
siya nagkakape at sila Kuya Alvin pala ang bumili ng mga iyon para di na daw
sila lalabas sa umaga para lang sa kape.
Nakita ni John sa ilalim ng table sa
sala yung board game na Monopoly. Niyaya niya kami maglaro. Game naman kami
lahat. Si Kuya Greg ay di sumali sa laro pero siya ang banker. Nasa kalagitnaan
kami ng laro nang biglang may biglang kumatok. Dumating pala si Mokong.
“Yung mga damit niyo di pa
napapalitan ah,” biro niya at tumatawa.
“Rey bakit ka pumunta pala tsaka pano
mo natunton yung bahay ko?” tanong ni Kuya Greg.
“Tinanong ko po yung address niyo kay
Kuya Alvin. Magpapaturo po kasi sana ako ng lines kung ok lang?” sagot ni Rey.
“Wala namang problema doon Rey kaso
naglalaro pa kami. Mamaya konti?” si Kuya Greg.
“Ok lang po,” sagot ni Rey at tumabi
siya sa akin. “Bilhin mo lahat ng lots before yung ‘Go’ mahal yan pero
profitable.”
“Alam ko. Kaso di naman ako
nakakapunta pa doon,” sagot ko na di inaalis yung mata ko sa laro. Pakiramdam
ko nakatingin siya sa akin kaya humarap ako sa kanya. “Bakit?”
“Gwapo mo pa din pala kahit bagong
gising ka at hindi pa naliligo,” sabi ni Rey.
-------------- Itutuloy.
..oh may pink gosh! ang luwang ng pagkakangiti ko sa part na ginagapang ni Jim si Ignis. hahaha. may lihim na pagtingin si Jim kay Ignis? hmmmpf
ReplyDelete..ahrael
pagtingin kaagad di ba pwedeng pagnanasa lang muna. chos lang po. thanks sa comment ahrael. =)
DeletePagtingin kasi, unang punto, tinanong ka nya dati kung mahal mo ba sya; ikalawang punto, kasi, di nya tunuloy at humingi sya ng sorry. Kung pagnanasa lang yun, tinuloy nya dapat yun pero hindi, which means ayaw nyang mawala ka sa kanya. Kaya pagtingin yun.
ReplyDeleteAhrael
haha. tama naman po kayo kuya ahrael. =) nagbibiro lang naman po ako.
DeleteWah, so me love triangle na mangyayari?
DeleteHahaha
Ahrael
Ignis, sino ba naman ang gaganahang makipagsapin-sapin if pinapagalitan mo? Ang arte mo eh gusto mo rin pala? Haist, ayon bitin ka tuloy haha....
ReplyDelete-Omar Kamil-
haha. medyo bitin nga po. charot!
DeleteSana mas mapa hussle yung updates ka excite ang story
ReplyDelete