Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 14]
By: Crayon
****Kyle****
1:23 am, Monday
March 21
Nahalughog ko na ang buong unang palapag ng bahay namin pero hindi ko makita si Aki. Hindi ko naman magawang gisingin pa sila Mama dahil tiyak na makakagalitan ako kapag nalaman nila ang ginawa kong pagtrato kay Aki.
Naiinis ako dahil pinairal ko na namang topak ko, hindi ko man lang naisip ang effort na ginawa ni Aki para puntahan ako.
Naisip kong lumabas ng bahay, nagbabakasakaling nasa labas lang si Aki. Dahan-dahan akong lumabas ng bahay para di makagawa ng ingay. Ayaw ko na magising sila Mama o ang mga kapatid ko.
Hindi ko nakita si Aki sa aming terrace kaya lumabas na ako ng gate. Agad naman akong nalungkot ng mapansing wala na roon ang gray na kotse. Sa pagkakaunawa ko ay iyon ang dalang kotse ni Aki. Naupo ako sa maliit na bangko na nasa gilid lang ng gate namin.
Di ko napigilan ang muling magbuntung hininga. Tiningnan ko ang oras sa aking wrist watch, pasado ala-una na pala ng umaga. March 21. My birthday. Dapat akong matuwa dahil inabot pa ako ng isa pang birthday. Pero parang ang hirap gawin noon. Napakarami kasing nangyari sa akin sa nakalipas na mga araw, napakabigat ng loob ko at di ko magawang magcelebrate at magsaya. Siguro matatawag na mababaw ang dahilan kung bakit di ko magawang magsaya pero gustuhin ko man kasing gawin iyon ay di ko rin kaya. Napakahirap na magpanggap na masaya ka lalo na kapag ganitong nasasaktan ka.
Nakatitig lamang ako sa kalsada habang nag-iisip. Minsan masarap pa ang mag-isa lang. Hindi mo kailangan magpanggap na okay ka kahit hindi naman.
Halos tatlumpung minuto din ata akong nakatanga lang sa labas ng bahay namin.
"Happy bithday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!", nagulat ako ng marinig ko ang pagkanta na iyon di kalayuan sa akin. Akala ko ay mag-isa lang ako ng mga oras na iyon. Hindi ko maaninag ang kumakanta dahil nasa parte siya ng kalye na di gaanong naiilawan ng poste ng ilaw.
"Birthday na birthday mo sambakol yang mukha mo.", pamilyar sa akin ang lambing sa tinig na iyon.
"Aki?", lumapit siya sa akin at ng mailawan siya ng poste ay nakita ko ang malapad na ngiti sa kanyang mukha. "Tarantado ka kanina pa kita hinahanap.", malakas na sabi ko sa kanya.
"Talaga? Hinahanap mo ako?", nakangisi niyang sabi habang nakatayo sa tapat ko. Tila tuwang-tuwa sa narinig kahit na nakakunot ang noo ko ng mga oras na iyon.
Agad ko naman siyang niyakap. Alam kong nabigla siya sa aking pagyakap, pero higit akong nagulat sa aking ginawa. Gusto ko na sanang bumitaw ngunit may kakaibang dulot na pakiramdam ang ginagawa kong pagyakap kay Aki. Iba sa akap ng kahit sinong lalaking nakilala ko.
"Huwag ka nga basta na lang umaalis sa tabi ko.", mahina kong bulong sa kanya na may halong pagtatampo. Naguguluhan ako sa mga sinasabi at ginagawa ko. Parang may sariling isip ang katawan ko at kusang ginagawa ang nais nito.
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.
"Binili lang naman kita nito.", napilitan akong kumalas para tingnan kung ano ang tinutukoy niya.
Ice cream. Cookies n cream.
"San ka bumili niyan?", taka kong tanong.
"Diyan lang may 7-11 na store diyan sa may kanto.", nakangiti niyang sagot. Ang sarap sa pakiramdam na sa tuwing kinakausap niya ako ay pinapakita niya ang nakabibighani niyang ngiti.
Pilit kong inabot ang kanyang ulo para batukan siya.
"Sira ulo ka talaga! Madami kayang gago diyan. Pano kung mapagtripan ka, dayo ka pa naman dito.", panenermon ko sa kanya. Ganti ganti din ng sermon pag may time.
"Hahaha, uuuyyy! concerned siya sa akin. Kinikilig naman ako.", sinubukan ko siya uli batukan ngunit nakaiwas na siya. "Hindi naman nila kakayanin tong mga muscles ko no.", mayabang na sabi ni Aki sabay flex ng mga braso niya para ipagmayabang sa aking ang maumbok na muscles niya doon.
"Yabang mo! Nasaan pala yung kotse mo?", tanong ko ng maalala ang gray na kotseng nakita ko noon sa tapat ng bahay nila Tita Geelene.
"Wala naman ako dalang kotse papunta dito eh, nagcommute lang ako.", tango na lamang ang sinagot ko sa kanya.
"Tara na sa loob, dun na natin kainin yang ice cream."
Tumuloy na kami sa loob ng bahay at pinakuha ko siya ng kutsara para sa kwarto na lang namin kainin ang nabili niyang ice cream.
"Mahilig ka ba sa ice cream?", tanong sa akin ni Aki habang nakaupo kami sa kama at kumakain ng ice cream. Nakasandal siya sa headboard ng kama ko habang nakaunat ang mga paa. Ako naman ay nakasiksik lang sa kanya at nakasandig sa kaliwa niyang dibdib.
"Hindi.", sagot ko sabay subo ng ice cream.
"Di raw, eh nakakarami ka na ng kain eh.", pambibiro niya.
"Eh bigay mo naman kasi to kaya ok lang.", natawa na lang siya sa aking sagot.
"Ilang taon ka na Kyle?"
"22, bakit?"
"Pwede na pala tayong ikasal no?"
"Tado ka talaga.", natatawa kong sagot sabay siko sa kanyang tagiliran. "Di pa pwede magagalit sila Mama. Kailangan ko pa tapusin pag-aaral ko.", pagpapatol ko sa kanyang biro.
"Hahaha, oo nga. So kapag graduate mo, kakasal na tayo?"
"Di ba pwedeng ligawan mo muna ko?"
"Kailangan pa ba yon? Eh crush mo naman ako dati.", mayabang niyang sagot.
"Kapal mo ha. Ikaw kaya tong patay na patay sa akin. Baka nga may gayuma tong ice cream na to eh."
"Di ko kailangan ng gayuma para mapaibig ka no."
"Talaga lang ha?", natatawa kong sagot.
"Kyle, bakit ka nagalit kanina?", seryosong tanong ni Aki.
"Wala yon, kalimutan mo na lang yon."
"Hindi, gusto ko malaman. Para di ko na magawa uli kung anuman yung nasabi o nagawa ko na di maganda."
"Hindi naman talaga ako nagalit sayo. Nadamay ka lang sa inis ko. Ayaw ko kasi na pine-pressure ako ni Papa. Para kasing ang taas ng expectations niya sa akin.", medyo malungkot kong sabi.
"Hmmm.", yun lang ang tanging nasagot ni Aki at kinabig niya ako palapit sa kanya saka mahigpit na niyakap.
"Tama na nga yang kakakain mo, tataba ka na naman eh.", pambibiro sa akin ni Aki.
"Sama mo.", sabi ko sabay abot ng ice cream sa kanya.
Lumabas ng kwarto si Aki para ilagay sa kusina ang pinagkainan namin. Nahiga naman ako sa kama ko ng maayos at pumikit. Di ko na namalayan na nakatulog na ako sa pag-hihintay na makabalik si Aki sa kwarto.
****Aki****
02:45 am, Monday
March 21
Nang makabalik ako sa kwarto ay inabutan kong tulog na si Kyle. Nahiga na din ako sa kanyang tabi, paharap sa kanya. Pinagmasdan ko lamang ang kanyang mukha. Mas masarap siyang panuorin kapag natutulog dahil di ko nakikita ang mga mata niya na malungkot.
Alam kong hindi lang siya basta na-hit and run tulad ng kinuwento niya. Malamang ay lasing na lasing siya ng mangyari yon at di niya na alam ang kanyang ginagawa.
Di ko mapigilan ang mag-buntong hininga. Parang ako kasi ang nahihirapan para sa kanya. Mula ng makabalik ako ay puro problema ang nangyayari sa kanya. Ang tanging magagawa ko lamang ay ang alalayan siya.
"Be strong Kyle. I promise everything will be okay. I was stupid to let you go before, now that i'm back i swear im goin to protect you.", mahina kong bulong sa kanya.
"I have always love you Kyle, and i always will. Handa akong maghintay hanggang sa maging okay ka na. Di na ako muli mawawala sa tabi mo."
Idinikit ko ang sarili ko kay Kyle at saka siya niyakap. Ganoon ang aming posisyon hanggang sa ako ay makatulog.
****Kyle****
8:17 am, Monday
March 21
Nagising ako ng may maramdaman akong malambot na bagay na paulit-ulit na dumidikit sa aking noo. Nang idilat ko ang aking mata ay siya namang paglapit muli ng mukha ni Aki saka ako hinalikan sa noo.
"Hoy mapagsamantala ka! Hindi malamok dito sa amin! Bakit mo na naman ako hinahalikan sa noo?", bati ko sa kanya. Naalala ko ang insidenteng nahuli ko siyang hinahalikan din ako sa noo at ang ginawa niyang palusot ay dahil raw sa may lamok.
"Minsan lang naman. Ang tagal mo kasing magising eh.", nakangiti niyang sagot. Kahit bagong gising ay maaamoy pa rin ang bango ng kanyang hininga.
"Manyak ka.", biro ko sa kanya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Okay naman, ikaw?", nakatawa niyang sagot.
"Oo ang sarap nga ng tulog ko eh, parang ang tagal kong hindi nakatulog ng maayos, ngayon lang uli."
"Dapat lang, enjoy na enjoy ka kaya sa yakap ko.", mayabang niyang banat sa akin.
"Kapal mo! Tara na nga kumain na tayo para makauwi ka na."
"Pinapauwi mo na ako?", lungkot-lungkutan niyang sagot. "Hindi mo man lang ako iimbitahin sa birthday party mo?"
"Huwag kang mag-alala, walang party na magaganap."
"Bakit?"
"Wala lang hindi ko lang trip magcelebrate masyado ngayon. Baka magsimba na lang ako."
"Samahan na lang kita?", pagpriprisenta ni Aki.
"Huwag na sila Mama na lang. Umuwi ka na muna para makasama mo naman ang pamilya mo. Matagal ka ding nawala tiyak na namimiss ka ng mga yon."
"Eee, ikaw ang gusto ko kasama eh."
"Aysus, humirit ka na naman. Lubayan mo nga ako Achilles! Next time na lang tayo lumabas."
"You mean like you and me on a date?", nakangiti niyang tanong.
"Umayos ka nga! Para kang timang. Date ng dalawang magkaibigan!"
"Sige ok lang, date pa din yon."
"Kelan ka pala babalik ng Davao?"
"Sa makalawa na."
"Tapos kelan ka babalik dito?", nalulungkot ako kapag naiisip kong aalis na si Aki. Alam ko kasing wala akong matatakbuhan kapag dumating na naman ako sa punto na malungkot ako. Ako yung tipo ng tao na hindi pala kwento ng problema sa kaibigan hindi dahil sa wala akong tiwala sa kaibigan ko, sadyang mahirap lang sa akin ang magkwento ng problema. Ngunit kapag si Aki ang kausap ko ay komportable akong sabihin anuman ang gusto ko.
"Uyy, namimiss niya agad ako.", nakangisi niyang pambubuyo sa akin.
"Kelan nga?"
"Baka mga after 1 or 2 weeks."
"Bumalik ka ha.", nag-uutos kong sabi sa kanya.
Nakita kong ngumiti ng matamis si Aki saka tumango.
"Ok, tara kain na tayo sa labas."
Dumiretso na kami sa kusina para kumain. Matapos ang almusal ay pinauwi ko na si Aki. Bumalik ako sa kwarto at nahigang muli. Naamoy ko pa ang pabango ni Aki sa aking kama.
Balik na naman ako sa dati, mag-isa. Di ko mapigilan ang hindi malungkot kapag ganitong wala akong makausap. Pinilit ko ang sarili na matulog. Mas gusto kong matulog kaysa isipin ang mga naganap nang mga nakaraang araw.
Makakatulog na sana ako ng makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok.", tinatamad kong sabi.
"Anak, hindi ka ba maghahanda ngayon? Wala ka bang bisita?", tanong sa akin ni Mama.
"Wala po. Wag na po kayong mag-abala na maghanda, baka magpasama na lang po ako magsimba mamaya."
"Sige, may problema ka ba anak?", alalang tanong ni mama.
"Wala Ma, medyo inaantok lang ako."
"O sige magpahinga ka na lang muna dyan. Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka ok?"
"Sige po."
Kinahapunan ay sinamahan ako ni Mama na magsimba. Matapos yon ay kumain kami sa labas. Bumili na din ako ng bagong cellphone dahil naiwala ko nga ang cellphone ko ng ako ay maaksidente.
****Renz****
9:58 pm, Monday
March 21
Natanggap ko ang balita mula kay Gelo na nakauwi na si Kyle. Ayon dito ay naaksidente raw ito pero maayos naman na ang lagay. Nalaman ko din na sinadya pala siya ni Aki sa bahay nila sa Bulacan. Pilit kong hinihingi ang address ni Kyle ngunit ayaw ibigay ni Gelo, marahil ay dahil sa insidente sa birthday party niya noong isang araw.
Pilit ko siyang tinatawagan upang makausap pero bigo ako. Hindi ko matagalan ang pakiramdam na alam kong may nagawa akong kasalanan sa kanya at di ko man lang magawa mag-sorry ng personal. Ilang beses ko din siyang pinadalhan ng message sa facebook ngunit wala akong nakukuhang reply mula sa kanya.
Bote na naman ng alak ang kaharap ko ngayon habang tinitingnan ang relong binili ko ilang buwan na ang nakararaan. Mahilig sa wrist watch si Kyle, at nakita ko siyang minsang tiningnan ang relong ito sa isang department store ngunit di niya binili. Nang tanungin ko siya kung bakit di niya binili ang relo ang sabi niya ay masyadong mahal. Kaya pinagipunan kong mabili ang wrist watch na iyon para mairegalo ko sana sa birthday niya.
Napainom na lang ako muli ng alak. Nanghihinayang sa nawalang pagkakaibigan. Hindi ko rin kasi makumbinsi ang sarili ko na magkakabati pa kami lalo na sa tuwing naaalala ko ang tingin niya sa aking noong gabing nasaktan ko siya. Kulang na lang ay sabihin niyang suko na siya sa akin.
Kung hindi sana ako nagmatigas at nagpatalo sa ego ko noong unang gabing nag-away kami ay naiwasan pa sana namin ang
Magkaroon ng ganito katinding tampuhan. Kung sana ay ako na ang nagpakumbaba at unang humingi ng tawad ay baka magkasama pa kami ngayong umiiinom habang nagdidiwang ng kanyang kaarawan.
Kung hindi ko na sana siya kinulit na maging boyfriend ko. Kung sana nakuntento na lang ako sa kung anung meron kame. Kung sana napigil ko ang aking nararamdaman.
Baka sakaling masaya pa kami ngayon.
...to be cont'd...

hay...sad..cnu kya ang para ky kyle...pareho kcng ngmamahal s kanya eh...
ReplyDelete