Followers

Thursday, May 23, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 18]






Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 18]



By: Crayon







****Kyle****




6:33 am, Wednesday
June 13





Kasalukuyan akong naliligo sa cr, first day ko ng pagbabalik ngayon sa school. Hindi ko alam kung excited ako o gusto ko lang maka-experience ng something na bago.


Medyo naging busy din ako sa nakalipas na isang buwan sa pagaayos ko ng papeles. Sa kabutihang palad ay tinanggap pa naman ako dito sa Up kahit medyo matagal akong nawala. Iyon nga lang napakadaming papel ang kailangan ipasa para sa aking reinstatement. Kinailangan ko pang makipag-usap sa head ng aming institute, sa college secretary, dean ng aming college at sa chancellor ng Uplb. Ganitong klaseng mga bagay ang labis kong kinkatamarang gawin. Sa laki kasi ng campus ay nakakahingal ang pabalik-balik na paglalakad sa mga opisina. 


Mabuti na rin at tinulungan ako ng aking academic adviser na makakuha ng mga slots para sa mga subject na kailangan ko. Normally kasi kapag ganitong irregular ka ay kailangan mong makiusap pa sa iba't-ibang professor na isama ka sa listahan ng kanilang magiging estudyante para sa semestre na iyon. Hindi ka bibigyan ng registrar ng mga klase kung saan ka pwede, ikaw ang magpapakahirap na maghanap nito.


Isang linggo ko din pinagpaguran ang paglalakad ko ng mga kailangan para makapag-aral na muli. Sa panahong iyon ay isa lamang ang naisip ko. Tatapusin ko na talaga ang aking pag-aaral sa pagkakataong ito dahil wala na akong balak na umulit pa sa nakakapagod na proseso ng pagbalik sa eskwela.


Matapos asikasuhin ang aking papeles sa pag-aaral ay bumalik naman ako sa opisina sa Mandaluyong upang magpa-clearance ng makuha ko ang aking backpay. Namaalam ako ng maayos sa mgat taong naging kaibigan ko rin doon. Ang sabi ng Hr ay bumalik pagkatapos ng isang buwan para kuhanin ang check para sa backpay.


Ang nalabing araw ng bakasyon ay iginugol ko na sa Laguna. Naghanap ako ng titirhang apartment malapit sa campus. May kamahalan ang nakuha kong 1bedroom apartment pero ok na din dahil may ilan ng gamit at aircon. Pumayag naman ang aking mga magulang, dahil natutuwa din sila sa akin na naisipan ko na muling mag-aral at ako pa mismo ang tila excited na makabalik. Kaya kahit anong kailanganin ko ay payag lang sila.



Natapos din akong maligo at naghanap ng damit na maari kong isuot. Pinili ko ang isang polo shirt at slightly fitted black jeans. Kaswal na kaswal lang ang itsura ko, anyway this is Up, sanay ang mga taong pumasok ng kung anu lang ang gusto nila suotin. Mahirap kaya mamroblema araw-araw ng susuotin. Kapag wala ka pa masyadong damit ay tiyak mauubusan ka ng damit na pamasok.


Nang makapagbihis ay kinuha ko ang aking notebook at sinilid ang isang ballpen sa bulsa ng aking pants. Naglagay din ako ng ilang papel at class cards sa aking dalang notebook. Ayaw ko magdala ng bag dahil first day of classes naman, more likely introduction lang halos ang gagawin. 


Matapos iyon ay inayos ko ang aking buhok, nagspray ng pabango, naglagay ng lotion at moisturizer sa mukha saka lumabas ng kwarto ko. 


Since 8:30 pa ang first class ko, nagpasya akong maglakad patungong Raymundo gate, paglabas ko ng gate na yun ay tawid ka lang ng kalsada at nasa campus ka na. Mabuti na lang at di pa gaanong tirik ang araw kaya masarap pa maglakad. 


Bumili lang ako ng biskwit para sa almusal, wala naman kasi ako gana kumain. Dito rin ako sa lugar na ito nakatira noong unang beses akong nandito sa Up napakarami na ding nagbago. Mas dumami ang mga nakapaskil na mga dorm, may mga bago ding kainan, at mas dumami ang mga laundry shop.


Wala pang sampung minuto ay nasa campus na ako, kapansin-pansin ang dami ng tao, palibhasa first day, first sem nagkakagulo lahat ng freshmen. Sa katulad kong matagal na dito, wala na masyadong bago kapag unang araw ng semestre. Ngunit sa pagkakataong ito ay parang namiss ko rin ang feeling. Mabagal lamang akong naglakad dahil tinitingnan ko ang mga bagong mukha na aking nakakasalubong. 


Napansin kong maaga pa talaga at ayaw kong tumambay sa labas ng classroom ng unang subject ko. Pinasya kong umupo sa tambayan namin. 


Kilala ang UP sa dami ng frat, sorrority at mga organizations na mayroon dito. Halos bawat frat, soro at org ay may kanya-kanyang tambayan sa loob ng campus. May mga nagkalat ng kumpol ng mga benches sa buong campus at halos lahat na ng benches doon ay pagmamay-ari ng mga frat, soro o di kaya ay org. At hindi mo gagawing basta na lamang umupo sa bench maliban na lang kung handa kang mabugbog ng mga fratmen o kaya ay nais mong sumapi sa kanila. May pagka-territorial kasi ang iba sa kanila. Kung benches naman ng mga orgs ang uupuan mo ay ok lang dahil karamihan naman sa kanila ay mababait at technically ay di naman talaga pagmamay-ari ng mga estudyanteng ito ang mga benches dahil provided iyon ng university. Naging parte na lang siguro ng kultura ng unibersidad na hindi mo iyon maaring basta na lang upuan. Isa iyan sa basic knowledge na dapat alam mo as a freshman para iwas gulo. Ipinagbabawal kasi sa university na sumali sa anumang uri ng org o samahan ang mga freshie. 


Ako naman ay first year pa lang noon ay mayroon ng dalawang org. Mas masaya kasi kahit bawal. Kumbaga para sa akin ay ang org ko ang naging extra curricular ko habang nasa UP. Idagdag pa na marami silang maitutulong sayo sa pag-aaral. May mas matatanda kasi sayo doon na maaari mong pagtanungan at hingan ng tulong.


Halos 30 minutos din akong naupo sa tambayan namin. Simula ng lumabas ako ng apartment ko ay wala pa akong nakikitang kakilala. Wala rin akong nakitang orgmate na dumaan sa tambayan namin. Dahil don ay pinili ko nang puntahan ang classroom ko sa building ng Bio.


Labinglimang minuto bago magsimula ang klase ay nasa loob na ako ng classroom mayroon na din mangilan-ngilan na mga estudyanteng naroon. Pinili kong maupo sa may dulong bahagi ng laboratory table. Tatlong oras ang magiging klase ko rito ngunit sa tantya ko ay wala pa kaming gagawin ngayon kaya marahil ay pauwiin kami agad. 


Dahil sa maaga pa naman ay pinili ko na munang magsulat sa dala kong notebook. Gumagawa ako ng schedule sa first page ng aking notebook. Narinig kong may umupo sa aking tabi ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Nag-concentrate lamang ako sa paggamit ng aking id bilang ruler sa ginagawa kong schedule. Nagiging maingay na din sa loob ng silid, tanda na madami nang dumating. Wala akong balak na makigulo sa kanila. 


Maya-maya ay biglang tumahimik ang paligid ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin.


"Good morning everyone!", narinig ko ang pagbati ng aming lalaking instructor ngunit hindi ko itinigil ang aking pagsusulat dahil malapit na akong matapos.


"We will start the class once your classmate over there is done with whatever he is writing.", hindi ko alam na ako ang pinatutungkulan ng aming instructor since hindi nga ako nagtataas ng tingin.


"Tol, ikaw ata yung sinasabi ni sir.", siko sa akin ng aking katabi. Nagulat naman ako sa narinig, kaya agad kong sinara ang aking notebook.


"I'm sorry...", hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa gulat sa aking nakita. I saw the guy i least expected, wanted, dreamed to see in this university. Nakaplaster sa mukha niya ang isang malapad na ngiting tila nang-iinis. Parang natutuwa siya sa nakitang reaksyon sa aking mukha.


Batid kong namumutla ako at nakanganga pa ang aking bibig kaya pilit ko itong isinara at sinubukang ibalik ang aking composure. Pakiramdam ko sa punto mismo na iyon ay gusto ko ng mag-drop sa subject na iyon. Hindi ko kakayanin ang tatlong oras sa isang linggo na kasama ang taong ito. Gusto kong tumayo at lumabas ng silid. Ngunit nawalan ng lakas ang aking mga tuhod.


"Very well, it looks like he's done. Before we move on, let me make sure we are on the same class.", mahinang nagtawanan ang mga babae sa harapan na halatang kinikilig sa may itsurang propesor.


"This is Bio30 Genetics, section E5. Am i right?", patuloy niya.


Agad ko namang tiningnan ang kopya ko ng aking certificate of registration para kumpirmahing nasa tama akong klase. Umaasa ako na mali siya o ako ng silid na pinasukan. Ngunit nawala agad ang pag-asang iyon ng makita ko ang Bio30 E5 sa papel na hawak ko. Narinig kong sumagot ng yes ang aking mga kaklase sa tanung ng aking instructor.


"Good. This will be you laboratory class, 3hrs a week every Wednesday morning 8:30-11:30. You lecture class will be Tuesday and Thursday every 9:00 with Ms. Diaz.", patuloy niya sa pagsasalita. 


"I assume you all pass Bio2 or Bio3 as those are pre-requisite to this course. I will be giving you your syllabus in a few. Just go through the items, which most likely be the flow of our discussion here."


"Now, since you have not meet with you lecture professor yet because it was holiday yesterday. We won't have any discussion today. We'll just go through a brief introduction and i'll just get your class cards then you're all free to go." Wika ng aking instrustor habang nakapamulsa ang kamay sa suot na slacks. Halata rin ang magandang hubog ng katawan niya sa suot na polo shirt.


"By the way, any of you guys thinking about dropping the subject as early as now?", tanong niya. "How about you sir?", dagdag niyang tanong sabay turo sa akin. Hindi ko inaasahan yon. Hindi naman obvious na pinag-iinitan niya ko. Sa halip na sabihing oo ay tila nachallenge ako at hinding hindi ko siya uurungan.


"No sir, i feel like im going to enjoy this course.", malakas kong sagot.


"You can't be so sure about that, many students fail this course as you may have heard. Anyway, why dont we start the introduction with you.", mataray niyang sagot sa akin.


"Sure. Hi im Kyle, BS Statistics, 22 years old from Bulacan.", maiksi kong sabi saka umupo. Sunod-sunod namang nagpakilala ang iba ko pang mga kaklase ngunit hindi na rin ako makapag-focus dahil sa inis.


"Ok, i guess it's my turn.", wika ng lalaking kanina ko pa gustong sakalin.


"This class is suppose to be handled by Ms. Guazon but something happened and she had to take a leave for the whole semester. So you may expect to see me for the whole semester teaching the course.", noon ko nalaman kung bakit siya ang nandito ngayon dahil nung nakiusap ako na maging parte ng klaseng ito ay hindi naman siya ang kinausap ko.


"I'm Alvin Mendoza, graduate of BS Biology major in Genetics in this University. I finished magna cum laude. Been teaching this course for 3years now. My office is at Room 303 wing C of this building. Just in case of emergency and you need to contact me, my number is 090X-XXXXXXX... That is just for emergency, i dont want anyone texting me saying hi or hello. Are we clear?", sumagot naman ng oo ang buong klase. 


"Now i will be calling your names one by one and bring your classcards to me then you can exit the room. And one more thing bring your laboratory manual next meeting.", nagsimula ng magtawag ng pangalan si Alvin. Si Alvin na kapatid ng higad at dahon ng gabi. 


Hinihiling kong tawagin niya agad ang aking pangalan ngunit hindi nangyari iyon. Mukhang nananadyabtalaga ang tarantadong ito.


"Tol, prerog ka din ba?", tanong ng aking katabi. Noon ko lang siya binigyan ng pansin.


"Ah, oo. Kyle pala.", pakilala ko.


"Lyndon pala. Tabi tayo sa lecture class bukas ha para may kakilala naman tayo. Mukha kasing magkaka-block yung iba nating mga kaklase, medyo outcast tayo."


"Oo nga.", pumayag ako dahil mabuti na yung may kakilala ka sa bawat subject mo. Madalas kasi ay iba-ibang tao ang kaklase mo sa bawat subject mo liban na lang sa mga major na subjects ko na puro kakurso ko lang ang mga kaklase ko.


"Mukhang napaginitan ka ni sir kanina ah.", sabi ni Lyndon. Timawa na lang ako ng pagak sa sinabi niya. 


"Lyndon Gomez.", wika ni Alvin.


"O paano tol bukas na lang.", paalam ni Lyndon sa akin. Tumango na lamang ako. Napansin kong ako na lang ang naiwan sa mga kaklase ko.


Nakalabas na si Lyndon ngunit hindi pa din niya ako tinatawag. Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala pa din. Napipikon na ako. Hindi ako nakapagpigil at tumayo na ako sa aking upuan at tinungo ang desk ni Alvin.


"My classcards sir.", wika ko sabay lapag ng classcards sa harap niya. May isnusulat siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.


"I dont remember calling your name yet.", masungit niyang sabi. Ngunit hindi na ako magbabait-baitan dahil napipikon na talaga ako.


"Exactly that's why i came here because i was the only one left.", masungit kong sabi.


"Ang taray mo talaga no. Tingin mo tatagal ka sa aking ng ganyan?", nagbabanta niyang sabi sa akin.


"Hindi ako takot sa higad. Kumakain din ako ng Laing.", makahulugan kong parinig sa kanya. Tumawa siya sa aking sinabi. Isang nakakainsultong tawa.


"Well sa pagkakakwento ni Renz wala naman tayo masyadong pinagkaiba. We belong to the same family.", nakatawa niyang balik sa akin. Hindi ko kinaya yung sinabi niya na yon at ang pagbanggit na kay Renz pa nanggaling iyon. Ganunpaman, hindi ko pinahalata ang tunay kong nararamdaman.


"In that case, let the best bitch win.", yun na lang ang nasabi ko.


"Why? Haven't i won yet, as far as i can remember i'm the last guy he slept with.", pang-aasar niya.


"You can't be so sure about that.", sagot ko at saka naglakad patungo sa pinto.


Bago ako tuluyang lumabas ay hinarap kong muli siya.


"One more thing, don't fucking tell Renz that i'm here. Don't even dare. You don't want a black eye on your beautiful face.", pagkasabi non ay lumabas na ako para hindi na siya makasagot pa.


Dahil mamaya pang alas dos ang susunod kong klase ay pinili kong umuwi sa bahay. Gusto kong itulog ang inis na aking nararamdaman. 


Sa lahat naman ng taong pwede kong makita dito sa Laguna ay yung bwisit pa na iyon ang aking nabungaran.


Nang makarating sa aking apartment ay nagbihis lang ako at binuksan ang aircon saka natulog.



------



Nagising ako ng bandang ala-una ng hapon. Matapos na magbihis ay kumain ako sa isang canteen malapit sa campus.


Mabilis na natapos ang dalawa kong huling subject para sa araw na iyon. At sa kabutihang palad ay wala naman masyadong naging problema katulad kaninang umaga. 


Nang makarating ako sa apartment ko ay wala ako magawa. Wala pa naman akong kailangang aralin. At wala din naman akong maisip gawin sa aking laptop. Nagsuot ako ng running shoes at saka nagbihis ng shorts at t-shirt. Dumiretso ako sa freedom park ng unibersidad.


Medyo maraming tao sa malawak na park ng unibersidad. Isa itong malaking open field, may oval, soccer ground and sandamukal na bermuda grass. Madalas itong ginagawang pasyalan ng mga pamilyang nasa paligid lang ng university nakatira. Kasalukuyang may naglalaro ng soccer sa kabilang side, may magkakaibigan ding naglalaro ng freesbee, at may mga nakaupo lamang sa mga damuhan.


Nagsimula akong maglakad-lakad sa palibot ng park. May ilan rin akong nakasabay na naglalakad. Nang medyo nakapag-warm up na ay nagsimula na akong mag-jog. Kahit na mataba ako ay isa ito sa paborito kong gawin noon dito sa UP kapag hindi haggard ang schedule ko. Medyo mapayat din kasi ako noon.  I find some sort of relaxation in jogging.


Naisip ko na magpapayat na din at ito ang magandang simula para gawin iyon. Sa lifestyle na ginawa ko sa nakalipas na mga taon ay tiyak na hindi ganun kaganda ang status ng kalusugan ko. 


May 40 minuto na din akong tumatakbo, ramdam ko ang tagaktak ng pawis sa aking katawan. Nakasuot ako ng headset at nakikinig lamang ako ng music sa aking playlist.


"Hey!", parang may narinig akong tumawag sa akin ngunit di ko na ito binigyan ng masyadong pansin.


Nagsimula akong mag-sprint muli. 


"Hoy hintayin mo ko!!!", napilitan akong tumigil sa pagtakbo at saka naglakad. Lumingon ako ngunit wala naman ako nakitang pamilyar na mukha. Naglakad na lang muna ako dahil medyo hinihingal na din ako.


Naramdaman ko ang biglang pagtapik sa aking balikat, nang lingunin ko kung sino iyon ay medyo nabigla ako sa aking nakita, sa aming muling pagkikita.


"Remember me?", nakangisi nitong tanong. Tumango lang ako at patuloy pa din sa paglalakad.


"Eh bakit di ka tumigil nung tinawag kita?", tanong niya sa akin.


"Malay ko ba kung bigla mo kong sagasaan uli.", simple kong sagot.


"Don't tell me na galit ka pa din dahil doon.", hindi ko na siya sinagot at nagsimula na ako muling mag-jog.


"Huy saglit! Kyle name mo diba?", tanong niya habang sumasabay sa akin ng takbo.


"Oo.", maiksi kong sagot dahil medyo mahirap makipag-usap kapag ganitong napapagod ka ng tumakbo.


"Lui. Just in case nakalimutan mo.", sabi niya sabay lahad ng kamay ngunit di ko iyon pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtakbo.


"Ang sungit mo naman.", sabi niya sa akin.


"Hello Lui!", kinikilig na wika ng ilang babaeng nakasalubong namin sa pag-jojogging.


"Celebrity ka pala dito.", hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa yon pero wala na akong magagawa dahil lumabas na sa aking bibig.


"Syempre gwapo ko kaya, tapos macho pa. Dapat nga matuwa ka kasi mahahawa ka sa kasikatan ko eh."


"I wonder if those girls even know that you are having a boner when you kiss a guy.", natatawa kong sabi saka tumakbo papalayo. Nang lingunin ko siya ay nakatingin lamang siya sa akin at pinamumulahan ng mukha. Lihim akong natawa sa itsura niya. Ang cute cute niya sa tuwing binabara ko siya.


What the hell!?! Anu bang pinagsasasabi ko. Kinalimutan ko iyon at itinuloy ang pagtakbo habang hinahabol niya ako.





...to be cont'd...

16 comments:

  1. hello! pasensya na po sa late na update at kung medyo maikli ang mga chapters. hindi kasi masyado gumagana ang utak ko...


    gusto ko lang po magpasalamat sa mga nagcomment sa mga previous posts ko. natutuwa ako dahil nagustuhan niyo ang story ko. maraming salamat din po sa mga suggestions. salamat din sa mga silent readers.


    thank you po talaga...


    ---crayon :)

    ReplyDelete
  2. Parang hindi naman halatang may writer's block ka ngayon Mr. Crayon, ang ganda kase talaga ng flow ng story mo eh. "FATE" kung "FATE" ang mga ganap. Hanep. :)

    Thank you po update. Keep it up.

    --BOOM

    ReplyDelete
  3. binasa ko muna ung chapters 16,17,18 bago magcomment para isahan nalang, hope you don't mind mr.author ^_^
    Nakaka panghinayang naman ung nangyari kila Kyle at Renz. Grabe bigat sa pakiramdam.
    Lumayo nga si Kyle anjan nmn Si Alvin nyahaha parang fail din >.<
    Tapos si Lui mukhang may gusto kay Kyle hihi. Si Kyle na talaga!!!! Mahanap nga siya ng mahingan ng tip. hehehe
    Thanks crayonbox! Will be waiting for the next chapters ^_^ tc!

    ReplyDelete
  4. Love this series!!pro renz p rin ako..I was crying sa chapter 16.I'm looking forward sa pagkikita ni renz at kyle so please author make it fast.thnx autthor..

    ReplyDelete
  5. ATE CRAYON,

    Na kay kyle na ba ang LHAT?

    para to kay kyle" NA SAYIZ NA ANG JUHAT"

    grabe sha na ang napaligiran ng mga ADONIS na mga lalake!

    ReplyDelete
  6. What ah...akala ko tuluyan ng makakalayo c kyle sa anino ni renz eh teacher p nya c alvin. Cno c lui? Xa ba muling magpapaibig ke kyle? Pano na c aki bet ko p nman xa para ke kyle. Thanks crayon sa update.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  7. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH.
    GALING GALING TALAGA.

    ALVIN AND LUI. hihihi
    may nagcocoment na kuya crayon! kala ko ako lang dati.

    eto naman gusto ko sayo pang nagpopost ka eh, 3 chapters agad. anyway keep up the good work! d mo alam gano moko pinasaya sa chapters mo.

    hoping for a spin off para sa mga characters na wala pang lovelife.

    akyle parin ako. WOHHOO. forevers.

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  8. PS. YEHEY CNABI KO NA NGA BA MAMEMEET NYA C LUI SA UPLB! surprised naman ako na prof nya c alvin!

    Godbless uli kuya and ingat lagi!
    -ichigoXD

    ReplyDelete
  9. Ok lang po yun Mr. Crayonbox... Kahit matagal yung update ehhh pag nag-update ka naman eh nakakabawi ka naman sa dami at ganda ng mga chapters na pino-post mo :)

    -- Mr. A-Z

    ReplyDelete
  10. salamat po mr author sa napakagandang story na ginawa nyo po.the best po talaga kau.

    ReplyDelete
  11. ganda ng flow ng story.. realistic, relate much

    keep it up!




    <07>

    ReplyDelete
  12. -- Yes Author Thanks Sa Pag Update :)
    Second Time To Leave a Comment Here ;)

    - Gerrick ^O^

    ReplyDelete
  13. This is one of the best stories I have ever read from here. I finished 1 to 18 with no stop. I just fell inlove with the story. I am so looking forward for the next chapter. :) I hope this story has 100 chapters. JK! :) Thanks author for sharing this story to us. :) Muawh!

    ReplyDelete
  14. First comment po ever since nagbasabasa ng mga m2m.

    Ang galing po ng pagkakasulat ng story, nakakaiyak yung iba at nakakaasar si Alvin.XD

    Magugustuhan ni Kyle siguro si Lui, eh pano na si Aki? Nganga.,><

    Keep up the good work!
    Get your "Crayon"!^_^


    ---black.skull

    ReplyDelete
  15. First comment po ever since nagbasabasa ng mga m2m.

    Ang galing po ng pagkakasulat ng story, nakakaiyak yung iba at nakakaasar si Alvin.XD

    Magugustuhan ni Kyle siguro si Lui, eh pano na si Aki? Nganga.,><

    Keep up the good work!
    Get your "Crayon"!^_^


    ---black.skull

    ReplyDelete
  16. aahh,,, ang tagal naman po ng update for the next chapter...

    author.. please... x0x0

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails