318 (Ang textmate ko)
By: ImYours18
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Authors note:
Hello guys =)) Eto na po pala
ang Chapter 7 ng aking akda. Belated happy mothers day pos a mga mommy niyo and
vote wisely.
Happy Reading guys =) Maraming
salamat sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta ng akda ko. Take Care and
Godbless =)
PS: Add nyo naman po ako sa FB
hehe (nielisyours@yahoo.com.ph) tumal pa po friends ko e hehehe XD mag-popost
din po ako dyan ng mga preview for the incoming chapters =)).
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there
are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This
story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to
the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments
regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use,
please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately
removed.
ENJOY READING =)
Chapter 7
Tristan’s Point of
View:
“Colby, nasaan ka na ba?” Bulong ko sa sarili habang
hinihintay si Colby sa harap ng kanilang bahay. Kanina pa ako nagdo-doorbell sa
harap nang bahay nila Colby pero wala namang sumasagot. I was also trying to
call him pero no answer. Ang pinagtataka ko ay maaga naman kaming umuwi sa araw
na to pero bakit kaya wala pa rin siya sa bahay nila? Nakalimutan niya na ba
ang usapin namin na aalis kami ng 8 p.m. papuntang Bulacan?
Alas-6 na ng gabi ngunit wala pa ring taong dumadating sa
bahay nila Colby. Actually kanina pa ako ditong 4 p.m. excited ba? Haha oo e,
kahit naman siguro sino ma-eexcite kapag oras na lang ang iniintay upang makita
mo ang pinakamamahal mo. Bago ako pumunta sa bahay nila Colby ay nag-pack up
muna ako ng mga gamit. Nagdala ako ng iilang set ng damit upang magamit sa
pagpunta sa Bulacan. Mga alas-2 ng hapon ay pumunta pa ako sa mall upang bumili
ng isa pang regalo kay Vince, nagpagawa ako ng jersey kung saan nakaburda ang
pangalan ni Vince at number 18, ang monthsary namin.
Almost 2 hours na ako naghihintay dito sa tapat ng bahay
nila Colby. Sinubukan ko ding tawagan si Vince ngunit hindi rin ito sumasagot
sa aking mga tawag kaya napagdesisyonan ko na lang itong i-text.
Ako: Love? Busy? I love you.. I miss you na.. 1 more day to
go..
Ngunit pagkapindot na pagkapindot ko nang send button,
“Check operator service”.
“Asar!” Inis kong bulong sa sarili, ngayon pa naubusan ng load.
Naalala ko na alas-6 pala ng gabi ngayon ang expiration ng ni-register kong
unlicall and text promo.
Kaya naman agad agad akong naghanap ng malapit na loading
station sa loob ng subdivision. 50 pesos ang ni-load ko, sakto na para sa
dalawang araw na registration ng unlicall and text.
Pabalik na ako sa bahay nila Colby nang biglang may pumreno
sa aking sasakyan, si Grace.
“Hey Tristan.” Maarteng pagtawag sa akin ni Grace na
dumungaw sa pintuan ng kanyang sasakyan.
“Oh Grace?” Approach ko sa kanya. Lumapit ako ng konti sa
kanya upang kausapin ang dati kong kaklase. Oo nga pala, Grace was my classmate
noong nasa Computer Department pa ako. Naging close friend ko din siya tulad ng
kanyang kapatid.
“Bakit ka nasa subdivision? Pupuntahan mo si Rap-rap?” Usisa
ni Grace na tinutukoy na Rap-rap ay si Rafael, iyong pinakilala ko kay Colby
bilang tropa ko, pero may kwento din sa aming dalawa ni Rafael (to be discussed
in further chapters J)
“No..no..” Tangi ko sagot sa kanya. “Si Colby ang hinahanap
ko. Nasaan pala siya?”
“Si Colby? Hindi ko lang alam kung nasa bahay na pero nakita
ko siya kanina may kasama siyang babaeng medyo chubby pero maganda palabas ng
school gate.” Siguro kasama niya ngayon si Nerrisse pero kanina pang alas-9 ang
uwian namingah? Bakit kaya wala pa rin siya up to now?
“Ahhh baka nga si Nerrisse iyon, classmate namin.”
“Yeah, Nerrisse nga name nun, pumunta na rin iyon sa bahay
once e.” Pagkukumpirma ni Grace. “Sama ka muna sa akin, doon tayo sa bahay,
doon mo na hintayin si Colby.” Pagyayaya ni Grace.
Sumakay kami sa sasakyan pabalik sa bahay nila. May kalayuan
kasi mula sa gate nang subdivision ang bahay nila Colby.
Nang makarating kami sa bahay nila pinapasok muna ako ni
Grace sa bahay nila at pinaupo sa sala’s.
“Wait lang Tristan. Ano bang gusto mo? Juice? Coffee?” Alok
ni Grace.
“Water na lang.” Pagiinsist ko. Oh di ba? Nasa choices e.
Haha!
“Ah okay.”
Habang hinihintay si Grace narinig ko naman sa may pintuan
ng kanilang bahay ang busina ng isang sasakyan. Sa aking palagay ay si Tita na iyon.
Ano ba yan?! Sana kasama na ni Tita si Colby.
Pagkabukas ng pinto ay pumasok si Tita at ang bunsong anak
nito na si Karen dala dala ang mga plastic bags na may tatak na SM. Nang makita
ako ng nakababatang kapatid ni Colby ay abot tenga ang ngiti nito at tila hindi
magkandamayaw sa saya. Sinuklian ko na lang ito ng isang ngiting pilit.
“Oh Tristan hijo, kamusta?” Si Tita.
“Ayos lang naman po Tita. Kayo po?” Pangangamusta ko sabay
mano kay Tita.
“Wag ka nga magmano dyan! Feeling ko tumatanda ako sa ginagawa
mo e.” Pagbibiro pa ni Tita sabay bitiw ng isang hagikgik. “Biro lang, God
bless hijo.” Bawi niya. “Andyan na ba si Colby? Siya ba ang kasama mo dito?”
Tanong ni Tita.
“Wala pa nga po Tita e, actually siya ang sadya ko dito e.”
“Huh? E di ba may klase kayo ngayon? E di dapat magkasama
kayo?” Pagtataka ni Tita.
“Nope Tita. Maaga po ang uwian namin kanina e. At saka may
pupuntahan po kami ni Colby ngayon.”
Nahihiya kong sagot kay Tita.
“Pupuntahan??”
“Opo.”
“E saan naman?”
“Sa Bulacan po. Ang sabi niya po kasi ay doon po ang
probinsya niyo, gusto ko po kasi sana puntahan si Vince. Vincent Rivera po,
iyong pinsan daw po niya na naging tropa ko noong pumunta po kami sa bahay ng
Tito ko sa Bulacan.” Pag-aalibi ko. Nako, nanlalamig ako sa ginagawa kong
pagsisinungaling. Sana hindi naman ako mautal at baka mahalata ako ni Tita na
nagaalibi lang.
“Bulacan? Yes sa Bulacan nga ang province namin hijo. Pero
Vince? Vincent Rivera? Wala akong pamangkin na ganyan ang pangalan.” Nagulat
naman ako sa sinabi ni Tita. Ewan ko pero mistula akong natigilan at nabusalan
sa sinabing iyon ni Tita. Nanlamig ang aking mga pawis at tila nakakaramdam ako
ng ibayong kaba sa mga oras na iyon. Paano nangyari iyon? E ang sabi sa akin ni
Colby ay pinsan niya daw si Vince. Paano nangyari na walang kilalang Vince si
Tita?
“Eh.. Iyon po ang sabi niya Tita e, pinsan niya daw po iyong
tropa kong Vince ang pangalan.”
“Hijo, wala talaga siyang pinsan na Vince ang pangalan. Teka
tatawagan ko si Colby” Excuse ni Tita sabay pindot ng kanyang cellphone ngunit
kagaya ng kanina ay no answer pa din si Colby. Hindi ko alam pero nakakamoy ako
ng hindi maganda sa araw na ito. Grabe ang kaba ng mga puso ko mga dre sa hindi
malaman na dahilan. Wait, ang sabi ni Colby ay pinsan niya daw si Vince? So
paano nangyaring walang pamangkin si titan a Vince ang pangalan? “Hijo, no
answer e. Sayo din ba?”
“Yes Tita, kanina ko pa po siya tinatawagan e.”
“Ah. E baka iyong isang cellphone niya ang hawak niya.”
“Ahh ganun ba tita? Kunin ko na lang po iyong number niya sa
isang phone niya at ako na lang po ang tatawag.” Pag-iinsist ko kay Tita.
Pinakita niya sa akin ang list of contacts niya sa cellphone niya at pinakopya
sa akin ang isa pang numero ni Colby. “Ayan ang isa pang number ni Colby, kapag
hindi ko kasi siya ma-contact sa isang number niya ay dyaan ko siya
tinatawagan.”
Ngunit hindi ko na nakuha pang sumagot sa sinabi ni Tita.
Tila nanlaki ang mga mata ko sa nakitang nag-pop-up sa screen pagka-dial ko sa
numerong ibinigay ni Tita sa akin. Parang tumigil ang pagtakbo ng oras nung
makita ko ang lumabas ang sa scree. “VINCE” ang pangalang lumabas sa aking
screen noong pinindot ko ang call button sa number ni Colby na binigay sa akin
ni Tita. Paano nangyari iyon? Paano nangyari na ang numerong ibinigay ni Tita
na sinasabi niyang numero daw ni Colby ay naging pangalan ni Vince.
Namalayan ko na lang na naglalakad ako sa labas ng bahay
nila Colby. Tila wala sa sarili at hindi alam kung saan pupunta. Ang
pagkakaalam ko ay kumaripas ako ng takbo pagpakita ng ngalan ni Vince sa
binigay na mga numero ni Tita. Totoo ba to? Don’t tell me, don’t tell me, si
Colby na kaibigan ko at si Vince na nakatext ko at naging boyfriend ko ay? No.
Hindi maari!
Naupo ako sa isang bench sa may mini park sa subdivision.
Chineck ko ulit ang cellphone ko kung tama nga ba ang nakita, I checked my call
log ngunit katulad nang kanina ay tama ang aking nakita. Napahawak ako sa aking
mga noo at nagsimulang umiyak. Shit! Naloko ako? For almost 3 months na katext
ko si Colby at naging kaibigan ko pa siya sa klase, naloko ako?! Shit! Ansakit.
Alam niyo iyong pakiramdam nang akala mo na dumating na iyong taong magbabago
at magpapasaya sa iyo? Ngunit malalaman mo na biro lang pala ang lahat at
nakukubli lamang lahat sa napakaraming kasinungalingan?
Ako: Shit! Manloloko ka! Bistado ka na!
Text ko sa kanya habang umiiyak ako. Halos hindi ko na
maaninag ang tinatype ko sa cellphone dahil sa kapal ng mga luha na dumadaloy
sa aking mga mata. Grabe?! Paano nangyari iyon? Paanong siya si Vince?! Ang
sabi niya sa akin dati sa pag-iintroduce niya ng kanyang sarili ay nakita niya
raw ang numero ko sa isang facebook page. Ngunit bakit hindi siya nagpakatotoo?
Kung talagang mahal niya ako? Bakit siya nagsinungaling? Bakit kailangan niya
ako lokohin. Kaya pala! Kaya pala ayaw niyang makipagkita sa akin dahil siya
pala si Colby, at gumamit pa siya ng ibang picture sa facebook ah? Isa ka ding
tanga Tristan e! Bakit sa simula pa lang ay hindi mo agad nalaman na poser ang
nasa harap mo! E di ako ang dehado ngayon?
Nagaakala na nandyan na ang taong para sa akin ngunit tila pinaglalaruan
ako ng tadhana. Alam mo iyong pakiramdam na binigyan ka ng isang kendi na wala
namang laman, yung sabik na sabik ka nang angkinin ang isang bagay ngunit isa
lang pala itong biro? Yung pakiramdam na nanalo ka nang sampung milyon sa lotto
tapos biglang sasabihin sayo na ‘joke lang’ ang lahat. Ganun, ganung kasakit!
Habang nakatakip ang aking mga braso sa aking mga mata ay
naramdaman ko ang tulo ng tubig sa aking balikat. Umaambon pala. Hanggang sa
lumakas ang ulan. Basang basa na ako sa aking kinauupuan ngunit wala na ako
pakielam. Ang tanging tumatakbo sa aking isip ay ang pangloloko ni Colby.
Taena! Ang sakit! Taena paasa siya!
Maya maya ay napansin ko na tila wala nang ulan dahil wala
nang tubig na lumalapat sa aking balat. Ngunit naririnig ko pa rin ang ingay ng
malakas na ulan. Sa palagay ko ay may tao sa gilid ko na may daladalang paying.
Hindi kaya? Hindi kaya? No! Hindi niya magagawa iyon. Hanggang sa naramdaman ko
na lang na may yumakap sa akin, umiiyak.
“Tristan, patawarin mo ako.” Mahinang sabi ng lalaking
yumakap sa akin. Di kalaunan ay naaninag ko rin ang kanyang mukha. And there he
was, si Colby, ang lalaking nagpaikot ng lahat. Pagkaaninag ko ng kanyang mukha
ay tinulak ko siya mula sa pagkakakayakap sa akin dahilan upang matumba siya sa
sahig ng mini park.
“Tang ina mo! Lumayo ka! Manloloko ka!” Umiiyak kong tugon.
Shit! Just come any closer Colby then I will hit you! Swear.
“Tristan, let me explain. Hindi ko ginusto ang lahat ng
ito.” Pakiusap niya. Shit! Hindi ginusto? Tang ina! Hindi ginustong maloko ako?
“Hindi ginusto Colby?! Hindi mo ginustong maloko ako? Na
umasa ako? Tang ina!” Bulyaw ko sa kanya.
“Ano? Are you happy now na nasasaktan
ako? Na umiiyak ako? Masaya ka na? Huh?”
“Huwag mo sabihin iyan Tristan. Hindi lang ikaw ang
nahihirapan. Everyday I suffer, binabagabag ako ng
konsensya ko sa tuwing
kinikilig ako sa mga lambingan natin, akala mo nakukuha kong magenjoy? Hindi!”
Umiiyak niyang tugon. Hindi ka nag-enjoy? Talaga lang ha? At ikaw pa may ganang
manumbat ngayon? I’m the victim here!
“Hindi mo nakuhang mag-enjoy? Sus! Ikaw ang lumagay sa
kalagayan ko ha?! Ikaw kaya yung umasa, na may mahal ka? Tapos malalaman mong biro lang pala? Na lahat
kasinungalingan lang? Di ba masakit? Di ba masakit Colby? Tapos iyong minamahal
mo palihim na pa lang nagte-take advantage sa iyo?! And worst gumamit pa ng
fake identity para ano? Para lokohin ako?! Para saktan ako?!”
“Hindi iyon ang intensyon ko Tristan, maniwala ka.”
“Hindi mo intensyon? Oh come on.!” Sarkastiko kong sabi.
“Kung hindi mo intensyon? Bakit sa simula pa lang hindi mo na inamin? Bakit sa
simula pa lang hindi mo na itinigil iyang kagaguhan mo ha?! Magsalita ka!
Tangina.” Bulyaw ko sa kanya. Susuntukin ko sana siya sa sobrang galit ko pero
parang may pumipigil sa akin. Konsensya ba to? O dahil sa minahal ko din siya?
“Continue Tristan, I deserve it.” Hindi ko alam pero
pagkasabi na pagkasabi niya ng katagang iyon biglang may awa akong naramdaman
para kay Colby.
“Arrrrrgggghhhh! Starting now! Break na tayo! Kung ano man
ang mayroon tayo noon noong nakakubli ka pa sa katauhan ni Vince. Forget it
all!” Tugon ko sabay pahid nang luha na dumadaloy sa aking mga mata. Tumakbo na
ako mula sa bench na kinauupuan ni Colby.
Ang sakit! Napakasakit maloko at umasa! Sa una pa lang
sinasabi ko na, hindi ako mapili hindi ako pihikan, bakit niya pa kailangang
magtago sa isang pekeng katauhan dahilan upang maloko ako. Still now I cant
imagine kung paano iyon nagawa ni Colby. Kung paano naging kumplikado ang
lahat. Kanina parang may naguudyok sa aking alamin kung bakit niya nagawa iyon
pero wala na akong pakielam! Ang alam ko, ako ang naloko, ako ang nasaktan, ako
ang biktima rito.
Colby’s Point of
View:
Umuuwi ako ng bahay ng luhaan. Bakit ba kasi ganito? Bakit
ba kasi sa simula pa lang tinago ko na? Tama siya, tama si Tristan. Dapat sa
simula pa lang ay tinigil ko na. Sana sa simula pa lang ay inamin ko na. Hindi
na sana naging kumplikado, wala na sanang nasasaktan.
Umakyat ako sa kwarto nang basang basa, tila hindi ko na
naririnig ang mga tao sa paligid ko. Alam kong nandoon sila mommy , si ate at
si Karen sa dinner table, alam ko rin na tinatawag ako ni mommy pero tila wala
na akong pakielam, kumaripas ako ng takbo paakyat sa kwarto ko at nilock ko
ito.
Hindi ko na nakuha pang magpalit nang damit o asikasuhin ang
sarili pagkapasok ko ng kwarto. Humiga ako sa kama nang basang basa galing sa
ulan. Ang tanging umiikot lang sa isip ko ay si Tristan. Ang lahat ng mga
pang-gagago ko sa simula pa lang. Pero di ba? Hindi niyo naman ako masisisi?
Kahit naman siguro sinong lalaki o babae ang lumagay sa kalagayan ko na laging
rejected ay gagawin din ang ginawa ko e. Hindi ko rin naman sinasadyang
pagkaitan ng height at looks. Kung magpakatotoo naman ako, andyaan yung harap
harapan akong aayawan. Kung tutuusin mas masakit e. Araw araw kong
pinagdudusahan lahat. Oo, kinikilig ako pero laging humahalo sa aking emosyon
ang lungkot na nadarama ko, ang pangbabagabag ng konsensya ko.
Oo nga at maaring maintindihan ko ang sarili ko sa dahilang hindi ko naman
ginusto na laging matangihan nang mga taong nagugustuhan ko. Ngunit labis akong
nakokosensya at pakiramdam ko ay napakasama kong tao sa tuwing naiisip ang
kalagayan ni Tristan, napaasa ko siya, sa aking palagay ay daig ko pa ang isang
babae na binusted ang lalaki, sa aking ginawa I think it was worse than that.
Napagdesisyunan kong i-text si Tristan upang ipaliwanag sa
kanya ang lahat, na may dahilan ako kung bakit ko ginawa ang lahat.
Ako : Tristan, I
know nasaktan kita.
Hindi
mo alam kung gaano ko pinagsisihan ang lahat.
I know
walang kapatawaran ang panlolokong ginawa ko.
Pero
sana hayaan mo naman akong sabihin ko sau to.
Hindi
ko ginusto ang lhat Tristan, kung alam mo lang.
Lagi
akong natatangihan kaya napilitan akong itago ang
Sarili
ko sa isang fake identity. Nang magkatext tayo hindi ko inaakala
Na
lalala at magiging kumplikado ang lahat. At lalo na noong nalaman kong
Kaklase
kita. Sabihin man nating nakakaramdam ako nang saya
Pero
Tristan, hindi ko makuhang maging masaya.. dahil sa ginagawa ko
Naloloko
kita, pero wala akong magagawa, mahal kita e.
And
that’s the only way, kung may mas tama man. Sorry
Kung
hindi ko agad naisip. I still love you Tristan. Hindi mo man
Ako
ituring na kaibigan o batiin, humihingi ako ng tawad sayo
Sorry ,
sorry, sorry :’(
Nasa ganoon akong pagiyak nang biglang may kumatok sa
kwarto ko.
“Colby?” Si Ate Grace.
“Ate? Bakit?” Cold kong tugon sa kanya, wala pa ako sa mood
dahil sa nangyari.
“Papasukin mo ko Colby, usap tayo.”
“No ate! Not now.” Pag-dedecline ko sa request niya. Gawd!
Ate wag mo ko sabayan ngayon ha?!
“Colby? Papasukin mo si ate.” Mahinahon na sabi ni ate.
Namalayan ko na lang ang sarili na binubuksan ko ang pinto. Ewan ko, pero sa
pananalita nia ate ay hindi ako nakaramdam na maguutos siya o pagagalitan niya
ako dahil hindi ko sila pinansin nila Mommy sa pagtawag sa akin.
Labis kong ikinagulat dahil pagkabukas na pagkabukas ko nang
pinto ay bigla akong niyakap ni Ate Grace ko. Teka, teka, teka? Don’t tell na
may alam siya. Shit! Walang alam ang pamilya ko na bakla ako at ayaw ni Mommy
na maging ganoon ako.
“Pwede kang magpa-comfort kay ate ha?” Malambing na alok ni
Ate. Ewan ko pero parang nanibago ako sa nakakatandang kapatid. As far as I
know, hindi kami ganung ka-close ni Ate, pero bakit parang basang basa niya ang
nasa utak ko? Bakit tila alam niya kung ano ang nararamdaman ko?
“Salamat ate.”
“Si Tristan ba?” Tila nagulat naman ako sa kanyang sinabi.
Huwwwaatt? Alam niya?! I mean, alam niya na ganito ako?!
“Huh?” Nagtataka kong reaksyon.
“Don’t worry Colby, basang basa kita, dati pa.” Kitang kita
ko na natatawa si ate at parang cool na cool lang sa sinabi niya. Exhale. Sa
wakas, parang nakahanap ako ng isang kakampi kay ate. At least, kahit siya
tanggap niya ako. “So, siya nga ba ang problema?”
Napatango na lang ako.
“Kayo na ba?” Huh? At paano naman kaya nakakuha ng idea
itong si Ate na ganun din si Tristan?
“Ate? Ahh. Paano?” Nauutal kong tanong sa kanya.
“Paano ko nalaman na katulad mo rin si Tristan?” Sabat nang
manghuhula kong ate ^__^ haha.
“Opo.”
“Hehe, bestfriend ko ang naging boyfriend niya before sa
computer department kaya alam ko.” Ahh
kaya pala. Hindi ko na inusisa pa ang lahat ng kwento ni ate.
At ikinwento ko nga kay Ate ang lahat lahat. Tutal alam niya
na naman ang lahat lahat kaya isiniwalat ko na sa kanya. Noong una ay bahagya
siyang nagulat sa mga sinabi ko, sabi niya talagang masakit naman daw talaga
ang ginawa ko, pero sa kabilang parte ay naiintindihan niya din ako, kahit
naman daw siya kung ganoon ang kalagayan at ganoong “ka-desperado” at talagang
sinabi nang impakta kong ate na desperado ako hahaha. At yun nga, ganun din
naman daw ang gagawin niya incase na siya ang nasa kalagayan ko. Pinayuhan din
ako ni ate na normal lang naman daw ang magalala at ma-guilty ako sa simula,
dapat lang daw na lawakan ko ang pang unawa ko at intayin na lumambot ang puso
ni Tristan sa akin. Lahat naman daw kasi ng tao nakakapagpatawad.
“Are you sure okay na?” Pangangamusta ni ate bago siya
lumabas nang kwarto ko.
“Okay na ako ate, salamat talaga.”
“Anything for you Colby, basta ha? Kakausapin ko na rin si
Tristan para sayo.”
“Thank you ate.” At naluha na naman ako nang bahagya sa
sinabi ni Ate. Thanks to God at nandito din ang ate ko para sa akin, at least
kahit papano ay may pwede akong mapag-unloadan sa tuwing may problema ako,
gayong naiintindihan niya ako.
Sa buong gabing iyon, wala na akong ibang inisip kung hindi
si Tristan at ang pagkakatuklas niya sa katotohan. Teka, teka, teka? Paano niya
naman kaya nalaman ang lahat? Hinuhuli niya lang ba ako? May nagsuplong ba sa
kanya? Ang kaunaunahang tao lang naman na nakakaalam ng sikreto ko ay si
Nerrisse, pero ang payo naman sa akin ni Nerrisse ay sabihin ko daw mismo kay
Tristan ang lahat dahil mas magiging mahirap ito kung sa iba pa nito malalaman. Hindi naman siguro
si Nerrisse. At wala rin nabangit si Ate Grace kung bakit nalaman ni Tristan ang lahat.
Sa ngayon, isa lang ang pinagiisipan ko. Nasa subdivision
namin noon si Tristan, at oo nga pala! Ang usapan namin ay pumunta siya sa
bahay bago magalas-8 nang gabi upang pumunta kami sa pekeng Bulacan trip na
iyon >.<, sa aking palagay ay sinabi ng kung sino man sa bahay na wala
akong pinsan na “Vince” ang pangalan at hindi ako nagpaalam na pupunta ng
Bulacan.
Monday nang umaga habang sabay sabay kaming kumakain nang
almusal nila mommy, ate at si Karen. Mukha akong engot na nakatungo at hindi
pinapahalata ang pamumula at pamamaga ng aking mata sa kakamukmuk this weekend
dahil nga sa bunyagang nangyari. Napansin ni mommy ang asta kong iyon.
“Colby? Bakit ka tutungo-tungo? Wala ka bang gana? Ang hina
hina mo kumain this weekend ah? Minsan nag-sskip kapa ng meals. Ano bang
problema? May sakit ka ba?” Pagaalala ni mommy, oo mommy may sakit ako, may
sakit ako sa puso, not literally.
“Ahh mom, wala po.” Tipid kong sagot.
“Okay anak, pero kung ano mang nangyayari nandito lang ako
ah?” Pagaalala ni mommy, nako mommy, makukuha mo pa kaya akong pagalalalahan
kapag nalaman mo kung sino ang iniiyakan ko? Sinuklian ko na lang si Mommy nang
isang pilit na ngiti. “Siya nga pala Grace, di ba kaibigan mo si Tristan. Bakit
nga pala siya umalis nung Friday night noong binigay ko iyong number nitong si
Colby?” Whhhattt? Ikaw ang nagbigay nang number na iyon mommy. Pssshhh -__ - ,
alam nga pala kasi ni mommy ang isa kong number dahil ito ang ginagamit kong
number noon na still active pa rin ngayon na naging exclusive lang sa family
members namin at kay Tristan, pero masisisi ko ba si Mommy? From the very
start, I know it was all my fault. Kapansin pansin kay Ate ang pagkabigla sa
tanong ni mommy, at tulad ng naramdaman ko, nakakuha rin siya ng clue kung
paano nalaman ni Tristan ang lahat.
“Ahhh. Ganun ba mommy? Hindi ko po alam e, pero baka
nakatanggap lang iyon ng emergency text kaya umalis agad.” Pagaalibi ni ate.
“Ok, o sige una na kami nitong si Karen ah? Ihahatid ko pa
to sa school? Gusto mo na bang sumabay Colby?” Pag-ooffer ni mommy.
“No, mom, magcocommute na lang ako, may dadaanan pa ako sa
mall.”
Napagdesisyunan ko na pumunta muna sa mall para bumili ng
peace offering para kay Tristan. Magwowork kaya? Bahala na, ang tanging nasa
isip ko lang ay gusto kong mapatawad niya ako. Kahit hindi ganung kadali gusto
ko sanang subukan.
So I decided to buy a basketball, favorite sport niya kasi
ang basketball.
Pumasok na ako sa university dala dala ang peace offering
para sa kanya. Hindi ako nakapagensayo kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya,
ang tanging alam ko lang ay bukal sa aking kalooban ang dalawang salitang “I’m
sorry” ngunit hindi ko alam kung handa niya itong tangapin.
Nangangatog akong pumasok sa classroom, pakiramdam ko kasi
ay wala akong mukhang ihaharap kay Tristan. Ngunit napansin ko wala pa si
Tristan sa kanyang upuan. Napansin agad ako ni Nerrisse at sinenyasan ako na
umupo sa tabi niya.
“Teh? Hindi ka na nagtext? Anyare?” Nagaalala niyang tugon,
hindi ko nap ala nakuhang itext nun si Nerrisse sa sobrang dami nang iniisip ko
at sa sobrang lungkot ko.
“Wag natin pagusapan dito.” Sabi ko, In a cold way.
“Sorry. Sige mamaya na lang.”
Natapos ang unang subject namin ngunit wala pa rin si
Tristan. Nagsimula na akong magalala na baka may kinalaman ako sa pagabsent
niya sa first subject, well siguro nga dahil baka hindi siya makapagpigil at
ma-reminisce sa utak niya ang lahat ng pangloloko ko at masapak or makapagsabi
lang siya ng hindi maganda sa akin.
Pumunta kami ni Nerrisse sa school canteen para pagusapan
ang nangyari.
“Teh? Ano nang nangyari?” Mahinahon niyang tanong sabay
hawak sa mga kamay ko. Ngunit imbis na sagutin ko siya ay dumaloy ang mga patak
ng luha sa mga mata ko. Niyakap ako ni Nerrisse at niyakapos sa likuran.
“Sorry, tinanong ko pa. Its okay.” Pagco-comfort niya.
“Teh. Ang sakit. Ang sakit pala na nakakasakit ka, lalo na
kapag alam mong mahal mo iyong nasaktan mo.”
“Psssshhh. It’s okay. Iiyak mo lang Colby. Again, hindi mo
ginusto ang lahat.”
“Teh, hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako sa mga
pangloloko ko. Teh, hindi madali para sa akin e. Kung mapatawad niya man ako,
tiyak may mawawala. Parang hindi ko kaya,.” Naluluha kong tugon, shit!
>.< Bakit ba kasi ganito? Ang hirap tanggapin sa kalooban na baka hindi
na maging maayos ang lahat? :’(
Nanatili pa ring nakayakap sa akin si Nerrisse hanggang sa
isang pamilyar na boses nang lalaki ang pumutol sa pagiyak ko..
“Excuse me, Nerrisse. Tawag ka ni ma’am sa faculty.” Shit!
Si Tristan.
“Ahhh… Ehh.. Sige pupunta na din ako.” Sambit ni Nerrisse.
Tinignan ko si Tristan at tila nagmakakaawa ang aking mga titig sa kanya.
Tinitigan niya din ako, ngunit tulad ng inaasahan ko, inismiran niya lang ako.
“Dito ka lang muna teh, babalik ako agad.” Pagpapaalam ni
Nerrisse.
“Okay sige teh.” Sambit ko. “Tristan.” Tawag ko kay Tristan.
Shit! I want to talk with him, but, I know hot it hurts. Hindi niya ako
nilingon. Tinignan ako ni Nerrisse at parang sinasabi sa kanyang mga titig na,
“not now”.
Hinintay ko si Nerrisse sa canteen, still naluluha pa rin
ako dahil sa hindi pag lingon ni Tristan sa tawag ko. Malamang sa malamang
hindi niya ako lilingunin, masakit ang nagawa kong pagsisinungaling, kahit ako
ay nararamdaman kung gaano kasakit ang nagawa ko sa kanya.
Bumalik si Nerrisse dala dala ang isang masamang balitang
labis kong ikinagulat. :’(
“Teh, pinasamahan ako ni Tristan sa DSA, may kinukuha siyang
mga papers.” Balita sa akin ni Nerrisse.
“Anong mga papers naman?”
“Certificate of dismissal at saka TOR.” Tila nanlaki ang mga
mata ko sa narinig, ang pagkakaalam ko kasi ang mga estudyanteng gusto lang
mag-transfer ng university ang kumukuha noon. O.o
“So do-do y-you mean mag-t-transfer siya?” Nauutal kong
sagot.
“Oo teh, tinatanong nga siya kung anong dahilan ng ginawa
niyang desisyon pero ayaw niyang sabihin.” Shit! Bakit ba ganito? Bakit
kailangan pa madamay ang pagaaral niya? Bakit kailangan niya pa lumayo sa akin?
Ang sakit naman nun. Pakiramdam kong tuloy ay parang diring diri siya sa akin?
Haisstt T.T Oo naiintindihan ko masakit yung nagawa ko, pero sana maisip din
naman niyang nahihirapan ako :’(.
“Ah ganun ba?” Mahina kong tugon sabay patak nang mga luha
sa aking mga mata.
“Its okay.” Pagpapakalma sa akin ni Nerrisse.
“Bakit ba teh? Napakasama kong tao! Lahat na lang nadadamay
dahil sa kalokohang nagawa ko, pati pagaaral niya.” Mukmok ko sa kaibigan
habang hinaplos haplos niya ang aking mga kamay, tanda nang naiintindihan niya
ang pinagdadaanan ko. “Hindi ko na rin siya makikita.” Mahinang tugon ko kay
Nerrisse. F*ck! Lahat nang ito ay dahil sa kagaguhan ko, sana, sana pala ay sa
simula pa lang talaga tinigil ko na lang ang lahat nang ito. Lalo lang nagiging
mas naging mahirap sa kanya e, at mas naging mahirap sa kanya. T.T
“Okay lang yan teh. Malay mo, iyan talaga ang dikta nang
tadhana. Malay mo may rason ang tadhana kung bakit kailangan malayo sa iyo si
Tristan. Alam mo teh, kung kayo talaga nang tao, babalik at babalik siya kahit
na hindi mo siya diktahan o ang sarili mo, kung hindi naman ay dapat magtiwala
ka lang dahil dadating din naman iyong taong nakalaan talaga para sa iyo.”
Namangha ako sa sinabing iyon ni Nerrisse, tama nga siya! Siguro nga ay may
rason lang talaga kung bakit kailangan umalis ni Tristan sa university, siguro
para na rin sa ikabubuti namin.
Kaya napagdesisyunan kong isuko na lang siya, masakit man
ngunit ayaw ko na siyang habulin. Tama na ang
mga sandaling nakasama ko siya,
siguro nga ay hanggang doon na lang iyon. Siguro nga ay tama si Nerrisse na
hindi siya yung taong talagang para sa akin. Ngunit, may nagawa pa ako sa
kanyang kasalanan. Sana kahit hanggang doon lang ay makabawi ako. Kahit
mapatawad niya man lang sana ako.
Kinabukasan ng umaga, maaga akong pumasok kumpara sa normal
na oras nang pagpasok ko. Saktong sakto pagkapasok ko ng classroom namin ay si
Tristan pa lang ang tao ay tila may inaayos na mga papers sa isang brown
envelope. Nakakahiya man ay lumapit ako sa kanya nang nakayuko dala dala ang
basketball na binili ko para sa kanya bilang peace offering.
“Sorry Kausapin mo naman ako oh?” Nahihiya kong sabi sa
kanya. Napansin ko na napaangat ang kanyang mukha at tumingin sa regalong
binili ko para sa kanya. Hindi ko mapaliwanag yung expression niya. Maya maya
ay ngumisi ito at napailing na lang. Inismiran niya ako at tumayo siya sabay
lipat sa ibang upuan malayo sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya
sa ginawa niya, pero wala akong karapatan mainis, dahil kasalanan ko naman ang
lahat. Nagalit siya dahil sa akin at lilipat siya ng univeristy dahil sa ginawa
ko.
Lalapit pa sana ako sa kanya nang biglang nagdatingan ang
iba naming mga kaklase. Dumating na rin si Nerrisse at tumabi sa katabi kong
upuan. Binati ako nang iba naming mga kaklase ngunit parang wala ako sa
sariling tumatango na lang dahil nalulungkot ako na hindi pa rin ako mapatawad
ni Tristan.
Maya maya ay narinig ko na nagsalita ang mga tropa ni
Tristan, ang kasama niya sa pagdodota. Iyong kasama din namin noong nag-ghost
hunting kami sa retreat. Shet! Naalala ko na naman iyong retreat na iyon? Pero
bakit ganun? Hindi ko makuhang kiligin? Nasasaktan lang ako kapag naalala ko
iyon.
“Pare, balita namin lilipat ka na daw ng school?” Tanong ni
Rex, sabay akbay sa mga balikat ni Tristan.
“Ahhh oo e.” Si Tristan.
“Bakit naman?” Tanong ni John.
“Ahhhh, naalibadbaran na ako dito sa school niyo. Ang daming
mga CHAMELEON.” Confident na sabi ni Tristan at inemphasize pa talaga ang
salitang “Chameleon.”
“Chemeleon? Bakit? Forest na itong university natin pare?”
Tanong ni Rex sa kanya na tila walang kaalam alam sa sinabi ni Tristan na may
double meaning. Well alam ko naman na sa akin pinapatama iyon e. Ang sakit lang
na iyong mahal mo hinihiya ka dahil sa maling nagawa mo T.T
“Tanga! Ang ibig sabihin noon mga taong nagkukunwari,
mapanlinlang.” Pagsisimbolo ni John.
“ Nakakaitirita lang pare e, so mas maganda nang lumayas
dito.” Dagdag ni Tristan. Tama pala ako, ako pala talaga ang dahilan kung bakit
lilipat si Tristan. Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan na wag tumulo
ang luha. Tumingin sa akin si Nerrisse ngunit nginitian ko na lang to.
“Okay lang ako.” Bulong ko kay Nerrisse.
“Osige mga pare, una na ako. Kayo ingat din kayo baka maloko
kayo nang kung sino dito.” Nang-aasar niyang sabi. Oo na! Nasaktan ko na siya,
naloko ko siya, pero sana hindi ako ganung tao na nanloloko nang basta basta.
Hindi ko naman sinasadya e. Jusmiyo! Tristan, paano mo ba ako maiintindihan?
T.T
“F*ck!” Akmang tatayo na sana si Nerrisse upang sagutin si
Tristan ngunit hinila ko siya upang pigilan.
“Teh. Wag na, okay na ako.”
“Colby? Tignan mo kung anong sinasabi niya?! Hahayaan mo
lang na ganun? Hindi mo man lang dedepensahan ang sarili mo?! Oo mali ka, pero
hindi ka niya dapat ginaganun.” Pagtatangol sa akin ni Nerrisse, na-appreciate
ko naman iyon pero alam ko naman na naging ganun lang din si Tristan kasi nang
dahil sa akin.
“Please?”
“Okay. Basta teh. Isang isa na lang iyan..”
Lumipas ang hapon ng hindi ko na nakita si Tristan, hindi na
rin ito umattend nang klase. Tinetext ko rin ito n asana bigyan niya ako nang
pagkakataon magusap kami ngunit hindi siya nagrereply. Sinubukan ko din siyang
tawagan ngunit pinapatayan niya ako kapag nagda-dial ako.
Ako: Tristan, wag ka naman sana lumipat nang ibang school.
Text ko sa kanya at nagulat ako nang bigla siyang nagreply.
Tristan: Wala ka nang pakielam dun! Wag ka na nga magtext!
Burado na ang number mo dito.
Ang sakit naman nun. Pero wala akong magagawa. Galit siya
nang dahil sa akin. Wala akong karapatan magalit din dahil magiging komplikado
pa and syempre sa isip niya ay napakasama ko pa rin. Napaluha na lang ako
pagkabasang pagkabasa ko ng message na iyon.
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay napagdesisyunan kong
gumawa ng isang letter. A goodbye letter. Kung saan ipapaliwanag ko na ang
lahat kay Tristan, na hindi ko din ginusto to, na hindi ako nag-take advantage
sa kanya, at higit sa lahat ay palalayain ko na lang siya at hindi na kukulitin
pa.
Dear Tristan,
Unang
una sa lahat, I want to say Sorry T.T , sa lahat ng kagaguhan ko na nagawa ko
sayo. I know, napakatanga ko na hindi ko agad inamin sa iyo at tinigil ang
kagaguhang ginawa ko pero wala akong magagawa, dahil doon mo lang ako sa
mamahalin, sa pekeng identitiy na iyon.
Sa
simula Tristan, hindi ko alam na magiging ganitong kakomplikado ang lahat.
Kahit naman siguro sino ay may tinatagong katauhan na hindi nila pwedeng
isapubliko dahil baka may makakilala, lalo na’t sa kalagayan ko. Pero hindi
iyon ang dahilan ko Tristan, maaring isa lang iyon, ngunit ang pinakadahilan ko
ay lagi akong ni-rereject. Ang hirap din nang kalagayan ko noon, kaya napilitan
akong itago ang sarili ko sa larawang hindi naman ako, sa identity na malayong
malayo sa tunay kong katauhan. Hindi ko sinasabi to Tristan para kaawaan mo ko
at balikan mo ko, ang dahilan ko kung bakit ko sinasabi ay dahil gusto kong
maliwanagan ka. Na hindi lahat ng bagay ginusto ko, hindi ng lahat ng ito
nangyari ayon sa kagustuhan ko. Nagmahal lang talaga ako Tristan, at
nalulungkot ako at nakokonsensya dahil gumamit ako nang dahas para makuha ka
upang mahalin ka. Noong oras na magka-text tayo, wala akong idea na magiging
kaklase kita, pero dineny ko sayo na dito lang ako sa maynila nagaaral dahil
natatakot ako na makita mo ko, natatakot na baka ayawan mo ako at nakakasa na
ang katauhan ko kay Vince at sa litratong ni hindi ko kilala. Gulat na gulat
ako noong malaman kong magkaklase tayo, aaminin ko, naging masaya ako, ngunit
sa loob loob ay nasasaktan, nakokonsensya at nahihirap kung ano ang mangyayari sa
oras na malaman mo ang lahat. Nang maging tayo, hindi ko na ininda ang
sikretong hawak ko. Napaka-selfish ko pala, ako kaharap ko na ang boyfriend ko,
ngunit ikaw umaasa na mayroong boyfriend na malayong malayo sa akin. And for
that I’m very sorry :’(
Sa
natuklasan mo, totoo na ako si Vince. Ang pagkakamali ko lang ay tinago ko pa
ang sarili ko sa pekeng katauhan. Ngunit sana tandaan mo Tristan, mahal na
mahal po kita. Maybe naloko kita sa aking pisikal na anyo ngunit hindi nang
nararamdaman ko. Itong nararamdaman ko? Totoo ang lahat ng ito, minahal kita
Tristan.
Hindi
ko na hinihiling na ibalik ang dati Tristan, wala na akong mukhang ihaharap sa
iyo. Nahihiya ako sa mga katarantaduhang ginawa ko. Ang tanging hiling ko lang
ay sana mapatawad mo ako. Iyon na lang at para na rin sa ikakapantag mo,
titigilan na kita sa pangungulit ko sa iyo.
Maraming
maraming salamat Tristan, mali man ang naging takbo ng love story natin,
mananatili ka pa rin sa alala-ala ko. Sorry ulit, sana hindi mo na ako kamuhian
Tristan. Sorry :’( Mahal na mahal kita.
-Colby
Hindi ko mapigilan ang patak ng luha ko habang sinusulat ko
ang goodbye letter na iyon. Naninikip ang dibdib ko habang sinusulat ko ang
letter na iyon. Natuluan din nang patak ng aking mga luha ang papel dahilan
upang mag-leak ang tinta nito sa papel. Sobrang bigat kasi ng nararamdaman ko,
nagpapaalam na ako sa taong minahal ko, dahil sa ginawa kong kagaguhan.
Masakit? Sobra!
Kinabukasan, maaga ulit ako pumasok upang ilusot ang aking
goodbye letter sa maliit na butas nang locker ni Tristan. Nilagay ko naman sa
tapat ng locker niya ang basketball na binili ko bilang peace offering sa
kanya. Sana naman ay mabasa niya iyon :’( Kahit sana iyong paghingi ko nang
tawad ay tanggapin niya. Kahit iyon lang. :’(
Sa maghapong iyon ay hindi ko na nakita si Tristan. Ang sabi
naman ng mga kaklase kong lalaki ay nakita daw nila ito sa may locker niya at
naghahakot na ng mga gamit niya doon. Ang sabi naman ni Nerrisse ay napansin
niya daw ito sa may bench malapit sa gate na may kausap na babae, hindi niya
lang naaninag ang babae dahil malayo daw siya. Nakaramdaman ako ng konting
selos sa sinabi ni Nerrisse kahit na hindi ko alam kung sino ang babaeng iyon.
Sa mga sumunod na araw ay napansin ko na hindi na pumapasok
si Tristan. Sobra sobra ang lungkot na nararamdaman ko mga ateng! Binabagabag
din ako nang konsensya ko dahil sa nagawa ko ay nagawa niyang mag-transfer at
paniguradong malaki ang magiging epekto nito sa pagaaral niya. Hindi niya pa
kasi tapos ang first sem at mahirap pumasok as octoberian sa kahit saang
university. Labis din ang pagaalala ko sa kanya, ngunit hindi ko na siya tinext
tulad ng pinangako ko sa kanya sa goodbye letter na ginawa ko na hindi ko na
siya kukulitin pa. Sana man lang ay nabasa niya iyon. :’(
Hanggang sa dumating ang araw ng sabado, hindi na
nagpaparamdam si Tristan, kahit sa text at hindi na rin talaga ito pumapasok.
Malungkot at masakit man sa kalooban ay tinangap ko na rin ang desisyong ginawa
ni Tristan. Siguro’y tama nga si Nerrisse, dapat lang siguro na lumipat na ng
university si Tristan para na rin sa ikabubuti ng bawat isa sa amin. Salamat
kay Ate Grace at Nerrisse na laging nandyan kapag alam nilang nalulungkot ako
at kapag kailangan ko ng comfort.
Sabado ng gabi habang nakikinig ako ng kanta sa aking phone,
tumugtog ang kantang kinanta sa akin ni Tristan noong nasa bench pa kami ng
mini park ng subdivision namin.
PAALAM (SILENT SANCTUARY)
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Kung may bago ka nang mamahalin
Wag kang mag alala ako ay masasanay rin
Parang kahapon lang tayo’y magkasama
Naging isa na syang ala-ala
Mula ngayon araw-araw ng mananalangin
Na sana’y lagi kang masaya…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Paalam na…
Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang
Ang iyong wagas na pag-ibig
Di na kita kukulitin…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din a
Mabubuhay pa…
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Kung may bago ka nang mamahalin
Wag kang mag alala ako ay masasanay rin
Parang kahapon lang tayo’y magkasama
Naging isa na syang ala-ala
Mula ngayon araw-araw ng mananalangin
Na sana’y lagi kang masaya…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Paalam na…
Sa mga yakap at halik
Sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang
Ang iyong wagas na pag-ibig
Di na kita kukulitin…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din na
Mabubuhay pa…
Paalam na sa ating pag-ibig na
Minsa’y pinag-isa…
Paalam na sa mga pangakong din a
Mabubuhay pa…
Noong una ko itong napakingan na kinanta ni Tristan,
lumulundag ang puso ko sa saya ngunit ngayon tila nagiging applicable na sa
akin ang lyrics. Wala mang bagong mamahalin si Tristan tulad nang nakasaad sa
kanta, tila tumatama naman sa akin ang mga salitang “..bakit hinayaan? Sinayang
ko lang ang iyong wagas na pag-ibig.” Talagang nasayang ko lang ang pag-ibig na
inalay niya para sa akin, dahil sa ginawa kong kalokohan, nasaktan ko si
Tristan dahilan upang iwanan niya ako. T.T Ang hirap ang sakit. Pero sinasabi
ng utak ko tama lang siguro iyon, siguro iyon na ang ‘karma’ ko, ang masaktan
ako, well sa simula pa lang alam ko na naman na iyon ang kahahantungan ko.
Habang nagmumuni muni ako, narinig ko naman ang katok ng
kasambahay namin na si Manang Sita sa aking kwarto.
“Sir Colby? May tao po sa labas, kayo po ang hinahanap.”
Huh? Sino naman kaya iyon? Alas-8 nang gabi may maghahanap sa akin? Sino naman
kaya iyon? Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko.
“Sino daw po manang?” Nakakapagtaka lang kasi e, alam ng mga
classmates ko nung high school ang bahay ko pero wala namang pumupunta sa amin
ng ganung kagabi.
“Ayaw magpakilala e, basta lalaki siya sir.”
“Ahhh sige I will go downstairs na lang manang.” Maarte kong
sagot. Hindi ko alam kung sino ang bisita na iyon pero ang lakas ng kabog ng
dibdib ko, how I wish siya na, kailngan na kailangan ko siya, especially, sa
pinagdadaanan ko ngayon, pero mukhang malabo.
Agad agad akong nagayos nang sarili at nagmamadaling bumaba
upang tignan kung sino ang bisitang naghihintay sa akin sa labas ng gate namin.
Ewan ko ba ngunit parang hinhila ang aking mga paa papalapit sa gate namin.
Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko sa oras na iyon sa hindi ko
malaman na dahilan, e hindi ko pa naman nakikita kung sino ang taong
naghihintay sa akin sa labas ng gate.
Nang marating ko na ang gate namin dahan dahan ko itong
binuksan. Pagkabukas na pagkabukas ko ng aming gate ay tila nanlaki ang mga
mata ko sa nakita..
-
I T U T U L O Y
-Torrid scene on chapter 8? Comment kayo guys .
-New Character on chapter 9 =))
kainis net ko! hahaha di ata napost ung una kong comment kanina! >.<
ReplyDeleteambigat sa pakiramdam ng chapter na to :'(
grabehan un mga ngyayari. sakit sa dibdib..
Sino kaya ung bumisita? Sana si tristan. wew! can't wait! thankee Niel sa chapter na to! ^_^
hello leigh :))
Deletethank you din ^_^
yung bumisita? di ko pa alam haha. jokes.
ganda talga ng story na to kaabang abang kada chapter!:) galing ng author!
ReplyDeletethanks po :*
Deletegrabe sobrang nadala ako sa chapter na ito. I'm sure ganoon din ang nararamdaman ng iba pang silent readers.
ReplyDeleteAng galing galing mo tlaga Mr. author!
Sa lahat ng stories ng pinopost d2 ito tlaga ang inaabangan ko haha...
Thanks for sharing this very wonderful story.
thank you daredevil :)) i promise po na mas mabibigat pa sa dibdib yung mga susunod hehe ^_^ thanks po ..
DeleteAy salamat my update na ang tagal ko to hnintay ganda kasi nito hahaha magbabasa muna ako
ReplyDeleteAy salamat my update na ang tagal ko to hnintay ganda kasi nito hahaha magbabasa muna ako
ReplyDeleteThanks po ^_^ take your time lang po :))
DeleteAng sad..nagbabasa ko knina hbang nsa pool and naiiyak ako..ang saklap kc..dpat nagpakatotoo.sya
ReplyDelete.
Nagbabasa ako knina and ang bigat sa damdamin..naalala ko tuloy ex ko :'(
ReplyDeleteThanks for reading Lemuel, sorry for that.
DeleteMasakit talaga pag niloloko ka...sana mapatawad n ni tristan c colby.
ReplyDeleteRandzmesia of qc
Thanks Randzmesia :))
DeleteNiel, to be honest with u, di ko talaga makuha-kuhang tapusing basahin ang bawat chapter kasi parang di ko talaga ma.gets ang story. ang natapos ko lang ay yong nakikain si Tristan sa bahay ng ating bida. then random nalang. hayzt! i think i have to start again from the begng kung may time. parang maganda kasi talaga ito. lalo akong nagka.interest dahil sa koment ng one of my fave authors at idol ko na rin, MR. DAREDEVIL.
ReplyDeleteTnx Niel.
Welcome Junix :) thanks din for reading. Hehe, basta if may hindi ka mainitindhan contact mo lang ako sa facebook ko hehe ^_^ God bless :))
Deletehehehe.. Every chapter talaga ay kaabang abang ^^
ReplyDeleteAng bigat naman...
ReplyDeleteEffective talaga ang story.
Parang ayaw ko na tuloy ma-inlove. NEVER pa naman kasi ako na-inlove eh. Haha.
Baka 'yung totoong Vince ang bisita? Haha.
WONDERFUL story po. Nice! Keep it UP!
Joey-
Thanks Joey :) Wag mo pong isipin yun, masarap po magmahal pero kailangan lang ay handa kang harapin yung mga risk na kasama nito :)
DeleteNice author..lagi ko ito inaabangan!!
ReplyDeleteThanks po :)) God bless :)
Deletesino kaya yung bisita nya?
ReplyDeletesabi kasi nung maid eh ayaw magpakilala nung lalaki.
syempre yung maid kilala nya si tristan kasi nakapasok na dun sa bahay siya.
baka naman si RAFAEL.
o yung ex ni TRISTAN.
hahaha..
nkakadala ah.. kaabang abang..
ReplyDeleteganda ng story.. kakaexcite mga pangyayari.. nakakadala tlga mga eksena.. hai..
ReplyDeleteThanks Ryan :))
Deletekawawang colby tsk tsk ang hirap talagang mabuhay sa pagkukunyari.
ReplyDeleteYeah :'( Thanks for reading po :)
DeleteNIEL, bakit nga ba 318? Sana 14344 nalang or 214. pwede ring 7/11 haha. pakialamero talaga ako haha...
ReplyDeletehahaha sige lang junix :) basta may twist sa numbers na yan hahaha :D di lang nga ganung kabigat yung twist hehe :))
DeleteI'm so excited to read the next part :) how sad for Colby you should move on nalang and your bff will help you kasi diba dumating cia? (imagination ko lang lol)then you will fall once again sa bff mo then Tristan will realize how much he loves you pero mahal mo na c bff mo may love triangle at hahabulin ka ni Tristan at the end wahahaha I will wait for that makakabawi karin Colby...
ReplyDeletegood job Author i'm gonna wait for your next episode :)
keep up the good works !!!!!!
thank you :))
Deletei super love this story...sana mabilis ang update neto...
ReplyDeletethank you po :))
Deletebat wala po ung chapter 8??diko po mahanap.....
ReplyDeleteeloe po...bat diko po mahanap ang chapter 8 and so on and so forth nito???nakakabiin naman.....sana po may magbigay nalang ng link....sa mga taong maawain dyan..pls. nmn po bgay nyo na.....i super duper love this story...
ReplyDeletehello :) mayroon na po akong chapter 8.1, part 1 po iyon ng chapter 8 :)
Delete