Followers

Thursday, May 30, 2013

'Unexpected' Chapters 1-2

Hello po sa mga mambabasa ng MSOB! 

Ito po ay isang story na matagal ko ng nasimulan. Kung igo-google niyo ay mapapansin niyong naipost na ang first 2 chapters nito sa BOL. Sa kasamaang palad ay nahinto ako sa pagsulat at sa pagpost nito due to personal circumstances.

Anyway, ang akdang ito ay nabuo dulot ng inspirasyon na nakuha ko mula sa nangyari sa akin noon (noong high school, most especially). 

Ito na po ang unang 2 chapter. Sa kasalukuyan ay mayroon na akong 25 chapters na natapos. ;) Sa pag-update po ay susubukan kong mag-update 2-3 times a week.

Sana po ay magustuhan niyo ang munting handog kong ito. 

Lastly ay nagpapasalamat po ako kay Kuya Mike sa pagbibigay niya sa akin ng pagkakataong mailathala ang story ko dito sa site niya. Matagal na akong nagbabasa ng mga stories dito kaya naman napalaking opportunity nito para sa akin.

- A.L.

------


Chapter 1
Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin mula sa isang napakagandang panaginip. “Pucha! Ano ba?!”

“Oh, nagbakasyon lang ako nagbago ka na? Namiss pa naman kita, tsk.” Tampong sabi ni Gab, ang bestfriend ko. Nagulat naman ako dahil hindi ko alam kung kailan ang dating niya, lalo ng ‘di ko alam ang pagbisita niya.

“Oy! Nandito ka na pala! Di ka man lang nagsasabi. Namiss kita sobra (sa isip ko lang)Tuwang-tuwa kong sabi sa kanya. Nakabalik na pala siya. Dalawang buwan din kaming hindi nagkita dahil summer vacation. Ang saya ko lang.
“Hindi mo naman ako namiss. Tsk. Ikaw agad una kong pinuntahan simula nung makarating kami kahapon. Tapos nairita ka pa. Ouch.” Nagtatampo, pero pabirong sabi niya na nakahawak pa sa dibdib na siyang nagpatawa sa akin.
Ako nga pala si Josh. 16 years old, third year high school, nag-aaral sa isang private school dito sa probinsya. Hindi naman ako gwapo, pero hindi pangit. Above-average lang kumbaga. 5’8” ang height, singkit ang mata, maputi, may laman ngunit hindi muscular. Maraming nagsasabing cute daw ako at may mga nagkacrush na din sa akin, pero hindi pa rin ako naniniwala; mababa kasi ang self confidence ko. Mahilig kumain. At oo, sa tingin ko isa akong bisexual. Noong una, akala ko straight ako kasi ni minsan hindi ako naatract sa kapwa ko lalaki, pero nang makilala ko si Gab, biglang nag-iba ang buhay ko. So far, sa kanya ko pa lang ito nararamdaman, kaya nga confused pa rin ako kung ano ba talaga ako.
Si Gab, best friend ko. Nakilala ko siya sa isang school-wide activity. Second year ako at third year siya noon. Noong una, naweirduhan talaga ako sa kanya kasi ang tahi-tahimik niya. Dating pa lang, mukha ng suplado. Hindi ko talaga siya napapansin sa campus ever since that event. Napansin ko lamang siya nang pinagsalita siya ng isa sa mga facilitators. Ang galing niyang magsalita, sobra. ‘Yung tipong lahat ng tao ay tumigil sa kung anuman ang kanilang mga ginagawa at nakinig sa kanya. Mayroon siyang commanding presence, ika nga nila. Ang ganda ng boses niya, at napansin ko naman na halos lahat ng babae ay nagbubulungan habang siya ay nagsasalita sa stage. Gwapo siya, nasa 5’10” ang height, singkit din ang mata (full-blooded Chinese kasi, pero not your typical Chinese-looking guy), medyo moreno, very well-built ang katawan dahil sa sports. Hindi siya ‘yung gwapong biglang striking, o ‘yung stand out kaagad, pero siya ‘yung gwapong hindi mo pagsasawaan.

“Oo na, namiss na din kita. Yiee, tampo na ‘yan! ‘Di ka naman kasi nagsabi na ngayon na pala balik mo.” pang-aalaska ko sa kanya. Galing kasi siya from vacation sa Hong Kong. “Kaya nga surprise eh!” irita niyang sagot. Nakakatuwa talaga siya kapag naaasar. Hindi bagay sa itsura niyang lalaking-lalaki. Front lang niya ‘yan. Nang makilala ko siya ay nalaman kong para siyang batang hyperactive. Kaya nga tuwang-tuwa ako sa kanya eh. Parang gago lang. Sa akin lang siya ganyan eh. Ito ang isa sa mga ugali niyang pinakanagustuhan ko. Ito yung lagi niyang pinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya, dahil sa akin lang niya naipapakita ang side niyang ito. Sobrang appreciative niya. Kaya nga siguro natutunan ko na siyang mahalin. Oo, weird noong una para sa akin dahil nga lalaki ako at lalaki siya, pero hindi naman natin madidiktahan ang puso, ‘di ba? Kaya nga masaya ako kapag kasama ko siya. Kasi kasama ko ang taong mahal ko.
Ngunit hindi naman puro saya lagi. Oo, may sakit. Napakaraming sakit. Dahil sa kabila ng pagmamahal niya sa akin ay alam kong hindi niya kaya tumbasan ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Dati, nag-aassume pa ako na may pag-asa pa ako sa kanya, pero nang kinwento niya sa akin ang tungkol sa crush niya na si Therese, na sinimulan niyang ligawan ay tila nawalan na talaga ako ng pag-asa. Oo, ang sakit. Sobra. Gabi-gabi akong umiiyak sa kadahilanang alam ko na kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko, idagdag mo pa ang frustration na mayroon ako para sa sarili ko dahil sa pagmamahal ng parehong kasarian.
“Huy! Bakit ka napatunganga diyan?” pagtanggal niya sa pagmumuni-muni ko. “Ah, wala. Bakit ba nandito ka?” tanong ko. “Gusto kasi kitang makita eh” Pabulong niyang sabi, pero narinig ko ‘yun. Kilig naman ako, aaminin ko ‘yan. Ito ‘yung isa sa mga pinakaayaw kong ginagawa niya... ang pagiging sweet sa akin. Madalas ay gusto ko ng paniwalain ang sarili ko na pwede maging kami, na pwede na kahit pareho kaming lalaki ay kaya niyang suklian ang pagmamahal ko.
Pero hanggang sa isip ko na lamang iyon. Alam ko ang katotohanang hindi ito pwedeng mangyari.
Oo, masakit, pero hindi ko kayang isugal kung anuman ang meron kami ngayon dahil kahit masakit, ay masaya ako. As long as kasama ko siya, masaya ako. “Ano ulit ‘yun?” Kunwari hindi ko narinig. “Ah, eh... Wala. Sabi ko aalis na ako. Parang ‘di ka naman masaya eh.” Naiinis niyang sabi, sabay kamot ng ulo. So, syempre kailangan ko na siyang suyuin. Lagi naman eh.
Kinuha ko ang braso niya at dinala siya sa may pinto. “Oh, saan tayo pupunta?” tanong niya. “Pagluluto kita ng paborito mo.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita kong sumilay mula sa kanyang mga labi ang isang ngiti, pero binawi niya agad ito. “Hindi na. Uuwi na ako” pagkukunwari niya. “Sus, ako pa niloko ng gago. Halika na sa kusina. Tamang-tama kakagrocery lang ni mama kahapon.” Hinila ko siya, gusto niyang magpumiglas pero sadyang malakas ang paghatak ko sa kanya. “Sinabing uuwi na lang ako eh!” Irita niyang sabi, kunwaring galit. Alam kong gustong-gusto pa niyang magstay para kumain. Hindi naman niya matitiis ang paborito niya eh. Kaya nga alam kong kapag pinagluto ko siya noon kapag galit siya o may tampuhan kami, eh bibigay din ‘yan.
“Ma! Si Gab oh! Ayaw kumain. Pagsabihan mo nga, ma!” Sigaw ko kay mama mula sa second floor bago kami makababa. “Gab, kumain ka na muna diyan. Magagalit si tita sige ka!” sagot ni mama mula sa sala. Kahit isang taon pa lang kaming magkaibigan, para na kaming magkapatid ni Gab. Lagi siyang nasa bahay, nakikikain, nakikitulog, buhusan ng sama ng loob, at kung anu-ano pa. Nakakatuwang isipin na kahit magkaiba kami ng year level ay close pa rin kami, na kahit mayroon kaming iba-ibang barkada ay mayroon pa rin kaming sariling mundo na amin lang dalawa. Ang sakit lang isipin na hindi na pwedeng lumalim ang samahan naming ito.
Napakamot na lang ng ulo si Gab sa narinig mula kay mama. Nagbunyi ako sa kaloob-looban ko. Akala mo, ha. Loko ka talaga. Baka halikan kita diyan eh kapag ‘di ka nagtigil... Oops, saan galing ‘yon? Bumaba na kami ng hagdanan at dumiretso sa kusina. Akala ko ay susunod siya ngunit ‘di gaya ng nakagawian, ay hindi siya sumunod at naghintay na lamang siguro sa living room. Nako, galit ata. Baka may period, sabi ko sa sarili ko. Ngunit imbes na mag-alala ay natuwa na lang ako. Alam ko kasing hindi seryosong galit ang meron siya. Nagpapasuyo lang, kumbaga. Trip lang niya. Gaguhan ba.

“Ma, magluluto ako ng carbonara, ha” Sabi ko kay mama nang makita ko siya sa kusina. “Oh, sige anak. Maraming ingredients diyan sa pantry, kumuha ka na lang. Alam ko namang paborito ‘yan ni Gab your love!” tukso ni mama. Namula naman ako sa sinabi niya Oo, alam ni mama ang lahat tungkol sa pagkatao ko, at happy ako na tanggap niya ako at napakasupportive. Kaya nga thankful ako na siya ang mama ko eh. Si Papa? Wala siya dito, nasa US, nag-aaral. Nag-aaral si daddy ng PhD niya. Professor kasi siya dito. Dahil wala naman siya dito palagi ay hindi niya alam ang pagkatao ko, kaya walang problema. Alam ko namang matatanggap niya ako. Nararamdaman ko, kaya he’s the least of my worries.
“Mama talaga! Baka marinig ka! Layuan ako niyan. Kaasar.” Malungkot kong sabi kay mama. Actually, matagal ng na sa isip ko kung ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Ayoko siyang mawala, kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko kayang i-risk kung anuman ang meron kami ngayon. Para akong isang ibong nakakulong sa hawla. Kaya kahit araw-araw ay parang pinapatay ako ng nararamdaman ko ay nagtitiis pa rin ako.
“Joke lang. Oh, sige na. Aalis na muna ako at makikipagchikahan sa mga amiga ko hahaha. Hoy, kayong dalawa lang dito ha. Umayos ka ha.” Biro ni mama. Adik talaga si mama, kaya love ko yan eh! Kahit minsan ay hindi niya ipinaramdam sa akin ang pagka-disappoint. Pinakita niya sa akin ang walang alinlangang pagtanggap niya sa pagkatao ko. “Mama talaga! Oh sige, ingat po kay.o” sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago siya umalis. Natawa na lamang akong mag-isa at nagsimulang magluto.
Sinadya ko talagang sarapan ang niluluto ko. Para kahit man lamang dito ay matikman niya ang pagmamahal ko. Ano daw? Haha. At ayun nga, natapos na akong magluto. Pinagdala ko siya ng isang mangkok sa sala. “Oh, kain ka na.” Abot ko sa kanya ng mangkok. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Hay, nainis nga ata talaga ang mama.  Ngumiti ako. Napansin naman niya iyon.
“Anong ngini-ngiti mo diyan?” cold niyang sabi. Tumabi ako sa kanya. Tiningnan ko lang siya ng masinsinan, ‘yung tipong binabasa kung ano ang nasa isip niya. “Namiss kita. Sorry na. Alam mo naman kasing ayaw kong biglang ginigising eh. Sige na, bati na tayo oh. Peace offering ko. Paborito mo.” Sabi ko. Tiningnan niya ako. Ngumiti siya. Isa sa mga pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang ngiti niya. Kapag kasi naka-poker face siya eh mukha siyang suplado, pero kapag nakangiti na siya ay para bang ibang tao na ang kaharap mo. Lalo siyang gumagwapo.

“Akin na nga ‘yan!” Kinuha niya ang mangkok at sinunggaban agad ang niluto kong carbonara. Aba, sunggab agad! Natuwa naman ako. “Ang sarap talaga! Namiss ko ‘to!” sabi niya habang puno ng pagkain ang bibig niya. Parang gago lang. “Ang galing-galing talaga ng bes ko!” sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. Syempre, kinilig ako, pero nasaktan ako sa loob-loob ko kasi lalo akong napapaasa. Hayyy.  “Ano ba! Sakit nun ah!” Kunwaring inis na sabi ko. This is my way of brushing it off. Defense mechanisim, kumbaga. Ayoko naman kasi na isang araw bumigay na lang ako. Natatakot ako, ayokong masira kung anuman ang mayroon kami dahil lamang sa nararamdaman ko.
“Oh, joke lang naman ‘yun. Di na mabiro oh! Cute mo talaga!” sabi niya habang nakangiting bungisngis. Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko noon.
“Oh, bakit ka namumula?” pang-asar na tanong niya sa akin. Hala ka. Halata pala. “Huh, hindi ah! Ewan ko sa’yo.” Aligagang sabi ko sabay tayo at mabilis na lakad patungong kwarto ko. Shit, ano ba ‘yun. Nakakahiya! Narinig ko na lamang siyang tumatawa.
--
“Bes,” malambing niyang sabi. Tumihaya ako sa pagkakadapa sa aking kama. “Hmm?” mahinang usal ko. Sana hindi na ako namumula. “Thank you ha.” Sabi niya. “Anong drama naman ‘yan?” Sabi ko. Alam niya kasing hindi ako sanay sa mga ganoong bagay, lambingan, mga ganon. Happy-go-lucky kasi ako kaya bihira akong mag-open up kahit sa kanya. Kay mama at sa kaibigan ko lang ata na si Janine ko nagagawa iyon. Kahit gusto ko ang mga kasweetan na ginagawa niya, ay namang ayokong magpadala kasi baka mag-expect ako ng mas higit pa, hanap-hanapin ko, at masaktan lamang sa huli. Ayoko noon. Kaya most of the time, I try to brush it off.
“Ayan ka na naman eh. Eh, basta. Salamat sa lahat. Salamat dumating ka sa buhay ko hehe. “ nakangiti niyang sabi. Para namang natunaw ang puso ko sa mga sinabi niya. Nakakatuwa. Biruin mo ang isang taong katulad niya ay kaibigan ang isang katulad ko. Kumbaga, langit at lupa, pero seriously, sobrang naapreciate ko ang mga sinabi niyang iyon. Ngumiti na lamang ako ng bahagya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko eh. “Basta kahit magcollege na ako, best friend pa rin kita ha?” Sabi niya. “Ahh, oo naman. Syempre.” Ngiti kong usal.
“Saan mo bang balak mag-aral?” Tanong ko. “Hmm, sana sa UP.” Sagot niya. Kaya naman niya eh. Matalino ang gago, eh. Running for honors. Oh ‘di ba? Total package! “Sana pareho tayo ng school na papasukan, no?” ngiti niyang usal. Napaisip ako. Oo nga, pagkatapos ng school year na ito ay magkakahiwalay na kami. Pupunta na siya sa Manila para magcollege, habang ako ay magtatapos pa lang ng High School. Marami siyang makikilalang bagong kaibigan. Marami siyang mararanasan. Maaring makalimutan na niya ako. Nalungkot ako sa mga naisip kong iyon. Hindi kasi malayong mangyari iyon. Alam ko kasing sa Maynila talaga ang bagsak niya. Matalino nga kasi.
“Bakit ka natahimik?” tanong niya.
“Ahh, eh. Wala.” Sabi ko.
“Bakit nga?”
“Wala nga kasi.”
“Ows? Sige na. Sabihin mo na.” giit niya.
“Hindi, wala ‘to. Promise” sagot kong sinamahan ko pa ng ngiti.
“Huwag mo nga akong lokohin. Kapag hindi ka sumagot...”
“Ano gagawin mo?” paghamon ko.
“Ahh, eh...” napaisip siya. “Ahh! Sige, kapag hindi ka sumagot hahalikan kita.” seryoso niyang sabi.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
“Uto! Ano na naman ba ang nahithit mo?” sabi ko, ngunit sa loob-loob ko’y gusto kong malaman kung tototohanin nga ba niya ‘yung sinabi niyang paghalik sa akin. Shit, bakit ako umaasa? Ulol, syempre hindi niya gagawin ‘yun. Pinagtritripan ako nun, pakikipagtalo ko sa sarili ko.
“Dali na kasi!” pilit niya, na siya namang nagbalik sa akin mula sa pakikipagtalo ko sa aking isipan.
“Wala nga.” Sabi ko.
“Isa.”
“Hala! Wala nga!”
“Dalawa.”
“Oy, seryoso ka ba? Wala nga!”
“Tatlo!”
“Wal...” natigilan na lamang ako sa sumunod na nangyari.


--
Chapter 2
Bigla siyang natahimik. Hindi ko inaasahan ang susunod na mangyari. Nagulat ako!

Si Gab, umiiyak! Akala ko rin hahalikan niya ako eh.
“Hala! Uy, may nasabi ba akong mali?” Umiling lamang siya. Ano na naman bang nahithit ng mokong na ito? Parang ang lakas ng tama ah. Wala namang nangyari na pwedeng makapagpaiyak sa kanya. Takang-taka naman ako. Nag-aalala ako kasi bihira ko siyang makitang umiyak.

“Uy, bes. Ano na?”

Iling pa rin.

“Oh sige, kapag hindi ka tumigil diyan, hahalikan kita.” Balik ko ng biro niya sa akin, umaasang kahit papaano ay mapapagaan ko ang nararamdaman niya.

Humagulgol naman ang gago.

Ano ba ‘to? Ano? Gusto niyang halikan ko talaga siya? No, hindi! Erase, erase!

“Sabihin mo na sa akin. Best friend mo naman ako eh.” Pag-aalo ko.

Tumingala siya.

“Exactly the point.” Sabi niya, habang namumugto-mugto pa ang mga mata. Hindi ko naman nakuha ang ibig sabihin ng sinabi niya. Tiningnan ko na lamang siya ng nagtatanong.

“Hindi mo pa rin nakuha. Ang slow talaga.” Inis niyang sabi.

“Ano ba kasing problema mo?” mahinahon kong tanong. Ayokong magsimula ng away.

“’Yan ang problema sa’yo eh. Ayaw mong mag-open up! Hell, I’m your best friend and ni minsan hindi mo man lang ako sinabihan sa kung anuman ang na sa laman ng utak mo! Ako, heto, kilala mo mula sa kadulu-duluhan ng buhok ko sa ulo, hanggang sa dulo ng kuko ko sa paa! Hindi ka ba nagiging unfair? Alam mo kapag ginaganyan mo ako, pakiramdam ko wala kang tiwala sa akin! Kasi ni minsan hindi mo ako pinapasok diyan sa utak mo.” Mahaba niyang litanya, habang dinuduro-duro ako.  Nagulat ako dahil ngayon ko lamang siya nakita ng ganito.
Natigilan ako. Tama siya. Ni minsan, hindi ako nag-open sa kanya. Kasi to be honest, maswerte nga ako, eh. Wala akong seryosong problema sa buhay... well, until I fell for him. Masasabi kong ito na ang pinakamalaking pagsubok para sa akin ngayon. Kahit siya na naturingan kong best friend, hindi ko pa rin magawang sabihin sa kaniya... malamang, kasi involved siya sa problema ko, eh. Pero generally, mas gusto kong sinasarili ang problema ko. Ayoko na kasing makadamay at makaapekto ng ibang tao. Ayokong kaawaan. Oo, what a lame reason, but that’s what I think.

“Alam mo, sa tuwing natatahimik ka parang kanina, nafrufrustrate ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung anuman ‘yang iniisip mo. Na baka, may problema ka na palang dinadala o kung anuman ‘yang bumabagabag sa’yo. Minsan nakakaparaoid na bakay may nagawa akong mali o kung anuman. Akala mo ang babaw babaw ko ngayon na dahil lang sa pagtahimik mo umiiyak akong parang gago? Hindi! Kasi naman! Hindi ko alam kung paano kita tutulungan sa kung anuman ‘yang bagay na gumugulo sa iyo. Habang ikaw, heto, kapag ako ang may problema lagi kang nandiyan. Eh paano ka naman? Para saan pa ang pagiging best friend ko kung hindi kita matulungan? I feel so worthless, don’t you know that?” Patuloy pa rin siya sa pagluha. Natouch naman ako sa pahayag niya dahil ‘di ko inaasahang ganoon pala ang pagpapahalaga niya sa akin.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko kasi masabi sa kanya na siya mismo ang problema ko. Kung paano ko siya pakikitunguhan dahil sa lintik na pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong huwag lampas ang linya ko bilang best friend niya. Ang sakit.

Pinahiran niya ang luha ko sa pisngi gamit ang kanyang daliri. “Now, tell me. Ano ba ‘yun, bes? Magtiwala ka naman. Maiintindihan kita. Pangako.”

“Ahh, eh...”
“Yes, what is it? Buksan mo na iyang puso mo. Alam kong magiging mas magaan iyang pakiramdam mo once you do.”
Sasabihin ko na ba o hindi? Gulong-gulo na ako!
Napabuntong-hininga ako. “Bes, umibig ka na ba?” Pagsisimula ko.
“Oo naman.” Sagot naman niya.
“Paano kung hindi mo masabi sa taong mahal mo na mahal mo siya? Na dahil takot ka sa anumang sasabihin niya? Na baka hindi ka pala niya mahal? Na baka lumayo siya sa’yo, o magalit siya?” naiiyak kong tanong sa kanya.

“Oh, tahan na. Uhm, oo naman mahirap iyon kasi para kang pinapatay araw-araw sa kadahilanang hindi mo masabi ang nilalaman ng puso mo sa taong mahal mo. Naiintindihan kita.”

Nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak.

“Sino ba iyon? Tutulungan kita.” Tanong niya.

Natahimik ako. Sasabihin ko na ba? Hindi pwede. Hindi ko siya sinagot, imbis, lalo lamang akong napahagulgol. Naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa akin. Niyakap niya ako, patuloy na inaalo. “Shh, shh. Sige lang, nandito lang ako, Josh.” Kapag kasi seryoso na ang usapan, sa pangalan ko na niya ako tinatawag.

“Halika na. Ang drama naman natin. Kain ulit tayo ng pasta.” Suhestyon ko. Hindi pa kasi ako handa. Sasabihin ko naman sa kanya, eh. Sa graduation nila siguro para kung magalit man siya sa akin, ay wala na gaanong problema, tutal magkakalayo na naman kami.

“Sigurado ka bang okay ka na?” alala niyang tanong.
“Oo naman. Salamat ha.” Ngiti kong sabi.
“Para tayong mga tanga. Nakakagutom palang umiyak. Basta ikkwento mo sa akin iyan next time ha.  Kain na nga tayo ulit hehehe.” Sabi niya.
At iyon, parang sa puntong iyon, nakalimutan na namin agad ang problema namin. Ang gaan sa pakiramdam, ngunit nababagabag pa rin ako dahil alam kong pansamantala lamang iyon.
Bukas ay pasukan na. Ano kaya ang naghihintay para sa akin?
--
Doon na rin natulog si Gab ng gabing iyon. Nagulat na lang ako na may dala na palang uniform ang gago. ‘Di ko lang napansin dahil daw nilagay na niya sa cabinet ko habang natutulog pa ako kaninang umaga. Wala namang nangyari. The usual: movie marathon, kwentuhan. Hindi na kami nagpuyat dahil ayaw naman naming magmukhang zombie sa unang araw ng pasukan bukas. Iyon ang huli kong naalala hanggang sa makatulog na ako.
--
“SUNOG!!!” narinig kong sigaw na nagpagising sa akin. Alerto agad ang utak ko at tiningnan ang paligid. Tarantang-taranta ako, ngunit nang makita kong normal naman ang paligid ko ay napatingin na lang ako sa pinanggalingan ng boses. Sabi na nga ba, eh. Ayun si Gab, nakangisi at bihis na ng uniform. “Ayos ba? Hirap mo kasing gisingin.” ngiti-ngiti niyang tanong habang tumataas-baba pa ang kilay. Gusto ko siyang lamunin sa inis. Sino ba naman ang matutuwa sa ganoong paraan ng paggising? Unang-unang pagbati sa’yo ay isang ‘di nakakatuwang biro. Moody pa naman ako tuwing bagong gising at alam niya iyon.

Tiningnan ko siya, isang tingin na may halong galit, at frustration. Pero alam kong kailangan ko nalang siyang intindihin. Alam ko kasing kapag sinimulan ko ng magsalita ay baka may masabi akong hindi niya magustuhan. Bagong gising eh. Kaya tumahimik na lamang ako at ‘di siya pinansin. Agad kong kinuha ang tuwalya at underwear ko at dumiretso sa banyo at ‘di na siya pinansin. Mukha namang nagtaka siya dahil sa kadalasan niyang ginagawa ito ay puro bulyaw at mura ang lumalabas sa bibig ko na ikinatatawa lang niya (brutal, no?), ngunit ngayon ay pinili kong manahimik. Gusto kong subukan naman ang silent treatment para naman matauhan siya. Naiinis talaga ako. Hindi ako galit, pero gusto ko rin namang matutunan niya ‘yung mali sa ginawa niya. For show lang ito. Ako naman ang magtatampo-kuno, dahil naka-quota na siya kahapon eh.

Lumabas ako ng banyo at nagbihis. Hindi kami nag-imikan. Siguro ay tinatantya pa niya ang timpla ko. Nagbihis ako at nag-ayos ng ‘di siya tinitingnan. “Bes,” tawag niya sa akin, pero wala pa rin akong imik. Nang matapos na ako ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng aking kwarto. “Ma, mauuna na ako!” sigaw ko kay mama. Sinadya ko talaga iyon para marinig ni Gab. “Oh, eh paano si Gab?” tanong ni mama. “Bahala na siya.” Balik ko kay mama. Hindi ko na siya hinintay makasagot pa at nagpaalam na ako.

Malapit lang naman ang school na pinapasukan namin. Isang tricycle lamang mula sa village namin. Habang naghihintay ng tricycle ay lumabas na rin ng bahay si Gab. Nagtitigan kami. Naghihintay ako na magsorry siya. Ito kasi ang isa sa mga bagay na nahihirapan siyang gawin—ang magsorry. Ayaw niya kasing nilulunok ang pride niya (well, iyon ang sa tingin niya sa pagso-sorry). Gusto ko lamang siya turuan ng leksyon. Kapag kasi ako ang nagbiro ay magmamaktol iyang parang bata, pero kapag ako naman ang napikon ay parang wala lamang sa kanya. Hindi ko ginagawang big deal ang kung tutuusing maliit na bagay na ito. Concern lang ito kumbaga. At saka, parang hindi niya kasi ako gaanong sineseryoso kapag nagpupuyos ako sa galit, kaya nagdesisyon akong manahimik this time.

Pumara ako ng tricycle at sumakay na. Alam ko naman na kahit hindi ko siya kinibo ay sasabay pa rin siya sa akin. Tinahak na namin ang daan patungong school. Habang nasa tricycle ay tinitingnan lamang niya ako. Kita kasi mula sa gilid ng paningin ko kung paano niya ako titigan. Tila sinusuri pa rin niya ako. Alam ko kung gaano na niya gusto magsorry at aminin ang pagkakamali niya, pero hindi niya magawa. Makaraan ang ilang minuto ay nasa school na kami. Wala pa ring imikan.

Habang naglalakad patungong entrance ay nagsalita siya. “Galit ka ba?” medyo kabado niyang tanong. Tiningnan ko lamang siya, isang tingin na tila nagpapahiwatig na “Ano sa tingin mo?” at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Narinig ko na lamang ang isang buntong-hininga mula sa kanya. Habang naglalakad papasok ay nakita ko ang isa ko pang kaibigan na si Janine. Maganda si Janine. Matangkad, mahaba ang buhok, maputi, matalino, at mukhang di makabasag-pinggan, ngunit may malakas na personality. Maraming nagkakacrush sa kanya dahil diyan. PERO WAIT! COVER-UP LANG NIYA IYAN! Huwag kang papalinlang! Dahil daig pa niya ang mga bading sa parlor sa ugali niya! Ika nga niya, may berdeng dugo siya. Oh, at siya lamang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng sikreto ko.

“FRIEND!! Namiss kita! Anong nangyari?” excited niyang sigaw habang eksaheradang nagtatakbo at yumakap sa akin. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Napansin niya ata ang kakulangan ko ng energy at nang magtatanong na siya sa akin ay nakita niya si Gab na kasunod ko. Normal na kasi na sabay kaming pumapasok kapag sasalubungin ako ni Janine. “Hay nako, enebeyen! Alam ko na!!” maarte niyang pahayag, with matching sad facial expression. Kahit kailan talaga itong babaeng ito. Sabi naman niya sa akin nang minsang tanungin ko siya sa pagiging galawgaw niya ay huwag na daw ako magreklamo, dahil sa mga kaclose lang daw niya nailalabas ang side niya na iyon. Tuwa naman ako.

“Bes, punta na akong room ha.” Biglang sabi sa akin ni Gab, sabay tapik ng likod ko. Tinitigan ko na lamang siya. Narinig ko nalang na napabuntong-hininga siya habang papalayo sa kinatatatayuan namin ni Janine. Inaya ko muna si Janine sa may canteen ng school. Nagsalita si Janine nang makaupo na kami. “Oh, friend. Magkwento ka na dali! Kaasar ka naman eh! Excited pa naman ako magkwento sa mga nangyari nung summer escapades ko sa Bora! Pero dahil good, true, AND BEAUTIFUL friend mo ako, makikinig ako. Oh, ayan matouch ka!” litanya niya. Napangiti naman ako dahil doon. Ngayon ko lang rin napansin ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa 'di namin pagpapansinan ni Gab. Ginusto ko ‘to eh. Dapat panindigan ko ito. Para sa kanya rin naman ito eh.

At kinwento ko na nga kay Janine ang nangyari kaninang umaga. “Hoy ikaw! Ang haba talaga ng hair mo! Tingnan mo, campus crush napapatiklop mo ng ganoon! Bilib din naman ako sa karisma mo, friend! Ikaw na! You already!” malandi niyang pahayag. “Gusto ko lang naman na matutunan niya na minsan ayoko ng mga birong ganoon, lalo na sa umaga. At saka, para matuto na rin siyang magsorry.” paliwanag ko.

“Oo, gaga gets ko naman ‘yung point mo! Pero kasi naman ang liit na bagay ginagawa mong big deal! Baka mamaya sa kakaganyan mo diyan masira friendship niyo. At pag nangyari ‘yon, paano ka na lang! OMG! Paano na lang ang love story niyo ni papa Ga...” dire-diretsong pahayag ng bunganga niyang armalite. Tila naalarma naman ako na baka may makarinig sa amin kaya naman bigla ko na lang tinakpan ng kamay ko ang bunganga niya. Gaga talaga itong si Janine. Hindi nag-iisip. Dada ng dada.

“Ouch naman, friend! Sorry naman! Nadala lang! Kasi naman.” At nagseryoso na siya. Alam ko kapag ganito ay tila nasa ibang mundo na si Janine. Bihira lang kasi magseryoso ‘to. “Paano kung magbackfire iyan? I mean, paano kung wala na siyang gawin? Paano kung nainis rin pala siya sa quote-unqote, pagi-inarte na ginawa mo kanina? Kilala ko si papa Gab, minsan unpredictable din ‘yan eh. Malay mo lang naman. Ako, bilang isang kaibigan, sinasabi ko lang sa’yo ang mga pwedeng mangyari.” Paliwanang niya. Bilib din naman ako dito kay Janine, may sense siyang kausap tuwing gusto niya magkasense.

“Eh paano na gagawin ko?” tanong ko sa kanya. Tila naman napaisip siya. “Hmmm, I think the best thing you can do is to say sorry.” sagot niya. Nagulat na lamang ako sa suhestyon niya. “Friend, eh siya na nga ‘tong may kasalanan. Bakit ako magsosorry? What’s the point of all this? Kaya ko nga ginawa ito para siya ang magsorry eh.” Balik ko sa kanya. Hay, akala ko pa naman tuluy-tuloy na ang sense niya. Mukhang nagbalik na naman siya sa dati. May tama talaga itong kaibigan kong ito.

“Trust me. Ito na lang. Let me rephrase the question. Gagawin mo ba ang lahat para mapanatili ang friendship niyo? Oo alam kong mukhang mali, pero kaibigan ka eh. Kailangan mong magbigay at umunawa. Ang magandang gawin mo ay magsorry ka at iexplain mo ang reasons mo kung bakit mo nagawa iyon. So win-win na ‘yan, kasi you got your message across, at the same time, you won him back again. Oh, ‘di ba? Ganda ko na, talino ko pa! Bongga! Me already!” sabi niya.

Napangiti naman ako. Tama siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ito na nga lang ang pinanghahawakan ko, pababayaan ko pa ba ito? “Alam mo, hindi ko na alam siguro alam ang gagawin kung wala ka. Thank you, friend.” Sinsero kong pahayag sa kanya. “Oh, baka naman mainlove ka sa akin niyan! Well, I can’t blame you (sabay pose ng mapang-akit). Wala pa namang lalaki ang nakaresist dito. Hahahaha! Gaga! Di tayo talo!” sabi niya. Nagtawanan lang kami.

“Seriously, thanks, Janine!” pahayag ko. Inakbayan na lamang niya ako, tila sinasabi na nandito lamang siya para sa akin. Dumiretso na kami sa pila para sa flag ceremony.

Tama si Janine, hinding-hindi ko hahayaang mawala si Gab sa akin.

Hinding-hindi.

--
Itutuloy...



14 comments:

  1. Hello AngelMatt :))) Buti dito mo naisipang magPublish :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, eh. Busy kasi sa summer classes. Pinilit ko talagang dugtungan ngayong bakasyon na ako. :)

      Delete
  2. kilig much naman nito lolz

    ReplyDelete
  3. kakainlab talaga. next chapters na plzzzz...

    ReplyDelete
  4. ang galing mong author. panalo ka sa akin.

    Omar Kamil

    ReplyDelete
  5. Bago nnamang aabngan! Update! :)))

    ReplyDelete
  6. ay wala pa ring update?

    ReplyDelete
  7. SANA SINABI NALANG NYA NA ANG BESPREN NIYA ANG MINAMAHAL NYA.
    PAKIPOT PA!

    ReplyDelete
  8. Gab wag kang matakot sabihin mo na. Alam kong matatanggap ka nya.

    ReplyDelete
  9. Ouch! Wala pa ring update. Excited na kasi

    ReplyDelete
  10. Mapride rin pala si Gab at di marunong magsorry. Tama ka Josh, turuan mo yan ng leksyon. Affected talaga ako!

    ReplyDelete
  11. Hi, guys! Maraming salamat po sa mga bumasa sa mga nagcomment, at sa mga silent readers. I really appreciate it.

    Regarding sa update, nagkaproblema lang sa invite sa site kaya hindi ako makapagpost ulit. :( I'll update as soon as maayos siya.

    Maraming salamat ulit. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay ok na pala. sorry, guys! Chapters 3-4 are now up for reading! :)

      Delete
  12. Umasa naman ako dun sa end ng first chapter. Akala ko talaga hinalikan siya ni Gab. Buseet paasa! Hahaha

    13 pa pala 'to. Cool!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails