Mabuti na lamang at nalagpasan ni Charito ang kaniyang Daily Sales Quota sa araw na iyon at talaga namang nawalan siya ng ganang magbenta dahil sa pang-aasar sa kaniya ng kanilang bagong pansamantalang Boss na si Sir Benedict.
Kahit
na ang kasamahan niyang si Myles ay dumistansya kay Charito't talaga namang
halatang-halata ang pagkaBadTrip nito. Alam ni Myles na talaga namang
nakakahiya ang ginawang pag bubuyangyang ni Sir Benedict ng mga Whitening
Secret ni Charito at ang nakakahiya pa'y may kasama pa itong Feminine Wash.
"Anong
tinatawa-tawa mo d'yan?!" Ang masungit na puna ni Charito sa kasamahan
nang makita niya itong may pigil na pagNgiti sa mga labi.
"Day!
Ang cute talaga ni Sir Benedict!!!" Ang malanding sambit ni Myles na lalo
namang ikinaBadTrip ni Charito.
"Tama
ka Gurl!!!" Ang biglang singit naman ni Sir Jerry na bigla na lamang na
sumulpot sa kanilang Area na ikinagulat ng dalawang SalesLady.
"Kala
ko ba bukas ka pa makikipagChikahan?!" Ang masungit namang tanong ni
Charito sa Beking Area Manager ng SM Departmentstore.
"Hay
naku Gurl! Malapit na naman tayong magOut eh! Tara magGoto tayo after!"
Ang masayang sambit ni Sir Jerry kay Charito at hindi nito pinansin ang pagsusungit
sa kaniya ni Charito dahil sanay na sanay na ito sa kasungitan ng di kaputiang
SalesLady.
"Maganda
yan!" Ang segunda mano kaagad ni Myles sa idea ni Sir Jerry habang inaayos
nito ang kanilang mga Products na pangDisplay at pangSample.
"Kayo
na lang at talagang nasira ang araw ko!" Ang galit na sambit naman ni
Charito sabay irap sa dalawa.
"WEH!!!
Ikaw pa!!! Well... Sabagay nga naman, Talagang nakakahiyang may makakitang Pogi
sa Feminine Wash mo!" Ang pang-aasar ni Sir Jerry kay Charito na ikinatawa
naman ni Myles.
"Mukhang
masaya kayo ah! Sino yung Gwapo kanina?" Ang biglang sabat naman ni Gwen
na SalesLady ng Cover Girl Cosmetics. Magkatabi lang ang Shu Eumura at Cover
Girl Booth sa SM Depatment Store.
"Yun
yung VP ng Operations ng Shu Eumura! Si Sir Benedict!" Ang proud na sinabi
ni Sir Jerry kay Gwen.
"Bakit
nandito?" Ang tanong naman ni Gwen.
"Eh
kasi..." Ang panimula ng pag-eExplain ni Sir Jerry kay Gwen tungkol sa
dahilan kung bakit nasa SM San Lazaro ngayon si Sir Benedict.
Natural
na sa Cosmetics Section ng SM Department Store na magChismisan ang mga
Empleyado kapag malapit na ang Closing Time dahil bihira nalang ang mga
customers na nagagawi sa kanilang Area.
Halos
manlaki ang butas ng ilong at humaba ang nguso nitong si Charito habang
naghihintay ito ng uwian dahil walang patid ang kuwentuhan ng tatlo at nauwi
ang kanilang topic sa kung gaano kaGwapo't kabata si Sir Benedict.
Parang
Detective na nakalap agad ni Sir Jerry ang halos lahat na ng personal
information ni Sir Benedict at walang humpay na ikinukuwento nito sa dalawang
SalesLady na kausap.
"Single!!!"
Ang hindi mapigilang maisambulat ni Myles nang ipinaalam ni Sir Jerry sa kanila
na wala pang asawa't girlfriend si Sir Benedict.
"Baka
naman gawa-gawa mo lang yan?!" Ang sambit naman ng hindi makapaniwalang CoverGirl
SalesLady na si Gwen kay Sir Jerry.
"GAGA!
Tinanong ko si Sir Benedict kanina! Ang bait niya at approachable!
PROMISE!" Ang tuloy-tuloy na sambit ni Sir Jerry.
Since
na under sa Area ni Sir Jerry ang Shu Eumura ay responsibility niyang tulungan
at magReport sa mga Officers ng Brand na katulad ni Sir Benedict.
"Asa
pa kayo! Kung magkakaSyota yun eh malamang na Model ang pipiliin nun!" ang
hindi mapigilang pagbasag ni Charito sa trip ng tatlo.
Kung
kanina'y halos ayaw marinig ni Charito ang mga informations ni Sir Benedict na
pinagkukuwentuhan ng tatlo ngunit makalipas lang ng ilang minuto'y hindi na
namalayan ni Charitong nakikinig na pala siya sa kuwentuhan ng tatlo tungkol sa
bago nilang pansamantalang Boss.
"Bakit
ang sungit mo ngayon?" Ang curious na tanong naman ni Gwen kay Charito.
"Ay
naku Day! Alam mo ba..." Ang banat naman ni Myles at walang prenong
ikinuwento nito kay Gwen ang ginawa ni Sir Benedict kanina sa supot ng Mercury
ni Charito.
Halos
mawala ang itim sa dalawang mga mata ni Charito habang naririnig niya ang
malulutong na tawanan ng tatlo.
"Kaya
Next Time eh iwan mo sa Locker ang mga anik-anik mo!" Ang natatawang
sambit ni Sir Jerry sa BadTrip na si Charito.
"Baka
himatayin ako kung mangyari sa akin yung ganoon!" Ang nasambit naman ni
Myles.
"Lalo
na't gwapo pa!" Ang bigkas naman ni Gwen.
"AT
MALAKI ANG NOTA!!!" Ang hirit ulit ni Sir Jerry na ikinahagikhik ng tatlo.
"Hay
naku! Titignan ko talaga ang bukol nun bukas!" Ang malandi't exicited na sambit
naman ni Gwen dahil talagang ibinida nina Sir Jerry at Myles ang nakita nilang
umbok kanina sa harapan ng pundilyo ng Slacks ni Sir Benedict.
"Walang
malay pa yun Day! DAKOTA TALAGAH!!!" Ang hindi mapigil-pigilang sambit ni
Myles na lalo pang ikinahagikhik ng tatlo.
"Nakita
mo ba yun Chai?" Ang panunuksong tanong ni Gwen sa nakangusong si Charito.
"CHE!!!"
Ang masungit na reply agad ni Charito sabay irap at talikod sa tatlo't lakad
papunta sa isang estante ng kanilang Cosmetic Products.
Habang
nagpapatuloy sa masayang Chismisan sina Sir Jerry, Myles at ang CoverGirl
SalesLady na si Gwen ay inabala ni Charito ang kaniyang sarili sa pag-aayos ng mga
Make-Up nila na pang Benta.
Ang
hindi alam ng tatlo'y may nakaguhit na pilyang ngiti sa mga labi nitong
Charito. Nakita din kasi ni Charito ang umbok sa slacks ni Sir Benedict at
talaga namang aminado si Charito na Dako ang kanilang bagong Boss at talaga
naman na kahit iniiwasan niyang tignan iyon kanina'y hindi niya magawa't
talagang nakakagambala ang semi-bukol sa pants ni Sir Benedict.
**************************************
Habang
kumakain ng FishBalls itong si Charito'y nagteText ito sa kaniyang kapatid
upang masabihan nito ang kanilang Nanay na hindi na siya maghahapunan sa bahay.
Napilit
din kanina nina Sir Jerry at Myles na
sumamang Mag-Goto si Charito pagkatapos nilang mag-Out at sumama na din sa
kanila ang CoverGirl SalesLady na si Gwen.
Punong-puno
ang Gotohan na palaging pinupuntahan ng mga SM San Lazaro Employees kaya nama'y
kumain na lamang ang apat ng FishBalls.
"Hay
naku! Buti na lang at Day Off ako bukas!" Ang pagyayabang ni Charito
habang kumukuha pa ito ng Fishball mula sa kawali ng Vendor.
"Masosolo
ko si Sir Benedict bukas!" Ang sambit naman ni Myles kay Charito.
"Hindi
ka ba naiinitan at suot mo pa yang Blazer mo?" Ang sambit ni Gwen nang
mapansin niya ang porma ni Charito Charito.
"Hindi
naman. Mas gusto ko nga ang ganito para maporma!" Ang taas noong sinambit
ng mayabang na si Charito at On Cue na nag Head To Toe Pose ito sa harapan ng
kaniyang mga kasama.
Talagang
ibinida ni Charito ang suot-suot niyang Fake na Jimmy Choo na high Heels, ang
hawak niyang Fake na StarBucks Mug na may lamang tubig mula sa water Dispenser at
ang nakasabit sa kaniyang leeg na imitation ng iPhone na nabili niya ng
murang-mura from Cherry Mobile.
"Whooo!
Bumanat ka naman Chai!" Ang kantiyaw ng ibang mga Salesman at Security Guards
sa SM San Lazaro na nagpiFish Balls din na kakilala ni Charito nang makita nila
ang ginawa nito.
"INTINDIHIN
N'YO ANG MGA BUHAY N'YO!!!" Ang masungit na bulyaw naman ni Charito sa
kanila.
Walang
pakialam itong si Charito sa mga kantiyaw sa kaniya ng mga kasamahan, basta
lang huwag nilang kakantiyawan ang kulay ng kaniyang balat at talaga namang sisiguraduhin
ni Charitong maghahalo ang balat sa tinalupan.
"Day!
Kailan ba tayo bibisita sa Divisoria?" Ang tanong ni Myles kay Charito.
"DAY
KA NG DAY! GUSTO MONG SAKSAKIN KITA?!" Ang galit na sinabi ni Charito kay
Myles sabay amba dito ng kaniyang hawak na Stick na may nakatuhog pang dalawang
Fishballs.
"Gurl
pala!" Ang bawi naman ni Myles dahil ilang beses na ngang pinagsasabihan siya
ni Charito na huwag ng gumamit ng salitang 'Day'.
"PagkaSweldo!"
Ang sambit lang ni Charito sa kasamahan.
"Bet
ko yan! Sama ako! Sama ka Gwen?" Ang masayang sambit naman ni Sir Jerry.
"Naman!
Gora ako!" Ang malanding reply naman ni Gwen.
Bilib
na bilib ang mga kasamahan ni Charito sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging
Fashionista at talaga namang hinahangaan nila ang likas na kagalingan ni
Charito sa paghahanap ng magagandang pangPorma sa murang halaga.
Mas
kampante sila na pumunta sa Divisoria, Quiapo't Baclaran kapag kasama nila si
Charito dahil kabisado nito ang bawat sulok at bawat tindahan sa mga nasabing
lugar at napakagaling nitong tumawad at bumarat ng mga tindera.
Lagi
silang satisfied na satisfied pagkatapos nilang magShopping na kasama si
Charito at talaga namang sinusuyod nila ang lahat ng mga puwesto mula sa mga
ukay-ukay at sa mga puwesto ng mga fake na Apparel mula Sapatos hanggang sa mga
Accessories.
"O
siya papano! See you when I see you!" Ang sambit at paalam ni Charito sa
mga kasama niya nang magDecide na silang maghiwalay-hiwalay na't umuwi.
"Sige
na! Byers na!" Ang baBye naman kay Charito ng kaniyang mga kasamahan
habang nagbebeso-beso sila.
"Manong
pabili muna ng Sago't Gulaman. Pakilagay dito." Ang sambit ni Charito sa
tindero ng Samalamig sabay abot niya ng kaniyang Fake na Starbucks Mug dito.
Bumili
muna si Charito ng palamig bago sumakay ng Jeep para may iniinom siya't naibibida
sa mga makakasakay niya sa Jeep at para na din akalain ng mga ito na galing
siya sa StarBucks.
**************************************
Iilan-ilan
na lamang ang mga taong nag-oOvertime sa loob ng Opisina ng SM San Lazaro na
para lamang sa mga Executives at isa na dito ay si Sir Benedict na talaga
namang napakalaki ng Problema dahil hindi nito alam kung ano bang uunahin
nitong gagawin.
Tahimik
lamang na nakaupo si Sir Benedict sa kaniyang Desk at seryosong nakatingin sa
mga Papers and Folders na nakalatag sa kaniyang Desk.
First
time kasing maipadala ng Shu Eumura sa Location itong si Sir Benedict kaya nama'y
hindi ito sanay na walang Secretary.
Bago
pa man ipadala siya ng kanilang Boss sa SM San Lazaro ay halos araw-arawin niya
itong pinakikiusapan na iba na lamang ang ipadala dahil naging Comfort Zone na
niya ang kaniyang Office sa pinakaMain Building ng Shu Eumura Philippines.
"Haaaiiiissstttt..."
Ang mahabang buntong hininga ni Sir Benedict nang sumandal siya sa kaniyang
Swivel Chair at talaga namang tinatamad siyang magbuklat at magbasa ng mga
Sales report ng kanilang Company sa SM San Lazaro.
NagSigh
ulit si Sir Benedict at tinignan niya ang time sa kaniyang WristWatch.
"Uwi
na ako after 30mins." Ang sambit ni Sir Benedict sa kaniyang sarili
kasabay ng pagbuklat niya sa isa sa mga folder na nasa harapan niya.
"Hmmm..."
Ang naisasambit lamang ni Sir Benedict habang binabasa niya ang mga Sales
Report.
Bumilib
itong si Sir Benedict sa maayos at magandang pagkakagawa ng Sales Report ng Shu Eumura SM San Lazaro Branch. Hindi
naguluhan at nahirapan itong si Sir Benedict dahil kaparehas lang ng gawa ng kaniyang
Secretary ang pagkakagawa sa Sales Report na kasalukuyan niyang binabasa.
"Impressive...
" Ang hindi mapigilang masambit ni Sir Benedict kasabay ng pagiging
Curious niya na malaman kung sino ang nagPrePare ng Sales Report nila.
"Prepared
by Charito Solitas..." Ang pagbigkas ni Sir Benedict nang binasa niya ang
info kung sino ang gumawa ng Report.
"Ang
baho naman ng pangalan..." Ang hindi mapigilang nasambit ni Sir Benedict
habang pangiti-ngiti siya dahil nakaisip siyang bigla ng isang magandang plano
para maging madali para sa kaniya ang pagtraTrabaho sa loob ng isang buwan sa
SM San Lazaro.
Likas
na talagang tamad ang 25 yrs old na VP ng Operations ng Shu Eumura.
Mabilis
na tumayo si Sir Benedict from his Desk at kinuha niya mula sa filing Cabinet
ang isang maliit na Folder at pagkatapos ay bumalik na siyang muli sa kaniyang
Desk at hinanap sa folder ang mag papeles ni Charito Solitas.
"POTCHA!!!"
Ang nasambit bigla ni Sir Benedict nang makita niya ang picture sa Resume ni
Charito Solitas. Talagang nagulat siya nang malaman niya kung sino ang maayos
at napakaProfessional na gumawa ng Sales Report.
Automatic
na nagDuck Face si Sir Benedict habang naiinis niyang binabasa ang info ng
masungit na si Charito. Hindi pa rin talaga makaGet-Over si Sir Benedict sa
pang-aaway sa kaniya ni Charito.
"Kaya
naman pala..." Ang unConscious na nasambit ni Sir Benedict nang malaman
niyang nakatapos ng Secretarial ang masungit at mayabang na babaeng umaway sa
kaniya kaninang umaga.
"Tsk...
tsk... tsk..." Ang nasambit na lamang ni Sir Benedict habang
umiiling-iling ito at nakatingin sa napakalaking mantsa sa kaniyang mamahaling
LongSleeves na nagmula sa Coffee ng masungit na si Charito.
"Haiiisssttt..."
Ang talunang bugtong hininga ni Sir Benedict nang tignan muli niya ang Picture
ni Charito.
"Buti
na lang at kulay white ang background ng picture mo at nakangiti kang labas ipen...
Kung hindi'y hindi ka makikita sa picture... HA! HA! HA!" Ang parang baliw
na natatawang pang-aalaska ni Sir Benedict sa picture ng sumobra sa
pagkaMorenang si Charito.
"Bahala
na..." Ang masayang sambit ni Sir Benedict sa kaniyang sarili habang
tinatawagan niya ang phone number ni Charito na nakita niya sa resume nito.
Hindi
malaman ni Sir Benedict sa kaniyang sarili kung bakit talaga namang gusto
niyang asarin itong si Charito at talaga naman kasing napakaSungit nito nang
magkabanggaan sila.
Wagas
na nakaSmile itong si Sir Benedict habang hinihintay niyang sumagot sa kabilang
linya itong si Charito.
Malinaw
pa sa kaniyang ala-ala ang hitsura ni Charito nang ibinuyang-yang niya ang mga
Whitening products na ginagamit nito at lalong-lalo na nang gumulong mula sa
glass stand at nalaglag sa sahig ang binili nitong Ph Balance Feminine Wash.
**************************************
"Hi!"
Ang bati ni ng TriCycle driver na si Eric kay Charito nang bumaba ito sa Jeep.
"Ansabe
mo?" Ang gulat na tanong agad ni Charito nang makita niya ang nakaSmile na
pagmumukha ni Eric.
"Sabi
ko Hi! Tara sakay na hatid na kita sa inyo." Ang ulit at pag-alok ni Eric
kay Charito.
NagBilin
kasi itong si Eric sa kapatid ni Charito na si Jun-jun na laging ipaaalam sa
kaniya kung maleLate ng uwi ang ate nito para masundo niya.
"Inaabangan
mo ba ako?" Ang nagmamagandang tanong ni Charito sa kaLook-alike ni Cesar
Montanong TriCycle Driver.
"Hindi
ah... Napadaan lang ako..." Ang pagsisinungaling naman ni Eric sa
nakapameywang na si Charito.
"Magsabi
ka ng totoo... AYYYY!!!" Ang sambit
ni Charito sabay biglang sigaw.
"Ay
Sorry miss... Hindi kita nakita... Madilim kasi..." Ang paumanhin ng isang
Balut Vendor nang mabangga nito si Charito. Madilim kasi ang kantong
kinatatyuan ni Charito.
"Tarantando
ah!" Ang naiinis na naibulalas ni Charito habang nakatingin siya sa
papalayong magbaBalut. NapakaSensitive talaga ni Charito sa mga 'Black Jokes'.
"Kaw
naman... Di naman sinasadya... Sakay na..." Ang pag-agaw muli ng attention
ni Eric kay Charito.
"Sabi
mo eh..." Ang supladang sambit naman ni Charito kay Eric.
"Wait
lang... Sagutin ko lang..." Ang mabilis na nabigkas ni Charito habang
papasakay siya sa loob ng TriCycle ni Eric nang biglang nagRing ang nakasabit
na imitation na iPhone sa kaniyang leeg.
Tahimik
lamang na nakangiting pinagmamasdan ni Eric itong si Charito habang may
kinakausap ito sa kaniyang iPhone.
"Yes.This
is Charito! Why..."
"Ha..."
"Paano
mo nalaman ang number ko..."
"Ah...
Sa files namin... ah..."
"Off
po ako bukas sir..."
Ang
sunod-sunod na naririnig ni Eric mula kay Charito.
"Ha...
Hindi po pwede't may pupuntahan ako..."
"Ganoon
po ba..."
"Sige...
Sige po sir..."
"Bukas...
Yes Sir..."
Ang
sunod-sunod na sinabi ni Charito sa kaniyang kausap sa phone.
"PAKSHET
KA TALAGANG KALBO KA!!!" Ang malakas at naiiritang sambit ni Charito nang matapos
na siyang makipag-usap sa phone.
"Bakit
galit na galit ka... Sinong tumawag?" Ang Curious na tanong ni Eric sa
BadTrip na si Charito.
"Bago
naming Boss at pinapapasok ako bukas para magOvertime..." Ang naiinis na
ismid naman ni Charito kay Eric.
"Papasok
ka?" Tanong naman ni Eric.
"Ano
pa nga ba!" Ang bulalas naman ni Charito.
"Hatid
mo muna ako sa BDO at magwiWithDraw ako..." Ang parang Reynang utos ni
Charito kay Eric bago ito sumakay sa loob ng tricycle nito na siya namang walang
angal na sinunod ng isa.
**************************************
Pagkatapos
na MagWithdraw sa ATM ng BDO si Charito'y nilubos-lubos na nito ang
pagmamagandang loob nitong si Eric at nagpahatid siya sa Mercury Drug.
"Effective
ba talaga yan?" Ang tanong ni Charito sa Clerk ng Mercury.
"Ay
opo! Yan ang iniEndorse ni Gabbie Concepcion! May kasama pang Vitamin C every
Capsule" Ang masayang sagot naman ng Clerck.
"Sige
bigyan mo ako ng isang Bote ng 500mg!" Ang sambit ni Charito sabay abot sa
Clerk ng perang pambayad.
Matagal
nang pinagplaplanuhan ni Charitong bumili ng Placenta Whitening Glutathione Capsules
lagi ding nauudlot ito dahil nagdadalawang isip siyang bumili dahil sobrang
napakamahal nito.
Pagkakuha
ni Charito ng kaniyang binili'y nakangiti siyang lumakad na papalabas ng
Mercury.
"Gagawin
ko ito para sa akin..." Ang bulong ni Charito sa kaniyang sarili dahil
talaga namang nangHihinayang siya sa perang ibinayad niya sa isang bote ng
500mg na Placenta Glutathione Capsules with Vitamin C.
Hindi
talaga alam ni Charito sa kaniyang sarili kung bakit nagkaroon siya ng Guts na
maisakatuparan na ang kaniyang matagal ng plano.
Batid
din ni Charito sa kaniyang sariling kailangan na niyang maging Mestiza sa
lalong madaling panahon dahil kahit na ayaw niyang aminin sa kaniyang sariling nakoConscious
siya't talaga namang kinakabahan siyang makaharap bukas Sir Benedict.
To
Be Continued
Nagpa-alam muna ako kay Tito Mike if I can post a Straigt Story Here and thankful naman si Ponse't napakaBait ni Tito Mike at pumayag :)
ReplyDeleteThere are two reasons why i decided to create and post 'The Yuppie Is My Papi'
1. I have a difficult time in with this concept and make it into an M2M Kwento that's why ginawa ka na laang na Straight.
2. Matagal na akong naghahanap sa National and sa mga Piso-palit in the Market ng mga tagalog Pocket books (e.g. Precious Hearts atbp.) na mga RichBoy Loves PoorGirl Themed na mga story kaso wala.
NaMiss ko talaga ang magbasa ng mga ganitong Genre at talaga namang Favorite ko ito and since wala akong makita and mahanap eh gumawa nalang ako.
HAVE A BLESSED AND GREAT FRIDAY EVERYONE...
TAKE CARE AND REGARDS TO ALL AND TO YOUR WONDERFUL FAMILIES...
Wala na akong utang sa updates this week :)
i'm laughing while imagining Chai shouting "PAKSHET KANG KALBO KA!" swak na swak manong pangtanggal stress!
ReplyDeleteang bago kung love na story hehehe... uu nga pang pocket book ang drama ang hilig ko pa naman ng pocket book noon kahit exam kinabukasan pocket book ang binabasa hahahaha gusto kung writer noon si gilda olvidado zoila at si helen hehehe
ReplyDeleteMahilig ka din pala kanyong magabsa ng Ganyaan To and Kuya Pj :)
ReplyDeleteuu mahilig ako sa ganyan. nag start ako mag basa ng pocketbook 1998 hehehe yunh 56 page ba yun? tapos dumating ang 124 page hanganh sa nakita ko ang bol noong 2006 hahaha doon ns ako na adik sa online ngayun may wattpad na rin
ReplyDeletePocketbook lang ang peg mo ngayon kuya Ponse. Ako rin hilig ko ring magbasa ng pocketbook. Meron nga kaming koleksyon ng mga pocketbook especially yung kay gilda olvidado (montejero) at andrea almonte (el greco at iron eagles). Sa precious romances naman ung kay vanessa (love junkies, el hombres tretorio) at martha cecilla. Meron ding iba pang mga writers pero avid reader talaga ako nina vanessa at martha cecilla.
ReplyDeleteAlam nyo ba Kuya PJ and Kuyang Anon na mahilig din talaga ako sa mga ganyan kaso ang talagang hinahanap ko eh yung mala-Mari-Mar ang kwento... mga babeng bida na from nobody to Somebody hahaha :)))
Deleteyou should check out Rose Tan's Senyorito and Senyorita Series... Vanessa is also my fave... Gilda O is a classic pero hindi sya comedy... Vanessa and RT are super funny... favorite namin yan ni Papa P...
ReplyDeleteLakas makateenager hahaha. Salamat manong Ponse sa mga kwento mong nakakapagbigay saya samin.
ReplyDeleteAbusado