Followers

Monday, May 20, 2013

318 (Ang textmate ko) Chapter 8.2





318 (Ang textmate ko)

By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel



Authors note:



Hello guys, eto na po pala ang second part ng chapter 8 ng aking akda. Maraming maraming maraming maraming salamat po sa mga nag-comment, at nag-add sa akin sa facebook at sa mga nagbibigay po ng feed back sa aking story.  Sa mga silent readers, thank you din po. Uhhhmmmm? Hiramin ko po muna si Colby hehe =) ibabalik ko din po siya sa inyo hehe. Thank you po ulit. God Bless everyone =)



PS: Add nyo naman po ako sa FB hehe (nielisyours@yahoo.com.ph) tumal pa po friends ko e hehehe XD mag-popost din po ako dyan ng mga preview for the incoming chapters =)).





Warning:


 Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph






About the cover photo:



I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)




Chapter 8.2





Colby’s Point of View:


It’s been 2 months since maging kami ni Tristan. Sa tingin ko ay yun na ang pinakamasayang bagay na nangyari sa buhay ko, ang pagdating at pagbalik niya sa akin. Noong una, nakaramdam talaga ako ng takot dahil napagtanto ko na parang ang bilis naman niya ata ako pinatawad sa ginawa kong mga kasalanan, ngunit sa ginagawa niyang effort at sa pagpaparamdam niya sa akin na talagang mahal niya ako at mahalaga ako sa kanya nawala yung mga doubts ko na yun.


Naalala ko tuloy noong first monthsary namin, umagang umaga pa lang ay siya na ang nasa tabi ko. Nagtataka ako dahil hindi ko naman siya kasama matulog dahil na sa bahay ako.


Lunes noon at maaga ang pasok ko. Nagulat na lang ako dahil pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata ay isang napaka-gwapong nilalang ang bumungad sa harap ko at tila nagtutulog-tulugan lang.


“Good Morning Love, mwuah!” Paglalambing niya sabay bitaw ng isang smack kiss sa aking labi.


“Ang aga aga pumupuntos ah? Haha! I love you.. Mwuah!” Pagbibiro ko at hinalikan ko rin siya.


“I love you too.. Happy Monthsary!” Ani niya sa magiliw na boses.


“Happy Monthsary din love..”


“Breakfast is ready..” Natatawa niyang sabi habang may kinukuha sa kanyang bulsa. “Tsenen!” Nagulat naman ako dahil ang kinuha niya sa kanyang pocket ay ang sandamukal na choco choco na favorite niya at naging paborito na rin naming dalawa haha!


“Wow! Favorite na’tin love.” Tuwang tuwa kong sabi at akmang kukuha ng choco choco sa kanyang kamay ngunit pinigilan niya ako.


“Hep, hep, hep! Mamaya na..” Pagpipigil niya. Ano namang problema nito?! Haha.


“Ayyy.. penge?” Pangungulit ko sa kanya.


“Hindi! Mumog muna. Haha!” Loko to ah? Hindi naman ako bad breath e, hygienic kaya ako! Haha.



“Ahh ganun? Hindi naman ako bad-breath ah?”


“Kahit na, haha! Bangon na love.” Pagyayaya niya.


“Yoko!” Pagpapakipot ko.


“Choco choco oh?” Pang-seseduce niya sa hawak niyang choco choco.


“Wapakels!”  Inismiran ko lang siya.


“Hmmmm? Pag hindi ka bumangon diyan hahalikan kita?” Ayos manakot to ah? In favor niya pa rin? Haha hindi naman siya malulugi e.


“Eto na babangon na!” Pagdadabog ko. Wahaha! Sinadya ko talagang bumangon para hindi manghalik at maasar ko siya, alam ko sinasabi niya lang yun para pumuntos e haha! Wais no?


“Tsss! Biglang ganun? I-kikiss na nga kita e.” Pagtatampo niya. Haha! He’s very cute talaga pag nagtatampo.


“Hindi na kailangan. Mwuah!” Paglalambing ko sabay halik sa kanyang labi. Napansin ko naman na namutla ito.


At syempre sa umagang iyon, puro harutan at tawanan ang ginawa namin ni Tristan..


Kapag nasa university naman kami lagi kaming magkasama ni Tristan. Oo nga pala, pina-cancel niya na rin yung paglipat niya ng school noong nagsimulang magkaroon kami ng relasyon. Syempre masayang masaya ako, pero si napagalitan naman tong si Tristan ko ng dean dahil sa ginawa niyang pagbalik niya ng kanyang certificate of dismissal at pagpapa-cancel ng ni-request niyang Transcript of Records.


Anim nga pala ang subjects na kinuka ni Tristan sa section namin kaya madalas kaming magkasama tuwing naglilipat ng rooms at lagi kaming magkatabi sa upuan. Ako naman si haba hair, haha! Minsan kasi kapag may seating arrangement talagang nakikipagpalit si Tristan ng upuan sa classmate namin na nakakatabi ko. Lagi rin kaming magkasabay kung mag lunch at lagi niya rin akong hinahatid sa subdivision, pero hanggang gate lang dahil sinabihan ko siya na wag muna pumasok dahil wala pang idea si mommy tungkol sa amin at natatakot ako magsabi.


Araw din iyon ng first monthsary namin. Ang klase niya noon ay History at sa section ng higher years siya kasali. Kaya naman nagpaalam siya sa akin.


“Love? History pala subject ko ngayon. Mamaya na lang tayo kita ah?” Pagpapaalam niya sa akin sabay halik sa aking pisngi.


“Okay sige, I love you..” Hindi na siya sumagot bagkus tumakbo na papalayo dahil male-late na daw siya.
Umakyat ako gamit ang hagdan sa kaliwang parte ng building. Habang papalapit ako ng classroom bigla akong nakaramdam ng ibayong kaba.


Hanggang sa makarating ako sa pintuan ng aming classroom. Nagtaka ako dahil sarado ang classroom  namin. Nasa library kaya sila? O nasa AVR? Bakit sarado? Bakit Walang tao dito.


Sinubukan kong pihitin ang doorknob ng pintuan ng classroom ngunit naka-lock ito. Habang nasa ganun akong pagbubukas ng pinto nagulat ako dahil biglang may humila sa aking lalaki na may saklob na bayong sa ulo. Ano to? Hukbalahap? Haha!


“Uy, sino ka? Ano to?” Alala kong tanong. Ang higpit kaya ng hawak niya, tapos nagtitinginan na yung ibang mga estudyante sa amin pero ang pinagtataka ko ay imbis na mataranta din ang mga estudyante ay nakikitawa pa ang mga ito.


Maya maya ay biglang may inabot sa akin ang lalaking iyon. Teka? Choco choco?! Hmmmm?


“Tristan?”


Ngunit imbis na sumagot ang lalaki ay tumakbo ito sa hagdan pataas. Nagtaka naman ako? Hindi naman siya mukhang si Tristan dahil iba ang suot ni Tristan kanina kumpara sa suot ng lalaking iyon.


Tinignan ko ang choco choco na binigay sa akin ng lalaki. May nakarolyong kulay green na papel sa katawan ng choco choco. Binulalatlat ko ang papel na iyon.


“Akyat ka sa taas love <3” Ang nakasulat sa papel, sinasabi ko na nga e. Haha!


Nasa 3rd floor ako sa mga oras na iyon. Hanggang 5th floor lang naman ang building ng college namin. Tinignan ko ang hagdanan na tinatahak ko sa mga oras na iyon. Nagulat ako dahil may mga nagkalat na choco choco sa sahig at tila may direksyong pupuntahan ang mga nagkalat na choco choco. Para akong tanga na pinupulot ang mga nagkalat na choco choco papunta sa taas ng building. Grabe! Ano ba tong pautot mo Tristan? Wag kang ganyan! Kinikilig ako! Haha.


Narating ko ang 5th floor n gaming building ngunit hindi pa rin natatapos ang pagpupulot ko ng nagkalat na choco choco. Hanggang sa makuha ko ang pinakahuling choco choco na nakita ko. Inangat ko ang mukha ko at tumambad sa akin ang pintuan patungo sa terrace ng gusali ng aming college. Binuksan ko ito ng dahan dahan at tumambad sa akin ang lalaking pinakakamamahal ko suot ang isang red hat at may dala dalang gitara.



It Might Be You (Stephen Bishop)


Time I've been passing, time watching trains go by
All of my life lying on the sand, watching seabirds fly
Wishing there would be someone waiting home for me.
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you all of my life

So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And we've so much love to make
Oh, I think we've gonna need some time
Many be all we need is time

And it's telling me it might be you all of my life

May be it's you(It's you)
Maybe it's you(It's you)
I've been waiting for all of my life.



Grabe! Hindi ako makapaniwala sa surprise niya. Napaluha na lang ako sa sobrang tuwa sa ginawa niya. Hindi ko namalayan na nanduon pala ang buong klase namin sa likod niya at tila kinikilig sa ginawa ni Tristan. Ang iba ay nagtatawanan sa epic kong reaction at ang iba naman ay halos mangisay sa kilig sa ginawang panghaharana ni Tristan. Napansin ko rin ang aking bestfriend na si Nerrisse na naluluha dahil sa ginawa ni Tristan. Teka? Teka? Teka? Lahat sila nandito? Does it mean? Alam na nila ang tungkol sa amin ni Tristan.


“Love, happy first monthsary..” Sambit niya sabay halik sa aking noo.


“Happy monthsary din love. Buset ka! Pinaiiyak mo ko e.” Pagbibiro ko habang patampal tampal pa sa kanyang dibdib.


“Okay lang yan, kinilig ka naman e.” Sabay yakap sa akin.


“Ayyyyyiiieeee!” Sigawan ang mga classmates namin.


“Love, alam na pala nila..” Sabay turo niya sa mga classmates ko. Bigla namang nagsilapitan ang mga classmates ko sa amin. Si Nerrisse ay yumakap sa akin.


“Saya mo teh ha! Haha.” Pangaasar niya sa akin sabay kurot sa tagiliran ko.


“Hahaha! Oo naman teh. Kaw din naman e.” Oo nga pala, nagkaroon ng boyfriend si Nerrisse. Si Lemuel, naging kaibigan din namin si Lemuel sa klase. Nakakatuwa nga dahil kahit adik sa dota si Lemuel ay kaya niyang pagtuunan ng pansin si Nerrisse. At ang nakakatuwa ay kayang kaya disiplinahin ni Nerrisse ang boyfriend sa paraang hindi nasasakal ito. Kaya naman napaka-swerte din ni Nerrisse dito dahil halos maituturing na perfect package na si Lemuel.


“Colby, penge.” Sambit ni Rex, isa sa mga tropa ni Nerrisse sabay kuha ng choco choco na hawak ko.


“May magagawa pa ba ako? Nakakuha ka na. Haha.” Pambabara ko. Ganito talaga kaming magto-tropa ang asaran naming ay barahan ngunit wala namang nagkakapikunan.


At nakilala nga kami ng mga classmates naming ni Tristan bilang magkasintahan. Nakakatuwa dahil karamihan sa kanila ay tanggap kami, may iilang iba pa rin ang tingin sa amin ngunit hindi na naming ito pinapansin.


Isa sa pang bagay na ikinatuwa ko ng lubos sa mga ginawa ni Tristan noong first monthsary namin ay ang pagpapakilala niya sa akin bilang boyfriend niya sa kanyang pamilya.


“Love? Seryoso ka na ba? Matatanggap kaya nila ako kapag nalaman nilang boyfriend mo ko?” Alala kong tanong sa kanya habang nasa tapat kami ng pintuan ng kanilang bahay.


“Ano ka ba love? Alam na naman nila mama kung ano ako e, dinala ko na dati yung ex ko dito e. Wag ka magalala, okay? Ako bahala sayo..” Confident niyang sagot. Napabuntong hininga na lang ako at tila kinakabahan.


“Ma, Pa, Kuya, Cindy, si Colby nga po pala, boyfriend ko..” Magiliw niyang sabi. Namangha ako dahil wala man lang akong nakitang bahid ng galit sa reaksyon ng kanyang pamilya, bagkus nakangiti sila sa akin.


“Upo ka hijo.. Welcome sa family namin..” Magiliw na sabi ng tatay ni Tristan. Nakakatuwa naman, dahil madalas sa mga magulang ay hindi nila matanggap kapag ang kanilang anak na lalaki ay umiibig din sa kapwa lalaki, ngunit iba ang ama ni Tristan.


“Thank you po..” Magalang kong sagot sabay upo sa tabi ni Tristan. Katabi ko sa gilid ang kanyang nakababatang kapatid na si Cindy. Palagay ko ay nasa edad pito pa lang ang kapatid niyang iyon. Napaka-cute niya at manang mana sa kuya niya.


“Love? Kapatid mo? Ang cute..” Bulong ko sa kanya habang naglalagay ng pagkain sa aking pinggan.


“Syempre, nagmana sa kuya..” Pagmamayabang niya sabay pose ng parang sa mr. pogi.


“Pssshhh, kapal..” Pambabara ko. Oooopppss, normal lang sa aming dalawa ang magbarahan, ganyan kami maglambingan..


“Kuya..kuya.. tapos na akong kumaen.. bili mo ko ng choco choco..” Magiliw na pagyayaya ni Cindy sa kanyang kuya Tristan, nakakatuwa dahil ang cute cute talaga ng kapatid niya. Naalala ko, may stock pa pala ako ng choco choco sa bag dahil sa ginawang ka-ututan kanina ni Tristan sa school.


“Cindy, kumaen pa ang kuya mo.” Paninita ni Tita Claire, ang nanay ni Tristan. “Pasensya ka na Colby ah? Sobrang close talaga kasi yang si Cindy at si Tristan kaya ganyan yan..”


“Mamaya na Cindy, sige ka kakainin ka niyang si Colby, nangangain pa naman yan ng mga cute..” Pananakot ni Tristan sa kapatid. Tsss! Anong akala niya? Hindi ko nakuha na may double meaning yung sinabi niya? Tss! Haha.


Tawanan.


“Alagaan mo yang utol ko Colby ah? Kapag niloko ka niyan sumbong mo lang sa akin at ikukulong ko sa kwarto yan haha!” Pagbibiro ng kuya ni Tristan. Infareness gwapo rin ang kuya ni Tristan, magkapatid talaga sila dahil parang magkambal sila. Napakamot na lang ng ulo si Tristan habang nagtatawanan kami.


“Eto Cindy oh?” Pagaalok ko kay Cindy ng choco choco.


“Wow, thank you Kuya Colby, mwuah!” Masayang sabi ni Cindy sabay halik sa mga pisngi ko.


“Ganyan talaga yan Colby, sobrang lambing..” Pagbibida ni Tita Claire sa bunsong anak. Tuwang tuwa naman ako..


“Sino pa ba pagmamanahan?” Pagbibida sa sarili ng lalaking pinakamamahal ko. Haha!


“Hahaha!” Tawanan namin.


Nakakatuwa pala itong pamilya ni Tristan, bukod kasi sa kumpleto sila ay masaya sila at tanggap nila kung sino at kung ano ang bawat isa sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang pamilya ni Tristan sa pamilya ko, oo nga at masaya kami nila Ate Grace, Karen at Mommy ngunit sa side ko naghahanap pa rin ako ng kalinga ng isang ama. Nararamdaman ko pa rin ang kalungkutan dahil hindi kami kumpleto tulad ng pamilya nila Tristan. Ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Iniwan kami e, kaya kailangan kong tanggapin ang katotohan na hindi na kami mabubuo pa at dapat ko ding panindigan na dapat maging masaya kaming magkakapamilya kahit na walang tumaguyod na ama sa amin.


Napakasaya ko sa buong araw na iyon. Ako na ata ang pinaka-maswerteng nilalang na nabubuhay sa sobrang kasiyahan ko. Una ay pagkagising na pagkagising ko ay siya agad ang bumungad sa akin, pangalawa ay sa ginawa niyang panghaharana sa akin kung saan sobra akong naantig at kinilig, pangatlo ay ang pagpapakilala niya sa akin sa kanyang pamilya at sa aming mga kaklase bilang kasintahan niya. 

Nakakatuwa, pero sa loob loob ko natatakot ako dahil baka dumating ang araw na magsawa niya sa akin at hindi niya na ako mahalin. Huwag naman sana..


Kinagabihan, natulog ako sa kwarto nila Tristan, muli naming pinagsaluhan ang aming pagmamahalan sa isa sa mga espesyal na araw namin.


Sa school, nakabuo kami ni group of friends. Si Nerrisse, Ako, si John, si Lemuel, si Rex, si Rizza, si William at si Sam na girlfriend ni Rex na maangas at mayabang na lagi kong binabara. Napakasaya ko sa mga kaibigan dahil kapag may munti kaming awayan o tampuhan ni Tristan ay hindi sila umaalis hanggat hindi ako ngumingiti. Minsan nga ay nagtampo ako kay Tristan dahil bigla na lang ito umalis ng school ng hindi nagpapaalam, iyon pala ay may emergency sa bahay nila. Hiyang hiya ako noon sa sarili dahil inaway ko pa siya, nag-sorry naman ako sa kanya ngunit nagtampo ito. Lumapit ako sa mga kaibigan ko at humingi ng payo, pinayuhan naman nila ako at kinausap ni Lemuel si Tristan. Dati niya kasi itong tropa noong nasa computer department pa si Tristan at high school classmates sila. Habang tuliro ako noon at hindi alam ang gagawin kung paano hihingi ng tawad kay Tristan dahil sa wala sa lugar kong pagtatampo ay inaliw naman ako ng mga kaibigan. Pinagtripan namin si Rex, pero normal na sa aming magkakaibigan iyon dahil iyon na yung parang bonding naming at kinausap din naman naming si Rex na biruan lang ang lahat ng iyon at naiintindihan niya. Hindi rin naglaon ay nagkaayos kami noon ni Tristan


At ngayon, ang pangalawang monthsary namin ni Tristan.


Alas-4 ng madaling araw noong magising ako dahil sa tunong phone ko. Inaalarm ko talaga ito dahil maaga ang pasok namin. Buset na NSTP kasi yan e, bakit kailangang alas-7 ang pasok? Psssshh -__-


Maaga akong pumasok sa eskwelahan upang hindi na ma-hassle, pagdating kasi ng alas-7 ng umaga ay hassle na at ang hirap na sumakay ng bus dahil madalas punuan. Nakarating ako sa school ngunit wala pa rin doon si Tristan. Maaga pa naman kaya hinintay ko siya.


Magaalas-7 na at magsisimula na ang service namin sa NSTP ngunit wala pa rin si Tristan, nagsimula na akong magalala kaya tinawagan ko na siya.


“Hello love, morning, san ka na ba” Alala kong tanong.


“Love, morning din. Happy Monthsary, hindi ako makakapasok love kasi sobrang sama ng pakiramdam ko..”  Malungkot niyang tugon, ako man ay nalungkot sa sinabi niya, syempre monthsary namin at especial para sa amin ang araw na ito kaya nakakalungkot na hindi kami magkakasama. Timing ka rin sakit e no?! Haha!


“Ay ganun ba love?” Malungkot kong reaksyon. “Sige love, ipahinga mo lang yan. Ako na lang ang pupunta dyan mamaya okay?”


“Wag na love, mapapagod ka lang e.” Pagpigil niya. “Sorry love kung nakikisabay ako. Sorry talaga.”


“Ano ka ba? Wala yun, okay kung ayaw mo okay lang, basta love pagaling ka ah?” Alala kong tugon.


“Oo naman love. Osige na magsisimula na ang klase nyo. Bye love. I love you. Happy Monthsary. Mwuah!” Paglalambing ni Tristan pero sa totoo ay nalulungkot ako dahil hindi ko man lang siya makakausap sa araw namin.


“Okay lang yan, marami pa namang pagkakataon..” Bulong ko sa sarili.


“Osige love. Pahinga ka muna, I love you too. Happy Monthsary, mwuah mwuah mwuah!” At binaba ko na ang phone.


Sa buong maghapon na iyon, mistula akong wala sa sarili na gumagawa sa NSTP namin. Ganun na din sa ibang subjects. Nagtataka nga ang mga kaibigan ko bakit parang matamlay ako ngunit ang sagot ko na lang sa kanila ay “Wala naman, kulang lang ssa tulog..” Pagpapalusot ko. Ngunit kapag bestfriend mo talaga ay hindi ka makakaligtas, nahalata ako ni Nerrisse at hinila niya ako sa isang corner at kinausap ako..


“Oy, biyernes santo mukha mo dyan? Anyare?”


“May sakit daw si Tristan e..” Malungkot kong sagot.


“Jusmiyo! Akala ko naman kung ano. Okay lang yan tih! Cheer up, ganyan talaga..” Pagcomfort sa akin ni Nerrisse, sinuklian ko na lang siya ng isang ngiti.


Pauwi na ako noon at naglalakad papuntang bus station. Parang wala ako sa sarili naglalakad pauwi, ang lungkot naman kasi nakakapanibago, nakaka-miss siya! Pero ganun talaga, kailangan kong lawakan ang isip ko, may sakit iyong tao kaya dapat ay hindi ako magtampo o mainis. Hindi ko lang siguro maiwasan ang maging malungkot. Habang naglalakad ako ay biglang may sumlpot na kamay sa aking mga mata at tinakpan ito.


“Arrrrgggghh! Sino to?!” Daing ko sa mahigpit na hawak niya sa aking mga mata.


“Hulaan mo..” Sambit niya na parang lumiit iyong boses. Yung parang boses ng dwende. Psssshhh! Hindi na ako magtataka kung sino to? Amoy niya pa lang kilala ko na. Pero di ba may sakit siya?


“Tristan?”


“No!”


“Sus! Nek nek mo! Boses mo pa lang kilala na kita e..” At pinakawalan niya ako mula sa pagkakayakap sa akin. At hindi nga ako nagkakamali si Tristan nga at tawa ito ng tawa noong binitawan niya ako. “Di ba may sakit ka? Bakit lumabas ka pa?” Alala kong tugon.


“To naman oh? Tampo agad? Sorry na love, syempre monthsary na tin di ako papayag na wala tayong get together..” Malambing niyang sagot.


“Ewan ko sayo! Dapat nagpahinga ka na lang Tristan, baka lumala pa yang lagnat mo..” Pagaalala ko sabay hipo sa kanyang leeg. Hindi na siya masyadong mainit pero nagaalala pa rin ako dahil baka mabinat siya.


“Okay na ako love di ba? Hindi na masyadong mainit, don’t worry, paiinitin naman kita mamaya e, hihi!” Pang-seseduce ng mokong.


“Loko!” Sabay hampas sa dibdib niya.


“Tara!” Sabi niya sabay hila sa akin papunta sa sakayan. Nagulat naman ako dahil imbis na bus papunta sa aming village kami sumakay, sumakay kami sa bus papunta sa bahay nila.


“Love? San tayo pupunta?”Usisa ko.


“Basta, may surprise ako sayo..” Shit! May ka-ututan na naman siyang gagawin. Hay nako! Siguraduhin mong kikiligin ako dito Tristan ah? Haha!


Habang nasa bus kami ay tila tuliro si Tristan. Bakit naman kaya? Hindi ko na lang ininda dahil baka masama lang ang pakiramdam nito. Sumandal ako sa kanyang mga bisig. Napakabango talaga ni Tristan. Labis naman ang tuwang nararamdaman ko dahil sa effort na pinakita niya sa akin. Kahit na may sakit siya ay hindi hinayaan na ma-spoil ang espesyal na araw para sa amin.

Pagdating namin sa bahay nila ay naabutan namin si Titan at si Cindy na gumagawa ng assignment.


“Good Evening po Tita..” Magalang kong pagbati sabay man okay Tita. “Hello Cindy!”


“Hello Kuya Colby, tignan mo oh? Naka 3 stars ako kanina sa math..” Pagmamalaki ni Cindy. Natuwa naman ako dahil sa lahat ng subjects ay forte ko din ang math.


“Wow.. Ang galing mo naman.. congrats Cindy..” Magiliw na sabi ko sa bata sabay halik sa pisngi nito.
Naunang pumasok si Tristan sa kwarto niya. Ewan ko ngunit sabi niya ay pumasok daw ako pagkatapos ng sampung minute. Sumunod na lang ako..


Nagdaan ang sampung minuto at binuksan ko ang kanyang kwarto. Nagulat ako dahil may mga nagkalat na petals ng roses sa sahig ng kanyang kwarto. Pagkatingin ko sa may bandang kama niya ay nakita ko ang isang lamesa na naka-arrange ng maayos. Meron itong pulang cover, wine glass, utensils, pingan, table napkin at mayroong mga pulang rosas sa gitna at nakalagay sa flower vase. Napaka-romantic ng pagkakaayos ni Tristan. Ngunit, nasaan si Tristan?


Umupo na lang ako sa upuan sa harap ng table na hinanada niya. Naghintay ng hanggang limang minuto ngunit wala pa rin si Tristan.


“Asan kaya yun?” Bulong ko sa sarili.


Maya maya ay nagulat ako dahil biglang may lumabas sa loob ng comfort room ng kwarto niya. Naka-formal dress siya at tila a-attend ng JSPROM. Hindi ako magkandamayaw sa kakatawa dahil nakaformal dress eto ngunit tulak tulak niya ang pagkain na kakainin namin galing sa CR.


“Wahahahah! Mais dre!” Pagbibiro ko.


“Wag ka ngang tumawa diyan!” Bulyaw niya at tila nayayamot.


“Ikaw naman. Na-appreciate ko yan syempre, natatawa lang ako dahil sa CR pa nangaling yung foods.”


“Haha! I love you, happy monthsary..” Sambit niya sabay halik sa aking mga labi. Gumanti naman ako sa paghalik niya.Sa sobrang saya ay hindi ko na naman napigilang maluha.


“Ay? Iyakin talaga! Haha!” Pang-aasar niya.


“Hahaha! Sobrang tuwa lang love..” Maluha luha kong sagot sa kanya.


“Lika nga..” Sabay hila at nilapit niya ako sa kanyang katawan. Niyakap niya ako. Yung mga yakap nay un? Ibang iba kumpara sa normal na yakap, sa sobrang higpit kasi ay mararamdaman mo yung pagmamahal ni Tristan.


“Natatakot ako love..” Sambit ko sa kanya.


“Bakit naman?”


“Baka kasi love matapos to, parang di ko kakayanin, sobra na akong napamahal sayo..” Naluluha kong sagot sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanya.


“Ahhh.. Ehh.. Wag ka nga mag-isip ng ganyang love..” Nauutal niyang sagot, sa aking palagay ay pinagiisipan niya rin ang sinabi niya. Natatakot kasi ako, natatakot masaktan sa unang beses kong magmahal ng ganito. Kaya ganun na lang ang agam agam sa aking pagiisip.


“I love you love..” Paglalambing ko.


“I love you too..” At hinalikan niya ako sa aking mga labi. “Tara na love, lalamig na yung hinanda ko oh?” Pagyayaya niya sa akin na umupo sa table na hinananda niya para sa amin.


Napakasaya ng date namin ni Tristan. Sabi niya ay siya daw talaga ang nagluto ng pagkain namin upang maging espesyal. At syempre, mawawala ba ang paborito naming pagkain, ang choco choco na kasing tamis ng aming pagmamahalan. Grabe! Sobrang attached na ako sa boyfriend ko, iyon bang sobrang saya mo kapag nakikita mo siya, yung feeling na lagi kang napapangiti kapag nasusulyapan mo ang kanyang mala-anghel na ngiti. Ibang iba sa dati na kilig na nararamdaman ko kung saan may halong sakit at may halong pangongonsensya.


Napagisip isip ko, napaka-swerte ko kay Tristan. Kung tutuusin, perfect package na siya dahil sa taglay niyang ka-gwapuhan, napakabait at napaka-gentleman, responsible pang boyfriend! Kaya para sa akin wala na akong hahanapin pa.


Ngunit sa kabilang banda naman may mga agam agam at takot pa rin ako sa aking isip. Natatakot ako na masaktan, natatakot na baka isang araw ay mawala na lang lahat.


Perfect ending right? Perfect relationship? Good ending tulad ng ibang kwento? Iyan din ang inaakala ko e, pero hindi pa pala. Hindi pala talaga lahat ng oras ay masaya dahil kambal pala ng isang masayang relasyon ang mga risk, may mga risk na mahirap ngunit nalalagpasan dahil sa tatag ng magkasintahan, ngunit may mga risk din pala na sa sobrang hirap at ang tanging choice na lang ay sumuko..


Napakabilis ng panahon, October na pala ngayon at finals na namin para sa first semester. Isang hapon habang nagte-take ako ng final exam namin sa sociology ay nakatangap ako ng isang text mula kay Tristan. Hindi ko nga pala siya classmate sa sociology dahil credited niya na ito.


Tristan: Love? Hindi pala ako makakasabay sayo ngayon ha? May practice game kasi kami para sa game namin bukas.


Ako: Okay love. Ingat ka! Love you.


Tristan: Love you too mwuah! Tignan mo yung bag mo may nilagay ako dyan kanina, sana magustuhan mo.


Hindi ko na siya ni-replyan pa at tinuloy ko na lang ang pagsagot ng exam.


Nang mag-uwian na ay sinilip ko ang bag ko at nakita ko ang isang pack ng choco choco. Syempre kinilig naman ako, natatandaan ko noong pinaiwan ko pala kay Tristan kaninang lunch ang bag ko dahil nagpasama si Nerrisse kila Christine sa nursing department, nilagay niya ang choco choco nay un. Oh de ba? Haba ng hair? Haha.


Napansin ko din ang isang bote ng gatorade sa aking bag. Shit! Naiwan ito ni Tristan. Mahilig kasi yan maglagay ng mga gamit sa bag ko tapos iiwanan at nakakalimutan na kunin. Kailangan niya pa naman yun dahil tiyak mauuhaw yun sa laro., kaya napagdesisyunan kong puntahan siya sa gymnasium upang ihatid ang naiwan niyang gatorade.


Nasa malayong parte pa ako at nakita ko na agad si Tristan na may kasamang isang lalaki na maka-jersey din, naglalaro sila ng basketball. Ewan ko, ngunit parang nakaramdam ako ng bigat ng damdamin noong makita ko silang dalawa lang ang naglalaro. Hindi ko pa nakikita ang lalaki dahil malayo ako sa kanila at nakatalikod ito. Mistula silang seryosong naglalaro at parang galit nag alit sa isa’t isa. “Ah! Maaga pa naman, at hindi pa oras ng simula ng practice nila, marahil ay naglalaro lang sila ng kanyang team mate para mag warm up..” Pagpapakalma ko sa sarili sa kabila ng selos na nararamdaman ko.


Ewan ko ba, ngunit imbis na lumapit ako sa kanila ay lumabas na lang ako ng gym at lumakad palabas ng gate ng school. Ayoko namang awayin o sabihin kay Tristan na nagseselos ako dahil baka sabihin niya na wala ako sa lugar at natatakot ako na baka mapahiya at ayoko na magtampo pa siya sa akin. Kaya sinarili ko na lang lahat.


Habang nakasakay ako sa bus, tila balisa ako at iniisip ang pangyayaring nakita kanina. Ayaw ko naman na bigyan pa ng kahulugan ang lahat ngunit bakit ganito? Bakit ako nagseselos? Bakit ako nasasaktan sa nakita ko kanina gayong alam ko naman na wala lang iyon at naglalaro lang sila. Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit tila galit si Tristan sa kanyang ka-team mate habang naglalaro sila. “Ah! Siguro may di lang sila pagkakaintindihan sa laro nila.” Pagpapanatag ko sa sarili, ganun kasi si Tristan, seryoso kung seryoso kapag naglalaro.


Kaya pinanatag ko na lang ang sarili ko. Siguro ay sa sobrang pagmamahal ko kay Tristan kaya ako nagkakaganito, kaya ako nagseselos.
Habang nasa gate ako ng bahay namin ay may napansin akong isang single bike sa labas ng bahay namin.


“Kanino naman kaya to?” Tanong ko sa sarili, siguro ay sa kapitbahay namin na kaibigan ni Karen, baka nagcocomputer na naman sila sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok ko n gaming bahay ay bumungad sa akin si Mommy at si Ate Grace na nakangiti. Noong mabaling ko ang aking mga mata sa bandang kaliwa ng bahay ay nakita ko ang isang lalaking may dala dalang bag pack. Tila nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla at pagkamangha sa nakita ko sa aking harapan.


Ang taong sobrang napamahal na sa akin…




“BES?!”


-          I T U T U L O Y 

17 comments:

  1. Hala may third party sa relasyon ni tristan at colby? Sino c Bes? Cannot wait for the next chapter...exciting. Thanks Neil.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. As i expected darating si bff lol :)

    thanks author sa bed scene that you've sent to me nakaraang araw



    -Rohan o07

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome rohan hihi, ou to the rescue sya :))

      Delete
  3. nakakakilig talaga! my god nakakainggit!

    hala, taong napamahal kay colby. sana tristan padin. posible kasing maungkat ung feeling nya hayyy.. can't wait..

    ReplyDelete
  4. Wow npaka gandang est0rya nadadala ako s kwento pati tuloy ang isip ko kung saan2x nlng pumopunta nkikibahagi s kwento jeje..wow wen ang nxt chapter excited ang mode..

    ReplyDelete
  5. Wow..gnda nman ng part na ito.:D.

    Sna may nxt na agd :)

    ReplyDelete
  6. nakakaexcite nman kasunod na chapter, kakakilig ng story

    joseph

    ReplyDelete
  7. ang pagbabalik ni bestfriend xander.

    haha

    next chapter selosan na!

    kinikilig na ako!

    -ian_matt-

    ReplyDelete
  8. hmmm...

    No comment muna ako sa chapter nato haha...

    ReplyDelete
  9. yeshhhh!!!! Dumating na rin sa wakas ang pinaka.aabangan kong character... :)


    Ipower na yan!!! XD

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails