Followers

Friday, May 31, 2013

Unexpected Chapters 3-4

Hello po ulit sa lahat!

Muli ay ako po ay nagpapasalamat sa mga bumasa, sa mga nagcomment, at sa mga silent readers. Napakalaking bagay po nito para sa akin kaya sobrang naappreciate ko. :)

As a way of thanks, ito 2 chapters ulit! :) But I think 1 chapter na lang per update sa mga susunod na chapters. And keep in mind the title of this story. I'm close to finishing it, and talagang ang layo na ng mga nangyayari from the first part. :)

Marami sa mga mababasa niyo sa mga susunod na chapters ay hango sa mga karanasan ko sa tunay na buhay. Nahirapan man akong isulat, ay medyo lumuwag naman ang dibdib ko matapos kong maisulat. Hindi ko na lang sasabihin kung alin sa mga mababasa niyo  ang mga pangyayaring iyon.

To be honest, I'm not fully satisfied with this chapter, but I did what I can. And oh, may bagong character na ipapakilala dito. ;)

Lastly, ay gusto ko ulit magpasalamat kay Kuya Mike for giving me the opportunity to publish my story in his site.

Happy Reading! Sana magustuhan niyo.

Constructive criticisms are highly encouraged.


--
Chapter 3

Natapos ang unang araw sa pagpapakilala ng adviser sa amin. Si Ms. De Vera, isang guro sa Araling Panlipunan ang naging adviser namin. Wala naman gaanong nangyari. Maraming hindi pumasok dahil nga first day pa lang ng klase. May mangilan-ngilan din akong narinig na mga bagong pangalan nang basahin ni Ms. de Vera ang class list. Halos 15 lang kaming pumasok. Marami pa sigurong tinatamad. Hindi ko naman sila masisisi dahil wala naman talagang ginagawa sa first day. Biglang niyaya, or better yet, hinila ako ni Janine patungong canteen. “Hindi ka naman gutom, noh?” asar ko sa kanya. “Oo na. Kasi naman, na-Stress Drilon ako sa’yo kanina.” Balik niya sa akin. “At ako pa ang may kasalanan ngayon?” gatong ko. Inismiran na lamang niya ako.

Nang matapos kumain ay bigla na naman akong kinulit ni Janine. “Oh, friend ha! Basta mamayang uwian dapat bati na kayo ha. Kapag hindi chuchugihin talaga kita!” banta niya sa akin. “Oo na.” pagsuko ko sa kanya. “Ingatan mo ‘yang si papa Gab, baka makawala ‘yan. He’s a good catch pa naman hihi swerte mo talaga.” Pagpapatuloy niya. Natawa na lang ako, pero sa loob-loob ko ay alam kong walang katotohanan ang mga sinabi ni Janine. Dahil nga hindi naman talaga siya sa akin... at least not in the way I want him to be mine. “Sira ka talaga!” ang nasabi ko na lang.

“Itext mo na siya, dali!” mungkahi ni Janine.

“Bes, san ka? Pwede ba tau magkita? :-)” pagsend ko ng message sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay nagreply na siya.

“D2 na ako haus. Bukas na lang.” Ang reply niya. Nalungkot ako, dahil normally ay umuuwi kami ng sabay. Hahayaan ko na lamang muna siyang magpalamig. “Jans, umuwi na daw.” malungkot kong pahayag.  “Ayan na kasi sinasabi ko oh! Nakakaloka! Ikaw kasi ih, arte-arte mo talaga. Baka nairita na rin siya sa’yo.” Pakikisimpatya (I think) ni Janine. Napabuntong-hininga na lang ako. Panandaliang katahimikan ang namagitan sa amin ni Janine. May dumaan atang anghel. Kilala ko si Janine. Kapag tumigil sa kakatalak ang bunganga niya ay nag-iisip siya ng plano. “Ah! Alam ko na, friend!” bigla niyang usal. Naintriga naman ako kung ano ang binabalak nitong kaibigan ko.

“Anong Ah, alam ko na, friend?!” paggaya ko sa kanya. “Magmall tayo. Mag-unwind man lang tayo. Tanggal ng stress. Nakakaloka naman kasi ‘tong araw mo!” suhestyon niya. Noong una ay ayaw ko dahil hindi ako nakapagpaalam kay mama, ngunit dahil sa mga pangungumbinsi at BLACKMAIL niya, napapayag na rin ako. Itetext ko na lang siguro si mama. Alam ko namang papayag siya eh. Ayoko lang kasing pinaga-alala si mama. “Sige na nga, pero libre mo ako ng pamasahe.” pagsuko ko sa kanya. Hindi na siya umimik at hinaltak na lamang ako palabas ng campus.

Nang makarating kami sa mall ay naglibot muna kami. Grabe talaga ‘tong babaeng ‘to. Kasi ba naman halos lahat ng tindahan sa loob ng mall ay pinasukan niya, ngunit wala naman siyang binili. Makalipas ang dalawang oras ay sumakit na ang mga paa ko at niyaya kong maupo muna kami sa isang coffee shop. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Habang umiinom ng iced coffee ay biglang pinitik ni Janine ang tenga ko. “Ano ba?!” medyo inis kong sabi. “Gaga, ikaw naman kasi kanina pa ako nagkkwento sa’yo pero hindi ka naman nakikinig. Halika, may ibubulong ako sa’yo.” Sabi niya. Inilapit ko na lang ang mukha ko sa kanya. “Friend, huwag kang pahalata, ha. Ayun si Gab oh! Kasama niya ‘yung Therese. OMG lang huh. Akala ko nasa house lang siya.” bulong niya sa akin, habang nakaturo sa direksyon patungo sa likod ko.

Inilingon ko naman ang mukha ko sa direksyong tinuro ni Janine, at unang sulyap ko pa lang ay nanlumo agad ako sa nakita ko. ‘Di nga siya nagkamali. Si Gab, kaharap si Therese sa isang table na magkahawak ang kamay at masayang nagkwekwentuhan. “Friend, ok ka lang?” pag-aalala ni Janine. Napa-iling na lang ako. Si Janine naman ‘to eh. She’s the friend I can always be honest with. “Teka lang ha, ‘di ko kasi gets eh. 'Di ba last school year pang nililigawan niyang si papa Gab ‘yang Therese na ‘yan? Pero hindi naman siya pinapansin niyan? Pero bakit ngayon eh halos gapangin na sila ng langgam sa kasweetan nila? Ganyan ba ang basted, ‘teh?” sabi niya sa akin. May point siya. “Hindi ko nga rin alam eh. Kasi kung maging sila man, siguradong sasabihin niya sa akin ‘yan.” Malungkot kong pahayag.

“I smell something hmmmm.” si Janine. Tila wala na akong narinig, marahil ay nilamon na rin ako ng kalungkutan. Matagal ko ng pinaghandaan itong araw na ito. Lalaki si Gab. Ang lalaking katulad niya ay ‘di malayong mabilis na makakita ng babaeng mapapaibig niya. Alam ko ito dahil ganito din naman ako dati. Akala ko dati na dahil sa patuloy na paghahanda ko sarili ko kapag dumating ang araw na ito ay parang wala na rin gaanong magiging epekto ito sa akin... dahil nga kasi, handa na ako. Akala ko lang pala iyon. Iba pala ang alam sa nararamdaman. Iba pala ang nasa isip sa nakikita. Iba pala ito sa katotohanan. Napakasakit na makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Lalo ng masakit dahil wala man lang akong kaalam-alam dito. Dinagdagan pa ng ‘di namin pagkakaunawaan sa kasalukuyan. Hindi ko na napansin na isang malusog na patak ng luha ang dumaloy sa pisngi ko. Agad ko namang pinunasan iyon.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na huwag magpakita ng anumang senyales ng kahinaan. Ngunit iba pa rin pala kung matinding sakit ang nararamdaman mo. Hindi mo na rin pala mapipigilan. The least I can do is to not get carried away. Tiningnan lamang ako ni Janine at pinisil ang kamay ko. Alam kong alam niya ang mga nasa isip ko. Tinanguan ko na lamang siya na tila sinasabing “I’m okay.”

Isa pang tanong na bumabagabag sa isip ko ay kung bakit siya nagsinungaling na lalo pang nakasakit sa patong-patong na sakit na kasalukuyang nararamdaman ko. Isa sa mga bagay na pinangako namin sa isa’t-isa ay ang laging pagiging totoo. Dahil sabi nga niya, na hindi isang tunay na kaibigan ang isang taong sinungaling. Huwag daw naming traydurin ang isa’t-isa. Yet he is here, in the same room with me, breaking that promise. Isa lang ang naisip kong dahilan: may tinatago siya sa akin. Kailangan kong malaman kung ano iyon.

“Oh-em! Magstalker mode tayo! Alam ko iyan din ang iniisip mo, Joshie!” maarte niyang bulong. Pucha, ano ba talaga mayroon sa babaeng ito? Talagang alam niya kung ano ang iniisip ko. Natawa na lang ako, dahil nakakatuwa naman talagang we’re on the same page. “Gags, huwag na. Baka mahuli pa tayo.” Sagot ko. Ayoko na ring sundan siya. Baka masaktan na lamang ako sa mga bagay na matutuklasan ko. Natatakot ako, dahil alam kong hindi malayong maging totoo ang ideyang kanina pang bumabagabag sa isip ko. I tried to brush it off. We’ll get there, sabi ko sa sarili ko.
“Hoookay, kung ‘di tayo mag Detective Conan ang peg... OMG! Icoconfront natin siya! Di ko inexpect ‘yan ha! Me likey your style. Gora na! Show him your face nang matauhan naman ‘yan. Nasa side mo na ako! Kalimutan mo na ‘yung usapan natin kanina haha.” Nagulat naman ako sa pahayag ni Janine. May isang malaking parte ko na gustong gawin iyon. Gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong ipamukha sa kanya na alam ko na nagsinungaling siya, na ‘di siya tumupad sa pact namin. Sa ngayon, ay aaminin kong hindi na dahil sa pagseselos o kung anumang rason ang pinanghuhugutan ko nito. I’m taking the perspective of being a friend. Tutal, ito naman talaga ang pinagmulan at ang pundasyon ng relasyon naming dalawa... ang pagiging magkaibigan.

Alam ko rin naman ang limitasyon ko. Hindi ako pwedeng magselos, dahil in the first place, wala naman kaming relasyon. Ngunit hindi talaga maiiwasang masaktan. Nagmamahal ako, eh. Tao lang ako. Kaya siguro pinapaniwala ko ang sarili ko ngayon na dapat, kung may hinanakit man ako sa kanya, ay ito ay bilang isang kaibigan niya, bilang bestfriend niya... at hindi bilang isang taong pinapangarap ko lamang maging sa buhay niya. “Don’t jump to conclusions. Halika, uwi na tayo. Nawalan na rin ako ng gana.” matamlay kong sagot sa kanya. “B... but...” mutawi ni Janine. Tiningnan ko na lamang siya at binigyan ng isang pilit na ngiti. Tila naintindihan naman niya ako. Sabay kaming lumabas ng coffee shop gamit ang pintong mas malayo sa kinauupuan nila Gab para hindi niya kami makita.

Ang pag-iyak ko na lamang ang huli kong naalala bago ako tuluyang lamunin ng antok.

--
Chapter 4

“Good morning, bes! Galit ka pa rin ba? Bawi ako sau ngaun. :<”

Ito ang text ni Gab na nagsimula ng araw ko. Imbes na kaligayahan ay pagkalito ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil sa tingin ko ay nagbunga na rin ang effort ko dahil mukhang narealize na niya ang pagkakamali niya kahapon. Malungkot dahil naalala ko na naman ang mga nangyari kahapon sa mall. Tumayo na ako ng kama at naghanda ng pumasok. Hindi ko na muna siya nireplyan, dahil nga gulong-gulo pa rin ako. Malungkot kong tinahak ang daan patungong school. Mas nalungkot ako nang malamang walang Gab na sumabay sa akin. Tulala ako habang nakasakay sa tricycle. Nagulat na lamang ako na nasa harap na pala ako ng school. As usual, ang bunganga na naman ni Janine ang naging pangwelcome sa akin.

“Okay, class. Since present ang halos lahat sa inyo, at since halos karamihan na rin naman sa inyo ay naging estudyante ko na dati, yung mga transferee na lamang ang magpakilala dito sa harap. If I’m right, may dalawang transferee dito sa section niyo. Hmm, Ms. Daez, please introduce yourself in front of the class.” pagsisimula ni Ms. De Vera. May homeroom session muna kasi kami for 15 minutes bago magsimula ang klase namin. Maganda ito dahil nabibigyan ng oras ang klase na magdiscuss ng mga bagay sa kanilang adviser.

Pumunta naman ‘yung sinasabing Ms. Daez ni Ms. De Vera sa harap ng classroom. Ang unang napansin ko sa kanya ay ang kanyang kagandahan. Napatutok tuloy ako sa kanya habang nakatayo siya sa harap namin. “Hi sa lahat. I’m Nicola Maria Daez, 15 years old. Tawagin niyo na lang akong Nikki. I hope maging friends tayong lahat.” Nakangiti niyang pagpapakilala sa harap. Oo, tinamaan ako sa kanya. Kahit naman kasi papaano ay straight pa rin ako. Kay Gab lamang ako tinamaan kaya ako naging bi.  Maganda si Nikki. Mayroon siyang short hair na pixie cut, may katangkaran, at may mapupungay na mga mata. Instant crush ko siya kasi type ko talaga ang mga babaeng maiikli ang buhok. Hindi ko pansing nakangiti pala ako pagkatapos niya magpakilala.

“Hoy! Ano ba ‘yan! Nasaktan lang kahapon, naghanap na ng iba! Nako, nako. Kayo talagang mga lalaki!” bulong ni Janine sa akin. Seatmates kasi kami. Isa na siguro ito sa dahilan kung bakit kami naging close. At dahil nga siya ang katabi ko ay walang takas ang mga kilos ko, dahil nga kilalang-kilala at basang-basa niya ako. “Hoy, umamin ka nga. Crush mo ‘yung Nikki noh?” hirit ni Janine. Napatango na lang ako. Tiningnan na lamang niya ako na tipong nang-aasar. “Miss Daez, please take the seat in front of Mr. Gutierrez.” sabi ni Ms. De Vera. Bigla naman akong siniko ni Janine at nginisian. Sa harap ko kasi pinaupo si Janine. Alphabetical kasi ang seating arrangement tuwing first quarter. Bakante pa rin ang upuan sa kanan ko.

Natigil ang asaran namin ni Janine nang may isang lalaking pumasok sa pinto. “Sorry, I’m late ma’am” sabi ng lalaki, na hingal na hingal dahil siguro sa pagmamadali. Napatulala naman ang buong klase, nagbulungan ang mga babae, at napasinghap si Janine. “Josh, ang hot niya grabe.” Kilig na bulong sa akin ni Janine. Ngayon ko lamang siya nakita. Siya siguro ‘yung isa pang transferee na sinasabi ni ma’am. “Mr. Lopez? Just in time. Kindly introduce yourself in front of the class.” pag-address ni ma’am dun sa lalaki. Napakamot na lamang siya ng ulo at nagpunta sa harapan ng room. Huminga siya ng malalim at nagpakawala ng isang ngiti na nagpakilig naman sa mga kababaihan sa klase. “Uhm, hi classmates. Ako nga pala si Matthew Alexander Lopez. 15 nako at... hmm, I’m looking forward to spend the year with you. Oh, Matt na lang pala hehe.” Sabay ngiti ulit. “Omg, ‘teh, nginitian niya akez!” hysterical na bulong sa akin ni Janine. Napailing na lamang ako, dahil nag-iilusyon na naman itong kaibigan ko.

“Right, please sit beside Mr. Gutierrez, doon sa second row.” pahayag ni ma’am, turo sa direksyon ko. “OMG, palit tayo ng upuan please. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon!” bulong ni Janine. “Haha, paalam ka na lang kay ma’am.” Balik ko sa kanya. Pumunta na nga si Matt sa row namin at umupo sa tabi ko. May anim na upuan per row, pero nahahati ang klase sa dalawang division. Mayroong tatlong chairs per row in each division. Ang siste ay si Matt sa kanan ko, at si Janine sa kaliwa ko kaya naman napapagitnaan ako ng dalawa. Nang makalapit siya ay doon ko lamang siya napagmasdan ng malapitan. Matangkad siya, halatang matikas ang katawan, maputi, may mapupungay na mga mata na tila nangungusap, matangos na ilong, at mabango. Hala, pati ba naman amoy niya napansin ko, sabi ko sa sarili ko. In short... gwapo siya. Mas gwapo pa siguro kay Gab, to be honest, pero hindi ako attracted sa kanya. Humahanga siguro dahil nga gwapo siya, pero dahil nga siguro na may nagmamay-ari na ng puso ko kaya hindi na ako makatingin sa iba.

“Tol, Matt nga pala.” Nakangiti niyang pahayag sa akin habang nakalahad ang kamay niya. “Josh,” tipid kong sagot sa kanya at kinuha ang kamay niya para magshake hands. “Hi, Matt! Janine nga pala hihi. Sana maging close tayo.” Singit ni Janine. Bilib din naman ako sa kalakasan ng loob ng babaeng ito. “Ah, eh, hi!” medyo hiyang sagot ni Matt kay Janine. Ito ang isa sa mga problema kay Janine. Napakalakas kasi ng personality niya kaya siguro ang maraming may crush sa kanya ay ilang siyang ligawan. Pero sa simula lang naman iyon... ay mali, kailangan mo pala talagang masanay. “Ang cute niya talaga, friend. OMG, kilig much.” Malanding bulong sa akin ni Janine. “Baka marinig ka. Adik ka talaga.” pambabara ko kay Janine.

“Okay, class. Now that we’re all settled. Mag-AP na tayo.” Pagkuha sa atensyon ng klase ni ma’am. Swerte rin naman kaming nasakto sa schedule namin na siya rin ang subject teacher namin after ng homeroom session. “Para dun sa dalawang bago, I’m Ms. De Vera and I’ve been teaching here for 6 years. I’ve graduated with a degree in Secondary Education from UPD, and this is the first year I’ll be handling World History.” Pagpapatuloy ni ma’am. Isa si Ms. De Vera sa mga pinakapaborito naming guro. Mabait siya, at hindi ilang ang klase sa kanya. Magaling siya magturo at sinisikap niyang ipaintindi sa iyo ang lesson through different activities. Kaya laking tuwa namin na siya ang naging adviser namin.

“Class, as early as today eh ibibigay ko na sa inyo ang project niyo.” Nakangiting usal ni ma’am. Bigla namang nag-ingay ang klase. Narinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase ko. Kahit ako’y takang-taka sa sinabi ni ma’am. “Pwede ba kasing patapusin niyo muna ako? Kayo talaga. Bale group project ito. Napagdesisyunan ko na ang magiging kagrupo niyo ay yung mga nasa row niyo. Meaning tatlo bawat grupo. The project is all about events that concern world history. May reporting, but there’s a catch. Magbubunutan ang bawat grupo at depende sa mabubunot nila ang event na irereport nila. BUT WAIT, there’s more! Nakasulat din sa papel na mabubunot niyo kung anong klaseng pagrereport ang gagawin ng grupo. Pwedeng role playing, song number, or newscasting. Exciting ‘di ba?” mahabang pahayag ni ma’am. Tila na-excite naman ang buong klase sa project. Ibang klase talaga si ma’am.

“That’s why inexplain ko na ang project na ito sa inyo. I want you to have the most time possible so you can prepare, work on, and still have the time to improve your work. I’m available for consultation during class sessions natin. So if you have questions, don’t hesitate to ask, okay?” pagpapatuloy ni ma’am. “Friend, excited na ko. Kagrupo natin si papa Matt shit.” Bulong ni Janine sa akin. “Haha, kaya magfocus ka! Pa-impress ka sa kanya dapat. Behave.” Biro ko sa kanya.

“Okay, I need one representative from each group. Lumapit na dito.” Sabi ni ma’am. “Matt, ikaw na lang hehe. Para naman makilala ka lalo ni ma’am.” Hikayat ni Janine. “A-ako?” takang tanong niya. “Hindi, ako! Haha go kaya mo ‘yan. Tiwala kami sa’yo. Galingan mo sa pagbunot.” Pag-encourage ko sa kanya. Sinikap ko namang makisama sa kanya. Ayoko namang maramdaman niyang out-of-place siya sa amin. Ang hirap kaya noon. “Okay. Walang sisihan ha.” Nakangisi niyang sagot at naglakad na siya papuntang classroom.

“’Teh, aminin mo! Pogi noh?” bulong sa akin ni Janine. Talagang hindi pa rin siya makaget-over sa itsura ni Matt. Hindi ko naman siya masisisi dahil may ipagmamalaki naman talaga ‘yung tao. Tumango ako. “Shit, feel ko madedevelop ka sa kanya!” natatawa niyang pahayag. “Gaga! Sira hahaha! Asa ka. Ako na naman nakita mo. Di porke’t may alam ka tungkol sa akin, applicable na ‘yun sa lahat.” Balik ko sa kanya. Di naman porke’t alam niyang bi ako ay maiinlove na ako sa lahat ng lalaki at babae. “Haha, alam mo naman ang prediction powers ko, walang palya! Makikita mo hihi. Excited na ako! Huwag ka ng mag-alala sa akin. Balato ko na siya sa’yo kahit crush ko siya. Baka may pag-asa ka sa kanya kaysa kay papa Gab.” banta niya. Oo, nakakatakot! Kasi parang may lahi talaga ni Madam Auring ang babaeng ito.


Flashback.

“Friend, hulaan ko. Hindi ka nabigyan ng allowance noh?” sabi niya.
“Huh? Paano mo nalaman?” taka kong tanong.
“La lang. Ang pangit kasi ng tabas ng mukha mo eh.”


“Hulaan ko ulit ulam niyo. Sinigang kinain mo kagabi?” si Janine.
“Weh? Paano mo nalaman? Araw-araw ata alam mo ulam namin.” Gulat kong tanong.
“Wala lang. Feel ko lang. Tama na naman ako shit.”



“Okay, now that nakabunot na ang lahat, maaari niyo ng buksan ang mga papel.” Pahayag ni ma’am. “Matt, ano atin?” excited na tanong ni Janine. “Renaissance. Role playing.” Sagot ni Matt. “Wow, maganda ‘yan. Favorite kong topic Renaissance.” Pagsabat ko sa usapan. Nginitian ako ni Matt. “Ako rin, Josh. Pareho pala tayo hehe.” Sabi niya. “Ahem! Ahem!” singit ni Janine. Tiningnan ko siya at binigyan na naman niya ako ng isang mapang-asar na ngisi. Alam ko naman ang ibig sabihin niya doon. Hindi ko na lang siya pinansin.

“Okay, guys! Settle down. Hindi pa diyan nagtatapos ang rules. May catch. Sa nakakuha ng song number, dapat modern song ang gamitin niyo. Papalitan niyo iyon ng lyrics about doon sa irereport niyo. Bahala na kayo sa interpretation. Sa mga nakabunot ng news casting, dapat magsama din kayo ng relevant current events about sa setting ng nabunot niyong topic. At sa mga nakabunot ng play...” pahayag ni ma’am. Medyo kinabahan naman ako dahil isa kami sa mga nakabunot ng play.

“Mahirap na kasing gumawa ng script at mag-ayos ng props, kaya I will give you the full artistic freedom sa concept niyo, pero dapat makita naming ang relevance niyan sa topic niyo. And mas maganda sana if may surprise or twist kaysa sa mga conventional na play.” dugtong ni ma’am. “Siniko ako ni Janine at nakita ko ang isang mischievous look sa mukha niya. Tila may pinaplano na naman ang bruha. “Yung order ng presentation ng groups ay depende sa order of events. So chronological siya. Sa mga nakabunot ng Paleolithic period, maghanda na kayo, dahil next, next Tuesday na ang presentation niyo. T-Th ang presentation ng project. Each group is given a maximum of 20 minutes to present. Huwag kayong mag-alala dahil lahat ng rules ay nasa syllabus na naman na ibibigay ko sa inyo mamaya. Nandoon na rin ang pagkakasunud-sunod ng topics para alam niyo kung kailan ang presentation niyo. Basta ang importante lang naman ay may matutunan ang klase sa topic bago ako magstart ng formal discussion. Since first meeting naman natin, ay ibibigay ko na ang natitirang oras ng period para madiscuss niyo na ang plano niyo with your groupmates. Clear?” pagtatapos ni ma’am.

Sumang-ayon naman ang klase sa pahayag ni Ms. De Vera. Hindi ko maikakailang exciting talaga ang project ni ma’am. Ngunit binabagabag pa rin ako ni Janine. Parang may binabalak kasi siyang kalokohan. Ewan. “Josh, Janine, pasave naman ng number niyo dito sa cp ko para may communication tayo sa project.” Pag-abot sa akin ni Matt ng cellphone niya. Bigla namang kinuha ni Janine ang cellphone ni Matt at dali-daling sinave ang number niya. “Text mo ako, ha. Text mo rin SI JOSH, ha. Sinave ko na rin number niya para sa’yo.” Sabi niya. Napakamot na lang ako ng ulo sa inusal ni Janine. “Thanks, Janine hehe.” Ngiting pahayag ni Matt.

“OMG, guys! May naisip na akong idea for the presentation!” biglang sabi ni Janine sa amin. “Sige ano yun?” taka naming tanong ni Matt. Ngunit imbes na agad sagutin ang sagot naming ay binaling ni Janine ang tingin niya sa aming dalawa, at ngumisi na mapang-asar. Lalo tuloy akong kinabahan.

Hindi ko alam, pero parang kinabahan ako sa ideya ni Janine.

--

Itutuloy...

9 comments:

  1. Sculpture ang gagawin nila! Nakahubad si Matt habang katabi si Josh. Hahahaha.
    Or gay love nung Renaissance period.
    Selosan na ito.
    Unresolved pa rin ang tampuhan. Pa'no 'yun?

    Excited much?
    I love it na rin. Go, post na ang next chapters!

    -:J

    ReplyDelete
  2. Naku kilig much talaga! ang galing mi author!

    ReplyDelete
  3. Hulaan ko, babae kunwari si josh, tas lalaki si matt. Yun yung twist ng proj nila? HAHAHA

    ReplyDelete
  4. naku baka nga sa art aspect, gagayahin nila yong statwa ni Michaelangelo's DAVID. tas si Matt ang David pero di talaga nude merong daiper haha...bongga ang project nila!

    -Omar Kamil-

    ReplyDelete
  5. Mark Xander MendiolaMay 31, 2013 at 8:51 PM

    hahaha..exciting story...

    ReplyDelete
  6. i cant wait na talaga sa next chapter

    ReplyDelete
  7. grabe na to. iiyak ng dugo si Gab nito sa selos sa presentation nila ni Josh. maglaplapan sina Matt at JOsh haha. Author galingan mi ang twist lols...Edwin of Dubai

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha nice one, pero wholesome po ito. :))

      Delete
  8. Chapters 5-6 now up for reading! :))

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails